You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON VI - KANLURANG VISAYAS
SANGAY NG LUNGSOD NG BACOLOD

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9


S.Y.2022-2023

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahing mabuti ang mga teksto at tanong. Isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang sagot.

1. Anong taon natapos ni Dr. Jose P. Rizal ang nobelang Noli Me Tangere?

A. Marso 1887 B. Enero 1887 C. Oktubre 1886 D. Abril 1886

2. Sino ang nagpahiram ng pera kay Dr. Jose P. Rizal sa halagang tatlong daan upang gamitin sa pagpapalimbag ng
Noli Me Tangere.

A. Ferdinand Blumentritt C. Dr. Maximo Viola B. Lopez Jaena D. Eugenio Sue

3. Ang halaga ng manuskritong Noli Me Tangere na binili ng Pamahalaang Pilipinas?

A. ₱ 25,000 B. ₱ 35,000 C. ₱ 40,000 D. ₱ 45,000

4. Ayon sa kanya ang kabayanihan ni Dr. Jose P. Rizal ay maihahantulad sa Noli

Me Tangere sapagkat ito’y isang aklat na sinulat sa “Dugo ng Puso”.

A. Lopez Jaena B. Dr. Maximo Viola C. Eugenio Sue D.Ferdinand Blumentritt

5. Saang lugar isinulat ni Dr. Jose Rizal ang unang bahagi ng kanyang nobela na Noli Me Tangere?

A. Madrid B. Paris C. Germany D. Estados Unidos

6. Sino ang nagpadala ng ₱1,000 kay Dr. Jose P. Rizal para pambayad sa halagang

tatlong daan na kaniyang hiniram?

A. ang kaniyang ina B. Ferdinand Blumentritt C. ang kapatid na si Paciano D. Eugenio Sue

7. Anong nobela ang isinulat ni Dr. Jose P. Rizal na nagpasalin-salin sa iba’t-ibang wika, na naging inspirasyon,
kinapulutan ng aral ng mga Pilipino at gumising sa diwa ng mga kababayan para ipagtanggol ang kanilang karapatan.

A. Florante at Laura B. Ibong Adarna C. Noli Me Tangere D. La Indolencias de los Filipinos

8. Walang kaabug-abog na naghanda ng isang hapunan si Kapitan Tiyago. Ang may salungguhit ay nangangahulugang
___________?

A. kaagad B. isang saglit C. walang pasabi D. biglaan

9.Sinabi ni Padre Damaso na walang sinuman ang maaaring manghimasok sa mga ginagawa ng kura. Ang ibig sabihin
ng salitang may salungguhit ay _______?

A. makiayon B. makialam C. mag-usisa D. manuligsa

10.Di-magkamayaw ang mga nagsipagdalo sa pagtitipon. Ang may salungguhit ay nangangahulugang ____________?

A.nagsisiksikan B. napakaingay C. magkakilala D. hindi magkasundo

11.Sa pagmasid sa kapaligiran ng bahay ni Kapitan Tiyago, kapuna-puna ang mga antigong larawan. Ang may
salungguhit ay nangangahulugang _____________?

A. pagtingin B. pagtingala C. pag-analisa D. pag-iwas

1
12. Sa panahon ng kagipitan si Kapitan Tiyago ay madali mong malalapitan. Ang ibig sabihin ng salitang may
salungguhit ay ____________?

A. karangyaan B. kahirapan C. pag-iisa D. pagmamalasakit

13.Siya ay namighati sa sinabi ng mga tao hinggil sa paring pumalit. Ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit ay
______________?

A. nalungkot B. masaya C. natulala D. nagalit

14.Masasalamin sa piging ang katayuan ni Kapitan Tiyago sa lipunan. Ang salitang nakahilis ay nangangahulugang
_____________?

A. kaarawan B. salo-salo C. patimpalak D. paligsahan

15. Si Padre Sibyla ay pormal na makitungo sa mga panauhin. Ang ibig sabihin ng salitang nakahilis ay ___________?

A. makihalubilo B. makipag-usap C.magkuwento D. magbiro

Panuto: Gamit ang pagpipilian sa itaas ng kahon, punan ng angkop na pang-uri ang bawat patlang upang mabuo
ang talata. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
A. mataimtim B.
maganda C. matatag D.
20. Maagangmaayos
nagluto E.
ang ina ng hapunan. ___________, matutuwa ang mga ito pagdating sapagkat paboritong ulam
malakas
ng mga anak ang kanyang niluto. Alin sa mga sumusunod na ekspresyon sa pagbibigay opinyon ang angkop gamitin?

