You are on page 1of 3

Adrian A.

Valenzuela
URI NG PONEMANG SEGMENTAL

PONEMANG KATINIG

MGA
PONEMA PUNTO NG ARTILUASYON
Ngala-ngala
PARAAN NG Labi Ngipin Gilagid Palatal Velar Lalamunan Glottal
ARTIKULASYON
Pasara p t k ,
b d g
Pailong m n ŋ

Pasutsot s h

Pagilid l

Pakatal r

Malapatinig w y
May tinig

PONEMANG KATINIG

Ang ponemang katinig ay inaayos sa dalawang artikulasyon, ang “Paraan” at “Punto” ng


artikulasyon.

Paraan at Punto ng Artikulasyon

Naglalarawan ito kung saan bahagi ng bibig nagaganap ang pagpapalabas ng hangin sa
pagbigkas ng isang katinig o sa pagbuo ng tunog, may pitong punto ng artikulasyon:

PITONG (7) PUNTO NG ARTIKULASYON

 Labi
 Ngipin
 Gilagid
 Ngala-ngala
o Palatal
o Velar
 Lalamunan
 Glottal
a. Panlabi- Ang ibabang labi at labing itaas ay naglalapat; ginagamit ang mga labi sa pagbigkas
ng katinig. /p,b,m,w/

b. Pangngipin- Ang dulo ng dila ay dumidikit sa loob o sa likod ng ngiping itaas. /t,d,n/

c. Panggilagid- Ang punog gilagid ay nilalapitan o dinidiitan ng ibabaw ng dulong dila. /s,l,r/

d. Palatal (Pangalangala)- Dumidiiit sa matigas na bahagi ng ngalangal ang ibabaw ng punog


dila. /y/

e. Velar (Pangngalangala)- Ang velum o malambot na bahagi ng ngalangala ay dinidiitan ng


ibabaw ng punong dila. /k,g, /(ng)/

f. Panlalamunan- Ang pagitan ng dalawang babagtingang tinig na tinatawag na glottis ay

bahagyang nakabukas upang ang hangin sa lalamunan ay makadaan. /h/

g. Glottal- Ang presyur ng papalabas na hangin o hininga ay nahaharang sa pamamagitan ng


pagdidiit ng mga babagtingang tinig at ang nalilikha ay paimpit o pasusot na tunog. /’/

ANIM (6) NA PARAAN NG ARTIKULASYON

 Pasara
 Pailong
 Pasutsot
 Pagilid
 Pakatal
 Malapatinig
 Mala patinig may tinig

a. Pasara- Hinaharangan ang daanan ng hangin. /p,t,k,’,b,d,g/

b. Pailong- Nahaharang ang hangin na dapat ay sa bibig lumalabas dahil sa pagtikom ng mga
labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin, o kaya'y dahil sa pagbaba ng malambot
na ngalangala. Ang nangyayari ay hindi sa bibig lumalabas ang hangin kundi sa ilong. /m,n,
/ng/

c. Pasutsot- Sa makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o kaya'y ng mga babagtingang tinig


lumalabas ang hangin. /s,h/

d. Pagilid- Dahil sa ang dulong dila ay nakadiit sa punog gilagid, sa mga gilid ng dila lumalabas
ang hangin. /l/
e. Pakatal- Dahil sa ang dulo ng nakaarkong dila ay pumapalag, ang hangin sa loob ng bibig ay
paiba-iba ng direksyon at ito ay nahaharang. /r/
f. Malapatinig- Kapag malapatinig ang ponema, ang galwa ng labi o dila ay mula sa isang
pusisyon patungo sa ibang pusisyon. /w,y/
PONEMANG PATINIG

MGA
PONEMAN
BAHAGI NG
DILA
AYOS NG DILA HARAP SENTRAL LIKOD
Mataas i u
Gitna e o
Mababa a

PONEMANG PATINIG
Binibigkas sa ating dila na binubuo ng harap, sentral at likod na bahagi. Ang mga bahagi ng
dila ay gumagana sa pagbigkas ng mga patinig na binibigkas nang mataas, gitna at mababa.
/ a, e, i, o, u/.

PARES MINIMAL

Pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas


maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon.

Maaring ito ay nasa Inisyal(una), Midyal(gitna), Pinal(huli) ng salita.

PARES MINIMAL

INITISYAL MIDYAL PINAL

Uso - Oso Misa - Mesa Pari – Pare

Iwan - Ewan Ilog - Irog Talukap - Talukab

Pantog - Bantog Upos - Ubos Titik - titig

You might also like