You are on page 1of 2

Ang Lobo at ang Kabayo

Kahit may kaliitan, maaaring sakmal-sakmalin ka ng masibang Lobo. Kapag natipuhan ka ng hayop na ito,
magtago ka na at tiyak na lalapain ka nito. Kapag nangangalisag na ang mga balahibo at pinaggigiyagis na
nito ang mga pangil, umakyat ka na sa pinakamataas na puno o tumakbo kaya sa pinakamalayong burol
upang di abutan at lapain ang iyong katawan mula ulo hanggang talampakan.

Upang makapanloko, ang Lobo ay nagbabait-baitan. Isang tanghali ngang ito ay ikut nang ikot sa
kagubatan ay natanawan nito ang isang Kabayong nanginginain sa talahiban. Inggit na inggit ang
naglalaway nang Lobo sa pagnguya-nguya ng Kabayo.

"Gustung-gusto mong nguyain ang mga talahib. Nakita kitang sarap na sarap sa panginginain kaya hindi
na kita sinaluhan upang ikaw ay lubos na masiyahan. Di ka ba magpapasalamat man lang at ipinaubaya
ko sa iyo ang buong talahiban?"

"Naloloko ka na ba?" galit na nag-aalma ang Kabayo. "Dapat mong malaman na una, ang talahiban ay
hindi sa iyo at ikalawa, ang mga Lobong tulad mo ay hindi ngumunguya ng talahib. Lumayu-layo ka diyan
at baka masipa lang kita. Alis diyan!"

Sa takot ng Lobo ay walang lingong tumalikod at umalis ito.

You might also like