A. Sa ganang akin B. Para sa kanila C. Sa tingin niya D. Sa totoo lang

21. Isang matandang kaugalian ng mga Pilipino ang pagpunta sa mga sementeryo kapag Araw ng mga Patay.
Pinaniniwalaan natin na ito ay pag-aalala sa mga yumao nating kamag-anak, kaibigan o kapamilya. Ikaw bilang
mamamayang Pilipino, paano mo isinasagawa ang kaugaliang ito?

A. Pumupunta sa sementeryo upang magsindi ng kandila at mag-alay ng bulaklak at pagkain.


B. Kasama ang buong pamilya nag-aalay ng dasal.
C. Nililinis at pinipinturahan ang kanilang puntod bago sa Araw ng mga Patay.
D. Lahat ng nabanggit

22. Hindi na bago sa mga Pilipino ang mangibang bansa at magtrabaho kahit malayo sa pamilya. Sa patuloy na
pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong nangingibang bansa, paano natin mapanatili ang ating kultura?

A. Huwag kalimutan ang kinagisnang kultura.


B. Tangkilikin pa rin ang sariling atin kahit nasa ibang bansa.
C. Ipagmalaki ang pagiging Pilipino at panatilihin ang pagmamahal sa bayan.
D. Lahat ng nabanggit

23. Marami sa atin ang mapanghusga sa kapwa. Higit pa rito, sa tingin ko tayo ay bulag sa ating sariling mga kahinaan
at at mga kasalanan. Paano mo hinarap ang mga panghuhusgang ito sa buhay mo?

A. Tumahimik na lamang at umiyak


B. Ipagdasal ang mga taong nanghusga sa iyo
C. Talikuran na lang at agad na umalis
D. Humingi ng tulong sa pamilya

24. Walang magulang na makakatiis sa anak. Para sa kanila, ang mga anak ang napakahalagang biyaya bigay ng
Maykapal. Bilang isang anak, ano ang magagawa mo para matulungan ang iyong magulang sa panahon nang kanilang
pagdurusa?

A. Damayan sila sa kanilang pagdurusa. B. Iparamdam sa kanila ang iyong pagmamahal.


C. Huwag iparamdam sa kanila na sila’y nag-iisa o pabigat lamang D. Lahat ng nabanggit

2
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON VI - KANLURANG VISAYAS
SANGAY NG LUNGSOD NG BACOLOD

25. Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging matulungin. Para sa atin, ang pagtulong ay katumbas ng salitang
bayanihan. Paano mo isinagagawa ang pagtulong sa iyong kapwa?

A. Pagtulong ng kusa na walang kabayaran o kapalit. B. Pagtanaw ng utang na loob.


C. Ipakita palagi sa nakapaligid sa iyo na ikaw ay tumutulong. D. Sekretong pagtulong lamang

Panuto: Piliin ang damdamin o kaisipang na nangingibabaw sa sumusunod na pananalita. Titik lamang ang isulat
sa papel.

26. “Mayroon po, ginang. Dalawang malinaw kaysa mga mata ninyo. Kaya lang ay nakatingin ako sa kulot mong
buhok,” pangngatwiran ng militar sabay layo.

A. paghanga B. pangungutya C. pagkainis D. pagdaramdam

27. “Yamang iniuutos ninyo ay susunod ako,” patapos na wika ni Padre Sibyla na umakmang uupo.

A. pagdaramdam B. galit C. pagkayamot D. lungkot

28. “Hindi po ba kayo makikisalo sa amin, Don Santiago?” patanong na tawag ni Ibarra.

A. kasiyahan B. panghihinayang C. pag-aalala D. galit

29. Padabog niyang (Padre Damaso) ibinagsak ang kutsara sa plato na lumikha ng malakas na kalansing at sinabayan
ng tulak sa pinggan.

A. inis B. galit C. lungkot D. suklam

30. “Hindi dapat aksayahin ang iyong salapi para lamang sa napakaliit na bagay. Kahit munting batang nag-aaral ay
nakaaalam niyan!”

A. galit B. kayabangan C. pangungutya D. pagkainis

31. “Puwedeng kilala ko siya,” pagbibigay-loob ni Ibarra. “Lamang ay hindi ko maalala ngayon.”

A. pagpapaumanhin B. katapatan C. paggalang D. pagkatuwa

32. “Maaaring nalilimot ako ng aking bayan ngunit lagi ko naman siyang naaalala.”

