You are on page 1of 25

1

60

ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG


YUNIT PAMBANSA SA MAS MATAAS NA
1 ANTAS NG EDUKASYON AT
LAGPAS PA

Sa pagtatapos ng yunit na ito, ang mga mag-aaral


ay inaasahang:
a. nabibigyang paliwanag ang nilalaman ng salitang
kontekstwalisasyon at lokalisasyon batay sa legal na
batayan nito.
b. natatalakay ang pinagmulan ng pagkakabuo ng wikang
pambansa sa mas lalong mataas na antas nito.
c. naiisa-isa ang nilalaman at layunin ng bawat batas
pangwika mula 1935 hanggang sa kasalukuyan.
d. nasusuri ang usapin patungkol sa Filipino sa CHED
Memorandum Order 20 series 2013.
e. nasasagot at naipaliliwanag ang mga katanungan hinggil sa
LAYUNIN wikang Pambansa batay sa sulatin ni Virgilio S. Almario.
f. nakapagbibigay repleksyon at saloobin kaugnay sa
nilalaman sa pahayag ni Bienvenido L. Lumbera patungkol
sa usaping Sulong Wikang Filipino!

BALANGKAS NG ARALIN

I. Ang Kontekstwalisasyon at Lokalisasyon ng Asignaturang Filipino


II. Sulyap sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa

a. Mga Batas Pangwika mula 1935

b. Ang Artikulo XIV ng Konstitusyon 1987

c. Usapin ng Filipino sa CMO 20 Series 2013

III. Madalas itanong Hinggil sa Wikang Pambansa ni Virgililo S. Almario


IV. Sulong Wikang Filipino! ni Bienvenido Lumbera

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 1
612

PANIMULA

Ang Wikang Pambansa ay kinikilalang midyum


na komunikasyon sa isang bansa. Kadalasan, ito ang
wikang ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng
lahat ng mamamayan sa isang bansa. Higit pa rito, ito ay
tinutukoy bilang isang wika na may ilang koneksyon kasama
ang mga tao at ang teritoryo na sakop nila. Ang isa o higit
https://bit.ly/3jb5KpS
pang wika na sinasalita bilang unang wika sa teritoryo ng
isang bansa ay maaring tumutukoy sa impormal o itinatalaga sa batas bilang
pambansang wika ng bansa. Ang pambansang wika ay nakapaloob at binabanggit sa
mahigit isang daan at limampung saligang mundo.

Dagdag kaalaman:
 Ang de facto ay isang katagang Latin na nangangahulugang "sa
katotohanan" o "sa pagsasanay"
 Ang de jure ay isa ding katagang Latin na nangangahulugang " sa
pamamagitan ng batas"

Apat na Natatanging mga Kahulugan ng Pambansang Wika:


 Ayon kay Conrad Max Benedict Brann na isang lingwista at mayroong partikular
na sanggunian sa India, ang pambansang wika sa isang pamahalaan ay mayroong
apat na natatanging kahulugan at ito ang mga sumusunod:
1. Teritoryal na wika o ethonolect ng isang partikular na tao.
2. Wikang rehiyonal o choralect
3. Wika sa karaniwan o wikang pangkomunidad o demolect na ginagamit sa
buong bansa.
4. Sentral na wika o politolect na ginagamit ng pamahalaan at marahil may
simbolikong halaga
Iba pang kahulugan ng Wikang Pambansa:
 Nakasaad sa Artikulo IV ng Konstitusyon 1987 sa Seksyon 6 na ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Ang

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 2
3
62

pambansang wika ay ang opisyal na wika na ginagamit ng isang bansa. Ang


pambansang wika ay maaring isa o higit pang mga wika na sinasalita bilang unang wika
sa teritoryo ng isang bansa at ang wika na ito at itinatalaga sa batas bilang
pambansang wika ng bansa.
 Isang Wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng
kaunlaran ng isang bansa.
 Pagkakakilanlan ng isang bansa
 Sistema ng ibat-ibang pinagsamang anyo ng mga katutubong wikang pasalita o
pasulat
 Kultural na simbolo ng identidad, kapangyarihan at pagsasarili ng isang bansa.

ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MATAAS NA ANTAS NG


EDUKASYON AT LAGPAS PA
Makasaysayan ang taong 2014 sa larangan ng pagtataguyod ng wikang
Filipino sapagkat ito ang taon ng pagtatag ng Tanggol Wika. Nabuo ang Tanggol Wika
sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University, Manila,
halos 500 deligado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisyasyong
pangwika at pang kultura ang lumahok sa nasabing forum.
Kasama sa mga tagapagsalita sa forum na iyon si Dr. Bienvenido Lumbera,
pambansang alagad ng sining, ang forum na iyon ay kulminasyon ng mga nauna pang
kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012. Ang mga nasabing inisyatiba ay epekto ng
pangtatangka ng Komisyon ng Mataas Edukasyon sa pamamagitan ng CHED
Memorandom Order (CMO) No. 20 series of 2013 na alisin ang mga asignaturang
Filipino at Panitikan sa kolehiyo para hindi umano ay mabawasan at mas mapagaan ang
kurikulum sa kolehiyo. Malaki at makabuluhan ang papel ng Tanggol Wika sa
pagtataguyod ng asignaturang Filipino at pantikan sa kolehiyo bagay na lubhang
mahalaga sa pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa mas mataas na antas ng
edukasyon.
Ang iyong pangalan, ang iyong paboritong pagkain, ang
kulay ng iyong mga mata at ng iyong buhok, ang kulay ng iyong balat
marami pang iba. Pero walang makatutumbas sa wikang iyong
sinasalita. Sabi nila, ang wika ang nagiging simbolo, instrumento at

