You are on page 1of 32

5

Filipino
Unang Markahan - Modyul 8:
Bar Grap, Pie, Talahanayan
At iba pa
Filipino– Ikalimang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 8: Nabibigyang Kahulugan ang Bar Grap, Pie, Talahanayan
at iba pa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development Team of the Module


Writers: Marlene R. Juan, Cherry D. Gumayao, Shryll Dianne I. Francisco
Editors: Teresa P. Dagnaos
Reviewers: Alma G. Segura, Mercedita G. Antenor, Jay Sheen A. Molina
Illustrator: Mahalia J. Carbon
Layout Artist: Cristie Lou C. Espiritu
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio, Ph.D, CESO VI – Schools Division Superintendent
Carlos G. Susarno - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, SLM
Leonardo B. Mission – REPS, Filipino
Lalaine SJ. Manuntag - CID Chief
Nelida A. Castillo – Division EPS In Charge of LRMS
Marichu R. Dela Cruz - SLM Coordinator
Hermie M. Jarra – Subject Area Supervisor

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


ffice Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
5

Filipino
Unang Markahan - Modyul 8:
Bar Grap, Pie, Talahanayan
at iba pa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 5 Self-Learning Module (SLM)


para sa araling Nabibigyang Kahulugan ang Bar Grap, Pie, Talahanayan at iba pa.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Filipino 5 Self-Learning Module (SLM) para sa araling
Nabibigyang Kahulugan ang Bar Grap, Pie, Talahanayan at iba pa.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o

iii
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Magandang araw!
Ang modyul na ito ay ginawa para sa iyo. Layunin nitong tulungan ka sa iyong
pag-aaral. Sa pamamagitan ng modyul na ito ay maaari ninyong gamitin ang iyong
kakayahan o kahusayan sa pang-unawa at pagsagot sa mga pagsasanay na buong
sipag naming inihanda para sa iyo.

Mahalagang Pamantayang Pangnilalaman:

Nabibigyan kahulugan ang bar grap, pie grap, talahanayan at iba pa. F5EP-If-g-2

Ang modyul na ito ay nahahati sa apat na aralin. Ito ay ang mga sumusunod:

Aralin 1 – Bar Grap


Aralin 2 – Pie Grap
Aralin 3 – Talahanayan
Aralin 4 – Line Grap at Piktograp

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nabibigyang-kahulugan ang bar grap.


2. Natutukoy ang bar grap.
3. Nasasagot ang mga katanungan.
4. Nabibigyang-kahulugan ang pie grap.
5. Natutukoy ang pie grap.
6. Natutukoy ang tamang kasagutan batay sa pie grap.
7. Nabibigyang-kahulugan ang talahanayan.
8. Nailalarawan ang datos sa loob ng talahanayan.
9. Naiisa-isa ang mga kasagutan batay sa talahanayan.
10. Nabibigyang-kahulugan ang line grap at piktograp.
11. Nailalarawan ang mga datos sa loob ng line grap at piktograp.

1
Subukin

Sa araling ito ay pag-aaralan natin ang pagbibigay kahulugan ang bar grap, pie
grap, talahanayan at iba pa. Subukan mong sagutan ang mga sumusunod na gawain
upang malaman kung hanggang saan na ang iyong nalalaman tungkol sa araling ito.
A. Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang maibigay ang hinihinging
kasagutan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

BRA PGRA 1. Ito ay gumagamit ng mga guhit na pahalang o pataas sa


paglalarawan sa bawat bahagdan ng mga datos. ____________
LNEI AGPR 2. Ito ay gumagamit ng mga linyang nagkakabit sa mga tuldok na
kumakatawan sa bawat bahagdan ng datos. ____________
IPE GPAR 3. Ito ay gumagamit ng bilog na hugis na pinaghati-hati sa iba’t
ibang bahagi upang kumatawan sa kabuuan. Ang bawat hati nito
ay kumakatawan sa bawat bahagdan ng mga datos. ____________
PICOTPHGRA 4. Ito ay isang uri ng grap na gumagamit ng mga larawan at mga
simbolo. ____________
TALAAHNAYAN 5. Maikling paraan ito ng pagsisiwalat ng mga kaugnay na
impormasyon. Gamit ang dibisyon at kolum, mabilis nitong
maipaghahambing ang mga paksa at bilang. ____________
B. Panuto: Tingnan ang mga larawan at isulat kung anong uri ng grap ang
tinutukoy. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

1. ___________________ 2.___________________

3.___________________ 4.___________________

5. _________________________

2
Aralin

1 Bar Grap

Pagkatapos mong mapag-aralan ang module na ito, ikaw ay inaasahang:


a. Nabibigyang-kahulugan ang bar grap.
b. Natutukoy ang bar grap.
c. Nasasagot ang mga katanungan.

Sa ating nakaraang aralin, napag-aralan natin ang ukol sa


pagsusulat ng talata. Natutunan natin ang pagsulat ng talata tungkol
sa isang paksa o isyu.

