You are on page 1of 7

Father Saturnino Urios University

TEACHER EDUCATION PROGRAM


Butuan City

SEMI - DETALYADONG
BANGHAY ARALIN SA
ARALING PANLIPUNAN 7

TAKE OVER OF CLASS 1

Submitted by:
Johannah Mae G. Escauso
Student Teacher

Submitted to:

Mr. Mael B. Neri


Cooperating Teacher

February 6, 2024
Semi-Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Ika-7 Baitang

I. Layunin
Sa loob ng 60 minuto, 85% ng mga mag aaral ay inaasahang:
A. natutukoy ang matinding epekto ng digmaang pandaigdig sa paglawak ng mga kilusang
Nasyonalista.
B. nasusuri at naipapaliwanag nang maayos ang mga dahilan ng pagpapakita ng
nasyonalismo, pamamaraang ginamit para matamo ang kalayaan at ano-anong ideolohiya ang
kanilang pinaniniwalaan.
C. naipapamalas ang pagpapahalaga ng damdaming nasyonalismo sa pamamagitan ng
paggawa ng pambansang simbolo.

A. Paksang Aralin
Paksa: Mga Karanasan at Implikasyon ng mga Digmaang Pandaigdig sa Kasaysayan ng mga
Bansang Asyano at Kaugnayan ng iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo at
kilusang nasyonalista
Sanggunian:
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul: Karanasan at Implikasyon ng Digmaang
Pandaigdig sa Kasaysayan ng mga Bansang Asyano
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul: Kaugnayan ng Iba’t Ibang Ideolohiya sa Pag-
usbong ng Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalista

B. Kagamitan sa pagkatuto: Laptop, Powerpoint Presentation, Activity sheets, Manila


Paper, Marker, Visual aids

C. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Pagpapakilala sa sarili at Panalangin
 Ang guro ay magtatawag ng isang mag-aaral para pangunahan ang
panalangin, at susundan ito ng pagpapakilala at pagbati.

2. Pagtatala ng liban
 Susuriin ng guro kung sino ang liban o umabsent sa klase.

3. Mga tuntunin sa Silid Aralan


 Ang guro ay maglalahad ng mga alituntunin na kinakailangan sundin ng mga
mag-aaral.
I. PAKIKISANGKOT (ENGAGE)
 Ang guro ay magbibigay ng paunang gawain na tinatawag na “PHOTO
SURI!”
 Hahatiin ng guro ang klase na may limang miyembro bawat grupo at
magbibigay ang bawat grupo ng kanilang opinyon patungkol sa mga
larawan.
 Magtatanong ang guro upang mabuksan ang mga dating kaalaman ng mga
studyante.
 Ito ang halimbawa ng mga larawan at katanungan:

 Paano nakakaapekto ang Digmaang Pandaigdig o World War sa buhay


ng mga tao dito sa ating bansa?

 Ano ang mga pangunahing ideolohiya at layunin ng mga bansang


nakikipaglaban sa kanilang karapatan sa Digmaang Pandaigdig?

 Paano nakikita ang epekto ng nasyonalismo sa lipunan at kultura ng


isang bansa?
II. PAG-GALUGAD (EXPLORE)
 Ang mga mag-aaral ay tatanungin ng guro patungkol sa mga larawan na
ipinakita kung ano ang ipinapahiwatig ng mga ito.
 Ihatid ang konteksto ng Digmaang Pandaigdig at ang mga pangunahing
pangyayari na nagbigay daan sa pag-usbong ng Nasyonalismo.

III. PAGPAPALIWANAG (EXPLAIN)


 Ang guro ay magbibigay kahulugan sa paksang tatalakayin patungkol sa
Digmaang pandaigdig at pag-usbong ng nasyonalismo at kilusang
nasyonalista.
 Magbibigay ng mga halimbawa ang guro patungkol sa mga pangyayari
noong digmaang pandaigdig at ang pag-sibol ng nasyonalismo.
 Tatalakayin ng guro ang mga mahahalagang pangyayari noong una at
ikalawang digmaan na naging dahilan sa pag-usbong ng nasyonalismo at
kilusang nasyonalista.
 Pangkatin ang klase na may limang miyembro bawat pangkat, ang mga mag-
aaral ay papalawakin pa ang talakayan sa pamamagitan ng pananaliksik
patungkol sa mga dahilan ng pagpapakita ng nasyonalismo, pamamaraang
ginamit para matamo ang Kalayaan at ano-anong ideolohiya ang kanilang
pinaniniwalaan sa Timog Asya at Kanlurang Asya.
 Ang mga mag-aaral ay ipe-presenta o iuulat sa buong klase ang kanilang
nagawang pananaliksik.

