You are on page 1of 245

MGA MAHAL NA ARAW AT

ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG


NG PAGPAPAKASAKIT, PAGKAMATAY AT
MULING PAGKABUHAY NG PANGINOON
LINGGO NG PALASPAS
SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON
Ngayon ipinagdiriwang ng Simbahan ang Pagpasok ni Kristo sa Jerusalem upang ganapin ang
misteryo ng Pasko ng Pagpapakasakit at Pagkabuhay na Muli. Kaya’t ito ay ginugunita sa
bawa’t pagmimisang maaaring may prusisyon o maringal na pagpasok sa mga oras na nakatakda
para sa maraming mga nagsisimba, o may payak na pagpasok sa mga iba pang Misa. Ang
maringal na pagpasok, nguni’t hindi ang prusisyon ng mga tao, ay maaring ulitin sa mga
pagmimisang maraming nagsisimba.
4 MGA MAHAL NA ARAW

ANG PAGGUNITA SA PAGPASOK


NG PANGINOON SA JERUSALEM

PRUSISYON NG MGA TAO

Sa itinakdang sandali, ang mga nagsisimba ay magtitipon sa isang bahay dalanginan, o


nababagay na pook na iba o nasa labas ng talagang simbahan na siyang patutunguhan ng
prusisyon. Ang nagsisimba ay may dalang palaspas.

Ang pari at mga tagapaglingkod na kabilang sa banal na orden ay magsusuot ng pulang damit
para sa pagmimisa. Sila ay paroroon sa pinagtitipunan ng mga nagsisimba. Maaaring magsuot
ng kapa sa halip na kasulya ang pari; kaya’t kung ito ang pipiliin niyang isuot, iaalis niya ito
pagkatapos ng prusisyon.

Bilang pambungad, anumang nababagay na awit ay aawitin.

Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay
magkukrus. Ipahahayag ng paring nakaharap sa mga tao:

S a ngalan ng Ama
at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang ipinahahayag:

Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo,


ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo
nawa’y sumainyong lahat.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 5

PAMBUNGAD NA PALIWANAG

Maagbibigay siya ng maikling pambungad na paliwanag bilang paanyaya sa lahat upang ganap
na makiisa sa pagdiriwang. Maaari niyang gamitin ang mga sumusunod o anumang
katumbas na pangungusap.

M ga minamahal na kapatid,
limang linggo na tayong naghahanda ng sariIi
para sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagpapakasakit
at Pagkabuhay ng Panginoon.
Sinikap nating unawain at tuparin
ang ating pananagutan sa Diyos at sa kapwa tao
alinsunod sa araI at halimbawa ni Hesukristo.
Kaisa ng buong Simbahan,
sinisimulan natin ngayon ang mga Mahal na Araw.
Si Kristo ay matagumpay na pumasok sa kanyang lungsod
upang tuparin ang kanyang gawain bilang Mesiyas:
ang magpakasakit, mamatay, at muling mabuhay
para sa ating kaligtasan.
Taimtim nating sariwain sa alaala
ang kanyang pag-aalay ng sarili para sa kapwa
at sundan natin siya nang may buhay na pananampalataya.
Kaisa niya sa pagdurusa sa krus,
tayo nawa ay makahati niya sa kanyang pananaig sa kamatayan
at sa kanyang bagong buhay.
6 MGA MAHAL NA ARAW

PANALANGIN NG PAGBABASBAS NG MGA PALASPAS

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya ang isa sa mga sumusunod na
panalangin.

Manalangin tayo.
Tahimik na mananalangin nang saglit.

A ma naming makapangyarihan,
ang mga palaspas na ito
ay iyong pagpalain  at pabanalin
upang sa masaya naming pagbubunyi
sa Mesiyas na aming Hari
siya’y aming masundan
at sa pamamagitan niya’y aming sapitin
ang hindi magmamaliw na lungsod ng Jerusalem
na kanyang pinaghaharian kasama mo at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
o kaya:

A ma naming makapangyarihan,
pag-alabin mo ang pananampalataya
ng mga nananalig sa iyo
at ang mga kahilingan namin ay paunlakan mo
upang kaming may mga sanga ng palaspas
bilang parangal sa inaning tagumpay ni Kristo
ay mamunga para sa iyo
sa pakikiisa namin sa kanyang mabubuting gawain
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 7

Iwiwisik ng pari ang banal na tubig sa mga palaspas nang walang anumang sinasabi.

Pagkatapos ng pagwiwisik, ipahahayag ang salaysay tungkol sa pagpasok ng Pangioon sa


Jerusalem ayon sa nasasaad sa isa sa apat na isinulat na Mabuting Balita. Ang gaganap ay ang
diyakono, o kung siya’y wala ay ang pari.

MABUTING BALITA
Taon
B Marcos 11:1-
10
Pagpalain ang dumarating sa ngalan ng Panginoon!
P. Sumainyo ang Panginoon.
B. At sumaiyo rin.

P.  Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos


B. Papuri sa iyo, Panginoon.

M alapit na sina Hesus sa Jerusalem —


nasa gulod ng Bundok ng mga Olibo
at natatanaw na ang mga bayan ng Betfage at Betania.
Pinauna ni Hesus ang dalawa sa mga alagad,
at sinabi sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon.
Sa pagpasok doo’y makikita ninyong nakatali
ang isang bisirong asno na hindi pa nasasakyan ninuman.
Kalagin ninyo at dalhin dito.
Kapag may nagtanong kung bakit ninyo kinakalag iyon,
sabihin ninyong kailangan ito ng panginoon,
at ibabalik din agad dito.”
Kaya’t lumakad na sila,
at natagpuan nga nila ang asno sa tabi ng daan,
nakatali sa may pintuan ng isang bahay.
Nang kinakalag na nila ang hayop,
tinanong sila ng ilan sa mga nakatayo roon,
“Bakit ninyo kinakalag iyan?”
Sumagot sila gaya ng bilin sa kanila ni Hesus,
at hinayaan silang umalis.
8 MGA MAHAL NA ARAW

Dinala nila kay Hesus ang bisirong asno,


at matapos isapin sa likod nito ang kanilang mga balabal,
ito’y sinakyan ni Hesus.
Maraming naglatag ng kanilang mga balabal sa daan;
ang iba nama’y pumutol ng madahong sanga ng kahoy
at siyang inilatag sa daan.
Ang mga tao sa unahan at hulihan niya’y sumisigaw ng:
“Hosanna! Pagpalain ang dumarating sa pangalan ng
Panginoon!
Pagpalain nawa ang kaharian ng ating amang si David,
na muling itinatatag!
Purihin ang Panginoon!”
Sa katapusan, ihahayag niya:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Magbubunyi ang lahat:

Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.


LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 9

o kaya:
Taon
B Juan 12:12-
16
Pagpalain ang dumarating sa ngalan ng Panginoon!

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

N oong panahong iyon:


Nabalitaan ng maraming taong dumalo sa pista,
na patungo sa Jerusalem si Hesus.
Kumuha sila ng mga palapa ng palma,
at lumabas sila ng lungsod upang siya’y salubungin.
At ganito ang kanilang sigaw,
“Hosanna! Purihin ang dumarating sa ngalan ng Panginoon!
Purihin ang Hari ng Israel!”
Nakita ni Hesus ang isang batang asno
at sinakyan ito, gaya ng nasusulat:
“Huwag kang matakot, lungsod ng
Sion! Masdan mo, dumarating ang
iyong hari, nakasakay sa bisirong
asno!”
Hindi ito naunawaan noon ng kanyang mga alagad,
ngunit matapos mabuhay na muli si Hesus,
saka nila naalaalang ito ang sinasabi ng Kasulatan
tungkol sa kanya at ganito nga ang nangyari.
Sa katapusan, ihahayag niya:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Magbubunyi ang lahat:

Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.


Kasunod ng Mabuting Balita, maaaring magbigay ng maikling homiliya o paliwanag.
10 MGA MAHAL NA ARAW

Bago magsimula ang prusisyon, ang pari o sinumang tagapaglingkod ay makapagpapahayag ng


paanyaya sa ganito o katumbas ng pangungusap:

M ga minamahal na kapatid,
tularan natin ang mga tao na nagbunyi kay Hesus.
Halinang magprusisyon sa kanyang karangalan
taglay ang kapayapaan.
Ang prusisyon ay magsisimula patungo sa pagmimisahan.

Kung may pag-iinsenso, ang tagapagdala ng umuusok na insensaryo ay siyang mauuna sa lahat.
Susundan siya ng tagapagdala ng krus na dapat ay may nababagay na gayak o palamuti. Sa
magkabilang gilid niya ay sasabay ang dalawang tagapagdala ng kandila. Susunod ang pari
kaagapay ang mga tagapaglingkod niya at kasunod ang mga tao; silang lahat ay may hawak na
palaspas.

Sa pagpuprusisyon, ang pulutong ng mga mang-aawit at ang mga tao ay aawit ng anumang
nababagay na awitin.

Kapag pumapasok na sa simbahan ang prusisyon, iba pang awit tungkol sa pagpasok ng
Panginoon ay aawitin.

Pagsapit ng pari sa dambana, ito ay kanyang hahalikan at maiinsensuhan. Pagkaraan nito,


siya’y paparoon sa kanyang upuan (iaalis niya ang kapa at isusuot ang kasulya) at magsisimula
siya agad sa panalanging pambungad ng Misa na siyang pangwakas ng prusisyon. Ang Misa ay
itutuloy ayon sa nakagawiang paraan.

Pagkatapos ng prusisyon o ng maringal na pagpasok, sisimulan ng pari sa panalanging


pambungad ang Misa.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 11

PANALANGING PAMBUNGAD

Pagkaraan ng awit, magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.
Ang lahat kaisa ng pari ay tahimik na mananalangin nang saglit. Pagkalipas ng ilang sandali,
ilalahad ng pari ang kanyang kamay at ipahahayag:

A ma naming makapangyarihan,
ginawa mong halimbawang dapat tularan
ang Tagapagligtas naming naging di iba sa amin
para ang krus namin ay akuin.
Pagindapatin mong sa mga pagdiriwang ay aming kamtin
ang kanyang ulirang pagkamatiisin
at ang pakikisalo sa pagkabuhay niyang maningning
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.
Paroroon sa pook ng pagbasa ang maglalahad ng Salita ng Diyos. Habang ipinahahayag niya ang
unang pagbasa, ang lahat ay nakaupong makikinig.
12 MGA MAHAL NA ARAW

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA
Isaias 50:4-7
Handa akong magtiis na sampaling parang bato
pagkat aking batid na ang sarili ko’y di
mapapahiya.

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

A ng Makapangyarihang Panginoon
ang nagturo sa akin ng sasabihin ko,
para tulungan ang mahihina.
Tuwing umaga’y
kanyang binubuksan ang aking pandinig.
Nananabik akong malaman
kung ano ang ituturo niya sa akin.
Binigyan niya ako ng pang-unawa,
hindi ako naghimagsik
ni tumalikod sa kanya.
Hindi ako tumutol
nang bugbugin nila ako,
hindi ako kumibo
nang ako’y kanilang insultuhin.
Pinabayaan ko silang bunutin
ang buhok ko’t balbas,
gayon din nang lurhan nila ako sa mukha.
Ang mga pagdustang ginawa nila’y di ko pinapansin,
pagkat ang Makapangyarihang Panginoon
ang tumutulong sa akin.
Handa akong magtiis
na sampaling parang bato
pagkat aking batid
na ang sarili ko’y di mapapahiya.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 13

Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
Ang tagapaglahad ng salmo o taga-awit ay magpapahayag ng akda mula sa Aklat ng mga Awit at
ang mga tao ay tutugon ng kaukulang taludtod.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 21:8-9 17-18. 19-20. 23-24

T. D’yos ko! D’yos ko!


Bakit naman ako’y ‘yong pinabayaan.

Bawat taong makakita’y umiiling, nanunukso,


palibak na nagtatawa’t sinasabi ang ganito:
“Nagtiwala siya sa Diyos, ngunit hindi siya pansin,
kung talagang minamahal, bakit hindi intindihin?”

T. D’yos ko! D’yos ko!


Bakit naman ako’y ‘yong pinabayaan.

May pangkat ng mga buhong na sa aki’y pumaligid,


para akong nasa gitna niyong asong mababangis,
mga kamay ko at paa’y butas sa pakong matulis
ang buto ng katawan ko ay mabibilang sa masid.

T. D’yos ko! D’yos ko!


Bakit naman ako’y ‘yong pinabayaan.
14 MGA MAHAL NA ARAW

Pinaghati-hati nila ang damit ko sa katawan,


ang hinubad na tunika’y dinaan sa sapalaran.
H’wag mo akong ulilahin, h’wag talikdan, Panginoon,
O aking Tagapagligtas, bilisan mo ang pagtulong.

T. D’yos ko! D’yos ko!


Bakit naman ako’y ‘yong pinabayaan.

Ang lahat ng ginawa mo’y ihahayag ko sa lahat,


sa gitna ng kapulunga’y pupurihin kitang ganap.
Purihin ang Panginoon ng lahat ng kanyang lingkod,
Siya’y inyong dakilain, kayong angkan ni Jacob;
ikaw bayan ng Israel ay sumamba at maglingkod.

T. D’yos ko! D’yos ko!


Bakit naman ako’y ‘yong pinabayaan.
Pagkatapos, kung mayroong ikalawang pagbasa, ipahahayag din ito sa pook ng pagbasa katulad
ng nauna.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 15

IKALAWANG PAGBASA
Filipos 2:6-
11 Siya’y nagpakababa kaya naman siya’y itinampok ng
Diyos.

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo


sa mga taga-Filipos

S i Kristo Hesus bagamat siya’y Diyos


ay hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos,
bagkus hinubad niya
ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos,
nagkatawang-tao at namuhay na isang alipin.
Nang maging tao,
siya’y nagpakababa at naging masunurin
hanggang kamatayan,
oo, hanggang kamatayan sa krus.
Kaya naman, siya’y itinampok ng Diyos
at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.
Anupa’t ang lahat ng nilalang
na nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa
ay maninikluhod at sasamba sa kanya.
At ipapahayag ng lahat
na si Hesuskristo ang Panginoon,
sa ikararangal ng Diyos Ama.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
Isusunod ang Awit-Pambungad sa Mabuting Balita.
16 MGA MAHAL NA ARAW

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA


Filipos 2:8-9

Masunuring Kristo Hesus


naghain ng buhay sa krus,
kaya’t dinakila ng D’yos
binigyan ng ngalang tampok
sa langit at sansinukob.

ANG PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON


Taon
B Marcos 14:1—
15:47
Ang Pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesukristo.

Ang pagpapakasakit ng Panginoon ay ipahahayag nang walang nakapaligid na kandila at


pag- iinsenso, wala ring pagbati at pagkukrus. Ang gaganap ng pagpapahayag ay ang diyakono
o ang pari kapag walang diyakono. Magagampanan din ito ng mga ibang tagapaglahad ng mga
pagbasa at kung maaari ang mga pangungusap ni Kristo ay aakuin ng pari.

Kung diyakono ang magpapahayag, hihilingin niyang siya’y gawaran ng pagpapala ng pari
alinsunod sa ginagawa bago ipahayag ang Mabuting Balita.

 Ang Pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesukristo


ayon kay San Marcos

Tagapagsalaysay: Dalawang araw na lamang


at Pista na ng Paskuwa
at ng Tinapay na Walang Lebadura.
Ang mga punong saserdote at ang mga eskriba
ay naghahanap ng paraan
upang lihim na maipadakip si Hesus
at maipapatay.
Sinabi nila,

Sacerdote: “Ngunit huwag sa kapistahan,


baka magkagulo ang mga tao.”
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 17

Tagapagsalaysay: Noo’y nasa Betania si Hesus,


sa bahay ni Simong ketongin.
Samantalang siya’y kumakain,
dumating ang isang babaing
may dalang isang sisidlang alabastro
na puno ng mamahaling pabango —
ito’y dalisay na nardo.
Binasag niya ang sisidlan
at ang pabango’y ibinuhos sa ulo ni Hesus.
Nagalit ang ilang naroroon, at sila’y nagusap-usap,

Taong-Bayan: “Ano’t inaksaya ang pabango?


Maipagbibili sana iyon
nang higit pa sa tatlong daang denaryo,
at maibibigay sa mga dukha ang pinagbilhan!”

Tagapagsalaysay: At sinisi nila ang babae.


Nguni’t sinabi ni Hesus,

Hesus: “Bakit ninyo siya ginugulo?


Pabayaan ninyo siya!
Mabuti ang ginawa niyang ito sa akin.
Habang panaho’y kasama ninyo ang mga
dukha, at anumang oras na inyong ibigin
ay magagawan ninyo sila ng mabuti.
Ngunit ako’y hindi ninyo kasama sa habang
panahon. Ginawa niya ang kanyang makakaya —
hindi pa ma’y binusan na niya ng pabango
ang aking katawan
bilang paghahanda sa paglilibing sa akin.
Sinasabi ko sa inyo:
saanman ipangaral ang Mabuting Balita,
mababanggit din naman ang ginawa niyang ito
bilang pag-aalaala sa kanya.”
18 MGA MAHAL NA ARAW

Tagapagsalaysay: Si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa,


ay pumunta sa mga punong saserdote
upang ipagkanulo si Hesus.
Natuwa sila nang marinig ang gayon
at nangakong bibigyan siya ng salapi.
Mula noo’y humanap na si Judas ng pagkakataon
upang maipagkanulo si Hesus.

Unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang


Lebadura, araw ng pagpatay ng kordero para sa
Paskuwa.
Tinanong si Hesus ng kanyang mga alagad,

Alagad: “Saan po ninyo ibig na ipaghanda namin kayo


ng Hapunang Pampaskuwa?”
Tagapagsalaysay: Inutusan niya ang dalawa sa kanyang mga alagad,

Hesus: “Pumunta kayo sa bayan.


May masasalubong kayong isang lalaki
na may dalang isang bangang tubig.
Sundan ninyo siya sa bahay na kanyang papasukan
at sabihin ninyo sa may-ari,
‘Ipinatatanong po ng Guro
kung saang silid siya maaaring kumain
ng Hapunang Pampaskuwa,
kasalo ng kanyang mga alagad.’
At ituturo niya sa inyo
ang isang malaking silid sa itaas
na mayroon nang kagamitan.
Doon kayo maghanda para sa atin.”
Tagapagsalaysay: Nagtungo sa bayan ang mga alagad
at natagpuan nga nila roon ang lahat,
gaya ng sinabi niya sa kanila.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 19

At inihanda nila ang Hapunang Pampaskuwa.


Kinagabiha’y dumating si Hesus,
kasama ang Labindalawa.
Nang sila’y kumakain na, sinabi ni Hesus:

Hesus: “Tandaan ninyo ito:


isa sa inyo na kasalo ko’y magkakanulo sa akin.”

Tagapagsalaysay: Nanlumo ang mga alagad,


at isa’t isa’y nagtanong sa kanya,

Alagad: “Ako po ba, Panginoon?”

Tagapagsalaysay: Sumagot siya,

Hesus: “Isa sa inyo na kasalo ko


sa pagsawsaw ng tinapay sa mangkok.
Papanaw ang Anak ng Tao, ayon sa nasusulat,
nguni’t sa aba ng taong magkakanulo sa kanya!
Mabuti pa sa taong yaon ang hindi na ipinanganak.”

Tagapagsalaysay: Samantalang sila’y kumakain,


dumampot ng tinapay si Hesus,
at matapos magpasalamat sa Diyos
ay kanyang pinaghati-hati
at ibinigay sa mga alagad.

Hesus: “Kunin ninyo; ito ang aking katawan,”

Tagapagsalaysay: wika niya.


Hinawakan niya ang kalis, at matapos magpasalamat
ay ibinigay sa kanila; at uminom silang lahat.
Sinabi niya,
20 MGA MAHAL NA ARAW

Hesus: “Ito ang aking dugo ng tipan,


ang dugong mabubuhos dahil sa marami.
Sinasabi ko sa inyo,
hindi na ako iinom ng alak na mula sa ubas
hanggang sa araw na inumin ko ang bagong
alak sa kaharian ng Diyos.”

Tagapagsalaysay: Umawit sila ng isang imno,


at pagkatapos nagtungo sa Bundok ng mga Olibo.
Sinabi ni Hesus sa kanila,

Hesus: “Ako’y iiwan ninyong lahat,


sapagkat nasasaad sa Kasulatan,
‘Papatayin ko ng pastol,
at mangangalat ang mga tupa.’
Ngunit pagkatapos na ako’y muling mabuhay,
mauuna ako sa inyo sa Galilea.”
Tagapagsalaysay: Sumagot si Pedro,

Pedro: “Kahit na po iwan kayo ng lahat,


hindi ko kayo iiwan.”

Hesus: “Tandaan mo,”

Tagapagsalaysay: sabi ni Hesus sa kanya,

Hesus: “sa gabi ring ito,


bago tumilaok nang makalawa ang manok
ay makaitlo mo akong itatatwa.”

Tagapagsalaysay: Subalit matigas na sinabi ni Pedro,

Pedro: “Kahit ako’y pataying kasama ninyo,


hindi ko kayo itatatwa.”
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 21

Tagapagsalaysay: Gayon din ang sabi ng ibang alagad.


Dumating sila sa isang lugar
na tinatawag na Getsemani.
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad,

Hesus: “Dito muna kayo at mananalangin ako.”

Tagapagsalaysay: Ngunit isinama niya sina Pedro, Santiago at Juan.


At nagsimulang mabagabag at maghirap
ang kanyang kalooban.
Sinabi niya sa kanila,

Hesus: “Ang puso ko’y tigib ng hapis at halos ikamatay ko!


Maghintay kayo rito at magbantay.”
Tagapagsalaysay: Pagkalayo nang kaunti,
siya’y nagpatirapa at nanalangin na kung maaari’y
huwag nang dumating sa kanya
ang oras ng paghihirap.

Hesus: “Ama, Ama ko!”

Tagapagsalaysay: wika niya,

Hesus: “Mapangyayari mo ang lahat ng bagay.


Alisin mo sa akin ang kalis na ito ng paghihirap.
Gayunma’y huwag ang kalooban ko
kundi ang kalooban mo ang masunod.”
Tagapagsalaysay: Nagbalik siya
at dinatnan niyang natutulog ang tatlong alagad.
Sinabi niya kay Pedro,

Hesus: “Natutulog ka, Simon?


Hindi ka ba makapagbantay
kahit isang oras man lang?
22 MGA MAHAL NA ARAW

Magpuyat kayo at manalangin


upang huwag kayong madaig ng tukso.
Ang espiritu’y nakahanda,
ngunit ang laman ay mahina.”

Tagapagsalaysay: Muling lumayo si Hesus at nanalangin,


at ang dati niyang kahilingan ang siyang sinambit.
Nagbalik siyang muli sa kanyang mga alagad
at naratnan na namang natutulog,
sapagkat sila’y antok na antok.
At hindi nila malaman
kung ano ang kanilang sasabihin sa kanya.
Sa ikatlong pagbabalik niya
ay kanyang sinabi sa kanila,

Hesus: “Tulog pa ba kayo hanggang ngayon?


Kayo ba’y namamahinga
pa? Tama na!
Dumating na ang oras na ang Anak ng Tao’y
ipagkakanulo sa masasama.
Tayo na’t narito na ang magkakanulo sa akin!”

Tagapagsalaysay: Nagsasalita pa si Hesus nang dumating si Judas,


isa sa Labindalawa,
na kasama ng maraming taong
may mga dalang tabak at pamalo.
Inutusan sila ng mga punong saserdote,
ng mga eskriba at ng matatanda ng bayan.
Ang taksil ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat:

Hudas: “Ang hagkan ko — iyon ang inyong hinahanap.


Siya’y dakpin ninyo at dalhin,
ngunit bantayang mabuti.”
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 23

Tagapagsalaysay: Pagdating ni Judas, agad siyang lumapit kay Hesus,

Hudas: “Guro!”

Tagapagsalaysay: ang bati niya, sabay halik.


At sinunggaban si Hesus ng mga tao at dinakip.
Nagbunot ng tabak ang isa sa mga naroon,
at tinaga ang alipin ng pinakapunong
saserdote, at natigpas ang tainga niyon.
At sinabi ni Hesus sa mga tao,

Hesus: “Tulisan ba ako


at naparito kayong may mga dalang tabak at pamalo
upang ako’y dakpin?
Araw-araw ako’y nagtuturo sa templo
at naroon din kayo,
nguni’t hindi ninyo ako dinakip.
Subalit kailangang matupad
ang sinasabi ng Kasulatan!”

Tagapagsalaysay: Nagsitakas ang mga alagad at iniwan siya.

Sinundan siya ng isang binatang


walang damit sa katawan
maliban sa balabal niyang kayong lino.
Sinunggaban siya ng mga tao,
ngunit iniwan niya ang kanyang balabal
at tumakas na walang kadamit-damit.

At dinala nila si Hesus sa bahay


ng pinakapunong saserdote;
doo’y nagkatipon ang lahat ng punong saserdote,
ang matatanda ng bayan, at ang mga eskriba.
Si Pedro’y sumunod sa kanya,
ngunit malayo ang agwat.
24 MGA MAHAL NA ARAW

Nagtuloy siya hanggang sa patyo ng bahay


ng pinakapunong saserdote,
naupo sa tabi ng apoy
at nagpainit na kasama ng mga bantay.
Ang mga punong saserdote at ang buong Sanedrin
ay naghahanap ng maipararatang kay Hesus
upang maipapatay siya, ngunit wala silang makuha.
Maraming saksi ang nagsabi ng kasinungalingan
laban sa kanya,
ngunit hindi nagkaisa ang kanilang mga patotoo.

May ilang sumaksi laban sa kanya


at nagsabi ng ganitong kasinungalingan:

Taong-Bayan: “Narinig naming sinabi niya,


‘Gigibain ko ang templong ito na gawa ng tao,
at sa loob ng tatlong araw
ay magtatayo ako ng iba na di gawa ng tao.’”
Tagapagsalaysay: Gayunma’y hindi pa rin nagkaisa
ang kanilang mga patotoo.
Tumindig ang pinakapunong saserdote
sa harap ng kapulungan,
at tinanong si Hesus,

Saserdote: “Ano ang masasabi mo sa paratang nila sa iyo?


Bakit di ka sumagot?”

Tagapagsalaysay: Ngunit hindi umimik si Hesus;


hindi siya nagsalita gaputok man.
Muli siyang tinanong ng pinakapunong saserdote:

Saserdote: “Ikaw ba ang Mesiyas, ang Anak ng Kataastaasan?”


LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 25

Hesus: “Ako nga,”

Tagapagsalaysay: sagot ni Hesus.

Hesus: “At makikita ninyo ang Anak ng Tao,


na nakaupo sa kanan ng Makapangyarihan sa lahat.
At makikita ninyong siya’y dumarating,
nasa alapaap ng langit.”

Tagapagsalaysay: Winasak ng pinakapunong saserdote


ang sariling kasuotan, at sinabi,

Saserdote: “Hindi na natin kailangan ang mga saksi!


Kayo na ang nakarinig
ng kanyang kalapastanganan sa Diyos!
Ano ang pasya ninyo?”

Tagapagsalaysay: Ang hatol nilang lahat ay kamatayan.


At niluran siya ng ilan, piniringan at pinagsusuntok,
kasabay ng wikang

Sundalo: “Hulaan mo nga, sino ang sumuntok sa iyo?”

Tagapagsalaysay: at pinagsasampal siya ng mga bantay.

Si Pedro nama’y naroon pa sa ibaba, sa patyo,


nang dumating ang isa sa mga alila
ng pinakapunong saserdote.
Nakita ng babaing ito si Pedro
na nagpapainit sa apoy,
at kanyang pinagmasdang mabuti.

Taong-Bayan: “Kasama ka rin ng Hesus na iyang taga-Nazaret!”

Tagapagsalaysay: sabi niya.


Ngunit tumanggi si Pedro.
26 MGA MAHAL NA ARAW

Pedro: “Hindi ko nalalaman...


hindi ko nauunawaan ang sinasabi mo,”

Tagapagsalaysay: sagot niya.


At siya’y lumabas sa pasilyo at tumilaok ang manok.
Nakita na naman siya roon ng alilang babae
at sinabi sa mga naroon,

Babae: “Ang taong ito’y isa sa kanila!”


Tagapagsalaysay: Ngunit itinatwa na naman ito ni Pedro.
Makalipas ang ilang sandali’y
sinabi na naman kay Pedro ng mga nakatayo roon,

Taong-Bayan: “Talagang isa ka sa kanila. Taga-Galilea ka rin!”

Pedro: “Sumpain man ako ng langit,


talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan!”
Tagapagsalaysay: sagot ni Pedro.
Siya namang pagtilaok ng manok.
Naalaala ni Pedro ng sinabi sa kanya ni Hesus,
“Bago tumilaok nang makalawa ang manok
ay makaitlo mo akong itatatwa.”

At siya’y nanangis.
Dito magsisimula ang maikling pagbasa (Marcos 15:1-39).

