You are on page 1of 7

BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN VI

I. LAYUNIN
Sa loob ng 60 minuto ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natalakay ang kahulugan ng Batas Militar,
b. Naiisa-isa ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagtatakda ng Batas Militar,
c. Nakabubuo ng konklusyon ukol sa epekto ng Batas Militar sa pamumuhay ng mga
Pilipino.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Ang Pilipinas sa Ilalim ng Batas Militar
Sanggunian: Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino, pahina. 288-294
Kagamitan: larawan, telebisyon, powerpoint presesntation

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PANGUNAHING GAWAIN Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espirito
a. Panalangin Santo. Amen.
Magsitayo ang lahat para sa Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay
panalangin, Grace maaari mo bang ninyong panibagong pagkakataon upang
pangunahan ang panalangin. kami ay matuto. Gawaran mo kami ng isang
bukas na isip upang maipasok namin ang mga
itinuturo sa amin at maunawaan ang mga
aralin na makatutulong sa amin sa
pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.

Magandang Hapon mga bata! Magandang hapon din po!

Bago kayo magsiupo, paki pulot ang


lahat ng kalat sa ilalim ng inyong
mga upuan.

Crystal sinu ang lumiban sa klase (sasabihin ang mga lumiban sa klase)
ngayon?
Salamat Crystal!

Bago tayo magsimula sa klase tayo


ay aawit. Ating awitin ang awit sa
araling panlipunan. Akin munang
kakantahin pagkatapos ay
kakantahin natin ng sabay-sabay.

AWIT SA ARALING PANLIPUNAN AWIT SA ARALING PANLIPUNAN

Araling Panlipuna’y naglalaman Araling Panlipuna’y naglalaman


Ng mga impormasyo’t kaalaman Ng mga impormasyo’t kaalaman
Pangyayaring naganap noon, Pangyayaring naganap noon, kahapon at
kahapon at hanggang ngayon hanggang ngayon
Lahat ay bahagi ng edukasyon Lahat ay bahagi ng edukasyon

Araling panlipuna’y pag aralan Araling panlipuna’y pag aralan


Ating tuklasin mga kaganapan Ating tuklasin mga kaganapan
Kasaysayang nangyari no’n Kasaysayang nangyari no’n
Maging aral sa’tin ngayon Maging aral sa’tin ngayon
Hamon sa’tin at gawing inspirasyon. Hamon sa’tin at gawing inspirasyon.
Magaling mga bata!
Dahil diyan bigyan nio ang inyong
mga sarili ng 5 palakpak.

b. Pagganyak
Ngayon mga bata, magkakaroon
tayo ng aktibidad.
Mayroon ako ditong 3 larawan at
ito ay huhulaan ninyo. Opo Maam.
Ito ang roleta, paiikutin ko ito at
ang matatapatan siya ang huhula o
sasagot sa larawan.
Naiintindihan niyo ba mga bata?

F_ R D I N _ N D
M _ R C_ S

M_L_T_R

R_LI_IST_

Noel sino sa iyong palagay ang nasa 1. FERDINAND MARCOS


larawan?

Magaling Noel!

Ano sa palagay mo Katherine ang 2. MILITAR


nasa larawan?

Magaling Katherine!

At ang huling larawan Ditas? 3. RALIYISTA

Magaling Ditas!

Magaling mga bata at dahil diyan


bigyan ninyo ng limang palakpak
ang 3 sumagot.

Ngayon mga bata, muli nating


balikan ang mga binuo ninyong
larawan.

Ano ang napansin niyo sa mga


larawan na ito?
Sarah ano ang napansin mo? Maam, napansin ko po parang may gulo o
Magaling! gera po.

Ano pa ang napansin mo Raymond? Maam, parang may gusto pong ipaglaban ang
Magaling! mga tao.

Ikaw naman Janine ano ang Maam, sa tingin ko po ang mga nasa larawan
napansin mo? ay patungkol sa Martial Law o Batas Militar.
Magaling Janine!

c. Paglalahad

Ngayon ating tatalayin ay tungkol


sa Batas Militar.
Ano nga ba ang Batas Militar
mayroon ba kayong ideya?
Sige nga Cristine. Ang Batas Militar ay isang marahas na
hakbang na maaring isagawa ng pamahalaan
Magaling Cristine! upang maiwasan ang mga panganib.

