You are on page 1of 23

11

Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Ikatlong Markahan
Modyul 1
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik – Ikalabing-
isang Baitang
Unang Markahan- Modyul 1: Tekstong Impormatibo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda balita, sanaysay, lathalain, tula at larawan na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

i
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Tagapagkontekstuwalisa: Jacqueline F. Estavilla, Ed. D.


Master Teacher 1 – Ramon Duterte Memorial National High
School, Guadalupe, Cebu City
Jonas Navaja
Teacher 1 – Sinsin National High School

Mga Tagapatnugot: Jacqueline F. Estavilla, Ed. D. MT 1 – Ramon Duterte MNHS


Jonas Navaja, T1 – Sinsin National High School

Mga Tagasuri: Imelda Binobo, PSDS – South District 4


Jocelyn B. Tejano, PSDS – North District 4
Phamela A. Oliva, Principal 2 – Basak Community ES
Alice S. Ganar, SHS Asst. Coordinator/ OIC,PSDS – SD8

Tagapamahala: Rhea Mar A. Angtud, Schools Division Superintendent


Danilo G. Gudelosao, Ass. Schools Division Superintendent
Grecia F. Bataluna, Chief – Curriculum Implementation Div.
Marivic C. Ople, EPSvr – Filipino/MTB – MLE
Vanessa L. Harayo, EPSvr – LRMDS
Luis Derasin Jr.,EPS-Araling Panlipunan/ SHS Division Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Cebu City Division, Region VII


Department of Education – Region VII
Office Address: Imus Avenue, Cebu City
Telefax: 255 - 1516
E-mail Address: cebu.city@deped.gov.ph

ii
11

Pagbasa at Pagsusuri ng
Ibat Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan – Modyul 1 :
Tekstong Impormatibo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga guro


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka. Binuo ito
upang matulungang makamit ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
. Hangad rin naming na mapagtagumpayan mo ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iv
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagbasa at Pagsulat ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik ng Ikalabing-isang Baitang ukol sa Mga Uri ng Teksto at Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

v
Suriin/Talakayin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

vi
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vii
Panimula
Ang modyul na ito ay dinisenyo, nilinang at sinuri para sa iyo. Ito ay binuo
upang matulungan kang maging dalubhasa sa pagsusuri ng iba’t ibang teksto. Ang
lawak ng modyul na ito ay pinapahintulutang gamitin sa iba’t ibang sitwasyong
pampagkatuto. Ang lengguwaheng ginamit ay kumikilala sa iba’t ibang antas ng
bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos alinsunod sa pagkasunod-
sunod ng mga pamantayan ng kurso.

MGA PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

1. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa ( F11PB-111a-


98 )
2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng
iba’t ibang uri ng tekstong binasa ( F11PT-111a-88 )

Pagkatapos ng modyul 1, ikaw ay inaasahang:

• naipaliliwanag ang mga katangian ng tekstong impormatibo;


• natutukoy ang mga uri ng tekstong impormatibo;
• naiisa-isa nang mga katangian ng tekstong impormatibo
• nakabubuo ng impormatibong patalastas

Subukin

Basahin ang mga pangungusap kung ang mga ito ay nagtataglay ng katotohanan na
pahayag o opinion lamang. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang

1. Ang COVID-19 ay unang nakilala sa pangalang 2019-nCoV o nCoV ( novel corona


virus. )
a. katotohanan b. opinyon

2. Ang sakit na ito ay sanhi ng bagong strain o uri ng coronavirus na nagsimula at


nagdulot ng outbreak sa Wuhan, Hubei, China at iba’t ibang panig ng mundo.
a. katotohanan b. opinyon

3. Ang “ tu-ob “ o steam inhalation ay mabisang gamot laban sa COVID-19.


a. katotohanan b. opinion

4. Si Benigno Aquino III ang nag-iisang pangulo ng Pilipinas na sumugpo sa


suliranin ng korapsyon.
a. katotohahan b. opinyon

1
5. Sa tingin ko ay may malaking pananagutan sa insidente sa Mamasapano si
Pangulong Aquino.
a. katotohanan b. opinyon

