You are on page 1of 34

TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT PAHINA

Kabanata 1: Gubat na Mapanglaw…………………………………………………………..1


Kabanata 2: Ang Nakagapos na Binata……………………………………………………..2
Kabanata 3: Alaala ni Laura…………………………………………………………….......3
Kabanata 4: Pusong Nagdurusa..............................................................................................4
Kabanata 5: Halina, Laura Ko……………………………………………………………....5
Kabanata 6: Ang Pagdating ni Aladin na Taga-Persiya.........................................................6
Kabanata 7: Pag-alaala sa Ama……………………………………………………………..7
Kabanata 8: Ang Paghahambing sa Dalawang Ama..............................................................8
Kabanata 9: Dalawang Leon………………………………………………………………..9
Kabanata 10: Ang Paglaban ni Aladin sa Dalawang Leon…………………………………10
Kabanata 11: Ang Mabuting Kaibigan……………………………………………………..11
Kabanata 12: Batas ng Relihiyon..........................................................................................12
Kabanata 13: Ang Pag-aalaga ni Aladin Kay Florante…………………………………….13
Kabanata 14: Kabataan ni Florante………………………………………………………...14
Kabanata 15: Ang Pangaral sa Magulang………………………………………………….15
Kabanata 16: Si Adolfo sa Atenas........................................................................................16
Kabanata 17: Ang Kataksilan ni Adolfo.…………………………………………………..17
Kabanata 18: Ang Kamatayan ng Ina ni Florante…………………………………………18
Kabanata 19: Mga Habilin ni Antenor kay Florante………………………………………19
Kabanata 20: Pagdating sa Albanya……………………………………………………….20
Kabanata 21: Ang Heneral ng Hukbo……………………………………………………...21
Kabanata 22: Si Laura……………………………………………………………………...22
Kabanata 23: Pusong Sumisinta……………………………………………………………23
Kabanata 24: Pakikipaglaban Kay Heneral Osmalik………………………………………24
Kabanata 25: Pagsagip Kay Laura…………………………………………………………25
Kabanata 26: Pagtataksil ni Adolfo......................................................................................26
Kabanata 27: Nagsalaysay si Aladin………………………………………………………27
Kabanata 28: Si Flerida……………………………………………………………………28
Kabanata 29: Mga Salaysay ni Laura at Flerida…………………………………………..29
Kabanata 30: Wakas………………………………………………………………………30
Kabanata 1: Gubat na Mapanglaw
May isang gubat na napaka dilim. Nagtataasan at masukal ang
mga halaman kung kaya't hindi makapasok ang pebong liwanag.
Ang mga ibon ay hirap din sa paglipad dahil sa mga
namimilipit na mga sanga. May mga gumagala na mga mababangis
na hayop katulad ng leon. tigre, hayena, serpiyente, piton, basilisko,
at iba pa na kahit kailan ang pwedeng umatake sa mga taong
magsisipunta doon.

Talasalitaan:

Mapanglaw - malungkot, malamlam, malumbay


Masukal - madamong kapaligiran Pebong-araw na sumisikat
Namimilipit - buhol-buhol
Hayena - uri ng hayop na kahawig ng isang lobo
Serpiyente - ahas Piton – sawa
Kabanata 2: Ang Nakagapos na Binata
Sa gitna ng gubat ay may puno ng higera kung saan nakagapos
ang isang lalaki na nagngangalang Florante. Sa kabila ng kanyang
pagkagapos at kaawa-awang itsura ay bakas pa rin sa kanya ang
mala-Adonis na kakisigan.
Mayroong makinis na balat, mahahabang pilik-mata, buhok na
kulay ginto, at magandang pangangatawan. Si Florante ay naiiyak
habang sinasariwa ang kanyang mga pinagdaanan at ang
paglapastangan sa kaharian ng Albanya sa mga kamay ni Konde
Adolfo.
Hindi pantay ang pagturing sa mga tao sa Albanya. Ang mga
masasama ay siyang itinataas at ang mga makatuwiran naman ay
ibinababa. Ngunit nananatiling bingi ang langit sa mga panawagan
ni Florante.

