You are on page 1of 1

ANG BUHAY SA BARANGAY AT SULTANATO

ISANG PAGLALAKBAY SA NAKARAAN

ni John Matthew

Sa buhay sa barangay, naglalakbay tayo


Sa kakaibang mundong puno ng saya,
Kasama ang mga kababayan nating mahal,
Sa simpleng pamumuhay, sa bayan natin ay walang kapantay.

Sa aming barangay, may kultura't tradisyon,


Mga saloobin at ugali, sa isa't isa'y koneksyon,
Pakikisama't pagtutulungan, ito'y aming pahalagahan,
Sa bayan namin, kami'y magkakapatid, iisa ang pananampalatayan.

Ngunit sa kabila ng pag-unlad at kasaganaan,


Tandaan natin ang ating nakaraan,
Ang mga sinaunang sultanong naghari't namuno,
Sa mga lupain ng Mindanao, sila'y bayani't inspirasyon.

Silang mga sultanong tagapagtanggol ng kultura,


Sa mga tribo't komunidad, sila'y nagbigay ng kalakasan,
Sa pagsusulong ng kapayapaan at katarungan,
Naging mga guro at lider, sa aming puso'y nag-iwan.

Sa buhay sa barangay at sa alaala ng mga sultanong tapat,


Tuloy ang paglalakbay, patungo sa kinabukasan,
Kasama ang bayan namin, kami'y magkakapatid,
Sa pag-ibig at pagkakaisa, sa aming barangay, tahanan ng pag-asa.

You might also like