Alas-kwatro pa lang ng madaling araw ay gising na si Bruno.
Siya ay naghahanda na para sa pagmamaneho ng kanyang traysikel sa buong maghapon. Ito ang kanyang pinagkakakitaan araw-araw.
Tuwing Sabado ay nililinis niya ang mga nagkalat na grasa at
putik sa kanyang traysikel. Kapag may kulang na pyesa ay binibilhan niya ito sa tindahan sa plasa.
Dahil sa paiba-iba ang presyo ng krudo at pabago-bago ang
klima, sinisigurado niyang puno ito ng gasolina para sa kanyang pagpapasada. Ang pagtatraysikel ang nagbibigay hanapbuhay sa kanyang pamilya. Kaya naman pinahahalagan at iniingatan niya ito.
ANG MAHIWAGANG SOMBRERO
Ni Alma Cecilia A. Lawagan
Bata pa lamang ay si Beth mahilig nang mangolekta ng mga
sombrero. Isa sa mga paborito niyang sombrero ay ang kulay-asul. Hmmmmm. Bakit kaya? Anong mayroon sa sombrerong asul?
Tuwing siya ay maglalaro, kukunin niya ang kanyang sombrero
at ang kanyang magic wand. Magsimula na siyang maglaro na para siyang mahikero o magician.
“Abra…. Kadabra…”
At magsisilabasan na ang iba’t ibang bagay tulad ng platito,
plantsa, krayola, trak, tren, at trumpo. Bitbit ang mga laruan, siya ay tutungo na sa likod-bahay. At maglalaro kasama ang matalik niyang kaibigan na si Grasya. ANG PANGARAP NI MARIZ Mataas ang lagnat ni Mariz kaya isinugod siya sa ospital ng kanyang mga magulang. Isinakay siya sa dyip. Mahusay na drayber ang kanyang tito kaya mabilis silang nakarating sa ospital. Lumapit ang doktor at kinausap ang kanyang mga magulang.
Ilang saglit pa, lumapit naman ang isang nars. Tinanggal ng
kanyang ina ang kanyang dyaket dahil kukunan daw siya ng temperatura. Napansin ni Mariz ang mga nars, ang bibilis kumilos kahit napapagod na lagi pa ring nakangiti sa pag-aasikaso sa mga pasyente.
Sinuri siya ng doktor. Itinaas ang kanyang blusa at dahan-
dahang tiningnan ang kanyang tiyan. Sunod-sunod ang pag-ubo ni Mariz. Inilabas ng kanyang ina ang maliit na twalya upang punasan ang kanyang ilong.
Sabi ng doktor, ang ubo at sipon ay karaniwang nararanasan
dahil sa pagbabago ng klima. Uminom daw siya ng gamot at maraming tubig.
Nang nasa bahay na sila, nakangiting sinabi ni Mariz na,
“Paglaki ko, gusto ko pong maging nars. Pangarap ko ring mag-alaga ng mga maysakit. Ako po ang mag-aalaga sa inyo kapag kayo’y matanda na at may sakit. Magiging mabait na nars po ako.”