You are on page 1of 28

EsP5P – Iia – 22

DAY 1-5
Q2-WEEK 1
Pagmamalasakit sa Kapwa,
Gagawin Ko
Ang taong may malasakit sa kapwa,
kadalasan ay pinagpapala. Marami na
tayong karanasan sa mga kalamidad na
dumaan sa ating bansa. Ang pagiging
handa ay makatutulong sa atin upang tayo
ay makaiwas at makaligtas sa iba’t ibang uri
ng kapahamakan. Maging mapagmatyag
tayo sa mga nangyayari sa ating lipunan lalo
na sa ating mga kalikasan.
Day 1 Alamin Natin
• Tulungan nating maging handa sina Carlo
at Carla sa mga sakuna at kalamidad.
Ayusin ang mga letra sa loob ng kahon
para makabuo ng salita. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

• 1. Dollin 2.Ahab 3.Goyba


•  4. Ugson 5.Namitsu
• 6. Lidesland
mga gabay na salita sa
paglalaro ng Halo Letra.
• Malakas ang pagyanig ng lupa.
• Labis na pag-apaw ng tubig o paglawak ng
tubig na natatakpan ang lupa.
• Namumuong sama ng panahon na nagdudulot
ng kalamidad sa ating bansa.
• Mabilis na pagkalat ng apoy.
• Pagguho ng lupa dulot ng labis na pag-ulan at
kawalan ng ugat ng puno na kinakapitan ng
lup
Tumulong sa Kapwa!

• Ang mabuting Kristiyano ay maawain at


matulungin sa kapwa. Ito’y dahil sa ating
paniniwala na ang pgamamahal sa kapwa
ay pagmamahal sa Diyos. Mahal ng
Panginoon ang lahat, kaya Siya
tumutulong sa lahat, mahirap o mayaman
man.

• Ang pagtulong sa kapwa, lalo na kapag
may sakuna o kalamidad ay likas sa mga
Pilipino. Ito’y kaasalang Pilipino na minana
pa natin sa ating mga ninuno na dapat
gawin at pagyamanin.
• Hindi natin maiiwasan ang magalit sa
kapitbahay o kanayon kung minsan. Ngunit
kapag may sunog, baha o anumang
pangyayaring nanganganib ang kanilang
kaligtasan, hindi natin matiis na sila’y di
tulungan at damayan. Naghahandog tayo
ng damit, pagkain, at mga gamit sa
nasalanata ng kalamidad.

• Bilang mag-aaral, makatulong din tayo at
an gating paaralan sa mga taong
nangangailangan. Bukod sa mga pagkain,
salapi, at damit na ibinibigay, mabuti rin na
turuan natin sila ng mga gawaing
mapagkakakitaan upang makapagsarili sa
mga darating na araw:

Iba pang magagawa natin:

Ibahagi sa mga kabarangay ang anunsyo


sa radio kung may parating na bagyo
•Itawag sa malapit na himpilan ng pulisya
kapag may nasaksihan kang krimen,
nakawan, at iba pang malubhang pangyayari.
•Tumawag ng saklolo kapag may emergency
na nagaganap.
• 
Sagutin ang mga sumusunod
na tanong:
• Anong damdamin ang nararapat maghari sa
ating puso para sa ating kapwa?
• Bakit nararapat magmalasakit tayo sa isa’t isa?
• Paano mo ipinakikita ang iyong malasakit sa
iyong kapwa?
• Sino ang dapat nating gawing huwaran ng
pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa?
•  
•  
• Ikaw ba ay may malasakit sa iyong
kapwa?
• Paano mo ipinakikita ang pagmamalasakit
sa kapwa?
•  
Day 2
Isagawa Natin
• Gawain 1
• Fact or Bluff: Lagyan ng / kung fact ang
isinasaad ng pangungusap at X kung bluff.
Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
• _____ 1. Ang taong may malasakit sa
kapwa ay kinalulugdan ng Diyos.
• _____ 2. Huwag pansinin ang mga sakuna
o krimen sa paligid.
•  
• _____ 3. Laging isaisip at isapuso ang
pagmamalasakit sa kapwa.
• _____ 4. Tumutulong sa mga nasalanta
ng bagyo, lindol o lahar.
• _____ 5. Pabayaang mga pinuno na
lamang ng pamayanan ang sumaklolo sa
mga mamamayang kailangan ng
tulong.
Gawain 2

