You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division of San Carlos City
CANDIDO MARCELLANO INTEGRATED SHOOL
Brgy. Balococ, San Carlos City, Pangasinan

Mala-Masusing Banghay Aralin


sa
Araling Panlipunan 7

Code: *no code Bilang ng Oras: 3


Markahan: Ikatlong Markahan
Petsa: Marso 4-6, 2024
Iba’t-ibang Ideolohiya sa Pag-usbong ng Nasyonalismo at Kilusang
Aralin:
Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya

MELC/s: Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t-ibang ideolohiya sa pag-usbong ng


nasyonalismo at kilusang nasyonalista
LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang matatamo ang
sumusunod nang may 75% tagumpay.
1. Natutukoy ang kahulugan ng iba’t-ibang ideolohiya;
2. Napapahalagahan ang kaugnayan ng iba’t-ibang ideolohiya sa pag-usbong ng
Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalista;at
3. Nakagagawa ng isang hugot line patungkol sa araling tinalakay
PAKSANG ARALIN
Paksa: Iba’t-ibang Ideolohiya sa Pag-usbong ng Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalista sa
Timog at Kanlurang Asya
Sanggunian: Q3_Araling Panlipunan7_Module 4
Mga Kagamitan: Laptap, telebisyon, Powerpoint Presentation, tisa, pisara, video
presentation
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa sistema ng lipunan at pamahalaan.

PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng liban
d. Paglalahad ng alituntunin
e. Balik-Aral

B. Pagganyak

“FACT OR BLUFF”
Panuto: Pangkatin sa apat na grupo ang klase. Ang bawat pangkat ay mag-uunahan sa
pagsagot ng bawat tanong na ipapakita ng guro.

Pamprosesong Tanong:
Base sa larong inyong nilaro ano ang kaugnayan nito sa bawat isa?

C. Paglalahad
Ang guro ay magpapanuod ng isang maikling bidyo

https://www.youtube.com/watch?v=0VZoQNzLBnk

Pamprosesong Tanong:
1. Tungkol saan ang bidyong inyong pinanuod?
2. Ano-anong bansa ang kasama sa bidyong inyong napanuod?
3. Base sa bidyong inyong napanuod, ano sa palagay ninyo ang ating tatalakayin
ngayon?

D. Pagtatalakay

Iba’t-ibang Ideolohiya sa Pag-usbong ng Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalista sa


Timog at Kanlurang Asya

Posibleng Tanong:
1. Ano ang kahulugan ng Ideolohiya?
2. Ano-anong mga ideolohiya ang nabuo at ipinakilala sa pag-usbong ng Nasyonalismo.
3. Ano ang mga uri ng ideolohiya?
4. Ano ang naging epekto ng mga ideolohiya sa mga bansa sa Timog at kanlurang Asya?
5. Bakit nabuo ang kilusang Nasyonalista?

E. Paglalahat

1. Bilang isang estudyante, paano mo mapapahalagahan ang ideolohiyang mayroon ang


iyong bansa?
2. Sa iyong palagay, gaano kahalaga ang pagkakaroon ng ideolohiya sa isang bansa?

G. Paglalapat
“HUGOT PA MORE!”

Panuto: Sumulat ng (1) isang hugot line tungkol sa paksang tinalakay. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Halimbawa: Kilusang Nasyonalista ka ba? Bakit? Kasi hindi naging malaya ang mga bansa sa
Timog at Kanlurang Asya kung wala ka.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG SAGOT

NILALAMAN PUNTOS
Nilalaman 5
Magkatugma ang mga salita 5
Pagkamalikhain 5
Kabuuan 15