Talasalitaan:

Higera- isang punong mayabong, malalapad ang dahon ngunit hindi


namumunga; fig tree
Sipres- isang uri ng puno na mataas at tuwid lahat ang sanga
Adonis- magandang lalaki na naibigan ni Venus, diyosa ng
kagandahan
Sinasariwa- inaalala
Nakagapos- nakatali
Bakas- marka, palatandaan
Paglapastangan- kawalanng paggalang
Kabanata 3: Alaala ni Laura
Sa oras na ginugunita ni Florante si Laura ay napapawi nang
pansamantala ang kanyang dusa't paghihinagpis. Si Laura na lamang
ang natitirang pag-asa para kay Florante ngunit muli niyang
maaalala na si Laura na kanyang mahal ay nasa piling na ng
kanyang kaaway na si Konde Adolfo. Mas nanaisin pa niyang
mamatay nalang kaysa sa palaging maalala na ang kaniyang
sinisinta ay may kasama ng iba.

Talasalitaan:

Ginugunita- inaalala
Napapawi- nawawala, nabubura
Pansamantala- panandalian
Dusa- paghihirap
Paghihinagpis- pagdadalamhati
Kabanata 4: Pusong Nagdurusa
Lubos ang tinahak na kasawian ni Florante. Kahit ang taong
masama ay maaawa sa kalagayan nito Maririnig sa buong gubat ang
mga ungol nito ngunit tanging ang alingawngaw lang niya ang
sumasagot sa kanya, Hindi makapaniwala si Florante sa kanyang
kinahantungan dahil sa labis na pagmamahal niya para kay Laura ay
nagawa pa rin siyang pagtaksilan nito. Naging buo ang tiwala niya
kay Laura subalit sa likod ng kagandahang tinatangi nito ay may
nagtatagong isang taksil.
Lahat ng mga pag-aalaga dati sa kanya ni Laura ay wala lang
pala. katulad ng pagpapakintab nito sa panangga at paglilinis ng
kanyang baluti dahil ayaw niyang madudumihan ang kasuotan kung
ito ay mapapalapat sa kanya. Hinimatay si Florante dahil sa labis na
paghihinagpis.

Talasalitaan:

Tinahak- tinungo o dinaanan ang isang pangyayari o daan


Alingawngaw- tumutukoy sa pag-uulit ng tunog (echo)
Kinahantungan- sinapit
Baluti- panangga sa katawan kasuotang panlaban (armour)
Kabanata 5: Halina, Laura Ko
Para kay Florante si Laura lang ang tanging lunas sa kanyang
kahirapan. Umaasang siya ay muling lilingapin ni Laura.
Makita lang niyang may konting patak ng luha mula sa mga
mata ni Laura ay maapula ang dalitang nararamdaman nito.
Nag-aasam na sana'y muling damitan dahil puno na ng
kalawang ang kasuotan nito. Lahat ng hirap ay danas na niya. Dinig
sa buong gubat ang mga panaghoy ni Florante.

Talasalitaan:

Lunas-gamot
Lilingapin- alalayan, tulungan
Maaapula- mawawala, mapapatay
Dalita- mahirap, maralita
Panaghoy- pagdaing, pagluluksa
Kabanata 6: Ang Pagdating ni Aladin na
Taga-Persiya
Isang gererong may putong na turbante ang dumating si Aladin
na taga-Persiya Bigla itong tumigil upang tumanaw ng
mapagpapahingahan na di kalauna'y hinagis ang hawak na sandata.
Tumingala sa langit na panay ang buntong-hininga sabay upo
sa tabi ng puno at doon ay nagsimulang tumulo ang luha Muli na
naman niyang naisip si Flerida, ang kaniyang pinakamamahal na
inagaw naman ng kanyang ama.

Talasalitaan:

Gerero- mandirigma
Putong- korona
Turbante- telang binabalot sa ulo ng mga bumbay
Tumanaw- maghanap
Buntong-hininga- malalim na pag-hinga
Kabanata 7: Pag-alaala sa Ama

Habang tumatangis si Aladin ay bigla siyang may narinig na


buntong-hininga. Ibinaling sa kagubatan ang tingin upang hanapin
ang pinanggalingan ng malalim na paghinga.
Malaon ay may narinig siyang paghikbi at agad niyang
pinuntahan ito. Nakita niya si Florante na umiiyak habang
sinasariwa ang alaala ng kanyang yumaong ama.

