You are on page 1of 1

FILIPINO REVIEWER MIDTERM EXAMINATION 3rd QT

KATANGIAN AT ELEMENTO NG ELEHIYA


Elehiya- Isang uri ng tula ng pananangis
Tema- Tumutukoy ito sa kabuuang kaisipan ng tula
Tauhan- Tumutukoy ito sa persona o sa tauhan naging kasangkot sa tula.
Tagpuan- Tumutukoy ito sa lugar na pinangyarihan ng tula
Kaugalian/Tradisyon ng mga tauhan/Persona ng tula
-Tumutulong sa pagpapakila ng persona upang higit na maunawaan ang kilos niya sa kabuuan
Wika- Salitang ginamit ng may-akda na nagpapasining ng tula.
Simbolismo- Paggamit ng mga bagay na nakakatulad
Imahen- Larawang-diwa na nabubuo sa isipan ng mambabasa
Damdamin- Tumutukoy ito sa emosyon ng persona

PAGGAMIT NG MATATALINGHAGANG SALITA SA PANGUNGUSAP

Pagtutulad (Simile)- Payak o hayagang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba.


- Gumagamit ng: Tulad ng, Parang, Gaya ng, Animo’y, Kawangis, Anaki’y
Ex. Isang dalagang napakaganda, kawangis niya’y isang diyosa.
Pagwawangis (Metaphor)- Tiyakang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba at hindi
ginagamitin ng mga salita tulad sa pagtutulad.
Ex. Siya ay may pusong ginto.
Ang ngiti mo’y lunas sa nananamlay kong damdamin.
Pagbibigay-katauhan (Personification)- binibigay ng katangian, gawi, talino, ang isang bagay/di tao
Ex. Napakabilis ng takbo ng oras.
Ang kawayan ay yumuko nang marinig ang ihip ng hangin.
Pagmamalabis (Hyperbole)- Sadyang pinaliliit o pinalalaki ang kalagayan o katayuan.
Ex. Namuti na ang aking buhok sa kahihintay sa iyo.
Ang iyong ngiti ay nagpapawi ng lungkot na aking nadarama.
Pagtatambis (Oxymoron)- Paggamit ito ng mga salita o pahayag na magkasalungat.
Ex. Ang buhay sa mundo ay nakalilito; may lungkot at may saya.
Hindi ko maunawaan si tatay noong nasa delivery room ang aking ina, tatayo-uupo.
Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)- Binabanggit dito ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan.
Ex. Ayoko nong makita ang pagmumukha mo sa bahay na ito.
Walong bibig ang umaasa kay Seth.
Panawagan (Apostrophe)- Pagtawag o pakikipag-usap nang may masidhing damdamin sa tao o sa
bagay na animo’y kaharap ang kausap.
Ex. Pag-ibig! Ikaw nga ay mahiwaga.
Pag-asa! Nasaan ka na?

PANG-URI NA NAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN

Ex. 1. Napaka, Nag-..-an, Pagka-, kay, Pinaka-, Ka-..-an, Walang, Kasing


2. (Ulit-ulitan) Masayang-Masaya, Mahabang-Mahaba
3. Ubod ng, Hari ng, Sakdal, Tunay, Walang, Kasing
4. A. Padamdam- Tulong! Saklolo! Laban! B. Maikling sambitla- Ay! Aray! Naku!

MGA PARABULA SA BIBLIYA NA MAY ARALIN


1. Ang Alibughang Anak
2. Parabula ng sampung dalaga.
3. Ang mabuting Samaritano
4. Parabula ng nawawalang tupa
5. Pinatigil ni Jesus ang bagyo sa lawa
6. Painagaling ni Hesus ang sampung ketongin
7. Ang talinghaga tungkol sa pariseo at publikano
8. Talinghaga tungkol sa tatlong alipin

You might also like