I. Pagtataya

_____1. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng sistema o kalipunan ng mga


ideya o kaisipan na naglalayong magpapaliwanag tungkol sa daigdig
at sa mga pagbabago nito?
a. Ideolohiya b. Nasyonalista c. Pampolitika d. Panlipunan
_____2. Anong kategorya ng ideolohiya ang nakatuon sa mga patakarang pang-ekonomiya
ng bansa at paraan ng paghahati ng kayamanan nito sa mamamayan?
a. Ideolohiyang pampolitika c. Ideolohiyang Demokrasya
b. Ideolohiyang pangkabuhayan d. Ideolohiyang Komunismo
_____3. Anong kategorya ng ideolohiya ang naka pokus sa paraan ng pamumuno at sa
paraan ng pagpapatupad ng mamamayan?
a. Ideolohiyang pangkabuhayan c. Ideolohiyang Demokrasya
b. Ideolohiyang Komunismo d. Ideolohiyang Pampolitika
_____4. Anong ideolohiya ang tumutukoy sa pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan?
a. Demokrasya b. Panlipunan c. Pampolitika d. Pangkabuhayan
______5. Paano mo ilalarawan ang ideolohiyang sosyalismo?
a. Walang uri ang mga tao sa lipunan. Lahat ay pantay-pantay.
b. Ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isangpangkat ng tao.
c. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao.
d. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa isang tao lamang.
_____6. Alin sa mga sumusunod na ideolohiya ang nagsasaad na ang
kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao?
a. Demokrasya b. Sosyalismo c. Komunismo d. Panlipunan
______7. Sa ideolohiyang ito, walang uri ang mga tao sa lipunan. Pantay-pantay
ang lahat, walang mayaman at mahirap. a. Sosyalismo c. Pampolitika
b. Demokrasya d. Komunismo
_____8. Sino sa mga sumusunod ang naging pangulo ng All India National Congress na
naitatag noong 1885?
a. Theodor Herzl b. Adolf Hitler c. Mohandas Gandhi d. Ibn Saud
_____9. Anong kilusang nasyonalista ang itinatag sa Basel, Switzerland?
a. All India National Congress c. Mapayapang Rebolusyon
b. Ceylon National Congress d. Zionismo
_____10. Anong mga bansa sa Timog Asya ang nagtatag ng mga kilusang nasyonalista?
a. Saudi Arabia, Iraq, Israel, Iran
b. China, Philippines, Singapore, Malaysia
c. India, Pakistan, Sri-Lanka, Nepal
d. Great Britain, Europe, France, Spain
_____11. Kailan naganap ang mapayapang Rebolusyong People Power sa Nepal?
a. 1990 b. 1991 c. 1992 d. 1993
_____12. Bakit naghangad ng kasarinlan ang mga Arab sa Saudi Arabia mula sa pananakop
ng mga Turk?
a. Dahil namatay si Haring Faisal
b. Dahil sa kalupitan at labis na paniningil ng buwis
c. Dahil naganap ang mapayapang Rebolusyong People Power sa Nepal
d. Dahil hindi matanggap ng mga tao ang pagbabalewala sa kanilang kultura.
_____13. Sino ang tinaguriang “Ama ng Kasarinlang Sri-Lanka”?
a. David Ben-Gurion c. Don Stephen Senanayake
b. Muhammad Ali Jinnah d. Theodor Herzl
______14. Ang bawat bansa ay may sinusunod na ideolohiya, alin sa mga sumusunod na
tambalan ng ideolohiya at bansa ang HINDI magkatugma;
a. Demokrasya- India c. Sosyalismo- Saudi Arabia
b. Komunismo- Sri- Lanka d. Demokrasya- Israel
______15. Ano ang dating pangalan ng bansang Iraq?
a. Mesopotamia b. India c. Sri-Lanka d. Saudi Arabia

Tamang Sagot:
1. A
2. B
3. D
4. B
5. B
6. A
7. D
8. C
9. D
10. C
11. A
12. B
13. C
14. B
15. A

TAKDANG-ARALIN
Gumawa ng isang maikling sanaysay patungkol sa ating tinalakay.

Inihanda ni:

ROLANDO JOSE D. RAMOS


Gurong Nagsasanay

Sinuri ni:

JESTINE S. DE VEGA
Gurong Tagapagsanay

You might also like