You are on page 1of 14

FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY

GRADUATE SCHOOL
Autonomous Status – CHED
Roxas Avenue, Roxas City 5800, Capiz, Philippines
Tel. No. (036) 6212-317 Fax No. (036) 6213-075
Website: http://www.filamer.edu.ph

PAGTATAYA AT PAGSUSULIT SA WIKA (Filipino 410)

GEMMA B. OBSIANA PROF. MELODY J. BLANCE


Taga-ulat Guro

METODO NG PAGMAMARKA
Anumang gamit ng wika na maaaring tayain o bigyan ng grado ay tinatawag na pagsusulit
wika. Ang lahat ng mga awtentikong gamit ng wika ay pagsusulit wika kung ito ay naaayon sa
sitwasyon at may kahulugan at kumprehensyon.
Sa K -12 Kurikulum ng Edukasyon, inaasahan na mababago ang pananaw sa larangan ng
Pagtataya. Binibigyang diin sa K-12 na ang pagtataya ay ginagamit bilang kagamitang panturo tungo
sa pagkatuto sa halip na isang paraan para sa layunin ng pagmamarka.
Ang mga mag-aaral ay aktibong kalahok sa pagtataya at magagamit nila ang resulta ng
pagtataya para sa sariling pag-unlad. Kaya dapat na ang mga pagtataya ay tumutulong sa mga mag-
aaral na magtagumpay bilang malikhaing tagaganap na may kaalaman sa halip na taga-ulit at taga-
memorya ng ideya ng ibang tao.
Tatlong Uri ng Isang Balanseng Gawain sa Pagtataya
1. Pagtatayang Tradisyunal (Paper and Pencil Test)
2. Pagtatayang Pagsasagawa (Performance Based Assessment)
a. Paggawa/Pagpaapakita (Performance)
b. Produkto/Ginawa (Product)
c. Portfolyo
Pagtatayang Tradisyunal (Traditional Assessment)
1. Ito ay isang uri ng pagtataya na kilala sa tawag na lapis at papel na pagtataya o pagsusulit.
2. Dito binibigyan ng pagsusulit ang mga mag-aaral na pare-pareho ang tanong, oras, panuntunan at
ang inaasahang sagot.
3.Madalas na sinusuri nito ang mga mababang antas ng kognitibong kasanayan.
4. Ang mga aytem sa pagsusulit ay maaaring ginagamitan ng mga salita, numero, simbolo o larawan
kaya’t ang mga madalas na nakakapasa ay ang mga taong may talino sa linggwistika,
lohika/matematika o viswal.
5. Ginagawa ito lalo na kung ang nais ay obhektibong pamamaraan na pagmamarka at pagpili ng mga
dapat parangalang pang-akademiko sa klase.
Pagtatayang Pagsasagawa (Performance Assessment)
1. Ito ay isang uri ng pagtataya na kinakailangang aktwal na ipakita ng mga mag-aaral ang kasanayan
na nais husgahan.
2. Tinataya nito ang mga matataas na antas ng kognitibong kasanayan at mga kasanayang
pangsaykomotor.
3. Binibigyang-diin ang mga kasanayang maaaring isagawa sa totoong buhay.
Mga Prinsipyo ng Pagtataya
 Pagbibigay-diin sa Pagtataya para sa Pagkatuto sa Halip na Pagtataya sa Natutunan
 1. Ginagamit ang pagtataya bilang kagamitang panturo na naglalayon sa pagkatuto sa halip na
pagbibigay lamang ng grado at ebalwasyon.
 2. Ang mga mag-aaral ay aktibong partisipant sa pagtataya at nagagamit ang nilalaman ng
pagtataya sa pagkatuto.
 3. Parehong ginagamit ng guro at mag-aaral ang pagtataya upang mabago o mapabuti ang
mga gawain sa pagkatuto at pagtuturo.
 4. Pagsasagawa ng mga peer tutoring o pagtatambal ng mga mag-aaral na mas mabilis matuto
sa mga mag-aaral na may kabagalan.
PAGSASANGKOT SA MGA MAG-AARAL SA PAGTATAYA
1. Pinoproseso ng mga mag-aaral ang mga impormasyong nasa pagtataya upang makagawa ng
mga desisyon para sa kanilang pag-unlad, makilala kung ano ang may kalidad na gawain,
mataya ang sarili at maipaalam ang kanilang kalagayan at progreso upang marating ang
hinahangad na pagkatuto.
2. Dinidirekta ng mga mag-aaral ang sariling pagkatuto: ano ang dapat nilang
matamo, nasaan na sila ngayon at paano matatakpan ang puwang sa pagkatuto.
GAMIT NG MGA DI-TRADISYUNAL NA PAGTATAYA
1. Sa pamamagitan ng mga di-tradisyunal na pagtataya, nakukuha ng mga guro ang mabisang
impormasyon tungkol sa kanilang mga mag-aaral na mula sa iba’t ibang paraan.
2. Nakapagbibigay ang mga pagtatayang ito ng mga ebidensya ng pagsasagwa na higit pa sa
kaalamang natutuhan at nagbibigay ng malinaw na larawan sa kabuuang natutunan ng mag-
aaral sa klase.

