You are on page 1of 29

Pangalan: ___________________________________________ Pangkat: _____________________

Magandang araw mga ka-LARANG!!! Siguro iniisip mo kung ano ang tungkol sa akin. Ito ang una nating pagtatagpo. Huwag kang mag-alala
tutulungan kita na maunawaan ako. Katulad ng kung paano mo inunawa ang iyong kasintahan tapos iniwan ka lang din. Simulan natin sa
kung ano ang dapat mong unang matutunan. Tayo na at magsimula (kahit wala naman “TAYO”).

ANG KAHALAHAGAN NG PAGSUSULAT AT ANG AKADEMIKONG PAGSULAT


Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral. Ayon
kay Cecilia Austera et al. (2009), may-akda ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009) ang
pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang
pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Ayon naman kay Edwin Mabilin et al. sa
aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), ito ay isang pambihirang
gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag
sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Sa
pamamagitan ng pagsusulat, maisatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin , paniniwala , at layunin ng
tao sa tulong ng mga salita ,ayos ng pangungusap sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang akda o
sulatin.
May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat. Para sa iba ,ito ay nagsisilbing libangan sapagkat
sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at kaisipan sa paraang kawili-wili
o kasiya-siya para sa kanila. Anuman ang dahilan ng pagsusulat , ito ay nagdudulot ng malaking tulong
sa nagsusulat,sa mga taong nakabasa nito,at maging sa lipunan sa pangkalahatan sapagkat ang kanilang
mga sinulat ay magiging dokumento ng nakalipas na pangyayari o panahon na magsisilbing tulay para sa
kabatiran ng susunod na henerasyon.Ayon kay Mabilin (2012) ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng
kaalamang kailanman ay hindi naglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring
magpasalin-salin sa bawat panahon.Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang
kanyang ibinahagi ay manatiling kaalaman.

Kaya naman,sa limang makrong kasanayang pangwika , ang pagsusulat ay isa rin sa mga dapat
pagtuunan ng pansin na malinang at mahubog sa mga mag-aaral sapagkat dito masusukat ang kanilang
kahandaan at kagalingan sa iba’t ibang disiplina. Sa mga makrong kasanayang tulad ng pakikinig
,pagbabasa, panonood,madalas ang isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng
mga kaalaman sa kanyang isipan. Subalit sa pagsasalita at pagsusulat ang taong nagsagawa nito ay
nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng
kanyang sinabi at isinulat.

LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAGSULAT


Ayon kay Royo , na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga ,Jr. na Pagbasa , Pagsulat at
Pananaliksik (2001), malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng damdamin at isipan ng tao. Sa
pamamagitan nito, naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin ,pangarap , agam-agam, bungang-
isip at mga pagdaramdam. Dahil din sa pagsulat , nakikilala ng tao ang kanyang sarili,ang kanyang mga
kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang isipan ,at ang mga naaabot ng kanyang
kamalayan. Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala,
kaalaman at mga karanasan ng taong sumusulat. Kaya naman , napakahalaga na bukod sa mensaheng
taglay ng akdang susulatin, kailangan ang katangiang mapanghikayat upang mapaniwala at makuha ang
atensyon ng mga mambabasa. Mahalagang isaalang-alang ang layuning ito sapagkat masasayang ang
mga isinulat kung hindi ito magdudulot ng kabatiran at pagbabago sa pananaw ,pag-iisip at damdamin ng
makababasa nito.
Ayon naman kay Mabilin ,sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong
Filipino (2012), ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi. Una
,ito ay maaaring personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling
pananaw,karanasan,naiisip o nadarama ng manunulat.Ang ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring
magdulot sa bumabasa ng kasiyahan,kalungkutan , pagkatakot , o pagkainis depende sa layunin ng taong
sumusulat. Ang karaniwang halimbawa nito ay ang ginagawa ng mga manunulat ng sanaysay ,maikling
kwento , tula , dula ,awit at iba pang akdang pampanitikan. Pangalawa, ito ay maaari namang maging
panlipunan o sosyal kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa
lipunang ginagalawan. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Ang mga
halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham ,balita, korespondensya , pananaliksik ,sulating panteknikal
,tesis, disertasyon at iba pa. Ginagawa ang mga sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay
walang iba kundi ang layuning makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan. Sa kabilang dako, maaari rin naming
magkasabay na maisagawa ang layuning personal at panlipunan partikular sa mga akdang pampanitikang
naisulat bunga ng sariilng pananaw ng may-akda na maaaring magkaroon ng tiyak na kaugnayan sa
lipunan tulad halimbawa ng talumpati na karaniwang binibigkas sa harap ng madla upang maghatid ng
mensahe at manghikayat sa mga nakikinig .

Sa pangkalahatan, narito ang kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring makuha sa


pagsusulat.
1.Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng
obhetibong paraan.
2.Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang
imbestigasyon o pananaliksik.
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging
obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.
4.Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga
materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat.
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong
makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-aaral
at akademikong pagsisikap.
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyong mula sa iba’tibang batis ng kaalaman
para sa akademikong pagsusulat.

ANYO NG PAGSULAT AYON SA LAYUNIN


1. Paglalahad. Tinatawag din itong pagpapaliwanag na nakasentro sa pagbibigay-linaw sa mga
pangyayari, sanhi at bunga, at magkakaugnay na mga ideya at pagbibigay ng mga halimbawa.
2. Pagsasalaysay. Nakapokus ito sa kronolohikal opagkakasunud-sunod na daloy ng pangyayaring
aktwal na naganap.Isa pa ring pokus ang lohikal na pagsulat.Nakasalalay sa may-akda ng maikling kwento
o nobela ang mahahalaga at kapana-panabik na bahagi ng salaysay.Gumagamit ng iba’t ibang istilo o
istruktura ng pagbuo ng kwento ang mga manunulat ng panitikang nasa anyong tuluyan.
Halimbawa:
Sang-ayon kay Giovanni Careri, isang manlalakbay na Italyano na nakasapit sa ating bansa noong 1696,
ang mga unang Tagalog na naninirahan sa baybayin ng dagat at mga ilog ay sumasamba sa mga puno
ng Balite.Siya ay naglibot sa mga paligid sa Lawa ng Bai na ngayon ay tinatawag na Lawa ng Laguna at
mataman niyang pinag-aralan ang mga naninirahan dito.
Nadama niya na lubha nilang pinag-iingatang huwag masugatan o maputol ang anumang bahagi ng
panungkahoy na ito.Sila’y naniniwala na ang mga kaluluwa ng mga nagsipanaw ay naninirahan sa mga
ito lalo na ang sa Nuno.
- Halaw sa “Ang mga Alamat ng Bayan,” Angono Rizal: Art Capital ng Pilipinas ni Ligaya G. Tiamson Rubin