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 3
4
63

basehan ng iyong pagkakakilanlan. Sa Pilipinas, ang ating pambansang wika ay Wikang


Filipino. Lubos na lamang ang ating pasasalamat kay G. Manuel L. Quezon na naging
kilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa” dahil siya ang nagsulong ng ating Wikang
Pambansa at siya rin ang nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang Surian ng
Wikang Pambansa ay isang institusyon na sumusuri ng wikang gagamitin bilang wikang
pambansa at ito ay kilala na ngayon bilang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF).
Ang naging basehan ng ating wikang Filipino ay ang Tagalog na isang
katutubong wika na gingamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo. Noong ika-4 ng Hunyo, 1946, naging opisyal ang wikang Filipino bilang
wikang pambansa ng Pilipinas. Nang inaprubahan ni dating Pangulo Benigno Aquino III
ang programang K-12 bilang pagtugon sa napapanahong sistema ng edukasyon,
biglang nagbago ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Dahil sa pagbabagong ito,
noong 2013, napagdesisyunan ng Komisyon ng Mataas Edukasyon na magbawas ng
anim na yunit ng Filipino para sa mga mag-aaral na papasok sa kolehiyo noon sanang
2018. Ipinataw ang CHED Memorandum Order na naglalayong gawin na lamang 36
yunits ang dating 63 yunits ng General Education Curriculum para sa kolehiyo. Resulta
ng pagpataw nito ay ang pagkadismaya ng ilang propesor sa Filipino. Ilan na dito sina
Dr. Randy Din at David Michael San Juan nagsabing maaaring bumaba ang kalidad ng
Wikang Pambansa kung mangyaring matanggal ito sa kolehiyo. Sa katunayan, may
isang organisasyon na pinamumunuan ni Dr. David Michael San Juan at ng iba pang
mga guro sa iba‟t ibang lugar ng Maynila na tinatawag na Tanggol Wika para panatilihin
sa pag-aaral ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Noong Abril 2015, naghain ng TRO
ang Korte Suprema upang panandaliang hintuin ang layunin ng CHED na tanggalin ang
asignaturang Filipino hangga‟t wala pa itong maayos na hatol at noong Hunyo 2017,
napagdesisyunan ng CHED na huwag na ituloy ang pagtanggal ng asignaturang Filipino
sa kolehiyo.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 4
5
64

ANG KONTEKSWALISASYON AT LOKALISASYON


NG ASIGNATURANG FILIPINO

Lokalisasyon
Isang proseso sa pag-uugnay ng nilalaman sa
lokal na impormasyon at kagamitan mula sa komunidad
ng mag-aaral.

Kontekstwalisasyon
Tumutukoy sa proseso ng pag-aaral sa
pamamagitan ng pag-uugnay ng kurikulum o aralin sa
partikular na tagpuan, sitwasyon o lugar ng paglalap at
https://bit.ly/3jb5KpS
upang gawing angkop, makabuluhan at kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral.

Lokalisasyon at Kontekstwalisasyon
Ang kurikulum ay buhay. Ito ay nagbabago depende sa kung sino ang
nagpapatupad nito, saan at kailan ipinatutupad. Upang maisagawa ang lokalisasyon at
kontekstwalisasyon ng kurikulum.
"Kailangang mong isipin kung nasaan ka upang magawa mong makabuluhan
sa iyo ang kurikulum" - Wika ni Usec. Dina
Kung tayo ay naglolocalize, tayo ay sumasang-ayon sa kurikulum. Ito ay
nangangahulugan na sa iba‟t ibang sulok ng bansa, gumagamit ng iba-ibang kagamitan
upang maihatid ang mga pamantayan ng kurikulum. Nailalapat ang lokalisasyon at
kontekstwalisasyon sa lahat ng asignatura. Napakikinabangan ng lokalisasyon ang mga
kagamitang nakikita sa komunidad. Sa kontekstwalisasyon, gumagamit ang guro ng
mga awtentikong kagamitan, gawain, interes, isyu at pangangailangan mula sa buhay
ng mga mag-aaral. Nagbibigay rin ang guro ng pagkakataon sa mga mag-aaral na
maglatag ng mga suliranin, isyu at tuluyang bumuo ng mga estratehiya upang ito‟y
mabigyan ng kasagutan.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 5
6
65

MUNGKAHING
Identipikasyon
GAWAIN 1

Pangalan:___________________________ Petsa:____________
Kurso at Taon/Seksiyon:________________ Iskor:____________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Kilalanin ang
inilalarawang konsepto nito at isulat ang sagot sa kahon.

1. Pagkakakilanlan ng isang bansa.


2. Ang paglinang ng bagong kasanayan, kaalaman, kakayahan at kaasalan ng mga
mag-aaral sa pagpapahayag ng bago, makabuluhan at napapanahong isyu sa
totoong buhay at lugar na ginagalawan.
3. Katagang latin na nangangahulugang sa katotohanan o pagsasanay.
4. Katagang latin na nangangahulugang sa pamamagitan ng batas.
5. Wikang gamitin sa loob ng isang bansa lalo sa larangan ng komunikasyon at
edukasyon.
6. Naging pangulo ng Pilipinas at itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa.
7. Ang wikang pambansa ng Pilipinas.
8. Isang proseso sa pag-uugnay ng nilalaman sa lokal na impormasyon at kagamitan
mula sa komunidad ng mag-aaral.
9. Mutukoy sa proseso ng pag-aaral sa pamamagitan ng pag-uugnay ng kurikulum o
aralin sa partikular na tagpuan at sitwasyon.
10. Paglalapat at pagpapahalaga sa kaisipang ibinabahagi ng teksto.

