You are on page 1of 7

COMPREHENSIVE SEXUALITY EDUCATION

INTEGRATION
Lesson Plan in Health 5 - Quarter 2
I. Pamantayan sa Pagkatuto (Content Standard):
Describes common misconceptions related to puberty. (H5GDIcd-3)

Layunin (Objectives):
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
 Nailalarawan ang mga paniniwalang pangkalusugan na may kinalaman sa
puberty at misconceptions.
 Naipapakita ang mga paniniwalang pangkalusugan na may kinalaman sa
puberty at misconception sa pamamagitan ng isang dula-dulaan, news
reporting, at sayaw o awit.
 Naibibigay ang kahalagahan sa pagiging malinis sa katawan.

CSE Integration
 Describes common misconceptions related on puberty. (H5GDIcd-3)

II. Nilalaman/Paksa: Mga Paniniwalang may Kinalaman sa Pagbibinata at


Pagdadalaga
III. Sanggunian:
● CSE Curriculum Guide

● Masigla at Malusog na Katawan at Isipan TG p.75-77

● Masigla at Malusog na Katawan at Isipan LM p.156-161

IV. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain (3 minuto)
Pagganyak:
Ipakita ang larawang ito.

Anak, masamang
maligo kapag may
regla. Baka mabaliw Bakit naman po,
ka! Inay?

1
Itanong sa mga mag-aaral:
 Ano ang masasabi ninyo tungkol sa larawan?
 Tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan?
 Ano ang tawag sa ganitong paniniwala?

B. Aktibiti (5 minuto)
Ipabasa ang sagutan ni Ana at kanyang lola at ni Mario at kaniyang Tatay.
A.
ANA: Lola ang sarap maligo sa, napreskohan ang aking katawan.
B. LOLA: Di ba panahon ng buwanang dalaw mo?
ANA: Opo,
MARIO: Tatay,
bawal
sinilip
po bang
po ni
maligo
Lety ang
kapag
paglilinis
mayroongko sab
buwanang
ago kong
dalaw?
tuling ari.
LOLA: Oo,
TATAY: Bakit
baka
di ka
momasumpit
siya binawalan?
ng hangin
Halana
ka!
iauuwi
Baka mo
mamaga
sa pagkaloka.
at di agad
C. ANA: Di gagaling.
ko po alam na bawal maligo.
MARIO: Ganon po ba Tatay?
Analisis (5 minuto)
Itanong sa mga mag-aaral.
A.
1. Ano ang ginawa ni Ana?
2. Sino ang nagsalita sa kaniyang ginawa?
3. Ano raw ang maaaring mangyari kay Ana?
4. Sang ayon ka ba sa sinabi ng lola ni Ana? Bakit?
5. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Ana, ano ang iyong gagawin?
B.
1. Sino ang bagong tuli?
2. Ano ang nangyari kay Mario ng nililinisan niya ang kanyang tuling ari?
3. Ano ang paniniwala ng tatay ni Mario ukol dito?
4. Ikaw ba ay naniniwala doon? Bakit?

Paalala sa Guro:

Para sa layunin ng integrasyon, dapat tanggapin ng guro ang ibat-ibang


kasagutan o opinyon ng mga mag-aaral at isa-isahin itong ipaliwanag upang
mabigyang linaw ang mga ito. Dapat ding ipaalala sa mga mag-aaral ang
pagrespeto sa ideya o opinyon ng iba.

“Respect begets respect” ang linyang ito ay dapat isaisip ng bawat isa. Kung
gusto mong respetuhin ka, ay dapat marunong kang rumespeto sa iba.

D. Abstraksyon (7 minuto)

Mga Paniniwalang may Kinalaman sa Pagbibinata at Pagdadalaga


Sa panahon ng pagbibinata o pagdadalaga, ang isang tao ay nakararanas ng
iba’t-ibang pagbabago sa katawan. Ang mga pagbabagong ito ay nakaaapekto
sa pisikal, mental, emosyonal, at sosyal na aspekto ng pagkatao.
Isa sa mga kaakibat ng paglaki ay ang maraming paniniwalang Pilipino
tungkol sa pagbibinata at pagdadalaga. Halos lahat ng panig ng bansa ay ma

2
kani-kaniyang paniniwala na dapat sundin at gawin upang makaiwas sa mga
suliranin ng dulot ng paglaki.
Marami sa mga paniniwalang ito ay walang siyentipikong basehan kung
kaya’t hindi dapat paniwalaan.