3. Pangangatwiran. Ipinapahayag dito ang katwiran, opinyon o argumentong pumapanig o


sumasalungat sa isang isyu na nakahain sa manunulat.
4. Paglalarawan. Isinasaad sa panulat na ito ang obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin
ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar at kapaligiran.
Halimbawa:
“Dumating ang may-ari ng litsunan, sa ayos niya’y mukhang siya pa ang dapat tuhugin ng kawayan at
ihawin sa nagbabagang uling.Bilog na bilog ang kanyang katawan. Wala na siyang leeg. Nakasaklay na
ang kanyang balikat sa magkabilang tainga. Makipot ang nagma-mantika niyang labi na ibinaon naman
ng pumuputok niyang pisngi. Biik lamang ang kanyang tangkad.Kung maglakad siya’s parang nakawalang
bulog. Sumenyas siya.Pinapupunta kami sa loob ng kanyang kural, este opisina.”
- Halaw sa “May Baboy na Di-Matuhog sa Litsunan,” Barriotic Punk, mga Kwento sa Baryo at Kanto ni
Mes De Guzman

MGA GAMIT AT PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT


Masasabing ang pagsulat ay isang talento dahil hindi lahat ng tao ay may kakayahang lumikha ng isang
makabuluhang akda o komposisyon. Kaya naman upang makabuo tayo ng isang magandang sulatin ay
kailangang mapukaw ang ating interes. Kailangan nating mabatid ang mga dapat tandaan sa pagsusulat
partikular ng akademikong pagsulat. Narito ang mga iilan:
1. Wika- Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan,
impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong nais sumulat. Dapat matiyak kung anong uri ng wika ang
gagamitin upang madaling maunawaan sa uri ng taong babasa ng akda. Nararapat magamit ang wika sa
malinaw, masining, tiyak, at payak na paraan.
2. Paksa- Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula
dahil dito iikut ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat
upang maging makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
3. Layunin- Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
4.Pamaraan ng Pagsulat- May limang paraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng
manunulat batay na rin sa layunin o pakay sa pagsusulat.
a. Paraang Impormatibo- Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o
kabatiran sa mga mambabasa.
b. Paraang Ekspresibo- Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon,
paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling
karanasan o pag-aaral.
c.Pamaraang Naratibo- Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga
pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.
d.Pamaraang Deskriptibo- Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian,
anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at
nasaksihan.I to’y maaaring obhitibo at subhetibo.
e.Pamaraang Argumentatibo- Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa.
Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
5. Kasanayang Pampag-iisip- Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri
ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat. Kailangang makatuwiran
ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating
ilalahad.
6. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat- Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit
na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng batas, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng
mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.
7. Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin- Ito ay tumutukoy sa kakayahang mailatag ang mga
kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas na maayos, organisado, obhetibo, at
masining na pamamaraan ang isang komposisyon.
Uri ng Pagsulat
1. Teknikal na Pagsulat – Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman bumuo ng
isang pag-aaral na kailangang para lutasin ang isang problema o suliranin sa isang tiyak na disiplina o
larangan . Isang praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga propesyonal na tao
upang maihatid ang teknikal na impormasyon sa iba’t ibang uri ng mambabasa.
Karaniwang nagtataglay ito ng mga paksang teknikal. Halimbawa: Feasibility Study ,manwal,
Proyekto sa pag-aayos ng kompyuter, at iba pa.
2. Reperensyal na Pagsulat – Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang
kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon at mairekomenda sa
iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na
paksa.Karaniwang makikita ito sa huling bahagi ng isinagawang pananaliksik o kaya naman ay sa
kabanatang naglalaman ng Review of Related Literature (RRL) na pinaghanguan ng mga prinsipyo at
batayan upang makapagbalangkas ng mga konsepto sa pagbuo ng isinagawang pananaliksik.
3. Dyornalistik na Pagsulat – May kinalaman ito sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag
tulad ng pagsulat ng balita ,editoryal, lathalain,artikulo at iba pa . Ito ay isinusulat ng mga mamamahayag,
journalist, reporter at iba pang bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga
balita at isyung
nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan na kanilang isinusulat sa mga pahayagan , magasin, o
kaya’y iniuulat sa radyo at telebisyon.
4. Akademikong Pagsulat – Isa itong intelektwal na pagsulat . Ang gawaing ito ay nakakatulong sa
pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayong kay Carmelita Alejo et.al.
Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang ginawang pananaliksik.
5. Malikhaing Pagsulat – Layunin nitong maghatid ng aliw,makapukaw ng damdamin at makaantig
sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Mabibilang sa uring ito ang maikling kwento , dula, tula,
malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks ,iskrip ng teleserye ,kalyeserye, musika ,pelikula at iba
pa
6. Propesyonal na Pagsulat - Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa
akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Halimbawa sa
guro , pagsulat ng lesson plan , paggawa at pagsusuri ng kurikulum, para sa doctor o nars – paggawa ng
medical report , narrative report tungkol sa physical examination sa pasyente at iba pa.

Mga Sanggunian

Ailene Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan


(Akademik )Phoenix Publishing 2016
Pamela C.Constantino et.el Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Rex Book Store 2016
Edition

Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. 2016

Corazon L. Santos ,PhD et.al Filipino sa Piling Larang (Akademik)Kagamitan ng Mag-


aaral Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

DepEd CDO SHARED Options Learning Activities


Pangalan: ______________________________________________________ Pangkat: ___________________

Ano ba ang ibig sabihin ng AKADEMIKO?


Ang salitang akademiya ay mula sa mga salitang Pranses na academie, sa Latin na academia, at Griyego na
academia. Ang huli ay mula sa Academos, ang bayaning Griyego, kung saan ipinangalan ni Plato ang hardin.
Sa mga mag-aaral na magpapatuloy sa kolehiyo, malaki ang maitutulong ng kaalaman at kasanayan sa malikhain at
mapanuring pag-iisip upang masiguro ng tagumpay sa buhay akademiya.
Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga, at talino upang epektibong
harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay akademiko, at maging sa mga gawaing di-akademiko.
Hindi nasasagkaan ng pagiging mapanuri ang pagkamalikhain ng tao. Nagututulungan pa nga at nagtatalaban ang
dalawang kakayahang ito upang makabuo ng mga paniniwala sa buhay at pagdedesisyon tulad ng pagpili ng kurso, karera, o
negosyo, pagsasagawa ng mga gawain, pakikipag-ugnayan sa kapwa, at pagkakaroon ng makabuluhan at makahulugang
pamumuhay sa komplikadong mundong ating ginagalawan.
Sa akademiya, ang mga katangiang ito ay nililinang at pinapaunlad sa mga mag-aaral. Malaki ang maitutulong nito
upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa kolehiyo, trabaho, araw-araw na pamumuhay.
Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo (Pranses: academique; Medieval Latin:
academicus ) noong gitnang bahagi ng ika-16 na siglo. Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon,
o larangan ng pag-aaral na nagbibigay tuon sa pagbasa, pagsulat at pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na gawain.
(www.oxford.dictionaries.com)
Nalilinang ang mga kasanayan at natututuhan ang mga kaalamang kaugnay ng larangang pinagkakadalubhasaan.
Kasanayan sa pagbasa, pagsasalita, panonood at pagsusulat ang napapaunlad. Sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan.
Analisis, panunuring kritikal, pananaliksik at eskperimentasyon ang mga isinasagawa rito. Ginagabayan ito ng etika,
pagpapahalaga, katotohanan, ebidensiya, at balanseng pagsusuri. Ginagabayan rin ito ng karanasan, kasanayan at common
sense.
Ang akademikong pagsulat ay isang intelektwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakatutulong sa pagpapataas ng
kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayon kay Carmelita Alejo et.al (2005), sa aklat na Pagbasa at Pagsulat
tungo sa Pananaliksik, ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na particular na kumbensiyon tulad ng pagbibigay suporta
sa mga ideyang pangangatwiran. Layunin nitong mapakita ang resulta ng pagisisyasat o ng ginawang pananaliksik. Ayon naman
kay Edwin Mabilin et.al (2012) ang lahat ng uri ng pagsulat ay produkto o bunga lamang ng akademikong pagsulat. Lubos ding
pinatataas ng uri ng pagsulat ito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan bunga ng masusuing pag-aarala sa
pamamagitan ng pagsisiyasat at pananaliksik.
Madalas iniuugnay ang akademikong pagsulat sa salitang akademya. Ang akademya ay tumutukoy sa institusyong
pang – edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan. Ang mga elementong bumubuo
rito ay ang mga mag-aaral, guro at administrador, gusali, kurikulum at iba pa. Higit sa lahat, hindi magaganap ang anumang
Gawain kung wala ang instrument upang mapakilos ito at maganap ang mga mithiin at misyon nito, walang iba kundi ang wika.
Sa pag-aaral ng kursong ito ang akademikong Filipino ang gagamitin sa akademya. Ang akademikong Filipino ay iba sa
wikang karaniwan o sa wikang nakasanayan nang gamitin ng marami sa araw – araw na pakikipag-usap o
pakikipagtalastatasan kung saan hindi gaanong pinahahalagahan ang mga alituntunin o prinsipyo sa paggamit ng Filipino. Sa
paggamit ng akademikong Filipino, malinaw sa isip ng gumagamit nito, ito man ay paraang pasalita o pasulat, ang
kahalagahanng pagsunod sa alituntunin o prinsipyo sa paggamit ng Filipino upang ito ay maging istandard at magamit bilang
wika ng intelektwalisasyon.
AKADEMIKO DI AKADEMIKO
Layunin: Magbigay ng ideya at impormasyon Layunin: Magbigay ng sariling opinyon
K
Paraan:Obserbasyon,pananaliksik at pagbabasa Paraan:Sariling karanasan, pamilya, at kokomunidad
A
Audience: Iskolar, mag-aaral, guro Audience: Iba’t Ibang Publiko
T
Organisasyon ng ideya:
magkakaugnay ang mga ideya
Planado at
A Organisasyon ng ideya: Hindi malinaw ang estruktura