6. Pinakagwapong artista sa Pilipinas si Piolo Pascual.


a. katotohanan b. opinyon

7. Napatunayang nagnakaw ng kaban ng bayan ang dating Pangulong Joseph


Estrada.
a. katotohanan b. opinyon

8. Nandaya sa eleksyon noong 2004 si Dating Pangulong GloriaArroyo kaya natalo


si Fernando Poe Jr.
a. katotohanan b. opinyon

9. Ayon sa Saligang Batas, ang pangulo ng Pilipinas ay awtomatikong magsisilbi


bilang Commander –in-Chief ng PNPat AFP.
a. katotohanan b. opinyon

10. Ipinakita ng mga Pilipino ang katapangan at kabayanihan nang magkaisa sila
sa pagpapatalsik ng isang diktador. ( 1986- EDSA Revolution )
a. katotohanan b. opinyon

Aralin
Tekstong Impormatibo
1

Alamin

Ang araling ito ay pagsisimula ng pagtalakay sa iba’t ibang uri ng teksto.


Susundan naman ng iba pang uri ng mga teksto: deskriptibo, persuweysib, naratibo,
argumentatibo at prosidyural sa mga susunod na mga aralin.

2
Balikan

Sa milyong impormasyon na makikita sa social media , mahalaga ang matalas


na pagtukoy ng isang mambabasa kung ang impormasyong nabasa ay tunay o
huwad. Isang mahalagang kakayahan sa pagbasa ang diskriminasyon ng datos,
kung saan tinutukoy kung makatotohanan o hindi ang isang tiyak na impormasyon
, o kaya ay makabuluhan o hindi kailangang pagtuunan ng pansin. Ibahagi ang
isang karanasan kung saan pinaniniwalaan ang isang impormasyong nabasa sa
Facebook o Twitter ngunit kalaunan ay natuklasang hindi naman pala totoo. I –
screen shot , at i-print ang larawan, o isulat ang mensahe o paskil na nakuha sa
anomang social media site, newspaper, telebisyon, at narinig sa radio. Idikit o isulat
sa ibaba ang iyong kasagutan.

Tuklasin

Alalahanin ang isang pinakabagong balitang napakinggan, napanood , o nabasa,


maging ito man ay lokal, pambansa, o pandaigdig. Isulat ang buod ng balita at ilagay
ang mahahalagang impormasyong naaalala sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong sa talahanayan.
3
Paksa ng Balita: ___________________________________________

Tanong Sagot
1. Ano ang nangyari?

2. Sino ang mga kasangkot?

3. Saan nangyari?

4. Kailan nangyari?

5. Paano nangyari?

Suriin / Talakayin

Tekstong Impormatibo: Para sa iyong Kaalaman

Ang tekstong impormatibo, na kung minsan ay tinatawag ding ekspository,


ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng
impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan,
saan, sino at paano. Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang
magpaliwanag sa mga mambabasa ng anomang paksa na matatagpuan sa tunay
na daigdig. Kaiba sa pikisyon, naglalahad ito ng mga kwento ng mga tunay na tao o
nagpapaliwang ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari.
Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay biyograpiya, mga
impormasyong matatagpuan sa diksyunaryo, encyclopedia, almanac, papel –
pananliksik, sa mga journal, siyentipikong ulat, at mga balita sa dyaryo.
Upang mas madaling maunawaan ang anumang tekstong impormatibo,
kadalasang gumagamit ang manunulat ng iba’t ibang pantulong upang gabayan ang
mambabasa na mabilis na hanapin ang iba’t ibang impormasyon. Kabilang dito ang
talaan ng nilalaman, indeks, at glosaryo para sa mahahalagang bokabularyo, mga
larawan at ilustrasyon, kapsyon o iba pang uri ng palatandaan para sa mga larawan,
graph, at talahanayan
Iba’t Ibang uri ng Tekstong impormatibo

May iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo depende sa estraktura ng


paglalahad nito. Ang mga estrakturang ito ay sa pamamagitan ng sanhi at bunga,
paghahambing, pagbibigay- depinisyon, at paglista ng klasipikasyon.