Mga Paniniwala Tungkol sa Pagkakaroon ng Regla


Ang pagdadalaga ay isang pangyayari na nahahaluan ng kaba at takot. Isa
na rito ang pagkakaroon ng unang regla o menarche. Sa kultura at tradisyong
Pilipino, napakaraming paniniwala ang dapat sundin ng isang nagdalalaga.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga madalas na marinig mula sa mga
matatanda na dapat sundin sa panahon ng pagdadalaga.

1. Bawal maligo ang isang babae sa panahon ng kabuwanan o pagreregla


Maling paniniwala: Sinasabing ang isang babaeng nasa kabuwanan o may
regla ay hindi dapat maligo dahil ito ay may masamang dulot sa kanyang pag-
iisip. Naniniwala ang mga Pilipino na ang isang babaeng naligo sa kanyang
kabuwanan ay mababaliw.

2. Bawal magbuhat ang isang babae ng mga mabibigat na bagay o kaya ay


magtrabaho ng mabibigat na Gawain sa panahon ng kabuwanan
Maling paniniwala: Sinasabi na kapag nagbuhat nang mabigat ang isang babae
ay mapipigil ang paglabas ng dugo na makasasama sa kalusugan.

3. Bawal makilahok sa mga gawain na pampalakasan o isports at ehersisiyo


ang isang babae sa panahon ng kabuwanan
Maling paniniwala: Masama ang paglahok sa mga gawaing pampalakasan o
kaya ay mag-ehersisyo tuwing kabuwanan dahil makapagpapatagal ito sa
pagreregla at mas maraming dugo ang lalabas sa katawan.

4. Bawal sa isang babae sa panahon ng kabuwanan na kumain ng kahit anong


uri ng maaasim at maaalat na pagkain
Maling paniniwala: Ang pagkain ng maaasim at maaalat na pagkain tuwing
kabuwanan ay nakapagpapatigil ng daloy ng dugo at magiging dahilan ng hindi
paglabas ng mga dumi sa katawan.

5. Mabuting panghugas o pamgpahid ng mukha ng babae ang unang regla


Maling paniniwala: Ang paggamit ng unang regla na panghugas o pampahid sa
mukha ay mainam dahil nakababawas o nakatatanggal ito ng mga tigyawat.

Mga Paniniwala Tungkol sa Pagbibinata


1. Ang pagpapatuli ay nakapagpapabilis ng pagtangkad
Maling paniniwala: Mainam na ang isang nagbibinata ay mapatuli agad upang
mapabilis ang pagtangkad. Ang pagpapaliban ng pagpapatuli ay
nangangahulugang hindi pagtangkad at paglaki ng isang lalaki.

2. Kapag nakita ng babae ang ari ng bagong tuli na lalaki, ito ay mamamaga
at mas matagal gumaling
Maling paniniwala: Mahigpit na ipinagbabawal na ipakita o makita ng isang
babae ang ari ng lalaki na bagong tuli dahil ito ay mamamaga o
mangangamatis, at mas tatagal ang paggaling.

3
3. Ang pagkakaroon ng nocturnal emission o wet dream ay may kinalaman sa
pag-iisip ng tungkol sa sekswal na kaisipan
Maling paniniwala: Ang nocturnal emission o wet dream ay isng makasalanang
gawain at dapat pigilin o ipahinto.

Paalala sa Guro:

Para sa integrasyon, dapat bigyang diin ng guro ang pagsasabi sa mga mag-
aaral na ito ay maling paniniwala lamang tungkol sa pagdadalaga at
pagbibinata at ito ay walang medikal na basehan.

“Misconception is a poison: there are no harmless misconceptions”.


Ipaunawa ng mabuti sa mag-aaral ang dulot ng maling paniniwala o haka-
haka sa kalusugan ng tao.