Kasagutan
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 6
7
66

SULYAP SA KASAYSAYAN NG
WIKANG PAMBANSA

Nang dumating ang mga Amerikano, biglang naunsyami ang mithiin ng mga
Pilipino ng itakda ng pamahalaan na ang Ingles ang gawing opisyal na wikang panturo
sa mga paaralan. Ipinagbawal ang paggamit ng bernakular sa paaralan at sa
tanggapan. Ito ang dahilan kung bakit simula noong pananakop ng mga Amerikano
hanggang bago sumiklab ang pangalawang digmaang pandaigdig, hindi umunlad ang
ating wika.
Ang ating mga lider na makabayan tulad nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez,
Teodoro Kalaw at iba pa ay nagtatag ng kilusan na kung saan sila ay naging masigasig
sa pagkakaroonng wikang pambansa. Nagharap ng panukula si Manuel Gallego na
gawing wikang pambansa at wikang opisyal ang Tagalog subalit patuloy pa ring
namayani ang Ingles.
Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa
pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Ito ay utang
natin sa naging Pangulong Manuel Luis M. Quezon, ang
tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa.
Noong 1934, isang Kombensyong
Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang Komonwelt
upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At

https://bit.ly/3vqXilC upang ipakilala ang kahalagahan ng wika, isang


probisyon tungkol sa Wika ang isinama sa ating Saligang Batas. Ito ay napapaloob sa
Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935.

"Ang Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mga hakbangin tungo sa


paglinang at paggamit ng pambansang wikang batay sa isa sa umiiral na katutubong
mga wika. Samantalang hindi pa itinatadhana ng batas, ang Ingles at Kastila ay
patuloy na mga wikang opisyal."

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 7
8
67

A. Mga Batas Pangwika


1. Artkulo XIV, Pangkat 3 ng Saligang Batas ng 1935
Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang
wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo.”
2. Batas ng Komonwelt Blg. 184 (136)
Opisyal na paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) noong ika-13
ng Nobyembre 1936.
3. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)
Ipinahayag na ang Tagalog ay siyang magiging batayan ng wikang pambansa
ng Pilipinas.
4. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (1940)
Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag at paglalathala ng Talatinigang
Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa at itinagubilin din ang pagpapaturo ng
wikang pambansa sa mga paaralan, pambayan man o pribado.
5. Batas Komonwelth Blg. 570 (1946)
Pinagtibay na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang
opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1946.
6. Proklamasyon Blg. 12 (1954)
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay na nagpapahayag ngpagdiriwang
ng Linggo ng Wikang Pambansa ay magaganap mula sa ika-29 ng (Marso
hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigay-kahalagahan sa kaarawan ni Francisco
Balagtas.
7. Proklamasyon Blg. 186 (1955)
Nilagdaan ni Pang. Magsaysay nag-uutos sa paglilipat ng petsa ngLinggo ng
Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigayng kahalagahan sa
kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon.
8. Memorandum Sirkular 21 (1956)
Noong Pebrero 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang
Bayan na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga paaralan.
9. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, s. 1959
Nilagdaan ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng noong
Agosto 13, 1959 na nagsasaad na kailanma‟t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 8
9
68

salitang Pilipino ang gagamitin.


10. Kautusang Pangkagawaran Blg. 24, s. 1962
Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-uutos na simula sa taong-aralan
1963-1964, ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag sa wikang
Filipino.
11. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60, s. 1963
Nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang
Pambansang Awit sa titik nitong Pilipino.
12. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, s. 1967
Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos at nagtatadhana na ang lahat ng
edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Filipino.
13. Memorandum Sirkular Blg. 199 (1969)
Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng kagawaran,
kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang
Filipino hangga‟t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa.
14. Memorandum Sirkular Blg. 488 (1972)
Humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng
Wika.
15. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974
Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na nagtatakda ng mga panuntunan sa
pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal.
16. Kautusang Pangkagawaran Blg 22, s. 1987
Paggamit ng “Filipino” sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas.

B. Ang Artikulo XIV ng Konstitusyon 1987


Artikulo XIV ng Konstitusyon 1987 – Wika
Sek. 6
Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay
dapatpayabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring
ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang
ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang midyum na opisyal na

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 9
10
69

Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.


Sek. 7
Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal
ng Pilipinas ay Filipino at hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga
wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi
na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang
Kastila ng Arabic.
Sek. 8
Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa
mgapangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
Sek. 9
Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon sa Wikang Pambansa
na binubuo ng mga kinatawan ng iba‟t ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnayat magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba
pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 (Agosto 25, 1988 )
Ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng
paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino.
Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga
paaralan sa mga piling asignatura.