Kinaumagahan,
nagpulong agad ang mga punong saserdote,
ang matatanda ng bayan, ang mga eskriba,
at ang iba pang bumubuo ng Sanedrin.
Ipinagapos nila si Hesus, at dinala kay Pilato.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 27

Pilato: “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?”

Tagapagsalaysay: tanong sa kanya ni Pilato.

Hesus: “Kayo na ang nagsasabi,”

Tagapagsalaysay: tugon naman ni Hesus.


Nagharap ng maraming sumbong
ang mga punong saserdote laban kay Hesus,
kaya’t siya’y muling tinanong ni Pilato,

Pilato: “Wala ka bang isasagot?


Narinig mo ang dami ng kanilang sumbong
laban sa iyo.”

Tagapagsalaysay: Ngunit hindi na tumugon pa si Hesus,


kaya’t nagtaka si Pilato.

Tuwing Pista ng Paskuwa


ay nagpapalaya si Pilato ng isang bilanggo —
sinuman ang hilingin sa kanya ng taong-bayan.
Nakabilanggo noon ang isang lalaking
nagngangalang Barrabas,
kasama ng ibang naghimagsik
at nakamatay nang nagdaang himagsikan.
Lumapit ang mga tao at hiniling kay Pilato
na isagawa na ang kanyang kinaugaliang
pagpapalaya ng isang bilanggo.

Pilato: “Ibig ba ninyong palayain ko


ang Hari ng mga Judio?”

Tagapagsalaysay: tanong niya sa kanila.


Alam ni Pilato na inggit ang nag-udyok
sa mga punong saserdote
na dalhin sa kanya si Hesus.
28 MGA MAHAL NA ARAW

Ngunit ang mga tao’y sinulsulan


ng mga punong saserdote
na si Barrabas ang hilinging palayain.

Pilato: “Kung gayon, ano ang gagawin ko sa taong ito


na tinatawag ninyong Hari ng mga Judio?”

Tagapagsalaysay: tanong uli ni Pilato.

Taong-Bayan: “Ipako sa krus!”

Tagapagsalaysay: sigaw ng mga tao.

Pilato: “Bakit, ano ba ang kasalanan niya?”


Tagapagsalaysay: ani Pilato.
Nguni’t lalo pang sumigaw ang mga tao,

Taong-Bayan: “Ipako siya sa krus!”


Tagapagsalaysay: Sa paghahangad ni Pilato
na pagbigyan ang mga tao,
pinalaya niya si Barrabas.
Si Hesus ay kanyang ipinahagupit
at ibinigay sa kanila upang ipako sa krus.

Dinala ng mga kawal si Hesus sa pretoryo,


ang tirahan ng gobernador,
at kanilang tinipon ang buong batalyon.
Sinuotan nila si Hesus ng isang balabal na purpura.
Kumuha sila ng halamang matinik,
ginawang korona at ipinutong sa kanya.
At sila’y patuyang nagpugay at bumati sa kanya:

Sundalo: “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!”


LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 29

Tagapagsalaysay: Siya’y pinaghahampas nila ng tambo sa ulo,


pinaglulurhan, at palibak na niluhud-luhuran.
At matapos kutyain,
siya’y inalisan nila ng balabal,
sinuutan ng sariling damit,
at inilabas upang ipako sa krus.

Nasalubong nila ang isang lalaking galing sa bukid,


si Simon na taga-Cirene,
ama nina Alejandro at Rufo.
Pilit nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Hesus.
At kanilang dinala si Hesus
sa lugar na kung tawagi’y Golgota —
ibig sabihi’y “Pook ng Bungo.”
Binigyan nila siya ng alak na may kahalong mira,
ngunit hindi niya ininom.
Ipinako siya sa krus,
at nagsapalaran sila upang malaman
kung alin sa kanyang mga damit
ang mapupunta sa bawat isa.
Ikasiyam ng umaga nang ipako nila sa krus si
Hesus. Sa itaas ng krus isinulat ang sakdal laban sa
kanya, “Ang Hari ng mga Judio.”
Dalawang tulisan ang kasabay niyang
ipinako sa krus — isa sa kanan niya at isa sa kaliwa.
Sa gayo’y natupad ang nasasaad sa Kasulatan:
“Ibinilang siya sa mga salarin.”
Nilibak siya ng mga nagdaraan,
na tatangu-tangong nagsabi,

Taong-Bayan: “Di ba ikaw ang gigiba ng templo


at muling magtatayo nito sa loob ng tatlong araw?
Iligtas mo ngayon ang iyong sarili!
Bumaba ka sa krus!”
30 MGA MAHAL NA ARAW

Tagapagsalaysay: Kinutya rin siya ng mga punong saserdote


at ng mga eskriba,
at ang sabi sa isa’t isa:

Saserdote: “Iniligtas niya ang iba, ngunit di mailigtas ang sarili!


Makita lang nating bumaba sa krus
ang Mesiyas na iyan na Hari ng Israel —
maniniwala tayo sa kanya.”
Tagapagsalaysay: Inalipusta din siya
ng mga nakapakong kasama niya.
At nagdilim sa buong lupain
mula sa tanghaling tapat
hanggang sa ikatlo ng hapon.
Nang mag-iikatlo ng hapon, si Hesus ay sumigaw,
Hesus: “Eloi, Eloi, lema sabachthani?”
Tagapagsalaysay: na ang ibig sabihi’y
Hesus: “Diyos ko! Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan?”
Tagapagsalaysay: Narinig ito ng ilan sa mga nakatayo roon,
at kanilang sinabi,

Sacerdote: “Pakinggan ninyo, tinatawag niya si Elias!”


Tagapagsalaysay: May tumakbo at kumuha ng espongha;
ito’y binasa ng maasim na alak,
at pagkatapos ay inilagay sa dulo ng isang tambo
at ipinasipsip kay Hesus.
Sabi niya,
Taong-Bayan: “Tingnan nga natin kung darating si Elias
upang ibaba siya.”

Tagapagsalaysay: Sumigaw nang malakas si Hesus


at nalagutan ng hininga.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 31

Dito luluhod ang tanan at sandaling mananahimik.

Biglang nawarak sa gitna ang tabing ng templo,


mula sa itaas hanggang sa ibaba.
Nakatayo sa harap ng krus
ang isang kapitan ng mga kawal
at kanyang nakita kung paano namatay
si Hesus kaya’t sinabi niya,

Sundalo: “Tunay ngang Anak ng Diyos ang taong ito!”


Dito magwawakas ang maikling pagbasa.

Tagapagsalaysay: Naroon din ang ilang babae


at nakatanaw mula sa malayo;
kabilang sa kanila si Maria Magdalena,
si Mariang ina nina Santiagong bata,
at Jose at si Salome.
Mula pa sa Galilea’y nagsisunod na sila
at naglingkod kay Hesus.
At naroon din ang iba pang babaing
sumama kay Hesus sa Jerusalem.

Nang magtatakipsilim na,


dumating si Jose na taga-Arimatea,
isang iginagalang na kagawad ng Sanedrin;
siya’y naghihintay sa pagdating
ng paghahari ng Diyos.
Sapagkat araw noon ng Paghahanda,
o bisperas ng Araw ng Pamamahinga,
naglakas-loob siyang lumapit kay Pilato
at hiningi ang bangkay ni Hesus.
Nagtaka si Pilato nang marinig niyang
patay na si Hesus,
kaya’t ipinatawag niya ang kapitan
at tinanong kung ito’y totoo.
32 MGA MAHAL NA ARAW

Nang malaman niya sa kapitan


na talagang patay na si Hesus,
pumayag siyang kunin ni Jose ang bangkay.
Bumili si Jose ng kayong lino.
Nang maibaba na ang bangkay
ay kanyang binalot sa kayong ito
at inilagay sa isang libingang
inuka sa tagiliran ng dalisdis na bato.
Pagkatapos, iginulong ang isang malaking bato
sa pintuan ng libingan.
Nagmamasid naman si Maria Magdalena
at si Mariang ina ni Jose,
at nakita nila kung saan inilibing si Hesus.
Sa katapusan, ihahayag niya:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Magbubunyi ang lahat:

Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.


Hindi hahalikan ng diyakono o ng pari ang Aklat ng Mabuting Balita.

HOMILIYA

Pagkatapos ng pagpapahayag ng pagpapakasakit ng Panginoon, maaaring magbigay ng maikling


paliwanag o homiliya.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 33

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Kasunod ng homiliya ang pagpapahayag ng pananampalataya.

Sumasampalataya ako
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit.
Naluluklok sa kanan ng Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto
at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako
sa Diyos Espiritu Santo,
sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao
at sa buhay na walang hanggan.
Amen.
34 MGA MAHAL NA ARAW

PANALANGIN NG BAYAN
Pagkatapos ay gaganapin ang panalangin ng bayan o panalanging pangkalahatan.

Sisimulan ng pari ang panalangin:

Mga kapatid,
buong kababaang-loob nating itaas sa ating Ama sa
langit ang ating mga panalangin,
at alang-alang sa pagpapakasakit at kamatayan ni Hesus,
manalig tayong diringgin niya ang ating panalangin.
Sabihin natin: Panginoon, sa iyong awa, dinggin mo kami.

T. Panginoon, sa iyong awa, dinggin mo kami.

Para sa Sambayanang Kristiyano,


upang ang mga palaspas ay maging tanda
ng pagsunod ng bawat isa sa halimbawa ni Kristo
na nag-alay ng sarili sa krus,
upang matutunan ng bawat isa na mag-alay ng kanilang oras,
kakayanan at yaman sa Diyos at sa kapwa,
manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, sa iyong awa, dinggin mo kami.

Para sa buong daigdig,


upang mabatid ng lahat ng tao
na walang patutunguhan ang pagkamakasarili
at matatamo lamang ang tunay na kagalakan
sa pakikipagkapwa at pagtulong sa kapwa,
manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, sa iyong awa, dinggin mo kami.


LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 35

Para sa mga maysakit, naghihirap, at naghihingalo,


upang ang Pagpapakasakit at pagbuhos ng dugo ni Kristo
ang maghatid sa kanila ng paghilom, kapayapaan at bagong lakas,
manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, sa iyong awa, dinggin mo kami.

Para sa ating pamayanan,


upang piliin nating lumakad kasama ni Kristo,
manatiling kasama niya sa panalangin,
tumayo sa paanan ng Krus,
upang sa huli ay makasalo tayo sa kagalakan
at kaligtasan ng muling pagkabuhay,
manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, sa iyong awa, dinggin mo kami.

Para sa mga yumao,


makasapit nawa sila sa bagong Jerusalem
sa pamamagitan ng pag-aalay ng Panginoon,
manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, sa iyong awa, dinggin mo kami.

Wawakasan ng pari ang panalangin:

Ama naming mapagmahal,


ipinakita mo ang iyong pag-
ibig
sa Anak mong nakabayubay sa
krus. Alang-alang sa kanyang pag-
aalay,
dinggin mo nawa ang mga panalanging itinataas namin sa iyo.
Gawin mo kaming kaisa niya upang amin siyang
masundan at makisalo kami sa kanyang buhay
ngayon at magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao:


36 MGA MAHAL NA ARAW

Amen.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 37

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga
tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang
Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon


ng pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga
dukha.

Ngayon nama’y tatayo ang Pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan
ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

K apuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng Pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Ang diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal
nang pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
38 MGA MAHAL NA ARAW

Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng Pari ang kalis nang bahagyang nakaangat
sa dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

K apuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.
Illapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng Pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Pagkatapos, yuyuko ang Pari habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.


Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang dambana; pagkaraa’y
iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay
samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko‘y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 39

Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao
at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.
Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Pagkaraa’y, ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at darasalin:

A ma naming Lumikha,
pakundangan sa pagpapakasakit ng iyong Bugtong na Anak
sumaamin nawa ang iyong pagpapaunlak
na di makakamit ng tanang aming pagganap
kundi ng paghahaing minsan lamang para sa lahat
na mula sa iyo’y pinakikinabangan namin at tinatanggap
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga nagsisimba bilang pagbubunyi:

Amen.
40 MGA MAHAL NA ARAW

PAGBUBUNYI O PREPASYO

Ngayo’y sisimulan ng pari ang Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat. Ilalahad niya ang
kanyang mga kamay habang kanyang sinasabi:

P. Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumaiyo rin.
Pagkaraa’y isusunod niya habang itinataas niya ang kanyang mga kamay:

P. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


B. Itinaas na namin sa Panginoon.
Habang nakataas ang mga kamay, kanyang ipahahayag:

P. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


B. Marapat na siya ay pasalamatan.
Ipagpapatuloy ng pari ang Pagbubunyi o Prepasyo nang nakalahad ang mga kamay.

A ma naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

Wala siyang kasalanan nguni’t inaring salarin


sa pagmamalasakit niyang kami’y palayain
sa kamatayang kinasuungan namin
kaya’t namatay siya upang kami’y buhayin.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 41

SANTO

Sa katapusan nito, pagdaraupin niya ang mga kamay niya samantalang kanyang pinaabot
sa hantungan ang Pagbubunyi o Prepasyo ngayong kaisa ng sambayanan kanyang inaawit o
binibigkas nang malakas:

Santo, Santo, Santo


Panginoong Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!
42 MGA MAHAL NA ARAW

IKALAWANG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

A ma naming banal,
ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay
habang siya’y nagdarasal.

Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang mga kaloob na ito
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang
kanyang dinarasal:

upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo 


ng aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 43

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw
at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang loob


na maging handog,
Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa
pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.
44 MGA MAHAL NA ARAW

Ang pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang
patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.


Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at
luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


Ang mga tao ay magbubunyi:

Aming ipinahahayag
na namatay ang ‘yong Anak,
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 45

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

A ma,
ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak
kaya’t iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.

Isinasamo naming kaming magsasalu-salo


sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Tagapagdiwang o isang nakikipagmisa
Ama,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni Francisco, na aming Papa
at ni Jose, na aming Obispo,
at ng tanang kaparian.
46 MGA MAHAL NA ARAW

Tagapagdiwang o isang nakikipagmisa


Alalahanin mo rin ang mga kapatid naming nahimlay
nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.
Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng
Diyos, ng kanyang kabiyak ng puso, si San Jose,
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri sa ikararangal mo.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang kanyang
ipinahahayag.

S A PAMAMAGITAN NI KRISTO, KASAMA NIYA, AT SA KANYA


ANG LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI AY SA IYO,
DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN,
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 47

ANG PAKIKINABANG

Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na


mga kamay:

S a tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:
Illalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iIigtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
48 MGA MAHAL NA ARAW

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa
ganitong pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman! Amen.
Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

P anginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


Sasagot ant mga tao:

At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o ng pari:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.


At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t-ibang pook, ang mga nagsisimba ay mabigbigyan ng
kapayapaan. Ang pari at ang mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 49

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at
isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-uulit saka pa
lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal:

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kailanman.
50 MGA MAHAL NA ARAW

o kaya:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,


Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom
at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig
nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.
Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 51

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang,
bahagyang itataas ang ostiya para sa bawat nakikinabang habang sinasabi:

Katawan ni Kristo.
Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.
Ganito rin ang gagawin ng diyakono na nagdudulot ng pakinabang.

Samantalang nakikinabang ang pari, sisimulan ang awit sa pakikinabang.

Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan
ng pari o ng diyakono o ng tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng pari, pabulong siyang
magdarasal:

Ama naming mapagmahal,


ang aming tinanggap ngayon ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.
Makababalik ngayon sa upuan ang pari. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan o
makaaawit ng papuri o salmo.
52 MGA MAHAL NA ARAW

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana paharap sa mga
nagsisimbang magpapahayag:

Manalangin tayo.
Kung di pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin ngayon, at pagkaraan,
ipahahayag ng paring nakalahad ang mga kamay:

A ma naming mapagmahal,
ngayong kami’y pinapagsalo mo
sa banal na pakikinabang,
kami’y iyong pinalingong
may pag-asa sa aming sinasampalatayanan
pakundangan sa pagkamatay ng iyong Anak.
Gawin mong kami’y makarating
sa aming paroroonan
pakundangan sa kanyang muling pagkabuhay
bilang Tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Ang sambayanan ay tutugon:

Amen.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 53

PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
Maisusunod, kapag may ipagbibigay-alam, ang mga maikling patalastas na sasabihin sa mga tao.

Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang paring nakalahad ang mga kamay sa mga tao ay
magpapahayag:

Sumainyo ang Panginoon.


Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
Ang diyakono o ang pari na rin kapag walang diyakono ang magpapahayag ng paanyaya:

Magsiyuko kayo habang iginagawad ang pagbabasbas.


Pagkaraan, itataas ng pari ang kanyang mga kamay na lumulukob sa lahat, samantalang inaawit
o ipinahahayag niya:

Ang Diyos Amang maawain na nagkaloob sa inyo


ng Anak niyang nagpakasakit bilang huwaran ng pag-ibig
ay siya nawang magbasbas sa inyong lahat
pakundangan sa paglilingkod ninyo sa kanya at sa kapwa
ngayon at magpasawalang hanggan.
Ang lahat ay sasagot:

Amen.
Ipahahayag ng pari:

Pakundangan sa kanyang kamatayan


upang kayo’y huwag dumanas ng walang katapusang pagkamatay
makamtan nawa ninyo ang buhay na walang hanggan.
Ang lahat ay sasagot:

Amen.
54 MGA MAHAL NA ARAW

Ipahahayag ng pari:

Pakundangan sa pagpapakumbaba niya para sa inyong kapakanan


kayo nawa’y makasalo sa kanyang muling pagkabuhay
ngayon at magpasawalang hanggan.
Ang lahat ay sasagot:

Amen.
Babasbasan ng pari ang mga tao habang kanyang ipinahahayag:

P agpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,


Ama at Anak  at Espiritu Santo.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ang diyakono o ang paring magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag ng paghayo sa
sambayanan:

Humayo kayong taglay ang kapayapaan


upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.
Sasagot ang mga tao:

Salamat sa Diyos.

Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng pari at matapos


makapagbigay-pitagan kaisa ng mga tagapaglingkod, siya ay hahayo.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 55
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM
SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON
Huwebes Santo

Ayon sa napakatandang kaugalian ng Simbahan, ngayo’y bawal ang pagmimisa kapag walang
nagsisimba.

Sa pagtatakipsilim gaganapin ang Misa sa paghahapunan ng Panginoon na ipagdiriwang


nang may lubusang pakikilahok ng Sambayanan ng pook, ng kaparian at ng tanang
tagapaglingkod na gumaganap ng kanilang paglilingkod.

Ang mga paring nakipagmisa na kaugnay ng pagbabasbas ng langis o nakapagmisa na para sa


kapakanan ng mga tao ay maaaring makipagmisa uli ngayon.

Kung makabubuti para sa kapakanan ng mga tao, maaaring pahintulutan ng Punong-


tagapangasiwa ng diyosesis ang pagdiriwang ng isa pang Misa sa pagtatakipsilim sa mga
simbahan at pambayang bahay dalanginan gayundin sa mga bahay dalanginang may nagmamay-
ari nguni’t bukas para sa madla. Kung talagang kailangan, maaari rin niyang pahintulutan ang
pagmimisa sa umaga ng araw na ito nguni’t tanging para lamang sa mga totoong hindi
makapagsisimba ngayon. Ang mga nasabing pagmimisa ay hindi maaaring para sa
kapakinabangang pangsarili ng ilang piling mga tao o kung ito ay magiging sanhi ng
pagkabawas ng maraming nagsisimba ngayon.

Maaaring makinabang ang mga maysakit kahit anong oras nguni’t para sa iba tanging sa Misa
lamang ng gabing ito pinapayagan ang pakikinabang.

Maaring palamutian ng bulaklak ang dambana ayon sa diwa ng araw na ito. Ang tabernakulo ay
dapat na walang laman; dapat maghanda ng sapat na tinapay para italagang maging Katawan ni
Kristo para sa pakikinabang ng mga pari at mga tao ngayon at bukas.

Maaaring ganapin sa pagdiriwang na ito ang Pagtanggap sa mga Banal na Langis.


56 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

PASIMULA
Kapag natitipon na ang sambayanan, ang pari at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo sa
dambana samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap.

Pagsapit sa dambana, ang pari at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa


hinihinging paraan. Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik sa
ibabaw. Kung minamabuti niya, maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos, ang pari ay paroroon sa
kanyang upuan.

Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay
magkukrus. Ipahahayag ng paring nakaharap sa mga tao:

S a ngalan ng Ama
at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang ipinahahayag:

Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo,


ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo
nawa’y sumainyong lahat.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 57

Ang pari ay makapagbibigay ng maikling paliwanag tungkol sa buod ng Misang ipagdiriwang.

M ga minamahal na kapatid,
sa pagdiriwang natin ng Huling Hapunan ng Panginoon,
ginugunita at sinisimulan natin ngayon
ang pag-alaala sa misteryo ng Pagpapakasakit,
Pagkamatay at Muling Pagkabuhay ni Hesukristo
na ating Tagapagligtas.

Ito ang gabi ng pagpapamalas ng ating Panginoon


na siya’y lingkod ng Diyos
sa pamamagitan ng paghuhugas niya
sa mga paa ng kanyang mg alagad.
Ito ang gabi ng pagkakaloob niya
ng Banal na Eukaristiya
na siyang alaala niya sa Bagong Tipan.
Ito ang gabi ng paghahabilin ng bagong utos
at pananalangin ng Panginoon sa ipagkakaisa
ng lahat ng mga nananampalataya sa kanya.
Sa pagsasariwa ng kanyang salita at buhay,
hilingin nating makabahagi tayo sa kanyang nararamdaman,
sa kanyang pag-ibig na nagdudulot kaligtasan.

Kaya naman, marapat nating ihanda ang ating mga sarili


sa pagdiriwang ng misteryo ng pananampalataya at pagmamahal
sa pamamagitan ng paghingi ng kapatawaran
sa ating mga pagkukulang
at paglilinis sa ating mga kalooban.
Magkakaroon ng saglit na katahimikan.
58 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin sa nagawang kasalanan:

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos


at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala
Ang lahat ay dadagok sa dibdib.

sa isip, sa salita, sa gawa


at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga
banal at sa inyo, mga kapatid,
na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
Ipahahayag ng pari ang pagpapatawad:

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.

PANGINOON, KAAWAAN MO KAMI

Isusunod ang mga pagluhog na ”Panginoon, kaawaan mo kami.”

P. Panginoon, kaawaan mo kami.


B. Panginoon, kaawaan mo kami.

P. Kristo, kaawaan mo kami.


B. Kristo, kaawaan mo kami.

P. Panginoon, kaawaan mo kami.


B. Panginoon, kaawaan mo kami.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 59

PAPURI SA DIYOS

Sa pag-awit ng Papuri sa Diyos, ang mga kampana ng Simbahan ay tutugtugin at pagkaraa’y


mananahimik ang mga ito hanggang sa Gabi ng Pagkabuhay, maliban kung iba ang pasya ng
mga Panayam ng mga Obispo ng Punong-tagapangasiwa ng diyosesis.

Papuri sa Diyos sa kaitaasan


at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin,
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos, Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagka’t ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.
60 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
PANALANGING PAMBUNGAD

Pagkaraan ng awit, magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.
Ang lahat kaisa ng pari ay tahimik na mananalangin nang saglit. Pagkalipas ng ilang sandali,
ilalahad ng pari ang kanyang kamay at ipahahayag:

A ma naming makapangyarihan,
sa mga kasalo ngayon sa banal na Hapunan
na ipinamana ng iyong Anak na mamamatay
bilang haing bago at pangmagpakailanman
para sa giliw niyang sambayanan,
ipagkaloob mong lubusang mapakinabangan
ang iyong dakilang pag-ibig at buhay
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.
Paroroon sa pook ng pagbasa ang maglalahad ng Salita ng Diyos. Habang ipinahahayag niya ang
unang pagbasa, ang lahat ay nakaupong makikinig.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 61

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA
Exodo 12:1-8. 11-14
Mga tagubilin tungkol sa hapunan ng Paskuwa.

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

N oong mga araw na iyon:


Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron,
“Mula ngayon, ang buwang ito
ang magiging unang buwan ng taon para sa inyo.
At sabihin ninyo sa buong pamayanan ng Israel
na sa ikasampung araw ng buwang ito,
bawat puno ng sambahayan
ay pipili ng isang kordero o bisirong kambing
para sa kanyang pamilya.
Kung maliit ang pamilya
at hindi makauubos ng isang buong kordero,
magsasalo sila ng kalapit na pamilya,
na hindi rin makauubos ng isang buo.
Ang dami ng magsasalu-salo sa isang kordero
ay ibabatay sa dami ng makakain ng bawat isa.
Kailangang ang kordero ay lalaki,
isang taong gulang, walang pinsala o kapintasan.
Kung walang tupa ay kahit kambing.
Aalagaan itong mabuti hanggang sa ikalabing apat ng buwan
at sa kinagabihan, sabay-sabay na papatayin ng buong bayan
ang kani-kanilang kordero.
Kukuha sila ng dugo nito
at ipapahid sa mga hamba at sombrero ng pintuan ng bahay
na kakainan ng kordero.
Sa gabi ring iyon, lilitsunin ito
at kakaning kasama ng tinapay na walang lebadura
at ng mapapait na gulay.
62 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

Ganito naman ang magiging ayos ninyo sa pagkain nito:


nakabigkis, nakasandalyas at may tangang tungkod;
dali-dali ang inyong pagkain nito.
Ito ang Paskuwa ng Panginoon.

“Sa gabing yaon, lilibutin ko ang buong Egipto


at papatayin ang lahat ng panganay na lalaki,
maging tao o hayop man.
At parurusahan ko ang lahat ng diyus-diyusan sa Egipto.
Ako ang Panginoon.
Lalampasan ko ang lahat ng bahay
na makita kong may pahid na dugo,
at walang pinsalang mangyayari sa inyo
sa pagpaparusa ko sa buong Egipto.
Ang dugo ang siyang magiging palatandaan
na Israelita ang nakatira sa bahay na iyon.
Ang araw na ito’y ipagdiriwang ninyo magpakailanman
bilang pista ng Panginoon.”
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
Ang tagapaglahad ng salmo o taga-awit ay magpapahayag ng akda mula sa Aklat ng mga Awit at
ang mga tao ay tutugon ng kaukulang taludtod.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 63

SALMONG TUGUNAN
Salmo 115:12-13. 15-16. 17-18

T. Sa kalis ng pagbabasbas,
si Kristo ang tinatanggap.

Sa Diyos ko’t Panginoon, ano’ng aking ihahandog


sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob?
Ang handog ko sa dambana, ay inumin na masarap
bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas.

T. Sa kalis ng pagbabasbas,
si Kristo ang tinatanggap.

Masakit sa kalooban ng Poon kung may papanaw,


kahit ito ay iisa, labis siyang magdaramdam,
katulad ng aking ina, maglilingkod akong lubos
yamang ako’y iniligtas, kinalinga at tinubos.

T. Sa kalis ng pagbabasbas,
si Kristo ang tinatanggap.

Ako ngayo’y maghahandog ng haing pasasalamat,


ang handog kong panalangi’y sa iyo ko ilalagak.
Sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibigay
ang anumang pangako kong sa iyo ay binitiwan.

T. Sa kalis ng pagbabasbas,
si Kristo ang tinatanggap.
Pagkatapos, kung mayroong ikalawang pagbasa, ipahahayag din ito sa pook ng pagbasa katulad
ng nauna.
64 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 11:23-26
Tuwing kakain kayo at iinom,
ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon.

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo


sa mga taga-Corinto

M ga kapatid:
Ito ang aral na tinanggap ko sa Panginoon
at ibinibigay ko naman sa inyo:
ang Panginoong Hesus,
noong gabing siya’y ipagkanulo
ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat,
at pinaghati-hati ito, at sinabi,
“Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo.
Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.”
Gayon din naman, matapos maghapunan
ay hinawakan niya ang kalis at sinabi,
“Ang kalis na ito ang bagong tipan
na pinagtitibay ng aking dugo.
Tuwing iinumin ninyo ito,
gawin ninyo sa pag-alala sa akin.”
Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito
at iinom sa kalis na ito
ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon,
hanggang sa muling pagparito niya.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
Isusunod ang Awit-Pambungad sa Mabuting Balita.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 65

Samantalang ginaganap ang pag-awit, maglalagay ng insenso sa insensaryo ang pari kung
minamabuting gamitin ito. Pagkaraan, ang diyakonong magpapahayag ng Mabuting Balita
ay yuyuko sa harap ng pari at hihilingin niya ang pagpapala.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA


Juan 13:34

Ang bagong utos ko’y


ito: mag-ibigan sana kayo
katulad ng ginawa ko
na pagmamahal sa inyo,
ang sabi ni Hesuskristo.

MABUTING BALITA
Juan 13:1-15
Ipakikita niya kung hanggang saan ang kanyang pag-ibig sa kanila.

Pagkaraan, ang diyakono o ang pari ay paroroon sa pook ng pagbasa tangan ang Aklat ng
Mabuting Balita. Magagawa ito ng paprusisyon na nilalahukan ng mga tagapaglingkod na may
dalang insensaryo at mga kandila.

P. Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumaiyo rin.

P.  Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan


B. Papuri sa iyo, Panginoon.
Samantala’y kukrusan niya ang aklat, ang kanyang noo, ang kanyang bibig, at ang kanyang
dibdib.

Pagkaraan, iinsensuhan ng tagapaglahad ang aklat kung ginagamit ang insenso at


ipahahayag niya ang Mabuting Balita.

B isperas na ng Paskuwa.
Alam ni Hesus na dumating na ang panahon
ng kanyang paglisan sa sanlibutang ito upang bumalik sa Ama.
Mahal niya ang kanyang mga tagasunod na nasa sanlibutan,
at ngayo’y ipakikita niya kung hanggang saan
ang kanyang pag-ibig sa kanila.
66 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

Naghahapunan si Hesus at ang mga alagad.


Naisilid na ng diyablo sa isip ni Judas, anak ni Simon Iscariote,
ang pagkakanulo kay Hesus.
Alam ni Hesus na ibinigay na sa kanya ng Ama
ang buong kapangyarihan;
alam din niyang siya’y mula sa Diyos at babalik sa Diyos.
Kaya’t nang sila’y naghahapunan, tumindig si Hesus,
naghubad ng kanyang panlabas na kasuotan,
at nagbigkis ng tuwalya.
Pagkatapos, nagbuhos siya ng tubig sa palanggana,
at sinimulang hugasan ang paa ng mga alagad
at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanya.
Paglapit niya kay Simon Pedro, tumutol ito.
“Panginoon,” sabi niya,
“diyata’t kayo pa ang maghuhugas ng aking mga paa?”
Sumagot si Hesus,
“Hindi mo nauunawaan ngayon ang ginagawa ko,
ngunit mauunawaan mo rin pagkatapos.”
Sinabi sa kanya ni Pedro.
“Hinding-hindi ko po pahuhugasan sa inyo ang aking mga paa.”
“Kung hindi kita huhugasan,
wala kang kaugnayan sa akin,” tugon ni Hesus.
Kaya’t sinabi ni Pedro,
“Panginoon, hindi lamang po ang mga paa ko,
kundi pati ang aking kamay at ulo!”
Ani Hesus, “Maliban sa kanyang mga paa,
hindi na kailangang hugasan pa ang naligo na,
sapagkat malinis na ang kanyang buong katawan.
At malinis na kayo, ngunit hindi lahat.”
Sapagkat alam ni Hesus kung sino ang magkakanulo sa kanya,
kaya sinabi niyang malinis na sila, ngunit hindi lahat.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 67

Nang mahugasan na ni Hesus ang kanilang mga paa,


siya’y nagsuot ng damit at nagbalik sa hapag.
“Nauunawaan ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo?”
tanong niya sa kanila.
“Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon,
at tama kayo, sapagkat ako nga.
Kung akong Panginoon ninyo at Guro
ay naghugas ng inyong mga paa,
dapat din kayong maghugasan ng paa.
Binigyan ko kayo ng halimbawa at ito’y dapat ninyong tularan.”
Sa katapusan, ihahayag niya:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Magbubunyi ang lahat:

Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

HOMILIYA

Kasunod ng homiliyang tungkol sa mga pangunahing misteryo na ginugunita sa Misang ito:


ang pagtatatag ng Eukaristiya, ang pagtatatag ng Pagpapari, at ang pagmamahal-kapatid sa
kapwa tao na siyang Bagong Utos ni Kristo, kapag makakabuti sa mga nagsisimba,
gaganapin ang paghuhugas ng mga paa.
68 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

PAGHUHUGAS NG MGA PAA


Ang mga pinili para rito ay ihahatid ng mga tagapaglingkod sa mga inihandang upuan sa
angkop na pook. Ang pari (na maaaring mag-alis ng kasulya kung kailangan) ay lalapit sa
bawa’t huhugasan, magbubuhos siya ng tubig sa mga paa ng mga huhugasan sa tulong ng mga
tagapaglingkod niya, at siya ang magpapahid ng tuwalya sa nahugasang mga paa.

Samantalang ito’y ginagawa, aawit ng nababagay na awit.

Hindi ipahahayag ang pagpapahayag ng pananampalataya.


PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 69

PANALANGIN NG BAYAN

Pagkatapos ay gaganapin ang panalangin ng bayan o panalanging pangkalahatan.

Sisimulan ng pari ang panalangin:

Mga kapatid,
kaisa ni Kristo na tinipon tayo
sa hapag ng kanyang Katawan at Dugo,
ipaabot natin sa Diyos ang ating mga
panalangin. Ating sambitin:

T. Panginoon, dinggin mo kami.

Para sa buong Simbahan,


upang ang ating pagdiriwang ng Tatlong Araw na ito
ay matulungan ang bawat Kristiyano
na lumalim ang pananampalataya
at umigting ang pagsunod kay Kristo,
manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo kami.

Para sa mga obispo, pari at diyakono


at lahat ng namumuno at naglilingkod sa pamayanang Kristiyano,
upang masundan nila ang halimbawa ng paglilingkod
at pag-aalay ng sarili,
manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo kami.


70 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

Para sa lahat ng mga nasa pamunuan ng mga bansa,


upang maglingkod sila para sa kabutihan ng lahat
lalo na ng mga aba at mga dukha,
manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo kami.

Para sa mga nangangailangan,


upang sa pag-ibig ng Diyos at ng mga sumasampalataya sa kanya,
ang mga nagugutom ay mapakain,
ang mga maysakit ay mapagaling,
ang mga nagluluksa ay maaliw,
ang mga api ay mapalaya at mga naghihingalo ay mapayapa,
manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo kami.

Para sa ating pamayanang Kristiyano,


upang ang Eukaristiya ang tunay na maging bukal
at rurok ng ating mabubuting gawa at Kristiyanong pamumuhay
at upang higit tayong mabuklod sa pag-ibig kay Kristo at sa isa’t
isa, manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo kami.

Para sa mga mahal nating yumao,


nawa silang mga nakasalo sa Eukaristiya sa lupa
ay makasalo sila sa piging ng langit,
manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo kami.


PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 71

Wawakasan ng pari ang panalangin:

Ama naming mapagmahal,


tinipon kami ng iyong Anak
upang gunitain ang kanyang kamatayan at
pagkabuhay at pagsaluhan ang kanyang pag-aalay sa
hapunang ito. Alang-alang sa kanyang
pagpapakasakit,
dinggin mo ang aming mga kahilingan
sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
Maaaring ganapin ang pagtanggap sa mga banal na langis bago ang paghahanda ng mga alay.
72 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
PAGTANGGAP SA MGA BANAL NA LANGIS

Dadalhin ng ilang kinatawan ng mga nagsisimba ang mga banal na langis na nakalagay sa
mapitagang lalagyan at iaabot sa pari.

Ipahahayag ng nagdadala ng Langis para sa Maysakit habang iniaabot ito sa pari:

Narito po ang Langis para sa mga Maysakit.


Ipamamalas ito ng pari sa mga tao at ipahahayag:

Kapuri-puri ang Diyos na humihilom sa mga maysakit


at nagkakaloob ng kaaliwan sa mga nagdadalamhati.
Nawa maranasan ng mga papahiran ng langis na ito
ang pagdamay, pagmamahal, at pagliligtas ni Kristo
sa kanilang katawan, diwa, at kaluluwa.
Makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Ipahahayag ng nagdadala ng Banal na Krisma habang iniaabot ito sa pari:

Narito po ang Banal na Krisma.


Ipamamalas ito ng pari sa mga tao at ipahahayag:

Kapuri-puri ang Diyos na nagtatalaga sa kanyang mga hinirang.


Nawa mapuspos ng Espiritu ng Diyos
ang mga bibinyagan, kukumpilan, at oordenahan
na siyang papahiran ng banal na Krismang ito
upang maisabuhay nila ang pagkakatalaga nila
bilang kaisa ng Panginoong Hesukristo.
Makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 73

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


Sa pagsisimula nito, makapagpuprusisyon ang mga tao na nag-aalay ng makatutulong sa mga
dukha. Samantalang ito’y ginagawa, aawitin ng naaangkop na awit.

Pagkatapos, ilalagay ng mga tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang
pamahiran, ang kalis, at ang Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Ngayon nama’y tatayo ang Pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan
ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

K apuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng Pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Ang diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal
nang pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
74 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng Pari ang kalis nang bahagyang nakaangat
sa dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

K apuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.
Illapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng Pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Pagkatapos, yuyuko ang Pari habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.


Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang dambana; pagkaraa’y
iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay
samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko‘y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 75

Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao
at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.
Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Pagkaraa’y, ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at darasalin:

A ma naming Lumikha,
ipagkaloob mong marapat na ganapin
ang banal na paghahain
sapagka’t tuwing ipinagdiriwang
ang alaala ng Anak mong nag-aalay,
ang pagliligtas niya sa tanan
ay nangyayari upang aming pakinabangan
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga nagsisimba bilang pagbubunyi:

Amen.
76 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
PAGBUBUNYI O PREPASYO

Ngayo’y sisimulan ng pari ang Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat. Ilalahad niya ang
kanyang mga kamay habang kanyang sinasabi:

P. Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumaiyo rin.
Pagkaraa’y isusunod niya habang itinataas niya ang kanyang mga kamay:

P. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


B. Itinaas na namin sa Panginoon.
Habang nakataas ang mga kamay, kanyang ipahahayag:

P. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


B. Marapat na siya ay pasalamatan.
Ipagpapatuloy ng pari ang Pagbubunyi o Prepasyo nang nakalahad ang mga kamay.

A ma naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

Siya ang talagang dakila at lagi mong ikinalulugod


na paring naghahain para sa sansinukob
nitong pag-aalay na tangi mong ibinukod.
Ang pagdiriwang sa Huling Hapunan
ay paghahain niya para sa tanan
upang alalahanin namin at pagsaluhan.
Ang laman niya’y inihain
upang lahat ay buhayin.
Ang dugo niya’y dumanak
nang lahat ay mapatawad.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 77

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

SANTO

Sa katapusan nito, pagdaraupin niya ang mga kamay niya samantalang kanyang pinaabot
sa hantungan ang Pagbubunyi o Prepasyo ngayong kaisa ng sambayanan kanyang inaawit o
binibigkas nang malakas:

Santo, Santo, Santo


Panginoong Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!
78 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
UNANG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT
O PAMANTAYANG PANALANGIN NG ROMA
(Para sa Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon)

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

A ma naming maawain,
ipinaaabot namin ang pasasalamat sa iyo
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin ng pari ang kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang kanyang
dinarasal:

Ipinakikiusap namin sa pamamagitan ng Anak mong ito


na ang mga kaloob namin ay tanggapin at basbasan mo 
sa pagdiriwang namin ng paghahain niya sa iyo.
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Iniaalay namin ito sa iyo, unang-una


para sa iyong banal na Simbahang Katolika.
Pagkalooban mo ng kapayapaan at pagkupkop,
pagkakaisa at pagtataguyod,
ang mga kaanib nito sa sansinukob,
kaisa ng aming Papa Francisco, na iyong lingkod,
kasama ng aming Obispo Jose,
at ng lahat ng nananalig at nagpapalaganap
sa pananampalatayang Katoliko
na galing sa mga apostol.
PAG-ALALA SA MGA NABUBUHAY SA DAIGDIG
Tagapagdiwang o isang nakikipagmisa
Ama namin iyong alalahanin
ang iyong mga anak na ngayo’y aming idinadalangin: N. at N.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 79

Sila’y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na mga kamay. Pagkatapos, ang pari ay
patuloy na magdarasal nang nakalahad ang mga kamay.

Ang aming pananampalataya ay nababatid mo


gayun din ang pagsisikap naming maging tapat sa iyo.
Ang paghahaing ito ng pagpupuri ay aming iniaalay
para sa kapakanan namin at ng mga mahal namin sa buhay,
para sa aming kalusugan at walang hanggang kaligtasan,
sa pagdulog namin sa iyong kadakilaan,
Diyos na totoo at nabubuhay kailanman.
PAG-ALALA SA MGA BANAL
Tagapagdiwang o isang nakikipagmisa
Kaisa ng buong Simbahan
ngayo’y aming ipinagdiriwang
ang dakilang kapistahan ng ginawang paghahain
ng aming Panginoong Hesukristo para sa amin.
Pinararangalan namin ngayon, unang-una
ang Ina ng Diyos at Panginoon naming Hesukristo,
si Maria na maluwalhating laging Birhen,
gayundin ang kanyang kabiyak ng pusong si San Jose,
ang iyong pinagpalang mga apostol at martir
na sina Pedro, Pablo at Andres,
(sina Santiago, Juan,
Tomas, Santiago, Felipe,
Bartolome, Mateo,
Simon at Tadeo;
gayundin sina Lino, Cleto, Clemente, Sixto,
Cornelio, Cipriano,
Lorenzo, Crisogono,
Juan at Pablo,
Cosme at Damian)
at ang lahat ng iyong mga banal.
Pakundangan sa kanilang ginawang mga kabutihan
at walang sawang pagdalangin para sa aming kapakanan,
kami ay lagi mong kalingain at ipagsanggalang.
(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen)
80 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Ama namin, iyong tanggapin


ang handog na ito ng iyong buong
angkan sa pag-alala sa dakilang araw
ng paghahain ng Katawan at Dugo
ng aming Panginoong Hesukristo
upang pagsaluhan ng mga alagad.
Loobin mong kami’y makapamuhay
araw-araw sa iyong kapayapaan.
Huwag mong ipahintulot na kami
ay mawalay sa iyo kailan pa man.
Ibilang mo kami sa iyong mga hinirang.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)


Lulukuban ng mga kamay ng pari ang mga alay habang siya’y nagdarasal.
Tagapagdiwang at mga nakikipagmisa

A ma namin,
basbasan mo ang mga handog naming ito.
Marapatin mong sambahin ka namin
sa Espiritu at katotohanan,
kaya para sa amin
ito ay gawin mong maging Katawan at Dugo
ng pinakamamahal mong Anak,
ang aming Panginoong Hesukristo.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 81

Paggdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Noong bisperas ng kanyang pagpapakasakit


para kami at ang lahat ng tao ay masagip,
nakisalo siya ngayon sa mga alagad niyang iniibig.
Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas habang kanyang patuloy na
inihahayag:

Hinawakan ni Hesus ang tinapay


sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay.
Ang pari ay titingala.

Tumingala siya sa langit,


sa iyo, Diyos Ama niyang makapangyarihan,
at nagpasalamat siya sa iyo.
Pinaghati-hati niya ang tinapay,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
lpamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa
pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.
82 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
Ang pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang
patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis na ito ng pagpapala


sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay,
muIi ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.


Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at
luluhod siya bilang pagsamba. Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


Ang mga tao ay magbubunyi:

Aming ipinahahayag
na namatay ang ‘yong Anak,
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 83

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:


Tagapagdiwang at mga nakikipagmisa

A ma,
kaming mga lingkod mo
at bumubuo sa iyong bayang banal
ay nagdiriwang sa alaala ni Kristo
na iyong Anak at aming Panginoon.
Ginugunita namin
ang kanyang dakilang pagpapakasakit
ang pagbangon niya mula sa kamatayan,
at ang matagumpay na pag-akyat niya sa kalangitan.
Kaya mula sa mga biyayang sa iyo rin nanggaling
inihahandog namin sa iyong kataas-taasang kamahalan
ang paghahaing ito na katangi-tangi at dalisay:
ang pagkaing nagbibigay-buhay kailanman
at ang inuming nagbibigay-kagalingang walang katapusan.

Masdan mo nang buong kasiyahan ang aming mga alay na ito.


Ganapin mo sa mga ito ang ginawa mo
sa mga handog ni Abel, ang lingkod na matapat sa iyo.
sa paghahain ni Abraham, na ama namin
sa pananampalatayang totoo,
at sa inihandang tinapay at alak ni
Melkisedek, na paring hirang mo.
Paunlakan mo ngayong tanggapin
ang banal at dalisay na paghahain.
84 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
Yuyuko ang pari at magdarasal siyang magkadaop ang mga kamay:

Makapangyarihang Diyos,
hinihiling naming iyong ipaakyat sa banal mong anghel
ang mga alay na ito sa dakilang dambanang nasa iyong harap
upang sa pagsasalo sa banal na Katawan at Dugo ng iyong Anak
sa pakikinabang namin ngayon dito sa banal mong hapag
Tatayo nang tuwid ang pari at magkukrus samantalang nagdarasal:

kami ay mapuspos ng iyong pagpapala at tanang pagbabasbas.


Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)


PAG-ALALA SA MGA YUMAO SA DAIGDIG

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.


Tagapagdiwang o isang nakikipagmisa
Ama namin, iyo ring alalahanin
ang mga anak mong naunang yumao sa amin
sa paghimlay sa iyong kapayapaan
yamang ang tatak ng pananampalataya ay kanilang taglay
at sila ngayo’y aming ipinagdarasal N. at N.
Sila’y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na mga kamay. Pagkatapos, ang pari ay
patuloy na magdarasal nang nakalahad ang mga kamay.

Sila at ang tanang nahihimlay sa kandungan ni Kristo


ay aming idinadalangin sa iyo
upang iyong pagbigyang makarating
sa pagsasalo, pagliliwanag at pamamahinga sa iyong piling.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)


PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 85

Dadagukan ng kanang kamay ng pari ang kanyang dibdib habang siya ay nagsisimulang
magdasal.
Tagapagdiwang o isang nakikipagmisa
Kahit kami ay mga makasalanan mong lingkod
kami rin ay nagtitiwala sa iyong nag-uumapaw na pagkamapagbigay
sa aming pamumuhay araw-araw.
Kaya pagindapatin mo ring kami ay makaugnay at makapiling
ng iyong mga banal na apostol at martir,
kasama nina Juan Bautista, Esteban,
Matias, Bernabe,
(Ignacio, Alejandro,
Marcelino, Pedro,
Felicidad, Perpetua,
Agata, Lucia,
Agnes, Cecilia, Anastacia)
at ng lahat ng iyong mga banal.
Kami nawa’y makapisan nila
hindi dahil sa aming ginagawang kabutihang kulang na kulang
kundi pakundangan sa iyong pagpupuno
sa aming kakulangan.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.


86 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
At patuloy siyang magdarasal.

Sa kanyang pamamagitan
ang tanang mabubuting kaloob mong ito
ay lagi mong pinaiiral, pinababanal,
binubuhay, binabasbasan
at sa amin ibinibigay.
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis at kapwa niya itataas habang kanyang
ipinahahayag:

S A PAMAMAGITAN NI KRISTO, KASAMA NIYA, AT SA KANYA


ANG LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI AY SA IYO,
DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN,
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 87

ANG PAKIKINABANG

Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na


mga kamay:

S a tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:
Illalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iIigtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
88 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa
ganitong pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman! Amen.
Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

P anginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


Sasagot ant mga tao:

At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o ng pari:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.


PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 89

At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t-ibang pook, ang mga nagsisimba ay mabigbigyan ng


kapayapaan. Ang pari at ang mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at
isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-uulit saka pa
lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal:

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kailanman.
90 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
o kaya:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,


Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom
at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig
nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.
Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 91

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang,
bahagyang itataas ang ostiya para sa bawat nakikinabang habang sinasabi:

Katawan ni Kristo.
Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.
Ganito rin ang gagawin ng diyakono na nagdudulot ng pakinabang.

Samantalang nakikinabang ang pari, sisimulan ang awit sa pakikinabang.

Ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan ng pari o ng
diyakono o ng tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng pari, pabulong siyang magdarasal:

Ama naming mapagmahal,


ang aming tinanggap ngayon ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.
Makababalik ngayon sa upuan ang pari. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan o
makaaawit ng papuri o salmo.

Pagkapakinabang, ang lalagyan ng mga ostiya para sa Biyernes Santo ay hahayaang nakapatong
sa dambana at aag Misa ay wawakasan sa panalanging ito.
92 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana paharap sa mga
nagsisimbang magpapahayag:

Manalangin tayo.
Kung di pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin ngayon, at pagkaraan,
ipahahayag ng paring nakalahad ang mga kamay:

A ma naming mapagmahal,
ipagkaloob mong sa aming pakikinabang
sa ipinagdiwang ditong Hapunan ng Anak mong mahal
kami’y pagindapating makasalo kailanman
sa piging sa iyong piling sa
kalangitan sa pamamagitan ni
Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Ang sambayanan ay tutugon:

Amen.
PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON 93

PRUSISYON NG BANAL NA SAKRAMENTO

Pagkatapos ng panalangin, luluhod ang pari sa harap ng dambana at lalagyan niya ng


insenso ang insensaryo. Samantalang siya’y nakaluhod, iinsensuhan niya nang tatlong ulit
ang Banal na Sakramento. Pagkaraa’y ilalagay sa balikat niya ang balabal na ang dulo ay
gagamitin niya upang takpan ang lalagyan ng mga ostiya na kanyang dadalhin sa prusisyon.

Ang Banal na Sakramento ay ipuprusisyon sa loob ng simbahan sa pangunguna ng tagapagdala


ng krus na napapagitnaan ng mga tagapagdala ng kandila at sinusundan ng tagapagdala ng
insensaryo. Ang prusisyon ay paroroon sa paglalagakan ng Sakramento; ang pook na ito’y
dapat na isang kapilya sa loob ng simbahan at napapalamutian ng nababagay na gayak para
sa pagkakataong ito. Sa pagpuprusisyon, ang awit na “Pange Lingua” (maliban sa dalawang
huling taludtod) o iba pang awit tungkol sa Katawan ni Kristo ay aawitin.

Pagsapit ng prusisyon sa paglalagakan, ipapatong ng pari sa dambana ang lalagyan ng


Sakramento. Muli siyang maglalagay ng insenso sa insensaryo. Samantalang siya’y nakaluhod,
iinsensuhan niya ang Sakramento habang inaawit ang “Tantum Ergo.” Pagkatapos nito’y isasara
ang pinto ng tabernakulong pinaglalagakan ng Sakramento.

Matapos ang saglit na pagsambang matahimik at pagkaluhod ng pari at ng mga tagapaglingkod,


sila ay babalik sa bihisan.

Ang dambana ay aalisan ng takip at kung maaari, ang lahat ng mga krus sa simbahan ay itatago.
Iminumungkahing takpan ang mga krus na hindi maaalis sa kinalalagyan.

Ang Panalanging Pangtakipsilim ay hindi gaganapin ng mga nakiisa sa Misang Pangtakipsilim.

Ang mga tao ay dapat akiting magpatuloy sa pagsamba sa Banal na Sakramento sa


kaukulang oras sa gabing ito, alinsunod sa kaugaliang umiiral, nguni’t ang maringal na
pagsamba ay hindi dapat ipagpatuloy paglampas ng hatinggabi.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT
NG PANGINOON
Biyernes Santo

Matagal nang kaugalian ng Simbahan ang hindi pagdiriwang ng mga sakramento ngayon at
bukas maliban sa mga Sakramento ng Pakikipagkasundo sa Diyos at Pagpapahid ng Langis sa
Maysakit.

Ang dambana ay walang anumang mantel, kandila, at krus.

Gaganapin sa ikatlo ng hapon ang pagdiriwang sa pagpapakasakit ng Panginoon. May


tatlong yugto ang pagdiriwang ngayon: pagpapahayag ng Salita ng Diyos, pagpaparangal sa
krus na banal at pakikinabang.

Dito lamang sa pagdiriwang ngayon maaaring makinabang ang mga tao, nguni’t maaaring
hatidan ng pakikinabang ang mga maysakit kahit anong oras maghapon yayamang sila’y hindi
makadadalo sa pagdiriwang na ito.
96 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT
NG PANGINOON
Ang pari at ang mga tagapaglingkod na kaanib sa banal na orden ay magsusuot ng damit pang-
Misa na kulay pula. Paroroon sila sa dako ng dambana, magbibigay galang dito, at
magpapatirapa o luluhod. Ang lahat ay tahimik na mananalangin.

PANALANGIN
Pagkatapos nito, paroroon ang pari at ang mga tagapaglingkod sa kanilang upuan. Hindi
hahalikan ang dambana. Haharap sa mga tao ang pari at ipahahayag nang magkadaop ang mga
kamay ang isa sa mga sumusunod na panalangin. Hindi ito pangungunahan ng “Manalangin
tayo.”

A ma naming makapangyarihan,
alalahanin mo ang iyong awa at pagmamahal
at sa iyong paglingap gawin mong banal kaming lahat
na siyang dahilan kaya’t dugo’y dumanak
mula sa iyong nagpakasakit na Anak
upang pagsaluhin kami
sa piging ng Pagkabuhay na kanyang itinatag
bilang aming Tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 97

o kaya:

A ma naming makapangyarihan,
winakasan mo sa pagpapakasakit ng iyong Anak
ang kamatayang bunga ng minanang kasalanang
kinasangkutan ng lahat.
Sa aming pagkakawangis bilang mga tao
sa iyong nagkatawang-taong Anak na si Kristo
ipagkaloob mong kami’y maging kanyang kaparis
sa pagkabuhay na dulot ng iyong pag-ibig
sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.
Uupo ang lahat at ipahahayag ang pagbasang hango sa aklat ni propeta Isaias (52, 13- 53, 12)
gayundin ang salmong tugunang kasunod.
98 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA
Isaias 52:13—53:12
Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan.

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

S inabi ng Panginoon,
“Ang lingkod ko’y magtatagumpay sa kanyang gawain,
mababantog siya at dadakilain.
Marami ang nagitla nang siya’y makita,
dahil sa pagkabugbog sa kanya’y
halos di makilala kung siya’y tao.
Ngayo’y marami rin ang mga bansang magugulantang;
pati mga hari pag siya’y nakita ay matitigilan,
makikita nila ang di nabalita kahit na kailan,
at mauunawa ang di pa narinig ninuman!”
Sagot ng mga tao,
“Sino ang maniniwala sa ibinabalita naming ito?
Sino ang makapagpapatunay
na pinahihintulutan ito ng Panginoon?
Kalooban ng Panginoon na ang kanyang lingkod
ay matulad sa isang halamang natanim sa tuyong lupa,
walang katangian o kagandahang makatawag-pansin,
wala siyang taglay na pang-akit para lapitan siya.
Hinamak siya ng mga tao at itinakwil.
Nagdanas siya ng sakit at hirap.
Wala man lang nagtapon ng sulyap sa kanya.
Hindi natin siya pinansin, para siyang walang kabuluhan.
Tiniis niya ang hirap na tayo ang dapat magbata,
gayon din ang kirot na tayo sana ang lumasap;
akala natin ang dinanas niya’y parusa sa kanya ng Diyos.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 99

Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan;


Siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan.
Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na tinamo niya
at sa mga hampas na kanyang tinanggap.
Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw;
nagkanya-kanya tayo ng lakad.
Ngunit inibig ng Panginoon na sa kanya ipataw
ang parusang tayo ang dapat tumanggap.
Siya ay binugbog at pinahirapan,
ngunit di tumutol kahit kamunti man;
tulad ay korderong hatid sa patayan,
parang mga tupang hindi tumututol kahit na
gupitan, ni hindi umimik kahit gaputok man.
Nang siya’y hulihin, hatulan at dalhin sa dakong patayan,
wala mang nangahas na ipagsanggalang,
wala man lang dumamay.
Siya ay pinatay dahil sa sala ng sangkatauhan.
Siya’y inilibing na kasama ng masasama at mayayaman,
bagaman wala siyang kasalanan
o nagsabi man ng kasinungalingan.
Sinabi ng Panginoon,
“Ang kanyang paghihirap ay kalooban ko;
inihandog niya ang sarili upang sa pamamagitan noon
ay magkaroon ng kapatawaran.
Dahil dito’y mabubuhay siya nang matagal,
makikita ang lahing susunod sa kanya.
At sa pamamagitan niya’y
maisasagawa ang aking panukala.
pagkatapos ng pagdurusa,
lalasap siya ng ligaya,
malalaman niyang hindi nawalan ng kabuluhan
ang kanyang pagtitiis.
100 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

Ang aking tapat na lingkod at lubos kong kinalulugdan


ang siyang tatanggap sa parusa ng marami
at alang-alang sa kanya sila’y aking patatawarin.
Dahil dito siya’y aking pararangalan,
kasama ng mga dakila;
pagkat kusang-loob niyang ibinigay ang sarili
at nilasap ang kaparusahan ng masasama.
Inako niya ang mga makasalanan
at idinalanging sila’y patawarin.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 101

SALMONG TUGUNAN
Salmo 30:2. 6. 12-13. 15-16. 17. 25

T. Ama, sa mga kamay mo,


habilin ko ang buhay ko.

Sa iyo, O Poon, ako’y lumalapit


upang ingatan mo, nang hindi malupig;
sa mga kamay mo habilin ko’y buhay ko
Tagapagligtas kong tapat at totoo.

T. Ama, sa mga kamay mo,


habilin ko ang buhay ko.