E. Aplikasyon (15 minuto)


Hatiin ang klase sa tatlong grupo. Hikayatin ang bawat grupo na ipakita ang
mga misconceptions o maling paniniwala kaugnay sa pagdadalaga at
pagbibinata sa pamamagitan ng mga sumusunod:
 Unang Pangkat – Dula-dulaan o role playing
 Pangalawang Pangkat – News reporting
 Pangatlong Pangkat – Sayaw o awit

RUBRIK SA PAGSASADULA
PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
1. Pagganap sa tauhan
Epektibong nagampanan ang papel ng mga
tauhan.
2. Kaangkupan ng kagamitan at kasuotan
Angkop ang mga ginamit na kasuotan at
kagamitan sa pagtatanghal.
3. Kawastuhan ng kilos o galaw at pananalita
Angkop ang kilos o galaw at hindi eksaherado,
gayundin ang pagsasalita.
4. Kawastuhan ng pangyayari
Naipakita ang wastong pangyayari sa
pagtatanghal.
5. Pagtatanghal bilang pangkat
Mahusay na naisadula ang itinalagang
pangyayari.
KABUUANG ISKOR

Pagpapapkahulugan
25-20 = Napakahusay
19-15 = Mahusay
14-10 = Medyo mahusay
9-5 = Kailangan pang magsanay

4
RUBRIK SA NEWS REPORTING
PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
1. Pagdeliber ng ulat
Angkop ang kalidad ng boses, tamang pagbigkas
at angkop na eskpresyon
2. Kaangkupan ng kagamitan at kasuotan
Angkop ang mga ginamit na kasuotan at
kagamitan sa pagtatanghal.
3. Nilalaman ng balita
Angkop ang laman ng balita (naayon sa paksa).
4. Kawastuhan ng pangyayari
Naipakita ang wastong pangyayari sa pagdeilber
ng balita.
5. Dating / Hikayat ng madla
Mahusay na nailahad ang itinalagang pangyayari
at nagustuhan ng madla.
KABUUANG ISKOR

Pagpapapkahulugan
25-20 = Napakahusay
19-15 = Mahusay
14-10 = Medyo mahusay
9-5 = Kailangan pang magsanay

RUBRIK SA SAYAW O AWIT


PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
1. Interpretasyon
Maayos na nailahad ang pangyayari sa
pamamagitan ng sayaw o awit.
2. Korypgrapi
Maganda ang kaugnayan ng kilos o galaw ng isang
sayaw o awit.
3. Ekspresyon ng mukha o damdamin
Angkop ang ipanakitang espresyon ng mukha o
damdamin ng isang sayaw o awit.
4. Kaangkupan ng kagamitan at kasuotan
Angkop ang mga ginamit na kasuotan at
kagamitan sa pagtatanghal.
5. Dating / Hikayat ng madla
Mahusay na nailahad ang itinalagang pangyayari
at nagustuhan ng madla.
KABUUANG ISKOR

Pagpapapkahulugan
25-20 = Napakahusay
19-15 = Mahusay
14-10 = Medyo mahusay
9-5 = Kailangan pang magsanay

5
Paalala sa Guro:

Para sa integrasyon, puirihin ang mga mag-aaral sa kanilang itinanghal.


Bigyang diin ang pagpapaalala sa mga iba’t-ibang maling paniniwala at
italakay sa klase ang kahalaghan ng pagkakaroon ng malinis na katawan.

“Health is a state of complete harmony of the body, mind, and spirit.” Ang
pagkakaroon ng wastong kaalaman sa mga maling paniniwala kaugnayan sa
pagdadalaga at pagbibinata ay nagbibigay ng kakayahan ng isang tao upang
higit at lubos na pahalagahan ang kalinisan ng katawan. Ang malusog na
isipan ay malusog na pangangatawan.

F. Pangwakas (5 minuto)
Iguhit sa patlang ang masayang mukha kung ang mga sumusunod na
pahayag ay Tama at malungkot na mukha naman kung ito ay Mali.

______1. Ang pagtuli ay nakatutulong sa pagpapatangkad ng isang batang


lalaki.
______2. Ang mga prutas na mayaman sa bitamina C ay mabuti sa katawan ng
isang babaeng may regla.
______3.Huwag magbubuhat ng mabibigat na bagay kapag kabuwanan dahil
makabababa ito ng matres.
______4. Ang pagligo at pagbasa ng buhok kapag kabuwanan ay nagiging
dahilan ng pagkabaliw ng babae.
______5. Kapag may regla ang isang babae ay maaari rin makilahok sa mga
isports o ehersisyo.

“Ang anumang pagbabago ay dapat pahalagahan at pakaingatan para


sa magandang kinabukasan.”

Paalala sa Guro:

Ang guro ay maaaring gugamit ng ibang tagline mula sa mga infrographics


upang bigyang diin ang naturang leksiyon.

6
G. Repleksiyon

H. Mga tala

Inihanda ni:
JAKE C. DIAZ
Teacher I
Damolog Elementary School – Sogod District

You might also like