Alamin Natin

You might also like

You are on page 1of 18

Alamin Natin

Sa pagkokomentaryo ng isang panradyo at dokumentaryong


pangtelebisyon gumagamit tayo ng mga salitang nagpapahayag ng konsepto ng
pananaw at konseptong may kaugnayang lohikal upang maayos nating mailahad
ang ating pansariling pananaw, opinion o saloobin.

Sa modyul na ito ating tuklasin ang mga salitang nagpapahayag ng


konsepto ng pananaw at konseptong may kaugnayang lohikal.

Ang aralin na ito ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral


na maunawaan ang papel na ginagampanan ng konseptong pananaw at
konseptong lohikal sa pagkokomentaryo ng isang dokumentaryong
pangtelebisyon.

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

1. Naipahahayag sa lohikal ang mga pananaw at katuwiran.F8PS-IIIe-f-32


2. Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang
lohikal (dahilan-bunga, paraan-resulta) F8WG-IIIe-f-32

Subukin Natin

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan upang masukat ang lebel ng


iyong kaalaman sa tatalakayin nating aralin. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

_____1. Alin sa sumusunod ang salitang nagpapahayag ng konsepto ng


kaugnayang lohikal?
A. Dahil dito C. Pati na rin
B. Ayon kay D. Kaya naman
_____2. Nagpapakita ito ng isang layuinin sa tulong ng isang
relasyonkung paano matatamo ang paraan

A. dahilan at bunga/resulta
B. paraan at resulta
C. kondisyon at bunga
D. paraan at layunin
_____3. Alin sa sumusunod ang salitang nagpapahayag ng konsepto ng
pananaw?
A. Dahil dito C. kaya
B. Ayon kay D. Bunga nito

_____4. Karaniwang ginagamit ang kung,sana,kapag, sa sandalling, basta’t at


iba pang kauri nito.
A. dahilan at bunga/resulta
B. paraan at resulta
C. kondisyon at bunga
D. paraan at layunin
_____5. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa grupo?
A. sa isang banda C. samantala
B. sa kabilang dako D. sang-ayon
_____6. Ipinakikita sa relasyong paraan at resulta kung paano nakuha ang __?
A. bunga C. dahilan
B. resulta D. paraan
_____7. ________ ako sa ilang mga negosyante na mas mainam na ngayon na
pasukin na nila ang online selling kaysa tuluyan na talaga silang malugi.
A. ayon sa
B. samantala
C. Sang-ayon
D. Sa kabilang dako
_____8. Alin sa mga sumusunod ang di kabilang sa pangkat
A. sa C. tuloy
B. kaya D. kaya naman
_____9. ._______ pulso ng bayan, marami talaga ang ayaw tumanggap ng
libreng vaccine dahil marami ang nagdududa sa kalidad ng gamut na ito.
A. ayon sa
B. samantala
C. sa panayam
D. Sa kabilang dako
_____10. Ito ay isang paghahatid ng impormasyon, audio o biswal man, sa
pamamagitan ng midyang pangmasa tulad ng radyo, telebisyon,
internet o iba pang bagay sa tulong ng network.
A. media C. broadcasting
B. telebisyon D. broadcast media
______11. Ang komentaryong panradyo at dokumentaryong pantelebisyon ay
isang uri ng?
A. media C. broadcasting
B. telebisyon D. broadcast media

_______12. _________ sa isang online seller, lumakas talaga ang kanyang kita
dahil marami na ang tumatangkilik sa mga pa online selling nila ngayon.
A. sa panayam
B. samantala
C. Sang-ayon
D. Sa kabilang dako
_______13. Nararapat lamang na gamitin sa Mabuti ang pera ______ gumanda
ang buhay.
A. kung C. upang
B. dahil D. sa
_______14. Dahil sa tigil pasada pa ang ilang pampublikong sasakyan,
maraming mga komuter ang nahihirapan sa pagpasok sa kani-kanilang mga
trabaho. Ang pangungusap na ito ay nagpapakita ng
A. dahilan at bunga/resulta
B. paraan at resulta
C. dahilan
D. resulta
_______15. Karaniwang ginagamit ang kung,sana,kapag, sa sandalling,
basta’t at iba pang kauri nito.
A. dahilan at bunga/resulta
B. paraan at resulta
C. kondisyon at bunga
D. paraan at layunin

Aralin Konsepto ng Pananaw at


Konseptong May Kaugnayang
6
Lohikal

Balikan Natin

Gawain 1

Gamit ang mga kataga at larawan ay tukuyin ang salitang magpapaalala


sa mga tinalakay sa nakaraang aralin. Isulat ang salita sa kahon.