 Pangkatang Gawain
•Magpagawa ng isang dula-dulaan kung
saan ipakikita ang pagbibigay ng kayang
tulong para sa biktima ng kalamidad.
• 
•Pangkat 1- Bagyo Pangkat 2- Baha
• Pangkat 3- Sunog Pangkat 4- Lindol
• 
Isapuso Natin (Day 3)

• Tandaan Natin
• Ang pagbibigay ng tulong sa
panahon ng kalamidad ay mahalaga
upang makapagligtas ng buhay. Ang
pagbibigay ng babala o impormasyon
ay nakatutulong din para sa
kaligtasan ng marami. Lahat ng tao ay
may pangangailangan.
Isapuso Natin (Day 3)

• Walang tao na nasa kaniya na ang


lahat. Ang mahihirap ay hindi
nangangahulugang wala na silang
maibibigay o maitutulong sa ibang
tao at mga kaibigan. Wala ring
taong sobrang yaman na hindi na
mangangailangan ng tulong ng iba.
Isapuso Natin (Day 3)

• Ang pagiging bukas-palad ay


pagbibigay kung ano ang mayroon ka
nang bukasl sa kalooban.
• Ibahagi sa iba ang biyayang
mayroon ka na maluwag sa damdamin
at walang inaasahang kapalit. Lubos
na kasiyahan ang maidudulot nito sa
iyo.
Isapuso Natin (Day 3)

• Kapag tapat at totoo ang


damdamin sa pagbibigay o
pagbabahagi, tiyak na
pagpapalain ka ng Maykapal
at mapasasaya mo ang iyong
kapuwa.
Isabuhay Natin(Day 4)

• Bawat pangkat ay bibigyan


ng sitwasyon. Isulat kung
ano ang maaari mong
magawa bilang katugunan
sa bawat sitwasyon.
Isabuhay Natin(Day 4)
• Pangkat 1- May bagyong
sumalanta sa inyong lugar at
bumaha sa inyong paligid. Tanging
bahay lamang ninyo ang naiwang
nakatayo sapagkat ito’y matatag.
Ilan sa inyong mga kapitbahay ay
nangawasak ang mga tahanan.
Ano ang iyong gagawin?
Isabuhay Natin(Day 4)

• Pangkat 2- Namatay ang


ama ng iyong kamag-aral.
Paano mo maipapadama
ang iyong pagtulong sa
naiwang pamilya?
Isabuhay Natin(Day 4)

• Pangkat 3- Papauwi ka na
galing sa paaralan. Nakita
mong hirap na hirap ang
isang matanda sa
pagtawid sa kalsada. Ano
ang iyong gagawin?
Isabuhay Natin(Day 4)

• Pangkat 4- Maraming tao


ang nasalanta ng bagyong
si Bising. Anu-ano ang
maaari mong gawin?
•  
Isabuhay Natin(Day 4)
Subukin Natin(Day 5)

Pagsusuring pansarili.Lagyan
ng kaukulang / ang mga sawi
sa ibaba kung ito’y ginagawa
palagi, paminsan-minsan,, at
di-kailanman. Sipiin ang
sagot sa kwaderno.
 
Subukin Natin(Day 5) Palagi Paminsan- Di-
minsan Kailanaman
     
1. Tumutulong ba ako sa mga
taong biktima ng sakuna?
     
2. Nagmamalasakit ba ako sa
aking kapwa?
kapwa
3. Nagbibigay ba ako ng tulong sa
     

mga nasalanta ng bagyo?


 

     
4. Sumasaklolo ba ako sa mga taong
nangangailangan ng tulong?

     
5. Minamahal ko ba ang aking kapwa?
 
Subukin Natin(Day 5)
• Binabati kita dahil natapos mo
ang aralin nang matagumpay.
Ipagpatuloy mo ang pagbibigay
ng kayang tulong sa
nangangailangan at ikaw ay
kalulugdan ng Diyos.
• 
Maraming Salamat!

Ma’am Crisse
Guro
SIES

You might also like