CHED MEMORANDUM 20 SERIES OF 2013


Batay dito ang nasabing memorandum na ito ang asignaturang Filipino ay hindi
na ituturo sa mga mag-aaral pagkatungtong ng kolehiyo kapag naipatupad ang K-12 sa
programa: Nasa Memorandum din na ang mga General Education Courses (GEC) ang
ipapatupad sa pagtuturo ng mga grade 11 at 12 na mga mag-aaral. Kabilang ang
asignaturang Filipino na nasabing General Education courses na ito. Ipinaliwanag ni
Licuanan na hindi naman daw naging tahasan ang pagkawala ng Filipino sa kurikulum,
dahil may nilaan rito sa ika-11 at 12 na baitang ng pag-aaral ng Senior High School.
Kanya ring ipinaliwanag na ang bawat kolehiyo, pamantasan o Unibersidad ay may
opsyon na gamitin ang Filipino sa tatlumpu‟t anim na Yunit na General Education.
Ang programang K-12 lalong higit ang mga probisyong may kaugnayan sa ating

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 10
11
70

kultura at wika ay hindi dapatmaging isang laro o ekesprimento lamang.

Usapin ng Filipino sa CMO 20 Series 2013


Isa sa mga pinaniniwalaan ng dating komisyuner ng CHED na si Dr.
Patricia Licuanan na ang K-12 ang sagot sa usapin ng trabaho
matapos ang labindalawang basikasong edukasyon.
Ang mga inaasahang kasanayan ng talino at lakas ng mag-aaral ay
maaring makuha sa mga asignaturang kasama sa dalawang taong dagdag na
pag aaral (ika-11 at 12 na baitang). Naglabas ng Memo 20, serye ng 2013 ang
Komisyon ng lalong Mataas na Edukasyon para sa katumbas na mga asignatura
ng tatlumput anim (36) na yunit ng pangkalahatang edukasyon na kinabibilangan
ng mga sumusunod:
 Understanding the self
 Purposive Communication
 Reading in Philippine History
 Art Appreciation
 The Contempory World
 Ethics
 Mathematics in the Modern World
 Science Technology and Society

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 11
12
71

MUNGKAHING Fact Check


GAWAIN 2

Pangalan:___________________________ Petsa:____________
Kurso at Taon/Seksiyon:________________ Iskor:____________
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng tsek (/) ang kahon
kung ang pangungusap ay tama at ekis (X) naman kung ito ay mali.

1. Tagalog ang ipinahayag na magiging batayan sa unang Wikang Pambansa ng


Pilipinas.
2. Opisyal na nilikha ang Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre
1936.
3. Simula sa Hunyo 4, 1946, ang Pambansang Wika na Filipino ay magiging isa sa
mga wikang opisyal sa Pilipinas.
4. Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang
wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo.”
5. Sa taong 1954, itinagubilin na ipagdiriwang ang Linggo ng Wika sa araw ng
Agosto 13-19.
6. Noong Pebrero 1957, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang
Bayan ang Memorandum Sirkular 21 na nag-uutos na ituro at awitin ang
Pambansang Awit sa mga paaralan.
7. Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 ay nilagdaan ng Pangulong Diosdado
Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Filipino.
8. Ayon sa Sek. 6 ng Artikulo XIV ng Saligang Batas ng 1987, gagamitin ang
“Filipino” sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas.
9. Ayon sa Sek. 8 Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles
at dapat isalin sa mgapangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
10. Ang Komisyon sa Wikang Filipino ang nanguna sa pagtutol ng pagtatanggal ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo at unibersidad.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 12
13
72

MGA MADALAS ITANONG HINGGIL SA WIKANG PAMBANSA


NI VIRGILIO S. ALMARIO
1. Ano ang tinawag na ang “mga wika ng Filipinas?
Ang tinatawag na „mga wika ng Filipinas‟ ay ang iba‟t
ibang wikang katutubo na sinasalita sa buong kapuluan. Hindi
tiyak ang bilang ng mga ito ngunit may nagsasabing 86 at may
nagsasabing 170. Itinuturing ang bawat isa na wika (language
sa Ingles) dahil hindi magkakaintindihan ang dalawang https://bit.ly/3jbufmB
tagapagsalita nito na may magkaibang katutubong wika”.
2. Bakit sinabing “magkamag-anak” ang mga wikang katutubo ng Filipinas?
Ang mga wika sa Pilipinas ay bahagi ng malaking pamilya ng mga wikang
Awstronesyo. Sinasaklaw ng pamilyang ito ang mga wika mula Formosa sa hilaga
hanggang New Zealand sa timog, mula islang Madagascar sa may baybayin ng Aprika
hanggang Easter Islands sa gitnang Pasipiko. Ang pagiging magkakamag-anak ang
isang malakas na batayan ng pagbigkis sa mga itinuturing na wikang katutubo ng
Filipinas. Ito rin ang dahilan kung bakit napakadali para sa sinumang Filipino na mag-
aral ng ikalawang wika na katutubo sa Filipinas. Ang pangyayaring magkakamag-anak
ang mga wika sa Filipinas at mga wika sa paligid ng Karagatang Pasipiko ay ginagamit
din ngayong saligan ng teorya hinggil sa naging migrasyon ng mga tao sa dakong ito
ng mundo.
3. Bakit may tinatawag na mga “pangunahing wika” ng Filipinas?
Walong pangunahing wika: Bikol, Ilokano, Hiligaynon, Pampanggo,
Pangasinense, Sebwano, Tagalog at Waray. Minsan isinasama ang wikang Meranaw,
Tausug at Magindanaw. Mayroong pangunahing wika dahil may malaking bilang ito ng
tagapagsalita, may mahalagang tungkulin ito sa bansa bilang wika ng pagturo bilang
wikang opisyal o bilang wikang pambansa.
4. Ano ang tinatawag na “wikang opisyal”?
Ang wikang opisyal ay itinadhana sa batas na maging wikang sa opisyal na
pagkikipagtalastasan ng pamahalaan. Ito ang wika na maaring gamitin sa anumang
uring komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat sa loob at labas ng alinmang sangay
ng gobyerno.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 13
14
73