4
1. Sanhi at Bunga

Ito ay estraktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng


mga pangyayari at kung paanong ang kinalalabasan ay naging resulta ng mga
naunang pangyayari. Sa uring ito, ipinaliliwanag ng manunulat ang malinaw na
relasyon sa dalawang bagay at nagbibigay ng pokus sa kung bakit nang yari ang mga
bagay (sanhi) at ano ang resulta nito (bunga). Narito ang halimbawa ng
impormatibong tekstong nasa estrukturang sanhi at bunga.

Pagkaubos ng Yamang-dagat sa Asya


Ang pinakamahalagang rehiyon sa paningisda at produksiyon ng yamang
dagat sa buong mundo ay ang Asya. Aquaculture ang tawag sa pag-aalaga ng isda
at iba pang hayop na nabubuhay sa tubig sa isang kontroladong kapaligiran.
Noong 2008, halos 50% ng kabuuang huli ng isda ang nagmula sa Asya. Anim sa
nangungunang sampung bansa sa produksiyon ang nagmula sa Asya: Tsina,
Indonesia, Japan, India, Pilipinas, at Myanmar. Sa Asya rin nagmula ang 90% na
kabuuang produksiyon ng isda mula sa aquaculture.
Sa kabila ng mayamang karagatan ng Asya na pinagkukunan ng iba’t ibang
yamang-dagat, ipinakikita ng mga pananaliksik na maraming suliraning
kinakaharap ang industriyang ito na magdudulot sa pagkaubos ng yamang dagat.
Nakababahala ang istatistikang mga pananaliksik. Ayon rito, 75% ng kabuuang
dami ng isda sa buong mundo ay hinuhuli ng mas mabilis kaysa sa kakayahan
nilang magparami. 80% ng uri ng isda ay bumababa ang bilang habang 90% ng
malalaki at matatas na uri ng isda- kasama ang tuna, pating, swordfish , cod , at
halibut – ay wala na. Ayon sa prediksiyon ng mga siyentipiko, kapag nagpatuloy
ang kasalukuyang kalakaran sa pangingisda ay wala nang matitirang isda para
kainin ng mg tao sa taong 2050.

Maraming dahilan sa unti-unting pagkaubos ng yamang ito. Dumarami ang


tao kung kaya’t lumalaki ang populasyong umaasa sa hindi nagbabagong
produksiyon ng yamang dagat. Sa isang pag-aaral na isinagawa ng National
Geographic Society, sinasabing ang Tsina at Japan ang nangungunang
konsyumer ng pagkaing dagat na umaabot sa 694 milyong tonelada at 582
milyong tonelada kada taon.

Bukod sa nakaasa ang pamumuhay ng mga Asyano sa mga yamang-dagat,


ang isa pang tinuturong pangunahin at mas malalang dahilan ay ang suliranin
ng sobrang pangingisda o overfishing. Nangyayari ito kapag ang mga isda at iba
pang lamang dagat ay hinuhuli nang mas mabilis kaysa sa kakayahan nilang
manganak o magparami.
Malaking hamon din sa yamang-dagat ang malawakang pagkasira ng coral
reef na pinaninirahan ng mga isda.

Sa halimbawang teksto , malinaw na ipinakita ang suliranin sa pagkaubos ng


yamang-dagat na maaring bunga ng iba’t ibang kapabayaan ng tao gaya ng
overfishing at illegal na pangingisda

5
2. Paghahambing

Ang mga tekstong nasa ganitong estraktura ay kadalasang nagpapakita ng


mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anumang bagay, konsepto, o
pangyayari. Narito ang halimbawa ng tekstong naghahambing.

Sistemang Politikal ng Sinaunang Asya:


Tsina Bilang Gitnang Kaharian at ang Banal na Pamamahala ng mga
Emperador sa Japan
Hanggang noong ika-16 siglo, pinaniniwalaan ng mga historyador na ang
Asya ang pinakasentro ng daigdig. Ito ang pinagmulan ng pinakamatandang
sibilisasyon sa mundo at ang pinakamalakas at matatag na pamamahala at
Imperyo. Nagkaroon ng malaking impluwensya sa mga paniniwalang politikal ng
sianunang Asya ang dalawang mauunlad na sibilisasyon sa Tsina at Japan.