Pananaw: Obhetibo, N Pananaw: Subhetibo,


hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin Sariling Opinyon, pamilya, komunidad ang pagtukoy,
kundi sa mga bagay, ideya, facts, nasa pangatlong G Nasa unahan at pangalawang panauhan ang
panauhan ang pagkakasulat pagkakasulat
I
HALIMBAWA: A HALIMBAWA:
Pagbasa na ginagamit na teksto sa klase Panonood ng video o pelikula upang maaliw o
Pakikinig ng lektyur
Panonood ng video o dokumentaryo
N magpalipas ng oras
Pakikipag-usap sa Sinuman
Pagsasalita at Pagdidiskurso sa loob ng klase o . Pagsulat sa isang kaibigan
isang simposyum Pakikinig sa radio
At Pagsulat ng sulatin o pananaliksik Pagbasa ng komiks, magasin o diyaryo

Kabilang dito ang mga tekstong ginagawa ng mga Kabilang dito ang mga babasahing may layuning
mag-aaral sa paaaralan gaya ng reaksyong papel, manlibang gaya ng mga pocketbooks, komiks,
suring-basa, konseptong papel, magasin.
Karaniwang ginagamit ang mga pang- Ginagamit ang mga hindi pang-akademikong sa
akadamikong teksto sa pagpapabatid o pagbibigay kasiyahan o katuwaan. Nakatutulong ang
pagbibigay ng impormasyon. Nagbibigay diin din mga paksa at nilalaman ng teksto upang pukawin ang
ito sa pagpapaunlad ng kaisipan ng mga mag-
damdamin ng mga nakikinig o mambabasa.
aaral sa pamamagitan ng mga nakapaloob na
impormasyon at mga nakaugnay na katanungan.
Ginagamit ito upang malinang ang kritikal na pag-
iisip ng mga mag-aaral

Mga katangian na dapat taglayin ng Akademikong pagsulat.


1. Obhetibo
2. Pormal
3. Maliwanag at organisado
4. May paninindigan
5. May pananagutan

Talasalitaan
1. I A E K T - __ __ __ __ __
nagsasaad na ang disiplina ay kailangan sa pagsasagawa ng maayos na proyekto
2. K K I I R T L A - __ __ __ __ __ __ __ __
ito ay may malinaw at makatuwirang pag-iisip na kinakasangkutan ng pagpuna
3. M O A A E D I K K- __ __ __ __ __ __ __ __ __
may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon o larangan ng pag-aaral
4. K K I D E A A O M I D - __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
ang mga bagay na nagbibigay, kasanayan sa mga talento at kakayahan
5. B O T E H I O B - __ __ __ __ __ __ __ __
may pinagbatayang katotohanan
6. B U S E H I B O T- __ __ __ __ __ __ __ __ __
ay ang paglalarawan sa isang bagay batay sa sariling opinyon lamang

SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD


1. Ano-ano ang pinagmulan ng salitang akademiko?
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Ibigay ang mga katangiang nililinang at pinapaunlad sa mag-aaral sa akademiya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________
3. Saan nakatutulong ang mga katangian ng isang akademiya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________
4. Paano nakatutulong ang pagkamalikhain at mapanuring pag-iisip sa isang mag-aaral sa senior
high school?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________
5. Anong mga kasanayan ang nalilinang sa akademiya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
6. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng akademiko at di-akademik na gawain.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
7. Ano – ano ang mga element na bumubo sa akademya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
8. Ano ang akademikong Filipino? Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

PARTNER TAYO
Kumuha ng kapareha at basahin ang teksto sa loob ng kahon at suriin ito batay sa mga sumusunod na
katanungan:
1. Ano ang paksa ng teksto?
2. Ano ang layunin ng teksto?
3. Ano ang gamit ng teksto?
4. Ano ang anyo ng teksto?
5. Maituturing ba itong akademikong teksto?
Ang Paglobo ng Populasyon sa Mundo
Nestor C. de Guzman
Mabilis ng pagtakbo ng panahon. Kaalinsabay ng pagtakbo nito ay ang mabilis na pagdami rin ng tao
sa daigdig. Batay sa impormasyong ibinigay ng United Nations o (UN), ngayon buwan ng Abril ay
umaabot na sa bilang na 7,500,000,000 ang kabuuang bilang ng populasyon sa daigdig.
Ang paglaki ng populasyon ay isang malaking suliraning kinahaharap ng halos bansa sa buong mundo.
Lumilitaw sa mga pag-aaral na halos ng mga bansang may mataas na bilang ng populasyon ay
sumasailalim sa kahirapan. Halimbawa ng mga bansang ito ay makikita sa kontinente ng Africa at sa
Asya.
Malaki ang nagiging epekto ng paglaki ng populasyon sa usapin ng supply and demand ng bansa.
Karaniwang mas marami ang bilang ng mga taong makikinabang sa mga yaman ng bansa kaysa sa
mga nakukuhang yaman.
Sa kasalukuyan, may iba’t ibang programang isinasagawa ang bawat bansa upang matugunan ang
pangangailangan ng mga mamamayan. Marami ring mga binubuong batas upang masolusyonan ang
paglaki ng populasyon at isa na nga sa mga it ay ang family planning.
Gayunman, mananatiling walang bisa ang anomang paraang ginagawa ng gobyerno kung hindi
makikiisa ang mga mamamayan na higit na makikinabang kung ito ay ipatutupad.

