You are on page 1of 2

“Ang Pusa sa Aking Hapag”

Ni: Jesus Arceo

I. Panimula

Ang maikling kwentong ito ay maling gawain, kailanman ay hindi magbubunga ng


magandang resulta.

Uri ng Panitikan

“Ang Pusa sa Aking Hapag” ay isang Maikling Kwento.

Bansang Pinagmulan

Nagmula ang maikling kwentong ito sa Pilipinas.

Pagkilala sa May-akda

Si Jesus A. Arceo ay isa sa mga nangungunang manunulat ng piksyon noong 1920-1930.


Hindi mabilang na kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng pangunahing publikasyong
Tagalog.

Layunin ng Akda

Layunin niya ang pagbibigay-diin kung bakit at paano ginawa ang kalagim-lagim na
kasalanan ng tagapagsalaysay nang dahil sa patibong na pag-ibig.

II.Pagsusuring Pangnilalaman

Tema o Paksa ng Akda

Umiiral na konsensya sa ginawang pagkakamali at ang bagay na ninanais niyang iwasan


ay nagawa niya.

Tauhan

Tagapagsalaysay- pangunahing tauhan sa kwento at minsan nakagawa ng pinakaiiwasan


niya.

Adela- isang guro na itinuturing ng tagapagsalaysay na patibong sa kanyang pag ibig.


Luis- naging kasintahan ni Adela at karibal ng tagapagsalaysay na nagtangka sa buhay
nito.

Tagpuan o Panahon

Tanggapan ng Panitik- ang lugar kung saan unang nagkita ang tagapagsalaysay at si
Adela at naging daan ng kanilang pag-iibigan.

Lilim ng isang puno ng niyog- ang lugar kung saan nalaman ng tagapagsalaysay ang
katotohanan tungkol kay Adela.

Palaruan sa paaralan- ang lugar kung saan unang nakatagpo ni Adela si Luis.
Silid- ang silid na tinutuluyan ng tagapagsalaysay at kung saan niya nakita ang pusa
sakanyang hapag.

Balangkas na Pangyayari

Ang maikling kwento na “Ang Pusa sa Aking Hapag” ay makatotohanan dahil hango ito sa
totoong buhay at totoong nangyari. Ito ay makasaysayan at may nakatagong kahulugan.

Kulturang Masasalamin

Masasalamin sa akda ang pagsisisi ng nakagawa ng mali, ang pinakainiiwasan niyang


gawin. Sa takot na nadarama, hindi lubusang maisip ang pagpipigil at pagtitimpi at ito’y
humatong sa pagpatay ng tao. kahit anong pag-iingat sa karangalang pinapahalagahan,
tulad ng pagkatakot niya sa tanging pusang nakadapa sa kaniyang hapag ay katumbas ng
pagsisisi sa sarili dahil nagpaalipin siya sa kaniyang damdamin at nakagawa ng mali.

III.Pagsusuring Pangkaisipan

Mga Kaisipan / Ideyang Taglay ng Akda

Ang paggawa ng ano mang kalagim-lagim ay magiging bahid ng itim sa karangalan ng tao.
Nang dahil sa pag-ibig, kahit pinakaiiwasang gawain ay maisasagawa. Kapag
pinagtatangkang agawin ang karapatan sa pag-aari ng buhay, makakalimutan ang
pagtitimpi at pagpipigil.

Estilo ng Pagkasulat ng Akda

Ang akdang “Ang Pusa sa Aking Hapag” ay pagmumuni-muni sa pangyayari sa


magkasintahan hanggang sa maibunyag ang lihim na may asawa si Adela na si Luis, ito’y
nag-udyok sa paggawa ng pinakainiiwasang gawain, ito ay makapatay ng tao.

You might also like