Balikan

Gawain 1.1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang talata?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Saan matatagpuan ang paksang pangungusap ng isang talata?
______________________________ ___________________________________________________
_

__________________________________________________________________________________

3
Tuklasin

Gawain 1.2
Panuto: Basahin ang talatang may pamagat na “May Pera sa Paso”
May Pera sa Paso
Si Mang Agustin ay isang masipag na tagagawa ng paso sa Brgy. San Felipe.
Malawak ang kaniyang pagawaan ng paso. Maraming tao ang bumibili sapagkat kilala
ang kaniyang gawa na maayos ang kalidad, may magandang disenyo at kaakit-akit na
kulay.

Isang umaga, may kustomer na pumunta sa kaniyang pamilihan upang bumili


ng kaniyang produkto. Sa kanyang pag-uwi, nakasalubong niya si Mang Rex na kagaya
niya ring magpapaso. Kinumbida ni Mang Rex si Mang Agustin sa kanilang tahanan
upang ibahagi ang bagong kaalaman sa paggawa ng paso.

Suriin

Gawain 1.3

Panuto: Mula sa binasang talata, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


Ibatay ang sagot sa grap na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang na
nakalaan.

LINGGUHANG KITA NI MANG AGUSTIN (PASO)


5000
5000 4500
4000
4000 3500

3000 2500
2000
2000 1500

1000
0

1. Anong araw ang may pinakamalaking kita?____________________________


2. Anong araw ang may pinakamababang kita?____________________________
3. Magkano ang kabuuang kita ni Mang Agustin sa araw ng Biyernes at
Sabado?__________________

4
4. Magkano ang kita ni Mang Agustin sa araw ng Huwebes?__________________
5. Magkano ang kabuuang kita ni Mang Agustin sa isang linggo?______________
Pag-aralan natin:
Bar grap - Ito ay isang uri ng grap na gumagamit ng linya para maipakita ang
pagkakaugnay ng mga bagay o datos na pinaghahambing. Ipinapakita ng linya
kung paano nagbabago ang bilang, dami o sukat ng mga bagay o datos na
ipinapakita sa grap.

Pagyamanin

Gawin Natin!
Ang mga sumusunod na gawain ay susubok sa inyong kakayahan
sa paksang iyong natutuhan. Basahin mo nang mabuti at unawain ang mga gawaing
inihanda para sa iyo. Paghusayan mo ang pagsagot.

Gawain 1.4
Panuto: Pag-aralan ang bar grap sa ibaba. Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

35
ENERO 30
27
NOBYEMBRE 20
0 5 10 15 20 25 30 35 40

TIMBANG NI PRYCE

1. Ano ang ipinapakita ng grap?_______________________________.


2. Gaano kalaki ang itinaas na timbang ni Pryce sa pagitan ng buwan ng Enero at
Pebrero?___________________________________.
3.Ilang kilogram ang bigat ni Pryce noong una siyang nagtimbang? _______________

Gawin Mo!
Gawain 1.5
Panuto: Pag-aralan ang bar graph at sagutan ang mga sumusunod na
katanungan.

BILANG NG MGA NAGPOSITIBO SA COVID-19


500 205 224 279 213 163
0
Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes

4. Sa anong araw may pinakamataas na nagpositibo sa COVID 19?________________

5. Sa anong araw may pinakamababang nagpostibo sa COVID 19? _______________

5
Isaisip

Mahusay! Ngayon ay maaari mo nang punan ng tamang salita ang mga patlang.

Gawain 1.6
Panuto: Punan ng tamang salita o parirala ang patlang upang mabuo ang
Kahulugan.
1. Ano ang grap?
Ang grap ay balangkas na nagpapakita ng mga ______________________ sa
pamamagitan ng tuldok at guhit.
[

2. Bar grap – ito ay gumagamit ng mga guhit na ______________sa pagsasalarawan


sa bawat bahagdan ng mga datos.

Isagawa

Gawain 1.7
Panuto: Iguhit ang bar grap gamit ang mga datos sa ibaba.

Si Mang Gorio ay may tindahan. Nais niyang malaman ang kaniyang kita sa loob ng
isang lingo
Linggo Huwebes-3,256.00
Lunes-678.00 Biyernes-642.00
Martes-1,235.00 Sabado-764.00
Miyerkules-2,789.00

Tayahin

Gawain 1.7
Panuto: Kilalanin ang bar grap at pag –aralan ang mg gamit nito. Sagutin ang
sumusunod na katanungan sa ibaba.
Buwanang Konsumo ng Kuryente ng Pamilya ni Aling Elena sa Taong
2019
500 300
200 250 200 250 200 200
150 150 125 100 95
0
ENE PEB MAR ABR MAY HUN HUL AGOS SET OKT NOB DIS

6
1. Ang grap na nasa itaas ay tinatawag na _________.
2. Tungkol saan ang grap? __________________________________________________
3. Ang konsumo sa kuryente ng pamilya ni Aling Elena noong Pebrero ay _________
4. Ang pinakamababang konsumo ay 95 kwh noong buwan ng ____________.
5. Ang pinakamataas na konsumo ay ____________ kwh noong buwan ng Mayo.

