You are on page 1of 2

 pinagmulan ng salitang Ingles na metaphrase o salitang-sa-salitang pagsalin (Kasparek 1983 hango kay

Batnag 2009).

 Ito ang dahilan kung bakit palaging inaakala na ang pagsasalin ay isang simpleng pagtatapatan lamang
ng mga salita ng dalawang wika o rehiyon na wika.

Ang sumusunod na mga pakahulugan sa pagsasalin ay mula sa aklat nina A. Batnag at J. Petra (2009):

1. Translation consists in producing in the receptor language the closest, natural equivalent of the
message of the source language, first in meaning and secondary instyle (Nida, 1964).

2. Translation is made possible by an equivalent of thoughts that lies behind its verbal expressions
(Savory, 1968).

3. Translation is an exercise which consists in the attempt to replace a written message in one language
by the same message in another language (Newmark, 1988).

Layunin ng Pagsasalin

1. Magdagdag ng mga impormasyon at kaalaman mula sa pag-aangkat ng mga kaisipan mula sa ibang wika.
2. Mailahok sa pambansang kamalayan ang iba’t ibang katutubong kalinangan mula sa iba’t ibang wikang
rehiyonal at pangkating etniko sa bansa.
3. Mapagyaman ang kamalayan sa iba’t ibang kultura mula sa pagbubukas ng bagong mundo mula sa mga
salin.

Uri ng Pagsasalin

1. Pagsasaling Pampanitikan - nilalayon na makalikha ng obra maestra batay sa orihinal na akdang


nakasulat sa ibang wika

2. Pagsasaling siyentipiko-teknikal - komunikasyon ang pangunahing layon


Mga Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsusulong sa Filipino

Ilan sa mga tungkulin ng pagsasalin sa pagsusulong sa Filipino ayon kina San Juan et al.,:
1. Sa naipamamalas na hindi hanggang sa ordinaryong talakayan lamang magagamit ang Filipino.

2. Napapaunlad ang Filipino habang patuloy ang mga gawaing pagsasalin.

3. Naiimbak ang mahahalagang kaalaman sa iba’t ibang larangan sa pamamagitan ng Filipino.

4. Mga aklat at materyales na panturo o sanggunian.

5. Napauunlad nito ang pedagogical idiom sa isang larangan.

YUNIT III – FILIPINO SA AGHAM, TEKNOLOHIYA, INHINYERIYA, MATEMATIKA AT IBA PANG


KAUGNAY NA LARANGAN

INTELEKTWALISASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGANG SIYENTIPIKO- TEKNIKAL


• Sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika sa pagtuturo sa mga larangang siyentipiko-teknikal, kailangan
ang intelektwalisasyon ng wika.
• Malaki ang ginagampanang papel ng pagsasalin sa adhikaing intelektwalisasyon ng wika, ang pagsasa-Filipino ng
iba’t ibang akda mula sa iba’t ibang wika ay isang paraan ng intelektwalisasyon ng wika.

You might also like