PAG-UUGNAYAN NG PAGTATAYA AT ISTANDARD O PAMANTAYAN


1. Ang mahalagang pagtataya ay malinaw na nakikita kung ano ang tinataya at sinusukat ang
higit na dapat pahalagahan.
2. Bilang isang patakaran sa ating pagtuturo ngayon, hinihikayat na gamitin ang pagtatayang
pagsasagawa (Performance-based) sa pagsukat sa kakayahan ng mga mag-aaral.
MGA URI NG PAGTATAYA NG NATUTUHAN

TRADISYUNAL DI-TRADISYUNAL

 Pagsusulit  Alternatibong Pagtataya


 Gamit ng Lapis at Papel  Pagsasagawa (Performance Type)

 Maramihang Pamimili (Multiple Choice  Pagpupuno o sariling pagbibigay ng sagot


Test) (Supply Type)

 Isang Tamang Sagot (Single Correct  Maramihang tamang sagot (Many correct
Answer) answer)

 Kabuuang Pagsusulit (Summative)  Pagsusulit habang natututo (Formative)

TRADISYUNAL DI-TRADISYUNAL

 Produkto o Kinalabasan (Outcomes only)  Proseso at Produkto (Process and


Product)

 Fokus sa Kasanayan (Skill-Focused)  Batay sa gawain o task (Task-based)

 Hindi magkakaugnay ang kaalaman  Aplikasyon ng Kaalaman (Application of


(Isolated Facts) Knowledge)

 Walang kontekstong gawain  May kontekstong mga gawain


(Discontextualized Task) (Contextualized Task)

 Pagtatayang Panlabas (External  Sariling Pagtataya ng mga mag-aaral


Evaluation) (Student-Self Evaluation)

MGA PAMATNUBAY NA SIMULAIN SA PAGTATAYA


Si Stiggins (1997) ay nagbigay ng mga sumusunod na pangunahing simulain na magbibigay
patnubay ng pokus tungo sa isang komprehensibong pananaw ng pagtataya:
1. Pagkakaroon ng malinaw na Pag-iisip at Epektibong Komunikasyon
2. Mahalaga ang Papel ng Guro sa Pagtataya
3. Mga Mag-aaral ang Pangunahing Tagagamit ng Resulta ng Pagtataya
4. Pagkakatoon ng Mataas na Uri ng Pagtataya
5. Pagbibigay ng Tuon sa Intra at Interpersonal na Epekto
6. Pinapatnubayan ng Pagtataya ang Pagtuturo
MGA PARAAN NG PAGTATAYA
1. Konseptwal na kaalaman
2. Prosedyural na kaalaman
3. Proseso ng Pagkatuto
4. Atityud at Gawi
5. Produkto ng Pagkatuto
Sa aklat na Learner-Centered Assessment – inaangkupan ng mga paraan ng pagtataya ang
bawat uri ng pagkatuto
1. Konseptwal/Deklarativ na kaalaman – Pagsasagawa, Panayam, Pagsagot sa Pagsusulit na
Pasulat
2. Prosedyural na kaalaman – Obserbasyon, Panayam, Interbyu, Portfolyo
3. Proseso/Produkto ng Pagkatuto – Pagsasagawa, Portfolyo
4. Atityud at Gawi – Interbyu, Obserbasyon, sample ng mga Gawa
Narito ang ilang tiyak na paraan ng pagtataya sa proseso at produkto ng pagkatuto.

