You are on page 1of 2

SALAK TUTORIAL SERVICES PRACTICE/REVIEW

33 Magsaysay Avenue, Naga City TEST


Prepared by: Teacher Joy Briones
Name: __________________________________________________ Score:
_____________
Date: _______________________________
________________________________________________________________________________________

Isulat sa patlang kung ang salitang may salungguhit ay ginagamit bilang pang-uri o pang-abay.
1. ___________ Ang tirahan ng mga hayop sa kagubatan ay mapayapa.
___________ Ang mga hayop ay mapayapang naninirahan sa kagubatan.
2. ___________ Minahal niya nang wagas ang kanyang inang-bayan.
___________ Ang pagmamahal niya sa kanyang inang-bayan ay wagas.
3. ___________ Mahigpit na yinakap ng ina ang kanyang mga anak.
___________ Mahigpit ang yakap ng ina sa kanyang mga anak.
4. ___________ Ang lalaking nagnakaw ng bag ay nagmamadali.
___________ Nagmamadaling lumabas ang lalaking nagnakaw ng bag.
5. ___________ Nakatutuwang alalahanin ang bakasyon natin noong isang taon.
___________ Naalala ko ang nakatutuwang bakasyon natin noong isang taon.
6. ___________ Siya ay magalang habang nakikipag-usap sa mga nakatatanda sa kanya.
___________ Siya ay magalang na nakikipag-usap sa mga nakatatanda sa kanya.
7. ___________ Husto ang pag-aaral ni Roberto para sa mahabang pagsusulit.
___________ Nag-aral nang husto si Roberto para sa mahabang pagsusulit.
8. ___________ Si Nora Aunor ay sunud-sunod na pinarangalan ng iba’t-ibang organisasyon.
___________ Sunud-sunod ang mga parangal na ibinigay ng iba’tibang organisasyon kay Nora Aunor.

Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay na may salungguhit ay pangabay na pamaraan, PN kung
ito ay pang-abay na pamanahon, PL kung ito ay pang-abay na panlunan o PI kung ito ay pang0abay na
ingklitik.
_______ 9. Tuwing alas singko ng umaga gumigising si Aling Dina.
_______ 10. Naglalaba ng mga damit si Aling Dina araw-araw.
_______ 11. Nadapa ka na naman? Pangatlong sugat mo na ito ngayon.
_______ 12. Nakita ko siyang bumili ng sabong panlaba sa tindahan.
_______ 13. Matiyagang pinapaputi niya ang mga uniporme ng kanyang mga anak.
_______ 14. Si Ate Lorna ay naghahanda ng almusal sa kusina.
_______ 15. Masarap magluto ng tapsilog si Ate Lorna.
_______ 16. Hindi pa dumarating ang sundo ko. Kanina ko pa nga hinihintay
_______ 17. Wala akong masakyan kaya nahuli ako sa klase.
_______ 18. Tumungo sa hapag-kainan ang buong mag-anak.
_______ 19. Darating na mayamaya ang mga bata mula sa paaralan.
_______ 20. Sinabi mo na ba kay Nanay ang magandang balita?
_______ 21. Naglakad nang matulin ang magkapatid.
_______ 22. Dali-daling tumakbo si Alicia sa kanyang inay
_______ 23. Matulungin na bata si Cristina. Tinulungan nga niya ako sa paglinis ng bakuran.

Ihambing sa Hanay B kung ano ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
Hanay A Hanay B
______ 24. Sumasagot sa tanong na kailan naganap, nagaganap, o magaganap
A. Pang-abay
ang pandiwa sa pangungusap.
______ 25. Tawag sa mga katagang karaniwang kasunod ng unang salita sa B. Panlunan

pangungusap. C. Ingklitik
______ 26. Tawag sa salita o mga saltang nagbibigay-turing o naglalarawan sa
D. Pamanahon
pandiwa, pang-uri o pang-abay.
______ 27. Tawag sa salitang nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip. E. Pamaraan

______ 28. Sumasagot sa tanong na paano naganap, nagaganap o magaganap ang F. Pang-uri
pandiwa sa pangungusap.
G. Pandiwa
______ 29. Sumasagot sa tanong na saan naganap, nagaganap o magaganap ang
pandiwa sa pangungusap.

Gamitin ang mga sumusunod na salita sa pangungusap.

30. Maganda (pang-abay) _________________________________________________________________

31. (pang-uri) ____________________________________________________________________

32. Maingat (pang-abay) ___________________________________________________________________

33. (pang-uri) ____________________________________________________________________

34. Mahusay (pang-abay) __________________________________________________________________

35. (pang-uri) ____________________________________________________________________

You might also like