You are on page 1of 2

PAGDIRIWANG NG PAGSUSUNOG NG MGA LUMANG PALASPAS

PARA SA MIYERKULES NG ABO

Pasimula:

Ang Pagdiriwang ng Pagsusunog ng mga Lumang Palaspas sa gaganapin


pagkatapos ng huling Misa ng Linggo bago sumapit ang Miyerkules ng Abo.

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Lahat: At sumainyo rin.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN:

Pari: Manalangin tayo:

Ama naming mapagmahal, nilikha mo kami mula sa alabok at


patuloy mo kaming inaanyayahang makibahagi sa kaligtasang dulot
ng Iyong Mabuting Balita, kasama ng buong Sambayanan.
Kalugdan mo kami ng iyong awa habang ang mga alabok na ito ay
inihahanda, bilang tanda ng pasimula sa paglalakbay naming sa
panahon ng Kuwaresma. Tulutan mong ang aming paglalakbay sa
ilang Kuwaresma ay mag-akay sa amin sa luwalhati ng bagong
pagsilang, bunga ng Muling pagkabuhay ng iyong Anak. Magbunga
nawa ng kapayaaan ang pag-aayuno ng bawat isa; ang panalangin ay
magpabanal sa amin, upang makasalo kami sa piging na di
magwawakas sa iyong kaharian, sa pamamagitan ni Kristo, kaisa ng
Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

PAGSUSUNOG NG PALASPAS

Sisindihan ang mga palaspas na natipon sa isang lalagyan. Maaring awitin o dadasalin
ang Salmo 51 habang sinusunog ang mga palaspas. Pagkatapos ng awit ay sisimulan
ang Panalangin ng Pagbabasbas.

PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Pari: Ama naming makapangyarihan, pakabanalin mo ang mga Abong ito


(+), tanda ng aming pagbabalik – loob sa iyo; kaawaan mo’t
tulungan kaming maging tapat sa iyo sa pagtahak sa landas ng
pagbabalik- loob sa panahon ng Kuwaresma, sapagkat ang kalooban
mo’y maligtas ang lahat, sa pamamagitan ni Hesukristo, kaisa ng
Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.

PAGWAWAKAS

Pari: Sumainyo ang Panginoon

Lahat: At sumaiyo rin

Pari: Pagpalain kayo ng Makapangyarihan Diyos, Ama  Anak, at


Espiritu
Santo

Lahat: Amen

Pari: Humayo tayo ng may kapayapaang taglay sa ating puso.

You might also like