You are on page 1of 6

..

DICKSON SERIES 96 BREASTMILK &CHRISTENING

Loren's POV
Nang magmulat ako ng aking mga mata ay
tamang-tama naman ang nasilayan ko si Haden habang
nilalaro ang baby na kasisilang ko pa lang. Wala naman
response mula sa baby ngunit tuwang-tuwa si Haden na
nilalaro ito. Hinahawakan lang ang kamay nito. Kahit pa nga
tulog. Mukhang ngayon lang nakakita ng baby ang
loko.
Lalaki ang kasunod ng kambal. Hindi pa alam ni Hope
na lalaki ito. Ang alam niya ay baby sister. Hindi ko rin kasi
masabi kay Hope noon dahil nag-expect yung bata na baby
sister ang magiging kapatid niya.
*Haden...* nanghihina pa na tawag ko. Napalingon siya
sakin. Kaagad siyang umalis sa tabi ng crib kung saan
naroon si baby tsaka lumapit sakin.
"How are you feeling?" nag-aalala na tanong niya sakin.
*Dalawang oras kang tulog. Kanina ko pa hinihintay na
magising ka." Yumuko siya, ginawaran niya ako ng halik sa
aking noo pababa sa aking labi.
"Ang baby?" binalingan ko ang baby.
Tinuro naman ni Haden si baby. "Ang cute niya,
manang-mana sakin. Nakakatuwa kahit wala akong
natatanggap na response mula sa kaniya." nakangiting
sambit ni Haden.
"Anong pangalan natin sa kaniya?" Nakangiting tanong
ko kay Haden.
Sa totoo lang, wala pa kaming naiisip na pangalan
noong nasa loob pa siya ng aking tiyan.
Natigilan si Haden at napaisip. Alam kong nag-iisip ito
na puwedeng pangalan sa baby.
*Loyd Harper." sambit ni Haden.

2/10
..
"L-Loyd Harper? Saan mo naman nakuha 'yon?"
*L for Loren and H for Haden...Loyd Harper." paliwanag
ni Haden.
Napaawang na lang ang aking labi. Ang bilis naman
niya nakaisip ng pangalan. Talagang konektado pa isa-isa
sa pangalan namin.
"Bagay naman. Ang gwapo ng pangalan." nakangiting
sang-ayon ko. Muli niya na naman hinalikan ang aking
поо.
"I love you, wifey..." paglalambing naman kaagad ng
gwapo kong asawa. "Thank you for the wonderful blessing I
received from you, none other than our children. I don't ask
for anything more than that you stay by my side." Pinisil niya
ang aking palad tsaka muling yumuko para halikan muli ako
sa aking noo.
Hindi lang niya ako hinalikan sa noo kundi gumapang p:
ito sa aking ilong hanggang sa aking labi. Naging maalab
ang halikan namin dalawa. Nagtagal ng ilang minuto haban!
ang kamay naman ni Haden ay gumagapang na sa aking
mga hita. May suot pa kaya akong adult diaper kaya hindi
niya mahawakan ang gusto niyang hawakan.
"Excited na akong makita ang pamangkin ko!"
Pareho kaming nagulat ni Haden at tuluyan na
naghiwalay sa isa't-isa nang marinig ang boses ni Alyana.
Naitulak ko ng wala sa oras si Haden kaya nahulog ito sa
sahig. Agad naman ito napaigik.
"Ay! Sorry!" kaagad naman hinging pasensya ni Alyana.
*Jusko naman Haden. Pagpahingahin mo naman si Loren
nohl Kasisilang lang ng bunso mo mukhang gagawa ka na
ulit ng panibagong bunso." nasermunan pa tuloy si Haden n!
kapatid niya. Habang ako ay pilit na pinipigilan ang pagtawe
dahil sumasakit ang tahi ko.
Pumasok naman si Mama Athena kasama si Inay:
"Mommy, si Haden oh! Ayaw paawat. Gusto na kaagad
sundan yung kasisilang lang nilang baby." sumbong ni
Alyanna kay Mama Athena.
*Alyana?* kaagad naman na saway ni Haden sa

... 3/10
kapatid.
*Aba! Totoo naman eh! Hindi mo man lang
pinagpapahinga 'yan si Loren. Kita mo na nga oh! Hirap pa
yan pero may balak ka na naman."
"Alyana?" muli na naman na saway ni Haden. Naiinis na
ang mukha ni Haden dahil sa mga pang-aasar ng
kapatid
Natawa naman si Alyana.
Natawa na lamang sila Mama Athena at si Inay. Tila
naman namula ang aking mukha dahil sa pagkahiya.
Nakakahiya naman.
"Ang cute at ang pogi ng pamangkin ko. Sigurado akonç
marami nanaman ilyak na mga babae rito. Tulad ng isa
diyan," sambit ni Alyana sabay irap sa kapatid nitong si
Haden.
"Alyana, nakakarami ka na sakin." pikon naman si
Haden.
"Wala akong binabanggit na pangalan ah. Masyado ka
naman guilty." irap ni Alyana.
Hindi naman na nagsalita pa muli si Haden.
"Baby, huwag na huwag ka magmana sa daddy mo na
masungit ah." halos panggigilan ni Alyana si baby
Loyd.
"Anong pangalan ng baby cutie na ito?" Tanong ni
Alyana.
"Loyd Harper." sagot ko.
"Naku! Pangalan pa lang. Hearthrob na." komento ni
Alyana,
"Ayos ka lang ba anak?" nag-aalala naman na tanong ni
Inay sakin.
"Ayos lang po ako, Inay. Si Itay po nasaan? Bakit hindi
niyo kasama?"
"May rayuma na naman ang Itay mo. Pinapakamusta ké
na lang niya sakin. Pasensyahan mo na lang daw siya at
hindi siya makakadalaw sa iyo."
"Ayos lang po, Inay. Naiintindihan ko naman. Hindi na

... 4/10
nga ako nakakadalaw sa inyo eh! Hindi ko na tuloy kayo
nakukumusta."
"Naiintindihan naman namin. Mahihirapan ka naman
magbyahe dahil nga malaki ang tiyan mo."
"Salamat, Inay. Pakisabi kay Itay, magpagaling siya para
makadalaw na siya sa pangatlong apo niya."
"Aba'y ang kulit nga ng Itay mo. Sabi ko nga ay
magpahinga pero anong ginagawa, pinipilit ang sarili ilakad
para raw hindi maparalisado ng tuluyan ang paa niya."
"Si tatay talaga."
Pagkatapos ng ilang araw kong pag-stay sa hospital.*
Sa wakas, nakalabas rin. Gustong-gusto ko na talagang
umuwi., Ayaw kong mag-stay ng matagal sa hospital.
Feeling ko magkakasakot ako kapag nagtagal pa ako.
Pagdating namin sa bahay habang inaalalayan ako ni
Haden. Si baby Harper naman ay pinagsalit-salitan nila Inay
at Mama Athena sa pagbuhat. Halos nga ayaw na nilang
bitawan si baby Harper. Parang nga ayaw na nila ibigay sa
amin ni Haden.
"Baka puwedeng sa akin na muna si baby Harper ng
isang linggo." Biglang salita ni mama Athena. Sabay kaming
napalingon ni Haden sa Mommy niya.
"No." kaagad naman na sagot ni Haden.
"Kahit kailan ang damot mo anak. Minsan lang naman
ako humihingi ng pabor eh." tila nagtatampo na sabi ni
Mama Athena. "Pero ayos lang, Haden. Atleast,
masusubukan mo na ngayon mag-alaga ng baby. Hindi mo
naalagaan ang kambal nung baby pa sila kaya kay baby
Harper dapat bumawi ka. Pagpahingahin mo si Loren at
ikaw magbantay sa baby niyo."
"That's what l'm gonna do, Mom." nagkibit balikat si
Haden.
Pinagbawalan pa akong magbuhat kay baby Harper
kaya hindi ko pa ito nakakarga kahit gustong-gusto ko na
nga ito kargahin.

5/10

"Mommy!"
Sabay kaming napalingon ng marinig ang boses ni Hop
at Heaven. Tumatakbo silang palapit sa amin.
"Baby sister!" sigaw ni Hope.
"Baby brother!" sigaw naman ni Heaven.
Hindi nga pala sila pareho ng gusto. Kay Hope, hinihilin!
niyang baby sister ang magiging kapatid niya habang si
Heaven naman ay baby brother ang gusto. Kaya minsan
nag-aaway silang dalawa sa pagbabangayan.
Nang makalapit ang kambal ay kaagad na lumapit ang
dalawa sa daddy nila na ngayon ay buhat si baby
Harper,
"Daddy, puwede ko ba makita si baby?" Pakiusap ni
Hope.
* "Ako muna." Itinulak ni Heaven si Hope para siya ang
mauna ngunit ayaw din naman patalo ni Hope. Nagtulakan
na ang dalawa. Mukhang mag-aaway pa yata kung sino ang
mauuna sa baby.
"Hope, Heaven, puwede naman kayo magsabay eh!
Hindi niyo kailangan mag-away at magtulakan." sinaway ko
na silang dalawa.
"Gusto ko ako mauna eh!"
"Gusto ko rin ako ang first." pakikipagbangayan din ni
Heaven. Tila walang magpapatalo sa kanilang dalawa.
"Bago ka lang naman sa family namin eh! Kaya ako
dapat mauuna." nakangusong sabi ni Hope kay Heaven. Tila
naman nasaktan si Heaven sa sinabi ni Hope.
"Hope? Hindi mo dapat sinasabi 'yan sa kapatid mo.
Mag-sorry ka kay Heaven. Kapag patuloy kayong
magbabangayan dalawa. Wala sa inyong dalawa ang
makakalapit kay baby Harper!* Inis na saway ko sa kanilang
dalawa.
Biglang nagbago ang reaksyon sa mukha ni Hope.
"Baby Harper? Does that mean he's a boy?" malungkot na
tanong ni Hope.
Marahan akong tumango.

6/10
..
Ang kaninang sigla sa kaniyang mga mata ay biglang
naglaho. "Sige na nga, ikaw na mauna." pinauna niya na si
Heaven habang nakangusong sabi.
Alam kong nadismaya si Hope. Habang si Heaven
naman ay sobrang saya dahil natupad raw ang wish niya na
maging boy ang baby.
"Mga bata talaga." komento naman ni Mama
Athena.
*Ihahatid na kita sa kwarto niyo, Loren para
makapagpahinga ka na. Mukhang hindi matatapos ang
paglalaro ng mag-ama sa bunso niyo. Kita mo naman si
Haden, enjoy na enjoy rin siyang laruin yung baby kahit hindi
pa naman ito nakikipaglaro."
Napangiti na lamang ako.
- Pagkatapos akong ihatid ni Mama Athena ay
nagpaalam na rin ito na umuwi. Habang si Inay din naman a
ganoon din. Nagmamadali na rin na umuwi dahil walang
kasama si Itay sa bahay. Halos tatlong araw na walang
kasama sa bahay si Itay.
Nagising akong naririnig ang iyak ni baby Harper.
Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama para puntahan s
baby. Ngunit nasilayan ko naman si Haden karga niya si
baby Harper pinapatahan.
Nilapitan ko ito. "Akin na si baby. Siguradong gutom na
'yan kaya ayaw tumahan." napalingon siya sakin. Kinuha ko
si baby mula sa kaniya at sa harapan niya mismo inilabas kr
ang aking dibdib. Napansin ko pa nga ang paglunok ni
Haden.
"Baby, tahan na, andito na si Mommy."
Tumahan naman si baby ng makapagdede na ito sa
akin.
Nang sulyapan ko ang wall clock ay alas dose na pala
ng hatinggabi. llang oras na pala akong nakatulog. "Bakit
hindi mo man lang ako ginising? Siguradong gutom na
gutom na si baby kaya siya iyak ng iyak at ayaw na
tumahan."

7/10
...
*I don't want to disturb you. Alam ko kasi na antok na
antok ka dahil wala kang maayos na tulog sa
hospital."
"Haden, ang pagiging ina walang pahinga. Kaya kahit
makaidlip lang ako sandali ayos na sakin."
Lumapit siya sakin at niyakap ako habang nakatalikod
aa kaniya. "I am very lucky to have you, wife. Apart from
being beautiful, it's also very responsible. Minsan lang
makakahanap ng tulad mo." Hinalikan niya ang aking batok
pagkatapos hawiin ang buhok ko.
"Tulog na si baby, siguro naman puwede na si Daddy?"
bulong niya sakin.
"Anong puwede na?"
"Puwede na ahmmm...alam mo na." hirit pa niya.
• Naitulak ko siya ng bahagya. "Tigilan mo 'ko Haden ah!
Isang linggo pa lang nakalipas ng maipanganak ko si Harpe
tapos ngayon humihirit a na. Ikalma mo 'yang bayag mo
kong hindi puputulin ko 'yan."
Natawa siya. "Just kidding, wife."
"Talagang ma-killing ka sakin kapag hindi ka tumigil sa
kaka-kidding mo."
Tawa lang ang natanggap ko mula sa kaniya.
Nang masiguro kong tulog na nga ng mahimbing si
baby Harper ay dahan-dahan ko na ito inilapag sa kaniyang
crib. Mabuti na lang hindi nagising.
Nasilayan ko na lang nakahiga na si Haden sa kama.
Walang saplot pang-itaas habang may binabasa ito na
libro.
Tumikhim ako.
"Ano 'yan?"
"A book about how to be a perfect daddy." sagot naman
niya. Hinila ko ang kumot at tumabi sa kaniya.
*You don't need that book. You've always been the
perfect daddy to the twins and now to baby Harper," sabi ko
sa kaniya sabay pikit ng aking mga mata pagkatapos kong
ihilig ang ulo ko sa dibdib niya.

...
8/10
"Matulog na tayo. Mamaya maya lang ay umaga na."
dagdag ko pa.
*Mauna ka na matulog. Binabantayan ko si baby Harper
baka magising."
"Mahimbing na ang tulog niya. Busog na siya."
"Kung ganoon, ako naman dapat ang busugin mo."
Nagsimulang lumikot ang kamay ni Haden. Sa isang iglap
lang ay nakapasok na kaagad ito sa loob ng tshirt ko at
humahaplos na sa dibdib ko.
"Haden, tigilan mo 'yan!" saway ko kaagad.
Bumilog naman ang labi niya at nanlaki ang kaniyang
mga mata ng mábasa ng gatas ang palad niya. Sumirit kasi
ang gatas ko sa kamay niya.
"Ow, s**t!" Bigkas niya. Halos hindi makapaniwalang
gatas ko yung nasa palad niya.
Hindi ko napigilan at natawa ako. "Sabi ko naman sa 'yc
eh! Tigilan mo pagiging manyak mo. Kahit ngayon lang.
Ayan tuloy." sabi ko sa kaniya habang natatawa.
Sa halip na punasan ang mga daliri niya ay nanlaki na
lamang ang mga mata ko ng dilaan niya ito. Tinikman niya
ang gatas ko. "Hmm...taste good." komento niya
pagkatapos ito tikman. "Now I know that breastmilk is not
only the best for babies. It is also best for daddies." dagdag
pa na sabi niya habang patuloy na dinidilaan ang daliri
niya.
Mas lalo lamang akong natawa sa sinabi niya. "Ewan kc
sa 'yo."
LUMIPAS ang isang buwan, napagpasyahan na namin
na pabinyagan si baby Harper. Lahat ng ninong at ninang ay
kakilala lamang ng mga Dickson. Dahil ako, wala naman
akong masyadong kaibigan.
Tanging kinuha ko lang na ninang ay si Vivian.
"Thankyou sa pagkuha sakin bilang ninang ng
napakalusog na baby na ito at napakapogi pa." halos
panggigilan ni Vivian ang pisngi ng anak ko.

9/10
.
*Tama na sa pagpisil baka maging balloons na pingi
niyan." biro ko sa kaniya.
"Ito naman, ngayon ko nga lang mapipisil ito eh!"
Kinuha niya na muna mula sakin si baby Harper habang
ako naman ay inaasikaso ang mga bisita at iba pa na ninon!
ninang ni baby. Si Haden naman din ay abala rin sa
pakikipag-usap sa mga kaibigan niya.
Pagkatapos ko makipag-usap sa mga bisita ay
nilapitan ko ulit si Vivian na ngayon ay karga pa din si
baby.
Lumapit naman sa amin si Papa Hades. Hanggang
ngayon nahihiya pa rin ako sa kaniya. Minsan ko lang kasi.
ito nakikita at nakakausap. Isa pa, strikto ang kaniyang
mukha. Katulad ni Haden kapag nakakunot ang noo.
• Senior citizen na pero litaw pa rin ang kaguwapuhan ng
Daddy ni Haden.
Kinuha ni Papa Hades si baby mula kay Vivian.
"Ang gwapo pa din ng Daddy ni Haden noh? Sobrang
gwapo daw 'yan noong kabataan niya eh! lyon lang ang
kwento sakin ng mama ko." biglang bulong ni Vivian sakin.
"Crush kasi 'yan ng mama ko." dagdag pa na bulong ni
Vivian.
Napangiti na lamang ako. Si Mama Athena ang nanalo
sa puso ng Daddy ni Haden kahit na marami pa lang
nagkakagusto kay Mr. Dickson.
Iniwan ko na lang ulit si Vivian at hinarap na muli ang
mga bisita.
"Nawala lang ako ng ilang taon nabalitaan ko na lang
tatio na pala kaagad ang anak niyo ni Haden."
Natigilan ako ng biglang may magsalita sa likuran ko.
Kilala ko ang boses na iyon. Hinding-hindi ako puwedeng
magkamali. Hinarap ko kaagad ito at tumambad nga sa
aking harapan si Mr. Dee.

You might also like