PROSESO PRODUKTO

 Panayam/Interbyu  Pagsulat ng sanaysay

 Obserbasyon, pasulat na datos  Paggawa ng proyekto

 Mga ginawang logo o jornal  Portfolyo

 Pasalita/Pasulat na sariling  Pagsasagawa o demonstrasyon, eksibit


ebalwasyon

PROSESO PRODUKTO

 Pag-uusap sa ginawang proyekto o  Imbestigasyon, Pagsasagawa,


produkto Pagguhit, Dula, Kuwento

 Tseklist, rating scale, feedback forms  Imbentaryo ng Atityud

 Sariling Pagsasalita ng mga mag-  Sarbey


aaral (Self-talk)

 Mga pagsusulit, Report ng Progreso  Pasulat na Pagsusulit

Iba’t ibang Paraan / Metodo ng Pagtatayang Pangsilid-aralan


Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance) Pagtataya sa Pagbasa
(Sekondarya)
WORKSHEET 3

Mga Kasanayan sa Pakikinig/Pagbasa

Mga Kompetensi Mga Produkto / Pagsasagawa


Tradisyunal
na Pagsusulit

1. Nabibigyang Sariling • Pagsasakilos


reaksyon ang Pagsagot
pananaw, tono, • Madulang pagbasa
layunin at (Constructed
Response Test) • Sabayang pagbigkas
saloobin ng akda.

Mga Kasanayan sa Pakikinig/Pagbasa


Mga Kompetensi Mga Tradisyunal na Produkto / Pagsasagawa
Pagsusulit

2. Nabibigyang Maramihang • Debate hinggil sa isang balita/


kahulugan ang pagpipiliang talumpati News Story
magkakaugnay na pagsusulit
pahayag upang • Talumpati tungkol sa isang tampok
maibigay ang sanhi at (Multiple Choice na isyu mula sa akda
bunga ng mga Test)
pangyayari
Napipili ang mga
salitang magagamit para
sa tiyak na sitwasyon

Mga Kasanayan sa Pakikinig/Pagbasa

Mga Kompetensi Mga Tradissyunal Produkto / Pagsasagawa


na Pagsusulit

3. Naiuugnay ang mga kaisipan sa tekstong Sariling Pagsagot • Pagkukwento


binasa sa mga pansariling karanasan
• Pagsasakilos
- aktwal
• Pagguhit
- naranasan
- nasaksihan
- narinig/nabasa

Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance)


Pagtataya sa Pagsulat (Sekondarya)
WORKSHEET 4

Mga Kompetensi Mga Produkto / Pagsasagawa


Tradisyunal na
Pagsusulit

1. Naisusulat nang wasto Pagsulat ng Pagsulat ng Poster o paggawa ng bulletin board


ang mga babala, patalastas patalastas,
o direksyon babala, tuntunin
na gamit ang
malaking titik at
bantas
Mga Kompetensi Mga Tradisyunal na Produkto / Pagsasagawa
Pagsusulit

2. Naisusulat ang mga tuntunin sa Pagsulat ng patalastas, Pagsulat ng Handbook


paaralan sa anyong payak na babala, tuntunin na hinggil sa mga tuntunin ng
pangungusap gamit ang malaking titik paaralan
at bantas

Mga Kompetensi Mga Produkto / Pagsasagawa


Tradisyunal
na Pagsusulit

3. Nakasusulat ng Pagsulat ng Pagsulat ng liham tungkol sa binibiling produkto sa


liham pangangalakal mga bahagi ng kompanya
liham

4. Nakasusulat ng Pagsulat ng Malayang pagsulat ng komposisyon ayon sa mga


talatang naglalahad ng talata ayon sa paksa o isyu sa paligid
tao, lugar o modelo
pangyayari

