You are on page 1of 3

QUARTER I ESP 10

INTERVENTION ACTIVITY
EDUKASYON SA PAGPAPAKATO 10 (GOLD & DIAMOND)

NAME: ____________________________________ GRADE/SECTION: _________________ SCORE:


________

MELC’s: Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay INTERVENTION ACTIVITY:


ginagamit para lamang sa paghahanap ng
katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal.

Inihanda Ni: MAR CHRISTIAN D. NICOLAS Iwinasto Ni: JERRY R. POBRE JR., LPT
Subject Teacher Assitant Principal

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATO 9 (PEARL & RUBY)

400457.nissai@gmail.com www.nissai1.wixsite.com/abantenissai Page | 1


09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) www.facebook.com /NISSAI400457
QUARTER I ESP 10

REVIEWER
Ano ang LIPUNAN?
- Nagmula sa salitang ugat na “lipon” na nangangahulugang pangkat.
- Ang mga tao ay mayroong kinabibilangang pangkat na mayroong isang tungkulin o layunin.
- Kolektibo ang pagtingin ng bawat kasapi nito ngunit hindi naman nito binubura ang indibidwal o pagiging katangi-tangi ng mga
kasapi.

Ano naman ang KOMUNIDAD?


- Ang salitang komunidad ay galing sa salitang latin na communis na nangangahulugang common o nagkakapareho.
Ang isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali o pagpapahalaga na bahagi ng isang
partikular na lugar.

Ano ang kabutihang panlahat?


- Ito ay ang kabutihan para sa bawat isang indibidwal na nasa lipunan.
- Ito ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng lipunan.
- Tumutukoy sa kabutihang naaayon sa moralidad ng tao, sa likas na batas moral.

Mga hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat.


- Pagiging makasarili. Ang ugaling ito ay maihahalintulad sa gawain ng isang linta na ang layunin lamang ay sumisip ng dugo
ng iba upang siya ay magpakasasa. Tinatanggihan ng isang taong may ganitong ugali ang bahaging dapat niyang gampanan
upang makapag-ambag sa pagkamit ng kabutihang para sa lahat.
- Pag-iral ng indibidwalismo. Ang paggawa ng tao ng kanyang personal na naisin. Sa pakiramdam niya, hindi niya kailangan
ang kanyang kapwa sapagkat nais niyang maging malaya at siya lamang ang magmamaniobra sa sarili niyang buhay.
- Pagkakaroon ng mataas na pagtingin sa sarili. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag
niaya kaysa sa nagagawa ng iba.
-
Ano ang Kultura?
- Kultura ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan .
- Ito ang tradisyon, nakasanayan, mga pamamaraan ng pagpapasiya, at mga hangarin na kanilang pinagbabahaginan sa paglipas
ng panahon. Gabay ang mga tradisyong ito sa mga hamon sa kinabukasan.

Pampolitika ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang mga bawat isa ay malayang magkaroon ng
maayos na pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin sabay ang kabutihang panlahat. Ang pamahalaan ang nangunguna sa
gawaing ito.

Sa Prinsipyo ng Pagkakaisa, tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at ng pamahalaan ang magtayo ng mga
akmang estruktura upang makapagtulungan ang mga mamamayan. Mailalagay sa ganitong balangkas ang Prinsipyo ng
Pagkakaisa: “May kailangan kang gawing hindi mo kayang gawing mag-isa, tungkulin ko ngayong tulungan ka sa abot ng makakaya ko.
Ako naman ay may kailangang gawin nang mag-isa, tungkulin mo ngayon na tulungan ako sa abot ng makakaya mo”. Tungkulin
nating magtulungan tungo sa pag-unlad ng ating lipunan.

