You are on page 1of 1

Podcast- Pangkat 2

Lahat: Mabuhay madlang people! Welcome sa aming podcast!

Arki: My name is Arki C. Manzanilla

Ezra: Ezra Jade S. Pesigan

Yashi: At ako naman si Yashirey Kyle De Vera

Lahat: Kami ang mga chikadora ng bayan, #ProudMarites, CHAROTT!!!

Arki: Oh mga chikadora, Kumusta naman kayo?

Ezra: Okay na okay, dahil ready na ako chumika lalo na’t isa na namang magandang paksa ang pag-uusapan natin
ngayon!

Yashi: Tama ka dyan! Kaya’t mga kababayan, ihanda ang inyong sarili, making, at pumulot ng aral.

Ezra: Ano nga ba ang opinion nyo at saloobin tungkol sa pagtataksil?

Arki: Nako! Mukhang malaking usapan yan partner at sigurado akong maraming makaka-relate dito.

Arki: Pero ang kataksilan may sanhi at bunga din 'yan eh, diba? Nagbubunga 'yan kapag mayroong hindi
pagkakaunawaan o kaya naman dala ito ng inggit na magbubunga sa atin na pagtaksilan ang isang tao, pero
masama ito, kasi baka dahil dito pumangit ang tingin sa atin ng mga tao
Yashi: Oo pero kung mayroong taong nagtaksil sa’yo dapat hindi mo gantihan, sabi nga nila learn to forgive but
never forget. Papatawarin mo pero wag mong hahayaang magpalinlang ulit sa taong iyon o sa iba pang tao sa
paligid mo.
Ezra: Ay true! Kaya sa panahon ngayon, napakahirap na talaga magtiwala pero baka naman may nagawa tayong
kasalanan sa taong iyon, o kaya naman ay napaharap sya sa matinding situwasyon na nag-udyok sa kanya na
pagtaksilan tayo. Ikaw ba Arki, naranasan mo na bang mapagtaksilan?
Arki: Yes! Sa totoo lang, napakahirap mapagtaksilan lalo na kapag malapit sayo yung taong iyon. Nagdulot sa
akin yan ng pangamba at takot na magtiwala ulit kasi baka maulit lang uli yung nangyari. Tinanggap ko na lang
yun at pinatawad sya, pero sabi nga ni Chikadorang Yashi “Learn to forgive, but never forget.”
Yashi: Oh eto payo lamang, kapag pinagkatiwalaan ka, huwag mo itong sayangin sapagkat mahirap itong
maibalik.
Ezra: Kung napatawad ka man ng taong napagtaksilan mo, tandaan mo na hindi palaging libre ang second chance
kaya kung binigyan ka man, umayos ka na.
Arki: Ito lamang sa araw na ito, salamat sa inyong pakikinig sa amin!
Yashi and Ezra: Big shout out sa aming mga subscribers na sina _______________________ sa mainit na suporta
at patuloy na pakikinig.
Lahat: Kaya’t mag-subscribe na din kayo sa aming podcast upang patuloy na maging updated sa aming mga latest
episodes.

You might also like