Mayroon pa bang ibang sagot? Maam, ang batas militar po ay pagpapataw


Ano yun Crystal? ng kapangyarihang militar sa isang lugar
Magaling! dulot ng pangangailangan.

Tama ang lahat ng inyong mga


sagot. Ang batas military mga bata
ay kakaibang kapangyarihan ng
estado na karaniwang ipinatutupad
nang panandalian ng isang
pamahalaan kapag hindi na nito
maayos magampananan ang
pamamahala gamit ang sibilyan
nitong kapangyarihan.

1. Alam ba ninyo kung kalian


naganap ang batas militar?
Sige nga Ditas. Maam, naganap ang batas militar noong
Magaling! Setyembre 21, 1972

2. Sinu ang deklara ng Batas Si Ferdinand Marcos po Maam.


Militar?
Myrna.

Magaling!
Ngayon may ipapanood ako sa
inyo na isang video patungkol sa
mga pangyayaring nagbigay
daan sa pagtatakda ng batas
military.

(ipapanood ang video sa mga


magaaral)

Ayon sa inyong napanood ano


ano ang mga pangyayaring 1. Pagsilang ng mga makakaliwang
nagbigay daan sa pagtatakda ng pangkat- sila ang mga naghahangad ng mga
batas militar at ipaliwanag mo pagbabago sa pamamagitan ng marahas na
ito? pamamaraan.
Maari ka bang magbigay ng isa
Ditas.

Magbigay ka nga ng isa a. COMMUNIST PARTY OF THE


Katherine ng halimbawa ng PHILIPPINES (CCP)
makakaliwang pangkat.
Mahusay!

Ano pa? Shella b. NEW PEOPLES’S ARMY


Mahusay!

Ano pa ang halimbawa ng c.. MORO LIBERANT NATIONAL


makakaliwang pangkat GROUP(MNLF)
Sarah?
Mahusay!

Ano pa kaya sa tingin nio 2. Paglubha ng suliranin sa katahimikan at


ang dahilan ng kaayusan- dahil nawala ang tiwala ng mga
pagdedeklara ng batas mamayan sa pamahalaan ay nagging madalas
militar? ang pagrarali at pagwewelga na
Sige Janine. humahantong sa madugong labanan ng mga
welgista at pulis. Maraming sibilyan ang
Magaling! nasawi.

Katherine ayon sa napanood Maam, sa tingin ko po kaya pinasabog ang


nio sa iyong palagay, ano kaya ang Plaza Miranda para magkaroon si Marcos ng
naging dahilan ng pagpapasabog ng pagkakataon na magdeklara ng Martial Law o
Plaza Miranda? Batas militar.
Mahusay!

Mayroon ka pa bang ibang ideya Ditas? Maam sa tingin ko po para guluhin ang mga
kalaban ni Ferdinand Marcos.
Magaling Ditas!

Noel ano ang panghuling pangyayari na Pagsususpinde ng pribelehiyo ng writ of


nagbigay daan sa pagtatakda ng Batas habeas corpus- ito ay nagbibigay ng
Militar ay ang ? karapatan sa mga mamamayan na mayroon
silang karapatan na basahin ang warrant of
Magaling! arrest bago sila hulihin o litisin.

