You are on page 1of 10

1

Pagmamalasakit sa Kapwa sa
Aralin 1 Panahon ng Kalamidad

https://www.definitelyfilipino.com

Ang taong may malasakit sa kapwa ay kadalasang pinagpapala. Marami

na tayong karanasan sa mga kalamidad na dumaan sa ating bansa at sa tulong

at pagmamahal ng Diyos ito’y ating nalalampasan. Ang pagiging handa ay

makatutulong sa atin upang tayo ay makaiwas at makaligtas sa iba’t ibang uri

ng kapahamakan. Maging mapagmatyag tayo sa mga nangyayari sa ating

kapaligiran lalo na sa ating kalikasan at lipunan.

Mga Inaasahan

Matapos pag-aralan ang modyul na ito, maaari mo nang:

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Ikalawang Markahan: Una at Ikalawang Linggo
2

▪ Simulan ang pagpapakita nang abot-kayang tulong para sa

nangangailangan tulad ng: (MELC EsP5P – IIa – 22)

o Biktima ng kalamidad

o Pagbibigay ng babala/impormasyon kung may bagyo,

baha, sunog, lindol at iba pa.

Paunang Pagsubok

Sagutin ang mga sumusunod na pagsusulit upang malaman kung gaano

na kalawak ang kaalaman mo tungkol sa mga paksa na tatalakayin. Isulat ang

tamang sagot na tinutukoy ng bawat aytem sa loob ng kahon.

1. Malakas ang pagyanig ng lupa.

O L N L D I

( ____________________ )

2. Labis na pag-apaw ng tubig o paglawak

ng tubig na natatakpan ang lupa.

H A A B

( __________________)

3. Namuong masamang panahon na

nagdudulot ng kalamidad sa ating

bansa.

Y A B O G ( ___________________)

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Ikalawang Markahan: Una at Ikalawang Linggo
3

4. Mabilis na pagkalat ng apoy.

G N S O U

( __________________)

5. Pagguho ng lupa dulot ng labis na

pag-ulan at kawalan ng ugat ng puno na

kinakapitan ng lupa.

E N D L A L I S D

( ______________________________)

Balik - Tanaw

Lagyan ng tsek (/) ang mga pangungusap na nagsasabi ng tamang gawi

at ipaliwanag kung bakit.

1. Pangongopya sa papel ng iba tuwing may pagsusulit.

2. Pagsasabi ng katotohanan sa magulang o guro.

3. Pagkuha ng gamit ng iyong nakatatandang kapatid.

4. Magpapaalam sa iyong nanay na kukuha ka ng pera sa kaniyang

pitaka.

5. Magsabi ng maayos sa kapitbahay kung hihiram ka ng gamit.

Rubric sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na

Mga katangian ng sagot: puntos

➢ Malinis ang pagkakasulat 5 – taglay ang 3 pamantayan

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Ikalawang Markahan: Una at Ikalawang Linggo
4

➢ Naaangkop ang hinihinging 4 – dalawang pamantayan

tema lamang

➢ Naisulat ng tama at mahusay 3 – isang pamantayan lamang

ang pagbuo ng pangungusap

Pagpapakilala ng Aralin

Ikaw ba ay may malasakit sa iyong kapwa? Paano mo ito

ipinakikita?

https://www.wordpress.com

Tumulong sa Kapwa!

Ang mabuting Kristiyano ay maawain at matulungin sa kapwa. Ito ay

dahil sa ating paniniwala na ang pagmamahal sa kapwa ay pagmamahal sa

Diyos. Mahal ng Panginoon ang lahat, kaya Siya tumutulong sa lahat, mahirap

o mayaman man.

Ang pagtulong sa kapwa, lalo na kapag may sakuna o kalamidad ay likas

sa ating mga Pilipino. Ito’y minana pa natin sa ating mga ninuno na dapat

gawin at pagyamanin.
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Ikalawang Markahan: Una at Ikalawang Linggo
5

Hindi natin maiiwasan na may mga pagkakataon na tayo ay may di

pagkakaunawaan sa ating mga kapitbahay o kanayon, ngunit kapag may

sunog, baha o anumang pangyayaring nanganganib ang kaligtasan ng bawat

isa hindi natin matiis na sila’y di tulungan at damayan. Naghahandog tayo ng

damit, pagkain, at mga gamit sa nasalanta ng kalamidad.

Bilang mag-aaral, sa simpleng pamamaraan makakatulong din tayo at

ang ating paaralan sa mga taong nangangailangan. Bukod sa mga pagkain,

salapi, at damit na ibinibigay, mabuti rin na turuan natin sila ng mga gawaing

mapagkakakitaan upang makapagsarili sa mga darating na araw.

Narito ang iba pang magagawa natin:

1. Ibahagi sa mga kabarangay ang anunsyo sa radyo kung may parating na

bagyo.

2. Itawag sa malapit na himpilan ng pulisya kapag may nasaksihan kang

krimen, nakawan, at iba pang malubhang pangyayari.

3. Tumawag ng saklolo kapag may emergency na nagaganap.

Mga Gawain

Gawain 1 – Pagsagot sa mga tanong

1. Ano-ano ang maaari mong maitulong sa iyong kapwa kapag nasalanta

ng kalamidad?

