You are on page 1of 1

Ipinasa ni: Ashley Tago ng 11-MAXWELL

Ipinasa kay: Sir Dominic Quilantang

Sa patuloy na pag-unlad ng panahon, nagbabago ang komunikasyon. Bilang Pilipino, nasanay


na tayo sa mga iba't ibang paraan ng pakikipag halubilo tulad ng memes at conyo na tila tayo
lang ang nakakaintindi. Mahalaga ito lalo na sa pagpapahiwatig ng ating saloobin,
nararamdaman, at opinyon. Sa halimbawang ito, masasabi nating ito ang kahalagahan ng
komunikasyon. Bilang mamamayan, obligasyon nating panatilihin at maging edukado sa sarili
nating wika. Hindi lang dahil sa wika ito ngunit isipin din natin na maraming alaala, pangyayari,
sakripisyo, at kasaysayan ang dala nito sa buhay nating mga Pilipino. Bilang pag-asa ng
susunod na henerasyon, wag nating hayaang mapunta sa wala ang mga wika at diyalektong
nagbubuklod sa ating lahat simula noon, hanggang ngayon, at sa hinaharap.

You might also like