Naniniwala ang mga Tsino bilang Gitnang Kaharian , ang kanilang


paniniwala ang pinakamataas na lahi habang ang mga hapon naman, bagamat
nagmula rin sa Tsina ang sinaunang paniniwala, ay ipinagmamalaking nagmula sa
kanilang lupain ang mga diyos na namumuno sa daigdig.
Ipinagmamalaki ng mga Tsino na nagmula sa kanila ang sibilisasyong Huang
Ho, na isa sa pinakaunang sibilisasyon sa mundo. Ang bansang ito rin ang may
pinakamatandang nabubuhay na sibilisasyon . Nakabatay ang sinaunang
sibilisasyon ng Tsina sa mga aral ni Confucius. Dagdag pa sa aral ng
Confucianismo, ipinagmamlaki rin ng mga Tsino ang hindi matawarang
kontribusyon nila sa larangan ng pilosopiya, mga paniniwala , at imbensyon.
Bagamat hiniram ng mga Hapon ang kulltura ng mga Tsino, may katutubong
kultura at paniniwala rin sila tungkol sa kanilang mga sarili at posisyon sa mundo.
Naniniwala ang mga hapon na ang kanilang lupain ay lupain ng mga Diyos sapagkat
umusbong ito sa pamamagitan ng pagpapakasal ng kanilang Diyos na si Izagani
at Diyosa na si Izanami. Ayon din sa alamat ng mga Hapon, ang kanilang diyosa ng
araw na si Amaterasu-Omi-kami ay ang anak ng dalawa. Mahalaga si Amaterasu
sapagkat siya ang nagdala ng liwanag sa daigdigMay kwento na minsan’y nagtampo
si Amaterasu sa kanyang kapatid na lalaki kaya’y nagtago siya sa isang kweba na
naging dahilan ng pagdilim ng buong mundo. Sinasabi rin sa alamat na ipinadala
ni Amaterasu ang kanyang apo na si Ninigi-no-Mikoto upang maghari sa daigdig.
Sa pamamagitan ng mga alahas, espada, at salamin ni Amaterasu, lumitaw si
Ninigo sa isla ng Kyushu sa Japan. Ang kaapuhan ni Ninigi na si Jimmu Tenno ang
kauna-unahang emperador ng bansang Japan. Itinuturing ngayon na sagradong
simbolo ng emperador ang mga alahas, espada, at salamin.

Gayunpaman, kung ihahambing sa Tsina, hindi naniniwala ang mga Hapon


sa mandato ng kalangitan kung kaya’t hindi maaaring alisin sa kapangyarihan ang
emperador. Banal ang emperador at kinakailangang siya ay nagmula sa linya ng
angkan ni Amaterasu. Sa kasalukuyan, hindi na tinitingnan bilang banal at sagrado
ang emperador ngunit minamahal at iginagalang pa rin siya ng mga tao.Simula
noon at hanggang nagyon, itinuturing siyang simbolo ng pagkakaisa ng
sambayanang Hapon.

6
Sa halimbawang teksto, maliwanag na ipinakita ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng mga paniniwala ng mga Tsino at Hapon pagdating sa sinaunang
pamamalakad ng gobyerno. Kapansin-pansin din na ang magkaibang tradisyon na
pinagmumulan ng dalawang bansa ang nagtatakda ng kaayusan ng kasalukuyang
sistemang politikal ng bawat lipunan.

3. Pagbibigay-depenisyon

Ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang salita, termino, o


konsepto. Maaring ang paksa ay tungkol sa isang konkretong mga bagay gaya ng
uri ng isang hayop, puno, o kaya naman ay mas abstraktong mga bagay gaya ng
katarungan, pagkakapantay-pantay, o pag-ibig, Sa ganitong uri ng tekstong
impormatibo, mahalagang pag-ibahin ang mga kahulugang denotatibo o kononatibo.
Narito ang isang halimbawa ng teksto na maglalahad ng iba’t ibang depinisyon ng
imperyalismo.