2. Bakit kailangan mamayani sa ating puso ang pagtulong sa kapwa?

3. Paano natin maipapakita ang pagmamalasakit sa mga taong

nangangailangan ng tulong?

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Ikalawang Markahan: Una at Ikalawang Linggo
6

Gawain 2 – Pag-isipan Natin Ito

Panuto: Fact o Bluff lamang ang isasagot.

_____ 1. Ang taong may malasakit sa kapwa ay kinalulugdan ng Diyos.

_____ 2. Huwag pansinin ang mga sakuna o krimen sa paligid.

_____ 3. Laging isaisip at isapuso ang pagmamalasakit sa kapwa.

_____ 4. Tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo, lindol o lahar.

_____ 5. Pabayaang mga pinuno na lamang ng pamayanan ang sumaklolo sa

mga mamamayang nangangailangan ng tulong.

Gawain 3 – Ating Paghusayan

1. Gumawa ng isang poster tungkol sa inyong barangay na namimigay

ng mga pagkain sa mga nasalanta ng bagyo.

2. Sumulat ng isang slogan tungkol sa pagpapakita ng malasakit sa

kapwa sa panahon ng kalamidad (baha, bagyo, lindol at sunog).

Rubric sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na

Mga katangian ng sagot: puntos

➢ Malinis at maganda ang 5 – taglay ang 3 pamantayan

pagkakaguhit 4 – dalawang pamantayan

➢ Naaangkop ang hinihinging lamang

tema 3 – isang pamantayan lamang

➢ Naisulat ng tama at mahusay

ang pagbuo ng pangungusap

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Ikalawang Markahan: Una at Ikalawang Linggo
7

Tandaan

Ang pagmamalasakit sa kapwa ay pagpapakita ng pag-aalala sa iba na

nauuwi sa pagtulong, pagdamay, o pag-aaruga sa mga nangangailangan.

Ang pagbibigay ng tulong sa panahon ng kalamidad ay mahalaga upang

makapagligtas ng buhay. Ang pagbibigay ng babala o impormasyon ay

nakatutulong din para sa kaligtasan ng marami. Lahat ng tao ay may

pangangailangan. Walang tao na nasa kaniya na ang lahat. Ang mahihirap ay

hindi nangangahulugang wala na silang maibibigay o maitutulong sa ibang tao

at mga kaibigan. Wala ring taong sobrang yaman na hindi na mangangailangan

ng tulong ng iba.

Ang pagiging bukas-palad ay pagbibigay kung ano ang mayroon ka nang

bukal sa kalooban. Ibahagi sa iba ang biyayang mayroon ka na maluwag sa

damdamin at walang inaasahang kapalit. Lubos na kasiyahan ang maidudulot

nito sa iyo. Kapag tapat at totoo ang damdamin sa pagbibigay o pagbabahagi,

tiyak na pagpapalain ka ng Maykapal at mapasasaya mo ang iyong kapwa.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Alamin natin kung paano mo naunawaan ang talakayan. Sagutin ang

mga sumusunod na tanong:

1. Anong damdamin ang nararapat maghari sa ating puso para sa ating

kapwa?

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Ikalawang Markahan: Una at Ikalawang Linggo
8

2. Bakit nararapat na may malasakit tayo sa isa’t isa?

3. Sino ang dapat nating gawing huwaran ng pagmamalasakit at

pagtulong sa kapwa?

4. Ikaw ba ay may malasakit sa iyong kapwa?

5. Paano mo ipinakikita ang pagmamalasakit sa kapwa?

Pangwakas na Pagsusulit

Narito ang iba pang mga bagay na maaari mong gamitin sa pagbibigay

ng babala o impormasyon kung may bagyo, baha, sunog at iba pang

kalamidad:

Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa mga larawang ito.

radyo telebisyon megaphone

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Ikalawang Markahan: Una at Ikalawang Linggo
9

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

________________________

kompyuter telepono cellphone

Rubric sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod

Mga katangian ng sagot: na puntos

➢ Malinis at maganda ang 5 – taglay ang 3 pamantayan

pagkakagawa/pagkakasulat 4 – dalawang pamantayan

➢ Maayos ang pagbuo ng lamang

pangungusap 3 – isang pamantayan lamang

➢ Mahusay ang pagpapaliwanag

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Ikalawang Markahan: Una at Ikalawang Linggo
10

Pagninilay

Sinasabi ng modyul na ito na:

▪ Ang pagmamalasakit sa kapwa ay pagpapakita ng pag-aalala sa

iba na nauuwi sa pagtulong, pagdamay, o pag-aaruga sa

nangangailangan.

▪ Pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan tulad ng biktima ng

kalamidad (bagyo, baha, sunog at lindol).

▪ Mga bagay na ginagamit upang makapaghatid/makapagbigay ng

impormasyon o babala kung may bagyo, sunog, baha, lindol, at

iba pa.

Sa loob ng nakaguhit na hugis puso, sumulat ng mga pangako hinggil

sa gagawin mong pagtulong sa mga nangangailangan katulad ng

kinahaharap na suliranin sa kasalukuyang pandemya na COVID-19.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Ikalawang Markahan: Una at Ikalawang Linggo

You might also like