1. Tele + =

2. + cast +=
3. + umentaryo =

Tuklasin Natin

Gawain 2

Mahusay! Marahil nananabik ka nang ipagpatuloy ang iyong pag-aaral.


Basahin ang artikulo at sagutin ang mga gabay na tanong na inihanda para dito.

Taas-presyo sa ilang pangunahing bilihin hiningi


Pinag-aaralan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga
hinihinging taas-presyo ng mga manufacturer ng ilang pangunahing bilihin,
gaya ng mga de-lata at gatas, sabi ng opisyal ng kagawaran.

Nasa 2 porsiyento hanggang 13 porsiyento ang taas-presyong hiniling ng mga


manufacter, katumbas ng P0.50 hanggang P2 kada item, ayon kay Ruth
Castelo, Trade undersecretary para sa consumer protection.

Kabilang umano sa mga humiling ng taas-presyo ang mga manufacturer ng


ilang brand ng sardinas, karneng de-lata, gatas, kape, condiments o mga
panimpla, at sabong panlaba.

Hangga't maaari ay hindi magpapatupad ng taas-presyo ang DTI at


palalawigin ang kasalukuyang suggested retail price (SRP).

Setyembre noong nakaraang taon nang huling mapalitan ang halaga ng SRP
ng mga pangunahing bilihin.

MGA KONSUMER DAPAT KONSULTAHIN

Umapela naman si Laban Konsyumer President Vic Dimagiba sa DTI na


huwag nang payagan ang taas-presyo, lalo at bumaba naman ang presyo
ng petrolyo at kuryente.

Para kay Dimagiba, dapat isali ang mga consumer group, gaya ng Laban
Konsyumer, sa mga konsultasyon bago aprubahan o ibasura ng DTI ang hirit
na taas-presyo sa mga bilihin.

Pero ayon kay Castelo, wala namang nakalagay sa batas na kailangang


ikonsulta sa alin mang grupo ng mga konsumer ang pag-apruba ng hirit na
taas-presyo.

May magagaling na ekonomista at technical person ang DTI na tinitingnan


kung talagang may batayan ang pag-adjust ng presyo ng mga pangunahing
bilihin.
-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

https://news.abs-cbn.com/business/01/21/20/taas-presyo-sa-ilang-pangunahing-bilihin-hiningi

Mga Gabay na tanong

1. Ano ang napapanahong isyu ang paksa ng binasang teksto? Patunayan.


____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Ilahad ang mga komentaryong nabasa sa artikulo? Sinasang-ayunan mo


ba ang mga ito o hindi? Ipaliwanag.
____________________________________________________________
____________________________________________________________

3. May mga salita bang ginamait sa tektsto na naghuhudyat ng paglalahad?


Isa-isahin ang mga ito.
____________________________________________________________
____________________________________________________________

4. Suriin ang mga pariralang may salungguhit sa artikulo. Paano ginamit ang
mga ito sa pahayag? Ipaliwanag.
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Talakayin Natin

Gawain 3
Mahusay na pagtuklas sa bagong aralin. Palawakin pa natin ang iyong
kaalaman. Ibigay ang salita na maaring maiugnay ng salita na nasa gitna.

lohikal
Mahusay at may mga naibigay kang salita na may kaugnayan sa
magiging talakayan sa modyul na ito. Basahin ang aralin sa ibaba upang mas
maunawaan kung paano bai to maipapakita sa pagbuo ng mga pahayag.

Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw

KONSEPTONG PANANAW- tawag sa pariralang ginamit upang ipahayag ang


pananaw at ipahayag ang pag-iiba ng paksa
Ang mga ekspresyong ginagamit upang ihayag ang konsepto ng
pananaw ay ang sumusunod:

● Ayon sa

● Batay sa

● Sang-ayon

● Sa tingin

● Sa palagay

● Sa paniniwala

● akala ni

● sa pananaw ni

● sa panayam ni

Halimbawa:

⮚ Sa pananaw ni Pedro, hindi dapat muna nagtaas ng presyo ng mga


bilihin lalo pa ngayong pandemic.
⮚ Sang-ayon ako sa kanyang sinabi, kailangan muna nilang komunsulta
sa mga kunsumer bago nila ito pinatupad.
Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi, o
pinaniniwalaan ng isang tao

May mga ekspresyong ginagamit upang ipahiwatig ang pagbabago o


pag-iiba ng paksa.