Paksa ng Teksto

Layunin ng Teksto

Gamit ng Teksto
Anyo ng Teksto

Maituturing ba itong akademikong


teksto?

Pangalan at lagda ng kapareha

Inihanda ni:
Chris O. Pantalunan
Guro II
FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK

Pangalan: _____________________________ Petsa: __________________________


Antas at Pangkat: _______________________ Iskor: __________________________

FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK


.

KALIGIRANG NILALAMAN PARA SA MAG-AARAL


Memorandum o Memo
Ayon kay Prof. Ma Rovilla Sudaprasert, sa kanyang aklat na English for the Workplace 3 (2014), ang
memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol
sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng
gagawing miting. Sa pamamagitan nito ,naging malinaw sa mga dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula
sa kanila. Kung ang layunin ng pulong na nakatala sa memo ay upang ipabatid lamang sa kanila ang isang
mahalagang desisyon o proyekto ng kompanya o oraganisasyon ,magiging malinaw para sa lahat na hindi na
kailangan ang kanilang ideya o suhestiyon sapagkat pinal na ang nasabing desisyon o proyekto.

Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining .Dapat tandaan na ang memo ay hindi isang
liham. Kadalasang ito ay maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na
alituntunin na dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong , pagsasagawa , o pagsunod sa
bagong sistema ng produksyon o kompanya. Ito rin ay maaaring maglahad ng isang impormasyon tungkol sa
isang mahalagang balita o pangyayari at pagbabago sa mga polisiya.
Ayon kay Dr. Darwin Bargo sa kanyang aklat na Writing in The Discipline (2014) , ang mga kilala at malalaking
kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang mga memo
tulad ng sumusunod:

➢ Puti - ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon


➢ Rosas – ginagamit naman para sa request o order na naggagaling sa purchasing department
➢ Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing at accounting
department

Sa pangkalahatan, ayon din kay Bargo (2014) may tatlong uri ng memorandum ayon sa layunin nito.

a. Memorandum para sa kahilingan


b. Memorandum para sa kabatiran
c. Memorandum para sa pagtugon
Mahalagang tandaan na ang isang maayos at malinaw na memo at dapat magtalay ng sumusunod na mga
impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay hinango mula sa aklat ni Sudaprasert na English for the Workplace
3 (2014).

1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon o organisasyon gayundin ang
lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging ang bilang numero ng telepono.
2. Ang bahaging ‘Para sa/Para kay/Kina ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o kaya naman ay
grupong pinag-uukulan ng memo. Sa pormal na memo mahalagang isulat ang buong pangalan ng
pinag-uukulan nito. Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang sa ibang departamento, makatulong
kung ilagay rin ang pangalan ng departamento. Hindi na rin kailangang lagyan ng G.,Gng., Bb. ,at iba
pa maliban na lamang na napakapormal ng memong ginawa.
3. Ang bahaging ‘Mula kay’ ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo. Isulat ang
buong pangalan ng nagpadala kung pormal ang ginawang memo. Gayundin ,mahalagang ilagay ang
pangalan ng departamento kung ang memo ay galing sa ibang sekyon at tanggapan. Hindi na rin
kailangang lagyan ng G., Gng., Bb. , at iba pa maliban na lamang na nakapapormal ang memong
ginawa.
4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 o 30/09/15. Sa halip, isulat ang
buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito. Tulad halimbawa ng Nobyembre o Nob.
Kasama ang araw at taon upang maiwasan ang pagkalito.
5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran upang agad maunawaan
ang nais ipabatid nito.
6. Kadalasan ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang detalyadong memo kailangan ito
ay magtaglay ng sumusunod:
a. Sitwasyon – dito makikita ang panimula o layunin ng memo
b. Problema – nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin. Hindi lahat ng memo ay
nagtataglay nito.
c. Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan
d. Paggalang o Pasasalamat – wakasan ang memo sa pamamagitan ng pagpapasalamat o
pagpapakita ng paggalang
7. Ang huling bahagi ay ang ‘Lagda’ ng nagpadala. Kadalasang inilalagay ito sa ibabaw ng kanyang
pangalan sa bahaging Mula kay …

Narito ang halimbawa ng


memo na ginagamit sa
pagsasagawa ng pulong o
pagbibigay ng kabatiran.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulating memorandum ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit (c) KatangiaN
(d) Anyo CS_FA11/12PN-0a-c-90
2. Nakasusulat nang maayos na memorandum. CS_FA11/12PU-0d-f-92
3. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng pagsulat ng memorandum.
CS_FA11/12PU-0d-f-93

GAWAIN 1
A. PAGTUKOY SA PAGKAMAKATOTOHANAN NG PAHAYAG: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay
may katotohanan at MALI naman kung ito’y walang katotohanan.

__________1. Ang memorandum ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala
tungkol sa isang mahalagang impormasyon,gawain, tungkulin, o utos.
__________2. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting.
__________3. Ayon kay Bargo (2014) may apat na uri ng memorandum ayon sa layunin.
__________4. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon,o organisasyon gayundin
ang lugar kung saan matatagpuan ito at maging ang bilang ng numero ng telepono.
__________5. Ang detalyadong memo ay kailangang nagtataglay ng sumusunod ; sitwasyon, problema at
solusyon lamang

B. Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN :Batay sa binasang paksa ,sagutin ang mga katanungan ukol dito.

1. Bakit mahalaga ang kasanayan sa pagsulat ng memorandum?


________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
2. Anong uri ng memorandum ayon sa layunin ang nabasang halimbawa?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
3. Ano-anong mahahalagang elementong kailangan para sa isang maaayos na pagpupulong?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
4. Ano ang nilalaman ng isang memo o memorandum? Saan at kalian ito ginagamit?
________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
5. Ano-anong ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng memo?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
GAWAIN 2

Panuto: PAGSASAAYOS SA MEMORANDUM AYON SA PORMAT. Ang pagsunod sa mga


paalala at hakbang sa pagsulat ng memo ay mahalaga upang maging maayos , malinaw at mabisa ang
gawain. Ngayon, ayusin sa wastong pormat ang mga detalye ng memo o memorandum sa ibaba. Isulat
sa bondpaper.

➢ Ang layunin ng pagdiriwang ay ang mga sumusunod:

a. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;


b. Mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang
tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko;
c. Maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang wikang pambansa sa pamamagitan ng
aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa

➢ Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay mangunguna sa pagdiriwang ng taunang Buwan


ng Wikang Pambansa tuwing ika-1 hanggang ika-31 ng Agosto alinsunod sa itinakdang
Pampanguluhang Proklamasyon Big. 1041, s. 1997. Ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay
Filipino: Wika ng Karunungan.

➢ Sgd.
BR. ARMIN A. LUISTRO FSC
Kalihim
➢ Hinihiling ang mabilis na pagpapalaganap ng Memorandum na ito.

