You are on page 1of 1

CIT Colleges of Paniqui Foundation, Inc.

Burgos Street, Poblacion Norte, Paniqui, 2307, Tarlac


First Semester SY 2022 – 2023

Name: Valdez, Lea M. Subject: MAJOR 8


Year & Section: BSED II-A

ACTIVITY #1: TEORYANG PANGWIKA


Pumili ng isang teoryang pinaniniwalaan kung saan nagmula ang wika. Ipaliwanag ang iyong
sagot.

Maliban sa Teoryang Panrelihiyon, ang isang teoryang pinaniniwalaan ko kung saan


nagmula ang wika ay ang Teoryang Sayantifik kung saan nakapaloob dito ang Teoryang Ding-
Dong. Sa Teoryang Ding-Dong, ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng unang tunog na
ating maririnig sa paligid o sa kalikasan. Maaring ito ay mula sa, langitngit ng kawayan, ragasa o
paghampas ng tubig mula sa karagatan o ilog, tunog ng malakas ng hangin, kiskisan ng mga
dahoon at marami pang iba. Sa Teoryang ito maaari rin ang mga bagay na ginagawa ng tao.
Mas pinaniniwalaan ko ito, sapagkat noong unang panahon ay mababa pa lamang ang
kalidad ng pag-iisip ng tao kaya’t bumabase pa lamang sila sa mga tunog na likha ng kapaligiran,
kalikasan o maging ang mga bagay na ginagawa ng tao. Masasabi natin ang lahat ng bagay ay
may kanya-kanyang tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at nagsisilbing wika ng mga
sianunang tao. Kagaya nalang ng tunog na “boom” kung saan nangangahulugan sa kanila itong
pagsabog, maiintindihan agad nila ang nais ipakahulugan ng tunog na iyon. Ang panggagaya sa
mga tunog na kanilang naririnig mula sa kalikasan at mga bagay na ginagawa ng tao ay ang
naging midyum nila sa kanilang wika upang maintindihan nila ang bawat isa.

You might also like