Mga Kompetensi Mga Tradisyunal na Produkto / Pagsasagawa


Pagsusulit

5. Nakasusulat ng talatang Pagsulat ng talata Pagsulat ng paglalarawan ng


naglalarawan ng tao, lugar o ayon sa modelo mga gawi, tradisyon o kultura
pangyayari, kultura ng lugar

6. Nakasusulat ng talatang Pagsulat ng talata Pagsulat ng sariling panig sa


nangangatwiran tungkol sa isang isyu ayon sa modelo isang isyu na ipadadala sa
editor

Pag-unawa sa Pamamagitan ng Pakikinig

Pag-unawa sa Tradisyunal na Pagtataya Produkto/Pagsasagawa


Pamamgitan ng
Pakikinig

1. Pagtala ng tiyak na Pagkumpleto/pagpuno sa • Graphic Organizer


elemento sa naratibong puwang
napakinggan -Story map
-Story grammar

2. Pagtukoy ng Pagsusunod-sunod ng mga • Dula-dulaan


mahalagang pangyayari
pagkakasunod-sunod ng • Muling
pangyayari sa teksto pagkukuwento

Kasanayan sa Pagsasalita

Kasanayan sa Pagsasalita Tradisyunal na Pagtataya Produkto/Pagsasagawa

1. Pagpapahayag ng Alternate Response Test • Debate


pagsang-ayon at di-pagsang-
ayon sa ideyang binigyang • Panel Discussion
solusyon

2. Pagkukuwento ng tiyak Constructed Response Test • Muling


na personal na karanasan pagkukuwento ng
hinggil sa ideyang inilahad personal na
sa seleksyon karanasan

3. Pagpapahayag ng sariling Constructed Response Test • Dula-dulaan


pananaw tungkol sa
mensahe ng akda • Speech presentation

Pag-unawa sa Binasa

Pag-unawa sa Binasa Tradisyunal na Pagtataya Produkto/Pagsasagawa

1. Paggamit ng Completion Type Test • Pagsasadula ng


impormasyon mula sa maaring mangyari
binasa upang maghinuha at sa akda
magsuri

2. Pagkilala ng layunin ng Constructed Response Test • Graphic Organizer


isang tekstong impormativ
• FAN
• KWL
Pagsulat at Komposisyon

Pagsulat at Komposisyon Tradisyunal na Pagtataya Produkto/Pagsasagawa

1. Pagtukoy ng mga bahagi Modeling • Pagsulat ng talata na


ng isang talata batay sa may layuning
layunin ng pagsulat
- ilarawan ang pook
-pagkukuwento bilang
karanasan

2. Muling pagkukuwento ng Pag-aayos ng pangungusap • Pagsulat ng talatang


napiling Mito o Alamat sa upang makabuo ng talata naratibo upang
loob ng 5-7 pangungusap na muling
talataaan makapagkuwento ng
alamat

Rubric sa Pagtataya ng Talata / Sulatin

Level Ng Pagsasagawa (Performance)

Mga 1 2 3 4
Krayterya

Organisasyon Hindi maayos May lohikal na Maayos ang Mahusay ang


ang organisasyon organisasyon pagkakasunod-
organisasyon ng ngunit hindi pagkakabuo ng sunod ng mga
mga ideya at masyadong talata na may ideya sa kabuuan
walang mabisa ang angkop na ng talata, mabisa
panimula at panimula at simula at ang panimula at
kongklusyon kongklusyon kongklusyon malakas ang
kongklusyon batay
sa ebidensya
Mga Krayterya 1 2 3 4

Lalim ng Napakababa na Mababaw at Malalim na Napakalalim na


Refleksyon walang pag- hindi gaanong nakikita ang nakikita ang
uugnay ang dati nakikita ang pag-uugnayan pag-uugnayan
at bagong pag-uugnayan ng dati sa ng dating
kaalaman at ng dati sa bagong kaalaman at
makikita lamang bagong kaalaman karanasan sa
kung ano ang kaalaman bagong
tinalakay sa klase kaalaman