A. pagkaawa B. pagmamahal C. pagdaramdam D. pagkalungkot

33. “ Mistulang isang dayuhan na hindi nakaalam kung kailan at kung paanong namatay ang aking ama!”

A. kalungkutan B. pagkasuklam C. pag-ibig D. pagkainis

34. “ Iyan ang masamang epekto ng pagpapadala sa Europa ng mga kabataang Indio! Kailangan itong ipagbawal ng
gobyerno!”

A. pangungutya B. katapatan C. paninisi D. kalungkutan

35. Ibig nang sabihin ni Ibarra na “Magtatapos na ang hapunan at busog na ang kanyang Reverencia….”

A. pagkainis B. lungkot C. pagkasuklam D. galit

36. Isang magandang pag-uugali ng mga Pilipino na ipakita ng mga panauhin sa pagtitipon ni Kapitan Tiyago ay ang
_________________.

A. pagmamano sa mga matatanda B. paghalik sa kamay ni Tiya Isabel

C. pagkamay sa punong-abala D. pagbigay ng pagkain

3
37. Tinanggihan ng mga Pilipino at Kastilang abogado ang kaso ni Don Rafael dahil _______________.

A. walang pambayad C. takot ang mga ito na mademanda B. maraming kaaway ang Don D. hindi nila kaibigan

38. Sa pagkamatay ni Don Rafael, may hustisya bang nakamit?

A. wala dahil makapangyarihan ang mga Kastila. C. wala dahil nag-iisa lamang siya
B. tinig lamang ng simbahan ang pinakikinggan. D. walang anak na tumulong sa kanya

39. Makatarungan ba ang pagkakakulong ni Don Rafael?

A. Hindi, dahil pinagbintangan lamang siya B. Hindi, dahil altapresyon ang kinamatay ng tagapaningil
C. Oo, dahil hindi naman talaga siya nangungumpisal D. Oo, dahil sa akusa sa kanya na erehe at subersibo

40. Ano ang naramdaman at naging tugon ni Ibarra sa mga pang-iinsultong sinabi sa kanya ni Padre Damaso?

A. Nagtimpi ng sarili at nagpaalam umalis sa mga taong nasa hapag-kainan.


B. Nagdamdam at nakipagsagutan sa prayle.
C. Hindi pinansin at nagpatuloy lamang sa kanyang pagkain
D. Naawa sa sarili kaya umalis na lamang

41. Paano napaunlad ni Don Rafael ang bayan ng San Diego?

A. napaunlad niya ang pamamaraan ng pagsasaka na ginamit ng kanyang ama


B. minana niya mula sa kanyang mga magulang
C. Siya mismo ang nagtrabaho sa pagsasaka
D. Ginamit niya ang kanyang salapi para mapaunlad ito

42. Bakit ipinagkaila ni Padre Damaso na kaibigan niya ang ama ni Ibarra?

A. lihim na kaaway ang turing niya dito B. hindi ito nangungumpisal


C. Hindi sumusunod sa mga pamamalakad ng simbahan D. ama siya ni Ibarra

43. Kung kayo si Ibarra, ano kaya ang inyong madarama at maiisip sa pagkabatid sa sinapit ni Don Rafael?

A. Malulungkot at maawa sa sinapit ng ama B. Maghihinakit at sumama ang loob sa taong may gawa nito
C. Magsisi dahil iniwan ang amang nag-iisa D. Mainis sa sarili dahil walang nagawa para sa ama

Panuto: Punan ng wastong salita ang mga patlang upang mabuo ang pangungusap ng talata ukol sa Todos Los
Santos sa San Diego. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon.

A. Mahal C. Todos Los Santos E. Intsik G. bangkay


B. Kurang D. Mahal na Araw F. yumao H. unang

Tuwing (44.) _______ araw ng Nobyembre ipinagdiriwang ng sambayanang


Pilipino ang (45.) __________. Ang kaugaliang paggalang at pag-alala sa mga
(46.) __________ ay ating nakagisnan na. Ang sementeryo ng San Diego ay nasa
kanluran. May bakod ang sementeryo bagamat may mga hayop na pagala-gala
sa loob nito. May lalaking naghukay ng (47.) __________ na kalilibing pa lamang.
Kalahati ng katawan ng bangkay ay lumabas sa kabaong. Ang bangkay ay
pinahukay ng (48.) ___________ malaki. Ang bangkay ay ipinababaon sa libingan
ng (49.) __________ ngunit malayo ang libingang iyon. May naghahanap sa libing
ng kanilang mga (50.) __________ sa buhay.

Halaw sa Obra Maestra III Noli Me Tangere, pahina 93

You might also like