Talasalitaan:

Tumatangis - lumuluha, umiiyak


Buntong-hininga - malalim na pag-hinga
Ibinaling-itinuon
Malaon - pagkalipas, matagalan
Paghikbi - pag-iyak
Kabanata 8: Ang Paghahambing sa Dalawang Ama

Sandaling tumigil sa pag-iyak si Florante ng marinig niya ang


pagtangis ng isang Moro na sa mga kwento nito tungkol sa kaniyang
ama.
Kung ang walang patid na pag-iyak ni Florante ay dahil sa pag-
ibig nito para sa ama, si Aladin naman ay humihikbi dahil sa
matinding poot sa kung gaanong pagmamahal ang inilalaan ni
Florante para sa ama ay matindi naman ang galit ni Aladin sa
kanyang ama dahil inagaw nito ang kaisa-isang niyang minamahal
na si Flerida ang kanyang ama.

Talasalitaan:

Tumagistis- umagos
Humihikbi- umiiyak
Patid- tigil
Poot- galit
Inilalaan- ibinibigay
Kabanata 9: Dalawang Leon
Habang nag-uusap si Florante at Aladin ay may dalawang leon
hangos nang paglakad.Ngunit kahit ang mga leon ay nahabag sa
kalunos-lunos na sinapit, kahit ang bangis ay hindi na maaninag sa
mga mukha nito. May takot na naramdaman si Florante dahil nasa
harap na niya ang mabangis na kamatayan na kukumpleto sa
kasamaang nararanasan niya.

Talasalitaan:

Hangos- hingal; pagmamadali maging sa pagsalita sa pagkilos, o sa


paggawa Nahabag- naawa
Kalunos- lunos-kaawa-awa
Sinapit- dinanas
Maaninag- makita
Kabanata 10: Ang Paglaban ni Aladin sa
Dalawang Leon

Nakita ni Aladin ang dalawang leon na mukhang gutom na. Ito


ay may mga nagngangalit na ngipin at matatalas na kuko na kahit na
anong oras ay maaaring makapatay.
Paglaon ay biglang nang-akma ang mga leon ngunit dali-daling
umatake na din si Aladin na parang may lumitaw na marte mula sa
lupa Bumabaon ang bawat pagkilos ng tabak na hawak ni Aladin at
napatumba niya ang dalawang leon.

Talasalitaan:

Nagngangalit- galit
Paglaon- paglipas
Akma- tama, angkop
Marte- si Mars, diyos ng pakikipaglaban
Tabak- espada
Kabanata 11: Ang Mabuting Kaibigan

Nang mapagtagumpayan ni Aladin ang nagbabadyang


panganib na dala ng dalawang leon ay agad niyang pinakawalan ang
nakagapos na si Florante Ito ay walang malay at ang katawan ay
malata na parang bangkay Gulong-gulo ang kanyang loob ngunit
muling napayapa ng idilat ni Florante ang kanyang mga mata.
Sa kanyang pagdilat ay agad niyang sinambit ang pangalan ni
Laura.

Talasalitaan:

Nagbabadya- nagbabanta
Nakagapos- nakatali
Pagdilat- pagbukas ng mata
Sinambit- sinabi, binanggit
Kabanata 12: Batas ng Relihiyon
Nang magising si Florante ay nagitlahanan kung bakit siya
nasa kamay ng isang moro Agad namang nagpaliwanag si Aladin na
siya ang tumulong at nagligtas sa kaniya kung kaya't hindi siya
dapat mabahala.
Si Florante ay taga-Albanya at si Aladin naman ay taga-Persya.
Ang dalawang bayan na ito ay magkaaway ngunit sa ginawang
pagtulong at pagkalinga ay naging magkatoto sila

Talasalitaan:

Nagitlahanan- nagtaka
Moro- muslim
Mabahala- mag-alala
Pagkalinga- pag-aalaga
Magkatoto- magkaibigan
Kabanata 13: Ang pag-aalaga ni Aladin kay
Florante
Binuhat ni Aladin si Florante ng makita nitong lumulubog na
ang araw.Inilapag ito sa isang malapad at malinis na bato.
Kumuha ng makakaim at inaamo si Florante na kumain kahit
konti lamang upang mag karoon ng laman ang tiyan nito.Umidlip si
Florante habang ito ay nakahiga sa sinapupunan ni Aladin.
Kinalinga ni Aladin ai Florante buong mag damag dahil sa pag
aakalang may panganib na gumagala sa gubat.Nang mag madaling
araw ay naging na si Florante at lumabas muli ang katawang hapo.
Lubos ang pasasalamat ni Florante kay Aladin.Tuwang tuwa si
Aladin kaya niyakap Niya si Florante.
Kung nong una ay awa ang dahilan sa pag iyak ni
Aladin,ngayon Naman ay napaluha siya dahil sa tuwa.