d. Paglalapat

Ngayon naman ay Unang Round


magkakaroon tayo ng debate. Mabuting maidudulot
Igugrupo ko kayo sa dalawa. Noel: isa sa nakita ng aming grupo na
Para sa mabuti at hindi mabuting naidulot ng Batas Militar ay
mabuting naidulot ng batas nagkaroon ng madisiplinang mamayan,
military. nagging madisiplina ang mamayan dahil sila
Ang unang grupo ay mabuting ay takot. Ang ginagawa nila ay ang sumunod
naidulot at ang ikalawang lamang sa utos ng nakatataas
grupo ay masamang naidulot.
At para sa unang grupo ay sina Hindi mabuting naidulot
Noel, Katherine, Sarah, Janine, Raymond: hindi po maganda ang naidulot ng
Ditas. batas militar dahil ang militar ay sinamantala
At para sa ikalawang grupo ay at inabuso ng mga may kapangyarihan. Kahit
sina Raymond, Cindy, Grace, na walang kasalanan o hindi napapatunayan
Myrna, Shella. na nagkasala agad agad ay pinaparusahan
Bibigyan ko kayo ng 3 minuto nila ang tao.
para pagusapan ang inyong
opinion at pagkatapos ay pipili Pangalawang Round
kayo ng leader para magsalita Noel: alam namin natin na nung panahon ng
sa harap. Batas Militar ang mga daan ay laging malinis
at higit sa lahat bumaba ang krimen sa bawat
Kayo ay mamarkahan ko sa bayan dahil takot ang tao na gumawa ng di
pamamagitan nito: maganda.
Paki basa mo nga Grace.
Paksa/kaisipan: 20 porsyento Raymond: isa sa hindi magandang naidulot
Pangangatwiran: 20 porsyento ng Batas Militar ay nawalan ng kalayaan ang
Pagsasalita: 30 porsyento bawat Pilipino. Hindi maaaring magpahayag
Tiwala sa sarili: 30 porsyento ang sinuman ng kanilang saloobin lalo na
kung ito ay laban sa ating dating pangulo.
Ang aking katanungan: ano ano Nawalan ng kalayaan ang mga tao.
ang mabuti at masamang
naidulot ng Batas Militar?

Magsisimula ang tatlong


minuto ngayon.
Mahuhusay kayong lahat!
Ang unang grupo o grupo nila
Noel ay nakakuha ng 90
porsyento. Bigyan nio sila ng 5
palapakpal
At ang grupo nila Raymond ay
nakakuha ng 91 porsyento.
Bigyan nio sila ng 5 palakpak
din.
e. Paglalahat

Batay sa ating natalakay, paano mo


mailalarawan ang antas ng
pamumuhay noong Panahong ng
Batas Militar?
Magbigay ka nga ng isa Grace. Maam nawalan po ng demokrasya.

Magaling!

Ano pa Shella? Maam naghari ang mga militar.


Magaling!

Sa iyong palagay Cindy paano mo


mailalarawan ang antas ng Maam nagkaroon ng disiplina ang tao.
pamumuhay noong panahong ng
Batas Militar?
Magaling!

Mayroon ka pa bang ideya Ditas? Maam walang malayang pagpapahayag.


Magaling!

Kaya naman ang batas militar ay


nagdulot ng maganda at hindi
maganda sa pamumuhay ng mga
Pilipino una, ang militar ay
nangabuso sa kanilang
kapangyarihan kaya naman
maraming takot at nangangamba
na sila ay mahuli o mapatay.
Ikalawa hindi Malaya ang tao na
magpahayag ng kanilang opinyon at
panghuli, ang mga mamayan ay
naging disiplinado at takot gumawa
ng hindi maganda sa takot na sila ay
mapatay.

f. Pagtataya

Ngayon naman ay magkakaroon


tayo ng pagsusulit kumuha kayo ng
¼ sheet of paper.
I. Tukuyin ang inilalarawan ng
bawat pahayag. Isulat
lamang ang titik ng tamang
sagot.
1. Sa araw na ito idineklara ni
Marcos na ang buong Pilipinas
ay nasa ilalim ng Batas Militar.
a. Setyember 21, 1972
b. Setyembre 22, 1927
c. Hunyo 12, 1992
d. Oktubre 13, 1972
2. Siya ang nagtatag ng
Communist Party of the
Philipppines (cpp)
a. Nur Misuiri
b. Jose Maria Sison
c. Mao Tse TSung
d. Benigno Aquino Jr.
3. Ito ay samahang binuo ng mga
muslim na nagnanais na
magtatag ng hiwalay na
pamahalaan sa Mindanao.
a. NPA
b. CPP
c. MNLF
d. NDF
4. Ano ang naidulot ng Batas
Militar sa bansang Pilipinas?
5. Kung ipapatupad ulit ang Batas
Militar ngayong panahon
makabubuti ba ito para sa ating
bansa? Bakit?

g. Takdang Aralin

Gumawa ng isang tula na may 3


saknong patungkol sa buhay ng
mga tao noon sa ilalim ng Batas
Militar.

Inihanda ni:
Samraida M. Mamucao

You might also like