Lahat kong kaaway ay humahalakhak,


pati kapitbahay ako’y hinahamak;
dating kakilala ay nagsisiilag,
kung masalubong ko ay nagsisiiwas.
Nilimot na akong tulad ng namatay,
di na pinapansin, parang yagit lamang.

T. Ama, sa mga kamay mo,


habilin ko ang buhay ko.

Subalit, O Poon, ang aking tiwala


ay nasasaiyo, Diyos na dakila!
Sa iyong kalinga, umaasa ako,
laban sa kaaway ay ipagtatanggol mo;
At sa umuusig na sinumang tao.

T. Ama, sa mga kamay mo,


habilin ko ang buhay ko.
102 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

Itong iyong lingkod, sana ay lingapin,


ingatan mo ako’t iyong pagpalain;
iligtas mo ako at iyong sagipin,
tanda ng pag-ibig na di nagmamaliw!
O magpakatatag ang mga nilikha,
lahat ng sa Poon ay nagtitiwala.

T. Ama, sa mga kamay mo,


habilin ko ang buhay ko.
Ikalawang ipahahayag ang pagbasang hango sa sulat sa mga Hebreo (4, 14-16; 5, 7-9) at ang
salmong tugunang kasunod.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 103

IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 4:14-16; 5:7-9
Natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod
at siya’y naging Tagapagligtas ng lahat ng sumusunod sa
kanya.

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

M ga kapatid:
Magpakatatag tayo sa ating pananampalataya,
yamang mayroon tayong dakilang saserdote
na pumasok sa kalangitan sa harapan ng Diyos,
walang iba kundi si Hesus na Anak ng Diyos.
Ang dakilang saserdote nating ito
ay nakauunawa sa ating mga kahinaan
sapagkat sa lahat ng paraa’y tinukso siyang tulad natin,
ngunit hindi nagkasala.
Kaya’t huwag na tayong mag-atubiling
lumapit sa trono ng mahabaging Diyos,
at doo’y kakamtan natin ang habag
at kalinga sa panahong kailangan natin ito.

Noong si Hesus ay namumuhay dito sa lupa,


siya’y dumalangin at lumuluhang sumamo sa Diyos
na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan.
At dininig siya dahil sa lubusan siyang nagpakumbaba.
Bagamat siya’y Anak ng Diyos,
natutuhan niya ang tunay na kahulugan
ng pagsunod sa pamamagitan ng
pagtitiis.
At nang maganap na niya ito,
siya’y naging walang hanggang Tagapagligtas
ng lahat ng sumusunod sa kanya.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


104 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
Isusunod ang Awit-Pambungad sa Mabuting Balita.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA


Filipos 2:8-9

Masunuring Kristo Hesus


naghain ng buhay sa krus,
kaya’t dinakila ng D’yos
binigyan ng ngalang tampok
sa langit at sansinukob.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 105

ANG PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON


Juan 18:1—19:42
Ang Pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesukristo.

Ang pagpapakasakit ng Panginoon ay ipahahayag nang walang nakapaligid na kandila at


pag- iinsenso, wala ring pagbati at pagkukrus. Ang gaganap ng pagpapahayag ay ang
diyakono o ang pari kapag walang diyakono. Magagampanan din ito ng mga ibang
tagapaglahad ng mga pagbasa at kung maaari ang mga pangungusap ni Kristo ay aakuin ng
pari.

Kung diyakono ang magpapahayag, hihilingin niyang siya’y gawaran ng pagpapala ng pari
alinsunod sa ginagawa bago ipahayag ang Mabuting Balita.

 Ang Pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesukristo


ayon kay San Juan

Tagapagsalaysay: Noong panahong iyon:


Umalis si Hesus kasama ang kanyang mga alagad.
Pumunta sila sa ibayo ng batis Cedron
at pumasok sa isang halamanan doon.
Ang lugar na ito’y alam ni Judas
na nagkanulo sa kanya,
sapagkat madalas magpunta roon si Hesus
at ang kanyang mga alagad.
Pumaroon si Judas,
kasama ang ilang bantay sa templo
at isang pangkat ng mga kawal
na padala ng mga punong saserdote at mga Pariseo.
May dala silang mga parol, sulo at sandata.
Alam ni Hesus ang lahat ng mangyayari sa kanya,
kaya’t sila’y sinalubong niya at tinanong,
Hesus: “Sino ang hinahanap ninyo?”
Taong-Bayan: “Si Hesus na taga-Nazaret,”
Tagapagsalaysay: tugon nila.
Sinabi niya,
Hesus: “Ako si Hesus.”
106 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

Tagapagsalaysay: Kaharap nila si Judas na nagkanulo sa kanya.


Nang sabihin ni Hesus na siya nga,
napaurong sila at nabuwal sa lupa.
Muli siyang nagtanong,

Hesus: “Sino nga ba ang hinahanap ninyo?”

Taong-Bayan: “Si Hesus na taga-Nazaret,”

Tagapagsalaysay: sagot nila.

Hesus: “Sinabi ko na sa inyong ako si Hesus.


Kung ako ang hinahanap ninyo,
hayaan ninyong umalis ang mga taong ito,”

Tagapagsalaysay: wika niya.


Sinabi niya ito upang matupad ang kanyang salita,
“Walang napahamak kahit isa
sa mga ibinigay mo sa akin, Ama.”
Binunot ni Simon Pedro ang kanyang tabak
at tinaga ang alipin ng pinakapunong saserdote.
Natigpas ang kanang tainga ng aliping yaon
na ang pangala’y Malco.
Sinabi ni Hesus kay Pedro,

Hesus: “Isalong mo ang iyong tabak!


Dapat kong inumin ang kalis ng paghihirap
na ibinigay sa akin ng Ama.”

Tagapagsalaysay: Si Hesus ay dinakip


at ginapos ng mga bantay na Judio
at ng pangkat ng mga kawal
sa pamumuno ng kanilang kapitan.
Siya’y dinala muna kay Anas na biyenan ni Caifas
na pinakapunong saserdote nang panahong yaon.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 107

Si Caifas ang nagpayo sa mga Judio


na mas mabuti para sa kanila
na isang tao lamang ang mamatay
alang-alang sa bayan.

Si Simon Pedro at ang isa pang alagad


ay sumunod kay Hesus.
Kilala ng pinakapunong saserdote ang alagad na ito,
kaya’t nakapasok siyang kasama ni Hesus
sa patyo ng bahay ng pinakapunong saserdote.
Naiwan naman si Pedro sa labas ng pintuan.
Lumabas ang alagad
na kilala ng pinakapunong saserdote,
kinausap ang dalagang nagbabantay sa pinto,
at pinapasok si Pedro.
Si Pedro’y tinanong ng dalaga,

Babae: “Hindi ba’t isa ka sa mga alagad


ng taong iyan?”

Pedro: “Hindi,”

Tagapagsalaysay: sagot ni Pedro.

Maginaw noon, kaya’t nagpabaga ng uling


ang mga alipin at mga bantay
at tumayo sa paligid ng siga upang
magpainit. Nakihalo si Pedro at nagpainit
din.

Si Hesus ay tinanong ng pinakapunong saserdote


tungkol sa kanyang mga alagad
at sa kanyang
itinuturo. Sumagot si
Hesus,
108 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

Hesus: “Hayagan akong nagsasalita sa madla;


lagi akong nagtuturo sa mga sinagoga
at sa templo ng mga Judio.
Wala akong sinabing palihim.
Bakit ako ang tinatanong ninyo?
Ang tanungin ninyo’y ang mga nakarinig sa akin;
alam nila kung ano ang sinabi ko.”

Tagapagsalaysay: Pagkasabi nito,


siya’y sinampal ng isa sa mga bantay na naroroon.

Sundalo: “Bakit mo sinasagot nang ganyan


ang pinakapunong saserdote?”

Tagapagsalaysay: tanong niya.


Sinagot siya ni Hesus,

Hesus: “Kung nagsalita ako ng masama, patunayan mo!


Ngunit kung mabuti ang sinabi ko,
bakit mo ako sinampal?”

Tagapagsalaysay: Si Hesus na nakagapos pa noon


ay ipinadala ni Anas kay Caifas,
ang pinakapunong saserdote.

Samantala, naroon pa rin si Simon Pedro


at nagpapainit.
Siya’y tinanong nila,

Taong-Bayan: “Hindi ba’t alagad ka rin ng taong iyan?”

Pedro: “Hindi!”

Tagapagsalaysay: sagot ni Pedro.


PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 109

Tinanong naman siya ng isa sa mga


alipin ng pinakapunong saserdote,
kamag-anak ng lalaking tinigpasan niya ng tainga,

Taong-Bayan: “Hindi ba ikaw ang nakita kong kasama ni Hesus


sa halamanan?”

Tagapagsalaysay: Muling itinatwa ito ni Pedro.


Siya namang pagtilaok ng manok.

Mula sa bahay ni Caifas,


si Hesus ay dinala nila sa palasyo ng gobernador.
Umaga na noon.
Hindi pumasok ang mga Judio
sa palasyo ng gobernador,
upang sila’y huwag maituring
na di karapat-dapat kumain
ng Hapunang Pampaskuwa.
Kaya’t sa labas sila tinanggap ni Pilato
at tinanong,

Pilato: “Ano ang sakdal ninyo laban sa taong ito?”

Tagapagsalaysay: Sumagot sila,

Taong-Bayan: “Kung hindi po siya gumawa ng masama,


hindi namin siya dadalhin sa inyo.”

Tagapagsalaysay: Sinabi sa kanila ni Pilato,

Pilato: “Dalhin ninyo siya,


at hatulan ayon sa inyong kautusan.”

Tagapagsalaysay: Sumagot ang mga Judio,

Taong-Bayan: “Wala po kaming kapangyarihang humatol


ng kamatayan kaninuman.”
110 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

Tagapagsalaysay: Nangyari ito upang matupad ang sinabi ni Hesus


tungkol sa paraan ng kanyang pagkamatay.
Si Pilato’y pumasok uli sa palasyo
at tinawag si Hesus,

Pilato: “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?”

Tagapagsalaysay: tanong niya.


Sumagot si Hesus,

Hesus: “Iyan ba’y galing sa inyong sariling isipan,


o may nagsabi sa inyo?”

Pilato: “Ako ba’y Judio?”

Tagapagsalaysay: tanong ni Pilato.

Pilato: “Ang mga kababayan mo


at ang mga punong
saserdote ang nagdala sa iyo
rito.
Ano ba ang ginawa mo?”

Tagapagsalaysay: Sumagot si Hesus,

Hesus: “Ang kaharian ko’y hindi sa sanlibutang ito.


Kung sa sanlibutang ito ang aking kaharian,
ipinakipaglaban sana ako ng aking mga tauhan
at hindi naipagkanulo sa mga Judio.
Ngunit hindi sa sanlibutang ito ang aking kaharian!”

Pilato: “Kung gayon, isa kang hari?”

Tagapagsalaysay: sabi ni Pilato.


Sumagot si Hesus,
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 111

Hesus: “Kayo na ang nagsasabing ako’y hari.


Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak
at naparito sa sanlibutan:
upang magsalita tungkol sa katotohanan.
Nakikinig sa aking tinig
ang sinumang nasa katotohanan.”

Pilato: “Ano ba ang katotohanan?”

Tagapagsalaysay: tanong ni Pilato.

Pagkasabi nito,
muling lumabas si Pilato at sinabi sa mga Judio,

Pilato: “Wala akong makitang kasalanan sa taong ito.


Ngunit ayon sa inyong kaugalian,
dapat akong magpalaya ng isang bilanggo
kung araw ng Paskuwa.
Ibig ba ninyong palayain ko ang Hari ng mga
Judio?”

Taong-Bayan: “Hindi!”

Tagapagsalaysay: sigaw nila.

Taong-Bayan: “Huwag siya, kundi si Barrabas!”

Tagapagsalaysay: Si Barrabas ay isang tulisan.

Kaya’t ipinakuha ni Pilato si Hesus at ipinahagupit.


Ang mga kawal ay kumuha ng halamang matinik,
ginawang korona, at ipinutong kay Hesus.
At sinuutan siya ng balabal na purpura.
Isa’t isa’y lumalapit sa kanya at ang wika,

Sundalo: “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!”


112 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

Tagapagsalaysay: At siya’y pinagsasampal.

Lumabas uli si Pilato at sinabi sa kanila,

Pilato: “Ihaharap ko siya sa inyo upang malaman ninyo


na wala akong makitang kasalanan niya!”

Tagapagsalaysay: At inilabas si Hesus na may koronang tinik


at balabal na purpura.
Sinabi sa kanila ni Pilato,

Pilato: “Narito ang tao!”

Tagapagsalaysay: Pagkakita sa kanya ng mga punong saserdote


at ng mga bantay, sila’y sumigaw:

Saserdote: “Ipako siya sa krus! Ipako sa krus!”

Tagapagsalaysay: Sinabi ni Pilato,

Pilato: “Kunin ninyo siya, at kayo ang magpako sa kanya.


Wala akong makitang kasalanan niya.”

Tagapagsalaysay: Sumagot ang mga Judio,

Saserdote: “Ayon sa aming kautusa’y nararapat siyang


mamatay, sapagkat siya’y nagpapanggap na Anak
ng Diyos.”

Tagapagsalaysay: Lalong natakot si Pilato


nang marinig ang mga pananalitang ito.
Muli siyang pumasok sa palasyo
at tinanong si Hesus,

Pilato: “Tagasaan ka ba?”

Tagapagsalaysay: Subalit hindi tumugon si Hesus.


PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 113

Pilato: “Ayaw mo bang makipag-usap sa akin?”

Tagapagsalaysay: ani Pilato.

Pilato: “Hindi mo ba alam na maaari kitang palayain


o ipapako sa krus?”

Tagapagsalaysay: At sumagot si Hesus,

Hesus: “Kaya mo lamang magagawa iyan


ay sapagkat ipinagkaloob sa iyo ng Diyos
ang kapangyarihang iyan,
kaya mas mabigat ang kasalanan
ng nagdala sa akin dito.”

Tagapagsalaysay: Nang marinig ito ni Pilato,


lalo niyang hinangad na palayain si Hesus.
Ngunit nagsigawan ang mga tao,

Taong-Bayan: “Kapag pinalaya mo ang taong iyan,


hindi ka kaibigan ni Cesar!
Sinumang nagpapanggap na hari
ay kalaban ng Cesar.”

Tagapagsalaysay: Pagkarinig ni Pilato sa pangungusap na ito,


inilabas niya si Hesus.
At siya’y lumuklok sa hukuman,
sa dakong tinatawag na “Ang Plataporma,”
Gabata sa wikang Hebreo.

Araw noon ng Paghahanda sa Paskuwa


at mag-iikalabindalawa na ng tanghali.
Sinabi ni Pilato sa mga Judio,

Pilato: “Narito ang inyong hari!”


114 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

Tagapagsalaysay: Sumigaw sila,

Taong-Bayan: “Patayin siya! Patayin! Ipako sa krus!”

Pilato: “Ipapako ko ba sa krus ang inyong hari?”

Tagapagsalaysay: tanong ni Pilato.


Sumagot ang mga punong saserdote,

Saserdote: “Wala kaming hari kundi ang Cesar!”

Tagapagsalaysay: Kaya’t si Hesus ay ibinigay sa kanila ni Pilato


upang ipako sa krus.

Kinuha nga nila si Hesus.


At lumabas siya na pasan ang kanyang krus,
patungo sa lugar na kung tawagi’y “Dako ng
Bungo,” Golgota sa wikang Hebreo.
Pagdating doon, siya’y ipinako sa krus,
kasama ng dalawa pa
—isa sa gawing kanan at isa sa kaliwa.
Sumulat si Pilato ng ganitong pangungusap
at ipinalagay sa krus:
“Si Hesus na taga-Nazaret, ang Hari ng mga Judio.”
Nasusulat ito sa mga wikang Hebreo, Latin, at
Griego at marami sa mga Judio ang nakabasa nito,
sapagkat malapit sa lungsod
ang dakong pinagpakuan kay Hesus.
Kaya’t sinabi ng mga punong saserdote kay Pilato,

Saserdote: “Huwag ninyong isulat na Hari ng mga Judio,


kundi, ‘Sinabi ng taong ito, Ako ang Hari ng mga
Judio.’”

Tagapagsalaysay: Sumagot si Pilato,

Pilato: “Ang naisulat ko’y naisulat ko na.”


PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 115

Tagapagsalaysay: Nang maipako na ng mga kawal si Hesus,


kinuha nila ang kanyang kasuotan
at pinaghati-hatian ng apat.
Kinuha rin nila ang kanyang tunika;
ito’y walang tahi at hinabi nang buo
mula sa itaas hanggang sa ibaba.
Nag-usap-usap ang mga kawal,

Sundalo: “Huwag nating punitin ito;


magsapalaran na lamang tayo
para malaman kung kanino ito mauuwi.”

Tagapagsalaysay: Nangyari ito upang matupad


ang isinasaad ng Kasulatan,
“Pinaghatihatian nila ang aking mga kasuotan;
at ang aking damit ay kanilang pinagsapalaran.”
Gayon nga ang ginawa ng mga kawal.

Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina


at ang kapatid na babae nitong si Maria,
na asawa ni Cleopas.
Naroon din si Maria Magdalena.
Nang makita ni Hesus ang kanyang ina,
at ang minamahal niyang alagad sa tabi
nito, kanyang sinabi,

Hesus: “Ginang, narito ang iyong anak!”

Tagapagsalaysay: At sinabi sa alagad,

Hesus: “Narito ang iyong ina!”


116 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

Tagapagsalaysay: Mula noon,


siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

Pagkatapos nito,
alam ni Hesus na naganap na ang lahat ng bagay;
at bilang katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya,

Hesus: “Nauuhaw ako!”

Tagapagsalaysay: May isang mangkok doon


na puno ng maasim na alak.
Itinubog nila rito ang isang espongha,
ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig.
Nang masipsip ni Hesus ang alak ay kanyang sinabi,

Hesus: “Naganap na!”

Tagapagsalaysay: Iniyukayok niya ang kanyang ulo


at nalagot ang kanyang hininga.
Dito luluhod ang tanan at sandaling mananahimik.

Noo’y Araw ng Paghahanda,


at ayaw ng mga Judio na manatili sa krus
ang mga bangkay sa Araw ng Pamamahinga
sapagkat dakila ang Araw ng Pamamahingang ito.
Kaya’t hiniling nila kay Pilato
na ipabali nito ang mga binti
ng mga ipinako sa krus,
at alisin doon ang mga bangkay.
Naparoon nga ang mga kawal
at binali ang mga binti
ng dalawang ipinakong kasabay ni Hesus.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 117

Ngunit pagdating nila kay Hesus


at makitang patay na siya,
hindi na nila binali ang kanyang binti.
Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga
kawal ang tagiliran ni Hesus,
at biglang dumaloy ang dugo at tubig.
Ang nakakita nito ang nagpapatotoo
—tunay ang kanyang patotoo
at alam niyang katotohanan ang sinabi niya—
upang kayo’y maniwala.
Nangyari ang mga ito upang matupad
ang sinasabi ng Kasulatan,
“Walang mababali isa man sa kanyang mga buto.”
At sinabi naman ng ibang bahagi ng Kasulatan,
“Pagmamasdan nila ang kanilang inulos.”

Pagkatapos nito,
si Jose na taga-Arimatea ay nagsadya kay Pilato
upang humingi ng pahintulot
na makuha ang bangkay ni Hesus.
Si Jose’y isang alagad ni Hesus,
nguni’t palihim nga lamang
dahil sa takot sa mga Judio.
At pinahintulutan siya ni Pilato;
kaya’t kinuha ni Jose ang bangkay ni Hesus.
Sumama sa kanya si Nicodemo,
may dalang pabango—mga sandaang libra
ng pinaghalong mira at aloe.
Siya ang nagsadya kay Hesus isang gabi.
Kinuha nila ang bangkay ni Hesus,
at nilagyan ng pabango
habang binabalot sa kayong lino,
ayon sa kaugalian ng mga Judio.
118 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

Sa pinagpakuan kay Hesus ay may isang halamanan,


at dito’y may isang bagong libingang
hindi pa napaglilibingan.
Yamang noo’y araw ng Paghahanda ng mga Judio,
at dahil sa malapit naman ang libingang ito,
doon nila inilibing si Hesus.
Sa katapusan, ihahayag niya:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Magbubunyi ang lahat:

Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

HOMILIYA

Maaaring magkaroon ng maikling homilya o paliwanag pagkatapos ng pagpapahayag tungkol


sa pagpapakasakit ng Panginoon.

PANALANGING PANGKALAHATAN

Ang pagpapahayag ng Salita ng Diyos ay wawakasan ng panalanging pangkalahatan.


Tatayo ang pari sa harap ng kanyang upuan, o sa pook ng pagbasa, o sa dambana.
lpahahayag nang magkadaop ang mga kamay ng pari ang pambungad na naglalahad ng bawa’t
kahilingan. Lahat ay luluhod at saglit mananalangin nang tahimik. Pagkatapos nito, ihahayag ng
pari ang panalangin. Ang mga nagsisimba ay maaaring lumuhod o tumindig sa buong
panalanging pagkalahatan.

Maaari namang ipasyang gawin ang dating paanyayang lumuhod at manalangin: “Magsiluhod
tayo-Tumindig tayo.”
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 119

I. Para sa Banal na Simbahan

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.

Idalangin natin, mga mahal kong kapatid,


ang banal na Sambayanan ng Diyos sa buong daigdig.
Upang pagkalooban ng kapayapaan at pagkupkop,
pagkakaisa at pagtataguyod
ang mga kaanib nito sa sansinukob
at upang tayo’y bigyan ng pamumuhay na matiwasay
para tayo’y makasamba sa Diyos Ama nating makapangyarihan.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming Makapangyarihan,


sa katauhan ng Anak mong si Kristo
ipinahayag mo ang iyong kadakilaan sa lahat ng mga tao.
Lingapin mong ang iyong mga ginagawa dahil sa pag-ibig
upang ang iyong Sambayanang laganap sa buong daigdig
ay mamalaging matatag sa pananampalatayang iyong bigay
para sambahin ang banal mong ngalan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
120 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
II. Para sa Papa

Ipahahayag ng diyakono:

Idalangin natin ang ating Banal na Papa na si Francisco,


na hinirang ng Diyos sa hanay ng mga tagapangasiwa
upang kanyang bigyan ng kalusugan at mahabang buhay
para sa kapakanan ng kanyang banal na Sambayanang
ipinagkatiwala para paglingkuran.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming makapangyarihan,


sa iyong kapasyahan umiiral ang sanlibutan.
Paunlakan mo ang aming kahilingan
na iyong lingapin si Papa Francisco na iyong hinirang
para kami pangasiwaan
upang ang Sambayanang Kristiyano na iyong pinamumunuan
ay mapamahalaan niya nang may kaunlaran
sa pananampalataya at gawang kabutihang iyong inaasahan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 121

III. Para sa Kaparian at Lahat ng Kaanib ng Simbahan

Ipahahayag ng diyakono:

Idalangin din natin si Jose na ating Obispo,


gayun din ang lahat ng mga Obispo, mga pari, at mga diyakono
at ang tanang kabilang sa Sambayanang Kristiyano.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming makapangyarihan,


ang iyong Espiritu ay nagpapabanal
at nagtataguyod sa buong Simbahan.
Dinggin mo ang aming pagluhog
para sa iyong mga tagapaglingkod
upang mapaglingkuran kang matapat
sa tulong ng iyong kagandahang-
loob sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
122 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
IV. Para sa mga Inihahandang Tao sa Pagbibinyag

Ipahahayag ng diyakono:

Idalangin din natin ang mga inihahandang tao sa pagbibinyag


upang ang kanilang kalooban ay makatugon sa pagtawag
ng Diyos Ama nating makapangyarihan
para sa tubig ng binyag sila’y muling maisilang
sa ikapagpapatawad ng lahat ng kasalanan
at sa ikapagkakamit ng pakikisalo kay Hesus na Poong mahal.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming makapangyarihan.


lagi mong pinauunlad ang Sambayanan
sa pagkakaroon ng karagdagang kabilang.
Sa pananampalataya at pagkaunawa
ay magkaroon nawa ng pag-unlad
ang (aming) mga inihahanda sa pagbibinyag
upang sa muli nilang pagsilang bilang binyagan
siIa’y mapabilang sa mga kaanib ng iyong angkan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 123

V. Para sa Pagkakaisa ng mga Kristiyano

Ipahahayag ng diyakono:

Idalangin din natin ang lahat ng ating mga kapatid


na pawang kay Hesukristo nananalig
upang marapatin ng Diyos Ama nating makapangyarihan
na sila’y tipunin at lingapin sa iisa niyang Sambayanan.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming makapangyarihan,


tinitipon mo ang mga nawalay
at tinatangkilik mo ang mga nagkakatipon sa iyong Sambayanan.
Lingapin mo ang mga kabilang sa kawan ng iyong Anak
na sa iyo itinalaga sa buklod ng iisang binyag
upang sila’y magkabuklod sa buong pananalig
at sila’y magkapisan sa buklod ng pag-ibig
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
124 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
VI. Para sa mga Judio

Ipahahayag ng diyakono:

Idalangin din natin ang mga Judio


na unang pinagpahayagan ng Diyos na totoo
upang ipagkaloob niyang sa pag-ibig sa kanyang ngalan
sila ay umunlad sa pagiging matapat sa kanyang tipan.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming makapangyarihan,


pinangangatawanan mo ang iyong mga pangako kay Abraham
at sa tanang sa kanya ay sumilang.
Dinggin mo ang pagluhog ng iyong Sambayanan
upang ang mga tao na iyong unang hinirang
ay pagindapating sumapit sa kaganapan ng kaligtasan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 125

VII. Para sa mga di Sumasampalataya kay Kristo

Ipahahayag ng diyakono:

Idalangin din natin


ang tanang hindi pa sumasampalataya kay Kristo
upang tahakin nila ang landas ng kaligtasan
na nililiwanagan ng Espiritu Santo.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming makapangyarihan,


gawin mong ang mga hindi pa nananalig sa iyong Anak
ay makatuklas sa katotohanan sa pamumuhay nilang wagas
at kaming sa pag-ibig mo ay laging umuunlad
sa pagmamalasakit sa tanang sa iyo’y humahanap
ay maging mga saksing mapapaniwalaan
ng iyong dakilang pag-ibig sa sanlibutan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
126 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
VIII. Para sa mga hindi pa Sumasampalataya sa Diyos

Ipahahayag ng diyakono:

Idalangin din natin ang mga hindi pa sumasampalataya sa Diyos


upang pagindapating sa kanya’y makadulog
sa paniniwalang wagas na kanilang sinusunod.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming makapangyarihan,


niIikha mo ang lahat ng mga tao
upang lagi kang hanapin
at pag natagpuan ka’y masiyahang walang maliw.
Ipagkaloob mong kahit may mga di kanais-nais na balakid
mabanaagan pa rin ng tanan ang mga pahiwatig ng iyong pag-ibig
at matanggap nito ang mga gawang kabutihan
ng mga sumasampalataya bilang kaakit-akit na katibayan
na ikaw ang Diyos na totoo at Amang aming pinanggalingan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao

Amen.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 127

IX. Para sa mga Umuugit sa Pamahalaan

Ipahahayag ng diyakono:

Idalangin natin ang mga may tungkuling maglingkod sa bayan


at umuugit sa ating pamahalaan
Upang ang kalooban nila ay itaguyod ng Amang Maykapal
alinsunod sa kanyang kinalulugdan
sa ikapagkakamit ng kapayapaan at kalayaan ng tanan.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming makapangyarihan,


nasa iyong kamay ang adhika at karapatan ng tanan.
Tunghayan mo ang mga umuugit sa aming pamahalaan
upang sumagana ang tanan sa sanlibutan
sa ikapagkakamit ng kapayapaan
at ikapapanatili ng kalayaan
na ikaw ay sambahin
alinsunod sa iyong loobin
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
128 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
X. Para sa mga may Tanging Pangangailangan

Ipahahayag ng diyakono:

ldalangin natin, mga kapatid, sa Ama nating makapangyarihan


na ang sanlibutan ay maibsan ng tanang katiwalian,
ang mga karamdaman ay malunasan,
ang kagutuman ay maparam,
ang mga nasa piitan ay lumayang tuluyan,
ang mga naaapi ay mahango sa kawalang-katarungan,
ang mga naglalakbay ay maluwalhating sumapit sa paroroonan,
ang mga nasa ibang bansa ay makauwi sa kanilang bayan,
ang mga maysakit ay magkamit ng kagalingan
at ang mga nag-aagaw-buhay ay matiwasay na mahimlay.

Magsiluhod ang lahat.


Tahimik na panalangin.

Ipahahayag ng diyakono:

Magsitayo ang lahat.


