You are on page 1of 4

1. A. Panitikan: ang talinghaga tungkol sa may ari ng ubasan parabula- kanlurang asya Mateo 20: 1-16 B.

Gramatika/retorika: pagpapakahulugang metaporikal C. Uri ng teksto: nagsasalaysay

2. GUHIT KO, PAKINGGAN MO Gumuhit ng isang bagay na naging mahalaga sayo dahil minsan ay
kinapulutan mo ito ng aral. Matapos itong iguhit ay isalaysay mo sa klase ang mga pangyayari kung bakit
mo ito pinapahalagahan.

3. UNAHAN TAYO Pangkatang gawain: magpaligsahan sa pagsagot ang bawat pangkat kung saan nabasa
o narinig ang mga sumusunod na pahayag. 1. Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay nahuhuli. 2.
nararapat lang na tayo’y magsaya at magdiwang, sapagkat patay na ang kapatid mo ngunit nabuhay,
nawala, ngunit muling natagpuan.

4. ITO ANG PANANAW NG PANGKAT KO Bigyang-kahulugan ng bawat pangkat ang mga talinghaga sa
gawain 2. Isulat ang sagot sa manila paper at ibahagi sa klase. May 5 minuto kayo para isagawa ito.

5. TRY MO LANG SAGUTIN Sagutin ang mga gabay na tanong 1. Ano ang mensaheng nais ipahatid ng
binasang talinghaga? 2. Sa anong sitwasyon makikita ang talinghagang ito? 3. Ibigay ang mga aral o
mahahalagang kaisipang nakapaloob dito? 4. Paano naiiba ang mga talinghagang ito sa iba pang pahayag
mula sa iba pang akdang pampanitikan? 5. Paano mo maisasabuhay ang mga talinghagang ito?

6. Nang gumabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan a kaniyang katiwala “tawagin mo na ang mga
manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho”. Ang mga nagsimula
ng mag-ika-lima ng hapon ay tumaggap ng tigisang salaping pilak. Nang lumapit ang mga nauna,inakala
nilng tatanggap sila higit doon; ngunit ang bawat isa’y binayaran din ng tig- isang salaping pilak.
Nagreklamo ang mga nagtrabaho sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila “isang oras lamang gumawa ang mag
huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakakapasong init ng araw,
bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?” Sumagot ang may ari ng ubasan sa isa sa kanila
“kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tao sa isang salaping pilak? Kunin mo ang para sa
iyo at umalis ka na. ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo?” “
wala ba akong karapatang gawin sa aking ari-arian ang aking maibigan? Kayo ba’y naiingit dahil ako’y
nagmagandang loob sa iba?”

7. Ang parabula ay nagmula sa salitang griyego na parabole na nagsasaad ng dalawang bagay para
paghambingin? Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa
nakasaad sa banal na aklat . Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na
pamumuhay ng mga tao. Ang mga mensahe ng parabula ay isinulat sa patalinhagang pahayag. Ang
parabula ay di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin kundi binubuo din nito ang
ating moral at espiritwal na pagkatao.

8. UBASAN ISPIRITWAL NA KAHULUGAN LITERAL NA KAHULUGAN SIMBOLIKONG KAHULUGAN

9. MANGGA -GAWA ISPIRITWAL NA KAHULUGAN LITERAL NA KAHULUGAN SIMBOLIKONG KAHULUGAN

10. USAPANG SALAPING PILAK ISPIRITWAL NA KAHULUGAN LITERAL NA KAHULUGAN SIMBOLIKONG


KAHULUGAN

11. ORAS ISPIRITWAL NA KAHULUGAN LITERAL NA KAHULUGAN SIMBOLIKONG KAHULUGAN


12. PAGLINANG NG TALASALITAAN Ibigay ang hinihinging kahulugan ng mga salitang hango sa parabula
batay sa diagram.

13. SA ANTAS NG IYONG PAG UNAWA 1. Binagit sa parabula ang ubasan, manggagawa, upang salaping
pilak, oras upang maipahayag ang paghahambing. Sa iyong palagay , saan nais ihambing ni Hesus ang
bawat isa, bakit? BINANGGIT SA PARABULA NAIS PAGHAMBINGIN Ubasan Manggagawa Upang salaping
pilak oras