Talasalitaan:

Inamo- sinuyo
Umidlip- natulog
Sinapupunan- bahay-bata;kinakanlungang mga hita;ibaba ang hita
na pinagkakalungan;dibdib o suso ng babae o hayop
Kinalinga- inalagaan
Hapo- hingal
Kabanata 14: Kabataan ni Florante
Naupo ang dalawa sa ilalim ng puno at isinalaysay ni Florante
kay Aladin ang kanyang buhay simula sa una hanggang sa naging
masama ang kanyang kapalaran.
Si Florante ay ipinanganak sa Albanya. Sina Duke Briseo at
Prinsesa Floresca naman ang kaniyang mga magulang Kung sa
Krotona siya ipinanganak. siyudad ng kanyang ina. imbes sa
Albanya na siyudad ng kanyang ama ay mas naging masaya sana
siya.
Ang kaniyang ama ay naging tagapayo kay Haring Linceo.
Nakuwento rin niya na kamuntikan na siyang madagit ng isang
buwitre habang ito'y natutulog sa kinta nung siya'y bata pa.
Napasigaw ang kanyang ina, agad itong narinig ni Menalipo at
pinatay ang buwitre sa pamamagitan ng pagpana dito.
Nung si Florante ay siyam na taong gulang, mahilig siyang
maglaro sa burol kasama ang kaniyang mga kaibigan at doo'y
namamana ng mga ibon. Madaling araw palang ay umaalis na ito sa
kanila at inaabot ng tanghaling tapat. Ngunit hindi nagtagal ang mga
masasayang alaala ni Horante doon dahil utos ng kanyang ama na
siya'y umalis sa Albanya

Talasalitaan:

Isinasalaysay- ikinuwento
Tagapayo- pribadong tagapayo
Madagit- makuha pribadong tagapayo
Buwitre- uri ng ibon na kumakain ng mga bangkay
Kinta- maliit na daungan (cottage)
Kabanata 15: Ang Pangaral sa Magulang
Sinariwa ni Florante ang turo ng magulang na kung
mamimikasa ang isang bata sa saya at madaling pamumuhay ay
walang kahihinatnan na.
Ang mundo ay puno ng kahirapan kung kaya't dapat ay patayin
ang kalooban dahil kapag ang tao ay di maninong magtlix hindi niya
mapaglalabanan ang mga pagsubok na hatid ng mundo.
Kung kaya't ipinadala si Florante sa Atenas nung siya'y bata pa
upang doon ay mag-aral Doon ay mamumulat ang kaniyang
kaisipan sa totoong buhay.

Talasalitaan:

Sinariwa- inalala
Mamimihasa- sasanayin
Kahihinatnan- resulta
Patibayin- palakasin
Mamumulat- mabubuksan
Kabanata 16: Si Adolfo sa Atenas
Si Adolfo ay kababayan ni Florante na siyang anak naman ni
Konde Silen Siya ay mas matanda ng dalawang taon kumpara kay
Florante na labing isang taong gulang. Si Adolfo ay isang mahinhin
na bata at laging nakatungo kung maglakad Siya'y pinopoon ng
kanyang kamag-aral dahil sa angking katalinuhan at kabaitan.
Ngunit sa hindi mapaliwanag na dahilan ay nakakaramdam si
Florante ng pagkamanim kay Adolfo kung kaya't umiwas ito sa
kanya: At kahit itago pa ni Adolfo ay batid din ni Florante na ganun
din ang nararamdaman nito para sa kanya.