Karagdagang Gawain

Gawain 1.8
Panuto: Bumuo ng isang bar grap batay sa impormasyon at mga tanong na
nakalahad sa ibaba.

Si Aling Ellen ay may malaking pbabuyan. Ibinibenta niya ang mga alagang
baboy sa kaniyang kapit-bahay tuwing Linggo. Kailangan niyang malaman kung
ilang baboy ang naibenta sa buwan ng Abril.
Narito ang sumusunod na mga datos:
1.Unang Linggo – 10 baboy
2.Ikalawang Linggo – 25 baboy
3.Ikatlong Linggo – 30 baboy
4.Ikaapat na Linggo – 26 baboy

A. Ilang baboy ang naibenta ni Aling Ellen sa unang linggo?


B. Kailan ang mas may maraming naibentang baboy si Aling Ellen?
C. Ilan ang kabuoang naibenta ni Aling Ellen sa ikalawa at ikatlong linggo?
D. Ilan lahat ang naibentang baboy ni Aling Ellen sa buwan ng Abril?
E. Anong buwan ang may pinakamaraming bilang ng baboy na naibenta si Aling
Ellen?

Magaling! Binabati kita dahil matagumpay mong natapos ang mga gawain sa
unang aralin!

7
Aralin

2 Pie Grap
Magandang araw! Kumusta ka na? Kahapon natalakay natin ang bar grap sa
araw na ito, tatalakayin natin ang isa pang uri ng grap at ito ay ang pie grap. Sana’y
maging makabuluhan ang aralin na ito upang lubos mong maunawaan ang ating
paksa.
Pagkatapos mong mapag-aralan ang leksiyong ito, ikaw ay inaasahang:
a. Nabibigyang-kahulugan ang pie grap.
b. Natutukoy ang pie grap.
c. Natutukoy ang tamang kasagutan batay sa pie grap.

Balikan

Tinalakay na natin ang bar grap sa nakaraang aralin. Ngayon gusto kong
balikan mo ang ilan lamang sa iyong naalala sa ating naging talakayan. May
ipagagawa ako sa iyo. Handa ka na ba?
Gawain 2.1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang bar grap?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Ano-anong datos ang ginagamitan ng bar grap?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Tuklasin

Gawain 2.2
Panuto: Suriing mabuti ang pie grap.

Badyet ng Pamilyang Dela Cruz sa Buwan ng Hunyo


Pagkain
20% Bayad sa Kuryente, Tubig at
35%
10% Internet
Baon ng Anak
15% 20%
Ipon

8
Ito ay isang Pie Grap na nagpapakita ng Badyet ng Pamilya Dela Cruz sa
Buwan Hunyo. Ang kabuuang badyet para sa buwan ng Hunyo ay Php 20 000.
Humigit-kumulang Php 7 000 (35%) ng kanilang badyet para sa pagkain. Naglalaan
naman sila ng Php 2 000 (10%) para sa kanilang ipon. Ang Php 4 000 (20%) ay
pambayad sa kuryente, tubig at internet. Ang Php 3 000 (15%) ang inilalaan para sa
baon ng kanilang anak. At Php 4 000 ay para sa iba pang pangangailangan ng
pamilya. Sapat naman ang kanilang buwanang badyet para matugunan ang
kanilang pangunahing pangangailangan.

Suriin

Gawain 1.3
Panuto: Mula sa binasang talata, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Ibatay ang sagot sa grap na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang na
nakalaan.

LINGGUHANG KITA NI MANG AGUSTIN (PASO)


5000
5000 4500
4000
4000 3500

3000 2500
2000
2000 1500

1000
0

1. Anong araw ang may pinakamalaking kita?____________________________


2. Anong araw ang may pinakamababang kita?____________________________
3. Magkano ang kabuuang kita ni Mang Agustin sa araw ng Biyernes at
Sabado?__________________
4. Magkano ang kita ni Mang Agustin sa araw ng Huwebes?__________________
5. Magkano ang kabuuang kita ni Mang Agustin sa isang linggo?______________
Pag-aralan natin:
Bar grap - Ito ay isang uri ng grap na gumagamit ng linya para maipakita ang
pagkakaugnay ng mga bagay o datos na pinaghahambing. Ipinapakita ng linya
kung paano nagbabago ang bilang, dami o sukat ng mga bagay o datos na
ipinapakita sa grap.

9
Pagyamanin

Gawin Natin!
Ating napag-aralan ang ukol sa Pie Grap.
Ang mga sumusunod na gawin ay susubok sa iyong kakayahan sa paksang
iyong pag-aaralan.

Gawain 2.4
Panuto: Pag-aralan ang mga pie grap sa ibaba. Sagutin ang sumusunod na
katanungan.

