You are on page 1of 8

Detalyadong Banghay ng

Aralin
Populasyon ng Tao sa Mindanao

(Baitang III)

Submitted by:
Lady Ann V. Tullo
BEED IV

Submitted to:
MS. Juliet F. Bataan
Cooperating Teacher
I. Mga Layunin:

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ang mga bata ay:


a) Naiisa-isa ang mga salitang maiuugnay sa paksang tinatalakay sa pamamagitan ng isang
aktibidad na, “Pinoy Ako, Pinoy Tayo”,
b) Naipapahayag ang pagkaunawa sa kahalagahan ng tao at populasyon sa mga lalawigan at
rehiyon ng Mindanao; at
c) Nakakasagot sa mga tanong na tumutukoy o umuugnay sa usaping populasyon.
II. Paksang Aralin
Paksa:
Ang Populasyon sa mga Lalawigan at Relihiyon ng Mindanao
Kagamitan:
 PowerPoint presentation
 Laptop
 TV
Sangunian:
 Araling Panlipunan: Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 3, pahina 42-51

III. Mga Gawaing Pagkatuto:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
A-1. Panalangin
Pamunuan moa ng ating panalangin Amen.
______.
A-2.Pagbati
Magandang umaga mga bata! Magandang umaga din po titser Ann!
A-3. Pagtatala ng mga pumasok at
lumiban sa klase Wala po
May lumiban bas sa inyong klase ngayong araw?
A-4. Pagkondisyon sa silid-aralan.
Bago kayo umupo pulutin muna ang mga kalat
na nakikita niyo at ihanay ang mga upuan.
Opo titser!
Okay mga bata handa na ba kayo sa ating
leksyon ngayon?

B. Balik Aral
Ngayon bago tayo magsimula meron ba sa inyo Opo titser ako po, ang naging leksyon po natin
ang nakakaalala sa naging leksyon ninyo noong noong nakaraang araw ay patungkol po sa
nakaraang araw? __________.

Magaling! Tama ang iyong sinabi, may iba pa Ako po titser, napag-aralan rin po natin na
bang gustong magbahagi ng kanilang sagot? _______.

Mahusay! Kung gayon nakikita kung handa na


kayo para sa susunod nating leksyon. Pero bago
iyon ay may hinanda akong aktibidad.
Handa na ba kayo? Opo titser!

C. Pagganyak

Ngayon may mga hinanda akong letrato rito


gusto kong hulaan ninyo kung ano nga ba ang
nasa letrato maliwanag ba? Opo titser!

Muli, handa na ba kayo? Opo titser handa na po kami!

Simulan na natin,
(magpapakita ng letrato)

Ngayon ano ang inyong nakikita sa letrato? Isa pong babae titser!

Magaling isa nga siyang babae pero ano nga ba


siya? Isa ba siyang hayop? Isa ba siyang bagay? Isa po siyang tao titser!
O baka naman isa siya puno?

Napakagaling! Ang babaeng nasa letrato ay isang


tao.

Ano nga ba ang isang tao? May makakapagsabi


ba kung ano ang katangian ng tao?

(Magsusulat ng malaking salitang “tao” sa


pisara)

Tao

Ako po titser!
Sige nga sino ang makakapagsabi kung ano nga
ba ang katangian ng isang tao?
Ang tao ay matalino po titser!
Yes, _______

Mahusay! Ang tao nga ay tunay matalino gaya


ninyo.

Matalino

Tao

Masipag
Ako po titser! Meron po akong sagot! Masipag
May iba pa bang sagot bukod sa sinagot kanina? po titser.

Magaling! Talaga namang masipag ang tao pero


meron ding mga tamad.
(Isusulat muli ang salitang nabanggit ng bata sa
pisara.)

(paulit-ulit ang pagtatanong tungkol sa kung


anong naunawaan ng mga bata sa salitang tao)

Ngayon nabuo na natin at nasagutan na natin


kung ano nga ba ang tao. Ngayon may tanong (Ang sagot ay maaaring opo o hindi titser)
ako para sa lahat. Sa tingin niyo ba’y nabibilang
kung ilang tao ang meron sa isang lugar?

Iba-iba ang inyong sagot ngunit ang totoo niyan


ay talagang nabibilang ang populasyon ng tao.

Pero bago tayo dumako sa bilang ng tao may


ipapakita ako ulit sa inyong letrato.

Maraming tao po titser!


Ano nakikita ninyo sa letrato?
(Iba-iba ng sagot:
Tama! Marami ang letrato ng tao sa tingin niyo Opo Titser!
ba kaya niyo itong bilangin? Hindi po Titser!)

Ang mga nakikita niyong tao sa larawan ay mga


taong naninirahan sa Mindanao.
Alam niyo bang ang populasyon ay katumbas ay Hindi po titser
mga tao?

_____

D. Panlinang na Gawain
D-1 Panimula

Pagsinasabi nating populasyon ito ay binubuo ng


bilang ng mga tao.
Halimbawa pagsinabi kong populasyon ng mga
bata sa silid ng Grade 3. Ako ay tumutukoy sa Opo titser nauunawaan po namin!
kung ilang bata ang meron sa loob ng silid na ito
naunawaan ba?
Tumutukoy po ito sa bilang ng tao po titser
Uulitin ko kapag sinabi kong populasyon ano ulit
iyon?

Mahusay! Kaya dumako na tayo sa leksyon natin


kung saan pag-aaaralan natin ang populasyon ng
Mindanao.
Populasyon ng Mindanao po titser!
Ano ulit ang pag-aaralan natin?

O sa madaling salita pag-aaralan natin ang


bilang ng tao na nakatira sa Mindanao.

D-2 Talakayan

May mapa ako rito, sino ang makakapagturo Ako po titser alam ko po.
kung nasaang parte ng mapa ang Mindanao?
(ang bata ay tatayo at ituturo kung saang parte
Sige nga, ______ ituro mo nga kung saan ang ng mapa o letrato ng Pilipinas matatagpuan ang
Mindanao. Mindanao.)

Opo titser!
Tama ba siya?

Mahusay! Iyan nga ang Mindanao kung saan


maraming tao ang katulad natin ang
naninirahan sa pook na iyan.

REHIYON 9 BILANG NG TAO


Lungsod ng Isabela 112,788
Zamboanga del norte 1,011,393
Zamboange del sur 1,010,674
Lungsod ng 861,799
Zamboanga
Zamboanga Sibugay 633,129
Kabuoang bilang: 3,629,783

Ito ang bilang tao sa iba’t ibang lungsod ng


Rehiyon 9 na sakop ng Mindanao.
Zamboanga Del Norte po titser!
Sa nakikita niyo alin ang may malaking bilang ng
tao?
Lungsod ng Isabela po titser!
Magaling! Paano naman ang may pinakamaliit
na bilang ng tao?

Mahusay! Ngayon dumako tayo sa rehiyon 10.

REHIYON 10 BILANG NG TAO


Bukidnon 1,415,226
Camiguin 888,478
Lanao Del Norte 676,395
Lungsod ng Iligan 342,618
Misamis Occidental 602,126
Misamis Oriental 888,509
Lungsod ng Cagayan 675,950
de Oro
Kabuoang bilang: 4,689,302

Ito ang bilang tao sa iba’t ibang lungsod ng


Rehiyon 10 na sakop ng Mindanao.
Lungsod ng Iligan po titser!
Sa nakikita niyo alin ang may malaking bilang ng
tao?
Bukidnon po titser ang may pinakamaraming
Magaling! Paano naman ang may pinakamaliit
bilang ng tao po.
na bilang ng tao?

Ngayon alam niyo na kung paano sumuri ng may


pinakamarami o pinakamaliit na populasyon.

At dahil maraming lungsod ang Mindanao hindi


na natin iisa-isahin. Bagkus tignan na lamang
natin ang bawat kabuong bilang ng tao sa lahat
ng rehiyon ng Mindanao.

REHIYON KABUOANG BILANG


REHIYON 9 3, 629,783
REHIYON 10 4, 689, 302
REHIYON 11 4,893, 318
REHIYON 12 4, 545, 276
REHIYON 13 2, 596, 709
ARMM 3, 781, 387
KABUOAN 24, 135, 775
Rehiyon 13 po ma’am ang may maliit na bilang
Sa nakikita niyo aling rehiyon ng Mindanao ang ng tao o populasyon po.
may maliit na bilang ng tao?

Tama! Ngayon paano naman ang may malaking Rehiyon 11 po ma’am!


bilaang ng populasyon?
Magaaling sa nakikita niyong kabuoang bilang Sobrang dami po pala ng tao po sa Mindanao
ng populasyon ng Mindanao? Ano ang inyong titser!
masasabi?

Tama kayo riyan at alam niyo ba ang epekto Mahihirapan po ang mga taao titser!
kapag patuloy na dumami ang tao sa isang lugar?

Magaling! Dahil kaatulad ng nasa unang


letratong pinakita ko dahil sa maraming bilang
ng tao naging maliit ang espasyo sa daan, at mga
bahay. Magiging mahirap na rin ang pagtustos
saa mga pangangailangan ng bawat isa.
Opo titser!
Naunawaan ba?

E. Paglalahad
Tingnan natin kung nakinig kayo sa ating
talakayan. Ano ng aba ulit ang populasyon? Ito po ay patungkol po sa bilang ng tao sa isang
lugar po titser.
Mahusay! Sa tingin niyo ba’y maganda kapag
dumami pa lalo ang bilang ng tao sa isang lugar? Hindi po titser

Tama! Kaya laging tandaan bilang isang tao ay


may mga dapat tayong gawin para sa ikauunlad
ng ating lugar.

Kayo na bilang mag-aaral, ay kailangan mag-aral Opo titser nauunawaan po naming.


ng mabuti naunawaan ba?

F. Pagsasanay
Upang malaman kung talagang naunawaan
ninyo ang ating aralin sa araw na ito, naghanda
ako ng isang aktibidad.
Kinakailangan ay sagutin ang bawat tanong na
nasa ibaba gamit ang mga datos na nakikita.
REHIYON KABUOANG BILANG
REHIYON 9 3, 629,783
REHIYON 10 4, 689, 302 (Sasagot na ang mga bata)
REHIYON 11 4,893, 318
REHIYON 12 4, 545, 276
REHIYON 13 2, 596, 709
ARMM 3, 781, 387
KABUOAN 24, 135, 775

1. Ilan ang kabuoang bilang ng tao sa


Mindanao?
2. Aling rehiyon sa Mindanao ang may
pinakamalaking bilang ng tao?
3. Alin naman ang may maliit?
4. Ilan ang kabuoang bilang sa Rehiyon 13?
5. Ilan naman ang bilang ng tao sa ARMM?

IV. Pagtataya
Students Activity
Panuto: Sagutin ang tanong at
isulat ang sagot sa isang malinis na
papel.
(sasagot ang mga bata)
Bilang isang bata ano ang maaari
mong maitulong sa iyong, lugar,
magulang at kapwa?

V. Takdang aralin

Gawin ang gawaing nasa pahina 50 sa librong bagong lakbay ng lahing Pilipino.
Panuto: Igawa mo ng paghahambing ang laki at liit ng populasyon ng mga lalawigan sa inyong
rehiyon sa pamamagitan ng pagguhit ng angkop na sukat ng prutas sa isang punong kahoy na
kakatawan sa bawat lalawigan. Isulat sa prutas ang pangalan ng lalawigan at bilang na kinakatawan
at saka kulayan ng gusto mong kulay.

VI. REFLECTION

Number of students at the mastery level


Number of students that needs
remediation

DETAILED LESSON PLAN FOR (Grade 1o)

You might also like