Pagkaraa’y ihahayag ng pari:

Ama naming makapangyarihan,


binubuhayan mo ng loob ang mga nasa kapighatian,
pinatatatag mo ang mga may mabigat na pinapasan.
Paunlakan mo ang mga kahilingan
ng mga dumaraing dahil sa maraming mga pinagtitiisan
upang bawa’t nasa kagipitan
ay magkamit ng kasiyahang madama ang iyong pagmamahal
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 129

ANG PAGPAPARANGAL SA KRUS NA BANAL


Pagkatapos ng panalanging pangkalahatan, gaganapin ang pagpaparangal sa krus na banal.
Mula sa dalawang paraan ng pagtatanghal na matatagpuan dito, makapipili ng lalong
angkop ayon sa kapakanan ng Sambayanan.

PAGTATANGHAL SA KRUS NA BANAL


Ang nalalambungang krus ay dadalhin sa gawi ng dambana. Ipuprusisyon ito na sa gitna ng
dalawang tagapagdala ng may sinding kandila. Ang paring nakatayo sa gawi ng dambana ay
siyang aabot sa krus. Ito’y kanyang hahawian ng lambong sa gawing ulunan at itataas niya
habang pinasisimulang awitin ang paanyaya: “Sa Kahoy ng krus na banal.“ Siya ay sasabayan sa
pag-awit ng mga tagapaglingkod, kung nababagay, maging ang pulutong ng mga mang-aawit
ay makasasabay. Lahat ay sasagot: “Purihin at ipagdangal.” Matapos ang pagawit, luluhod ang
lahat bilang tahimik na paggalang sa krus samantalang ang pari ay nakatindig at hawakhawak
niya nang nakataas ang krus.

Sa kahoy ng krus na banal T. Purihin at ipagdangal


ni Hesus na Poong mahal ang ating Poong Maykapal:
nalupig ang kamatayan Ama na Bukal ng buhay,
at sa muling pagkabuhay Anak na s’ya nating daan,
ang pag-asa ay sumilay. Espiritung ating Tanglaw.
Pagkaraa’y hahawian naman ng lambong ang kanang kamay ng krus. Ito’y gaganapin ng pari na
siya ring magtataas sa krus habang inaawit na naman niya ang paanyaya: “Sa kahoy ng krus
na banal.“ Ang paraang nasasaad sa itaas ay muling gagawin.

Sa wakas, hahawiin ang buong takip na lumalambong sa krus. Ito’y gagawin ng pari na
siyang muling magtataas ng krus habang inaawit ang paanyayang “Sa kahoy ng krus na
banal“ sa ikatlong pagkakataon. Ang paraang nasasaad sa itaas ay muling gaganapin.

Ipuprusisyon ng pari na nasa gitna ng dalawang tagadala ng may sinding kandila ang krus upang
ito’y ihatid sa pasukan ng gawi ng dambana o sa anumang naaangkop na dako ng simbahan.
Doon niya iiwan ang krus o iaabot sa tagapaglingkod na naatasang humawak nito. Ang mga
kandila ay ilalagay sa magkabilang gilid ng krus at gaganapin ang pagbibigay-galang.
130 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
ANG PAGPAPARANGAL SA KRUS NA BANAL

Ang paring tagapagdiwang, ang kaparian, at ang sambayanan ay lalapit nang paprusisyon upang
magbigay-galang sa krus. Sila’y luluhod pagsapit sa harap ng krus o mag-uukol ng
anumang pahiwatig ng pagpaparangal ayon sa umiiral na kaugalian, halimbawa’y paghalik
sa krus. Ang mga nakapagparangal na sa krus ay uupo at aawit.

Isang krus lamang ang talagang dapat parangalan, subalit pinahihintulutan sa Pilipinas ang
maramikapagtalagang kailangan. Kunghindimapagbibigyanang bawa’t isa, makapagpaparangal
nang pangkalahatan ang tanan. Pagkaparangal ng ilang mga tao, kukunin ng pari ang krus, sa
gawing gitna sa harap ng dambana siya ay tatayo upang anyayahan ang mga tao para sa tahimik
na pagpaparangal, saka niya itataas ang krus nang ilang sandali.

Pagkatapos ng pagpaparangal, ang krus ay dadalhin sa tayuan nito sa dambana. Ang mga
kandelerong may kandilang nagdiringas ay dadalhin sa ibabaw o sa gawi ng dambana.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 131

BANAL NA PAKIKINABANG
Ang dambana’y lalatagan ng mantel at ang telang patungan ng Katawan ni Kristo gayundin
ang aklat ay ilalagay sa ibabaw nito. Ang tagapaglingkod sa pakikinabang o ang pari ay siyang
susundo sa Banal na Sakramento mula sa pinaglagakan upang ito ay dalhin sa dambana. Habang
ito ay dinadala roon, lahat ay tahimik na nakatindig. Dalawang tagapaglingkod ang magdadala
ng may sinding kandila at ang mga ito’y ilalagay sa dambana o sa paligid nito.

Ipapatong ang Banal na Sakramento sa ibabaw ng dambana at ang lalagyan ay bubuksan.


Dudulog ang pari sa dambana at luluhod at saka siya aakyat sa baitang nito. Malakas niyang
ihahayag ito nang magkadaop ang mga kamay:

S a tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:
Illalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
132 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iIigtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa
ganitong pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman! Amen.
o kaya (Sa himig ng Pasyon):

Sapagka’t ang kaharian,


lakas at kapangyarihan,
karangala’t kapurihan
ay tanging sa iyo lamang
ngayon at magpakailanman! Amen.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at pabulong na magdarasal:

Ang pakikinabang sa katawan mo, Panginoong Hesukristo,


ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom
at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong pag-ibig nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 133

Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
sisidlan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Ngayon ay gaganapin ang pakikinabang ng mga tao. Maaaring umawit ng anumang naaangkop
ngayon.

Pagkapakinabang, ang sisidlan ng Banal na Sakramento ay dadalhin ng tagapaglingkod sa isang


sadyang inihandang paglalagakan sa labas ng simbahan o, kung hinihingi ng pagkakataon,
maaaring ito’y ilagak sa tabernakulo.

Pagkatapos ng ilang saglit na katahimikan, ipahahayag ng pari ang sumusunod na panalangin.


134 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana paharap sa mga
nagsisimbang magpapahayag:

Manalangin tayo.
Kung di pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin ngayon, at pagkaraan,
ipahahayag ng paring nakalahad ang mga kamay:

A ma naming mapagmahal,
pinapakinabang mo kami
sa banal na pagkamatay at pagkabuhay ni Kristo.
Panatilihin mo sa amin
ang ginanap ng iyong dakilang pag-ibig
upang kami’y makapamuhay nang matapat
sa pakikisalo sa dulot mong pagliligtas
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.
Sa paghayo, haharap ang pari sa sambayanan at itataas niya ang kanyang mga kamay upang
lukuban ang mga pananalanginan.
PAGDIRIWANG SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 135

PAGPAPANALANGIN SA SAMBAYANAN

Ang diyakono o ang pari na rin kapag walang diyakono ang magpapahayag ng paanyaya:

Magsiyuko kayo habang iginagawad ang pagbabasbas.


Pagkaraan, itataas ng pari ang kanyang mga kamay na lumulukob sa lahat, samantalang inaawit
o ipinahahayag niya:

A ma naming bukal ng pagpapala,


ang iyong pagbabasbas ay manaog nawang masagana
sa iyong sambayanang gumanap ng paggunita
sa pagkamatay ng iyong Anak
na siyang pagkabuhay ng nagtitiwala.
Ang iyong pagpapatawad ay sumapit nawa sa tanan.
Ang iyong pakikisamang maaasahan ay iyong ibigay.
Ang pananampalatayang banal nawa’y maging matibay.
Ang kaligtasang walang maliw ay patatagin mong lubusan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Ang lahat ay asagot:

Amen.
Tahimik na lilisan ang tanan. Ang dambana ay aalisan ng mantel pagsapit ng kaukulang panahon.

Ang Panalanging Pangtakipsilim ay hindi gaganapin ng mga nakikilahok sa katatapos na


panghapong pagdiriwang.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG
SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY
Alinsunod sa pinakamatandang pamana, ang gabing ito ay nakatalaga sa pag-alala sa Panginoon
(Exodo 12, 42). Sa Mabuting Balita ayon kay San Lucas (12,35 at sumusunod), may paggunita
sa mga tagasunod ng Panginoon upang sila’y maghintay habang tangan ang ilawang may
sindi, katulad ng mga katiwalang naghihintay para sa pagbabalik ng kanilang Panginoon
nang sa gayo’y kapag dumating siya’y madatnan niya silang handa at nagbabantay at sila’y
kanyang padudulugin sa kanyang hapag.

Ang Magdamagang Pagdiriwang na ito ay nahahati sa apat na yugto: 1) pagkaraan ng maikling


pagpaparangal sa ilaw, 2) ang Simbahan ay nagsasaloob sa lahat ng mga kahanga-hangang
ginawa ng Diyos para sa kapakanan ng kanyang sambayanan sa mula’t mula pa; ito ang
pagpapahayag ng Salita ng Diyos. 3) Sasariwain ang mga pangako sa binyag, at 4) ang buong
Simbahan ay inaanyayahang dumulog sa piging na inihanda ng Panginoon para sa kanyang
bayan bilang pakikinabang sa kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay.

Ito ay dapat ipagdiwang lamang sa Katedral at mga pamparokyang simbahan. Maaaring bigyan
ng natatanging pahintulot mula sa Ordinaryo ng lugar upang makapagdiwang sa mga kapilya
at oratoryo.

Ang kabuuan ng Magdamagang Pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay ay gaganapin kapag


madilim na ang paligid. Ito’y hindi dapat simulan bago magtakip-silim, dapat itong magwakas
bago magbukang-liwayway ang araw ng Linggo.

Kahit na ang pagmimisa sa gabing ito ay maganap bago maghatinggabi, ang Misa ng Muling
Pagkabuhay ang ipagdiriwang.

Ang mga nakikiisa sa pagmimisa ngayong gabi ay maaaring makinabang muli sa ikalawang
Misa na kanilang nanaising lahukan bukas nang Linggo ng Muling Pagkabuhay.

Ang mga nagmimisa o nakikipagmisa sa pagdiriwang na ito sa gabi ay maaaring magmisa o


makipagmisa sa ikalawang Misa bukas nang Linggo ng Muling Pagkabuhay.

Ang pari at ang mga tagapaglingkod ay magsusuot ng puting damit para sa pagmimisa.

Dapat maghanda ng mga kandila para sa lahat ng mga makikiisa sa Magdamagang Pagdiriwang.
138 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

ANG MARINGAL NA PAGSISIMULA


NG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG:
ANG PAGPAPARANGAL SA ILAW

PAGBABASBAS AT PAGHAHANDA SA ILAW

Lahat ng mga ilaw sa simbahan ay hindi muna sisindihan.

Isang malaking siga ang ihahanda sa isang naaangkop na dako sa labas ng simbahan. Kapag
natitipon na ang mga tao, ang pari ay lalapit doon kasama ng mga tagapaglingkod. Isa sa mga
ito ay siyang magdadala ng kandila ng Pasko ng Pagkabuhay.

Babatiin ng pari ang natitipong tao ayon sa kinaugaliang paraan

Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo,


ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo
nawa’y sumainyong lahat.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 139
PAGKABUHAY
Siya’y magbibigay sa kanila ng maikling paliwanag tungkol sa pagdiriwang. Maaaring ang
sumusunod o anumang katumbas nito ang kanyang ihahayag:

M ga kapatid,
sa kabanal-banalang gabing ito
na pinangyayarihan ng pagtawid ng ating Panginoong Hesukristo
mula sa pagkamatay patungo sa pagkabuhay
ang Sambayanan niya ay nag-aanyaya
sa lahat ng mga anak na nasa iba’t ibang panig ng daigdig
upang magtipun-tipon sa pagganap ng magdamagang pagdiriwang.
Sa pagganap natin sa alaala ng Pasko ng Panginoong nagtagumpay
sa pakikinig ng Salita at paghahain ng kanyang buhay
maaasahan nating tayo’y makakapakinabang
sa kanyang pananaig sa kamatayan
at pamumuhay sa piling niya at ng Amang Maykapal.
Ang siga ay babasbasan.

Manalangin tayo.

A ma naming makapangyarihan,
sa pamamagitan ng iyong Anak kami’y iyong dinulutan
ng ningas ng iyong kaliwanagan.
Ang bagong ningas na ito ay iyong gawing banal 
at ipagkaloob mong kami’y pagningasin nitong aming pagdiriwang
upang makasapit kaming may dalisay na kalooban
sa walang maliw na kaliwanagan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay ay sisindihan mula sa bagong basbas na apoy.
140 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
Alinsunod sa kakayanan ng mga tao, maaaring naaangkop na bigyang-diin ang kahalagahan at
kahulugan ng kandila ng Pasko ng Pagkabuhay sa tulong ng karagdagang sagisag sa
ganitong paraan.

Pagkabasbas ng bagong apoy, ang isa sa mga tagapaglingkod ay siyang maghaharap ng kandila
ng Pasko ng Pagkabuhay sa pari. Ito ay guguhitan ng pari ng krus sa pamamagitan ng pang-ukit
o pansulat. Iguguhit din dito ang mga titik na Griego:

1. (Sa pagguhit sa krus mula sa itaas hanggang ibaba)

Si Kristo ang nagmamahal


noon sa bayang hinirang
ngayon pa ri’y s’yang patnubay:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
2. (Sa pagguhit sa bisig ng krus mula sa kaliwa hanggang sa kanan)

Si Kristo ang nagmamahal


simula pa noong araw,
wakas natin s’ya’t hantungan:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
3. (Sa pagguhit ng alpha sa ulunan ng krus)

Si Kristo ang pinagmulan:


Alpha’y sagisag n’yang tunay.
S’ya’y ating pinanggalingan:
Si Hesukristo’y nabuhay,
S’ya’y ating kaliwanagan.
4. (Sa pagguhit ng omega sa paanan ng krus)

Si Kristo ang s’yang hantungan:


Omega’y kanyang larawan,
S’ya ang ating patunguhan:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ang ating kaliwanagan.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 141
PAGKABUHAY
5. (Sa pagguhit ng unang bilang ng taon, sa itaas na kaliwang sulok ng krus)

Kay Kristo ay nabibilang


lahat ng panaho’t araw,
bawa’t yugto ng pag-iral:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
6. (Sa pagguhit ng ikalawang bilang ng taon, sa itaas na kanang sulok ng krus)

Kay Kristo ay nabibilang


mga taong daan-daan,
Hari s’ya ng kasaysayan:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
7. (Sa pagguhit ng ikatlong bilang ng taon, sa ibabang kaliwang sulok ng krus)

Kay Kristo ang karangalan


lahat ng kapangyarihan.
Panginoong dinarangal:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
8. (Sa pagguhit ng ikaapat na bilang ng taon sa ibabang kanang sulok ng krus)

Kay Kristo ang kapurihan


ng buong sangkatauhan
ngayon at magpakailanman.
A
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan. 2 0
2 4
Ω
142 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
Kapag naiguhit na ang krus at ang mga iba pang palamuti, maaring itusok ng pari ang limang
butil ng insenso sa kandila. Gagawin niya ito ayon sa balangkas ng krus, habang ipinahahayag:

1. Sa sugat na lubhang banal


ni Hesus sa tagiliran
dugo’t tubig ay lumitaw.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.

2. May sugat sa paang kanan


si Hesus na nabayubay
sa krus na kinamatayan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanangan.

3. Ang kaliwang paa naman


ni Hesus din ay sugatan 1
pako’y naglagos na tunay:
Si Hesukristo’y nabuhay 4 2 5
S’ya’y ating kaliwanagan.
3
4. At sa kanan niyang kamay
Si Hesus di’y pinakuan
kaya’t may sugat na taglay:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.

5. Sa kanyang kaliwang kamay


si Hesus ay pinakuan
noong buhay n’ya’y ialay.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 143
PAGKABUHAY
Isisindi ang kandila sa bagong basbas na apoy habang ipinahahayag:

Mapawi nawang tuluyan


ang dilim ng kasalanan
sa puso nati’t isipan:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.

PRUSISYON

Ang diyakono o ang pari, kapag walang diyakono, ay siyang magdadala sa kandila ng Pasko ng
Pagkabuhay. Ito’y itataas niya habang inaawit:

Tayo nang magbigay-dangal


kay Hesus na ating ilaw
sa diwa nati’t isipan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
Sasagot ang lahat:

Salamat po, Poong banal,


sa ilaw na iyong bigay
upang kami ay tanglawan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
Lahat ay papasok sa simbahan, sa pangunguna ng may dalang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay.
Kung ginagamit ang insensaryo, ang tagadala nito ay siyang mangunguna.
144 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
Sa pintuan ng simbahan, itataas ang kandila at aawitin sa ikalawang pagkakataon:

Tayo nang magbigay-dangal


kay Hesus na ating ilaw
sa diwa nati’t isipan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
Sasagot ang lahat:

Salamat po, Poong banal,


sa ilaw na iyong bigay
upang kami ay tanglawan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
Lahat ay magsisindi ng kanilang kandila mula sa kandila ng Pasko ng Pagkabuhay.
Magpapatuloy ang pagpuprusisyon.

Pagsapit ng maydala ng kandila ng Pasko ng Pagkabuhay sa dako ng dambana, haharap siya sa


mga tao at aawitin sa ikatlong pagkakataon:

Tayo nang magbigay-dangal


kay Hesus na ating ilaw
sa diwa nati’t isipan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
Sasagot ang lahat:

Salamat po, Poong banal,


sa ilaw na iyong bigay
upang kami ay tanglawan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
Ang mga ilaw sa simbahan ay sisindhan.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 145
PAGKABUHAY
ANG MARINGAL NA PAGPAPAHAYAG
NA NGAYO’Y PASKO NG PAGKABUHAY(EXSULTET)
Pagsapit sa gawi ng dambana, ang pari ay paroroon sa kanyang upuan. Ilalagay ang kandila
sa patungan o kandelero nito na nasa gitnang dako ng dambana o malapit sa mataas na
dakong nakalaan para sa mga pagbasa. Kung ginagamit ang insensaryo, ito’y lalagyan ng
insenso ayon sa ginaganap sa loob ng Misa, sa bahagi ng paghahayag ng Mabuting Balita.
Ang diyakono ay makikusap na siya’y gawaran ng pagpapala ng pari.

Hindi kinakailangang gawin ito kung ang pagpapahayag na ngayo’y Pasko ng Pagkabuhay ay
gagampanan ng hindi naman diyakono.

Ang aklat at ang kandila ay iinsensuhan. Ang diyakono o ang pari, kapag walang diyakono,
ay aawit ng paghahayag ng Pasko ng Pagkabuhay mula sa mataas na dako para sa pagbasa o
mula sa pulpito. Lahat ay tatayo na may tangang kandila.

Kung kinakailangan, ang pagpapahayag na ngayo’y Pasko ng Pagkabuhay ay magagampanan ng


isang tao na hindi naman diyakono. Sa ganitong katayuan lalaktawan niya ang mga
pangungusap na naaangkop sa diyakono lamang.

Ang pagpapahayag na ngayo’y Pasko ng Pagkabuhay ay maaaring gawin sa mahaba o maikling


paraan.

Ang Mahabang Paraan ng Pagpapahayag


na Ngayo’y Pasko ng Pagkabuhay

Magalak kayong lahat sa kalangitan,


kayong mga anghel ay mangag-awitan!
Magalak kayong lahat na mapapalad na nilikha
na nakapaligid sa luklukang dakila.

1. Si Kristo na ating Hari ay nabuhay na mag-uli!


Hipan natin ang tambuli nitong ating kaligtasan!
Magalak, o sanlibutan, sa maningning nating ilaw!
Si Kristo na walang maliw ang pumaram sa dilim!

T. Magalak nang lubos ang buong Sambayanan!


Sa kaluwalhatian lahat tayo’y magdiwang!
Sa ningning ni Hesukristo, sumagip sa sansinukob,
S’ya’y muling nabuhay, tunay na Manunubos!
146 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

2. Itaas sa kalangitan ating puso at isipan!


D’yos Ama’y pasalamatan sa Anak niyang nabuhay.
Sapagka’t tapat s’yang tunay sa kanyang pananagutan
para sa kinabilangan niya na sambayanan!

T. Magalak nang lubos ang buong Sambayanan!


Sa kaluwalhatian lahat tayo’y magdiwang!
Sa ningning ni Hesukristo, sumagip sa sansinukob,
S’ya’y muling nabuhay, tunay na Manunubos!

3. Ngayon nga ang kapistahan ni Hesukristong nag-alay


ng kanyang sariling buhay, nagtiis ng kamatayan.
Ang minanang kasalanan, ang dating kaalipina’y
sa tubig pawang naparam, kalayaa’y nakamtan!

T. Magalak nang lubos ang buong Sambayanan!


Sa kaluwalhatian lahat tayo’y magdiwang!
Sa ningning ni Hesukristo, sumagip sa sansinukob,
S’ya’y muling nabuhay, tunay na Manunubos!

4. Ngayon nga ang pagdiriwang ng ating muling pagsilang


sa tubig ng kaligtasan na batis ng kabanalan,
pagka’t mula sa libingan bumangon na matagumpay
Mesiyas ng sanlibutan - si Hesus nating mahal!

T. Magalak nang lubos ang buong Sambayanan!


Sa kaluwalhatian lahat tayo’y magdiwang!
Sa ningning ni Hesukristo, sumagip sa sansinukob,
S’ya’y muling nabuhay, tunay na Manunubos!

5. D’yos Ama ng sanlibutan, tunay na walang kapantay


pag-ibig mo’t katapatan para sa mga hinirang.
Handog mo’y kapatawaran sa lahat ng kasalanan.
Higit sa lahat mong alay - si Hesus naming mahal!
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 147
PAGKABUHAY

T. Magalak nang lubos ang buong Sambayanan!


Sa kaluwalhatian lahat tayo’y magdiwang!
Sa ningning ni Hesukristo, sumagip sa sansinukob,
S’ya’y muling nabuhay, tunay na Manunubos!

6. Dahil sa kaligayahang sa ami’y nag-uumapaw


hain namin itong ilaw, sagisag ng Pagkabuhay.
Tunay na kaliwanagang hatid ni Hesus naTanglaw,
ang dilim ng kamatayan ay napawi’t naparam!

T. Magalak nang lubos ang buong Sambayanan!


Sa kaluwalhatian lahat tayo’y magdiwang!
Sa ningning ni Hesukristo, sumagip sa sansinukob,
S’ya’y muling nabuhay, tunay na Manunubos!

7. Ang Araw ng Kaligtasan, si Hesus, bukang-liwayway,


walang maliw na patnubay sa landas ng kaligtasan,
hatid n’ya’y kapayapaan, lakas mo at pagmamahal
upang aming magampanan aming pananagutan!

T. Magalak nang lubos ang buong Sambayanan!


Sa kaluwalhatian lahat tayo’y magdiwang!
Sa ningning ni Hesukristo, sumagip sa sansinukob,
S’ya’y muling nabuhay, tunay na Manunubos!
148 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
Ang Maikling Paraan ng Pagpapahayag
na Ngayo’y Pasko ng Pagkabuhay

1. Magalak ngayo’t magdiwang,


mga anghel na kinapal,
lahat tayo’y mag-awitan:
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.

2. Tambuli ng kaligtasan
maghudyat ng kagalakan
magsaya ang sanlibutan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.

3. Hinirang na sambayanan
bumubuo ng Simbahan
magsaya sa kaningningan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.

4. Ang puso nati’t isipan


itaas sa kalangitan
ang Ama’y pasalamatan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.

5. Ngayon nga ang kapistahan


ng Panginoong namatay
ukol sa ‘ting kalayaan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 149
PAGKABUHAY

6. Ngayon nga ang pagdiriwang


ng muli nating pagsilang
sa tubig ng kaligtasan.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.

7. D’yos Ama ng sanlibutan,


pag-ibig mo’t katapatan
patawad sa ami’y bigay.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.

8. Hain namin itong ilaw


sagisag ng matagumpay
na Anak mong minamahal.
Si Hesukristo’y nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
150 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


Sa pagdiriwang na ito, na siyang ina ng Magdamagang Pagdiriwang, siyam na pagbasa ang
nakalaan, pito mula sa Matandang Tipan at dalawa mula sa Bagong Tipan (ang Sulat at ang
Mabuting Balita).

Ang bilang ng mga pagbasa buhat sa Matandang Tipan ay maaaring bawasan alinsunod sa
kaayusang makabubuti sa pamumuhay kristiyano ng mga nagsisimba, subalit dapat ay huwag
kalimutang ang pagbasa ng Salita ng Diyos ay pangunahing sangkap nitong Magdamagang
Pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay. Tatlo man lamang sanang pagbasa mula sa Matandang
Tipan ay ipahayag bagama’t kung may mabigat na dahilan, maaari rin namang ito’y maging
dalawa. Ang pagbasa mula sa ika-14 na kabanata ng Exodo ay hindi dapat kaligtaan.

Matapos ang pag-awit ng pagpapahayag na ngayo’y Pasko na ng Pagkabuhay, papatayin


ang sindi ng mga kandila at uupo ang lahat. Bago simulan ang paglalahad ng mga pagbasa,
maaaring ang pari ay magsalita ng ilang pangungusap ng paliwanag katulad ng narito o ng
anumang katumbas nito:

M ga kapatid,
ngayong nasimulan na natin
ang Magdamagang Pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay,
makinig tayong mabuti sa Salita ng Diyos,
isaloob natin kung paano niyang ginaganap
sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan
ang pagliligtas niya sa mga hinirang na tao.
Noon ngang sumapit ang itinakda niyang panahon,
ang kanyang sariling Anak ang kanyang sinugo
upang maging ating Tagapagligtas.
Hilingin natin sa Diyos
ang kaganapan ng kaligtasan na nangyayari ngayon
sa pagdiriwang ng Pasko ng pagtubos sa tanan.
lsusunod ngayon ang paglalahad ng mga pagbasa. Isang tagapaglahad ng pagbasa ang paroroon
sa mataas na dakong para sa pagbasa at ipahahayag niya ang Salita ng Diyos. Ang tagapamuno
naman ng pag-awit ang siyang mangunguna sa pag-awit ng salmo at ang mga tao ay
tutugon. Tatayo ang lahat at ipahahayag ng pari ang paanyayang “Manalangin tayo.” Kapag
nakapagdasal na nang tahimik ang lahat, ipahahayag ng pari ang panalangin.

Sa halip na sagutang pag-awit ng salmo, maaari rin namang magkaroon ng saglit na


katahimikan. Kapag ito ang ginawa, hindi na kailangang magkaroon ng patlang pagkatapos
ng paanyayang “Manalangin tayo.”
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 151
PAGKABUHAY
UNANG PAGBASA
Genesis 1:1—2:2
Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa at lubos siyang nasiyahan.

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

N ang simulang likhain ng Diyos ang lupa at langit,


ang lupa ay wala pang hugis o anyo.
Dilim and bumabalot sa kalaliman
at umiihip ang malakas na hangin sa ibabaw ng tubig.
Sinabi ng Diyos:
“Magkaroon ng liwanag!”
At nagkaroon nga.
Nasiyahan ang Diyos nang ito’y mamasdan.
Pinagbukod niya ang liwanag at and dilim.
Ang liwanag ay tinawag niyang Gabi.
Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga
—iyong ang unang araw.

Sinabi ng Diyos:
“Magkaroon ng kalawakang maghahati sa tubig
upang ito’y magkahiwalay!”
At nangyari ito.
Ginawa ng Diyos ang kalawakan
na pumagitan sa tubig na nasa itaas at nasa ibaba.
Langit ang itinawag niya sa kalawakan.
Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga
—iyon ang ikalawang araw.

Sinabi ng Diyos:
“Magsama sa isang dako ang tubig sa silong ng langit
upang lumitaw ang lupa.”
At ito’y nangyari.
Ang lupa ay tinawag niyang Daigdig,
at Karagatan naman ang nagsama-samang tubig.
Nasiyahan siya nang ito’y mamasdan.
152 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

Pagkatapos, sinabi ng Diyos:


“Magkaroon sa lupa ng lahat ng uri
ng halamang namumunga at nagbubutil!”
At nangyari ito.
Tumubo nga sa lupa ang gayong mga halaman.
Nasiyahan siya sa kanyang ginawa nang ito’y mamasdan.
Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga
—iyon ang ikatlong araw.

Sinabi pa ng Diyos:
“Magkaroon ng mga tanglaw sa langit
para mabukod ang araw sa gabi.
Ito ang magiging batayan
sa bilang ng mga araw, taon at kapistahan.
Mula sa langit,
ang mga ito’y magsasabog ng liwanag sa daigdig.”
At gayon nga ang nangyari.
Nilikha ng Diyos ang dalawang malaking tanglaw:
ang Araw, upang tumanglaw sa maghapon,
at ang Buwan, upang magbigay liwanag kung gabi.
Nilikha rin niya ang mga bituin.
Inilagay niya sa langit ang mga tanglaw na ito
upang magsabog ng liwanag sa daigdig,
tumanglaw kung araw o gabi,
at magbukod sa liwanag at dilim.
Pinagmasdan ng Diyos ang kanyang ginawa at siya’y nasiyahan.
Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga
—iyon ang ika-apat na araw.

Sinabi pa ng Diyos:
“Magkaroon sa tubig ng maraming bagay na may buhay,
at magkaroon din ng mga ibon sa himpapawid.
Nilikha ng Diyos ang mga dambuhala sa dagat,
at lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig,
at lahat ng uri ng ibon.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 153
PAGKABUHAY

Minasdan niya ang kanyang ginawa, at siya’y nasiyahan.


Pinagpala niya ang mga ito at sinabi:
“Magpakarami ang lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig
at punuin ang karagatan;
magpakarami rin ang mga ibon at punuin ang daigdig.”
Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga
—iyon ang ikalimang araw.

Sinabi ng Diyos:
“Magkaroon ng lahat ng uri ng hayop sa lupa
—maaamo, maiilap, malalaki at maliliit.”
At gayon nga ang nangyari.
Nilikha nga niya ang lahat ng ito,
at siya’y lubos na nasiyahan nang mamasdan ang mga ito.

Pagkatapos likhain ang lahat ng ito, sinabi ng Diyos:


“Ngayon, lalangin natin ang tao.
Ating gagawin siyang kalarawan natin.
Siya ang mamamahala sa mga isda, mga ibon
at lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.”
Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan.
Lumalang siya ng isang lalaki at isang babae, at sila’y pinagpala.
Wika niya, “Magpakarami kayo at punuin ng inyong mga supling
ang buong daigdig, at pamahalaan ito.
Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda, sa mga ibon,
at sa lahat ng maiilap na hayop, maging malalaki o maliliit.
Bibigyan ko rin kayo ng lahat ng uri ng butil
at mga bungangkahoy na inyong makakain.
Ang lahat ng halamang luntian
ay ibibigay ko naman sa maiilap na hayop,
malaki man o maliit, at sa lahat ng mga ibon.”
At ito nga ang nangyari.
Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa,
at lubos siyang nasiyahan.
Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga
ito ang ika-anim na araw.
154 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

Gayon nilikha ng Diyos ang lupa,


ang langit at lahat ng bagay na narororoon.
Sa loob ng anim na araw,
tinapos niyang likhain ang lahat ng
ito, at siya’y nagpahinga sa ikapitong
araw.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 155
PAGKABUHAY
o kaya:

UNANG PAGBASA
Maikling Pagbasa
Genesis 1:1. 26-31
Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa at lubos siyang nasiyahan.

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

N ang simulang likhain ng Diyos ang lupa at ang langit,


sinabi ng Diyos: “Ngayon, lalangin natin ang tao.
Ating gagawin siyang kalarawan natin.
Siya ang mamamahala sa mga isda, mga ibon
at lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.”
Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan.
Lumalang siya ng isang lalaki at isang babae, at sila’y pinagpala.
Wika niya, “Magpakarami kayo at punuin ng inyong mga supling
ang buong daigdig, at pamahalaan ito.
Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda, sa mga ibon,
at sa lahat ng maiilap na hayop, maging malalaki o maliliit.
Bibigyan ko rin kayo ng lahat ng uri ng butil
at mga bungangkahoy na inyong makakain.
Ang lahat ng halamang luntian
ay ibibigay ko naman sa maiilap na hayop,
malaki man o maliit, at sa lahat ng mga ibon.”
At ito nga ang nangyari.
Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa,
at lubos siyang nasiyahan.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
156 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
SALMONG TUGUNAN
Salmo 103:1-2. 5-6. 10. 12. 13-14. 24. 35

T. Espiritu mo’y suguin


Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Pinupuri ka, Poong Diyos, nitong aking kaluluwa


ikaw Panginoong Diyos ko, kay sakila mong talaga!
Ang taglay mong kasuuta’y dakila ri’t marangal pa.
Nababatbat ka, Poong Diyos, ng liwanag na kay ganda.

T. Espiritu mo’y suguin


Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Ikaw na rin ang nagtayo ng saligan nitong lupa,


matatag na ginawa mo’t hindi ito mauuga.
Ang ibabaw ng saliga’y ginawa mong karagatan,
at tubig din ang bumalot sa lahat ng kabundukan.

T. Espiritu mo’y suguin


Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Lumilikha ka ng ilog na patungong kapatagan,


sa gilid ng mga burol, umaagos na marahan.
Sa naroong kakahuya’y umaawit ng masaya,
mga ibo’y nagpupugad sa malabay nilang sanga.

T. Espiritu mo’y suguin


Poon, tana’y ‘yong baguhin.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 157
PAGKABUHAY

Magmula sa kalangitan, mga bundok ay nadilig,


ibinuhos ang biyaya’t lumaganap sa daigdig.
Tumubo ang mga damong pagkain ng mga baka.
Nagkaroon ng halamang masaganang namumunga;
anupa’t ang mga tao’y may pagkaing nakukuha.

T. Espiritu mo’y suguin


Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Sa daigdig, Panginoon, kay rami ng iyong likha


pagkat ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa,
ang dami ng nilikha mong nakalaganap sa lupa.
Panginoo’y purihin mo, purihin mo, kaluluwa!
Purihin ang Panginoon, o purihin mo nga siya!

T. Espiritu mo’y suguin


Poon, tana’y ‘yong baguhin.
158 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
o kaya:

SALMONG TUGUNAN
Salmo 32:4-5. 6-7. 12-13. 20. 22

T. Awa’t pag-ibig ng
Diyos sa sangkalupaa’y
lubos.
Panginoo’y tapat sa kanyang salita,
at maaasahan ang kanyang ginawa.
Minamahal niya ang gawang matapat,
ang pag-ibig niya sa mundo’y laganap.
T. Awa’t pag-ibig ng
Diyos sa sangkalupaa’y
lubos.
Sa utos ng Poon, nalikha ang langit,
ang araw, ang buwa’t talang maririkit;
sa isang dako, tubig ay tinipon,
at sa kalaliman ay doon kinulong.
T. Awa’t pag-ibig ng
Diyos sa sangkalupaa’y
lubos.
Mapalad ang bansang Panginoo’y Diyos,
mapalad ang bayang kanyang ibinukod.
Magmula sa langit, kanyang minamasdan
ang lahat ng tao na kayang nilalang.
T. Awa’t pag-ibig ng
Diyos sa sangkalupaa’y
lubos.
Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon;
siya ang sanggalang natin at katulong.
Ipagkaloob mo na aming makamit,
O Poon, ang iyong wagas na pag-ibig,
yamang ang pag-asa’y sa ‘yo nasasalig!
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 159
PAGKABUHAY
T. Awa’t pag-ibig ng
Diyos sa sangkalupaa’y
lubos.
160 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
PANALANGIN

Kasunod ng unang pagbasa, tatayo ang lahat. Ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.
Mananalangin nang tahimik ang lahat.

A ma naming makapangyarihan,
lahat ng iyong mga nilikha ay ikaw ang itinatampok.
Nawa’y maisaloob ng iyong mga tinubos
na ang daigdig sa pasimula
ay lalo mo pang pinadakila
sa mga huling panahon ng pagsagip ni Kristo
na siyang inihaing Korderong pamasko
na kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
o kaya itong panalangin tungkol sa paglikha ng tao::

A ma naming makapangyarihan,
sa iyong kagandahang-Ioob kami’y iyong nilikha
at sa iyong pagtatangkilik kami’y iyong pinadakila.
Ipagkaloob mong ang aming matatag na kalooban ay manaig
sa kasalanang nagbibigay-balakid
sa aming pagiging marapat na sa iyong ligaya’y sumapit
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 161
PAGKABUHAY
IKALAWANG PAGBASA
Genesis 22:1-18
Ang paghahain ni Abraham na ama natin sa
pananampalataya.

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

N oong mga araw na iyon:


Sinubok ng Diyos si Abraham.
Tinawag siya ng Diyos at tumugon naman siya.

Sinabi sa kanya,
“Isama mo ang pinakamamahal mong anak na si Isaac,
at magpunta kayo sa lupain ng Moria.
Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko sa iyo,
at ihandog mo siya sa akin.”

Kinabukasan, maagang bumangon si Abraham,


at sumakay sa asno, kasama si Isaac
at ang dalawang aliping lalaki.
May dala silang kahoy na panggatong.
Matapos ang tatlong araw na paglalakbay,
natanaw nila ang dakong kanilang patutunguhan.
Kaya’t sinabi ni Abraham sa kanyang mga alipin,
“Bantayan na ninyo rito ang asno
at kami na lamang ni Isaac ang magtutuloy.
Sasamba lamang kami sa dako roon,
at babalikan namin kayo.”

Ipinapasan ni Abraham kay Isaac ang kahoy na panggatong,


dala naman niya ang apoy at patalim,
at magkasama silang lumakad.
Tinawag ni Isaac ang pansin ng ama, “Ama!”
“Ano iyon, anak?” tugong patanong ni Abraham.
“Mayroon na tayong apoy at panggatong,
ngunit nasaan ang korderong ihahandog?” tanong ni Isaac.
162 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

Sumagot si Abraham,
“Anak ng Diyos ang magbibigay niyon sa atin.”
Kaya’t nagpatuloy sila sa paglakad.

Pagsapit nila sa dakong itinuro ng Diyos,


gumawa ng dambana si Abraham.
Inayos niya sa ibabaw nito ang panggatong
at inihiga si Isaac, matapos gapusin.
Nang sasaksakin na niya ang bata,
tinawag siya ng anghel ng Panginoon
at mula sa langit ay sinabi: “Abraham! Abraham!
Huwag mong patayin ang bata.
Huwag mo siyang saktan!
Naipakita mo nang handa kang sumunod sa Diyos,
sapagkat hindi mo ipinagkait sa kanya
ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak.”

Paglingon niya’y may nakita siyang isang lalaking tupa


na ang mga sungay ay napasabit sa mga sanga ng kahoy.
Ito ang kinuha ni Abraham at inihandog
kapalit ng kanyang anak.
Ang lugar na iyo’y tinawag ni Abraham na,
“Ang Panginoon ang Nagkaloob.”
At magpahanggang ngayon, sinasabi ng mga tao:
“Sa bundok ng Panginoon ay may nakalaan.”

Mula sa langit,
nagsalitang muli kay Abraham ang anghel ng Panginoon.
Wika nito, “Akong Panginoon ang nangangako sa iyo:
yamang hindi mo ipinagkait sa akin
ang kaisa-isa mong anak, pagpapalain kita.
Ang lahi mo’y magiging sindami ng bituin sa langit
at ng buhangin ng dagat.
Lulupigin nila ang mga lungsod ng kanilang mga kaaway.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 163
PAGKABUHAY

Sa pamamagitan ng iyong lahi,


pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig
sapagkat ikaw ay tumalima sa akin.”
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
164 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
o kaya:

IKALAWANG PAGBASA
Maikling Pagbasa
Genesis 22:1-2. 9. 10-13. 15-18
Ang paghahain ni Abraham na ama natin sa pananampalataya

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

N oong mga araw na iyon:


Sinubok ng Diyos si Abraham.
Tinawag siya ng Diyos at tumugon naman siya.

Sinabi sa kanya,
“Isama mo ang pinakamamahal mong anak na si Isaac,
at magpunta kayo sa lupain ng Moria.
Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko sa iyo,
at ihandog mo siya sa akin.”

Pagsapit nila sa dakong itnuro ng Diyos,


gumawa ng dambana si Abraham.
Inayos niya sa ibabaw nito ang panggatong.
Nang sasaksakin na niya ang bata,
tinawag siya ng anghel ng Panginoon
at mula sa langit ay sinabi: “Abraham! Abraham!
Huwag mong patayin ang bata.
Huwag mo siyang saktan!
Naipakita mo nang handa kang sumunod sa Diyos,
sapagkat hindi mo ipinagkait sa kanya
ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak.”

Paglingon niya’y may nakita siyang isang lalaking tupa


na ang mga sungay ay napasabit sa mga sanga ng kahoy.
Ito ang kinuha ni Abraham
at inihandog kapalit ng kanyang anak.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 165
PAGKABUHAY

Mula sa langit,
nagsalitang muli kay Abraham ang anghel ng Panginoon.
Wika nito, “Akong Panginoon ang nangangako sa iyo:
yamang hindi mo ipinagkait sa akin
ang kaisa-isa mong anak, pagpapalain kita.
Ang lahi mo’y magiging sindami ng bituin sa langit
at ng buhangin ng dagat.
Lulupigin nila ang mga lungsod ng kanilang mga kaaway.
Sa pamamagitan ng iyong lahi,
pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig
sapagkat ikaw ay tumalima sa akin.”
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
166 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
SALMONG TUGUNAN
Salmo 15:5. 8. 9-10. 11

T. D’yos ko, ang aking


dalangi’y ako’y iyong
tangkilikin.

Ikaw lamang, Panginoon, ang lahat sa aking buhay.


Ako’y iyong tinutugon sa lahat kong kailangan;
ang biyayang kaloob mo ay kahanga hangang tunay.
Nababatid ko na ika’y kasama ko oras-oras,
sa piling mo kailanma’y hindi ako matitinag.

T. D’yos ko, ang aking


dalangi’y ako’y iyong
tangkilikin.

Kaya’t ako’y nagdiriwang, ang diwa ko’y nagagalak,


ang lagi kong nadarama’y hindi ako matitinag.
Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay malagak,
sa balon ng mga patay upang doon ay maagnas.

T. D’yos ko, ang aking


dalangi’y ako’y iyong
tangkilikin.

Ituturo mo ang landas na buhay ang hahantungan,


sa piling mo’y madarama ang lubos na kagalakan;
ang tulong mo’y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.

T. D’yos ko, ang aking


dalangi’y ako’y iyong
tangkilikin.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 167
PAGKABUHAY
PANALANGIN

Kasunod ng ikalawang pagbasa, tatayo ang lahat. Ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.

Mananalangin nang tahimik ang lahat.

A ma naming makapangyarihan,
pinararami mo sa sanlibutan
ang mga anak na sa pangako mo’y sumilang
bunga ng paglawak ng saklaw ng iyong paghirang.
Sa pagbibinyag, ginagawa mong matupad
ang iyong pangakong si Abraham ay maging ama ng lahat.
Ipagkaloob mong ang iyong sambayanan
ay marapat na makatugon sa iyong panawagan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
168 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
IKATLONG
PAGBBASA Exodo 14:15—15:1
Ang mga Israelita’y bumagtas sa dagat na ang lakara’y tuyong lupa.

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

N oong mga araw na iyon:


Sinabi ng Panginoon kay Moises,
“Bakit mo ako tinatawag?
Palakarin mo ang mga Israelita.
Itapat mo sa ibabaw ng dagat ang iyong tungkod;
mahahati ang tubig at matutuyo ang lalakaran ninyo.
Lalo kong pagmamatigasin ang mga Egipcio
at pasusundan ko kayo sa kanila, ngunit doon ko sila lilipulin:
ang mga Egipcio, ang mga kawal ng Faraon,
pati ang kanilang mga karwahe.
Ipakikita ko sa kanila ang aking kapangyarihan.
Sa gayon, malalaman ng mga Egipciong iyan na ako ang Panginoon.”

Ang anghel ng Diyos na pumapatnubay


sa paglalakbay ng mga Israelita
ay nagpatihuli sa kanila, gayon din ang haliging ulap.
Ang ulap ay lumagay sa pagitan ng mga Israelita
at ng mga Egipcio at lumatag ang kadiliman.
Dumating ang gabi at ang mga Egipcio
ay di makalapit sa mga Israelita.

Itinapat ni Moises ang kanyang tungkod sa ibabaw ng dagat.


Magdamag na pinaihip ng Panginoon
ang isang malakas na hangin mula sa
silangan at nahati ang tubig.
Ang mga Israelita’y bumagtas sa dagat
na ang nilakara’y tuyong lupa,
sa pagitan ng animo’y pader na tubig.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 169
PAGKABUHAY

Hinabol sila ng mga Egipcio,


ng mga kawal, karwahe at kabayuhan ng Faraon.
Nang magbubukang-liwayway na,
ang mga Egipcio’y ginulo ng Panginoon
mula sa haliging apoy at ulap.
Nalubog ang gulong ng mga karwahe
at hindi na sila makatugis nang matulin.
Kaya sinabi nila, “Umalis na tayo rito
sapagkat ang Panginoon na ang kalaban natin.”

Sinabi ng Panginoon kay Moises,


“Itapat mo ang iyong tungkod sa ibabaw ng dagat
at tatabunan ng tubig ang mga Egipcio
pati ng kanilang karwahe.”
Ganoon nga ang ginawa ni Moises,
at pagbubukang-liwayway, nanumbalik sa dati ang dagat.
Ang mga Egipcio’y nagsikap makatakas
ngunit pinalakas ng Panginoon ang dating ng tubig
kaya’t sila’y nalunod na lahat.
Nang manauli ang dagat,
natabunan ang mga karwahe’t kabayo ng Faraon,
pati ng kanyang mga kawal at walang natira isa man.
Ngunit ang mga Israelita’y nakatawid sa dagat,
na tuyo ang dinaanan, sa pagitan ng animo’y pader na tubig.

Nang araw na yaon


ang mga Israelita’y iniligtas ng Panginoon sa mga Egipcio;
nakita nila ang bangkay ng mga Egipcio,
nagkalat sa baybay-dagat.
Dahil sa kapangyarihang ipinakita ng Panginoon
laban sa mga taga-Egipcio,
nagkaroon sila ng takot sa kanya
at sumampalataya sila sa kanya at sa alagad niyang si Moises.
170 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

Ito ang inawit ni Moises


at ng mga Israelita para sa Panginoon.

“Ang Panginoo’y atin ngayong awitan


sa kanyang kinamtang Dakilang tagumpay;
Ang mga kabayo’t kawal ng kaaway
Sa pusod ng dagat, lahat natabunan.”
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 171
PAGKABUHAY
SALMONG TUGUNAN
Exodo 15:1-2. 3-4. 5-6. 17-18

T. Poon ay ating awitan


sa kinamtan n’yang tagumpay.

Ang Panginoo’y atin ngayong awitan


sa kanyang kinamtang Dakilang tagumpay;
ang mga kabayo’t kawal ng kaaway
sa pusod ng dagat, lahat natabunan.
Ako’y pinalakas niya’t pinatatag,
siya ang sa aki’y nagkupkop, nag-ingat,
Diyos ng magulang ko, aking manliligtas.

T. Poon ay ating awitan


sa kinamtan n’yang tagumpay.

Siya’y mandirigma na walang kapantay,


Panginoo’y kanyang pangalan.
Nang ang mga kawal ng Faroan
sa Dagat ng mga Tambo ay mangagsilusong,
ang lahat ng ito ay kanyang nilunod
pati na sasakya’y kanyang pinalubog.

T. Poon ay ating awitan


sa kinamtan n’yang tagumpay.
172 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

Sila’y natabunan ng alon sa dagat,


tulad nila’y batong lumubog kaagad.
Ang mga bisig mo ay walang katulad,
wala ngang katulad, walang kasinlakas,
sa isang hampas mo, kaaway nangalat,
nangadurog mandin sa ‘yong mga palad.

T. Poon ay ating awitan


sa kinamtan n’yang tagumpay.

Sila’y dadalhin mo sa pinili mong bundok.


Sa lugar na itinangi mo, para maging iyong lubos
at sa santwaryong natayo ayon sa iyong loob.
Ikaw, Poon, maghahari magpakailanman.

T. Poon ay ating awitan


sa kinamtan n’yang tagumpay.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 173
PAGKABUHAY
PANALANGIN

Pagkaraan ng ikatlong pagbasa, tatayo ang lahat. Ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.
Mananalangin nang tahimik ang lahat.

A ma naming makapangyarihan,
ang idinudulot mong pagpapalaya noon ay sa iyong
sambayanan mula sa pang-aapi ng haring sa kanila’y nagpapatay
ay nababanaagan namin kahit sa aming kapanahunan
sa inyong pagliligtas na iyong ginaganap sa muling pagsilang
ng mga bininyagang mula sa iba’t ibang bansa at bayan.
Ipagkaloob mong ang pagiging anak ni Abraham
at ang dangal na sa Israel mapabilang
ay maging lubos na kapalaran ng sanlibutan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
o kaya:

A ma naming makapangyarihan,
noong unang panahon ay iyo nang idinulot na mabanaag
ang himala ng Bagong Tipan sa pagtawid sa dagat
bilang tagapahiwatig ng nagaganap sa pagbibinyag
na siyang paglaya ng iyong sambayanan sa pagkabihag.
Ipagkaloob mong ang lahat ng mga bansa ay makaranas
ng muling pagsilang na dulot ng Espiritung tinatanggap
ng mga may pananampalataya na Israel ang unang nagpamalas
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
174 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
IKAAPAT NA PAGBASA
Isaias 54:5-14
Habang panahong ipadarama ng Panginoon
ang tapat niyang pagmamahal.

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

A ng iyong naging kasintaha’y


ang may likha sa iyo,
Siya ang Makapangyarihang Panginoon;
ililigtas ka ng Diyos ng Israel,
Siya ang hari ng lahat ng bansa.
Israel, ang katulad mo ay babaing bagong kasal,
iniwan ng asawa, batbat ng kalungkutan.
Ngunit tinawag kang muli ng Panginoon
sa kanyang piling at sinabi:
“Sandaling panahong kita’y iniwanan
ngunit dahil sa tapat kong pag-ibig,
muli kitang kukupkupin.
Sa tindi ng galit nilisan kita sandali,
ngunit habang panahon kong ipadarama sa iyo
ang tapat kong pagmamahal.”
Iyan ang sabi ng Panginoon na nagligtas sa iyo.
“Nang panahon ni Noe,
Ako ay sumumpang di na mauulit
na ang mundong ito’y gunawin sa tubig.
Gayon din sa ngayon,
iiwasan ko nang sa iyo’y magalit
at hindi na kita parurusahan uli.
Maguguho ang mga bundok at ang mga burol,
ngunit habang pag-ibig ko’y hindi maglalaho,
at mananatili ang kapayapaang aking pangako.”
Iyan ang sinasabi ng Diyos na Panginoon,
na nagmamahal sa iyo.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 175
PAGKABUHAY

Sinabi ng Panginoon, “O Jerusalem, nagdurusang lungsod


na walang umaliw sa kapighatian,
muling itatayo ang mga pundasyon mo,
ang gagamitin ko’y mamahaling bato.
Gagamiti’y rubi sa mga tore mo,
batong maningning ang iyong pintuan,
at sa mga pader ay mga hiyas na makinang.
Ako ang magtuturo sa iyong mga anak.
Sila’y magiging payapa at buhay ay uunlad.
Patatatagin ka ng katarungan at katuwiran,
magiging malayo sa mananakop at sa takot.”
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
176 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
SALMONG TUGUNAN
Salmo 29:2. 4. 5-6. 11-12. 13

T. Poong sa aki’y nagligtas,


ang dangal mo’y aking galak.

O Panginoon ko,
sa iyong ginawa, kita’y pinupuri’t ako’y iniligtas,
kaya ang kaaway ay di na nakuhang matuwa’t magalak.
Mula sa libingang daigdig ng patay,
hinango mo ako at muling binuhay;
ako, na kasama nilang napabaon sa kailaliman.

T. Poong sa aki’y nagligtas,


ang dangal mo’y aking galak.

Purihin ang Poon,


Siya ay awitan ng lahat ng tapat na mga hinirang.
Iyong gunitain ang mga ginawa ng Diyos na Banal,
ang kanyang ginawa ay alalahanin at pasalamatan!
Hindi nagtatagal yaong kanyang galit,
at ang kabutihan niya’y walang wakas.
Ang abang may hapis at tigmak sa luha sa buong magdamag,
sa bukang-liwayway ay wala nang lungkot, kapalit ay galak.

T. Poong sa aki’y nagligtas,


ang dangal mo’y aking galak.

Kaya’t ako’y dinggin,


Ikaw ay mahabag sa akin, O Poon, ako ay pakinggan,
mahabag ka, Poon! Ako ay dinggin mo at iyong tulungan.
Nadama ko’y galak nang iyong hubarin ang aking panluksa.
Sa pasasalamat sa iyo, O Poon, ay di magsasawa.

T. Poong sa aki’y nagligtas,


ang dangal mo’y aking galak.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 177
PAGKABUHAY
PANALANGIN

Pagkaraan ng ikaapat na pagbasa, tatayo ang lahat. Ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.

Mananalangin nang tahimik ang lahat.

A ma naming makapangyarihan,
sa ikadarakila ng iyong ngalan
paramihin mo ang mga nakikinabang sa iyong pagpapalang bigay
sa mga ninuno namin sa pagsampalataya sa iyong katapatan.
Ngayong ang iyong paghirang ay sanlibutan na ang saklaw
ang matibay na pinanaligan ng mga ninuno naming banal
ay matanto nawa naming nagkaroon na ng malaking katuparan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
Makapipili rin ng mga panalanging mula sa mga kasunod na pagbasa, kahit na ang mga ito
ay hindi inilalahad.
178 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
IKALIMANG PAGBASA
Isaias 55:1-11
Pumarito kayo nang kayo’y mabuhay;
Ako’y may gagawing walang hanggang tipan.

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

S inabi ng Panginoon,
“Narito ang tubig, mga nauuhaw.
Ang mga walang salapi
ay kumuha rito at bumili ng pagkain.
Halikayo at bumili ng alak at gatas,
bumili kayo, ngunit walang bayad.
Bakit ginugugol ang salapi
sa mga bagay na hindi nakabubusog?
Bakit inuubos ang pera
sa mga bagay na walang halaga?
Makinig kayo sa akin at sundin ang utos ko
at matitikman ninyo ang pinakamasarap na pagkain.
Pumarito kayo,
kayo ay lumapit at ako’y pakinggan,
makinig sa akin nang kayo’y mabuhay;
ako’y may gagawing walang hanggang tipan,
at ipalalasap sa inyo ang pagpapalang
ipinangako ko kay David.
Ginawa ko siyang hari
at puno ng mga bansa
at sa pamamagitan niya’y
ipinamalas ang aking kapangyarihan.
Iyong tatawagin ang mga bansang hindi mo kilala,
mga bansang di ka kilala’y sa iyo pupunta,
dahilan sa Panginoon,
Banal ng Israel,
ang Diyos na nagpala’t sa iyo’y dumakila.”
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 179
PAGKABUHAY

Hanapin ang Panginoon


samantalang siya’y iyong makikita,
Siya ay tawagin habang malapit pa.
Ang mga gawain ng taong masama’y
dapat nang talikdan, at ang mga liko’y
dapat magbago na ng maling isipan;
sila’y manumbalik,
lumapit sa Panginoon upang kahabagan,
at mula sa Diyos,
matatamo nila ang kapatawaran,
ang wika ng Panginoon:
“Ang aking isipa’y di ninyo isipan,
at magkaiba ang ating daan.
Kung paanong ang langit
higit na mataas, mataas sa lupa,
ang daa’t isip ko’y
hindi maaabot ng inyong akala.
Ang ulan at niyebe
paglagpak sa lupa’y di na nagbabalik,
aagos na ito sa balat ng lupa’t nagiging pandilig,
kaya may pagkai’t butil na panghasik.
Ganyan din ang aking mga salita,
magaganap nito ang lahat kong nasa.”
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
180 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
SALMONG TUGUNAN
Isaias 12:2-3. 4. 5-6

T. May galak tayong sumalok


sa batis ng Manunubos.

Ang Diyos ang siyang nagliligtas sa akin,


tiwalang-tiwala ako at wala munti mang pangamba.
Sapagkat ang Poon ang lahat sa akin,
Siya ang aking awit, ang aking kaligtasan.
Malugod kayong sasalok ng tubig
sa batis ng kaligtasan.

T. May galak tayong sumalok


sa batis ng Manunubos.

Magpasalamat kayo sa Poon,


Siya ang inyong tawagan;
ipaalam ninyo sa mga bansa ang kanyang ginawa.
Ipahayag ninyo ang kadakilaan ng kanyang pangalan.

T. May galak tayong sumalok


sa batis ng Manunubos.

Umawit kayo ng papuri Poon,


sapagkat kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa,
ipinahayag ninyo ito sa buong daigdig.
Mga anak ng Sion, umawit kayo nang buong galak,
sapagkat nasa piling ninyo ang dakila at
ang Banal ng Israel.

T. May galak tayong sumalok


sa batis ng Manunubos.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 181
PAGKABUHAY
PANALANGIN

Pagkaraan ng ikalimang pagbasa, tatayo ang lahat. Ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.

Mananalangin nang tahimik ang lahat.

A ma naming makapangyarihan,
ang sanlibutan ay walang ibang inaasahan kundi ikaw
na sa pahayag ng iyong mga propeta
ay naglalahad ng iyong balak na maganda.
Malugod mong pagyamanin ang aming pananalig
sapagka’t wala kaming makakamit nang hindi mo iniibig
para kami’y sa iyo mapalapit
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
182 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
IKAANIM NA PAGBASA
Baruc 3:9-15. 32—4:4
Lumakad ka sa liwanag ng Panginoon.