Ang lipunang pampolitika ay isang ugnayang nakaangkla sa pananagutan- ang pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang
nabubuong kasaysayan ng pamayanan. Iginagawad sa kanila ng buong pamayanan ang tiwala na pangunahan ang grupo — ang
pangunguna sa pupuntahan, ang paglingap sa pangangailangan ng bawat kasapi, ang pangangasiwa sa pagsasama ng
grupo. Kasama nito ang pananagutan ng mga kasapi sa lipunan na maging mabuting kasapi sa lipunan. Kung hindi
tutuparin ng mga kasapi ang kanilang papel, kung hindi sila makikisali sa pag-iisip at pagpapasya, kung hindi sila makikilahok sa mga
komyunal na gawain, kung hindi sila magiging maigi sa kanilang mgapaghahanap-buhay, hindi rin tatakbo ang pamahalaan at lipunan.
Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng pag-aambag ng talino at lakas ng mga
kasapi sa kabuuang pag-sisikap ng lipunan.

Lipunang Sibil
Ang kusang-loob na pag-organisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa’t isa ang tinatawag
nating lipunang sibil. Hindi ito isinusulong ng mga politiko na ang interes lamang ay ang pananatili sa kapangyarihan. Hindi
rin ito isinusulong ng mga negosyante na ang interes lamang ay ang pananatili ng kita. Sa halip, ito ay ibinubunsod ng
pagnanais ng mga mamamayan na matugunan ang kanilang mga pangangailangan na bigong tugunan ng pamahalaan at
kalakalan (business). Ang lipunang sibil ay nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang nagtataguyod, kung kayâ nagkakaroon
ng likas kayang pag-unlad (sustainable development) na hindi tulad ng minadali at pansamantalang solusyon ng pamahalaan at
kalakalan.

MGA INSTITUSYON SA LIPUNAN

400457.nissai@gmail.com www.nissai1.wixsite.com/abantenissai Page | 2


09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) www.facebook.com /NISSAI400457
QUARTER I ESP 10

- Nagunguna sa mga institusyong ito ang pamilya. Hindi maisasantabi ang mahalagang papel ng pamilya tungo sa
paghubog ng kaganapan ng bawat indibidwal sapagkat ang pamilya ang una at ang likas na tagapagturo ng mga
moral at espiritwal na pagpapahalaga. Nakikita ang bunga nito sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa sa loob ng
lipunang kinabibilangan niya. Sa pamamagitan naman ng bawat pagtugon ng bawat kasapi ng pamilya sa kaniyang mga
pangangailangan, nalilinang ang kaniyang potensiyal, kakayahan, at pagpapahalaga sa buhay.
- Kasunod ng pamilya ang simbahan. Ito ay isang institusyon na ang pangunahing layunin ay hubugin at patibayin ang
pananampalataya ng mga tao. Sa pamamagitan ng simbahan, naihahatid ang magandang balita sa mga tao at naimumulat
sila sa kanilang misyon na ibahagi ang magandang balitang ito sa kapwa at maging mabuting halimbawa sa lahat. Ang
simbahan din ang nagpapalalim at nagpapalakas ng pananalig ng mga tao sa Maykapal lalo na sa oras ng hirap at
pighati. Ito ang nagpapaalala sa bawat isa na ang Diyos ay lagging nariyan at gumagabay, sumasaklolo,
pumoprotekta, at nagbibigay ng likas na kalinga.
- Ang media ang isa sa mga institusyong may pinakamalakas na impluwensiya sa lipunan at sa buong mundo. Kaagapay
ito sa pagtahak ng patutunguhan hindi lamang sa tulong ng impormasyong inihahatid nito, kundi maging sa malaking
impluwensiya nito sa ekonomiya, nakatutulong din ang media sa pagpapalaganap ng mga impormasyon na ipinaliliwanag kung
paano mapabubuti at mapagaganda ng mga mamamayan ng lipunan ang kanilang mga pag-araw-araw na pamumuhay,
pamimili, pananamit, pagkain, at iba pa.

Inihanda Ni: MAR CHRISTIAN D. NICOLAS Iwinasto Ni: JERRY R. POBRE JR., LPT
Subject Teacher Assitant Principal

400457.nissai@gmail.com www.nissai1.wixsite.com/abantenissai Page | 3


09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) www.facebook.com /NISSAI400457

You might also like