You are on page 1of 3

PANUNURING PAMPANITIKAN SA SANAYSAY

ANG KAPANGYARIHAN NG WIKA, ANG WIKA NG KAPANGYARIHAN


ni Conrado De Quiros

1. TAUHAN – ang sanaysay na ito ay akmang- akma sa kasalukuyang panahon dahil ito’y
isang sampal sa ating pagka Pilipino na naninirahan sa Pilipinas ngunit ibang wika ang
namumutawi sa pakikipagtalastasan.

Tulad sa unang pagsusuri, ginamit na persona ni De Quiros ang isang tauhang walang
pangalan na kakatawan sa ilang Pilipinong tuluyang inangkin ang Ingles at tinalikdan ang
pagyakap at paggamit sa wikang Filipino.

Mahusay na napakilos ni De Quiros ang personang kanyang ginamit dahil nagawa niyang
pag-isipin at pakilusin ang mga mambabasa upang magkaroon ng realization ang mga
ito. Realization kung nagagampanan pa ba ang tungkulin bilang isang Pilipino na
paunlarin ang wikang kinagisnan; kung wasto o labis na ang paggamit ng Ingles at kung
may naiambag o kontribusyon upang mas mapalaganap ang paggamit ni wikang Filipino.

Damang dama ang emosyong nakapaloob sa sanaysay kaya maaaring masabi na


nakaramdam din ang mga mambabasa ng pagkalungkot, panghihinayang, pagkadismaya
at marami pang iba.

2. BANGHAY – Malaki ang papel ng kapangyarihan ng wika upang mapatatag ang lipunan
nito at mas mapahagalahan ng nakararami.

Sa panimulang galaw ng sanaysay, inilalahad ni De Quiros ang kakatwang paggamit ng


wikang Ingles sa pagtawag sa ngalan ng aso at pagtuturo ng ilang mga tricks na waring
katunog ng dog whistle ang Ingles kaya’t nauunawaan ng mga aso ito.

Umiigting na galaw – inilalahad na ng may- akda ang gamit, kapakinabangan at saysay


ng wikang umiiral sa isang bansa. Kung paano ito nakatutulong upang magkaunawaan at
magkaintindihan ang mga indibidwal na gumagamit nito. At pagpapakilala sa wikang
Ingles bilang wikang susi o connect sa mundo.
Krisis – hindi maikakailang malaki ang naging epekto sa paggamit ng wikang Ingles sa
ating bansa mula noon hanggang sa kasalukuyan. Totoong ang mundo ay umiinog sa
pamamagitan ng teknolohiya at madalas sa wikang Ingles ito nakasulat. At pagkakaroon
ng maling kaisipan hinggil sa kaunlarang pang- ekonomiya gamit ang Ingles.

Kasuksudulan – inihambing ang Pilipinas sa Thailand sa pagiging puristang gumagamit


ng wikang Thai bagaman Ingles ang pangunahing wikang umiiral sa buong mundo. Higit
na pinalalakas ng bansang ito ang kanilang wika at nakatutulong ito upang mas
mapalakas ang kanilang turismo dahil hindi naglalakbay ang mga turista dahil lamang sa
wika nito kundi sa mga lugar na maaaring makapagdulot sa kanila ng panibagong
karanasang magagamit nila sa buhay.

Realisasyon – sa huling bahagi ng sanaysay, binigyang- diin ni De Quiros ang pahayag


na ito ‘Ang husay ng lengguwahe ay nasa mga taong
gumagamit nito’. Kahit sapilitang isinubo sa atin ang wikang Ingles, nasa sa atin pa rin
kung ituturing nating pangunahin o pangalawa ang wikang ito. Kung palalakasin ba natin
ang wikang Filipino kasabay ng paglakas ng wikang Ingles. Ito ang hamong iniwan ng
may- akda sa lahat ng kanyang mambabasa.

Sa pangkalahatan, maayos ang pagkakabalangkas ng mga ideya at kaisipang nais ikintal


sa isipan ng mga mambabasa. Hindi naging maligoy ang pagbibigay ng paliwanag maging
ng mga halimbawa.

3. TAGPUAN – hindi tuwirang binanggit ang lugar at panahon kung kalian naisulat ang
sanaysay na ito ngunit maaaring ipalagay na ito ay naganap sa alinmang lugar sa Pilipinas
sa kontemporaryong panahon.

Maituturing na isang mabigat na usapin ang sanaysay na ito hanggang sa kasalukuyan


dahil naaapektuhan pa rin nito ang lahat ng nasa akademya. Kaya masasabing epektibo
ang pagkakagamit ng tagpuan dito.

4. DIYALOGO - magaan at tila nakikipag- usap ang paraan ng pakikipag- usap ng may-
akda sa mga mambabasa. Gumamit si De Quiros ng pananalitang madaling maunawaan
ngunit may sipang iiwan sa isipan ng makababasa nito. Dahil waring nakikipag- usap ang
tema ng sanaysay kaya hindi maiiwasang gumamit ito ng mga salitang impormal dahil sa
huling bahagi ng sanaysay ay may mababasang mura. Ang paggamit ng Taglish ay
makikita rin sa sanaysay. Gayon pa man, epektibo ang kabuuan ng sanaysay sapagkat
mahusay na naitawid ni De Quiros ang mensaheng nais niyang ihatid sa mga mambabasa
lalo na’t patuloy pa ring pinag- uusapan ang isyu hinggil sa paggamit ng wikang Filipino
at Ingles na kapwa nakapagpapaunlad sa ating bansa.

5. TEORYANG PAMPANITIKAN – Angkop sa sanaysay na ito ang teoryang Realismo


dahil mababakas pa rin ang impluwensiyang iniwan at pangmatagalang epekto ng
pananakop ng mga Amerikano sa ating bansa. Pilit isinubo sa ating mga Pilipino ang
wikang Ingles bilang isang pangunahing wika. Kasabay nito ang pagtuturo ng kanilang
kultura at mga paniniwala upang tayo ay maging mas handa sa nakaabang na
pagsasagawa ng kanilang plano.

Sumailalim ang ating bansa sa isang “domino effect.” Ginamit ang wikang ito upang
patumbahin ang damdaming nasyonalismo ng bawat mamamayan. Kaya naman, lahat ng
nakapaloob sa pagiging Pilipino ng bawat isa ay unti-unting ninakaw ng sistemang ito.
Lahat ng nasa paligid ng bawat Pilipino ay kumiling na rin sa impluwensyang hatid nito.

Bagamat natapos na ang paghahari- harian ng Amerika sa ating bansa, patuloy na


nananaig ang mga naiwang bakas ng kanilang pagsakop. Karamihan sa atin ay tila ba
naging maka-Amerikano sa anyo ng pananamit, kulay ng balat, mga pagkain at maging
sa mga salita.

You might also like