5. Ano ang tinatawag na “wikang panturo”?


Ang wikang panturo ang wikang opisyal na ginagamit sa pormal na
edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga paaralan at ang
wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan. Sa itanatag na
pambansang sistema ng edukasyon ng mga Amerikano, Ingles ang wikang panturo.
Nagsimulang ipagamit ang Wikang Pambansa bilang wikang panturo sa panahon ng
Komonwelt.
6. Ano ang tinatawag na “wikang pantulong”?
Wikang pantulong o auxiliary language ay may pagkakahulugang “dagdag na
tulong o suporta”. Wikang ginagamit para sa higit na pagkakaintindihan ng dalawa o
mahigit pang nag-uusap. 1987 Konstitusyon: Ang mga wikang rehiyonal ay ang opisyal
na wikang pantulong sa Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE);
binigyan ng panahon ang mga bagong mag-aaral na danasin ang pag-aaral gamit
ang kanilang unang wika sa tahanan.
7. Bakit may “wikang pambansa”?
Itinuturing ang wika na isang mabisang pagbigkis sa pagkakaisa at
pagkakaunawaan. Ito rin ay isang pambansang sagisag. Dahil mayroong maraming
wika ang Pilipinas, nararapat lamang na mayroon tayong sariling wika upang tayong
lahat ay magkakainitindihan.
8. Bakit isang wikang katutubo ang naging wikang pambansa ng Filipinas?
Dahil ito ang napagkasunduan ng 1934 Kumbensyong Konstitusyonal. Ayon
kay Felipe R. Jose, “Kailangan natin ngayo‟y mahalin ang kalayaan at kaluluwa ng
bayan– ang sariling wika”. Ayon sa Committee on Official Language, isang katutubong
wika ang wikang pambansa dahil;
a. All the vernaculars are outgrowths or branches of the Malay
b. Vernaculars have very many terms incommon
c. Ease and rapidity in learning
d. Wide diffusion of Tagalog in the provinces.
9. Bakit hindi Ingles ang naging wikang pambansa natin?
Sapagkat hindi sinulong ang Ingles ng mga eksperto at pinunong mga
Amerikano. Maaari sanang “brinaso” ng mga Amerikano ang mga delegado sa 1934
Kumbensiyong Konstitusyonal. Ngunit salungat dito ang mga ekspertong gaya ni

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 14
15
74

Najeeb Saleeby na naglabas ng librong The Language of Education of the Philippine


Islands noong 1924 at nagpahayag ng tutol sa patuloy na paggamit ng Ingles bilang
nag-iisang wikang panturo.
10. Bakit Tagalog ang nahirang na batayan ng Wikang Pambansa ng
Filipinas?
Dahil ito ang rekomendado ng Committee on Offical Language ng
Kumbensiyong Konstitusyonal. Saleeby:Tagalog as the best developed and fittest
dialect to be selected as a commonnational language because of its linguisticpre-
emeninence, and its relation to the national capital, and to the PH heroes. Noong 1936
Commonwelt Act No. 138 na lumikha sa National Language institute na naging
Institute of national Languge o Surian ng Wikang Pamabansa, ito ang pumili sa
Tagalog na maging batayan ng wikang pambansa.
11. Totoo ba o hindi na “niluto” ni Pangulong Quezon ang paghirang sa
Tagalog?
Tagalog ang naging batayan ng pambansang wika dahil sa tatlong dahilan: isa
ito ang ginamit sa pagsulat ng pinakadakilng panitikan; pangalawa, ito ang lenggwahe
sa Metro Manila na kilala bilang sentrong komersyalismo; at pangatlo, ito ang may
pinakamaunlad na balagtas.Walang nabanggit na nakialam si Pangulong Manuel L.
Quezon sa pagwagi ng Tagalog bilang wikang pambansa sa kahit ano mang
dokumento.
Pinag-aralang mabuti ng kalupunan ang mga wikang katutubo bago
nagpasiya, at ito ang isinaadng Executive Order No. 134 ni Pangulong Quezon sa
pagsasabing: “Whereas, in the light of these studies the members of the Institute have
come to the conclusion that among the Philippine languages, the Tagalog is the one
that most nearly fulfills the requirements of Commonwealth Act No. 184.” Ang
proklamasyon ay pagpapatibay lamang noon pa sa mga katangian ng Tagalog bílang
potensiyal na wika ng komunikasyon at edukasyon ng Filipinas at nakahihigit kaysa
ibang mga wikang katutubo.
12. Suportado ba ng mga saliksik ang rekomendasyon ng Surian ng Wikang
Pambansa?
Oo, suportado ito ng mga saliksik. Isa sa mga ito ay ang makabuluhang
saliksik na pinangunahan ni Trinidad A. Rojo, isang Ilokanong nagtapos sa University