1. Anong impormasyon ang ipinapakita ng pie grap?___________


2. Ilang bahagdan sa kita ng mag-anak ang para sa edukasyon? _________
3. Aling pangangailangan ang may pinakamalaking bahagdan? _______________
4. Ilang ang kabuuang bahagdan ang para sa pag-iimpok at pananamit? _______
5. Aling pangangailangan ang may pinakamaliit na bahagdan? _________

Isaisip

Gawain 2.5
Panuto: Dahil nasagot mo nang wasto ang naihandang gawain, punan ng tamang
salita ang mga patlang
1.Ano ang grap?
Ang_______ ay pinakamabisang paraan sa biswal na representasyon.
2. Ano ang pie grap?
Ito ay gumagamit ng _______________na pinaghati-hati sa iba’t ibang bahagi
upang kumatawan sa kabuuan. Ang bawat hati nito ay kumakatawan sa bawat
bahagdan o porsyento ng mga datos.

10
Isagawa

Gawain 2.6
Panuto: Suriing mabuti ang mga datos sa pie grap at sagutin ang mga sumusunod
na katanungan.

Pie Grap- Mga Aktibidad sa Beach

Namasyal sa General Santos ang mga mag-aaral sa ikalimang baitang ng


Paaralang Elementarya ng San Felipe. Si Gng. Gumayao, ang kanilang guro, itinala
niya ang mga paboritong akitibidad ng mga bata. Pag-aralang mabuti ang mga
datos sa pie grap at sagutin ang mga sumusunod na mga katanugan.

1. Anong aktibitad ang di gaanong ginawa ng mga bata?__________________________


2. Ilang porsyento ng mga mag-aaral ang nasasagawa ng paglalangoy?____________
3. Ano ang mga aktibidad ang may magkaparehong porsyento?___________________
4. Anong aktibidad ang gustong gawin ng 21% na mga bata______________________
5. Anong aktibidad ang pinakagustong gawin ng mga bata?______________________

Tayahin

Gawain 2.7
Panuto: Suriing mabuti ang mga sumusunod na pie grap. Sagutin na mga
katanungan

KITA SA GULAYAN
BawangSibuyas
5% 5% Kalabasa
Kamote 15%
15% Talong
20%
Okra
Sitaw
25%
15%

11
1. Ano ang pinapakitang impormasyon sa grap?_______________________________
2. Anong gulay ang may pinakamalaking bahagdan sa kita?____________________
3. Ano-anong mga gulay ang may magkaparehang bahagdan sa kita?___________
4. Ilang uri ng gulay ang binenta?______________________________________________
5. Ilang bahagdan ang kinita sa talong?________________________________________

Karagdagang Gawain

Gawain 2.8
Panuto: Gumawa ng pie grap gamit ang sumusunod na impormasyon. Sagutin ang
mga sumusunod na mga katanungan.

Paboritong Isports na Panoorin sa Telebisyon

A. Basketball-40% C. Tennis-10% E. Volleyball-5%


B. Boxing-35% D. Billiards- 10%

1. Anong isports ang pinakapaboritong panoorin?_________________________________


2. Ilang porsyento ang nanonood ng boxing?______________________________________
3. Anong isports ang may pinakamaliit na porsyento ng mga nanonood?___________
4. Anong isports ang may 10% ang nanonood?____________________________________
5. Tungkol saan ang grap?________________________________________________________

12
Aralin

3 Talahanayan
Mabuhay! Maligayang pagdating sa isang panibagong paglalakbay sa ating
aralin. Sa leksiyong ito ay matututunan ang iba’t ibang bahagi ng pagtatala ng mga
datos o impormasyon.

Pagkatapos mong mapag-aralan ang leksiyong ito, ikaw ay inaasahang:


a. Nabibigyang-kahulugan ang talahanayan.
b. Nailalarawan ang datos sa loob ng talahanayan.
c. Naiisa-isa ang mga kasagutan batay sa talahanayan.

Balikan

Sa nakaraang aralin ay natutunan mo ang bilog na grap (circle o pie chart) na


gumagamit ng bilog na hugis na pinaghati hati sa ibat-ibang bahagi upang
kumatawan sa kabuuan. Ang bawat hati nito ay kumakatawan sa bawat bahagdan
ng mga datos.

Halina’t subukin natin ang iyong kaalaman.


Gawain 3.1
Panuto: Pag-aralan ang na pie o circle graph at pagkatapos ay sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.
Paghahati-hati ng allowance ni Alden

Si Alden ay estudyante sa isang pamantasan sa Maynila. Buwan-buwan ay


pinapadalhan siya ng kanyang ama ng ₱ 5,000.00 buhat Mindanao.
Mga tanong:
1. Ilang porsiyento ng allowance ni Alden ang kanyang nagastos sa matrikula?
______________________________________________________________________________
2. Saan nakalaan ang pinakamaliit na bahagi ng allowance ni Alden?
______________________________________________________________________________
3. Ilang porsiyento ang para sa pamasahe at meryenda?
______________________________________________________________________________

13
Tuklasin

Ngayon ay mag-uumpisa na ang ating paglalakbay. Sana’y magustuhan mo


ang mga gawain na aming ginawa para sa iyo.