● Sa kabilang banda

● sa kabilang dako

● samantala

Halimbawa:

⮚ Sa kabilang banda, hindi dapat isisi ang lahat ng mga ito sa ating
gobyerno.
⮚ Samantala, makakatulong din sa ating ekonimaya ang kanyang
panukala.

Mapapansing di tulad ng mga naunang halimbawa na tumitiyak kung


sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng
pangkalahatang pananaw ang pangalawang grupo ng mga halimbawa.

Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal


Bawat pangungusap ay may mga konseptong nagiging higit na
makabuluhan at makahulugan kapag pinagsama sa tulong ng pang-ugnay. Ito
ang konseptong naglalahad ng relasyon o kaugnayang lohikal.
1. Dahilan at bunga/resulta
Ang dahilan ay nagsasaad ng sanhi ng mga pangyayari. Isinasaad
naman ng bunga ang result anito.

Pansinin ang mga halimbawa ng pangungusap na nagpapakita ng


relasyong dahilan at resulta pati ang pang-ugnay na ginamit. Kawsatib na
pang-ugnay na sapagkat, dahil sa, at kasi ang ginagamit sa pagsasabi ng
dahilan. Ang pang-ugnay na kaya, kaya naman, bunga nito, tuloy at dahil
dito ang nagsasabi ng resulta o bunga ng mga pangyayari.
Halimbawa:
⮚ Ibayong pagtitipid ang ginagawa ng ibang pamilya kaya naman
hindi sila nawawalan ng pagkain sa hapag kainan.
(Dahilan+pang-ugnay: kaya+reulta)

2. Paraan at Resulta
Ipinakitkia sa relasyong paraan at resulta kung paano nakuha ang
resulta.

Pansinin ang halimbawa ng pangungusap. Mapapansing wala itong


pang-ugnay ngunit sa tulong ng sa, inihuhudyat nito ang paraang ginamit
upang matamo ang resulta.
Halimbawa:

⮚ Sa ibayong pagtitipid, hindi nawawalan ng pagkain sa hapag


kainan ang mag-anak. ( paraan at resulta)
3. Paraan at Layunin
Nagpapakita ito ng relasyon kung paano matatamo ang isang layuinin
sa tulong ng isang paraan.Maaring gamitin ang mga hudyat tulad ng sa
pamamagitan ng , para, upang, nang sa ganoon, at iba pang kauri nito.
Halimbawa:
⮚ Nagsaliksik ang tatlong batiking mamahayag upang makatulong sa
dagat.
4. Kondisyon at Bunga
Naglalahad ito ng isang kalagayan bago makuha ang inaasam na bunga o
kalalabasan. Karaniwang ginagamit ang kung,sana,kapag, sa sandalling,
basta’t at iba pang kauri nito.
Halimbawa:
⮚ Kung naging maingat lang tayo sa kapaligiran, sana wala tayong
ganitong problema.

Pagyamanin Natin
Matapos nating matuklasan ang mga salitang ginagamit sa
pagpapahayag ng konseptong pananaw ay subukin naman natin ang mga
natutuhan mo sa talakayan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawaing
inihanda para sa iyo.
Gawain 4
Punan ng angkop na ekspresyong naghahayag ng pananaw at
ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago ng paksa ang mga patlang.

1. _______________1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang


pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at
sistema ng edukasyon.
2. _______________ mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang matauhan
ang mga nagtutulog-tulugan.
3. _______________ Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impyernong
bansa na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na
pinamumunuan ng mga dayuhan
4. _______________ makabubuti sigurong magpahinga ka muna para
makapag-isip ka nang husto.
5. _______________ ko wala nang gaganda pa sa lugar na ito.