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 15
16
75

of Washington noong 1930. Ang kaniyang saliksik na The Language Problem in the
Philippines ay inilathala noong 1937 ng Philippine Research Bureau sa New York.
Idiniin din ni Pangulong Quezon sa kaniyang proklamasyon na:
“Whereas, this conclusion represents not only the conviction of the members
of theinstitute but also the opinion of Filipino scholars and patriots of divergent origin
andvaried education and tendencies who are unanimously in favor of the selection of
Tagalog as the basis of the national language as it has been bound to be used and
accepted by the greatest number of the Filipinos not to mention the categorical views
expressed by newspapers, publications, and individual writers.”
13. Bakit hindi bumuo ng wikang pambansa sa pamamagitan ng halo-halong
mga wikang katutubo sa Filipinas?
Magandang panukala ngunit hindi ito posible. Ito ang mungkahi noong
panahon ng Amerikano ngunit sinalungat ng marami gaya ni Trinidad A. Rojo.
Sinalungat din ito noong 1925 ng Educational Survey Board.
14. Bakit tinatag ang Surian ng Wikang Pambansa?
Ayon kay Pangulong Quezon, kailangang magtatag ng Surian ng Wikang
Pambansa sa Pilipinas sa layuning makapagpapaunlad at makapagpapatibay ng isang
wikang batay sa isa sa mga diyalekto ng mga Pilipino.
15. Totoo ba ang akusasyon na naging prutista ang Surian ng Wikang
Pambansa?
Sa pagsusuri ni Andrew B. Gonsalez, ang „purismo‟ ay isang „pseudoissue.‟
Ginamit lamang itong kasangkapan upang pagtawanan at maliitin ang SWP at hindi
nakabatay sa naging gawain ng SWP mula sa taong 1938. Kahit na tinangkilik ng SWP
ang abakadang may 20 titik at ang Balarila ni Lope K. Santos ay naging liberal ito sa
panghihiram ng mga salita mulang Espanyol (at kahit mulang Ingles) at hindi
pinakialaman ng ortograpiya ang mga baybay sa Espanyol ng mga pangngalang
pantangi. Ang totoo, ang bawat wikang pambansa ay maituturing na isang uri ng
pinaghahalo-halong mga wika, gaya rin ng pangyayaring ang bawat nasyon ngayon ay
binubuo ng mga pinaghalong lahi.
16. Naiiba nga ba ang Pilipino sa Tagalog?
Sa isang banda, naiiba. Ang Tagalog ay ang wikang katutubo ng mga Tagalog
at hinirang noong 1939 na maging batayan ng wikang pambansa alinsunod sa atas ng

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 16
17
76

1935 Konstitusyon. Ang Pilipino ay pangalang itinawag sa nabuong wikang pambansa


sa bisa ng atas pangkagawaran ni Kalihim Jose E. Romero noong 13 Agosto 1959. Sa
kabilang banda, hindi naiiba. Hindi naman namatay ang Tagalog habang nagaganap
ang pagbuo sa Wikang Pambansa, ang wikang tinawag na Pilipino noong 1959 ay
nagtataglay pa rin ng mga katangian ng Tagalog.
17. Bakit tinawag ang Wikang Filipino ang wikang Pilipino?
Sapagkat malalim ang naging batik ng akusasyong „purismo‟ noong dekada 60
laban sa Wikang Pambansa na tinawag na Pilipino. Ang pangalan mismo ay patunay na
Tagalog pa rin ito dahil ang “Pilipino” ay nakabatay sa naging bigkas at baybay sa
“Pilipinas” alinsunod sa abakadang Tagalog na may 20 titik. Ang pagtawag na “Filipino”
sa Wikang Pambansa ng 1987 Konstitusyon ay may mahihiwatigang bagong mithiin
gaya ng nais nitong ihiwalay ang Wikang Pambansa sa batik na Tagalog ng “Pilipino”
18. Higit bang itinataguyod ng 1987 Konstitusyon ang wikang Filipino?
Hindi lamang itinaguyod, nilinaw pa ang kailangang mga gawain upang
totoong maitaguyod ang wikang Filipino. May apat na seksiyon ang Artikulo XIV hinggil
sa Wikang Pambansa. Lagi lamang nababanggit ang unang talata sa Seksiyon 6 na
“The national language of the Philippines is Filipino. As it evolves, it shall be further
developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages. “May
tatlong talata ang Seksiyon 7: Una: “For the purposes of communication and
instruction, the official language of the Philippines are Filipino and, unless otherwise
provided by law, English.” Ikalawa: “The regional languages are the auxiliary official
languages in the regions and will serve as auxillary media of instruction threin.” Ikatlo:
“Spanish and Arabic shall be provided on a voluntary and optional basis.” Sa Seksiyon 8
, isinaad namang “This Constitution shall be promulgated in Filipino and English and
shall be translated into major regional languages, Arabic, and Spanish.” Itinadhana sa
Seksiyon 9 na “The Congress shall established a national language commission
composed of representatives of various regions and disciplines which shall undertake,
initiate, and promote researches for the development, propagation, and preservation of
Filipino and other languages.”
19. May bagong tungkulin ba ang komisyon sa Wikang Filipino?
Ang Komisyon ng Wikang FIlipino (KWF) ay may mga ganap na bagong
tungkulin na nakasaad sa Seksiyon 2 ng RA No. 7104, at ang Seksiyon 14 ng RA No.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 17
18
77