Gawain 3.2
Panuto: Basahin at pag-aralan ang talata sa ibaba.
Ang mga mag-aaral sa ikalimang baitang ng Jose P. Lim Jr. Elementary School
ay nagbebenta ng sorbetes upang makapag-ipon para sa kanilang taunang lakbay-
aral. Narito ang kanilang naibenta sa loob ng limang araw.

Benta ng Sorbetes ng Jose P. Lim Jr. Elementary School

Lasa ng sorbetes Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes


Ube 100 112 98 70 85
Mangga 73 89 40 69 33
Durian 20 35 22 17 50
Keso 50 20 69 31 70
Tsokolate 124 100 90 76 80
Kabuuan 367 356 319 263 318
Gawain 3.3
Panuto: Mula sa binasang talata, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Ibatay ang sagot sa talahanayan na nasa itaas. Isulat ang sagot sa
patlang na nakalaan.

1. Anong araw ang may pinakamalaking kita?____________________________________


2. Anong araw ang may pinakamababang kita?___________________________________
3. Magkano ang kita ng mga mag-aaral sa araw ng Huwebes at Biyernes?__________
4. Magkano lahat ang kabuuang kita ng mag-aaral sa unang dalawang araw?
_________________________
5. Magkano ang kabuuang kita ng mga mag-aaral sa limang araw?_______________

Suriin

Ano ang talahanayan (table)?


- Ang talahanayan ay naglalahad ng datos sa tabular na anyo.
Sistematikong inilalagay sa mga hanay o kolum ang mga nalikom na
datos.
Narito ang mga dapat isaisip sa paggawa ng talahanayan?
- ang impormasyong nais ipahatid
- mga bilang ng kolum
- pamagat o heding ng bawat
- mga datos sa bawat kolum

14
Pagyamanin

Gawin Natin!
Ngayon, ito na ang tamang oras upang sanayin ang iyong kakayahan at pang-unawa
sa ating paksa.

Gawain 3.4
Panuto: Pag-aralan ang talahanayan sa ibaba. Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.
Talahanayan ng mga batang gustong magtanim ng gulay sa Baitang V
Baitang 5
Mga Gulay Kabuuan
Lalaki Babae
Talong 6 2 8
Kamatis 3 4 7
Okra 11 1 12
Ampalaya 7 3 10
Kalabasa 1 4 5
Kabuuan 28 14 42
1. Tungkol saan ang talahanayan? _______________________________
2. Ilang batang lalaki ang gustong magtanim ng talong?____________________
3. Ilang batang babae ang gustong magtanim ng kalabasa?_______________________
4. Ilan lahat ang kabuuan bilang ng mga batang lalaki na gustong magtanim ng
gulay?____________________
5. Ilan lahat ang kabuuang bilang ng mga batang babae na gustong magtanim ng
gulay?_____________________

Isaisip

Magaling! Ngayon marami ka nang natutunan simula sa umpisa ng ating


aralin, ito na ang tamang oras upang subukin ang iyong kakayahan.
Gawain 3.5
Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa
patlang na nakalaan.

________1. Ito ay naglalahad ng datos sa tabular na anyo at sistematikong nilalagay


sa mga hanay o kolum ang mga nalikom na datos?
A. pie grap C. talahanayan
B. bar grap D. line grap
________2. Narito ang mga dapat tandaan sa paggawa ng talahanayan, maliban sa
isa?
A. pamagat ng kabuuan ng talahanayan C. paglalagay ng larawan
B. mga datos sa bawat kolum D. paglalagay ng larawan

15
Datos ng COVID-19 sa Bansa ayon sa Department of Health (DOH), Hunyo 9,
2020

Kabuuang Bilang
Positibo sa Mga Namatay Mga Gumaling sa
ng COVID-19
COVID- 19 dahil sa COVID-19 COVID-19
Cases sa Bansa
17, 239 1, 017 4, 736 222, 992

________3. Sa datos na ibinigay ng DOH, ilan ang kabuuang bilang ng mga


gumaling na sa COVID-19?
________4. Sa datos na ibinigay ng DOH, ilan ang bilang ng mga nagpositibo sa
COVID-19 sa bansa?
________5. Ilan ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sa COVID-19?

Isagawa

Natukoy mong mabuti ang paglalahat. Marahil handa ka nang ilapat ang
iyong natutunan sa pamamagitan ng paglalapat ng iyong natutunan.
Gawain 3.6
Panuto: Ang sumusunod ay talaan ng mga miyembro ng JPLES Sports Club.
Gamit ang talahanayan sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Isulat ang tamang sagot sa patlang sa ibaba.

