You are on page 1of 1

Ikaw, na larawan ko.

Ang pagguhit ko sa isang larawan, na siyang naging panaginip at pangarap ng pusong ito na hinahanap,
ang kulang.Marahil, kasing taas man ng alapaap, pero libo ang tuwa katumbas lamang ng isang yakap.

Paghahangad na magka-totoo, ang lahat ng ito, na mahagkan at mayakap ang isang larawan, na
malabong mangyari, dahil lamang sa pagitan.Pipilitin parin bang umasa sa aking mga sana? Na sana,
sana ay tayo na lamang dalawa, kahit isa ka lamang larawan na malabong mahawakan.

Malayo man ang pagitan, na parang langit at lupa, ako'y mahirap lamang at ikaw ay mayaman, ako ang
kasalanan at ikaw ang kabanalan, na nagpapakita lamang na ikaw at si ako, ay hindi pwedeng
magmahalan.

Iguguhit ko parin, ikaw, na aking larawan. Kasabay ng pagpinta ng aking nararamdaman. Patuloy parin
na magmamahal, kahit may hadlang o pagitan, ay magiging kuntento ako, sa isang imahinasyon na
mundo na kung saan magkasama tayo.

Ako si blangkong papel, na nabuhay sa isang guhit ng lapis na si tadhana.


Ako rin ang kulay na si kahel, na walang tunay na galak at ligaya.
Pero ako rin si talento, na umaasang mahalin ng larawan, kahit malabo.

Ikaw, na larawan ko.

You might also like