7104 na nagsasabi ng:


a. Pagsagawa ng plano upang masigurado ang pagunlad ng wika;
b. Magpatupad ng mabisang panuto at regulasyon;
c. Pagsasagawa o pagsasaliksik ng kontrata at iba pang mga pag-aaral upang
itaguyod ang ebolusyon, kaunlaran, pagpapayaman ng ating wika;
d. Imungkahi ang mga alituntunin at pamantayan para sa mga pormang
pangwika at ekspresyon sa lahat ng mga materyales sa pagtuturo;
e. Hikayatin at itaguyod ang sistema ng insentibo sa gawad at parangal, ang
pagsulat at paglalathala, sa wikang Filipino;
f. Lumikha at mapanatili sa loob ng Komisyon ng isang dibisyon ng pagsasalin
na dapat maghimok ng insentibo, isagawa at masiglang suportahan ang
pagsasalin sa Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas ng mga
mahahalagang gawaing pangkasaysayan at tradisyon ng kultura.
20. Sumulong ba ang pagpapalaganap sa Wikang Filipino?
Ang pagpapalaganap naman ng Wikang Pambansa ay napatunayang bumunga
dahil sa epektibo ng pagtuturo nito sa paaralan, katulad na lamang ng larangan ng
panitikan at sa edukasyon. Napatunayan din ng pambansang senso mula 1939
hanggang 1980 na mahigit 4 milyon hanggang 12 milyong Pilipino ang nakakapagsalita
ng Wikang Pambansa.
21. Bakit may patuloy na tumututol sa pag papatupad ng patakarang
makawikang Filipino?
May mga patuloy na tumututol sa pagpapatupad ng patakarang makawikang
Filipino dahil may mga iba pa rin na ginugustong ibalik sa wikang Ingles ang wika ng
edukasyon.
22. Bakit pinalitan ng ABAKADA ng alphabetong Filipino?
Napatunayan ng saliksik at mga pangyayari na hindi sapat ang abakada para
sa pangangailangang nakasulat ng isang wikang pambansa. Ang abakada na ginamit sa
Balarila ni Lope K. Santos ay hango sa pag-aaral ni Rizal na Estudios sobre la lengua
tagala na nalathala noong 1898. Abakada ito ng mga Tagalog at may 20 titik. May mga
tunog na hindi makatawan ng naturang mga titik. Dinagdagan samakatuwid noong
1987 ang mga titik ng alpabeto upang maging higit na episyente ito sa pagtuturo at
pagsulat ng mga tunog na wala sa mga titik ng abakada.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 18
7819

23. Bakit kailangan ng “Ortograpiyang Pambansa?


Kinakailangan ang ortograpiyang pambansa dahil ito ay napatunayang
epektibo sa paraan o antas ng pagtuturo sa pagsulat at sa pagbasa sa ating wikang
Filipino. Noong pinalitan ang abakada sa alpabeting Filipino, kinakailangan din palitan
ang sistema ng ortograpiya ng bansa. Ito ay dahil may mga sapat na tamang tunog,
tuntunin, at tamang pagbaybay ang mga salita at ang mga titik sa modernisasyon ng
ating wika.
24. Bakit pinagdiriwang ang “Linggo ng Wika”?
Bago pa magkaroon ng selebrasyon ng Buwan ng Wika ng Agosto, nagsimula
ito sa Linggo ng Wika kung saan si Pangulong Sergio Osmeña ang unang nagdeklara ng
pagdiriwang nito. Mula 1946 hanggang 1954, ginugunita ang Linggo ng Wika tuwing
Marso 7 hanggang Abril 2. Pinili ang Abril 2 dahil ito ang kaarawan ng Pilipinong
manunulat at makata na si Francisco Balagtas. Dalawang beses iniusog ang petsa ng
pagdiriwang sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ramon Magsaysay, ito ay: Marso 29
hanggang Abril 4 noong 1954, at Agosto 13 noong 1955.
Ayon kay Magsaysay, kaya Agosto ito ipinagdiriwang ay dahil ang orihinal na
Linggo ng Wika ay nagaganap tuwing bakasyon ng mga estudyante, kaya hindi
naisasama ang mga paaralan sa pagdiriwang nito. Itinapat naman ang huling araw ng
pagdiriwang sa kaarawan ni Pangulong Quezon na itinuturing na Ama ng Wikang
Pambansa.Pero noong 1997, idineklara ni Pangulong Fidel Ramos na ang selebrasyon
ng Wikang Filipino ay magaganap na sa buong buwan ng Agosto sa bisa ng
Proklamasyon Bilang 1041.
25. Ano pang kailangan para ganap na magtagumpay ang wikang Filipino?
Marami pang dapat gawin upang tuluyang magtagumpay ang wikang Filipino.
Isa na rito ang magpanukala ng mas sistematikong paraan sa paglinang at sa pagunlad
sa ating wikang pambansa. Kinakailangan din ng pakikisama at pagkakaisa ng ating
gobyerno upang magbigay patnubay at magbigay plano nang tuluyang panatiling
magtagumpay ang ating wika sa bansa.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 19
20
79

MUNGKAHING
Debate
GAWAIN 3

Pangalan:___________________________ Petsa:____________
Kurso at Taon/Seksiyon:________________ Iskor:____________
Panuto: Ilahad ang inyong opinyon. (30 puntos)

Pabor ka ba na ang Wikang


Filipino ang Wikang opisyal ng
Pilipinas?