Paboritong Laro

Pangalan ng Laro Bilang ng mga mag-aaral


Badminton 20
Basketball 35
Volleyball 18
Taekwondo 15
Baseball 24

1. Tungkol saan ang talahanayan?_________________________


2. Anong laro ang may pinakamaraming bilang?__________________________
3. Ilang mag-aaral ang may paborito ng larong volleyball?_______________
4. Ilang mag-aaral ang may paboritong larong na baseball?_________________
5. Anong laro ang may pinakamaliit na bilang?_____________________

16
Tayahin

Gawain 3.7
Panuto: Gumawa ng talahanayan batay sa mga datos na ibinigay at sagutin ang
mga katanungan sa ibaba.

Isa sa maagang gumising para mamalengke ay si Aling Gemma dahil sa siya


ay may dalawang anak na nag-aaral sa kolehiyo at isa pang nasa sekondarya. Maaga
pa lamang ay kailangan na niyang makapaghanda ng pagkain dahil nasanay na ang
mga anak na bukod sa baong pera ay may baon pang pagkain.

Narito ang mga presyo ng gulay sa palengke.

1. Bawang ₱ 110.00
2. Talong ₱ 40.00
3. Ampalaya ₱ 70.00
4. Repolyo ₱150.00
5. Kamatis ₱ 40.00

Karagdagang Gawain

Gawain 3.8
Panuto: Gamit ang iyong natutunan sa araling ito, gumawa ng talahanayan ng
mga gawaing bahay na iyong ginagawa sa loob ng isang linggo. Isulat ang
iyong sagot sa nakalaang kahon.

Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang araling ito.

17
Aralin

4 Line Grap at Piktograp


Nasubukan mo na bang magtala ng mga datos gamit ang mga linya at
larawan? Madali lamang ito. Sa module na ito ay iyong matututunan mo ang mga
iba pang paraan ng pagtatala.

Pagkatapos ng mong mapag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaasahang:


a. Nabibigyang-kahulugan ang line grap at piktograp.
b. Nailalarawan ang mga datos sa loob ng line grap at piktograp.

Balikan

Bago tayo tumungo sa panibagong aralin, atin munang balikan ang


nakaraang leksiyon.

Halina’t subukin natin ang iyong kaalaman.

Gawain 4.1
Panuto: Basahin at sagutin ang tanong. Isulat ang iyong sagot sa patlang na
nakalaan.

Ano ang talahanayan (table)?

Ang talahanayan ay naglalahad ng datos sa tabular na anyo. Sistematikong


inilalagay sa mga hanay o kolum ang mga nalikom na datos.
Ano-ano ang mga dapat isaisip sa paggawa ng talahanayan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Tuklasin

Kumusta ka na? Sa ating pagpapatuloy nawa’y matuwa ka sa mga kaalamang


ating didiskubrihin sa modyol na ito.

18
Gawain 4.2
Taon Ani ng Pamilya Francisco

2011

2010

2009

2008

2007
Panuto: Pag-aralan ang mga datos at impormasyon sa ibaba at sagutin ang mga
katanungan.
Ani ng Pamilya Reyes sa Dalawang Ektaryang Palayan sa Loob ng Limang Taon

= 2 sako ng bigas
1. Anong taon nakaani ng 80 na sakong bigas ang pamilya
Reyes?________________________
2. Ilang sakong bigas ang naani ng pamilya Reyes sa taong
2008?_________________________
3. Anong taon ang may pinakamalaking ani?___________________________
4. Anong taon ang may pinakamaliit na ani?_____________________ ______
5. Ilang sakong bigas ang kabuuang inani ng pamilya Reyes sa loob ng limang
taon?______________________

Suriin

Kanina lang ay nasagot mo ang iba’t ibang katanungan hinggil sa mga datos
at impormasyong ipinakita sa mga ilustrasyon. Ngayon naman ay ating tatalakayin
ang mga ito.

Ano ang iba pang talaan na maaaring magamit sa pag-iinterpret ng mga datos o
impormasyon?

1. Talangguhit o line grap


- Ito ay isang uri ng grap na gumagamit ng linya para maipakita ang
pagkakaugnay ng mga bagay o datos na pinaghahambing.

19
Ipinapakita ng linya kung paano nagbabago ang bilang, dami o
sukat ng mga bagay o datos na ipinapakita sa grap.

Halimbawa Talangguhit o line grap


TIMBANG NI PRYCE SA LOOB NG APAT
NA BUWAN
KILO

27 30 35
20

NOBYEMBRE DISYEMBRE ENERO PEBRERO

2. Grap na palarawan (piktograp)


- Ito ay isang uri ng grap na gumagamit ng mga larawan at mga simbolo
upang maipakita o mailarawan ang mga datos.

BUWANANG KONSUMO NG KURYENTE NG PAMILYA GUMAYAO SA TAONG


2019

BUWAN BAWAT TALA - = 25 KILOWATT


ENERO
PEB
MAR
ABR
MAY
HUN
HUL
AGOS
SET
OKT
NOB
DIS

Pagyamanin

Ngayon, ito na ang tamang oras upang sanayin ang iyong kakayahan at
subukin ang iyong natutunan sa araling ito.