Gawain 5
Balikan ang komentaryo sa modyul 5 bilang gabay sa pagsagot.Basahin
ang talata.Isulat sa patlang ang angkop na ekspresyong naghuhudyat ng
relasyong lohikal.
kung…..sana , dahil sa, para, sa pamamagitan, sapagkat, kung

Napapanahon ang panawagan sa pangangalaga sa kalikasan


(1) ________ lalong sumisidhi ang suliraning konakaharap ng buong daigdig. Wika
nga sa komentaryong “signos”, malaki ang papel na ginagampanan ng
industriyalisasyon sa pagwasak ng daigdig. (2) ______ mga fossilI fuel na
ginagamit sa industriya,bumibilis ang pagkasira ng atmospera ng mundo. (3)
________mapapalitan lang ________ ito ng iba pang panggatong tulad ng
geothermal at solar, mas bubuti ang kalagayan ng daigdig. Subalit hindi pa huli
ang lahat, may magagawa pa upang mailigtas ang sanlibutan. (4) ____________
ng kamalayan at kamulatan ng bawat indibidwal, magkaroon ng solusyon. (5)
________ matapos ang pagkamulat, tutulong ang mga mamamayan para gumaan
ang pasanin, magiging madali ang lahat. Katulad mo, maari ka nang magsimula
ngayon!.
Tandaan natin

Gawain 5
Binabati kita! Dahil sa husay na iyong ipinamalas narating mo ang
bahaging ito ng modyul. Sa puntong ito naman ay gamitin ang sumusunod na
pang-ugnay sa pagbuo ng konseptong may kaugnayang lohikal.
1. Dahilan at Bunga/Resulta
Pang-ugnay Bunga nito
Pangungusap:
____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Paraan at Resulta
Hudyat sa
Pangungusap:
____________________________________________________________
____________________________________________________________

3.Dahilan at Bunga/Resulat
Pang-ugnay dahil dito
Pangungusap:
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

4. Paraan at Resulta
Hudyat sa
Pangungusap:
______________________________________________________________
______________________________________________________________

5. Dahilan at Bunga/Resulta
Pang-ugnay kaya naman
Pangungusap:
_______________________________________________________________
_____________________________________________________________

Isabuhay natin
Gawain 6
Sa bahaging ito ng modyul ay bubuo ng isang sanaysay gamit ang
pananaw mo sa mga larawang nakalatag sa ibaba. Gumamit ng mga angkop
na salita sa pagbibigay ng pananawa at pagpapakita ng ugnayang lohikal.
Ipahayag ang iyong pananaw sa loob ng lima hanggang sampung
pangungusap.

Pamantayan sa pagmamarka:
Pamatayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan
ng pagsasanay
(5 puntos) (4 puntos) (3 puntos)
(2 puntos)

Kaangkupan ng
pananaw sa
mga larawan
Naiuugnay ang
laman ng
larawan sa
nilalaman ng
sanaysay
Nakatuon sa
isang
napapanhong
paksa
Kawastuhan ng
paggamit ng
mga salita sa
pagbibigay
pananaw at
ugnayang
lohikal
KABUUAN
Tayahin Natin

Gawain 7
A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan upang masukat
ang lebel ng iyong kaalaman sa tinalakay nating aralin. Piliin at isulat ang
titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

________1. Ano ang tawag sa mga ekspresyong ginagamit ang mga salitang sa
isang banda, sa kabilang dako at samantala?
A. dahilan at bunga
B. paraan at resulta
C. pagbabago o pag-iiba ng paksa o pananaw
D. konseptong pananaw o “point of view”
________2. Ito ay nagsasaad ng sanhi ng mga pangyayari
A. bunga B. resulta
B. C. dahilan D. paraan
________3. Sa kaniyang pagtitiyaga sa pag-aaral, siya ay nakapagtapos. Ang
pangungusap ay nagpapahiwatig ng
A. dahilan at bunga/resulta
B. paraan at resulta
C. dahilan
D. resulta
________4. Maraming bata ang tumigil sa pag-aaral dahil sa kahirapan ng
buhay. Ang salitang nakaitim ay nagsasaad ng
A. Konseptong Pananaw
B. Konseptong Lohikal
C. Konseptong Negatibo
D. Konseptong Positib
__________5. . Isinasaad naman ng bunga ang ______ nito.
A. bunga C. dahilan
B. resulta D. paraan
__________6. Naglalahad ito ng isang kalagayan bago makuha ang inaasam na
bunga o kalalabasan.
A. dahilan at bunga/resulta
B. paraan at resulta
C. kondisyon at bunga
D. paraan at layunin
___________7. ___ magtatagumpay sa buhay, ibayong pagsisikap ang
kailangan.
A. kung C. dahil
B. upang D. sa
____________8. ____ pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat, masusugpo
ang lahat ng problema.
A. sa C. dahil
B. upang D. kung
___________9. Maaring gamitin ang mga hudyat tulad ng sa pamamagitan
ng , para, upang, nang sa ganoon, at iba pang kauri nito.
A. dahilan at bunga/resulta
B. paraan at resulta
C. kondisyon at bunga
D. paraan at layunin
__________10. Ano ang tawag sa mga ekspresyong ginagamitan ng mga
sumusunod, ayon, batay, sang-ayon, akala ko at ganoon din
A. dahilan at bunga
B. paraan at resulta
C. pagbabago o pag-iiba ng paksa o pananaw
D. konseptong pananaw o “point of view”