Pamantayan at Mekaniks:
1. Bawat koponan ay bubuuin ng limang (5) tagapagpahayag ng punto at isang (1)
lider lamang.
2. Bawat punto ay ipahahayag sa loob ng isang (1) minuto lamang. Sa bawat
kakulangan o kalabisan sa naturang minuto ay may kaukulang kabawasan.
3. Ang susunod na tagapagsalita ay magtatanong sa katatapos na tagapagsalita ng
isang tanong na masasagot lamang ng „Oo‟ o „Hindi‟. Sa paglabag dito, ang koponan
ay papatawan ng kabawasan sa kanilang puntos.
4. Pagkatapos ng lahat ng punto, bibigyan ang bawat lider ng tig-dadalawang (2)
minuto upang makipagtalastasan sa lider ng kalabang koponan.
5. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi na mababago.
6. Ang bawat paglabag ay may kaukulang kabasan. Ito ay ang sumusunod:
-1.0 maling pagtatanong
-0.5 20 segundong kulang
-0.5 20 segundong sobra (kada 20 segundo)

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 20
21
80

Pamantayan 1 2 3 Sarili Pangkat


Walang mainam May naipahayag Lubhang
Paksa/Kaisipan na kaisipang na 2 hanggang malinaw at
ipinahayag 3 kaisipan ang maayos ang
tungkol sa nabanggit kaisipang
paksa. tungkol sa naipahayag.
paksa. May 4 o higit
pang kaisipan
ang nabanggit
tungkol sa
paksa.
Pangangatwiran Walang sapat Walang May sapat na
na katibayan ng gaanong katibayang
pangangatwiran iniharap na iniharap sa
pangangatwiran pangangatwira
n.
Pagpapahayag/ Mahina at hindi Mahina ang Maayos na
Pagsasalita maunawaan pagkakapahaya maayos ang
ang sinasabi. g ngunit may pagkakapahay
pang-akit sa ag na may
nakikinig ang pang-akit sa
boses o nakikinig ang
pagsasalita. boses o
pagsasalita.
Pagtuligsa Walang May isa o May 3 o sapat
naipahayag dalawang at malinaw na
tungkol sa malinaw na pahayag
sinabi ng pahayag tungkol sa
kabilang panig. tungkol sa ipinahayag ng
ipinahayag ng kabilang
kabilang panig. panig.
Tiwala sa Sarili Hindi maayos May mahinang Lubusang
ang pagsasalita pagpapahayag naipahayag
dahil sa kaba dahil naipabatid nang malinaw
kaya‟t nang kaunti ang at naipabatid
nabubulol. layunin ng ang
panig. katanggap-
tanggap na
layunin ng
panig.
Kabuuang
Puntos

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 21
22
81

MUNGKAHING Sanaysay
GAWAIN 4

Pangalan:___________________________ Petsa:____________
Kurso at Taon/Seksiyon:________________ Iskor:____________
Panuto: Punan ang bawat katanungan. Ang bawat kahon ay may tig-limang puntos.

Ano nga ba ang Wika? Ano ba ang kahalagahan nito sa atin?


At sa mundong ginagalawan natin? Ano kaya ang mangyayari
kung wala tayong wika. Mailalarawan pa kaya natin ang
kagandahan ng paligid at maipakita pa ba natin ang ating
galit at nararamdaman?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Bakit nga ba ginagamit natin ang Wika ng Filipino? Bakit


nga ba ito ang ugat ng karunungan nating mga Pilipino?
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 22
23
82

SULONG WIKANG FILIPINO!


Ni Bienvenido Lumbera

“Ang wika at palatandaan ng


pagkakaroon ng identidad ng isang bayan.
Ang wikang ito ay ginagamit sa edukasyon na
nakatutulong nang malaki sa pagpapalalim sa
mga ideya ng pagmamahal sa bayan at
pagpapahalaga sa kasaysayan”.
“Ang Panitikan at Wika ay mahalagang
https://bit.ly/3xamHJe
bahagi ng karanasan ng estudyanteng
nagdaan sa isang paaralan, ang wika at nag-uugnay sa estudyante sa kanyang pamilya,
komunidad na kanyang pinanggalingan.
“Ang ating lipunan ay lipon ng hinubog ng dalawang kolonyal na pananakop,
pananakop ng mga Kastila at Amerikano”.
At ang mga Pilipino at hinubog ng mga mamamayang kamalayan ay nakatuon
sa paniniwala na dapat tinatanggap lamang nila na ibinibigay sa kanila ng
makapangyarihan ng mga mananakop sa ganong kalagayan naitanim sating kamalayan

- BIENVENIDO LUMBERA, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan.

Para sa mas detalyadong pagtalakay, bisitahin ang link na


https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 23
83

MUNGKAHING
Sanaysay
GAWAIN 5

Pangalan:___________________________ Petsa:____________
Kurso at Taon/Seksiyon:________________ Iskor:____________
Panuto: Punan ang bawat katanungan sa bawat kahon ng tigdalawang pangungusap.
(5 Puntos sa bawat kahon)

Ano ang sinabi ni Bienvenido Lumbera tungkol sa Wika?


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Pahayag ni Bienvenido Lumbera

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Pangunahing kaisipan ng Sulong Wikang Filipino

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITAN Macaraeg et al. 24
84
25

MGA BABASAHIN AT SANGGUNIAN

Catacataca et al., (2005). Wikang filipino; kasaysayan at pag-unlad. Manila:


Rex Bookstore Inc.
Kilates, M. (2014). Madalas itanong hinggil sa wikang pambansa ni Virgilio S.
Almario. http://bitly.ws/pXFS
Lumbera B. (2013). Sulong wikang filipino! ni Bienvenido Lumbera.
http://bitly.ws/pXFS
Silva, A. (2015). Ang kontekstwalisasyon at lokalisasyon ng asignaturang
filipino. https://bit.ly/3x9bf0u

Mga karagdagang
panood na konektado
sa mga natalakay na
paksa.

https://bit.ly/3wVoYY7 https://bit.ly/3OaAUeN

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG


KAGAMITANMacaraeg et al. 25

You might also like