You are on page 1of 6

Babasahing pangEdukasyon (PHIL IRI) Para sa FILIPINO Pangkat 9

ANG BAKURANG TUBIGAN


Ni: RODOLFO E. REVOLLEDO, JR.

AGOSTO 27 1978, ipinanganak ang isang malusog na sanggol sa isang bahay pawid na
kakikitaan ng kahirapan – salat at kababanaagan ng pagdarahop.
Siya si Brandon, panglima sa pitong magkakapatid, salat man sa yaman ay
kababanaagan ng galing at husay sa pag-aaral. Maaga pa lang ay gumagayak na ang
magkakapatid upang pumasok sa paaralan dahil may tatawirin pa silang dalawang ilog sapagkat
ang kanilang kubo o dampa ay makikita sa gitna ng sakahan o tubigan. Yan ang araw araw na
pagsubok na dinadaanan ng magkakapatid.
Pagdating sa paaralan, nandiyan ang mga kamag-aral nakatingin, nagmamasid at
pinagtatawanan ang magkakapatid. Walang kamuwang muwang si Brandon sa mga ganitong
nangyayari sapagkat siya ay pitong taong gulang pa lamang o nasa unang baitang.
Isang hapong uwian, nakasabay nila sa paglabas ng paaralan ang kanilang mga pinsan na
sa akala nila ay kakampi, ngunit taliwas sa kanilang paniwala, isa rin pala sila sa mga
mambubulyaw at mang-aapi sa kanila. Walang magawa ang magkakapatid kundi ang lumakad
ng nang nakayukod at halos mahulog na sila sa tabi ng daan.
Sa araw -araw na pagpasok ng magkakapatid, ganun at ganun ang nangyayari,
nandiyang binubulli, sabihang marusing at higit sa lahat tinatawag silang “HAPON”. Lasinggero!
Hapon! Lasinggero! habang sila ay sinusundan. Mga kataga at salita na naitimo sa puso at
isipan ni Brandon.
Sa murang edad ay banat na si Brandon sa trabahong bukid. Mula sa pagpapastol ng
kalabaw, pagpapakain ng mga alaga, pagtatanim ng palay at mais hanggang sa pag-aani ay
kayang gawin ni Brandon. Ginawa niyang palaruan ang tubigan.
Paglipas ng panahon nasa ikaanim na baitang na siya ng elementarya at isa man sa
kaniyang mga kapatid ay walang nakapagtapos dahil sa mga karanasan. Ngunit si Brandon ay
nagtiis. Anomang mga naririnig ay ipinagsasawalang bahala niya.
Sa kabila ng mga pambubuli at mga di magandang karanasan sa pag-aaral, ipinagpatuloy
pa rin niya ang pangarap at nagtapos siya bilang pangalawa na may pinakamataas na grado.
Nagpatuloy siya sa pag-aaral sa sekondarya at nakapagtapos sa kabila ng kahirapan, mahabang
pagtitiis, at paghihigpit ng sinturon.
Pagtungtong ng kolehiyo ay dobleng hirap ang dinanas niya, nagtatrabaho habang nag-
aaral.
Aral, trabaho, trabaho, aral ang ginawa ngunit hindi pa rin sapat.
May mga araw na umuuwi siya ng bahay upang mangumusta ngunit isinasalubong sa
kaniya: “Bakit ka umuwi? Wala kaming maipababaon sa iyo.”
Kadalasang umiiyak nang tahimik, aalis, at pupunta siya sa kanyang lolo at lola.
Taong dalawanglibo’t dalawa Abril 02, si Brandon ay nakapagtapos sa Isabela State
University at agad pumasok bilang Local School Board Teacher noong Agosto 28, 2002. Naipasa
niya ang Licensure Examination for Teachers taong 2004.
Ngayon si Brandon ay may dalawampong taon nang nagtuturo at siya ay kasalukuyang
Teacher-In Charge sa paaralan kung saan siya ay nakadestino.
Ang Tubigang naging bakuran ni Brandon noon ay nagsisilbing ala-ala na lang niya na
gustong iparanas sa kanyang mga anak, na may haplos ng pagmamahal at pag-aalaga.

Mga tanong:

1. Ano ang literal na inilalarawan ng pamagat na Ang Bakurang Tubigan?


a. Nakatayo sa gitna ng bukid ang bahay.
b. Nakatayo sa gitna ng bundok ang bahay.
c. Nakatayo sa gitna ng talampas ang bahay.
d. Nakatayo sa gitna ng dagat ang bahay.
2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
a. Tatay at nanay b. kapatid c. Brandon d. lolo at lola
3. Nakatapos ba ng pag-aaral ang mga kapatid ni Brando? Bakit?
a. Hindi, dahil sila ay bulakbol.
b. Hindi, dahil sila ay binubuli.
c. Hindi, dahil nabarkada.
d. Hindi, dahil tamad.
4. Magbigay ng mga halimbawa ng pambubuli.
a. Pangunguha ng gamit ng iba.
b. Pagsasalitaan nang hindi magaganda ang kaklase.
c. Pananakit
d. Lahat ng nabanggit
5. Ipinanganak ang isang malusog na sanggol sa isang bahay pawid. Ano ang ibig sabihin ng
salitang nakalihis?
a. bahay kubo b. kulungan c. bahay na bato d. barung-barong
6. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng kahirapan sa kinalakihang buhay ni Brandon?
a. Bahay Pawid ang kanilang bahay.
b. Nakatayo sa gitna ng tubigan ang kanilang bahay.
c. Malayo sa paaralan ang kanilang bahay.
d. Salat at kababanaagan ng pagdarahop ang kanilang bahay.
7. Salat man sa yaman ay kababanaagan naman ng galing at husay sa pag-aaral si Brandon.
Ano ang kahulugan ng salitang nakalihis o Italisado?
a. pagkukulang b. pagkukusa c. paggalang d. kakikitaan
8. Sa araw-araw na pagpasok ng magkakapatid, ganun at ganun ang nangyayari, nandiyang
sabihang marusing at higit sa lahat tinatawag silang HAPON at Lasinggero habang sila ay
sinusundan.
Paano ginamit ang salitang HAPON sa kuwento?
a. Bilang pangutya
b. Bilang Lugar
c. Bilang Tao
d. Bilang Panahon
9. Paano nakatulong kay Brandon ang pambubuli ng ibang tao sa kaniya?
a. Lumaban at nakipagrambulan
b. Nakipagsagutan
c. Naging inspirasyon niya upang magpatuloy sa pag-aaral
d. Nagsumbong sa guro
10. Kung ikaw si Brandon, ano ang gagawin mo?
a. Tumahimik at magmukmok
b. Lumaban at manuntok
c. Umiwas at pagsabihan
d. Tumakbo at lumayo
11. Kailan ipinanganak si Brandon?
a. Agosto 27, 1978 b. Agosto 28, 1978 c. Agosto 26, 1978 d. Agosto 25, 1978
12. Dapat bang sumuko sa kahirapan ng buhay?
a. Hindi, bagkus gawin mong inspirasyon ang kahirapan.
b. Oo, piliin mo na lang tumambay at makisama sa barkada.
c. Oo, dahil pinipili lang ang yumayaman.
d. Oo, dahil kung talagang mahirap ka, maghihirap ka talaga.
13. “Hindi pa lalabas ang kinain mo dyan.” Ano ang ibig sabihin ng pangungusap?
a. Hindi delikado ang sugat.
b. Malala ang sugat.
c. Maliit ang sugat.
d. a at c
14. Ang mga kataga, salitang naitimo sa puso at isipan ni Brandon ay ginawa niyang _________.
a. inspirasyon b. kasangkapan c. hugutan ng lakas d. a, b at c
15. Walang kamuwang-muwang si Brandon sa mga ganitong nangyayari sapagkat siya ay
pitong taong gulang pa lamang o nasa unang baitang. Ano ang ibig sabihin ng salitang may
salungguhit?
a. musmos b. walang kaalam-alam c. tamad d. walang pakialam
16. Ang kahirapan ba ng buhay ay hadlang sa pagkamit ng mga pangarap sa buhay?
I. Hindi, sapagkat ito ang magiging inspirasyon upang makamit ang minimithi.
II. Hindi, sapagkat ito ang nagsisilbing tanglaw upang magpursigi sa buhay.
III. Hindi, sapagkat ang kahirapan ang nagbibigay ng lakas upang lumaban sa mga
pagsubok sa buhay
IV. Hindi, sapagkat ang kahirapan ang nagpapatibay sa puso at isipan ng isang taong
nagdarahop.

a- I, II, III, at IV b. I at II b. II at III d. I at IV


17. Ginawa niyang palaruan ang tubigan. Ano ang ibig ipakahulugan ng pangungusap?
a. Ginawang playground ang tubigan
b. Alam lahat ang gawain o trabaho sa bukid
c. Ginawang palaisdaan ang tubigan
d. lahat ng nabanggit
18. Kailan nagtapos si Brandon ng kolehiyo sa Isabela State University?
a. April 4, 2002 b. April 3, 2002 c. April 2, 2002 d. April 1,
2002
19. Si Brandon ay nakapagtapos at agad pumasok bilang Local School Board Teacher noong:
a. Agosto 28, 2002 b. Agosto 27, 2002 c. Agosto 24, 2002 d. Agosto 21, 2002
20. Ilang taon nang nagtuturo si Brandon?
a. 20 b. 15 c. 10 d.18
TALAAN NG PAGWAWASTO SA FILIPINO 09
1. A
2. C
3. B
4. D
5. A
6. D
7. D
8. A
9. C
10. C
11. C
12. C
13. D
14. A
15. A
16. I
17. B
18. C
19. A
20. A

You might also like