You are on page 1of 1

Novino, Flover Jan E.

April 18, 2024


BSEd 1A Marks:

Ang Pagkakaiba ng Noli me Tangere at El Filibusterismo

Noli me Tangere at El Filibusterismo

Ang Noli me Tangere ay isang akdang panlipunan, nagtatalakay ng mga kamalian sa


pamumuhay ng mga mamamayan sa bayan doon, hindi gaya ng El Filibusterismo na
isang nobelang pampulitika na tinalakay naman ang pulitika: ang pamamahala ng Kastila.

Mga Pangunahing Tauhan

Crisostomo Ibarra vs. Basilio

Pinakita sa kuwentong Noli me Tangere ang optimistikong pag-iisip at pagka-


positibo ng karakter na si Crisostomo Ibarra, na naghahanap ng pagkakapantay-
pantay sa panahon ng mga espanyol. Iba siya sa karakter ni Basilio na nagsisikap
na mabuhay at lumaban sa kabila ng mga paghihirap sa panahon na iyon.
Naipakita rin ang karakter na si Crisostomo Ibarra sa kaniyang bersiyon sa El
Filibusterismo sa katauhan ni Simeon na nagbago, ngayong isang karakter na
naka-pokus sa paghihiganti.

Maria Clara vs. Crispin

Sina Maria Clara at Crispin ay ang mga nagsisilbing pinakamalapit na mga


karakter sa mga bida ng dalawang akda ni Jose Rizal, si Maria Clara bilang irog ni
Crisostomo Ibarra at Crispin bilang kapatid ni Basilio. Pinakita ng karakter ni
Maria Clara ang depinisyon ng isang “Dalagang Filipina” na walang bahid-dugis,
hindi gaya ni Crispin na nagpakita ng kamusmusan at kahinaan ng mga
mahihinang tao.

Lipunan

Ang Noli me Tangere ay nagpapakita ng lipunang may heirarkiya at walang pantay na


pagtatrato, at ang El Filibusterismo na nagpapakita naman ng damdaming
rebolusiyonaryo laban sa mga matataas na tao at mga mayayaman.

You might also like