You are on page 1of 7

EED SSC 1

Teaching Social Studies in Elementary Grades

Lesson Planning Activity 1

Grade
School Tarlac State University – College of Teacher Education Grade 4
Level

Learning
Teacher Vhan Gibson M. Ferrer Araling Panlipunan
Area

Submission
November 25, 2021 Quarter First
Date

Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pang-unawa sa


Pamantayang Pangnilalaman
pagkakakilanlan ng bansa ayon sa mga katangiang heograpikal
Content Standards gamit ang mapa.
Pamantayan sa Paggawa Ang mag-aaral ay naipamamalas ang kasanayan sa paggamit ng
Performance Standards mapa sa pagtukoy ng iba’t ibang lalawigan at rehiyon ng bansa.
Pamantayan sa Pagkatuto Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang mabawasan ang
Layunin Learning Competencies epekto ng kalamidad.
Objectives
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakapagsasabi ng iba’t ibang uri ng kalamidad.
2. Nailalarawan ang mga masasamang epekto ng kalamidad sa bansa.
3. Nakapagmumungkahi ng preparasyon o tugon sa isang kalamidad.

Paksang-Aralin
Subject Matter
Gabay ng Guro
Sanggunian Kagamitang Pangmag-aaral Learner’s material, pp. 95- 107
Reference CG AP4AAB- Ii-j-12
Kagamitang Panturo Teksbuk
Learning Resources Iba pang  Desktop Computer  Powerpoint Presentation
kagamitang  Sound System  Microsoft Teams
panturo  Video-editing Software  YouTube

PAMAMARAAN
Procedure
Panimulang A. Balik-aral sa nakaraang aralin.
Gawain Ngayong araw na ito, marahil nagagayak kayong malaman ang ating susunod na
Before the pag-aaralan. Ngunit atin munang balikan ang nakaraan na paksang tinalakay natin.
lesson
Ano nan ga ulit ang ating napag-aralan?

Mahusay! Ito ay ang mga iba’t ibang klase ng Heograpikal ng Pilipinas.

Anu-ano ang iba’t ibang uri ng pagkakakilanlang heograpikal ng Pilipinas?

B. Pagsisimula ng bagong aralin (at pagkonekta nito sa nakaraang aralin).


Bago natin simulan ang ating bagong aralin. May mga ipapakita ako sa inyong mga
personalidad na tiyak nakikita niyo sa inyong mga telebisyon.
(magpapakita ng larawan nina kuya kim at mang tani)

Marahil kilala ninyo sila, maaari niyo bang sabihin kung anong ginagawa nila sa
tuwing napapanood niyo sila sa telebisyon?

C. Paghahabi sa layunin ng aralin. / Pagganyak.


EED SSC2 – Teaching Social Studies in Elementary Grades
Lesson Planning Activity 1
| 1
Ipapanood sa mga bata ang pag bobroadcast nina Kuya Kim at Mang Tani upang
magkaroon sila ng ideya at iuugnay ito sa aralin.

During the A. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin.


Lesson Magpapakita ng mga larawan sa mga bata na naglalaman ng mga iba’t ibang uri
ng kalamidad:

Itanong:
1. Sabihin kung ano ang nasa larawan
2. Magbahagi ng mga karanasan sa mga larawan na ipinakita

EED SSC2 – Teaching Social Studies in Elementary Grades


Lesson Planning Activity 1
| 2
B. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1.

Mayroon tayong iba’t ibang kalamidad sa Pilipinas.

Nandyan ang mga:


Bagyo
Tsunami
Lindol
Landslide

At ang pinakaprominente at pinaka maaaring mangyari sa ating bansa ay ang


tinatawag na ‘pagsabog ng bulkan’