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Baruc

D inggin mo, Israel, ang mga kautusang nagbibigay-buhay;


makinig ka at nang ikaw ay matuto.
Israel, bakit ka nasa lupain ng iyong mga kaaway?
Bakit ka tumanda sa ibang lupain?
Bakit itinakwil kang parang patay at ibinilang na sa mga patay?
Ang dahilan ay sapagkat itinakwil mo ang bukal ng Karunungan.
Kung lumakad ka lang sa landas ng Diyos,
sana’y namumuhay kang matiwasay sa habang panahon.
Hanapin mo ang bukal ng pang-unawa, lakas at kaalaman,
at malalaman mo kung nasaan ang mahabang buhay,
ang liwanag na sa iyo’y papatnubay, at ang kapayapaan.

May nakatuklas na ba kung saan nakatira ang Karunungan,


o nakapasok sa kanyang taguan ng yaman?

Ang Diyos na naakaalam ng lahat ng bagay


ang tanging nakakikilala sa Karunungan.
Natatarok din niya ito sa pamamagitan ng kanyang kaalaman.
Siya ang lumikha at naglagay dito ng lahat ng uri ng mga hayop.
Nag-utos siya at lumitaw ang liwanag;
nanginginig ito sa takot kapag siya’y tumatawag.
Tinawag din niya ang mga tala
at madali silang nagsitugon: “Narito po kami.”
Lumagay sila sa kani-kanilang lugar at masayang nagniningning
para bigyang lugod ang lumikha sa kanila.
Ito ang ating Diyos! Walang makapapantay sa kanya.
Alam niya ang daan ng Karunungan,
at ito’y ipinagkaloob niya sa lingkod niyang si Jacob,
kay Israel na kanyang minamahal.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 183
PAGKABUHAY

Mula noon, nakita na sa daigdigang Karunungan,


at nanatili sa sangkatauhan.

Ang Karunungan ang siyang aklat ng mga utos ng Diyos,


ang batas na mananatili magpakailanman.
Ang manghawak dito’y mabubuhay,
at ang tumalikod ay mamamatay.
O bayang Israel, tanggapin ninyo ang Karunungan
at lumakad kayo sa kanyang liwanag.
Huwag ninyong ibigay sa ibang lahi
ang inyong karangalan at mga karapatan.
Mapalad tayo, mga Israelita,
pagkat alam natin kung ano ang nakasisiya sa Diyos.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
184 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
SALMONG TUGUNAN
Salmo 18:8. 9. 10. 11

T. Panginoon, iyong taglay


ang Salitang bumubuhay.

Ang batas ng Panginoon ay batas na walang kulang,


ito’y utos na ang dulot sa tao ay bagong buhay;
yaong kanyang mga batas ay mapagtitiwalaan,
nagbibigay ng talino sa pahat ng kaisipan.

T. Panginoon, iyong taglay


ang Salitang bumubuhay.

Ang tuntuning ibinigay ng Poon ay wastong utos,


liligaya ang sinuman kapag ito ang sinunod;
ito’y wagas at matuwid pagkat mula ito sa Diyos,
pang-unawa ng isipan yaong bungang idudulot.

T. Panginoon, iyong taglay


ang Salitang bumubuhay.

Yaong paggalang sa Poon ay marapat at mabuti,


isang banal na tungkulin na iiral na parati;
pati mga hatol niya’y matuwid na kahatulan,
kapag siya ang humatol, ang pasya ay pantay-pantay.

T. Panginoon, iyong taglay


ang Salitang bumubuhay.

Ito’y higit pa sa ginto, na maraming nagnanais,


higit pa sa gintong lantay na ang hangad ay makamit;
matamis pa kaysa pulot, sa pulot na sakdal tamis,
kahit anong pulot ito na dalisay at malinis.

T. Panginoon, iyong taglay


ang Salitang bumubuhay.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 185
PAGKABUHAY
PANALANGIN
Pagkaraan ng ikaanim na pagbasa,tatayo ang lahat. Ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.

Mananalangin nang tahimik ang lahat.

A ma naming makapangyarihan,
lagi mong pinararami ang iyong tinatawagan
sa mga bansa ng sanlibutan.
Ipagkaloob mo ang iyong patuloy na pagtangkilik
sa iyong mga dinadalisay sa pambinyag na tubig
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
186 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
IKAPITONG PAGBASA
Ezekiel 36:16-17. 18-28
Wiwisikan ko kayo ng tubig na dalisay
upang puso ang sa inyo’y aking ibibigay.

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

S inabi sa akin ng Panginoon,


“Tao, nang ang Israel ay unang tumira
sa kanilang lupain, pinarumi nila ito sa kanilang kasamaan.
At dahil sa dugong pinadanak nila sa lupain,
at dahil sa kanilang mga diyus-diyusan,
ibinuhos ko sa kanila ang aking matinding poot.
Itinapon ko sila at ikinalat sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Ginawa ko sa kanila ang nararapat sa kanila.
Ngunit sa mga lugar na kinatapunan nila,
binigyang-daan nila ang mga tao
upang hamakin ang aking pangalan.
Sinabi ng mga tao sa kanila,
‘Hindi ba sila’y mga mamamayan ng Panginoon,
bakit pinaalis sa kanilang bayan?’
Nabahala ako dahil sa banal kong pangalan na ipinahamak
ng mga Israelita sa mga dakong kinapuntahan nila.

“Kaya sabihin mo sa Israel na ito ang ipinasasabi ko:


Lahat ng ginagawa ko ay hindi dahil sa inyo, mga Israelita,
kundi sa banal kong pangalan
na inyong binigyan-daang hamakin
sa mga lugar na pinatapunan ko sa inyo.
Ipakikita ko ang kabanalan ng dakila kong pangalan
na nalapastangan sa harap ng mga bansa.
Makikilala ng lahat na ako ang Panginoon
kung maipakita ko na sa kanila ang aking kabanalan.
Titipunin ko kayo mula sa iba’t ibang bansa
upang ibalik sa inyong bayan.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 187
PAGKABUHAY

Wiwisikan ko kayo ng tubig na dalisay upang kayo’y luminis.


Aalisin ko rin ang naging mantsa ninyo
dahil sa inyong mga diyus-diyusan.
Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu.
Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong masunurin.
Bibigyan ko kayo ng aking Espiritu
upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin
at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos.
Ititira ko kayo sa lupaing ibinibigay ko sa inyong mga ninuno.
Kayo ay magiging bayan ko at ako ang inyong Diyos.”
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
188 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
Kapag may binyag:

SALMONG TUGUNAN
Salmo 41:3. 5; 42:3. 4

T. Parang usang nauuhaw


akong sabik sa
Maykapal.

Nananabik ako sa Diyos, Diyos na buhay, walang iba;


kailan kaya maaaring sa harap mo ay sumamba?

T. Parang usang nauuhaw


akong sabik sa
Maykapal.

Papunta sa templo ng Diyos ako ang siyang nangunguna;


pinupuri namin ang Diyos, sa pag-awit na masaya!

T. Parang usang nauuhaw


akong sabik sa
Maykapal.

Ang totoo’t ang liwanag, buhat sa’yo ay pakamtan,


upang sa Sion ay mabalik, sa bundok mong dakong banal
sa bundok mong pinagpala, at sa templo mong tirahan.

T. Parang usang nauuhaw


akong sabik sa
Maykapal.

Sa dambana mo, O Diyos, ako naman ay dudulog,


yamang galak at ligaya ang sa aki’y iyong dulot;
sa saliw ng aking alpa’y magpupuri akong lubos
buong lugod na aawit ako sa Diyos na aking Diyos!

T. Parang usang nauuhaw


ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 189
PAGKABUHAY
akong sabik sa
Maykapal.
190 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
o kaya kapag walang binyag:

SALMONG TUGUNAN
Salmo 50:12-13. 14-15. 18-19

T. D’yos ko, sa aki’y


likhain tapat na puso’t
loobin.

Isang pusong tapat sa aki’y likhain,


bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.
Sa iyong harapa’y h’wag akong alisin;
ang Espiritu mo ang papaghariin.

T. D’yos ko, sa aki’y


likhain tapat na puso’t
loobin.

Ang galak na dulot ng ‘yong pagliligtas,


ibalik at ako ay gawin mong tapat.
Kung magkagayon na, aking tuturuang
sa iyo lumapit ang makasalanan.

T. D’yos ko, sa aki’y


likhain tapat na puso’t
loobin.

Hindi mo na nais ang mga panghandog;


sa haing sinunog di ka nalulugod.
Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat
ay ang pakumbaba’t pusong mapagtapat.

T. D’yos ko, sa aki’y


likhain tapat na puso’t
loobin.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 191
PAGKABUHAY
PANALANGIN

Pagkaraan ng ikapitong pagbasa, tatayo ang lahat. Ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.
Mananalangin nang tahimik ang lahat.

A ma naming makapangyarihan,
ang lakas mo ay hindi nababawasan,
ang liwanag mo ay nagniningning kailanman.
Tunghayan mo ang pagdiriwang ng iyong sambayanan
at ganapin mo ang iyong pagsagip sa tanan.
Nawa’y madama at mamalas ng sanlibutan
na ang mga hamak ay idinarangal,
ang mga nasa lumang kasalanan ay napagbago na naman
at kay Kristo nagkakaugnay-ugnay ang tanan
sapagka’t siya ang pinagsisimulan
ngayon at magpasawalang hanggan.
o kaya:

A ma naming makapangyarihan,
sa pagdiriwang sa Pasko ng Pagkamatay at Pagkabuhay
ng iyong Anak na minamahal
kami’y tinuturuan tungkol sa nilalaman
ng Matandang at Bagong Tipan.
Gawin mong maisaloob namin ang iyong pagmamahal
upang sa aming pagtanggap ng iyong bigay sa kasalukuyan
maging matatag ang aming inaasahan sa huling araw
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
192 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
PAPURI SA DIYOS

Pagkatapos ng huling pagbasa mula sa Matandang Tipan at ng salmong tugunan at kaugnay na


panalangin, ang mga kandila sa dambana ay sisindihan, at pasisimulan ng pari ang pag-awit
ng Papuri sa Diyos, na itutuloy namang awitin ng lahat ng nagsisimba. Tutugtugin ang mga
batingaw, alinsunod sa umiiral na kaugalian.

Papuri sa Diyos sa kaitaasan


at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin,
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos, Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagka’t ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.
Sa katapusan ng pag-awit, isusunod ng pari ang pagpapahayag ng pambungad na
panalangin, ayon sa dating paraan.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 193
PAGKABUHAY
PANALANGING PAMBUNGAD

Magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng pari:

Manalangin tayo.
Ang lahat kaisa ng pari ay tahimik na mananalangin nang saglit. Pagkalipas ng ilang sandali,
ilalahad ng pari ang kanyang kamay at ipahahayag:

A ma naming makapangyarihan,
ang kabanal-banalang gabing ito
ay pinagliliwanag mo
sa kadakilaan ng pagkabuhay ni Kristo.
Antigin mo ang Espiritu ng pagkupkop mo
upang sa pagbabago ng aming buong pagkatao
kami’y wagas na makapaglingkod sa iyo
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.
Ipahahayag ng tagapaglahad ng pagbasa ang Salita ng Diyos mula sa Sulat ni Apostol San Pablo.
194 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
SULAT
Roma 6:3-11
Si Kristo na muling nabuhay ay hindi na muling
mamamatay.

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo


sa mga taga-Roma

M ga kapatid:
Hindi ba ninyo nalalaman
na tayong lahat na nabinyagan kay Kristo Hesus
ay nabinyagan sa kanyang kamatayan?
Samaktwid, tayo’y namatay at nalibing na kasama niya
sa pamamagitan ng binyag
upang kung paanong binuhay na muli si Kristo
sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama,
tayo nama’y mabuhay sa isang bagong pamumuhay.

Sapagkat kung nakaisa tayo ni Kristo


sa isang kamatayang tulad ng kanyang kamatayan,
tiyak na makakaisa niya tayo sa isang muling pagkabuhay
tulad ng kayang pagkabuhay.
Alam natin na ang dati nating pagkatao
ay ipinakong kasama niya
upang mamatay ang makasalanang katawan
at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan.
Sapagkat ang namatay na
ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan.
Ngunit tayo’y naniniwalang mabubuhay tayong kasama
ni Kristo kung namatay tayong kasama niya.
Alam nating si Kristo na muling binuhay
ay hindi na muling mamamatay.
Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan.
Nang siya’y mamatay,
namatay siya nang minsanan para sa kasalanan,
at ang buhay niya ngayo’y para sa Diyos.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 195
PAGKABUHAY

Kaya dapat ninyong ibilang ang inyong sarili


na patay na sa kasalanan
datapwa’t buhay naman para sa Diyos
sa inyong pakikipag-isa kay Kristo Hesus.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.

ANG DAKILANG ALELUYA


Pagkabasa ng sulat, lahat ay tatayo at maringal na pasisimulan ng pari ang pag-awit ng Aleluya
na uulitin naman ng lahat ng nagsisimba.

Aleluya! Aleluya! Aleluya!


Ipahahayag ng taga-awit ang salmo at sa bawa’t taludtod ang lahat ay sasagot ng Aleluya. Kung
kinakailangan, maari rin namang ang taga-awit na ito ang siyang magpasimula sa Aleluya.
196 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
SALMONG TUGUNAN
Salmo 117:1-2. 16-17. 22-23

T. Aleluya! Aleluya! Aleluya!

O pasalamatan ang D’yos na Panginoon,


pagkat siya’y mabuti;
ang kanyang pag-ibig ay napakatatag at mananatili.
Ang taga-Israel,
bayaang sabihi’t kanilang ihayag,
“Ang pag-ibig ng Diyos, ay hindi kukupas.”

T. Aleluya! Aleluya! Aleluya!

Ang lakas ng Poon,


ang siyang nagdulot ng ating tagumpay
sa pakikibaka sa ating kaaway.
Aking sinasabing di ako papanaw,
mabubuhay ako upang isalaysay
ang gawa ng Diyos na Panginoon ko.

T. Aleluya! Aleluya! Aleluya!

Ang batong natakwil


ng nangagtatayo ng tirahang-bahay,
sa lahat ng bato’y higit na
mahusay.
Ang lahat ng ito
ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos.
kung iyong mamasdan ay kalugud-lugod.

T. Aleluya! Aleluya! Aleluya!


Samantalang ginaganap ang pag-awit, maglalagay ng insenso sa insensaryo ang pari kung
minamabuting gamitin ito. Pagkaraan, ang diyakonong magpapahayag ng Mabuting Balita
ay yuyuko sa harap ng pari at hihilingin niya ang pagpapala
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 197
PAGKABUHAY
MABUTING BALITA
Marcos 16: 1-
7 Si Hesus, ang taga-Nazaret na ipinako sa krus ay muling
nabuhay.

Pagkaraan, ang diyakono o ang pari ay paroroon sa pook ng pagbasa. Maaaring gumamit ng
insenso sa pagpapahayag ng Mabuting Balita, subalit hindi na dapat dalhin ang mga kandila.

P. Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumaiyo rin.

P.  Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos


B. Papuri sa iyo, Panginoon.
Samantala’y kukrusan niya ang aklat, ang kanyang noo, ang kanyang bibig, at ang kanyang
dibdib.

Pagkaraan, iinsensuhan ng diyakono o ng pari ang aklat kung ginagamit ang insenso at
ipahahayag niya ang Mabuting Balita.

P agkaraan ng Araw ng Pamamahinga,


si Maria Magdalena, si Mariang ina ni Santiago at si Salome
ay bumili ng pabango upang ipahid sa bangkay ni Hesus.
At nang Linggo ng umaga, pagsikat ng araw,
sila’y nagpunta sa libingan.
Nag-uusap-usap sila habang daan:
“Sino kaya ang ating mapakikiusapang magpagulong ng batong
nakatakip sa pintuan ng libingan?”
Napakalaki ng batong iyon kaya gayon ang sabi nila.
Ngunit nang tanawin nila ang libingan,
nakita nilang naigulong na ang bato.
Pagpasok nila sa libingan,
nakita nilang nakaupo sa gawing kanan
ang isang binatang nararamtan ng mahaba at puting damit.
At sila’y natakot.
“Huwag kayong matakot,” sabi ng lalaki.
“Hinahanap ninyo si Hesus, ang taga-Nazaret na ipinako sa krus.
Wala na siya rito – siya’y muling nabuhay!
198 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

Tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kanya.


Kaya, humayo kayo at sabihin ninyo sa mga alagad,
lalo na kay Pedro, na mauuna siya sa inyo sa Galilea.
Makikita ninyo siya roon, gaya ng sinabi niya sa inyo.”
Sa katapusan, ihahayag niya:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Magbubunyi ang lahat:

Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

HOMILIYA

Isusunod naman ang homiliya. Pagkatapos nito ay pasisimulan ang pagdiriwang ng binyag.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 199
PAGKABUHAY

ANG PAGDIRIWANG NG PAGBIBINYAG


Ang pari at mga tagapaglingkod ay paroroon sa pook ng pagbibinyag, kung ito’y lantad sa
paningin ng mga nagsisimba. Kung hindi ito lantad, ang kinalalagyan ng tubig ay dadalhin sa
dako ng dambana.

Kung may bibinyagan, sila’y tatawagin upang lumapit sa unahan at maiharap ng mga ninong at
ninang nila sa pari. Kung mga bata ang bibinyagan, ang mga magulang at mga ninong at ninang
ang magdadala sa mga ito sa harapan ng mga natitipong tao.

Ngayon, magsasalita ang pari sa mga tao. Sasabihin ang mga pangungusap na naririto o
anumang katumbas.

Kung mayroong mga bibinyagan:

S a mga pagluhog natin, mga minamahal na kapatid,


tulungan natin ang ating mga kapatid na may pananalig
upang ang Ama nating makapangyarihan ay siyang tumangkilik
sa mga isisilang sa binyag pakundangan sa kanyang pag-ibig.
Kung ang kinalalagyan ng tubig pambinyag ay babasbasan, bagama’t walang bibinyagan, ganito
ang maaaring sabihin ng pari:

A ng pagbabasbas ng Ama nating makapangyarihan


ay ating hilingin, mga kapatid kong minamahal,
upang ito ay lumukob sa tubig na pagbibinyagan
para mapabilang kay Kristo ang mga muling isisilang.
Ang pagtawag sa mga banal ay aawitin ng mga namumunong dalawang taga-awit. Lahat ng
nagsisimba ay tatayo alinsunod sa kaugaliang umiiral sa buong panahon ng Pagkabuhay at sila’y
tutugon.

Kung may prusisyong mahaba patungo sa pook ng pagbibinyag, gagawin ang pagtawag sa mga
banal habang nagpuprusisyon. Sa ganitong kaayusan, ang mga bibinyagan ay tatawagin
muna upang lumapit at saka pa lamang sisimulan ang prusisyon. Ganito ang pagkakasunud-
sunod ng mga kabilang sa prusisyon: ang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay ay dadalhin sa
unahan, ito’y susundan ng mga bibinyagan na sinasabayan ng kanilang mga ninong at
ninang, sa gawing huli ang pari at mga tagapaglingkod. Ang paanyayang nasa itaas ay
sasabihin ng pari bago niya basbasan ang tubig.
200 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
Kung walang bibinyagan at hindi magbabasbas ng tubig pambinyag, lalaktawan ang pagtawag
sa mga banal at gagawin kaagad ang pagbabasbas ng tubig na iwiwisik.

Sa pagtawag sa mga banal, maaaring magdagdag pa ng ngalan ng mga iba pang banal, lalo na
ang ngalan ng Tagapag-tangkilik ng simbaban ng pook, o kaya’y ang ngalan ng mga banal na
pinipintuho ng mga bibinyagan.

Pari: Panginoon, aming dasal: 4. Tagapagbinyag na San


Lahat: Kami po ay kaawaan. Juan, tagapanguna sa daan
ni Hesus na aming mahal,
Pari: Hesukristo, aming dasal:
Lahat: Kami po ay kaawaan, Lahat: Kami po ay ipagdasal
Panginoon naming mahal. sa Panginoong Maykapal.

1. O Maria, lubhang banal, 5. O Jose, asawang


ikaw ang siyang nagsilang banal ni Maria na
sa D’yos Anak na nagsilang
Lumalang, sa D’yos Anak na Lumalang,

Lahat: Kami po ay ipagdasal Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal. sa Panginoong Maykapal.

2. O Miguel, anghel na banal, 6. Pedro, Apostol na banal


kami ay iyong tulungang at Pablong tagapangaral,
maghain ng kahilingan, hiling namin ay pagbigyan,

Lahat: Kami po ay ipagdasal Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal. sa Panginoong Maykapal.

3. O mga anghel na banal, 7. Andres, Apostol na banal,


naglilingkod gabi’t araw tapat at maaasahang
sa Panginoong Lumalang, alagad ni Kristong mahal,

Lahat: Kami po ay ipagdasal Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal. sa Panginoong Maykapal.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 201
PAGKABUHAY

8. O Apostol na San Juan, 13. Perpet’wa, babaing banal,


sumulat ng katibayan Felicidad na huwaran
tungkol kay Hesus na mahal, sa tibay ng katapatan,

Lahat: Kami po ay ipagdasal Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal. sa Panginoong Maykapal.

9. O Mariang ngayo’y banal 14. Agnes, babaing uliran


dati kang makasalanan sa pagkamaaasahan
taga-Magdalenang bayan, kahit hanggang kamatayan,

Lahat: Kami po ay ipagdasal Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal. sa Panginoong Maykapal.

10. Matapat na San Esteban, 15. Gregorio, Papang banal


unang nagbuwis ng buhay, dakila sa kasipagan
lingkod ka ng sambayanan, bilang lingkod ng simbahan,

Lahat: Kami po ay ipagdasal Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal. sa Panginoong Maykapal.

11. O San Ignaciong 16. Agustin, Obispong banal


marangal na pinuno ng nagawa mong matalikdan
Simbahan, ang buhay ng kasalanan,
nagb’wis ka rin ng ‘yong buhay,
Lahat: Kami po ay ipagdasal
Lahat: Kami po ay ipagdasal sa Panginoong Maykapal.
sa Panginoong Maykapal.
17. O Atanasiong matapang
12. O San Lorenzong huwaran magturo ng tamang araI,
bilang lingkod ng Simbahan Obispong maaasahan,
kahit hanggang kamatayan,
Lahat: Kami po ay ipagdasal
Lahat: Kami po ay ipagdasal sa Panginoong Maykapal.
sa Panginoong Maykapal.
202 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

18. Basiliong maaasahang 23. O Juan Vianney, paring


magturo ng karunungan, banal, masipag
Obispong tunay na banal, magpakumpisal,
at magmisa at mangaral,
Lahat: Kami po ay ipagdasal
sa Panginoong Maykapal. Lahat: Kami po ay ipagdasal
sa Panginoong Maykapal.
19. O Martin, Obispong
banal, matulungin at 24. O Catalinang matapang
maalam, huwaran sa sa mithiing matulungan
kabutihan, ang Papang nalalabuan,

Lahat: Kami po ay ipagdasal Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal. sa Panginoong Maykapal.

20. Benito, maaasahang 25. Teresang may katatagan


mamuno sa sambahayan sa hangad na maging banal,
ng nais na maging banal, matapat kay Kristong mahal,

Lahat: Kami po ay ipagdasal Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal. sa Panginoong Maykapal.

21. Franciscong tapat na tunay, 26. O mga babaing banal,


Domingong tagapangaral, mga lalaking huwarang
kapwa uliran at banal, ngayo’y nasa kalangitan,

Lahat: Kami po ay ipagdasal Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal. sa Panginoong Maykapal.

22. Francisco Javyer na


banal, masipag sa
pangangaral ng pananalig
na tunay,

Lahat: Kami po ay ipagdasal


sa Panginoong Maykapal.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 203
PAGKABUHAY

27. Hiling nami’y kaligtasan 32. Kaming sa ‘yo ay


sa lahat ng kasamaan, sumuway humihiling na
Panginoon naming mahal. pagbigyan, kami po ay
kaawaan,
Lahat: Panginoon, aming dasal,
kaligtasan ay ibigay. Lahat: Panginoon, aming dasal,
kaligtasan ay ibigay.
28. Hiling nami’y kaligtasan
sa kamatayan kailanman, Kapag may bibinyagan ngayon:
Panginoon naming mahal,
33. Itong mga bibinyagan
Lahat: Panginoon, aming dasal, na ikaw rin ang humirang
kaligtasan ay ibigay. bigyan mo ng bagong buhay.

29. Panginoon naming mahal, Lahat: Panginoon, aming dasal,


naging taong isinilang kaligtasan ay ibigay.
dito sa mundong ibabaw,
Kapag walang bibinyagan ngayon:
Lahat: Panginoon, aming dasal,
kaligtasan ay ibigay. 34. Itong tubig ay basbasan
yamang ito’y nakalaan
para sa binyag na banal.
30. Panginoon naming mahal,
sa krus ikaw ay namatay
nguni’t muli kang nabuhay, Lahat: Panginoon, aming dasal,
kaligtasan ay ibigay.
Lahat: Panginoon, aming dasal,
kaligtasan ay ibigay. 35. O Hesus, Haring marangal,
Anak ng D’yos Amang
31. Espiritu Santong Tanglaw buhay, hiling namin ay
ikaw ang s’yang nagbibigay, pagbigyan.
Panginoon naming mahal,
Lahat: Panginoon, aming dasal,
Lahat: Panginoon, aming dasal, kaligtasan ay ibigay.
kaligtasan ay ibigay.
36. O Panginoong nabuhay,
O Hesus Haring marangal,
hiling namin ay pagbigyan.

Lahat: Panginoon, aming dasal,


kaligtasan ay ibigay.
204 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
Kapag may bibinyagan ngayon, ipahahayag ang panalanging ito ng paring magkadaop ang
kamay:

A ma naming makapangyarihan,
halina at gawin mong makapiling namin ikaw
ngayong ang muling pagsilang ay ipinagdiriwang
sa pagbibinyag sa mga bagong kaanib ng iyong sambayanan.
Isugo mo ang Espiritu ng iyong pagkupkop
upang ang ginaganap naming mapagpakumbabang paglilingkod
ay magdulot ng iyong lubusang kaloob
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 205
PAGKABUHAY
PAGBABASBAS SA TUBIG PAMBINYAG

Ngayo’y babasbasan ng pari ang tubig pambinyag. Ipahahayag niya ang panalangin nang
magkadaop ang mga kamay.

A ma naming makapangyarihan,
bagama’t natatago sa aming paningin,
ang kapangyarihan mong maggawad ng iyong buhay sa amin
ay inilalahad ng mga pananda ng iyong paglagi sa aming piling
anupa’t ang tubig na iyong nilikha
ay naging tagapagpahayag ng iyong pagpapala.

Ama namin, noong ang daigdig ay iyong lalangin


ang iyong Espiritu ay lumulukob na sa tubig
bilang simoy ng hangin
upang ang kakayanan nitong bumuhay
ay maging tagapagdulot ng iyong kabanalan.

Ama namin, ang sansinukob ay iyong panibagong ginawa


noong ipahintulot na magkaroon ng malaking baha
upang ipahiwatig na ang tubig ay may katangian
na tumapos sa kasamaan at magpasimula ng kabutihan.

Ama namin, ang mga anak ni Abraham


ay pinatawid mo sa karagatan
noong sila’y palayain mo sa pagkaalipin sa Ehipto
upang ipahiwatig ang mangyayari sa mga bibinyagan
bilang mga kaanib sa iyong sambayanan.

Ama namin,
niloob mong noong binyagan ni Juan
sa Ilog-Jordan ang Anak mo
ay maganap ang paglukob sa kanya ng Espiritu Santo.
Niloob mong dumaloy ang dugo at tubig
sa sinibat na puso ng Anak mong iniibig.
206 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

Niloob mong mabuhay muli ang iyong Anak


na nag-utos sa mga alagad:
”Humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa.
Binyagan ninyo sila
sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.”
Magtaglay nawa itong tubig ng pagpapalang
kaloob ng Espiritu Santo
na idinudulot ng mahal na Anak mo
upang ang mga tao na pawang nilikha
ayon sa iyong larawang dakila
nguni’t nasadlak sa lusak ng kasalanan
ay mahugasan ngayong sila’y bibinyagan
para makabangong taglay ang iyong kalinisan
sa muling pagsilang sa tubig at Espiritu Santo
bilang mga kaanib ng iyong angkan.
Maaaring ilubog ng pari ang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay nang minsanan o makaitlong ulit,
habang patuloy niyang ipinahahayag:

Ama namin, iniluluhog namin sa iyo,


manaog nawa sa tubig na ito
ang kapangyarihan ng Espiritu Santo
sa pamamagitan ni Hesukristo
upang mapuspos ng iyong Espiritu
itong pambinyag na tubig
Ang kandila ay hahawakan ng pari habang ito’y nakatayo sa tubig.

at sa gayo’y lahat ng nakikiisa


sa kamatayan niya sa pamamagitan ng binyag
ay muling mabuhay na siya rin ang kasama
bilang Tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 207
PAGKABUHAY
laalis muna sa tubig ang kandila habang ang mga tao ay umaawit ng pagbubunyi

Kaisa ng mga bukal


ng tubig sa
sanlibutan batis, ilog,
karagatan aming
pinapupurihan
pag-ibig mong walang hanggan.
Maaaring umawit ng anumang pagbubunyi na bagama’t naiiba ay dapat na katugma nito sa
diwa at may angkop na nilalaman.
208 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
PAGTATAKWIL SA KASALANAN

Matapos ang pagbabasbas sa tubig pambinyag at ang pagbubunyi ng mga tao, tatanungin ng
pari ang mga may gulang na bibinyagan at mga magulang, ninong at ninang ng mga batang
bibinyagan ang pagtatakwil sa kasamaan.

