You are on page 1of 16

3 Filipino

Ikaapat na Markahan – Modyul 9:


Natutukoy ang kahulugan ng mga
Tambalang Salita na nananatili
ang kahulugan
BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL
Manunulat
ANALYN M. CALANGIAN
Guro III

JUDITH V. CARON
Guro I
JENNYLYN R. MEJIA
Guro III

WELA S. DIMALANTA
Guro III

Mga Patnugot

CHARLIE G. MALICDEM ALICE A. DE VERA


Dalubguro II Dalubguro II

MARY JANE F. GONZALES RAQUEL R. SALAYOG


Dalubguro II Dalubguro II

HELEN M. AÑASCO, JENNY M. MATABANG,


Dalubguro I Dalubguro I

Tagaguhit

JULHANNA AJ M. CALANGIAN
Mag-aaral sa Beleng Elementary School

Layout Artist
JASMIN C. JUNIO
Guro III
Mga Tagapamahala

MELCHORA N. VIDUYA, EdD


Edukasyong Tagamasid – I sa Filipino

ANGELITA V. MUÑOZ, EdD


Tagamasid Pampurok ng Bayambang I

RAQUEL C. MARLANG,
Ulong Guro III sa Filipino

SHIRLEY C. GONZALES, LPT


Guro II
Pandistritong Tagapag-ugnay sa Filipino, Bayambang I

ii
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang magaaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Subukin Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

iii
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
Pagyamanin ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
Isagawa o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.
iv
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang “Sanggunian” Ito ang talaan ng
lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.

2. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.

3. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

4. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.

5. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

6. Obserbahan ang katapatan sa pagsasagawa ng mga gawain at sa

pagwawasto ng mga kasagutan.

7. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

8. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Magandang araw sa iyo!

Malugod kitang binabati dahil tagumpay mong nasagot ang naunang gawain.

Sa modyul na ito, matutukoy mo ang kahulugan ng mga tambalang salita na

nananatili ang kahulugan.

May mga gawain na inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong kaalaman

tungkol dito.

Pagkatapos basahin ang modyul na ito, inaasahang ang mga mag aaral ay:

 Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita na nananatili ang

kahulugan.

(F3PT-IIIc-i-3.1)

(F3PT-IVd-h-3.2)

(F3PT-IVd-h-3.2)

1
Aralin Natutukoy ang Kahulugan ng mga

1
Tambalang Salita na Nananatili ang
Kahulugan

Subukin

Bago ka magpatuloy sa iyong aralin, sagutin mo muna ito.

Pagsamahin ang mga salita upang makabuo ng tambalang salita. Isulat sa papel
ang limang nabuong bagong salita.

agaw nakaw gabi

hating hawak sulong kamay

urong pansin tingin

2
Aralin 1: Mga Tambalang Salita

Balikan

Hanapin sa Hanay B ang katawagan ng mga larawan sa Hanay A. Isulat ang


letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

A B

_____1. Hawak-kamay A.

_____2. Nakaw tingin B.

_____3. Kapitbahay C.

______4. Punong-kahoy D.
...

E.
______5. Hating - gabi

3
Tuklasin

Basahin at unawain ang kwento.

Si Maria at si Juana

Isang araw nagpunta sa bukid ang magkapatid na si Maria at si Juana. Sa

kalagitnaan ng kanilang paglalakad nakita nila ang bahaykubo na may maraming

tanim sa paligid nito. Agaw-pansin ang iba’t ibang uri ng gulay at naggagandahang

halaman na namumulaklak. Hawak-kamay silang nagtungo rito at napag-alaman

nilang pagmamay-ari ito ng kanilang kapitbahay. Sila ay pinaunlakang mamasyal sa

paligid nito at binigyan pa sila ng sariwang gulay. Lubos ang kasiyahan ng magkapatid

nang sila ay pauwi.

4
Suriin

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa


kwaderno.

1. Sino ang dalawang magkapatid?

a. Si Ana at Juana
b. Si Maria at Juana
c. Si Sandra at Lara
d. Si Tina at Lina

2.Ano ang nakita nila habang sila ay naglalakad papuntang bukid?

a. Palayan
b. Ilog
c. Maisan
d. Bahay-kubo na may maraming pananim

3. Kanino ang bahay-kubo?

a. Sa kanilang kapitbahay
b. Sa kanilang lolo at lola
c. Sa kanilang magulang
d. Sa kanilang kapitan

4. Natuwa ba ang magkapatid sa kanilang nakita sa bukid?

a. Opo b. Marahil c. Hindi po

5. Sa palagay mo, anong katangian mayroon ang kanilang kapitbahay?

a. Masipag at mapagbigay
b. Maramot at masungit
c. Tamad at matapang
d. Mapagmalaki at tamad

5
Pagtalakay sa Aralin

Ang tambalang salita ay binubuo ng dalawang salitang


magkaiba na pinagtambal.