14. 2. Ano ang nais ilarawan ni Hesus sa pagsasalaysay niya tungkol sa dalawang uri ng manggagawa sa
ubasan? Pangatwiranan. 3. Bakit ubasan ang tagouan sa parabula. 4. Kung isa ka sa manggagawang
maghapon nagtrabaho at nagtiis sa nakakapasong init ng araw ngunit ang tinaggap na upa ay kapareho
rin ng isang oras lamang nagtrabaho, magrereklamo ka din ba? Bakit? 5. Kung isa ka sa mga
manggagawa na tumanggap ng parehong upa kahit ulang ang oras mo sa paggawa, ano ang
mararamdaman mo? Tatanggapin mo ba ang ibinigay a iyong upa? Pangatwiranan. 6. Suriin ang pahayag
ng isang pangkat ng mga manggawa sa parabula “isang oras lamang gumawa ang mag huling dumating,
samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakakapasong init ng araw, bakit naman
pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?” sa iyong pagsusuri anong mabuting asal ang nawawala sa
pangkat ng mga manggagawang nagsabi nito? Pangatwiranan.

15. 7. Kung ikaw ang may ari ng ubasan, pare pareho rin ba ang upa na ibibigay mo sa mga
manggagawa? Bakit? 8. May kilala ka ba o alam na tao na katulad ng may ari ng ubasan? Sa anong mga
bagay o gawi sila nagkakatulad? 9. Ano ang ibig ipakahulugan ng sinabi ni Hesus na ,”ang nahuhuli ay
nauuna at ang nauuna ay nahuhuli”. 10. Anong uri ng teksto ang binasang akda? Ipaliwanag.

16. Balikan ang mga salita o pariralang binigyan mo ng kahulugan sa paglinang ng talasalitaan sa gawain
5. Sa tulong ng mga ito, gayundin ng mga ibinigay mng simboliko at ispiritwal na kahulugan ay makabuo
ka ng sariling salaysay tungkol sa kung ano ang nais ipahatid na mga mensahe ng parabulang “Ang
talinghagatungkol sa may ari ng ubasan”. Matapos isulat ang salaysay ibahagi ito sa klase.

17. DRAW YOUR IMAGINATION Pakinggan mo ang mga pahayag ng ibat ibang mangangaral tungkol sa
mabuti at marangal na pamumuhay habang ikaw ay nakapikit. Unawaing mabuti ang mensahe at
pagkatapos ay isulat ang mga kaisipan, damdamin at mga aral na napulot mula sa mga napakinggang
mga pahayag. mensahe Bilang pangkaisipan Bilang pandamdamin Bilang pangkaasalan

18. NATUTUHAN KO… Alamin natin ang naging kabisaan sa iyo ng mensahe ng parabula sa pamamagitan
ng pagdurugtong mo sa panimula ng mga pangungusap. Ang ginawa mong pagsagot sa mga gawain ay
gagabay pa sa iyo para matukoy mo kung paano naiiba ang parabula sa iba pang mga akda. Matapos
kong mabasa ang “ ang talinghaga tungkol sa may ari ng ubasan” nalaman ko at natimo sa aking isipan
na _________________________________. Naramdaman ko rin at nanahan sa aking puso ang
_________________________. Dahil dito, may mga nais akong baguhin s aking ugali, mula ngayon
__________________________________________________________.

19. MAGSALIKSIK KA Pangkatang gawain: magsaliksik kung ano ang kauna unahang parabula ang
inilimbag sa sumusunod na bansa sa kanlurang asya. Maaaring kumuha ng impormasyon sa aklat,
pahayagan, magasin, panayam o internet. Pangkat 1: Saudi Arabia at Iraq Pangkat 2: Lebanon at Jordan
Pangkat 3: Syria at Kuwait Pangkat 4: Bhutan at Israel Alamin kung sino ang may akda, pamagat, tungkol
saan ang kwento, at ang mensaheng nakapaloob dito. Pagkatapos na mailahad ang ginawang
pananaliksik ay bumuo ng mga kaisipan kung paano nagkakatulad at nagkakaiba ang mga parabulang ito
mula sa mga bansang pinanggalingan.