Imperyalismo

Madalas na marinig natin ang salitang imperyalismo na isinisigaw ng mga


aktibista sa lansangan. Panawagan nila ang pagpapabagsak ng imperyalismo,
ngunit ano nga ba ang kahulugan ng imperyalismo at bakit ito itinuturong ugat
ng paghihirap?
Ayon sa Dictionaty of Human Geography, ang imperyalismo ay
nangngahulugan ng hindi pantay na pantao at teritoryal na relasyon sa pagitan
ng mga bansa sa pamamagitan ng pagbuo ng imperyo batay sa ideya ng pagiging
superyor at bilang praktika ng dominasyon. Kinasasangkutan ito ng ekstensyon
ng awtoridad at pagkontrol sa isang estado o sambayanan. May dalawang uri ng
imperyalismo. Una ay tinatawag ni Lewis Samuel Feuer na “ regresibong
imperyalismo” na ang katangian ay purong pananakop, pagsasamantala,
pagpatay, o pagtataboy sa mga hindi kanais-nais na taong orihinal na
naninirahan sa lupain upang panirahan ng mga mananakop. Ang ikalawa ay ang
“ progresibong imperyalismo”, na batay sa kosmopolitang pagtingin sa
sangkatauhan at nagpapalaganap ng sibilisadong pamumuhay sa mga
atrasadong lipunan. Nilalyon ng mga mananakop na pataasin ang antas ng
pamumuhay at kultura ng mga sinasakop na teritoryo at bigyan sila ng
pagkakataon na tularan o asimilahin ang pamamaraan ng mananakop.

Ginamit ang terminong imperyalisnmo upang ipakita ang politikal at pang-


ekonomikong dominasyon ng mga kanluraning bansa noong ika-19 at ika-20
siglo. Ang terminong post-colonial ay unang ginamit ng manunulat at propesor
na si Edward Said upang ilarawan ang sistema ng dominasyon at subordinasyon
kung saan may nabubuong sentro ( kultura ng mananakop ) at mardyinalisado (
kultura ng sinakop ).

Ang halimbawang teksto na nagbibgay –depinisyon sa imperyalismo ay


nagpaliwanag ng iba’t ibang kahulugan at manipestasyon nito ayon sa iba’t ibang
manunulat.

7
4. Paglilista at klasipikasyon.

Ang estrukturang ito naman ay kadalsang naghahati-hati ng isang malaking


paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang
pagtalakay. Nagsisimula ang manunulat sa pagtalakay sa pangkalahatang
kategorya at pagkatapos bibigyang depinisyon at halimbawa ang iba’t ibang
klasipikasyon o grupo sa ilalim nito. Kung ang naunang halimbawang teksto ay
naipaliwanag ang depisisyon ng imperyalismo, ipakikita naman sa susunod na
teksto ang iba’t ibang klasipikasyon nito batay sa teritoryo.

Imperyalismo sa Iba’t Ibang Teritoryo


Ang panahon ng imperyalismo ay nagsimula sa huling bahagi ng ika-17 siglo.
Sa panahong ito, sinasakop ng mauunlad na bansa ang hindi mauunlad na bansa
upang magpalawak ng kapangyarihan. Bagamat matagal nang laganap ang
pananakop, ang terminong “Panahon ng Imperyalismo” ay tumutukoy sa
pagpapalawak ng teritoryo ng mga bansang tulad ng United Kingdom, France,
Germany, Italy, Japan, at Estados Unidos sa Asya at Africa.
Imperyalismo sa Timog Asya

Noong ika-16 at ika-17 siglo, ang ilang mga bansa sa Europa ay nagkaroon
ng kolonyang imperyo sa Asya. Lumago ang mga imperyo ng Britanya hanggang
ika-19 siglo. Noong 1600, nagtayo ang East India Company ng sentro ng kalakalan
sa daungan ng Timog Asya. Unti-unting naging makapangyarihan at nakontrol ang
halos kabuuan ng kalakalan sa Indian Peninsula. Maliban dito, nagkaroon ang
kompanya ng kontrol sa mga susing posisyon sa gobyerno ng India. Dahil dito, unti-
unting ipinakilala sa bansa ang mga ideya, kaugalian, paniniwala, edukasyon, at
teknolohiya ng mga Briton. Noong 1800, itinuring ang India bilang
pinakamaningning na hiyas ng Imperyong Britanya.