Talasalitaan:

Mahinhin-marahan
Nakatungo-nakayuko
Pinopoon-hinahangaan
Pagkarimarim-pagkasuklam
Kabanata 17: Ang Kataksilan ni Adolfo

Paglaon ay mas nahasa ang katalinuhan ni Florante. Naging


magaling siya sa larangan ng pilosopiya, astrolohiya, at matematika.
Naging matagumpay sa buhay si Florante at si Adolfo naman
ay naiwan sa gitna. Siya ay naging tagapamalita sa Atenas.
Naging bukambibig sa taong bayan ang pangalan ni Florante.
Dito na nagsimulang mahubadan si Adolfo ng hiram na kabaitan at
ang kahinhinang asal sa pagkatao ay hindi bukal kay Adolfo

Talasalitaan:

Paglaon- paglipas
Pilosopiya- mga kuro-kuro ng isip
Astrolohiya- palagay sa mga ipinahihiwatig ng mga bituin sa langit
Matematika- agham ng mga bilang
Bukambibig- tao o bagay na siyang laman ng pinag-uusapan
Kahinhinan- marahan
Bukal- natural
Kabanata 18: Ang Kamatayan ng Ina ni
Florante

Isang taon pa ang ginugol si Florante sa Atenas nang


makatanggap siya ng isang liham na na nagsasabi na patay na ang
kanyang ina.
Parang batis ang kanyang mga mata dahil sa pagluha.
Pakiramdam niya ay nawalan siya ng isang matibay na sandigan at
nakikibaka ng mag-isa sa buhay.

Talasalitaan:

Ginugol- pinaglaanan, ginastos


Liham- sulat
Batis- antong tubig na mas maliit kaysa ilog, walang tigil sa pag-
agos Sandigan- sandalan
Nakikibaka- nakikipaglaban
Kabanata 19: Mga Habilin ni Antenor kay
Florante

Bilin ni Antenor, guro ni Florante na mag-iingat at huwag


malilingat sa maaaring gawing paghihiganti ni Adolfo.
Wag padadala sa mukha na ipakita nito sa kanya. Maging
mapagmatyag daw ito sa sa kalaban na palihim siyang titirahin.

Talasalitaan:

Habilin- payo
Malilingat- mawala sa pokus
Mapagmatyag- alerto, mapagbantay
Palihim- patago
Titirahin- kakalabanin
Kabanata 20: Pagdating sa Albanya

Pag-ahon ay agad tumuloy sa Kinta. Kung saan ay humalik sa


kamay ng kanyang ama. Iniabot ng ambasador ng bayan ng Krotona
ang isang liham kay Duke Briseo.
Nakasaad sa liham na humihingi ng tulong ang lolo ni Florante
na hari ng Krotona dahil ito ay napapaligiran ng mga hukbo ni Heral
Osmalik. Si Heneral Osmalik ay taga Persya na pumapangalawa sa
kasikatan ni Aladin na isang gerero.

Talasalitaan:

Kinta- maliit na daungan (cottage)


Ambasador- sugong kinatawan
Liham- sulat Nakasaaad-nakalagay, nakasulat
Hukbo- grupo ng mga mandirigma
Gerero- Mandirigma
Kabanata 21: Ang Heneral ng Hukbo

Agad nagtungo sina Duke Briseo at Florante kay Haring


Linceo ng malaman ang balita na pagbabanta sa Krotona.
Hindi pa man nakakaakyat sa palasyo ay sinalubong na ang
mga ito ni Haring Linceo. Niyakap niya si Duke Briseo at
kinamayan naman si Florante. Nagkwento si Haring Linceo na may
nakita siyang gerero sa kaniyang panaginip, na kamukha ni Florante,
na siyang magtatanggol sa kaharian. Tinanong ni Haring Linceo kay
Duke Briseo kung sino ito at kung taga saan ito. Sumagot naman ito
na ang kamukhang binata na iyon ay si Forante, ang anak niya.
Sa pagkamangha ni Haring Linceo ay niyakap niya ito at
ginawang Heneral ng hukbo na tutulong sa Krotona.

Talasalitaan:

Nagtungo- nagpunta
Pagbabanta- babala na may halong pananakot
Gerero- mandingma
Pagkamangha- pagkagulat
Hukbo- grupo ng mga mandirigma
Kabanata 22: Si Laura

Biglang may natanaw ni Florante na magandang babae. Ang


taong di mabibighani sa babaeng ito ay maituturing na isang
bangkay.
Ang babaeng ito ang ikinasisira ng pag-iisip ni Florante sa
tuwing magugunita, ito ay si Laura anak ni Haring Linceo. Dahil sa
pagkabigla ay hindi makapagbitaw ng salita si Florante. Mapapansin
din sa kaniyang mga mata ang patak ng luha.