➢ Direktor ng Kawanihan
Direktor Panrehiyon ,Tagapamanihala ng mga Paaralan
Pinuno ng mga Pampubliko at Pampribadong Paaralan

➢ Ang lingguhang paksa sa loob ng isang buwang pagdiriwang ay ang mga sumusunod:
a. Filipino: Wika ng Edukasyon at Kalinangan;
b. Intelektuwalisadong Wikang Pambansa, Wika ng Umuunlad na Bansa;
c. Pagsasalin, Susi sa Pagtamo at Pagpapalaganap ng mga Kaalaman at Karunungan;
d. Ang Wikang Filipino ay Wika ng Saliksik.
➢ 2016 Buwan ng Wikang Pambansa

➢ Memorandum Pangkagawaran Blg. 24, s. 2016


➢ Ang mga nabanggit na lingguhang paksa ang patnubay at magsisilbing batayan ng lahat ng
gawaing bubuuin at isagawa sa isang buwang pagdiriwang. Ang mga ito ay hindi nakaayos
ayon sa pagkakasunud-sunod upang magkaroon ng Kalayaan ang lahat sa pagpaplano ng
programa.

➢ Para sa iba pang detalye o impormasyon , mangyaring makipag-ugnayan sa:


Komisyon ng Wikang Filipino(KWF)
Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN)
Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel San Miguel , Maynila
Telepono; (02) 736-2525-; (02) 736-2524 ; (02) 736 -2519
Email: komfil@kwf.gov.ph
Komisyonsawikangfilipino@gmail.com
Website ; www.kwf.gov.ph.

➢ Kagawaran ng Edukasyon
Ultra Complex , Meralco Avenue
Pasig City ,Metro Manila Philippines
➢ Enero 18,2016

GAWAIN 3

Panuto; PAGSULAT NG MEMORANDUM: Sitwasyon: Ikaw ay kasalukuyang pangulo sa inyong


klase o seksyon sa ikalabindalawang baitang.Sumulat ka ng isang organisado, malikhain, at kapani-
paniwalang memorandum para sa klase sa layuning magkaroon kayo ng pagpupulong upang pag-usapan
ang mga patakarang susundin sa klasrum upang mapanatili ang maayos, malinis at ligtas na silid-aralan.

Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang wasto ang mga hakbang sa pagsulat ng memorandum 2
Kumpleto ang bahagi ng memorandum na nabuo 3
Nakasusulat ng memorandum nang maingat, wasto at angkop ang paggamit ng wika 3
Wasto at angkop ang mga nabuong impormasyon sa memorandum 2
Kabuoan 10
REPLEKSIYON

Isulat sa isang talata ang kabuoan ng kaalamang naibabahagi sa iyo sa araling ito.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Lagda ng magulang: _____________________________________________

Inihanda ni :

CHRIS O. PANTALUNAN

Address: Palasinan, Cabiao, Nueva Ecija


Tel. No.: (+63) 044-950-7205
Email Address: cabiaonshs2017@gmail.com
Facebook Page: https://cabiaoshs.wixsite.com/home
FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK

Pangalan: _____________________________ Petsa: __________________________


Antas at Pangkat: _______________________ Iskor: __________________________

FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK


.
KALIGIRANG NILALAMAN PARA SA MAG-AARAL
Pagsulat ng Adyenda

Ayon kay Sudaprasert (2014), ang Adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga susi ng matagumpay na
pulong.

Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa
ang pulong.

Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng adyenda ng pulong

1. Ito ay nagsasad ng sumusunod na mga impormasyon:


a.mga paksang tatalakayin
b.mga taong tatalakay o magpaliwanag ng mga paksa
c.oras na itinakda para sa bawat paksa

2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang
tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito.

3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang
tatalakayin ay kasama sa talaan.

4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang
tatalakayin o pagdedesisyunan.
5. Ito ay nakakatulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa
pulong.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda:

1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na nagsasaad
na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras at
lugar.

2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-
mail naman kung kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon.Ipaliwanag din sa memo nasa
mga dadalo, mangayaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang
tatalakayin at maging ang bilang ng minuto na kanilang kailangan upang pag-usapan ito.

3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay
napadala na o nalikom na. Higit na maging sistematiko kung ang talaan ng agenda ay nakalatag sa
talahanayan o naka-table format kung saan makikita ang adyenda o paksa, taong magpaliwanang
at oras kung gaano katagal pag-uusapan. Ang taong naatasang gumawa ng adyenda ay kailangang
maging matalino at mapanuri kung ang mga isinumeting agenda ay may kaugnayan sa layunin ng
pulong.

4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang araw bago ang pulong.
Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong at kung kailang at saan ito gaganapin.

5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.

Halimbawa ng Agenda

Saan:
SAGKAHAN NATIONAL HIGH SCHOOL
MAIN CAMPUS LIBRARY
Kailan:Hulyo 12, 2019
biyernes ng Ala Una ng hapon

Ang ating Adyenda para sa ating pagpupulong sa araw na ito sa organisasiyon ng


Ikalawang pangkat ng pananaliksik:

1.Paghahanda para sa selebrasiyon ng Buwan ng Wika ngayong Agosto


2.Pag-uusap ukol sa kung ano ang gagawing aktibidad para sa simula ng Buwan ng Wika tulad ng
nasaad sa ibaba:

Lakan at Lakambini ng Wika


Parada ng kasuotang Filipino
Barrio Fiesta
At iba pang suhestiyon
3.Pagsasaayos ng pagkasunod-sunod ng aktibidad ayon sa abiso ng ating tagapaggabay
ngorganisasyon
4.Pagkwenta ng mga kakailanganing materyal sa paggawa ng aktibidad at kung saankukuha ng
pera para dito.
5. Pagtalakay kung saan kukuha ng mga materyales na kakailanganin.
6. Pagtalaga ng mga kasapi sa pagpupulong ng kanilang mga gawain sa simula ngselebrasyon.
7. Pagsasaayos ng mga gawain upang mas organisado at pagbibigay alam nito sa mgaestudyante.
8. Pagtalaga ng araw para sa pagpupulong ng mga pangulo bawat seksyon.
9. Pagsangguni sa punong guro ng paaralan tungkol sa naging pagpupulong sa nasabingaktibidad.
10.Pagsasaayos ng gabay at opinyon ng punong guro tungkol sa aktibidad at pagusapan sasusunod
na pagpupulong.
Maraming Salamat sainyong Kooperasyon!
Inihanda ni:Jemima Felipe
Lider ng ikalawang pangkat

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
1.Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulating katitikan ng pulong ayon sa: (a) Layunin (b)
Gamit (c) Katangian (d) Anyo CS_FA11/12PN-0a-c-90
2.Nakasusulat nang maayos na pagsulat ng adyenda. CS_FA11/12PU-0d-f-92
3.Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng pagsulat ng adyenda.
CS_FA11/12PU-0d-f-93

GAWAIN 1
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Basahin nang maayos ang katanungan at piliin ang
titik ng angkop na sagot.Isulat ito sa patlang.