Imperyalismo ng mga Aleman

Mula sa orihinal na lupain sa Scandinavia at sa hilagang bahagi ng Europa,


nagpalawak ng teritoryo ang mga tribong Aleman sa bahaging hilaga at kanlurang
Europa na sumakop sa mga Celtic at iba pang grupo ng tao upang buuin ang Holy
Roman Empire, ang unang imperyo ng mga Aleman kung kaya’t nanatiling
konseptwal na termino lamang ang Germany na tumutukoy sa walang hugis na
teritoryo sa Gitnang Europa.

Imperyalismo ng mga Hapon

Sa panahon ng Unang Digmaang Sino-Japanese noong 1894, nasakop ng


mga Hapon ang Taiwan. Nakibahagi rin sila sa Isla ng Rusya bilang bunga ng
digmamang Russo-Japanese noong 1905. Naging sakop din ng kanilang teritoryo
ang Korea noong 1910 at ang ilang teritoryo ng mga Aleman sa Shandong, Tsina.
Sa Ikalawang Digmaang Sino-Japanese noong 1937, nasakop ng mga Hapon
ang Tsina, at sa pagtatapos ng Digmaang Pasipiko, nasakop nila ang halos lahat ng
bansa sa Sialngang Asya kasama na ang mga teritoryo ng Hong Kong, Vietnam,
Cambodia, Thailand,
Inilahad Myanmar,tekstong
ng halimbawang Pilipinas, Indonesia, ang
impormatibo Newiba’t
Guinea,
ibangatklasipikasyon
iba pang isla
sa karagatang Pasipiko.
at manipestasyon ng imperyalismo sa iba’t ibang bansa. Sa unang bahagi ay .

8
Inilahad ng halimbawang tekstong impormatibo ang iba’t ibang klasipikasyon
at manipestasyon ng imperyalismo sa iba’t ibang bansa. Sa unang bahagi ay
ipinaliwanag ng teksto ang kabuuang katangian ng panahon ng imperyalismo at isa-
isang tinalakay ang iba’t ibang manipestasyon nito sa bawat teritoryo.

Sa kabuuan , mas madaling nauunawaan ang kahulugan ng teksto kung agad


na nakukuha ng mambabsa ang ginamit na padron o estruktura ng paglalahad ng
manunulat sa isang tekstong impormatibo

Ayon kay Yuko Iwai ( 2007 ) sa artikulong “Developing ESL/EFL


Learner’sReading Crisis: Why Poor Children Fall Behind” mahalagang hasain ng
isang mahusay na mambabasa ang tatlong kakayahan upang unawain ang mga
tekstong impormatibo. Ang mga kakayahang ito ay ang pagpapagana ng mga imbak
na kaalaman, pagbuo ng mga hinuha, pagkakaroon ng mayamang karanasan.

Ang pagpapagana ng imbak na kaalaman ay may kinalaman sa pagtalala ng


mga salita at konseptong dati ng alam na ginagamit sa teksto upang ipaunawa
ang mga bagong impormasyon sa mambabasa. Halimabwa,
kung nagbabasa ang isang mag-aaral tungkol sa iba’t ibang uri ng pamumuno,
maaari niyang balikan ang nauna na niyang nalalaman tungkol sa presidente,
minister, o iba pang uri ng pinuno upang iugnay sa mga bagong
matutuklasang impormasyon.