May mga tambalang salita na nananatili ang taglay na kahulugan ng dalawang


salitang pinagtambal.

Halimbawa

hawak-kamay - magkahawak ang kamay ng


dalawang tao
urong-sulong - di-sigurado sa hakbang
bahaykubo - bahay na gawa sa kawayan at nipa
silid-aralan -silid ng paaralan
kapitbahay - kalapit na bahay
hating-gabi - kalagitnaan ng gabi
nakaw tingin - hindi diretsong pagsulyap
kapitbisig - magkakapit ang mga bisig
silid-tulugan -bahagi ng bahay na tinutulugan

Samantala may mga tambalang salita na nawawala ang sariling kahulugan


kapag pinagtambal at nagkakaroon ng panibagong kahulugan

Halimbawa

balat-sibuyas – iyakin
dalagang-bukid – uri ng isda
sirang-plaka – paulit-ulit ang salita
lakad-pagong – mabagal lumakad
hampas-lupa – mahirap
ningas-kugon – mabuti lang sa umpisa

6
Pagyamanin

Buuin ang tambalang salita. Gamitin bilang gabay ang ibinigay na kahulugan at
ang mga salita sa loob ng kahon. Isulat sa Papel ang inyong sagot.

1. Dalawang kamay na magkahawak

2. Hindi sigurado sa gagawin.


Nag aalanganin ng pasya

3. Taong nakatira sa katabi o sa kalapit bahay

4. Katutubong bahay na gawa sa kawayan


O sa dahon ng nipa

5. Hindi diretsong pagsulyap

Isaisip

ABALMATGN A I S T A L

_T_ __ __ __ __ __ __ __ __ _S_ __ __ __ __ __

Ito ang tawag sa dalawang payak na salitang pinagsama upang makabuo

ng bagong salita

7
Isagawa

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Hanapin ang ginamit na

tambalang salita at guhitan ito.

1. Hatinggabi na nang siya ay nakatulog.

2. Ang mga tao ay taos-pusong nagdarasal sa Poong Maykapal.

3. Sila ay urong-sulong dahil hindi nila alam kung saan sila papunta.

4. Kailangang lakas-loob nating harapin ang mga pagsubok sa buhay.

5. Ang aming mga kapitbahay ay may pagkakaisa.

Tayahin

Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salita sa Hanay A. Isulat sa

sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

1. hanapbuhay a. payat na payat

2. hatinggabi b. trabaho

3. silid-tulugan c. kalagitnaan ng gabi

4. buto’t balat d. tubig galing sa dagat

5. tubig-alat e. silid sa bahay na tinutulugan

8
Karagdagang Gawain

Sumulat ng pangungusap gamit ang mga sumusunod na tambalang

salita.

Tubig- ulan 1._____________________________________

Silid-tulugan 2.____________________________________

Agaw-pansin 3._____________________________________

Kapit-bisig 4._____________________________________

Hanapbuhay 5.____________________________________

Buto’t balat 6._____________________________________

Hating-gabi 7. _____________________________________

Kapitbisig 8.______________________________________

Lakad-pagong 9. ____________________________________

Nakaw tingin 10. ___________________________________

9
10
Karagdagang Gawain – Teacher’s Discretion
Subukin Balikan Suriin
hating-gabi 1. B 1.b
nakaw tingin 2. C 2.d.
urong-sulong 3. E. 3. a.
agaw-pansin 4. A. 4. a.
hawak-kamay 5.D. 5. a.
Pagyamanin Isaisip Tayahin
1. hawak – kamay TAMBALANG SALITA 1. b
2. urong-sulong 2. c.
3. kapit bahay Isagawa 3. e.
4. bahay kubo 1. Hating – gabi 4. a
5. nakaw tingin 2. taos – puso 5. d.
Poong Maykapal
3. urong sulong
4. lakas loob
5. kapit bahay
Susi ng Pagwawasto
Sanggunian

 Department of Education, 2016 K to 12 Filipino 2016 Curriculum Guide

 Batang Pinoy Ako, Ikatlong Baitang, Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino

 https://www.svdpa.com/wp-content/uploads/2020/03/Grade-3.pdf

 https://www.scribd.com/document/384939243/Assignment-2-docx

 http://clipartmonk.com/laundry-clipart

 https://clipartstation.com/praying-child-clipart-4/

11

You might also like