Gawain 4. 3
Panuto: Ipakita ang datos at impormasyon gamit ang Talangguhit o Line graph
(limang puntos).
Talaan ng Mag-aaral sa Loob ng Limang Buwan
26 na mag-aaral sa buwan ng Setyembre
37 na mag-aaral na regular pumapasok sa buwan ng Oktubre
33 na mag-aaral na regular na pumapasok sa buwan ng Nobyembre

20
38 na mag-aaral na regular na pumapasok sa buwan ng Disyembre
34 na mag-aaral na regular na pumapasok sa buwan ng Enero

Isaisip

Gawain 4.4
Panuto: Iguhit ang tatsulok ( ) kung ang pahayag ay tama o totoo at parisukat
( ) kung ang pangungusap ay mali.
__________1. Gumagamit ng bilog na hugis ang piktograp upang magbigay ng visual
na konsepto ng mga datos.
__________2. Ang line grap ay isang uri ng grap na gumagamit ng linya upang
maipakita ang pagkakaugnay ng mga bagay o datos napinaghahambing.
__________3. Sa paggawa ng grap, dapat ay hindi sigurado ang mga datos na
gagamitin.
__________4. Ang larawan sa piktograp ay nakatulong upang mas malinaw ang
__________5. Sa paggawa ng grap dapat ay detalyado at tama ng mga impormasyon.

Isagawa

Gawain 1.7
Panuto: Iguhit ang bar grap gamit ang mga datos sa ibaba.
Si Mang Gorio ay may tindahan. Nais niyang malaman ang kaniyang kita sa loob ng
isang lingo
Linggo Huwebes-3,256.00
Lunes-678.00 Biyernes-642.00
Martes-1,235.00 Sabado-764.00
Miyerkules-2,789.00

Tayahin

Gawain 1.7
Panuto: Kilalanin ang bar grap at pag –aralan ang mg gamit nito. Sagutin ang
sumusunod na katanungan sa ibaba.
Buwanang Konsumo ng Kuryente ng Pamilyani Aling Elena sa Taong
2019
500 300
200 250 200 250 200 200
150 150 125 100 95
0
ENE PEB MAR ABR MAY HUN HUL AGOS SET OKT NOB DIS
1. Ang grap na nasa itaas ay tinatawag na _________.
2. Tungkol saan ang grap? __________________________________________________
3. Ang konsumo sa kuryente ng pamilya ni Aling Elena noong Pebrero ay _________

21
4. Ang pinakamababang konsumo ay 95 kwh noong buwan ng ____________.
5. Ang pinakamataas na konsumo ay ____________ kwh noong buwan ng Mayo.

Karagdagang Gawain

Gawain 4.7
Panuto: Narito ang mga datos ng ananing kamatis ni Bryan. Ipakita ang iyong
interpretasyon gamit ang line grap.

Lunes - 8 Martes - 12 Miyerkules Huwebes - Biyernes -


kilo kilo - 5 kilo 10 kilo 15 kilo
Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang araling ito.

Panapos na Pagtataya (Post Test)


A. Panuto: Pag-aralan ang ‘‘Grap ng populasyon ng Pilipinas” mula 1903-2000.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan, ipahayag ito sa milyon.
100
Populasyon
Bilang ng

0
1903 1918 1939 1948 1960 1970 1975 1990 1995 2000

Taon
1. Anong taon ang may pinakamalaking populasyon? ____________________________
2. Sa anong taon ang may pinakamaliit populasyon?_____________________________
3. Sa anong taon nagsimula ang taunang pag-uulat ng populasyon ng Pilipinas
batay sa grap? _____________________________
4. Sa anong taon naman ito nagtapos? _________________________________________
5. Ilan ang populasyon ng Pilipinas noong 1990. ________________________________

Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan isulat sa patlang kung anong
uri ng grap ito.