___1.Ito ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o pagdodokumento ng


mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.
A. Memo B. Adyenda C. Memorandum D.katitikan ng pulong
____2.Ang katitikan ng pulong ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo,
organisado,sistematiko at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagng detalyeng
tinalakay sa pulong.
A.Katangian B.Kahulugan C.Gamit D.kahalagahan
____3.Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon o kagawaran.
Makikita rin dito ang petsa, ang lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
A.Usaping napagkasunduan B. Heading C.Kalahok D.Lagda
____4. Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o
patalastas mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga suhestiyong adyenda para sa susunod na
pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito.
A. Patalastas B.Iskedyul C.Pagtatapos D. Lagda

____5. Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng kometi ,
uri ng pulong (buwanan , lingguhan), at maging ang layunin nito.
A.Bago ang Pulong C.Habang Isinagawa ang Pulong
B.Pagkatapos ng Pulong D sa pagsimula ng Pulong

____6. Itala ang mga mosyon o suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito,
gayundin ang mga sumang-ayon ,at ang naging resulta ng botohan.
A.Bago ang Pulong C.Habang Isinagawa ang Pulong
B.Pagkatapos ng Pulong D sa pagsimula ng Pulong

____7. Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang balangkas ng katitikan ng pulong.
Maglaan ng sapat na espasyo para sa bawat paksa.
A.Bago ang Pulong C.Habang Isinagawa ang Pulong
B.Pagkatapos ng Pulong D.Sa pagsimula ng Pulong

____8 .Estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong na ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong
ay nakatala. Maging ang pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakay sa paksa kasama ang
pangalan ng mga taong sumang-ayon sa mosyong isinagawa.

A.Ulat ng katitikan B . Salaysay ng katitikan C. Resolusyon ng katitikan D. Sanaysay ng katitikan

____9.Estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong na nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat
ng isyung napagkasunduan ng samahan.Hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay
nito at maging ang mga sumang-ayon dito .Kadalasan mababasa ang mga katagang “
Napagkasunduan na … Napagtibay na..

A.Ulat ng katitikan B . Salaysay ng katitikan C. Resolusyon ng katitikan D.Sanaysay ng katitikan

____10. Estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong na isinalaysay lamang ang mahahalagang ng


detalye ng pulong. Ang ganitong uri ay maituturing na isang legal na dokumento.

A.Ulat ng katitikan B . Salaysay ng katitikan C. Resolusyon ng katitikan D.Sanaysay ng katitikan


II. Panuto: PAGBIBIGAY KAHULUGAN: Ilapat ang Hanay CHRIS - Mga Dapat Tandaan sa
Pagsulat ng Adyenda sa Hanay POGI . Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang .

CHRIS POGI
Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Adyenda Paliwanag
____1. Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay A.Tiyakin na nasusunod ang itinakdang
nakatanggap ng sipi ng mga adyenda. oras para sa mga adyenda o paksang
tatalakayin.

____2. Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang B.Ang pagsunod sa oras ay nagngangahulugan ng
higit na mahahalagang paksa. pagrespeto sa oras ng iyong mga kasama .

____3. Manatili sa iskedyul ng agenda ngunit C. Ginagawa ito upang matiyak na kung
maging flexible kung kinakailangan. kulangin man ang oras para sa pagpupulong ay
natalakay na ang importanteng paksa.

____4. Magsimula at magwakas sa itinakdang oras D.Makatutulong nang malaki kung nakahanda na
na nakalagay sa sipin ng Adyenda. rin kasama ng adyenda ang mga kakailanganing
dokumento para sa mga paksang nangangailangan
ng estadistika at kompyutasyon upang mas madali
itong maunawaan ng lahat at walang masayan na
oras.
____5. Ihanda ang mga kakailanganing dokumento E.Ginagawa ito upang matiyak na ang bawat taong
kasama ng adyenda . dadalo sa pulong ay may sapat na kaalaman hinggil
sa mga paksang pag-uusapan.

GAWAIN 2
Panuto: PAGSUSURI SA ADYENDA: Basahin ang buong halimbawa ng adyenda at sagutin
ang mga tanong.
Mga Katanungan:
1. Bakit magkaroon ng pagpupulong ang mga kawani sa paaralan ? Mahalaga ba at napapanahon ito?
Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Pansinin ang nakatakdang oras/minutong gugugulin na nakabatay sa Adyenda . Ano ang
naobserbahan mo rito at ano kaya ang maaaring paliwanag mo nito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Makabuluhan ba ang pagdalo ng lahat ng mga pinadalhan ng memo/memorandum ? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Paano makatutulong saa iyo ang paggawa ng maayos na adyenda sa pulong?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Mahalaga ba na matapos sa itinakdang oras ang mga adyenda sa isang pulong? -
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

GAWAIN 3

Sumulat ng sariling adyenda batay sa memorandum na iyong ginawa sa Gawain 3 sa


araling (MEMORANDUM). Isulat ito sa bond paper o yellow paper. (Maaaring printed o
handwritten)

REPLEKSIYON

Isulat sa isang talata ang kabuoan ng kaalamang naibabahagi sa iyo sa araling ito.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Pangalan at Lagda ng magulang: ____________________

Inihanda ni :

CHRIS O. PANTALUNAN

Address: Palasinan, Cabiao, Nueva Ecija


Tel. No.: (+63) 044-950-7205
Email Address: cabiaonshs2017@gmail.com
Facebook Page: https://cabiaoshs.wixsite.com/home
KATITIKAN NG PULONG
Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitatala ang mga napag-usapan o napagkasunduan. Ang opisyal na
tala ng isang pulong ay tinatawag na KATITIKAN NG PULONG. Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal,
obhetibo, at komprehensibo o nagtatataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong. Higit na
napagtitibay ang mga napag-usapan at napagksaunduan kung ito ay maingat na naitala at naisulat. Kaya naman
napakahalagang maunawaan kung paano gumawa ng isang organisado, obhetibo, at sistematikong katitikan ng
pulong.

MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG


1. HEADING- Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran. Makikita
rin dito ang petsa, ang lokasyon at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
2. MGA KALAHOK O DUMALO- Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong
gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga
liban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito.
3. PAGBASA AT PAGPAPATIBAY NG NAGDAANG KATITIKAN NG PULONG- Dito makikita kung ang
nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may mga pagbabagong isinagawa sa mga ito.
4. ACTION ITEMS O USAPING NAPAGKASUNDUAN- ( Kasama sa bahaging ito ang mga hindi pa natapos
o nagawang proyektong bahagi ng nagdaang pulong). Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga
paksang tinalakay. Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong nanguna sa pagtalakay ng isyu at
maging ang desisyong nabuo ukol dito.
5. PABALITA O PATALASTAS- Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang
pabalita o patalastas mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga suhestiyong adyenda para sa susunod
na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito.
6. ISKEDYUL NG SUSUNOD NA PULONG- itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang
susunod na pulong.
7. PAGTATAPOS- Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
8. LAGDA- Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung
kailan ito isinumite.

