You are on page 1of 2

Pang – abay

*Ang Pang-abay ay bahagi ng panalitang nagbibigay – turing sa Pandiwa, Pang- uri, at kapwa Pang abay.

Mga uri ng Pang – abay

1.Pamaraan – Nagsasaad kung paano ginawa,ginagawa ,o gagawin ang kilos.

2.Pamanahon-Nagsasaad kung kailan ginawa, gianagawa, o gagawin ang kilos

- Ang pang abay na pamanahon ay maaring matukoy sa paggamit ng mga pananda gaya ng
noon, hanngang, nang, s amula, kung buhat, at umpisa.

3.Panlunan- Nagsasaad kung saan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos.

Pang Ukol

*Ito ay ginagamit upang matukoy kung sang lunan o kung anong bagay ang mula o tungo, ang
kinaroroonan, ang pinangyarihan o kina- uukulan ng isang kilos, gawa , balak ari o layon. Ang mga ito ay
laging may layon na maaaring isang pangngalan o isang panghalip.

Ilan sa mga pang ukol ang kadalasang ginagamit sa pangungusap ay (sa, ng, nina, ni, kina, ayon sa, ukol
sa, para sa, kay).

Pang Ugnay

*Giangamit ang pang ugnay sa pagsisimula ng mga pangyayari hanggang sa pagwawakas ng


pagsasalaysay.

Tatlong uri ng Pang Ugnay:

*Pang Angkop – Ginagamit sa pag ugnay ng dalawang salita.

*Pang Ukol – Mga salitang nag uugnay o dumudugtong sa pangalan, panghalip, at iba pang mga salita sa
pangungusap.

*Pangatnig – ito ay mga salita na nag uugnay ng isang kaisipan o ideya sa isa pang kaisapan o ideya.
Padamdam

Ito ay nagsasaad ng matinding damdamin tulad ng takot, tuwa, sakit, galit at iba pa

Halimbawa;

Aray! Ang sakit

Tamang bantas o mga simbolo na tumutulong sa tama at wastong pagkakaintindi ng mga teksto

Kabilang sa mga bantas ang sumusnod.

*Tuldok (.) – ito ay ginagamit sa pananda

Halimbawa;

Si Kylene ay isang Magandang binibini.

*Tandang pananong (?) - ito ay ginagamit sa pangungusap na patanong

Halimbawa;

Ano ang paborito mong ulam?

*Tandang padamdam (!) - Ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad
ng matindi o masidhing damdamin.

Halimbawa:

Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos.

Aray! Naapakan mo ang paa ko.

Kuwit (,) – ito ay ginagamit sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkaka
uri

Halimbawa:

Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang – kahoy.

Shana, saan ka nag aaral ngayon?

You might also like