1. _____________________ 2. ________________

3. ______________________ 4. _________________

5. ______________________

22
23
ARALIN 4 ARALIN 1
Gawain 4.1Tuklasin Gawain 1.1 Subukin (Pre-
1. 2007 Test)
2. 200 sako 1. bar grap
3. 2011 2. line grap
4. 2007 3. pie grap
5. 760 sako 4. piktograp
Gawain 4.3 Isaisip 5. talahanayan
Gawain 1.2
1. 1. line grap
2. bar grap
2. 3. talahanayan
4. pie grap
3. 5. piktograp
4. Gawain 1.3 Suriin
1. sabado
5. 2. Lunes, Martes
3. 9, 500
4. 23, 000.00
Gawain 1.4 Pagyamanin
1. timbang ni Pryce
2. 5 kilos
ARALIN 3 3. 20 kilos
Gawain 3.1 Balikan 4. Miyerkules
1. 62% 5. Biyernes
2. Gamit sa paaralan Gawain 1.5 Isagawa
3. 10% 1. Maaring magkakaiba ang
Gawain 3. 2 Tuklasin Gawain 2.4 Tayahin sagot
1. Lunes 1. Kita sa Gulayan 2. Gawain 1.6 Tayahin
2. Huwebes 2. okra 1. line grap
3. 581 3. bawang at sibuyas 2. kunsumo ng kuryente
4. 723 4. pito 3. 200 kilowatt
5. 1, 523 5. 20% 4.Nobyembre
Gawain 3.3 Pagyamanin Gawain 2.5 Karagdagang 5. 300 kilowatt
1. Talahanayan ng mga Gawain Gawain 1.5 Karagdagang
batang gustong magtanin ng 1. basketball Gawain
gulay sa baitang 5 2. 35% Maaring magkakaiba ang
2. 6 3. volleyball sagot
3. 4 4. tennis at billiards A. 10
4. 28 5. Paboritong isports na B. Ikalawang Linggo
5. 14 panoorin sa telebisyon C. 55
Gawain 3.4 Isaisip D. 91
1. C Abril
2. D
3. 4, 736
4. 12, 239
5. 222, 992
Gawain 3.5 Isagawa
1. Basketball
2. Paboritong laro
3. 18
4. Taekwondo
5. 24
Susi ng Pagwawasto
24
Gawain 4.4 Isagawa Mo
1. talangguhit o line grap
2. 7
3. 600
4. krayola
5. 10
Gawain 4.5 Tayahin
1. matematika
2. Liza
3. Hulyo-85, Agosto-87, Setyembre-90, Oktubre-90, Nobyembre-
92, Disyembre-95
4. Hulyo
5. Disyembre
Gawain 4.6 Karagdagang Gawain
Maaring mgakakaiba ang sagot
Panapos na Pagtataya (Post Test)
A.
Post Test B
Bilang ng Mag-anak sa 3 Barangay sa Bayan ng Tantangan
Barangay Bukay Pait =
Barangay Dumadalig =
Barangay Magon =
= 10 mag-anak
Sanggunian
Mga aklat:

- Lalunio, L., Ril, F. and Villafuerte, P., 1999. Hiyas Sa Pagbasa. . Quezon City,
Philippines: LG&M Corporation, pp.215-217.

- Agarrado, Patricia Jo, Maricar Francia, and Genaro Gojo Cruz. Alab Filipino 5.
Reprint, Quezon City, Philippines: Vibal Group, Inc, 2016.

Website:

https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV.

https://www.google.com/search?q=gawaing+bahay&tbm=isch&ved=2ahUKEwjCxb
DgvPfpAhUIBpQKHX6NAokQ2-
cCegQIABAA&oq=gawaing+bahay&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBAgAEB4yBAgAEB
4yBAgAEB4yBAgAEB4yBAgAEB4yBAgAEB4yBAgAEB4yBAgAEB4yBAgAEB46BQgA
ELEDOgQIABBDUJHdd1im9Xdg3_d3aABwAHgAgAGqAogBxRWSAQUwLjYuN5gBA
KABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=Y_DgXoKIJoiM0AT-
morICA&bih=561&biw=1280&hl=fil#imgrc=V3PQZCicNvCYeM.

https://www.google.com/search?q=palay+clipart&tbm=isch&tbs=rimg:Ca4Zt3NK0
FD1IgiuGbdzStBQ9SoSCa4Zt3NK0FD1EZGdCdZzvbDBYZGdCdZzvbDB&tbo=u&ve
d=2ahUKEwjl_5mvlPnpAhWyyYsBHZHkDsgQiRx6BAgBEAw&ictx=1&uact=3#imgrc
=TzsxizkH7u2oWM

https://www.google.com/search?q=bahay+kubo+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKE
wir8bXqqPnpAhXaxIsBHba3CIMQ2-
cCegQIABAA&oq=bahay+kubo+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBggAEAcQHjI
ECAAQHjIGCAAQBRAeMgYIABAIEB46CAgAEAcQBRAeOggIABAIEAcQHlDwqAJY2b
4CYJzBAmgAcAB4AIABuAiIAfgQkgEJMi0zLjEuNy0xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1p
bWc&sclient=img&ei=7-fhXuu9G9qJr7wPtu-
imAg&bih=610&biw=1280#imgrc=rbFkPrxhYUgVpM.

https://www.google.com/search?q=crayons+clipart&sxsrf=ALeKk00RA7O7U0qkLSl
sfYNr6Sr45iYLQ:1591879774384&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjz
oij5vnpAhULE6YKHbPFAIgQ_AUoAXoECAsQAw&biw=1280&bih=610#imgrc=IcKvZ-
w3k9LwQM.

https://lrmds.deped.gov.ph/detail/7201.

https://study-everything.blogspot.com/2014/06/pagbibigay-interpretasyon-sa-
mapa-tsart.html.

https://www.slideshare.net/chellolinetebangin/pagpapakahulugan-sa-mga-grafik-
na-pantulong-copy.

https://www.slideshare.net/chellolinetebangin/pagpapakahulugan-sa-mga-grafik-
na-pantulong-copy.

25
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok
ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like