MGA DAPAT GAWIN NG TAONG NAATASANG KUMUHA NG KATITIKAN NG PULONG

Ayon kay Bargo (2014), dapat tandaan ng sinumang kumukuha ng katitikan ng pulong na hindi niya trabahong
ipaliwanag o bigyang-interpretasyon ang mga napag-usapan sa pulong, sa halip, ang kaniyang tanging gawain ay
itala at iulat lamang ito.
Ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang:
1. Hangga’t maaari ay hindi participant sa nasabing pulong.
2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong.
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong.
4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong.
5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda.
6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong heading.
7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan.
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos.
9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan.
10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan pagkatapos ng pulong.
ESTILO NG PAGSULAT NG KATITIKAN
A. ULAT NG KATITIKAN- ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala
B. SALAYSAY NG KATITIKAN- isinasalaysay lamang ang mahahalagang detalye ng pulong.
C. RESOLUSYON NG KATITIKAN- nakasaad lamang sa katitikan ang lahat ng isyung napagkasunduan
ng samahan.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

BAGO ANG PULONG


• Magpasiya kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin.
• Tiyaking ang gagamitin mong kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon.
• Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o balangkas ng katitikan ng pulong.
HABANG ISINASAGAWA ANG PULONG
• Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lasgdaan ito ng bawat isa.
• Sikaping makilala kung sino ang bawat isa upang maging madali para sa iyo na matukoy kung sino ang
nagsasalita sa oras ng pulong.
• Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
• Itala lamang ang mahahalagang ideya o puntos.
• Itala ang mga mosyon o mga suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito, gayundin ang
mga sumang-ayon at ang naging resulta ng botohan.
• Itala at bigyang pansin ang mga mosyon na pagbobotohan o pagdedesisyunan.
• Itala kung anong oras natapos ang pulong.
PAGKATAPOS NG PULONG
• Gawin o buoin ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos ng pulong.
• Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng komite, uri ng pulong at
maging ang layunin nito.
• Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos.
• Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy ng pulong.
• Basahin muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan para sa huling pagwawasto nito.
• Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito.

Halimbawa ng Katitikan ng Pulong

Academy of Saint John


La Salle Green Hills Supervised
General Trias, Cavite

Buwanang Pulong ng mga Tagapanguna ng Bawat Kagawaran


Disyembre 5, 2015
Conference Room, Academy of Saint John

Layunin ng Pulong: Preparasyon Para sa Senior High School


Petsa / Oras: Disyembre 5, 2015 sa ganap na ika-9:00 n.u.
Tagapanguna: Daisy T. Romero ( Principal )

Bilang ng mga Taong Dumalo:


Mga Dumalo: Daisy Romero, Joel Pascual, Eazie Pascual, Nestor Lontoc,
Victoria Gallardo, Rubirosa Manguera, Richard Pineda,
Ailene Posadas, Gemma Abriza
Mga Liban: Eva Sipat, Vivin Abundo, Joel Cenizal
I. Call to Order
Sa ganap na alas 9:00 n.u. ay pinasimulan ni Gng. Romero ang pulong sa
pamamagitan ng pagtawag sa atensiyon ng lahat.
II. Panalangin
Ang panalangin ay pinangunahan ni Bb. Evangeline Sipat.
III. Pananalita ng Pagtanggap
Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni Gng. Daisy Romero bilang tagapanguna
ng pulong.
IV. Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong
Ang nagdaang katitikan ng pulong noong Nobyembre 7, 2015 ay binasa ni Gng.
Victoria Gallardo. Ang mosyon ng pagpapatibay ay pinangunahan ni G. Richard
Pineda at ito ay sinang-ayunan ni G. Nestor S. Lontoc.
V. Pagtalakay sa Agenda ng Pulong
Ang sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa pulong:

Paksa Talakayan Aksyon Taong


Magsasagawa
1. Badyet sa Tinalakay ni G. Joel Magsasagawa • G. Joel
Pagpapatayo Pascual ang halagang ng isang pulong Pascual
ng gusali gugulin para sa kasama ang • Engr.
para sa pagapapatayo ng mga inhinyero at Martinez
Senior High gusali para sa Senior High arkitekto para sa • Arch.
School School. Ayon sa kanya, pagpaplano ng Monton
mga 10 milyong piso ang proyekto.
kakailanganin para mabuo
ang mga karagdagang
silid-aralan.
2. Loteng
kailangan sa
pagpapatayo
ng gusali
3. Feedback
mula sa mga
magulang
hinggil sa
SHS ng ASJ
4. Kurikulum /
Track na
ibibigay ng
ASJ
5. Pagkuha at
Pagsasanay
ng mga guro
para sa SHS
6. Pag-
iiskedyul ng
mga
asignatura
7. Estratehiya
para
mahikayat
ang mga
mag-aaral na
kumuha ng
SHS sa ASJ
VI. Ulat ng Ingat-Yaman
Inulat ni Atty. Easy na ang nalalabing pera ng institusyon sa bangko ay
nagkakahalaga ng 30 milyong piso ngunit may halagang 3 milyong piso na dapat
bayaran sa darating na buwan.
Mosyon: Tinanggap ni Ginang Manguera ang ulat na ito ng Ingat-Yaman at ito ay
sinang-ayunan ni Ginang Abriza.
VII. Pagkatapos ng Pulong
Sa dahilang wala nang anumang mga paksa na kailangang talakayin at pag-usapan,
ang pulong ay winakasan sa ganap na alas-12:00 ng tanghali.

Iskedyul ng Susunod na Pulong


Disyembre 15, 2015 sa Conference ng Academy of Saint John, 9:00 n.n.

Inihanda at isinumite ni:


Clea L. Bulda

KATITIKAN NG PULONG

Kahulugan

Kalikasan

Katangian

Layunin

Gamit

Anyo(porma)
PANUKALANG PROYEKTO
• Ito ay nangangahulugang isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o
samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito
• Ayon kay Besin Nebiu, may akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal Writng , ang panukalang proyecto ay isang
detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.

Mga dapat gawin sa pagsulat ng panukalang Proyekto

Ayon kina Jeremy Miner at Lyn Miner (2008) sa kanilang aklat na A Guide to a Proposal Planning and Writing, sa paggawa ng
panukalang papel, ito ay kailangan magtaglay ng tatlong mahahalagang bahagi at ito ay ang mga sumusunod:

a. Pagsulat ng panimula ng Panukalang Proyekto


b. Pagsulat ng katawan ng Panukalang Proyekto
c. Paglalahad ng benepisyo ng proyekto at mga makikinabang nito.

A. PAGSULAT NG PANIMULA NG PANUKALANG PROYEKTO

Bago mo lubusang isulat ang panukalang proyekto, ang unang mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa
pangangailangan ng komunidad, samahan o kompanyang pag-uukulan ng iyong project proposal. Tandaan na ang pangunahing
dahilan ng pagsulat ng panukalang proyekto ay upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago. Higit na magiging tiyak,
napapanahon, akma kung matutumbok mo ang tunay na pangangailangan. Sa madaling salita, ang pangangailangan ang magiging
batayan ng isusulat na panukala.

Maisasagawa ang unang bahaging itosa pamamagitan ng pagmamasid sa pamayanan o kompanya. Maaaring magsimula sa
pagsagot sa mga sumusunod na tanong.

1. Ano – ano ang mga pangunahing suliraning dapat lapatan ng agarang solusyon?
2. Ano – ano ang mga pangaingailangan ng pamayanan o samahan na nais mong gawan ng panukalang proyekto?

B. PAGSULAT NG KATAWAN NG PANUKALANG PROYEKTO

Matapos mailahad ang panimulang naglalahad ng suliranin ng gagawing panukalang proyekto ay isunod na gawin ang
pinakakatawan ng sulating ito. Ito ay binubuo ng layunin, planong dapat gawin, at badyet.

1. LAYUNIN – Sa bahaging layunin makikita ang mga bagay na gusting makamit o ang pinaka-adhikain ng panukala.
Kailangang maging tiyak ang layunin ng proyekto. Kailangang isulat ito batay sa mga inaasahang resulta ng panukalang
proyekto at hindi batay sa kung paano makakamit ang mga reusltang ito. Ayon kina Jeremy Miner at Lyn Miner (2008)
kailangan ang layunin ay maging SIMPLE.