Halimbawa:

Bansang Dahilan ng Pagpapakita ng Pamamaraang Ginamit para Ano-Anong Ideolohiya Ang


Asyano Nasyonalismo Matamo ang Kalayaan Kanilang Pinaniniwalaan

India Ang nasyonalismo sa India ay Ang India ay nakamit ang Ipinaniniwalaan ang non-violent civil
nagbunga mula sa kalayaan noong 1947 sa disobedience at ahimsa (non-
pangmatagalang kolonyalismo ng pamamagitan ng mapayapang violence) na itinaguyod ni Mahatma
Britanya. Ang pagmumulat sa diplomasya. Ang kilalang lider Gandhi. Ang ideolohiyang ito ay
sariling kultura, kasaysayan, at na si Mahatma Gandhi ay naglalayong mapanatili ang
pangalan ay nagbigay daan sa nagtagumpay sa pamamagitan kapayapaan at pagkakaisa sa kabila
pagsusulong ng nasyonalismo. ng non-violent civil ng pagtatangkang makamtan ang
disobedience at mga protestang kalayaan mula sa kolonyalismo.
mapayapa.
RUBRICS PARA SA PRESENTASYON NG PANANALIKSIK:
PAMANTAYAN KATANGI-TANGI MAGALING (4) MAHUSAY KATAMTAMAN KAILANGAN PUNTOS
(5) (3) (2) PA NG
PAGSASANAY
(1)

Kaalaman sa Nagpapakita ng Nagpapakita ng Nagpapakita Nagpapakita ng Walang sapat na


Nilalaman malalim na pang- matibay na pang- ng kahit na limitadong pang- pang-unawa sa
unawa sa paksa ng unawa sa paksa, maayos na unawa sa paksa, may paksa, kulang ang
pananaliksik, maayos sumasaklaw sa pang-unawa sa mga bahaging kritikal na
na sumasaklaw sa karamihan ng aspeto paksa, kulang o maliit na impormasyon.
lahat ng aspeto ng ng nasyonalismo, bumabatay sa nauunawaan.
nasyonalismo, pamamaraang mga
pamamaraang pagsasarili, at pangunahing
pagsasarili, at ideolohiya sa Timog aspeto ng
ideolohiya sa Timog at Kanlurang Asya. nationalismo,
at Kanlurang Asya. pamamaraang
pagsasarili, at
ideolohiya sa
Timog at
Kanlurang
Asya.

Lalim ng Nagbibigay ng Naglalaman ng Nag-aalok ng May limitadong Kulang sa sapat na


Pananaliksik masusing at mabuting masusing pagsusuri kahit na sapat lalim ng lalim ng
inireserbang sa paksa, isinasama na lalim ng pananaliksik, may pananaliksik,
impormasyon na may ang mga naaayon at pananaliksik mga pinagmulan na umaasa sa hindi
iba't ibang naaayon at pinagkakatiwalaang na may halo- kulang sa sapat o di
pinagkakatiwalaang pinagmulan. halong kahalagahan o maaasahang
pinagmulan, pinagmulan. tiwala. pinagmulan.
nagpapakita ng
mataas na antas ng
lalim ng
pananaliksik.

Organisasyon Inilahad ng maayos at Maayos na inorganisa May May limitadong Kulang sa


may lohikal na ang presentasyon, katamtaman na organisasyon, may malinaw na
organisadong may malinaw na estruktura ng malabo at hindi tiyak organisasyon, may
presentasyon na may introduksyon, bahagi, organisasyon na estruktura, at kaguluhan sa
malinaw na at konklusyon. Ang na may mahirap ang paglipat mula sa
introduksyon, bahagi, paglipat mula sa introduksyon, paglipat mula sa isang punto
at konklusyon. isang punto patungo bahagi, at isang punto patungo patungo sa iba, at
Maganda ang sa iba ay kadalasang konklusyon. sa iba. hindi maayos ang
paglilipat ng mga maayos. May mga introduksyon,
pangunahing punto. bahaging hindi bahagi, at
gaanong konklusyon.
maayos ang
paglipat.
IV. PAGPAPALAHAT (ELABORATE)
 Pangkatin ang klase na may limang miyembro bawat grupo.
 Hikayatin ang mga mag-aaral na bumuo ng pambansang simbolo o sagisag
na naglalarawan ng kanilang damdaming nasyonalismo.
 Magbigay ng oras para ipresenta ang kanilang mga likha sa buong klase.

V. PAGTATAYA (EVALUATE)
Panuto: Lagyan ng (Tsek) ang kolum ng dahilan at epekto kung ang pahayag o konsepto ay
dahilan o epekto ng Digmaang Pandaigdigan. Pagkatapos, sagutin ang mga katanungan sa
ibaba: (10 PUNTOS)

Pahayag o Konsepto Dahilan Epekto

1. Pagkawala ng kalayaan, /
pag-aabuso sa karapatan
ng mga Asyano at
pagkawala ng buhay.

2. Ang lahat ng mga bansa /


sa timog at kanlurang
asya ay naghangad ng
kalayaan sa pananakop
ng mga bansang
kanluranin dahil sa
kaisipang liberal at
demokrasya.

3. Sa pag-igting ng /
damdaming nasyolismo
marami ang nasawing
buhay sa pakikipaglaban
upang makantan ang
ninanais ng mga
Asyano.

4. Pagtatapos ng sistemang /
monarkiya at ilang mga
imperyo.

Karagdagang mga tanong:

1. Ano ang mga dahilan kung bakit nagkaroon ng matinding epekto ang mga digmaang
pandaigdigan? Ano ang mga epekto nito? (3 puntos)

2. Bilang isang Pilipino paano mo pangangalagaan ang kalayaan ng ating bansa? (3 puntos)

You might also like