You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION IV – A CALABARZON
DIVISION OF RIZAL
CAINTA SUB-OFFICE
SAN JUAN ELEMENTARY SCHOOL UNIT – 1
Gen.RicarteSt.,Brgy.San Juan, Cainta, Rizal

Semi- detailed Lesson Plan in Music IV

Guro: Jelence Joy M. Fernandez

Baitang at Oras

Tinikling ( 10:00 – 10:40 )


Pandango ( 10:40- 11:20 )

Takdang Panahon : 1 araw

I. Layunin

1. Makikilala ang iba’t - ibang time signature na 2/4 , ¾, at 4/4.


2. Makakagamit ng iba’t- ibang rhythm syllables sa pagbabasa ng rhythmic patterns.
3. Makabubuo ng rhythmic patter sa iba’t- ibang time signature.

II. Paksang Aralin


Title: Rhythmic Patter sa Time Signature
Sanggunian: Musika at Sining IV Learner’s Material , pp 12-18, https://www.youtube.com/watch?
app=desktop&v=nHTxg6VMebQ

Kagamitan :

Video presentation, PowerPoint presentation, aklat

III. Pamamaraan:
A. Panimula:
- Ang 2 /4 ay may time signature na dalawahan ang bilang ng kumpas. Ito ay karaniwang
iniuugnay sa kilos o galaw na parang martsa. Ang bilang nito ay 1-2 l 1-2 l 1-2 l.
Napapangkat ang bilang nito sa pamamagita ng paglalagay ng barline.
- Ang rhythmic patter sa time signature na 3 / 4 ay pagpapangkat ng mga tunog sa
tatluhan.Ito ay karaniwang sinasabayn ng sayw na balse at waltz., at may bilang na 1,2,3.
- Sa time signature na 4 / 4, may apat na bilang ang bawat measure.
B. Paglinang:
1. Balikan ang talahanayanng mga uri ng nota at mga katumbas nitong rest.
C. Gawain 1:

Gawain 2: Awitin nang sabay- sabay ang “ Baby Seeds”

D. Paglalahad
Ang rythmic pattern ay pinagsam-samang nota at rest na naayon sa isang nakatakdang time
signature.

Ang mga note at rest ay maaaring pagsama-samahin upang makabuo ng rhythmic pattern.

Ang rhythmic pattern ay ang batayan upang masundan nang wasto ng mga mang-aawit o
manunugtog ang musika at titik ng awit na kanilang inaaral.

Ang isang rhythmic pattern ay binubuo ng mga note at rest na pinagsama-sama ayon sa bilang
ng kumpas (beat) sa isang sukat (measure). Maaaring ito ay sukat na pandalawahang kumpas,
pantatluhang kumpas o pang-apatang kumpas.

Ang time signature ay mga bilang ng nota sa simula ng piyesa ng isang awit o tugtugin.

- Ang nasa palakumpasang 2/4 kung may dalawang kumpas sa bawat sukat.
- Ang nasa palakumpasang ¾ kung may tatlong kumpas sa bawat sukat.
- Ang may palakumpasang 4/4 naman ay ang kumpas ay maaaring pangkatin nang apatan.
Ito ay nasa palakumpasang 4/4 katulad sa palakumpasang 2/4 at 3/4 tumatanggap ang 4/4
apatin o kapat na nota o pahinga ng isang kumpas o pulso sa bawat sukat.
Gawain 3

Panuto: Gumuhit ng note o rest upang makumpleto ang bawat sukat

IV. Pagtataya

1. Ano ang time signature?

A. Bilang ng notes at rests sa isang rhythmic pattern

B. Mga bilang na makikita sa simula ng piyesa ng isang awit o tugtugin

C. Palatandaan ng simula at katapusan ng awit o tugtugin

2. Ano ang isinasaad ng bilang sa ibabaw ng time signature?

A. Dami ng rests sa isang pattern

B. Bilang ng kumpas sa isang measure

C. Uri ng note na tumatanggap ng isang kumpas

3. Ano ang isinasaad ng bilang sa ilalim ng time signature?

A. Bilang ng kumpas

B. Uri ng note na tumatanggap ng isang kumpas

C. Dami ng measure sa isang awit

4.Ilang kumpas sa isang measure ng time signature na 3 /4?

A. 4

B. 3

C. 7

5. .Anong time signature ng nasa larawan?

A.2/4

B.4/4

C.3/4

You might also like