- Specific - nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyare sa panukalang proyekto


- Immediate – nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian ito matatapos
- Measurable – may basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing proyekto
- Practical – nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin
- Logical – nagsasaad kung paano makakamit ang proyekto
- Evaluable – masusukat kung paano makatutulong ang proyekto

2. PLANO NG DAPAT GAWIN – Matapos na maitala ang mga layunin ay maaari nang buoin ang talaan ng mga gawain o plan
of action na naglalalaman ng mga hakbang ng pagsasagawa nito kasama ang mga tao kakailanganin sa pagsasakatuparan
ng mga gawain. Ito rin ay dapat na maging makatotohanan o realistic. Kailangan ikonsidera rin ang badyet sa pagsasagawa.

3. BADYET - Isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay ang wasto at tapat na paglalatag ng
badyet para dito. Ang badyet ay ang mga talaan ng mga gagastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin.
Mahalaga na ito ay mapag-aralang mabuti upang makatipid sa mga gugulin. Maaaring magsagawa ng bidding sa mga
contractors na kadalasan ay may panukalang badyet na para sa gagawing proyekto. Huwag ding kaligtaan isama ang talaan
ng badyet ang iba pang gastusin tulad ng suweldo ng mga manggagawa, allowance para sa mga magbabantay sa
pagsasagawa nito at iba pa.
Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa paggawa ng badyet para sa panukalang proyekto ayon sa datos
mula sa modyul tungkol sa pagsulat ng panukalang proyekto ng panukalang proyekto na may pamagat na “Paghahanda ng
isaang simpleng proyekto.”(http://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02)
a. Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali itong maunawaan ng ahensya o sangay ng pamahalaan o
institusyon na mag-aaproba at magsasagawa nito.
b. Pangkatin ang mga gastos ayon sa klasipikasyon nito upang madaliang sumahin ang mga ito.
c. Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo. Ang ahensiya, sangay ng pamahalaan, o maaaring kompanya na
magtataguyod ng nasabing proyekto ay kadalasang nagsasagawa rin ng pag-aaral para sa itataguyod nilang proposal.
d. Siguraduhing wasto o tama ang ginawang pagkukuwenta ng mga gastusin. Iwasan ang mga bura o erasure
sapagkat ito ay nangangahulugan ng integridad at karapat-dapat na pagtitiwala para sa iyo.

B. PAGLALAHAD NG BENEPISYO NG PROYEKTO AT MGA MAKIKINABANG NITO.

Kadalasan ang panukalang proyekto ay naaprubahan kung malinaw ang nakasaad ditto kung sino ang matutulungan
ng proyekto at kung paano ito makatutulong sa kanila. Maaaring makinabang nito ay ang mismong lahat ng mamamayan ng
isang pamayanan, ang mga empleyado ng isang kompanya, o kaya naman ay miyembro ng isang samahan. Maging ispesipiko
sa tiyak na grupo o samahan na maaaring makinabang sa pagsasakatuparan nito. Halimbawa ng mga makikinabang ay ang
mga bata, kababaihan,mga magsasaka, mahihirap na pamilya, mga negosyante at iba pa.
Maaari na rinisama sa bahaging ito ang katapusan o kongklusyon ng iyong panukala. Sa bahaging ito ay maaaring
ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprubahan ang ipinasang panukalang proyekto.

BALANGKAS NG PANUKALANG PROYEKTO

1. PAMAGAT — kadalasan pinaikling bahagi ng ulat-panukala o ang pangangailangan


Halimbawa: Panukala Para sa Pagpapatayo ng Bulwagang Pambarangay
2. NAGPADALA — ang iyong pangalan bilang manunulat ng proposal at ang tirahan para sa pagpapadala ng koreo.
Halimbawa:
mula kay Ruby Cortez 116 Rubi Street, Lot 3, Blk. 58 Barangay Selino, Poblacion Sta. Fe, Nueva Vizcaya
3. PETSA — ang araw kung kailan mo isusumite ang iyong panukala at ang kinalkulang haba ng panahong gugugulin sa
pagkompleto ng proyekto
Halimbawa:
Ika-24 ng Hunyo 2000 Pagpapatayo: 3 buwan
4. PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN — ang pangangailangan at dahilan kung bakit ito kailangang matugunan nakasaad sa
isang saknong at may wastong pamagat
Halimbawa:
Pagpapahayag ng Suliranin Ang panukalang ito ay para sa.......
5. LAYUNIN — kung ano ang nilalayong gawin ng proposal
Halimbawa:
Layunin Nilalayon ng panukalang ito na.......
6. PLANO NG DAPAT GAWIN — ang mga hakbang na pinaplano mong gawin at ang panahong gugugulin upang matapos ang
proyekto
Halimbawa:
Plano ng Dapat Gawin Ang panukalang ito ay maisasakatuparan.......
7. BADYET — ang kalkulasyon ng halagang gugugulin para sa proyekto
Halimbawa:
Badyet Ang halagang hinihiling para sa panukalang ito ay.......
8. PAANO MAPAPAKINABANGAN NG AKING PAMAYANAN ANG PANUKALANG ITO — ang katapusan, kung saan
nakasaad ang mga taong makikinabang sa proyekto at kung ano ang kanilang mapapala dito
Halimbawa:
Paano Mapapakinabangan ng Aking Pamayanan ang Panukalang Ito Ang proyektong ito ay kapaki-
pakinabang para sa mga.......
Matapos malaman ang balangkas ng panukalang proyekto basahin naman ang halimbawa nito.

PANUKALANG PAGPAPAKABIT NG MGA CCTV SA PAARALAN NG CABIAO SENIOR


HIGH SCHOOL
Panahon
Mula kay Chris Cruz
Brgy. San Roque, Cabiao, Nueva Ecija Proponent-kung sino Pamagat
Ika-24 ng Abril 2022 ang sumulat ng
Haba ng Panahong Gugulin: 2 Buwan panukalang proyekto

Dito nakatala ang I. Pagpapahayag ng Suliranin


mga suliraning ____________________________________________________________
nararanasan ng ___________________________________________________________________
mga mamamayan, ___________________________________________________________________
gayundin ang
___________________________________________________________________
mungkahing
solusyon.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Makikita ang mga II. Layunin


bagay na gustong ___________________________________________________________________
makamit o ang
___________________________________________________________________
pinaka-adhikain ng
panukala. Kailangang
___________________________________________________________________
maging tiyak ang Pagkasunod-sunod
layunin ng proyekto. III. Plano ng Dapat Gawin ng pagsasagawa
1. _______________________________________________________ kasama na rito ang
2. _______________________________________________________ mga taong
3. _______________________________________________________ kakailanganin sa
4. ________________________________________________________ pagsasakatuparan ng
5. ________________________________________________________ mga gawain. Ito ay
dapat ding maging
6. Depende kung ilang ang plan of action
makatotohanan o
realistic.

Talaan ng mga
IV. Badyet
gastusin na
kakailanganin sa Mga Gastusin Halaga
pagsasakatupar
an ng layunin.

Nakatala dito
kung sino ang
matutulungan
ng proyekto at
kung paano ito
V. Kapakinabangan ng Proyekto
makatutulong
sa kanila ___________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

You might also like