You are on page 1of 10

I.

Layunin
A. Pamantayang Pang-nilalaman
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa pagbabago, pag-
unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at
Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).

B. Pamantayan sa Pagpanggap
Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa
pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa
Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).

C. Kasanayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa Timog
at Kanlurang Asya.
D. Mga Layunin
1. Naiisa-isa ang mga mga kilalang pinuno na nagbigay daan sa Nasyonalismo
sa Timog at Kanlurang Asya
2. Nailalahad ang mga pangyayaring nagbigay daan sa Nasyonalismo sa Timog
at Kanlurang Asya sa pamamagitan ng pangkatang talakayan.
3. Nakakagawa ng History Timeline patungkol sa mga pangyayaring nagbigay
daan sa Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
4. Nakapagpapakita at nakakapagbigay ng mga paraan kung paano
magpapakita ng pagmamahal sa bayan.
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya
b. Kagamitan; Powerpoint Presentation, TV, