You are on page 1of 20

AP REVIEWER

PRODUKTIBIDAD

ANG PRODUKTIBIDAD AT HALAGA NG PRODUKSYON

● Produktibidad → Produksyon → Supply

1. Kabuoang Produkto (Total Product o TP) - Ang kabuoang halaga ng kalakal na ginawa
gamit ang isang lupon ng aspekto ng paggawa.

2. Dagdag sa Kabuoang Produkto (Increment in Total Product o ITP) - Ito ay ang


pagtaas sa kabuoang produkto habang tumataas din ang bilang ng aspekto ng paggawa.
Ito ay nakukuha sa pamamagitan ng pagbawas ng anumang kabuoang produkto sa
kasalukuyang kabuoang produkto.

3. Karagdagan sa Produkto (Marginal Product o MP) - Ito ang karagdagang dami ng


produkto na nabuo mula sa idinagdag na aspekto ng paggawa. Ito ay nakukuha mula sa
paghahati sa dagdag na aspekto ng paggawa.

4. Kabuoang Gastos (Total Cost o TC) - Ito ang kabuoang pirming gastos at
nagbabagong gastos. Ang pirming gastos ay ang halagang ipinuhunan upang masimulan
ang negosyo. Hindi ito nag-iiba ng pagbabago sa dami ng produksyon. Ang nagbabagong
gastos ay ang halaga na nagbabago kasabay ng pagtaas o pagbaba ng dami ng
produksyon.

5. Dagdag sa Kabuoang Gastos (Increment in Total Cost o ITC) - Ito ay ang pagtaas sa
kabuoang gastos. Ito ay nakukuha mula sa pagbabawas sa naunang kabuoang gastos sa
kasalukuyang kabuoang gastos.

6. Karagdagang Gastos (Marginal Cost o MC) - Ito ang halagang ginastos sa bawat yunit
ng produkto na ginawa mula sa idinagdag na aspekto ng paggawa. Ito ay nakukuwenta sa
pamamagitan ng paghahati ng dagdag sa kabuoang gastos gamit ang dagdag sa kabuoang
produkto.

7. Katamtamang Gastos (Average Cost o AC) - Ito ay ang halagang ginastos sa bawat
unit ng produkto na nagawa gamit ang isang lupon ng aspektong paggawa. Ito ay
nakukuwenta sa pamamagitan ng paghahati sa kabuoang gastos gamit ang kabuoang
produkto.

8. Kabuoang Kita (Total Revenue o TR) - Ito ay ang kabuoang kita na nagmula sa
pagtitinda ng produkto sa pamilihan. Ito ay nakukuwenta sa pamamagitan ng
pagmu-multiply ng kabuoang produkto sa umiiral na presyo sa bawat yunit ng produkto sa
pamilihan.

9. Pagtaas sa Kabuoang Kita (Increase in Total Revenue o ITR) - Ito ay nakukuha sa


pagbabawas sa naunang kabuoang kita mula sa kasalukuyang kabuoang kita.

1
AP REVIEWER
10. Karagdagang Kita (Marginal Revenue o MR) - Ito ay makukuha sa pamamagitan ng
paghahati sa kabuoang kita gamit ang pagtaas kabuuang produkto.

11. Tubo (Profit) - Ito ay ang balik na halaga mula sa pamumuhunan. Ito ay nakukuwenta
sa pamamagitan ng pagbawas sa kabuoang gastos mula sa kabuoang kita. Ang pakinabang
ay ang positibong tubo samantalang ang lugi ay ang negatibong tubo.

12. Breakeven - Itp ay kapag walang tinubo o walang kinita. Nangyayari ito kapag ang
kabuoang kita at kabuoang gastos ay pareho ang halaga.

ANG KONSEPTO NG PRODUKTIBIDAD


● Ito ang mabisang paggamit ng salik sa produksyon.
● Kakayahan ng mga manggagawa na makalikha ng mas maraming produkto gamit
ang parehong dami at kalidad ng mga aspekto ng paggawa.
● Nagagamit nang husto ang mga aspekto ng paggawa ng mga produktibong
manggagawa.

PAGPAPAHALAGA SA PRODUKSYON
● A - Bilang ng mga Manggagawa
● B - Kabuoang Produkto (Total Product)
● C - Dagdag sa Kabuoang Produkto
● D - Karagdagang Produkto (Pagtaas sa Kabuoang Produkto ÷ Pagtaas sa Bilang
ng mga Manggagawa)
● E - Kabuoang Gastos (sa halagang piso)
● F - Dagdag sa Kabuoang Gastos (sa halagang piso) (Kasalukuyaang Kabuoang
Gastos-Naunang Kabuoang Gastos)
● G - Karagdagang Gastos (sa halagang piso) (Pagtaas sa Kabuoang Gastos ÷
Pagtaas sa Kabuoang Produkto)
● H - Katamtamang Gastos (sa halagang piso) (Kabuoang Gastos ÷ Kabuoang
Produkto)

2
AP REVIEWER

A B C D E F G H
(Bn-Bo) (C÷A) (En-Eo) (F÷C) (E÷B)

1 10 - - Php 500 - Php 50.00

2 21 11 5.5 Php 1,000 Php 500 Php 45.45 Php 47.62

3 33 12 4 Php 1,500 Php 500 Php 41.67 Php 45.45

4 46 13 3.25 Php 2,000 Php 500 Php 38.46 Php 43.48

5 60 14 2.8 Php 2,500 Php 500 Php 35.71 Php 41.67

6 75 15 2.5 Php 3,000 Php 500 Php 33.34 Php 40.00

KABUOANG PRODUKTO
● Tumataas ang produkto dahil sa dagdag na produktibong mga manggagawa.

MARGINAL PRODUCT
● Tumataas ang gastos ngunit tumataas naman ang bilang ng produkto. Makikita ang
pagiging produktibo ng mga manggagawa.

MARGINAL COST IN Php


● Dahil sa pagiging produktibo ng dagdag na manggagawa, nababawasan naman ang
gastosng bahay-kalakal sa bawat yunit ng ginagawang produkto.

3
AP REVIEWER

AVERAGE COST

● Dahil sa pagiging produktibo ng dagdag na manggagawa, nababawasan naman


ang gastosng bahay-kalakal sa bawat yunitng ginagawang produkto. Dagdag
supply sa bahay-kalakal.

ITINAKDA: IPINAGBIBILING HALAGA = Php 40.00/yunit


● Pansinin ang pagkalugi ng bahay-kalakal mula sa 1 manggagawa hanggang 5,
breakeven o tabla sa pagkakaroon ng ika-6 na manggagawa at pagkakaroon na ng
kita nang madadagdagan ang mga manggagawa (7-10).

A B C D E F G

Bilang ng Kabuoang Kabuoang Kabuoang Pagtaas ng Karagdagang Tubo


mga Produkto Gastos Kita (Php) Kabuoang Kita (Php) (Php)
Manggagawa (Php) TC TR Kita (Php)

1 10 500 400 - - -100

2 21 1000 840 440 40 -160

3 33 1500 1,320 480 40 -180

4 46 2000 1,840 520 40 -160

4
AP REVIEWER

5 60 2500 2,400 560 40 -100

6 75 3000 3,000 600 40 0

7 91 3500 3,640 640 40 140

8 108 4000 4,320 680 40 320

9 126 4500 5,040 720 40 540

10 145 5000 5,800 760 40 800

TOTAL REVENUE/TOTAL COST


● Dahil sa pagiging produktibo ng dagadag na manggagawa, nababawasan naman
ang gastos ng bahay-kalakal sa bawat yunit ng ginagawang produkto. Dagdag
supply sa bahay-kalakal.

PABABANG PRODUKSIYON
● Bumababa ang produktibidad dahil hindi kasing produktibo ng naunang tinanggap na
manggagawa. Nagdudulot ito ng mataas na gastos ng bahay-kalakal at sa kalaunan
ito ay magdulot ng pagbagsak ng negosyo.

A B C D E F G H

Bilang ng Kabuoan Incremen Marginal Total Increment Marginal Average


mga g t in Total Product Cost in Total Cost Cost (Php)
Manggaga Produkto Products Cost (Php)
wa

1 10 - - 500 - 50.00

2 19 9 9 1000 500 55.56 52.63

3 27 8 8 1500 500 62.50 55.56

4 34 7 7 2000 500 71.43 58.82

5
AP REVIEWER

5 40 6 6 2500 500 83.33 62.50

6 45 5 5 3000 500 100.00 66.67

7 49 4 4 3500 500 125.00 71.43

8 52 3 3 4000 500 166.67 76.92

9 54 2 2 4500 500 250.00 83.33

10 55 1 1 5000 500 500.00 90.91

TUBO BUNGA NG PABABANG BAHAGDAN NG PRODUKTIBIDAD


● Patuloy ang pagbaba ng kabuoang kita samantalang patuloy naman ang pagtaas ng
gastos ng produksiyon.

A B C D E F G

Bilang ng Kabuoang Total Cost Total Increment Marginal Profit


mga Produkto (Php) Revenue in Total Revenue (Php)
Manggagawa (Php) Revenue (Php)
(Php)

1 10 500 250 - - -100

2 19 1000 475 360 40 -240

3 27 1500 675 320 40 -580

4 34 2000 850 280 40 -640

5 40 2500 1000 240 40 -900

6 45 3000 1125 200 40 -1200

7 49 3500 1225 160 40 -1540

8 52 4000 1300 120 40 -1920

9 54 4500 1350 80 40 -2340

10 55 5000 1,375 40 40 -2800

ANG PAGIGING MALIKHAIN AT BUKAS SA PAGBABAGO ANG SUSI


● Itinataas ang produktibidad
● Pagbaba ng halaga ng produksyon
● Bumubuti ang dami at kalidad ng produkto
● Lumalawak ang pagkakataon upang kumita at tumubo
● Napapanatili ang kapaki-pakinabang na negosyo sa pamilihan

6
AP REVIEWER

MGA PARAAN KUNG PAANO MAGING MALIKHAIN AT BUKAS SA PAGBABAGO

● Pagahahati sa paggawa at pagpapadalubhasa


● Pagkuha at paggamit ng pinakamahusay na teknolohiyang magagamit
● Pagpapataas sa bilang at/o antas ng kalidad ng mga aspekto ng paggawa
● Patuloy na pagsasanay ng mga tauhan o empleyado
● Pagsasaayos sa estruktura ng organisasyon
● Pagbabago sa paraan ng pangangasiwa at pangangalakal
● Pagbibigay ng mga insentibo bukod sa salapi sa mga empleyado
● Pagsubok sa mga alternatibong aspekto ng paggawa
● Pagdala sa negosyo sa bagong pamilihan

7
AP REVIEWER
INTERAKSYON NG DEMAND AT SUPPLY

ANG KAHULUGAN NG PRESYO


● Halaga ng isang bilihin sa pamilihan.
● Kabuuang halagang ibinabayad ng mamimili sa nagtitinda
● Upang makuha nito ang produkto at serbisyo sa pamilihan.

Bahay-Kalakal - nagtatakda ng presyo ng paninda (isinaalang-alang ang halaga ng


produksyon, depresasyon, tubo, at buwis.)

MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PRESYO NG MGA BILIHIN:


a. Halaga ng produksyon - pirming gastos at dagdag gastos.
b. Depresasyon allowance - paglalaan ng bayad para sa paggamit ng kapital na
nakamit mula sa nakaraan (hal. pagkumpuni at pagpapanatili ng mga makinarya at
imprastraktura)
c. Tubo - profit (bumabalik na puhunan, nais mabawi ng bahay-kalakal)
d. Buwis - binabayad sa pamahalaan. Madalas ito ay nakapaloob sa presyo ng mga
produkto.

PRESYONG PAMPAMILIHAN
● Halaga na parehong katanggap-tanggap sa nagtitinda at mamimili (makatarungan,
malaya, elastiko, at episyente).

KAHALAGAHAN NG PRESYO

● Ang presyo ay nakatutulong sa pagpapasya sa supply at demand.

ANG PAGTATAKDA NG PRESYONG PAMPAMILIHAN


● Mamimili - nagnanais ng mababang presyo ng mga bilihin.
● Tagagawa - nagnanais ng mas mataas na presyo ng kanilang produkto.
● Kapag mataas ang demand at ang supply ay mababa → mataas na presyo
● Kapag mababa ang demand at ang supply ay mataas → mababa na presyo
● Equilibrium - kabalansehan
● Equilibrium Quantity - pantay na halaga ng kalakal na demand ng mamimili at
supply ng tagagawa
*Equilibrium point
*Equilibrium price

Presyo (Php) Demand (Q) Supply (Q) Surplus/Shortage

10.00 100 20 -80

15.00 90 30 -60

20.00 80 40 -40

8
AP REVIEWER

25.00 70 50 -20

30.00 60 60 0

35.00 50 70 20

40.00 40 80 40

45.00 30 90 60

50.00 20 100 80

BUNGA NG KALABISAN
● Nagaganap kapag ang mga bahay-kalakal ay gumagamit at nagtitinda ng mas
maraming yunit ng produkto kaysa kayang bilhin ng mga mamimili batay sa
nakatakdang presyong pamilihan.
● Maaaring mas marami ang nagtitinda na nagkukumpetinsya sa maliit na bilang ng
mamimili.

subasta, baratilyo, o bargain
(nakatutulong sa mga mamimili sa maikling panahon)

Mababang presyo - hindi gaanong kikita

Pagsasara ng negosyo

Pagtaas ng insidente ng kahirapan at kriminalidad

DEPLASYON (DEFLATION) - patuloy na pagbaba ng pangkalahatang antas ng presyo ng


mga bilihin at serbisyo.
RESESYON (RECESSION) - negatibong pag-unlad ng ekonomiya sa loob ng 2
magkasunod na taon → depresyon (depression) - kalagayan ng ekonomiya na malaking
bahagi ng populasyon ng bansa ang walang trabaho, bumaba ang kita, at pangkalahatang
paghihirap sa aspekto ng ekonomiya.

9
AP REVIEWER

BUNGA NG KAKULANGAN

● Nagaganap kapag sobrang dami ng salapi na maaaring gastusin ng mga mamimili


biglang pagtaas ng demand at hindi dumadami ang supply ng kasimbilis ng
pagtaas ng demand.

kompetisyon sa mga mamimili


maaaring taasan ng nagtitinda ang presyo
panic buying at hoarding

Panganib sa ekonomiya

PANGANIB SA EKONOMIYA NA NAGDULOT NG KAKULANGAN


● Talamak na implasyon (chronic inflation) at mas malala o mabilis na implasyon
(hyperinflation)

IMPLASYON - patuloy na pagtaas ng presyo sa pangkalahatang antas ng mga kalakal at


serbisyo, nababawasan nito ang kakayahan ng salapi na makabili → patuloy na pagtaas
ng presyo

RECESSION at DEPRESSION ng EKONOMIYA

ANG KAHULUGAN NG EKWILIBRIYO (EQUILIBRIUM) NG PAMILIHAN


MARKET EQUILIBRIUM
● Nagaganap kapag pantay ang demand at ang suplay sa presyo na
katanggap-tanggap sa parehong mamimili at nagtitinda.
● Nakaiiwas ng kakulangan at kalabisan.
● Nakaiiwas din ng deplasyon at implasyon.
● Mahusay na pagpapasya, pagpaplano ng mga hakbang, mahusay na pagtatrabaho
at mahusay na paggamit ng pinagkukunang-yaman.

PAGTATAYA NG PAGBABAGO NG PRESYO


● Demand higit kaysa supply - tumataas ang presyo
● Supply higit kaysa demand - bumababa ang presyo

NAGBABAGO ANG DEMAND SAMANTALANG NANATILI ANG SUPPLY

10
AP REVIEWER

NAGBABAGO ANG SUPPLY SAMANTALANG NANATILI ANG DEMAND

MAGKAKASABAY NA PAGBABAGO SA DEMAND AT SUPPLY

11
AP REVIEWER

12
AP REVIEWER

KAPAG PIRMI ANG PRESYO

● Nakikialam ang pamahalaan sa pagtatakda ng presyo para mabigyang proteksyon


ang mga mamamayan sa mali at hindi kanais-nais na gawain sa larangan ng
negosyo, ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkontrol ng presyo ng mga bilihin.

PRICE CEILING
● Ang pinakamataas na posibleng presyong pamilihan ng isang produkto.
● Itinatakda ito kapag limitado ang supply ng mga pangunahing bilihin, at kung ang
kondisyon ng ekonomiya ay hindi pumapanig sa mga mamamayan.

13
AP REVIEWER
ESTRUKTURA NG PAMILIHAN

PAMILIHAN
● Sinasabing lugar o lupon kung saan may nagaganap na transaksyon ng pagbili at
pagbebenta ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng konsyumer at prodyuser.

DALAWANG URI NG PAMILIHAN


1. Perpektong Kompetisyon o Perfectly Competitive Market
2. Hindi Perpektong Kompetisyon o Imperfectly Competitive Market

PERPEKTONG KOMPETISYON

● Ideyal na pamilihan.
● Ang mga nagbebenta ay sinasabing “price taker”.

KATANGIAN NG PERPEKTONG KOMPETISYON


● Maraming mamimili at nagtitinda.
● Magkakauri ang produkto o magkakatulad (homogeneous).
● Maalam ang mga nagtitinda at mamimili sa mga pagbabago sa pamilihan.
● Malayang kalakalan o malayang paglabas at pagpasok sa pamilihan.
● Madaling nakagagalaw ang mga salik ng produksiyon.

DI PERPEKTONG KOMPETISYON
● May kumokontrol sa presyo.
● May hadlang sa pagpasok ng mga negosyante sa pamilihan.