Talasalitaan:

Natanaw- nakita
Mabibighani- mahuhulog, magkakagusto
Magugunita- malisip, maaalala
Pagkabigla- pagkagulat
Makapagbitaw- makapagsabi, makapagsalita
Kabanata 23: Pusong Sumisinta

Dahil sa biglaang pagkakita kay Laura, nawala na sa diwa


Porante Hindi na ito makapag-isip ng maayos dahil sa hundi
inaasahang pagkakita muli sa kanyang mahal na si Laura.
Tatlong araw siyang piniging ng hari sa palasyo ngunit hindi
man lang tinignan ni Florante si Laura Mas matindi pa ang sakit na
dinulot ng pag-ibig kaysa sa sakit ng mawalan ito ng ina.
Mabuti at nabigyan siya ng kaunting pagkakataon na
makasama si Laura bago pumunta ang hukbo ni Florante sa
Krotona. Umamin si Florante na mahal pa rin niya si Laura ngunit
wala itong sagot. Tumulo ang isang patak na luha mula sa mga mata
ni Laura. Malapit ng bumigay si Laura sa mga sinasabi ni Florante
ngunit nanaig parin ang kanyang isip.

Talasalitaan:

Diwa- pag-iisip
Piniging- pagtitipon na may maraming handa (fiesta)
Dinulot- resulta
Hukbo- grupo ng mga mandirigma
Nanaig- nangibabaw
Kabanata 24: Pakikipaglaban Kay Heneral
Osmalik

Inatake ng hukbo ni Florante ang pwersa ng nakapaligid sa


buong siyudad at halos bumigay na ang mga pader nito.
Nagkaroon ng matinding labanan at may dumanak na mga
dugo. Pinapanood ni Heneral Osmalik si Florante habang
kinakalaban at pinapatay ang pitong hanay ng mga moro.
Lumapit ang Heneral kay Florante na nagniningas ang mga
mata at hinamon ito na labanan siya.
Umabot sa limang oras ang kanilang labanan ngunit sa huli ay
nasawi rin Heneral Osmalik Pinagdiwang ng mga tao sa Krotona
ang tagumpay na laban ni Florante.

Talasalitaan:

Hukbo- grupo ng mga mandirigma


Dumanak- umaagos
Heneral- namumuno sa kaniyang grupo
Moro- muslim
Nagniningas- nagagalit
Kabanata 25: Pagsagip Kay Laura

Nanatili si Florante sa Krotona ng limang buwan. Gusto na


niyang makauwi sa Albanya dahil gusto na ulit niyang masilayan si
Laura. Habang nag mamartsa ang hukbo pauwing Albanya ay nakita
nila ang mga moog ng siyudad. Nakita rin niya ang bandila ng
Persiya imbes na bandera ng Kristiyano.
May nakita silang grupo ng mga moro sa paanan ng bundok na
may kasamang isang babae na nakatali ang mga kamay at nakatakip
ang mukha Mukhang papunta sa lugar na kung saan ay pupugutan
ng ulo ang babae. Dali-daling nilusob ni Florante ang morong
nagbabantay sa babae at ito ay napatakbo.
Sinaklolohan ni Florante ang babae, tinanggal nito ang mga tali
sa kamay at takip sa mukha. Ang babae pala ay si Laura. Napatingin
ng malalim si Laura kay Florante. Ang mga tingin na ito ay siyang
nagtanggal ng paghihirap sa puso ni Florante. Narinig niya ang
sinabi ni Laura na "Florante, Mahal ko.