Nabanggit na sa mga unang aralin na ang Pilipinas ay isang


arkipelago na bahagi ng kontinente ng Asya, ang Timog-silangang
Asya, at matatagpuan sa pagitan ng 4°23' at 21°25' Hilagang
Latitud at sa pagitan ng 116° at 127° Silangang Longhitud. Ito
ay matatagpuan sa bahaging kanluran ng Karagatang Pasipiko.
Ang lokasyong ito rin ay kilala bilang Pacific Ring of Fire o
Circum-Pacific Belt. Ano ba ang Pacific Ring of Fire?
Ang Pacific Ring of Fire ay isang lugar o rehiyon kung
saan nakalatag ang maraming aktibong bulkan at kung saan
nagaganap ang madalas na mga paglindol. (AP 4- Kagamitang pang mag-aaral
pp.96)

Pansinin ang lokasyon ng Pilipinas. Halos ang buong bansa


ay bahagi ng Pacific Ring of Fire. Ayon sa Philippine Institute
of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang ahensiya ng
pamahalaan na namamahala sa mga pagkilos ng mga bulkan sa
bansa, may humigit-kumulang 22 aktibong bulkan sa Pilipinas.
May positibo at negatibong implikasyon ang pagiging bahagi
ng Pilipinas sa Pacific Ring of Fire. (AP 4- Kagamitang pang mag-aaral pp.96)

EED SSC2 – Teaching Social Studies in Elementary Grades


Lesson Planning Activity 1
| 3
Mga implikasyon

POSITIBO NEGATIBO
Tao o Mamamayan Tao o Mamamayan

- Pagiging resilient o matatag - Banta sa buhay at ari-arian

Likas na Yaman Likas na Yaman

- Naghahatid ng mayamang lupa - Pagkawasak o pagkasira ng


na mainam sa agrikultura kalikasan

Teritoryo Teritoryo
- Nagtataglay ng likas o natural na - Kailangang ilikas ang mga taong
harang nakatira malapit sa bulkan sa
tuwing magbabadya ito ng
pagsabog.
(AP 4- Kagamitang pang mag-aaral pp. 97)

Dumako naman tayo sa iba pang kalamidad. Nariyan ang LINDOL.

Ang halos buong bansa ay maaaring makaranas ng landslide


dulot ng mga paglindol. Upang maiwasan ang sakunang
dulot nito, makabubuti na makibahagi sa earthquake drill na
isinasagawa ng Disaster Risk Reduction and Management
Council (DRRMC) sa mga paaralan. Sa ganitong pagkakataon,
tandaan ang sumusunod:

Kung ikaw ay nasa:

Loob ng paaralan o gusali


• Duck, cover, and hold.
• Manatili rito hanggang
matapos ang pagyanig.
• Pagkatapos, lumabas
at pumunta sa ligtas
na lugar. Maging
kalmado at huwag
mag-panic.

Labas ng paaralan o gusali


• Lumayo sa mga puno,
linya ng koryente,
poste, o iba pang
konkretong estruktura.
• Umalis sa mga lugar
na mataas na maaaring
maapektuhan ng
landslide o pagguho ng lupa.

Ang paglindol din ay nagdudulot ng masamang epekto sa karagatan. Kung ika’y malapit
sa tabing-dagat, lumikas sa mataas na lugar dahil maaaring magkaroon ng TSUNAMI.

Ang tsunami ay epekto ng nagaganap na paglindol. Ito


ay ang madalas na pagtaas ng tubig sa normal na lebel. Ang
sumusunod na mapa ay nagpapakita ng mga lugar na may
panganib ng tsunami.

EED SSC2 – Teaching Social Studies in Elementary Grades


Lesson Planning Activity 1
| 4
Dumako naman tayo sa BAGYO na kung saan ay pangunahing kalamidad din dito sa
ating bansa.

Ang storm surge ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas


ng tubig sa dagat o karagatan dulot ng lakas ng hanging
dala ng bagyo. Isang halimbawa nito ang Bagyong Yolanda
noong Nobyembre 9, 2013 na nagdulot ng malaking pinsala sa
Kabisayaan lalong-lalo na sa Leyte at Samar. Nagkaroon din ng
banta ng storm surge sa bahagi ng lalawigan ng Quezon dala ng
bagyong Glenda at sa Samar at Leyte uli ng bagyong Ruby. Sa
ganitong pagkakataon kailangang:

• Gumawa ng plano ng paglikas.


