You are on page 1of 1

SINING

Ikatlong Markahan –
Aralin 5: Mga Katutubong Disenyo:
Paglilimbag sa Pamayanang Kultural

Matapos mong pag-aralan at gawin ng iba’t ibang pagsasanay sa modyul na ito ay


inaaasahan na matatamo mo ang kasanayang ito:
1. Nakabubuo ng isang disenyong paglilimbag (relief master) sa pamamagitan ng
pagdaragdag at pagbabawas na pamamaraan (additive and subtractive process).

Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa pamamagitan ng


pag-iwan ng bakas (print) ng isang kinulayang bagay.
` Upang may maiwang bakas o limbag, kailangan ang tinatawag na molde o relief mold.
Ito ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng iba’t ibang bagay na matatagpuan natin sa ating
paligid.
Mahalaga ang tinta/kulay sa paglilimbag. Sa pamamagitan nito, napapayaman ang
ganda ng mga gawaing sining dahil ito ay nagpapakita ng damdamin at imahinasyon.
Subalit, bago ka makapag-imprenta, kailangang mayroong molde. Halina’t ating
alamin ang paggawa ng nito. May dalawang (2) paraan ng paggawa ng molde. Una, ay ang
additive at ang ikalawa ay ang subtractive.
Paano nga ba ginagawa ang prosesong additive? Tingnan mo ang larawan sa ibaba.
May napapansin ka ba sa disenyo?
Ang tawag dito ay rubber stamp. Ito ay karaniwan nating nakikita
na ginagamit sa pagtatatak na idinidiin muna sa stamp pad na may
tintang asul bago ididiin sa papel at maiiwan ang bakas ng disenyo.
Ang disenyo ay ilalapat sa isang pad na goma o foam board.
Tinatanggal ang mga goma na hindi kailangan sa paligid ng disenyo
sa pamamagitan ng engraving tool. Ititira lamang ang nais na
disenyo kung kaya’t nakaangat ito na syang makikita sa molde.

Ano naman ang pamamaraang subtractive? Tingnan mo ang


larawan sa ibaba. Ang tawag dito ay Linoprint.
Ang pamamaraaang ito ay kabaliktaran ng additive. Dito,
inuukit pailalim ang drowing o disenyo. Matitira lamang ang
background na kung saan kapag inimprenta, ay walang lalabas na
kulay sa mga inukit o tinanggalang bahagi ng foamboard o tabla.

You might also like