Talasalitaan:

Masilayan- makita
Moro- muslim
Nilusob- sinugod
Moog- napapaligiran ng pader
Hukbo- grupo ng mga mandirigma
Pagsagip- pagligtas, pagtulong
Kabanata 26: Pagtataksil ni Adolfo

Sinabi ni Laura kay Florante na binihag ng mga sina Haring


Linceo Briseo Nag-utos si Florante na lusubin ng hukbo ang
Albanya at bawiin ito sa mga kamay ng mga taga-Persiya.Nang
makapasok sa kaharian ng Albanya ay agad dumiretso sa kulungan
at pinalaya si Haring Linceo at Duke Briseo. Pinalaya na rin niya
pati si Adolfo mula sa pagkakakulong dahil sa bukal na kagandahan
ng loob. Muling nagdiwang ang lahat ng tao dahil lubos sa
pagpapasalamat nila kay Florante, maliban kay Adolfo. Nais
pakasalan ni Adolfo si Laura dahil sa intensyon nitong makuha ang
posisyon ng pagiging hari sa Albanya.
Naramdaman din niyang mahal ni Laura si Florante kaya mas
lalo itong nainggit. Nagdaan ang panahon at nakaranas pa din ng
pagsalakay ang Albanya katulad ng hukbo mula sa Turkiya at
marami pang digmaan.
Ngunit dahil si Florante ang inaatasang maging heneral ay
napapagtagumpayan nito ang lahat ng laban. Pagkatapos ng isa pang
laban sa Etolia, nakatanggap siya ng liham mula kay Haring Linceo
na nagsasabing bumalik na siya sa Albanya.
Ipinasa ni Florante kay Menandro ang pamamahala sa hukbo
sa Etolia. Laking gulat ni Florante ng makita niyang pinaliligiran
siya ng 30,000 mga sundalo sa kanyang pag-uwi at agad itong
nilagyan ng gapos at ikinulong. Labis ang at pagkalungkot ng
malaman niyang pinatay nito sila Haring Linceo at Duke Briseo.
Nasilaw si Adolfo sa kasikatan at ng galit at inggit kay Florante,
kaya puro paghihiganti ang nasa isip nito at pagpatay kay Florante.

Talasalitaan:

Binihag- ikinulong, ibinilanggo


Lusubin- sugurin
Bukal- natural
Pagsalakay- pagsugod, paglusob
Hukbo- grupo ng mga mandirigma
Heneral- namumuno sa kaniyang grupo
Etolia- magubat na rehiyon sa Greece
Liham- sulat
Gapos- tali
Kabanata 27: Nagsalaysay si Aladin

Labing walong araw na si Florante sa bilangguan. Gabi ng


kinuha siya sa kulungan pagkatapos ay dinala ito sa gubat at
iginapos sa puno. Dalawang araw naman ang lumipas bago ito
muling magising. Pagdilat niya ay ayun siya sa kandungan ni
Aladin.
Nagpakilala si Aladin bilang taga-Persiya na anak ni Sultan Ali
Adab. Sinubukan niyang ikwento ang tungkol kay Flerida at
kanyang ama ngunit naunahan ito ng kanyang mga luha.
Minsan na ring nakaranas si Aladin ng madaming giyera
ngunit mas nahirapan siya kay Flerida Masuwerte siya sa
matagumpay na panliligaw kay Flerida ngunit pumasok naman sa
eksena ang kanyang ama. Kaya kahit nagtagumpay siya sa giyera sa
Albania, umuwi parin siya sa Persiya na parang bilanggo.
Nabawi ni Florante ang kaharian ng Albania kaya
kinakailangan na pugutan si Aladin.May dumating na Heneral sa
kulangan nito bago pa man ito pugutan. Ang Heneral ay may dala-
dalang balita na hindi na raw pupugutan ito ng ulo ngunit kailangan
niyang umalis sa Persiya.
Ang balitang ito ang lalong nagpahirap kay Aladin dahil mas
nanaisin niyang pugutan ng ulo kaysa sa mabuhay nang alam naman
niyang may kasamang iba ang mahal niyang si Flerida.
Talasalitaan:

Nagsalaysay- nagkuwento
Bilangguan- kulungan
Iginapos- itinali
Heneral- namumuno sa kaniyang grupo
Nanaisin- gugustuhin