• Lumikas sa mataas na lugar.
• Lumayo sa mga lugar malapit sa tabing-dagat.
• Tumutok sa radyo at telebisyon upang alamin ang mga
babala ng bagyo.

Tingnan ang mga babala ng bagyo sa ibaba.

EED SSC2 – Teaching Social Studies in Elementary Grades


Lesson Planning Activity 1
| 5
Mga Babala ng Bagyo

Signal No. 1
• Ang bilis ng hangin ay hindi lalampas
sa 60 kph at inaasahan sa loob ng 36 na
oras.
• Makibalita at maging alerto sa maaaring
pagbabago ng posisyon, direksiyon, at
bilis ng pagkilos ng bagyo.
• Tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng
inyong tahanan sakaling lumakas ang
bagyo.

Signal No. 2
• Ang bilis ng hangin ay nasa 61 hanggang
100 kph at inaasahan sa loob ng 24 na
oras.
• Ipinagbabawal na ang paglalayag ng
mga sasakyang pandagat at paglipad ng
mga sasakyang panghimpapawid.
• Manatili sa loob ng bahay.

Signal No. 3
• Ang bilis ng hangin ay nasa 101 hanggang
185 kph at inaasahan sa loob ng 18 oras.
• Ang mga nasa mabababang lugar ay
kailangang lumikas sa matataas na
lugar.
• Lumayo sa tabing-dagat at mga lugar na
malapit sa ilog.

Signal No. 4
• Ang bilis ng hangin ay mahigit sa 185
kph at inaasahan sa loob ng 12 oras.
• Manatili sa ligtas na lugar o sa evacuation
centers.
• Lahat ng mga outdoor na gawain at mga
paglalakbay ay dapat kanselahin.

Ayon sa PAGASA, ang ahensiya ng pamahalaan na


nangangasiwa sa mga paparating na bagyo at ibang kondisyon
o kalagayan ng panahon, humigit-kumulang sa 20 bagyo ang
dumaraan sa bansa bawat taon.

C. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2.


Magpakita ng larawan ng iba’t ibang klase ng kalamidad sa klase at itanong kung
anong maaaring preparasyon ang dapat nalang gawin sa bawat kalamidad na
kanilang makikita.

Pangwakas na A. Paglinang sa kabihasaan. / Formative Assessment #3


Gawain
After the lesson Panuto: Magbigay ng 1 preparasyon na pwedeng gawin sa mga mababanggit na
kalamidad.

1. Bagyo
2. Lindol
3. Tsunami
4. Landslide
5. Pagputok ng Bulkan

EED SSC2 – Teaching Social Studies in Elementary Grades


Lesson Planning Activity 1
| 6
B. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay.
Mag isip ng isang naranasan ninyong kalamidad at ibahagi sa klase kung paano
kayo nakaligtas dito nang matiwasay.

C. Paglalahat ng aralin.
Ano ang mga natutunan Ninyo ngayong araw sa ating aralin?

Sagot: Natutunan po namin ang iba’t ibang klase ng kalamidad at ang mga
preparasyon para dito.

Magbigay ng isang masamang epekto ng kalamidad sa ating bansa.

Sagot: Ang isa sa mga masamang epekto ng kalamidad sa bansa ay ang


pagkakaroon ng pagkawasak o pagkasira ng kalikasan.

D. Pagtataya ng aralin.
Panuto: Ibigay ang mga maaari mong gawin sa mga sitwasyon na mababanggit:

1. Lumindol ng malakas sa iyong paaralan - ________________________


2. Signal no. 4 sa iyong lugar - _____________________
3. May alert ang news o balita sa telebisyon na magkakaroon ng tsunami -
_____________
4. Nagpahayag ang PHIVOLCS ng balita patungkol sa puputok na bulkan malapit
sa inyong bahay- _________________________
5.
E. Karagdagang gawain.
Paguwi sa bahay, manood ng balita sa telebisyon patungkol sa mga iba’t ibang
klase ng kalamidad at pagmasdan kung ano ang mga ginagawa ng mga
mamamayan.

EED SSC2 – Teaching Social Studies in Elementary Grades


Lesson Planning Activity 1
| 7

You might also like