trending na disenyo at gusto ng mga mamimili. Sitwasyon 2: Isang tech company ang nagde- develop ng bagong smartphone dahil sa mataas na demand ng merkado para dito. Sitwasyon 3: Mga manggagawa sa konstruksiyon ang nagpapasya kung anong mga proyekto ang kanilang tatanggapin batay sa kahilingan ng kani-kanilang komunidad. Sitwasyon 4: Ang isang lokal na restawran ay nagbabago ng kanilang menu batay sa feedback at preference ng kanilang mga kostumer. Sitwasyon 5: Isang startup company ang naglalabas ng bagong produkto na batay sa mabilis na pag-usbong ng teknolohiya at sa lumalaking pangangailangan ng merkado. Sitwasyon 1: Ang gobyerno ay nagtataguyod ng pampublikong edukasyon at nagpapatakbo ng mga paaralan, ngunit may mga pribadong paaralan din na naghahandog ng edukasyon. Sitwasyon 2: Isang public-private partnership ang nagtataguyod ng malinis na enerhiya sa isang bansa. Sitwasyon 3: Ang gobyerno ay nagtataguyod ng universal healthcare, ngunit mayroon pa ring mga pribadong ospital na nag-aalok ng premium na serbisyong medikal. Sitwasyon 4: Pribadong kumpanya ang nagpapaunlad ng mga bagong teknolohiyang pang- agrikultura, ngunit ang gobyerno ay nagbibigay ng subsidiya para sa modernisasyon ng sektor. Sitwasyon 5: Isang bansa na may pamahalaang nagtataguyod ng proteksyon sa mga manggagawa. Sitwasyon 1: Ang gobyerno ay nagpasya na ang lahat ng negosyo sa isang partikular na industriya ay pag-aari ng pamahalaan. Sitwasyon 2: Ang gobyerno ang nagdedesisyon kung gaano karaming sako ng bigas ang dapat itanim ng mga magsasaka. Sitwasyon 3: Isang kompanya na nasa ilalim ng kontrol ng gobyerno ang nagtatakda ng lahat ng presyo ng mga produkto nito. Sitwasyon 4: Ang gobyerno ang nagdidikta kung paano dapat papalaguin ng isang negosyo ang kanilang kita. Sitwasyon 5: Ang gobyerno ang nagpasya na lahat ng trabaho sa isang sektor ay dapat magkaruon ng parehong sahod. Sitwasyon 1: Ang isang tribu sa bulubundukin na nagtatanim ng gulay gamit ang tradisyunal na mga pamamaraan na itinuro ng mga ninuno. Sitwasyon 2: Ang isang komunidad na nagtataguyod pa rin ng paggawa ng alahas mula sa mga likas na yaman sa kanilang lugar. Sitwasyon 3: Mga pangingisda sa isang komyunidad na sumusunod sa tradisyunal na paraan ng pangingisda na kanilang inihahabilin. Sitwasyon 4: Ang mga pamilya sa isang lugar na nagpapatuloy sa kanilang pagnenegosyo ng paggawa ng kahoy na gamit ayon sa pamana ng kanilang mga magulang. Sitwasyon 5: Ang isang tribo na nagpapamana ng lupain sa kanilang mga miyembro ayon sa mga tradisyon at kaugalian. Sitwasyon 1: Ang gobyerno ay nagpapatakbo ng mga pampublikong serbisyong tulad ng kuryente, tubig, at transportasyon upang masiguro ang parehong access para sa lahat. Sitwasyon 2: Isang programa ng gobyerno na naglalayong magbigay ng libreng edukasyon sa lahat ng antas. Sitwasyon 3: Ang estado ay nagtataguyod ng sistema ng universal healthcare na nagbibigay ng libreng serbisyong medikal para sa lahat. Sitwasyon 4: Ang gobyerno ay nagbibigay ng subsidiya para sa mga mahihirap upang mapanatili ang kanilang pangangailangan sa tirahan. Sitwasyon 5: Isang programa ng gobyerno na naglalayong iangat ang antas ng kabuhayan ng mga marginalized na sektor sa pamamagitan ng iba't ibang proyektong pangkabuhayan. Sitwasyon 1: Ang mga miyembro ng komunidad ay nagbabahagi ng kanilang mga yaman at pinagtatrabahuhan ang lupa para sa kapakinabangan ng lahat. Sitwasyon 2: Isang bayan kung saan walang pribadong ari-arian, at ang lahat ng bahay, lupa, at iba pang yaman ay pag-aari ng komunidad. Sitwasyon 3: Ang mga mamamayan ay nagpupulong upang mag-desisyon ng sama-sama kung paano gagamitin ang mga yaman ng kanilang komunidad. Sitwasyon 4: Ang lahat ng mga produkto at serbisyong kinakailangan ng komunidad ay libreng ibinibigay sa lahat ng miyembro. Sitwasyon 5: Ang mga mamamayan ay nagpaplano kung paano gagamitin ang mga likas na yaman ng kanilang bansa.