Kabanata 28: Si Flerida

Nang malaman ni Flerida na pupugutan ng ulo si Aladin ay


nagmakaawa at lumuhod ito sa paanan ng masamang hari na si
Sultan Ali Adab.
Sinabi ng sultan na kung hindi tatanggapin ni Flerida ang
pagmamahal nito ay hindi nito papatawarin şi Aladin at tutuluyan na
mapugutan..
Dahil sa takot na mamatay si Aladin ay pumayag na ito sa
kagustuhan ng sultan. Natuwa ang sultan sa naging desisyon ni
Flerida kaya napahinunod niya ito at pinakawalan.
Ngunit katulad ng napag-usapan ay pinalayas niya ito sa
Persiya. Sobra pagdurusa ni Flerida sa pagkawala ni Aladin.
Pinaghandaan ng buong Persiya ang kasal nina Flerida at ng sultan.
Bago pa man maikasal ay naisipan na ni Flerida na mag damit ng
pang sundalo at tumakas sa palasyo. Pagala-gala si Flerida sa gubat
ng halos ilang taon, hanggang sa isang araw ay naabutan niyang
pinupwersa ni Konde Adolfo si Laura.

Talasalitaan:

Napahinunod- napapayag
Pinalayas- pinaalis
Pagdurusa- paghihirap
Tumakas- umalis o lumayo ng walang paalam
Naabutan- nadatnan
Kabanata 29: Mga Salaysay ni Laura at
Flerida

Sa kalagitnaan ng pagkukwentuhan ni Flenda at Laura ay


biglang dumating sina Prinsipe Aladin at Duke Florante. Galak na
galak ang mga ito dahil kilala nila ang mga boses ng mga
nagsasalita.
Tuwang-tuwa si Florante ng makita niya si Laura. Masayang-
masaya ang apat dahil nakasama nila ang kanilang mga minamahal.
Nagkwento si Laura na nung umalis daw si Florante sa Albanya ay
kumalat ang sabi sabi na may nagaganap na kaguluhan sa kaharian.
Ngunit 'di matukoy kung ano ang pinagmulan nito.
Ang paniniwala ng mga tao ay si Haring Linceo ay
nagmomonopolya sa mga pagkain at trigo ngunit si Adolfo pala ang
nag-uutos ng pagkubkob sa pagkain.
Agad na pinatalsik ng taumbayan si Haring Linceo sa trono at
pinugutan ito. Umakyat sa trono si Adolfo at binalaan niya si Laura
na papatayin ito kung hindi susundin ang gusto.
Nagkunwaring gusto na ni Laura si Adolfo para makahanap ng
paraan para masulatan si Florante at ikwento ang nangyari sa
Albanya habang wala ito.
Ngunit huwad na sulat na may selya ng hari ang natanggap ni
Florante. Nakasaad doon na umuwi siya ng mag-isa sa Albanya at
iwan ang hukbo kay Menandro.
Samantalang ang sulat ni Laura ay nakarating naman kay Menandro
kaya agad itong sumugod kasama ang kanilang hukbo pabalik ng
Albanya. Tumakas si Adolfo at dinala si Laura sa gubat. Dito na
naabutan ni Flerida ang pagsasamantala ni Adolfo kay Laura.
Pagkatapos ay si Flerida naman ang nagkwento, nung
dumating daw siya sa gubat ay may narinig siyang boses ng babae
na sinasaktan. Pinuntahan niya kung saan nagmula ang ungol at
nakita niyang si Laura pala iyon na pinipilit ni Adolfo. Pinaliparan
ni Flerida ng palaso si Adolfo.

Talasalitaan:

Monopolyo - uri ng kalakaran na kung saan ay isang kumpanya


lang ang nagbibigay ng isang partikular na produkto o serbisyo
Trigo- uri ng bigas na ginagawang harina
Pagkubkob- pagsalakay
Tunod- shaft
Palaso- arrow
Kabanata 30: Wakas
Sa pagkukuwento ni Flerida ay biglang dumating si Menandro,
Labis ang tuwa ng makita niya si Florante.
Nagdiwang din ang mga ehersito mula sa Etolia. Pagkataon ay
dinala ang apat sa kaharian ng Albanya. Nagpabinyag sina Aladin at
Flerida bilang isang Kristiyano at nagpakasal.
Nasawi si Sultan Ali Adab kaya bumalik na si Aladin sa
Persiya. Bumalik ang kaayusan sa kaharian dahil sa bagong
pamumuno ng bagong hari at reyna na sina Duke Florante at Reyna
Laura.

Talasalitaan:

Nagdiwang- nagsaya
Ehersito- hukbo, military
Etolia- magubat na rehiyon sa Greece
Nasawi- namatay
Pamumuno- pagpapatakbo

You might also like