Pari: Para kayo makapamuhay


bilang mga malayang anak ng Diyos,
ang kasalanan ay itinatakwil ba ninyo?
Nagpapabinyag: Opo, itinatakwil namin.

Pari: Para kayo’y huwag mapailalim sa kasalanan


ang kaakit-akit na tukso ng kasamaan
ay itinatakwil ba ninyo?
Nagpapabinyag: Opo, itinatakwil namin.

Pari: Si Satanas na pinanggagalingan ng kasalanan


at pinuno ng kadiliman
ay itinatakwil ba ninyo?
Nagpapabinyag: Opo, itinatakwil namin.
o kaya:

Pari: Si Satanas ay itinatakwil ba ninyo?


Nagpapabinyag: Opo, itinatakwil namin.

Pari: Ang mga gawain ni Satanas ay itinatakwil ba ninyo?


Nagpapabinyag: Opo, itinatakwil namin.

Pari: Ang mga pang-akit ni Satanas


upang sumuway ang tao sa Diyos
ay itinatakwil ba ninyo?
Nagpapabinyag: Opo, itinatakwil namin.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 209
PAGKABUHAY
PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

Pagkatapos, itatanong ng pari sa mga may gulang na bibinyagan ukol sa pananamapalataya,


pati ang mga magulang, ninong at ninang ng mga batang bibinyagan ang tatlong tanong
ukol sa pananampalataya.

Pari: Sumasampalataya ka ba (ba kayo)


sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
na may likha ng langit at lupa?
Nagpapabinyag: Opo, sumasampalataya kami.

Pari: Sumasampalataya ka ba (ba kayo) kay Hesukristo,


iisang Anak ng Diyos, Panginoon natin,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,
ipinako sa krus, namatay, inilibing,
muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng Ama?
Nagpapabinyag: Opo, sumasampalataya kami.

Pari: Sumasampalataya ka ba (ba kayo) sa Espiritu Santo,


sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa muling pagkabuhay ng mga namatay,
at sa buhay na walang hanggan?
Nagpapabinyag: Opo, sumasampalataya kami.
210 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

PAGBIBINYAG
Kapag natapos na ang pagtatanong, bibinyagan ng pari ang mga may gulang at mga bata.

Maaaring ganapin ang pagbibinyag sa paglubog (unang paraan), o pagbubuhos (pangalawang


paraan). Maaaring sundan ang bawat binyag ng maiksing pagbubunyi na ihahayag o aawitin ng
mga tao.

Kapag maraming bibinyagan, maaari silang binyagan ng mga pari at diyakono na kasama sa
pagdiriwang. Habang nagaganap ang pagbibinyag, ang mga tao ay maaaring umawit o makinig
sa mga Pagbasa, o manatiling tahimik.

Kapag ang pagbibinyag ay sa paraang paglubog sa tubig, dapat itong ganapin ng maayos at
kapita-pitagan. Hahawakan ng isa o ng lahat ng ninong at ninang ang bibinyagan. Ilulubog ng
pari ang katawan o ulo ng tatlong beses sa ngalan ng Banal na Santatlo.

N., ikaw ay binibinyagan ko sa ngalan ng Ama,


Ilulubog ng pari ang binibinyagan ng unang pagkakataon.

at ng Anak,
Ilulubog ng pari ang binibinyagan sa ikalawang pagkakataon.

at ng Espiritu Santo.
Ilulubog ng pari ang binibinyagan sa ikatlong pagkakataon.

Kapag ang pagbibinyag ay sa paraang pagbubuhos ng tubig, ilalagay ng isang ninong o ninang
o ng lahat ang kanilang kanang kamay sa balikat ng bibinyagan. Bubuhusan ng pari ang ulo ng
bibinyagan ng tatlong beses sa ngalan ng Banal na Santatlo.

N., ikaw ay binibinyagan ko sa ngalan ng Ama,


Bubuhusan ng pari ang binibinyagan ng unang pagkakataon.

at ng Anak,
Bubuhusan ng pari ang binibinyagan sa ikalawang pagkakataon.

at ng Espiritu Santo.
Bubuhusan ng pari ang binibinyagan sa ikatlong pagkakataon.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 211
PAGKABUHAY
PAGLALAHAD NG KAHULUGAN NG BINYAG
Magpapatuloy ang pagdiriwang ng binyag sa paglalahad ng kahulugan nito, at susunod naman
ang pagkukumpil ng mga may gulang na binyagan.

PAGLALAGAY NG LANGIS
Papahiran ng krisma ang mga sanggol na bininyagan.

Ang mga may gulang na bininyagan ay maaaring kumpilan ng pari na nagbinyag. Kapag may
dahilan para ipagpaliban ang kumpil, gaganapin ng nagbinyag ang pagpapahid ng Krisma.

Bago pahiran ng langis, ihahayag ng pari:

A ng pagpapahid ng langis ay nagpapakilala


ng paglukob ng Espiritu Santo
sa muling isinilang sa binyag.
Maging matatag ka nawa
sa iyong pakikiisa kay Kristong hari, pari, at propeta,
ngayon at magpakailanman.
Sasagot ang mga bininyagan:

Amen.
Papahiran ng langis ang tuktok ng bagong binyag.

PAGBIBIGAY NG DAMIT PAMBINYAG


Bibigyan ng puting damit ang bawat bininyagan. Ihahayag ng pari ang sumusunod:

A ng damit pambinyag ay tanda ng muling pagsilang kay Kristo


at ng dakilang karangalan ng mga Anak ng Diyos.
Nawa’y manatiling wagas
at walang bahid-dungis ang iyong karangalan
hanggang iyong matamo ang buhay na walang hanggan.
Sasagot ang mga bininyagan:

Amen.
llalagay ng ninong at ninang sa kanilang inaanak ang damit pambinyag.
212 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
PAGBIBIGAY NG KANDILANG NAGDIRINGAS

Tatanganan o hahawakan ng pari ang kandila ng pagkabuhay habang ipinahahayag:

T ayo nang magbigay-dangal kay Hesus


na ating ilaw sa diwa nati’t isipan.
Sasagot ang mga bininyagan:

Amen.
Ipahahayag ng pari:

Si Hesukristo’y nabuhay.
Siya’y ating kaliwanagan.
Sisindihan ng isang ninong o ninang ng bawat bininyagan ang kandila na para sa kanilang
inaanak mula sa kandila ng pagkabuhay at ibibigay sa kanilang inaanak.

Pagkaraa’y ipahahayag ng pari:

Ang ilaw na ito ay tanda ng liwanag ni Kristo


na tinanggap sa binyag.
Nawa’y mag-alab ito sa iyong puso’t diwa
hanggang sa pagbabalik ni Kristong ating Panginoon.
Sasagot ang mga bininyagan:

Amen.
Ang mga may gulang sa hanay ng mga bagong binyag ay kukumpilan kaagad makaraang
mabinyagan, kung may Obispong nangungulo sa pagdiriwang na ito o kaya’y kung may paring
nagtataglay ng ganitong kapahintulutan.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 213
PAGKABUHAY

KUMPIL
Maaaring umawit ng angkop na awit bago magsimula ang pagkukumpil.

Haharap ang magkukumpil sa mga bagong binyag at ipahahayag ang sumusunod o mga katulad
na pananalita:

M ga bago naming kapatid kay Kristo,


naisilang kayong muli kay Kristo sa binyag,
kaanib na kayo ngayon ni Kristo
at ng kanyang sambayanang banal.
Ngayon, makikisalo kayo sa paglukob ng Espiritu Santo,
sa Espiritu na isinugo ng Panginoon
sa kanyang mga alagad noong Pentekostes
at ibinigay nila at ng kanilang mga kahalili sa mga binyagan.
Tatanggapin ninyo ngayon
ang pangakong lakas na kaloob ng Espiritu Santo,
lakas upang maging katulad ni Kristo,
lakas upang magpatotoo sa kanyang pagpapakasakit,
pag-aalay ng buhay at muling pagkabuhay.
Patatatagin kayo nito
upang maging masigasig na kaanib ng kanyang Simbahan
na nakikiisa sa pagpapaunlad sa Katawan ni Kristo
sa pananampalataya at pagmamahal.

PAGPAPATONG NG MGA KAMAY


Haharap ang magkukumpil sa mga tao at magkadaup-palad niyang aawitin o bibigkasin ang
sumusunod:

Mga kapatid, idalangin natin sa Diyos Ama


na ipagkaloob niya sa mga bagong binyag ang Espiritu Santo
upang sila’y mapuspos ng kanyang lakas
at bunga ng pagpapahid ng langis
ay maging higit silang katulad ni Kristo,
ang Anak ng Diyos.
Tahimik na dadalangin ang lahat.
214 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
Ipapatong ng magkukumpil ang kanyang mga kamay sa ulo ng mga kukumpilan. Siya lamang
ang aawit o bibigkas ng sumusunod:

O Diyos na makapangyarihan sa lahat,


Ama ni Hesukristo na aming Panginoon,
sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu Santo,
hinango mo sa kasalanan ang mga anak mong ito
at binigyan mo sila ng pakikihati sa iyong buhay.
Suguin mo sa kanila ngayon
ang Espiritu Santo, ang Mang-aaliw,
upang siyang maging lakas nila at patnubay.
Ipagkaloob mo na sila’y mapuspos
ng karunungan at pang-unawa,
na sila’y maging makatwiran sa pagpapasya
at manatiling matibay ang loob sa lahat ng pagkakataon.
Puspusin mo sila ng kaalaman at pamimitagan
at ng banal na pagkatakot sa harap ng iyong kadakilaan.
Hinihiling namin ito sa iyo
sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon
magpasawalang hanggan.
Tutugon ang lahat:

Amen.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 215
PAGKABUHAY
PAGPAPAHID NG LANGIS

Ang krisma ay dadalhin sa nagkukumpil. Ang mga kukumpilan ay isa-isang lalapit sa kanya,
o kaya lalapit siya sa kanila. Ipapatong ng ninong o ninang o ang magulang na naghaharap sa
kukumpilan ang kanyang kanang kamay sa aanakin o anak at sasabibin niya ang ngalan nito sa
nagkukumpil. Maaari ring ang kukumpilan ang magsabi ng kanyang ngalan.

Ilulubog ng nagkukumpil ang kanyang kanang hinlalaki sa lalagyan ng krisma at sa


pamamagitan nito’y kukrusan niya sa noo ang kinukumpilan samantalang sinasabi ito:

N., tanggapin mo ang tatak ng kaloob ng Espiritu Santo.


Kinumpilan:

Amen.
Igagawad ang pagbati ng kapayapaan.

Sumaiyo ang kapayapaan.


Kinumpilan:

At sumaiyo rin.
216 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

PAGBABASBAS SA TUBIG

Kung walang bibinyagan at wala ring pagbabasbas ng tubig pambinyag, babasbasan ng pari ang
tubig na iwiwisik. Ipahahayag ang sumusunod na panalanging pinangungunahan ng paanyaya:

Mga kapatid kong minamahal,


hilingin natin sa Ama nating makapangyarihan
na marapatin niyang basbasan
itong tubig na iwiwisik ngayon
bilang paggunita sa tinanggap nating binyag noon.
Pagkalooban nawa niya tayo ng panibagong lakas
para sa pamamalaging matapat
sa Espiritu Santo na ating tinanggap.
Lahat ay tahimik na mananalangin nang saglit. Ang pari ay magpapatuloy sa pagdarasal
nang magkadaop ang mga kamay:

A ma naming makapangyarihan,
ipahayag mong ikaw ay kapiling ng iyong sambayanan
sa pagdiriwang na ito ng gabi ng pagkabuhay.
Ginugunita namin ang iyong paglikha
na talaga namang kahanga-hanga
at gayundin ang iyong pagtubos sa amin
na lalo pang pambihira at walang kahambing.
Basbasan mo itong tubig
na iyong ginawa upang aming magamit
para ang mga tanim ay madilig,
para makapawi sa uhaw at init,
at para maganap namin ang paglilinis.
Ito rin ay iyong itinalagang gamitin sa pagbibigay
ng iyong kagandahang-Ioob sa tanan.
Ginamit mo ito sa pagpapalaya sa kaalipinan
ng iyong hinirang na sambayanan.
Habang sa disyerto sila’y naglalakbay,
tubig ang pumawi sa kanilang pagkauhaw.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 217
PAGKABUHAY

Tubig din ang ginamit ng iyong mga propeta


upang ang sisimulan mong pakikipagtipan sa tao
ay maipahayag nila.
Sa pamamagitan ng tubig na itinalagang maging banal
ng Anak mong mahal
noong siya’y lumusong sa Ilog-Jordan,
pinagbabago mo kaming mga makasalanan.
Ito nawang tubig na ngayo’y iwiwisik sa amin
upang ang pagbibinyag ay aming gunitain
ay magpahiwatig din nawa ng aming pakikigalak
sa kaligayahan ng aming mga kapatid
na tatanggap ng binyag
sa Paskong ito ng Pagkabuhay ng iyong Anak
na namamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
218 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
PAGSARIWA SA PANGAKO SA PAGBIBINYAG

Kapag ang pagbibinyag (at pagkukumpil) ay naganap na o, kung walang pagbibinyag, matapos
mabasbasan ang tubig, ang lahat ng mga tao ay tatayo at, samantalang hawak nila ang kanilang
mga kandilang may sindi, gagawin nila ang pagsariwa sa pangako sa pagbibinyag.

Aanyayahan ng pari ang mga tao sa ganito o katumbas na mga pangungusap:

M ga kapatid,
sa misteryo ng Pasko ng Pagkamatay
at Pagkabuhay ni Kristo,
tayo’y nalibing kasama niya noong tayo’y binyagan
upang kasama rin niya
tayo’y makabangon at makapagbagong-buhay.
Naganap na natin ang Apatnapung Araw na Paghahanda,
Kaya’t sariwain natin ngayon ang ating pangako sa pagbibinyag.
Talikdan natin ang kasamaan at kasalanan.
Harapin natin ang matapat na paglilingkod sa Diyos
bilang mga maaasahang kaanib
ng kanyang banal na Simbahang Katolika.
Kung kayo’y makapangangakong tatalikod
sa lahat ng hadlang sa katuparan ng panukala ng Diyos
upang kayo’y makapamuhay
bilang matapat at maaasahang kaanib ng kanyang angkan,
pakisagot ninyo itong tatlong katanungan.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 219
PAGKABUHAY

Pari: Para kayo makapamuhay


bilang mga malayang anak ng Diyos,
ang kasalanan ay itinatakwil ba ninyo?
Lahat: Opo, itinatakwil namin.

Pari: Para kayo’y huwag mapailalim sa kasalanan


ang kaakit-akit na tukso ng kasamaan
ay itinatakwil ba ninyo?
Lahat: Opo, itinatakwil namin.

Pari: Si Satanas na pinanggagalingan ng kasalanan


at pinuno ng kadiliman
ay itinatakwil ba ninyo?
Lahat: Opo, itinatakwil namin.
o kaya:

Pari: Si Satanas ay itinatakwil ba ninyo?


Lahat: Opo, itinatakwil namin.

Pari: Ang mga gawain ni Satanas ay itinatakwil ba ninyo?


Lahat: Opo, itinatakwil namin.

Pari: Ang mga pang-akit ni Satanas


upang sumuway ang tao sa Diyos
ay itinatakwil ba ninyo?
Lahat: Opo, itinatakwil namin.
220 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
Ipagpapatuloy niya.

Pari: Ngayon nama’y ating harapin


ang ating pananampalataya.
Kung kayo’y makapangangakong magsisikap mamuhay
bilang mga ikinararangal na anak ng Diyos Ama,
kung tutularan ninyo siya sa kanyang kabutihan,
pagmamahal sa lahat,
at pagmamalasakit para sa pangkalahatang kapakanan,
pakisagot ninyo ang katanungang ito:

Sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat


at Lumikha ng langit at Iupa
kayo ba ay sumasampalataya?
Lahat: Opo, sumasampalataya kami.

Pari: Kung kayo’y makapangangakong magsisikap mamuhay


bilang mga tunay na kapatid ng Panginoong Hesus,
kung gagawin ninyong simulain sa buhay
ang kanyang katwiran, katarungan,
at paglilingkod sa lahat
alinsunod sa kanyang pagmamahal,
Pakisagot ninyo ang katanungang ito:

Sa iisang Anak ng Diyos,


ang ating Panginoong Hesukristo,
na ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,
ipinako sa krus, namatay, inilibing,
muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng Ama
kayo ba ay sumasampalataya?
Lahat: Opo, sumasampalataya kami.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 221
PAGKABUHAY

Pari: Kung kayo’y makapangangakong susunod


sa patnubay ng Espiritu Santo
at kung sisikapin ninyong mapaunlad
ang kaloob niyang buhay at pagmamahal
upang maging mga maipagmamalaking
anak ng Diyos Ama at kapatid ng Panginoong Hesus,
pakisagot ninyo ang katanungang ito:

Sa Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika,


sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa muling pagkabuhay ng mga namatay,
at sa buhay na walang hanggan
kayo ba ay sumasampalataya?
Lahat: Opo, sumasampalataya kami.
Ipahahayag ng pari:

B unga ng pagmamahal ng Diyos


na makapangyarihang Ama
ng ating Panginoong Hesukristo,
tayo ay pinatawad sa ating kasalanan
noong tayo’y muling isilang sa tubig at Espiritu Santo.
Tulungan nawa niya tayong mamalaging tapat
sa ating Panginoong Hesukristo
ngayon at magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
222 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
Ang mga nagsisimba ay wiwisikan ng tubig na binasbasan ng pari. Samantalang ito’y
nagaganap, aawitin ang ”May bukal sa gawing kanan” o anumang awit tungkol sa binyag:

May bukal sa gawing kanan


ng tahanan ng Maykapal,
tubig nito’y bumubuhay
sa lahat ng madaluyan,
Aleluya ang awitan!
Samantala ang mga bagong binyag ay ihahatid sa kanilang pook na dapat kalagyan kaisa ng
sambayanan.

Kung hindi ginaganap sa pook ng pagbibinyag ang pagbabasbas ng tubig pambinyag, magalang
na dadalhin ng mga tagapaglingkod ang lalagyan ng tubig sa nakalaang paglalagakan nito.

Kung hindi ginaganap ang pagbabasbas ng anumang tubig pambinyag, ilalagak sa kaukulang
pook ang binasbasang tubig na pangwisik.

Matapos mawisikan ang mga tao, ang pari ay babalik sa kanyang upuan. Ang Sumasampalataya
ay hindi ipahahayag. Pangunguluhan ng pari ang panalanging pangkalahatan (panalangin ng
bayan) na sasalihan ng mga bagong binyag sa unang pagkakataon.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 223
PAGKABUHAY
PANALANGIN NG BAYAN

Pagkatapos ay gaganapin ang panalangin ng bayan o panalanging pangkalahatan.

Sisimulan ng pari ang panalangin:

Mga kapatid,
puspos ng kagalakan sa muling pagkabuhay,
ialay natin sa Ama nating Diyos ang ating mga panalangin.
Tiwala sa kanyang kapangyarihan na bumuhay muli kay
Kristo, sabihin natin:

T. Panginoon, dinggin mo kami.

Upang patotohanan ng bawat Kristiyano


ang diwa ng muling pagkabuhay sa kanilang paglilingkod
upang magbibigay-buhay sa mga nangangailangan,
mga nanghihina sa pananampalataya at mga pamayanan.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo kami.

(Upang ang mga bagong Kristiyanong bininyagan ngayon


ay makapamuhay sa binyag na kanilang tinanggap,
manatili sa pagpapala ng Diyos
at maging aktibong kaanib ng Simbahan.)
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo kami.


224 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

Upang mapangalagaan ang lahat ng buhay,


matutunan ang pagdadamayan at pagkakasundo,
maging patas ang pagbabahaginan ng yaman ng mundo
at matamo ng lahat ang kapayapaang kaloob
ni Kristong muling nabuhay.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo kami.

Upang mapanindigan ng bawat bininyagang Kristiyano


ang kanilang mga pangako sa pagbibinyag,
isabuhay ang turo at halimbawa ni Kristo sa isip, salita at gawa,
at makibahagi ang lahat sa buhay at misyon ni Kristo.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo kami.

Upang ang mga yumao nating mahal sa buhay


ay makasapit sa kaliwanagan ng kaharian ng Diyos
sa buhay na walang hanggan.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo kami.


ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 225
PAGKABUHAY
Wawakasan ng pari ang panalangin:

Makapangyarihang Diyos at mapagmahal na Ama,


pinasaya mo ang buong daigdig sa muling pagkabuhay ni Kristo.
Dinggin mo ang mga panalangin ng iyong mga
anak na muling isinilang sa tubig at Espiritu
at ipagkaloob mo ang iyong pagpapala
sa pamamagitan ni Kristo na aming
Panginoon magpasawalang-hanggan.

Sasagot ang mga tao:

Amen.
226 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


Ang pari ay paroroon sa dambana at pasisimulan niya ang pagdiriwang ng huling hapunan sa
paraang kinaugalian.

Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga
tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang
Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Nababagay na ang tinapay at alak ay dalhin sa dambana sa prusisyong binubuo ng mga bagong
binyag.

Ngayon nama’y tatayo ang Pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan
ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

K apuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng Pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Ang diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal
nang pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 227
PAGKABUHAY
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng Pari ang kalis nang bahagyang nakaangat
sa dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

K apuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.
Illapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng Pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Pagkatapos, yuyuko ang Pari habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.


Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang dambana; pagkaraa’y
iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay
samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko‘y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.
228 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao
at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.
Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Pagkaraa’y, ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at darasalin:

A ma naming Lumikha,
tanggapin mo ang aming mga panalangin
na sumasaliw sa aming paghahain
upang sa nagsimulang Pasko ng Pagkabuhay
kami’y itaguyod nito sa kagalingang walang katapusan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga nagsisimba bilang pagbubuny:

Amen.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 229
PAGKABUHAY
UNANG PAGBUBUNYI O PREPASYO SA PASKO NG PAGKABUHAY
Ang pagkamatay at pagkabuhay ni Kristo

Ngayo’y sisimulan ng pari ang Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat. Ilalahad niya ang
kanyang mga kamay habang kanyang sinasabi:

P. Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumaiyo rin.
Pagkaraa’y isusunod niya habang itinataas niya ang kanyang mga kamay:

P. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


B. Itinaas na namin sa Panginoon.
Habang nakataas ang mga kamay, kanyang ipahahayag:

P. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


B. Marapat na siya ay pasalamatan.
Ipagpapatuloy ng pari ang Pagbubunyi o Prepasyo nang nakalahad ang mga kamay.

A ma naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan
ngayong gabing ipinagdiriwang
ang paghahain ng Mesiyas,
ang maamong tupa na tumubos sa aming lahat.
Ang iyong Anak na minamahal
ay naghain ng sarili niyang buhay.
Siya ang tupang maamong umako sa kaparusahan
upang mapatawad ang kasalanan ng sanlibutan.
Sa pagkamatay niya sa banal na krus
ang kamatayan namin ay kanyang nilupig.
Sa pagkabuhay niya bilang Manunubos
pag-asa’t pagkabuhay ay aming nakamit.
230 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

SANTO

Sa katapusan nito, pagdaraupin niya ang mga kamay niya samantalang kanyang pinaabot
sa hantungan ang Pagbubunyi o Prepasyo ngayong kaisa ng sambayanan kanyang inaawit o
binibigkas nang malakas:

Santo, Santo, Santo


Panginoong Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang mga naparirito
sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 231
PAGKABUHAY
IKALAWANG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

A ma naming banal,
ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay
habang siya’y nagdarasal.

Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang mga kaloob na ito
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang
kanyang dinarasal:

upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo 


ng aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.
232 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw
at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang loob


na maging handog,
Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang
kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa
pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 233
PAGKABUHAY
Ang pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy
na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.


Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at
luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


Ang mga tao ay magbubunyi:

Aming ipinahahayag
na namatay ang ‘yong Anak,
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat.
234 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

A ma,
ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak
kaya’t iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.

Isinasamo naming kaming magsasalu-salo


sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Tapagdiwang o isang nakikipagmisa
Ama,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni Francisco, na aming Papa
at ni Jose, na aming Obispo,
at ng tanang kaparian.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 235
PAGKABUHAY
Tapagdiwang o isang nakikipagmisa
Alalahanin mo rin
ang mga kapatid naming nahimlay
nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.
Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng
Diyos, ng kanyang kabiyak ng puso, si San Jose,
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri sa ikararangal mo.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang kanyang
ipinahahayag.

S A PAMAMAGITAN NI KRISTO, KASAMA NIYA, AT SA KANYA


ANG LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI AY SA IYO,
DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN,
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.
236 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
ANG PAKIKINABANG

Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na


mga kamay:

S a tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:
Illalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iIigtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 237
PAGKABUHAY
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa
ganitong pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman! Amen.
Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

P anginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


Sasagot ant mga tao:

At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o ng pari:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.


238 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t-ibang pook, ang mga nagsisimba ay mabigbigyan ng
kapayapaan. Ang pari at ang mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at
isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-uulit saka pa
lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal:

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kailanman.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 239
PAGKABUHAY
o kaya:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,


Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom
at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig
nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.
Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng
pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.
240 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY
Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang,
bahagyang itataas ang ostiya para sa bawat nakikinabang habang sinasabi:

Katawan ni Kristo.
Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.
Ganito rin ang gagawin ng diyakono na nagdudulot ng pakinabang.

Samantalang nakikinabang ang pari, sisimulan ang awit sa pakikinabang.

Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan
ng pari o ng diyakono o ng tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng pari, pabulong siyang
magdarasal:

Ama naming mapagmahal,


ang aming tinanggap ngayon ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.
Makababalik ngayon sa upuan ang pari. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan o
makaaawit ng papuri o salmo.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 241
PAGKABUHAY
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana paharap sa mga
nagsisimbang magpapahayag:

Manalangin tayo.
Kung di pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin ngayon, at pagkaraan,
ang panalangin pagkapakinabang ay ipahahayag ng paring nakalahad ang mga kamay.

A ma naming mapagmahal,
padaluyin mo, sa amin ang batis
ng Espiritu ng iyong pag-ibig
upang kaming pinapagsalo mo
sa piging ng Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo
ay magkaisa sa pananalig sa iyo
sa pamamagitan niya
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.
242 ANG TATLONG ARAW NA PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT AT
PAGKABUHAY

PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
Maisusunod, kapag may ipagbibigay-alam, ang mga maikling patalastas na sasabihin sa mga tao.

Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang paring nakalahad ng mga kamay sa mga tao ay
magpapahayag:

Sumainyo ang Panginoon.


Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
Ang diyakono o ang pari na rin kapag walang diyakono ang magpapahayag ng paanyaya:

Magsiyuko kayo habang iginagawad ang pagbabasbas.


Pagkaraan, itataas ng pari ang kanyang mga kamay na lumulukob sa lahat, samantalang inaawit
o ipinahahayag niya:

Sa dakilang kapistahang ito


ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesukristo
kayo nawa’y pagpalain ng makapangyarihang Diyos
at sa tanang kasalanan ay kanya nawang ipagsanggalang
kayong nagdiriwang ngayon at magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
Ipahahayag ng pari:

Sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesukristo


pinagkalooban kayo ng Diyos ng kagalingan at kaligtasan.
Puspusin nawa niya kayo ng kawalang-kamatayan
ngayon at magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG SA PASKO NG MULING 243
PAGKABUHAY
Ipahahayag ng pari:

Matapos ipagdalamhati ang pagpapakasakit ni Hesukristo


ipinagdiriwang ngayon
ang maligayang Pasko ng Pagkabuhay ng mga tao.
Pasapitin nawa niya kayo sa kagalakan
ng kanyang kapistahan sa kalangitan magpasawalang hanggan.
Sasagot ang lahat:

Amen.
Babasbasan ng pari ang mga tao habang kanyang ipinahahayag:

P agpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,


Ama at Anak  at Espiritu Santo.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
lpahahayag ng diyakono o ng pari ang paghayo sa ganitong paraan:

Humayo kayong taglay ang kapayapaan


upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran,
Aleluya! Aleluya!
Sasagot ang mga nagsisimba:

Salamat sa
Diyos, Aleluya!
Aleluya!
Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng pari at matapos
makapagbigaypitagan kaisa ng mga tagapaglingkod, siya ay hahayo.
Archdiocesan Liturgical Commission
Manila

You might also like