B. Panuto: Basahin at unawain mo ang bawat pangungusap. Bilugan ang


angkop na ekspresyon naghahayag ng pananaw at ekspresyon
nagpapahiwatig ng pagbabago ng paksa sa bawat bilang at isulat ang letra
ng tamang sagot.

11._______ pulso ng bayan, marami talaga ang mas lalo pang nahirapan sa
buhay dahil marami ang nawalan ng trabaho ngayon may pandemya.
E. ayon sa
F. samantala
G. sa panayam
H. Sa kabilang dako

12. _________ nagkaroon naman ng malaking kompyansa ito sa mga online


seller dahil lumakas ang kanilang kita ngayong may pandemya.
A. ayon sa
B. samantala
C. sa panayam
D. Sa kabilang dako

13. ________ naman marami pa ring mga restaurant ang mas pinili na lang na
magsara dahil sa halos wala na silang mga customer na pumupunta.
A. ayon sa
B. samantala
C. sa panayam
D. Sa kabilang dako

14. ________ ako sa ilang mga negosyante na mas mainam na ngayon na


pasukin na nila ang online selling kaysa tuluyan na talaga silang malugi.
E. ayon sa
F. samantala
G. Sang-ayon
H. Sa kabilang dako

15. _________ sa isang rider, lumakas talaga ang kanyang kita dahil marami na
ang tumatangkilik sa mga pa deliver ng mga pagkain.
E. sa panayam
F. samantala
G. Sang-ayon
H. Sa kabilang dako

Gawin natin

Gawain 8

Sa bahaging ito, palawakin mo pa ang iyong natutuhan sa


pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang konseptong pananaw sa pagsali sa
usapan-Chat.
Inanyayahan ka ng iyong guro sa Filipino sa isang group chat kasama
ang iyong mga kaklase para pag-usapan kung ano ang inyong saloobin sa
balak na face to face na klase sa mga susunod na buwan. Punan ang
bahaging inilaan sa iyo na thread ng chat upang mabuo ang usapan gamit
ang mga konseptong pananaw na makikita sa loob ng panaklong.

GC SA FILIPINO 8
Guro: Magandang umaga mga bata! Nais ko sanang malaman kung ano ang inyong
saloobin sa usap-usapan na face to face na tayo sa mga susunod na buwan.
Berja:__________________________________________________________________
_____________________ ( Sang-ayon)
Allano:_________________________________________________________________
REPLEKSYON SA ARALIN

Binabati kita! Dahil sa husay na iyong ipinamalas narating mo ang


bahaging ito ng modyul. Sa puntong ito ay ibahagi mo naman ang iyong mga
natutuhan mula sa mga pagsasanay na iyong naisagawa at mga nabago mong
paniniwala tungkol sa aralin sa pamamagitan ng paglista sa mga ito.
Mga Natutuhan Ko Na Sa Aralin
1. _________________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. _________________________________________________________________
_____________________________________________________________
1. _________________________________________________________________
_____________________________________________________________

Mga Nagbagong Paniniwala Ko


1._________________________________________________________________________
________________________________________________________________
2._________________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3._________________________________________________________________________
_________________________________________________________________ __
SUSI NG PAGWAWASTO
Subukin natin Gawain 4
1. a 1. batay sa
2. d 2. sa kabilang banda
3. b 3. ayon kay
4. c 4. samantala
5. d 5. sa tingin ko
6. b Tayain natin
7. c
Gawain 7
8. a
1. C
9. a
2. C
10. d
3. B
11. d
12. a 4. B

13. c 5. B
14. a 6. C
15. c 7. B
Gawain 1 8. A
1. telebisyon 9. D
2. balita 10. D
3. radyo 11. A
4. dokumentaryo
12. B
5. broadcast media
13. D
6. media
14. C
15. A
Sanggunian
https://tl.wikipedia.org/wiki/Telebisyon
https://filipinomatuto.wordpress.com/tag/dokyumentaryong-
pantelebisyon/

You might also like