Mga Krayterya 1 2 3 4

Paggamit ng Kailangang May kahinaan Mahusay dahil Napakahusay


Wika at baguhin dahil dahil maraming kakaunti lamang dahil walang
Mekaniks halos lahat ng mali sa gramar, ang mali sa mali sa gramar,
pangungusap ay baybay at gamit gramar, baybay baybay at gamit
may mali sa ng bantas at gamit ng ng bantas, may
gramar, baybay bantas mayamang
at gamit ng vocabularyo
bantas.

Mga Krayterya 1 2 3 4

Presentasyon Mahirap basahin May kahirapang Malinis ngunit Malinis at


dahil sa hindi unawain ang hindi lahat ay maayos ang
maayos at pagkakasulat ng maayos ang pagkakasulat ng
malinis na pangungusap pagkakasulat ng talata
pagkakasulat mga
pangungusap

Mga Krayterya 1 2 3 4

Pamamahala ng Hindi handa at Naisumite dahil Ginamit ang oras Ginamit ang
Oras hindi tapos binantayan ng na itinakda sa sapat na oras at
guro paggawa at may ebidensya
naibigay sa na ginagawa ito
tamang oras sa labas ng klase
at sariling
disenyo ang
plano sa
pagsulat

RUBRIC SA DULA-DULAAN/ISKIT
Iskala ng Pagmamarka: 5 ( Napakahusay) 4 (Mahusay) 3 (Katamtaman)
2 (Di-gaanong mahusay) 1 (Di-lubhang mahusay)

PAMANTAYAN POKUS PAGMAMARKA


PANGKAT GURO

1. Pagbibigay ng • Tama at angkop sa diwa


interpretasyon ng nilalaman ang
pagpapakahulugan/
interpretasyon ng piyesa.
Nagpakita ng
reyalistikong tagpo ng
maigting na tunggalian ng
mga tauhan.

2. Pagkakaganap ng mga • Maayos, makatotohanan,


tauhan at makatarungang
pagbibigay buhay sa uri
ng personalidad na taglay
ng tauhan sa piyesa mula
sa pagsasalita, pagkilos at
ekspresyon ng mukha.

PAMANTAYAN POKUS PAGMAMARKA


PANGKAT GURO

1. Pagbibigay ng • Tama at angkop sa diwa


interpretasyon ng nilalaman ang
pagpapakahulugan/
interpretasyon ng piyesa.
Nagpakita ng
reyalistikong tagpo ng
maigting na tunggalian
ng mga tauhan.
2. Pagkakaganap ng mga • Maayos, makatotohanan,
tauhan at makatarungang
pagbibigay buhay sa uri
ng personalidad na taglay
ng tauhan sa piyesa mula
sa pagsasalita, pagkilos at
ekspresyon ng mukha.

RUBRIC SA PAGSASATAO
Iskala ng Pagmamarka: 5 ( Natatangi) 4 (Napakahusay) 3 (Mahusay)
2 (Kasiya-siya) 1 (Hindi kasiya-siya)

PAMANTAYAN PAGTATAYA

1. Reyalistiko at natural ang pagganap sa katauhang binibigyang


buhay.

2. Angkop ang ekspresyon ng mukha sa ipinakikitang emosyon o


sa damdaming pinalilitaw.

3. Umaakma ang gamit ng tinig sa edad, saloobin at kaisipan ng


tauhang ginagampanan.

PAMANTAYAN PAGTATAYA

4. Mahusay at malinaw ang pagbibitiw ng mga pahayag kaya’t


nauunawaan.

5. Maayos ang blocking sa paggalaw ng tauhan.

6. May angkop ng kasuotan at pangkalahatang anyo ng tauhan sa


kanyang papel na ginagampanan.