MONOPOLYO
KATANGIAN:
● May isang tagagawa lamang ng produkto sa pamilihan.
● Kayang hadlangan ang kalaban sa negosyo.
● Walang malapit na kapalit na produkto.

URI:
● Likas na Monopolyo
● Heograpikal na Monopolyo
● Teknolohikal na Monopolyo
● Monopolyo ng Pamahalaan

OLIGOPOLYO

● Kaunti ang tagagawa ng produkto.


● Karamihan ay nagsasagawa ng price collusion.
● Magkatulad na reaksyon.

MONOPOLISTIKONG KOMPETISYON
● Maraming maliliit na kumpanya.
● Ang produkto ay magkakapareho ngunit hindi magkakahawig.

14
AP REVIEWER
● Pagkakaiba sa trademark, label, o presentasyon.
● Umaasa sa pag-aanunsyo.

Estruktura ng Bilang ng Pagkakaiba ng Kontrol sa Pagpasok sa Patalastas


Pamilihan mga Produkto Presyo Pamilihan
Nagbeben
ta

Monopolyo Isa Walang Lubos Masyadong Walang


hanggang Mahirap hanggang
limitado limitado

Oligopolyo Kaunti Limitadong Katamtaman Mahirap Masidhi


Masidhi hanggang
(Varied) lubos

Monopolistikong Marami Masidhi Katamtaman Madali Masidhi


Kompetisyon (Differentiated)

PAMBANSANG EKONOMIYA

MAKROEKONOMIKS
● Ang macroeconomics ay balangkas sa pag-aaral ng pambansang kita, kawalan ng
trabaho, at inflation upang malutas ang suliranin ng pambansang ekonomiya.

15
AP REVIEWER

SEKTOR NG KONSYUMER

● Ang mga pribadong indibidwal ang bumubuo sa sektor na ito. Kilala rin ito bilang
Household Sector.
● Ang sektor na ito ang nagtutulak sa produksyon sa merkado dahil sa pagkakaroon
ng demand.
● Dahil sa demand ng mga household makakatulong ito sa pag-unlad ng ekonomiya.

SEKTOR NG NEGOSYO
● Organisadong kumikita ng pera sa ekonomiya. Kilala ito sa tawag na kompanya o
korporasyon.
● Ang sektor ng negosyo ay ang sektor ng produksiyon.
● Mahalaga ang sektor na ito dahil lumilikha sila ng produkto, serbisyo, trabaho, kita, at
nagtutulas ng inobasyon sa lipunan.

PAMPUBLIKONG SEKTOR
● Pinakamalaking organisasyon sa ekonomiya na kinabibilangan ng pamahalaan.
● Ang sektor na ito ay may kakayahang mag pataw ng polisiya, buwis, at interbensyon
sa ekonomiya.
● Namamahala ng mga pangunahing serbisyo na magpapa-unlad ng ekonomiya tulad
ng pampublikong edukasyon, health care system, at proyekto.

PANLABAS NA SEKTOR

● Kabilang sa sektor na ito ang mga bansa sa labas ng bansa.


● Ang mga sektor na ito ay mapapalakas ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan
ng export at import.
● Ang mga bansa sa labas at iba’t ibang panig ng mundo ang panlabas na sektor ng
ekonomiya ng Pilipinas.

PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA

16
AP REVIEWER

17
AP REVIEWER

18
AP REVIEWER

ANO ANG BENEPISYO NG NEGOSYO AT HOUSEHOLD NA NAG-IIMPOK?


NEGOSYO
● Magkakaroon ng karagdagang kita sa anyo ng interest.
● Pagkakaroon ng magandang financial standing.

HOUSEHOLD
● Magkakaroon ng karagdagang kita sa anyo ng interest.
● Pagtataguyod ng insurance fund.

PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA AT PRODUKTO

PRESYO SA PAMILIHAN BILANG SUKAT NG POPULASYON


● Presyo - tumutukoy sa katumbas na halaga ng produkto na binabayaran ng mga
konsyumer sa pamilihan tuwing namimili.
● Ang presyo ay ginagamit na basehan sa pagsukat ng pambansang produksiyon
(Wonnacott).

19
AP REVIEWER

PANGUNAHING PARAAN NG PAGSUKAT SA PAGLAGO NG


PAMBANSANG EKONOMIYA

● Pagsukat sa Pambansang Produkto (National Product Approach)


● Pagsukat ng Pambansang Kita (National Income Approach)

20

You might also like