You are on page 1of 2

BANGHAY-ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1

Grade I- Love
I. LAYUNIN
Ang mag-aaral ay…
a. Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagiging masunurin, pagpapanatili ng
kaayusan, kapayapaan at kalinisan sa loob ng tahanan at paaralan
b. Inaasahang magpapakita ng iba’t ibang paraan ng pagiging masunurin at magalang.
c. Napapahalagahan ang pagsunod at paggalang sa tahanan at paaralan.
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Pagsunod at Paggalang,Gagawin Ko Kahit Saan
Sanggunian: BOW ,ADM,PIVOT
Kagamitan: TV, Powerpoint, videos
d. Pagpapahalaga: Napapahalagahan ang pagsunod at paggalang sa tahanan at paaralan.

III. PAMAMARAAN
A. Pangunahing Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng mga lumiban sa klase.

B. Balik-aral
Itanong:
- Paano mo ba ito maipakikita ang pagiging masunurin o magalang?
1.Pagganyak
Itanong: Sumusunod ba kayo sa inyong guro? Ano-ano ang inyong ginagawa sa tuwing
umaalis ang inyong guro?

C. Paglalahad
Basahin natin ang kwentong ‘’Ang magalang at masunuring si Dominic Savio”

D. Pagtatalakay
-Talakayin ang binasang kwento. Magbibigay ng mga katanungan ang guro tungkol sa
binasang kwento.
1. Gawain may patnubay ng guro.
Mula sa Kwentong binasa, lagyan n g tsek(/ ) ang mga kilos o salitang
nagpapakita ng paggalang at pagiging masunurin, ekis () naman kung hindi.

2. Paglinang sa Kabihasaan (Independent Practice)


Piliin ang mga larawan na nagpapakita ng paggalang at pagiging masunurin.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

3. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Application)


Piliin ang titik ng tamang sagot na nagpapakita ng paggalang at pagsunod sa
nakakatanda.
1. Tinawag ka ng iyong guro upang tumulong sa paglilinis ng silid-aralan. Ano
ang gagawin mo?
a. Hahayaan ko silang maglinis
b. Kukuha ako ng walis at tutulong sa paglilinis.
c. Uupo nalang ako sa tabi at hintayin silang matapos.
E. Paglalahat
Ang pagiging masunurin at magalang ay mga kagandahang asal nating mga Pilipino.
Ito ay dapat mong paunlarin at pagyamanin.
Mahalaga ba ang pagsunod at paggalang sa nakakatanda? Bakit?
IV. PAGTATAYA NG ARALIN (Evaluation)
Iguhit kung papaano maipapakita ang pagsunod at paggalang sa nakakatanda sa paaralan
o sa tahanan.

Inihanda ni:

JUDY ANN A. ANINZO


Teacher Aide

Noted by.

MYRNA E. LAGUATAN
Head Teacher III

You might also like