7. Nakapukaw ng interes at kawilihan sa mga manonood ang


pagsasatao.
Pagtataya Batay sa Pagsasagawa
( Performance Based Assessment )
 Ito ay paraan ng pagtataya kung saan ang guro ay nagmamasid at naghuhusga sa ginagawang
pagpapakita ng mga mag-aaral ng kanilang mga kasanayan o kagalingan sa pagbuo ng
produkto, paglikha ng sagot, at pagpapakita o presentasyon.
 Ito ay magkasamang paggawa at produkto (performance and product).
 Ang binibigyang diin ay ang kakayahan ng mga mag-aaral na maisagawa ang mga gawain at
makalikha ng kanilang sariling produkto o gawa gamit ang sariling kaalaman at kasanayan.
Ang terminong performance based assessment ay kapareho rin ng performance assessment.

Mga Katangian ng Performance Based Assessment o Pagtatayang Batay sa Pagsasagawa


 Ang mga mag-aaral ay nagsasagawa, lumilikha, bumubuo o may ginagawang isang bagay.
 Malalim na pag-iisip at pangangatwiran ang tinataya.
 Patuloy ang pagsasagawa na maaaring abutin ng ilang araw o linggo.
 Hinahayaang magpaliwanag, magdepensa ang mga mag-aaral.
 Nakikita nang direkta ang pagsasagawa.
 Malaman ang mga ideya na ipinahahayag .
 Walang isang tamang sagot.
 Ang mga gawain ay kaugnay ng tunay na nangyayari sa paligid.

Mga Gawain o Task sa Pagtatayang Batay sa Pagsasagawa


Restricted Type Tasks – isang tiyak na kasanayan ang sinusubok at nangangailangan ng
maikling sagot. Maaaring maitulad ang mga gawaing ito sa mga tanong na kailangang sagutin sa
pagsulat ng maikling talata o mga pagsasanay na nangangailangan ng interpretasyon na tulad sa
mga aytem na may nawawalang bahagi na dapat punan ng mga mag-aaral (open-ended items).
Mga Halimbawa nito:
 Bumuo ng bar grap mula sa mga datos na ibinigay.
 Basahin ang artikulo sa pahayagan at sagutin ang mga tanong.
 Makinig sa isyu na pinag-uusapan sa TV at ipaliwanag ang iyong panig.
 Umawit o awitin mo ang awit.
 Bigkasin mo ang tula.
 Isulat sa isang talata ang kahalagahan ng pangangalaga sa mga kagubatan.
Extended type Tasks – mas kumplikado, malawak at kailangan ang mahabang panahon o oras sa
pagsasagawa. Nangangailangan ito ng kolaboratibong gawain ng mga mag-aaral at ng maraming
sanggunian o pagkukunan ng impormasyon.
Mga Halimbawa nito:
 Sumulat ng isang awit o tula at iparinig ito sa klase.
 Maghanda ng plano o mga hakbang sa paggamit ng mga basura.
 Magsagawa ng pananaliksik sa mga uri ng pagkain na binibili ng mga mag-aaral sa kantina at
gumawa ng report tungkol dito.
 Magdesenyo ng isang patalastas para sa isang produkto.
 Maglathala ng isang newsletter ng inyong klase.
Pagtatayang Portfolyo (Portfolio Assessment)
Ito ay isang uri ng pagtataya na nangangailangan ng pangongolekta ng isang mag-aaral
ng iba’t ibang bagay na makapagpapatunay ng kanyang natutuhan sa klase. Ito ay
ginagawa nang may layunin at matagalan. Nagbabago ang porma at laman nito ayon sa
kagustuhan ng may-ari nito.

Mga Sanggunian
- scribd.com/doc/98061373/Pagtataya-Ng-Natutuhan#:~:text=Ito%20ay%20isang%20uri
%20ng%20pagtataya%20na%20nangangailangan%20ng%20pangongolekta,kagustuhan
%20ng%20may-ari%20nito.

- https://www.scribd.com/presentation/458807365/Pagtataya-ng-Natutuhan-pptx

- https://phrelcsfi.files.wordpress.com/2017/05/mga-batayang-kaalaman-sa-pagsusulit-
pangwika-dr-liwanag.pdf

You might also like