Ang pagbuo ng hinuha naman ay may kinalaman sa pagbasa ng mga


bahagi ng teksto na hindi gaanong malinaw sa pamamagitan ng pag-uugnay nito
sa iba pang bahagi na malinaw. . Ito ay matalinong paghula ng maaaring kahulugan
ng isang bahagi na hindi direkta o tahasang ipinaliwanag sa teksto. Mahalagang
sanayin ng isang mambabasaang kritikal na pag-iisip sa ganitong mga kaso upang
hindi maantala ang pagbabasa sa kabuuan ng teksto.

Mahalaga rin ang pagkakaroon ng mayamang karanasan sa pagbasa ng


iba’t ibang teksto at pagdanas sa mga ito.Halimbawa, kung ang isang mambabasa
ay may malawak na karanasan at pag-unawa sa iba’t ibang uri ng hayop, mas
magiging madali na sa kaniya ang pagbuo ng mga kategorya at pag-unawa sa
iba’t ibang grupo nito sa batay sa mga katangiang kaniya nang nasaksihan Sa
ganitong pagkakataon , mas nagiging konkreto ang pagbabasa para sa mag-aaral
dahil alam nila kung ano ang tinutukoy sa teksto.

Nagbigay rin ng iba’t ibang estratehiya si Iwai ( 2007) kung paanong


mahahasa ang mga kakayahang nabanggit sa itaas. Tinukoy niya na mahalaga ang
pagsasanay sa pagkilala ng iba’t ibang panandang diskurso o salitang
pangtransisyon.
Ang pagtukoy sa paraan ng organisasyon ng mga impormasyon sa teksto ay
makatutulong din sa malalim na pag-unawa ng mambaasa. Mahalaga ang
kasanayan sa pagbabalangkas upang Makita ang pagkakaayos ng mga ideya at kung
paano binabalangkas ang kabuuan ng teksto. Ang isa pang paraan sa pagpapatalas
ng pag-unawa sa mga tekstong impormatibo ay ang pagpapayaman ng bokabularyo.
Kung iuugnay ng mambabasa ang mga dati ng alam na salita sa mga salitang hindi
pa gaanong nauunawaan sa teksto, mas magiging madali at mabisa ang pag-unawa
sa buong kahulugan.

9
Isaisip

Tandaan: Ang tekstong impormatibo, na kung minsan at tinatawag ding


ekspositori, ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at
magbigay ng impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong
na ano, kailan, saan, sino, at paano. Pangunahing layunin ng impormatibong
teksto ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng anomang paksa na matatagpuan
sa tunay na daigdig.

Isagawa

Panuto: Naunawaan sa nakaraang aralin ang mga layunin at katangian ng isang


tekstong impormatibo.May mga tiyak na halimbawang ibinigay rin sa
aralin. Gumawa/Lumikha ng patalastas tungkol sa pangangalaga sa
kalikasan na magpapakita ng kaalaman at kasanayan na naunawaan
mula sa naging talakayan sa katangian at kalikasan ng tekstong
impormatibo.

Paglikha ng Patalastas Tungkol sa Pangangalaga sa Kalikasan

Ang patalastas na ito ay maaring sa pamamagitan ng video o polyeto.


Anomang porma ng patalastas ang piliin, kailangang naglalaman ito ng
mga impormasyon at kampanya tungkol sa pangangalaga sa kalikasan.
Ang video ay kailangang tumagal lamang ng isa hanggang dalawang
minute habang ang polyeto naman ay nakaayos depende sa haba ng
impormasyon na nais ipahayag tungkol sa partikular na paksa.

( NOTE : Isumite . Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang , seksiyon at


bilang ng modyul. )

Tatayain ang patalastas sa pamamagitan ng sumusunod na batayan:

Batayan ng Grado Kaukulang Puntos Grado

Tumpak ang mga datos at 10 ______


impormasyong ginamit

10
Napapanahon at kapaki-pakinabang
ang napiling paksa tungkol sa 10 _______
kalikasan

Maayos ang sistema at malinaw ang 10 _______


paglalahad ng mga bahagi

Malikhain at maayos ang kabuuang 10 _______


presentasyon ng datos

Kabuuan: ( 40 ) ______

Karagdagang Gawain/ Pagyamanin

Gawain I. Balikan ang halimbawa ng paghahambing sa aralin na may titulong “


Sistemang Politikal ng Sinaunang Asya: Tsina Bilang Gitnang kaharian at ang Banal
na Pamamahala ng mga Emerador sa Japan.” Itala ang mga pagkakaiba at
pagkakatulad ng sinaunang sistema ng pamumuno sa Tsina at Japan batay sa
naunawaan sa teksto. Gamitin ang Venn Diagram sa ibaba upang itala ang mga
punto ng paghahambing.
( NOTE : Isumite . Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang , seksiyon at
bilang ng modyul. )

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba

11
Gawain II. Muling basahin ang tekstong “ Pagkaubos ng Yamang-dagat sa Asya”
na isang halimbawa ng tekstong impormatibo na nasa anyong
estrukturang sanhi at bunga. Itala ang mga tinukoy na sanhi at bunga
ng pagkaubos ng yamang –dagat sa Asya mula sa impormasyong nasa
teksto. Gamit ang kahon sa ibaba, lumikha ng isang dayagram na
magpapakita ng relasyong sanhi at bunga mula sa teksto.

( NOTE : Isumite . Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang , seksiyon at


bilang ng modyul. )
Sanhi Bunga

Tayahin

Bilugan ang titi ng tamang sagot.

( NOTE : Isumite . Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang , seksiyon at


bilang ng modyul.

1. Ang mga tekstong nasa ganitong estruktura ay kadalasang nagpapakita ng mga


pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay, konsepto, o pangyayari
ay tinatawag na ___________.
a. Sanhi at Bunga c. Paglilista
b. Paghahambing d. Klasipikasyon

2. Ipinaliliwanag ng ganitong uri ng teksto ang kahulugan ng isang salita, termino,


o konsepto.
a. Paghahambing c. Pagbibigay -depinasyon
b. Sanhi at Bunga d. Paglilista ng Klasipikasyon

3. Ito ay pahayag ng isang tao tungkol sa kanyang paniniwala at prinsipyo. Maari


itong sang-ayunan o tutulan ng ibang tao.
a. Paglista ng Klasipikasyon c. Opinyon
b. Katotohanan d. Pangatnig

12
4. Mga faktwal na kaisipan o pahayag na hindi mapapasubalian.
a. Katotohanan c. Pang-ukol
b. Pangngalan d. Opinyon

5. Uri ng babasahing di-piksyon na naglalayong magbigay ng impormasyon o


magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.
a. Tekstong Prosidyural c. Tekstong Deskriptibo
b. Tekstong Argumemtatibo d. Tekstong Impormatibo

6. Ang esttruktura ng tekstong ito ay kadalasang naghahati-hati ng isang malaking


paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang
pagtalakay.
a. Paglilista ng Klasipikasyon c. Sanhi at Bunga
b. Pagbibigay- depinisyon d. Paghahambing

7. Ito ay estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga


pangyayari at kung paano ang kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang
pangyayari.
a. Paghahambing c. Pagbibigay -depinasyon
b. Paglilista ng Klasipikasyon d. Sanhi at Bunga

8. Hindi sinasagot ng tekstong impormatibo ang tanong na ___________.


a. Ano c. Kailan
b. Bakit d. Saan

9. Mahalaga ang ______________________________ sa pag-unawa ng tekstong


impormatibo upang lubusang maunawaan ang kahulugan at pagkakaugnay-ugnay
ng nilalaman nito.
a. malawak na bokabularyo c. malakas na pagbasa
b. mabilis na pagsulat d. matalas na pakikinig

10. Layunin ng tekstong ito na maglahad ng mga impormasyon, datos, at


depinisyon tungkol sa anomang paksa.
a. Tekstong Deskriptibo c. Tekstong Impormatibo
b. Tekstong Argumemtatibo d. Tekstong Prosidyural

13
Sanggunuian:
De Laza, Crizel Sicat et al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Manila, Philippines, Rex Book Store. 2016
Ibang Sanggunian:

Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

16

You might also like