20. HAWIIN NATIN ANG ULAP Magbigay ng kaugnay na mga salita sa salitang banga at pagkatapos ay
ipaliwanag ang sagot. BANGA

21. Isang araw, isang napakakisig na porselanang banga ang nag imbita sa kaniya na maligo sa lawa.
Noong una, siya’y tumanggi. Nang lumaon, nanaig sa kaniya ang paniniwalang ang lahat ng banga ay
pantay pantay. Naakit siya sa makisig na porselanang banga. Napapalamutian ito ng magagandang
disenyo at matitingkad ang kulay ng pintura. May palamuting gintong dahon ang gilid nito. Kakaiba ang
kanyang hugis at mukhang kagalang galang sa kaniyang tindig. “ Bakit wla namang masama sa paliligo sa
lawa kasama ang ibang uri ng banga. Wala naman kaming gagawing hindi tama,” bulong niya sa sarili. At
sumunod siya sa porselanang banga at sinabing, “oo,maliligo ako s lawa kasama mo. Ngunit saglit
lamang, nais ko lang na mapreskuhan”. “tayo na”, sigaw ng porselanang banga na tuwang tuwa. Sabay
silang lumundag sa lawa at nasarapan sa malamig na tubig. Nakadama sila ng kaginhawahan sa mainit
na panahon ng araw na iyon. Nang sila’y lumundag sa tubig, lumikha ito ng mga alon. Ang porselanang
banga ay tinangay papalapit sa kaniya. Kahit hindi nila gusto, bigla silang nag bangaan ng malakas. Isang
malaking alon ang humampas mula sa gilid ng lawa. Lumikha ito ng napakalakas na tunog. Ang
porselanang banga ay nanatiling buo na parang walang nangyari. Ngunit ang bangang gawa sa lupa ay
nagkalamat dahil sa malakas na banggaan nila. Habang siya’y nabibitak at unti unting lumulubog sa
ilalim ng tubig, naalala ng bangang lupa ang kaniyang ina .

22. SA ANTAS NG IYONG PAG UNAWA 1. Ihambing ang katangian ng bangang yari sa lupa at yari sa
porselana. 2. Sino ang kinakatawan ng bangang yari sa lupa? Ng bangang yari sa porselana? 3.
Nagtagumpay ba ang pangunahing tauhan sa kaniyang layunin. 4. Anong aral o mensahe tungkol sa
realidad ng buhayang nais ipahatid ng parabula? 5. Anong uri ng teksto ang binasang akda, bakit?

23. PAGSASANIB NG GRAMATIKA AT RETORIKA Ang pagpapakahulugang metaporikal ay pagbibigay


kahulugan sa salita bukod pa sa literal na kahulugan nito? Ito ay nakabatay kung paano ginamit sa
pangungusap. Mga halimbawa 1. a. bola – bagay na ginagamit sa paglalaro ng basketbol (literal)
Pangungusap: Dalian mo, ipasa mo na ang bola kay Jeron. b. bola –pagbibiro (metaporikal)
Pangungusap: Tigilan mo nga ako, puro ka naman bola. 2. a. pawis –lumalabas na tubig sa katawan
(literal) Pangungusap: Punasan mo ang pawis mo sa likod para hindi ka mapasma. b. pawis –
pinaghirapang gawin (metaporikal) Pangungusap: Alalahanin mo na pawis ko ang ipinambayad ko sa
tuition fee mo.

24. ANO ANG IBIG SABIHIN NITO Suriin ang mga salitang ginamit sa dalawang parabula at isulat sa iyong
sagutang papel ang ibig ipakahulugan nito. ANG TALINGHAGA SA MAY ARI NG UBASAN KAHULUGAN
PARABULA NG BANGA KAHULUGAN 1. Kaharian 1. Tagubilin 2. Upa 2. Sisidlan 3. Trabaho 3. Lumikha 4.
Bayaran 4. Nabibitak 5. ari-arian 5. lumulubog

25. IKONEK MO ….. Ihalintulad ang mga bagay na nasa talaan sa iba pang bagay. Bakit dito m
inihalintulad ang bagay na ito? BAGAY KATULAD 1. Asin 2. Ulap 3. Tubig 4. Bulaklak 5. Buto ng gulay o
prutas 6. ilawan

26. MAG ISIP ISIP Mula sa ibinigay mong pagtutulad sa pagsasanay 2, bumuo ng mga pangungusap na
nagpapakita ng magkaibang kahulugan.
27. 1. Punto por punto: bumuo ng sariling kaisipan kung paano maisasabuhay ang mga aral o
mahahalagang kaisipang nakapaloob sa parabula. 2. Share ko lang: ibahagi ang iyong natutunan kung
paano nakatutulong ang pagpapakahulugang semantika sa paglalahad ng mga pangungusap.

28. Bilang pangkawakas ikaw ay susulat ng isang paglalahad sa isang karaniwang bagay na maaaring
pagkunan ng magandang aral o mahahalagang kaisipan.

29. MATAGUMPAY MONG NALAMPASAN ANG ARALIN 3.2

You might also like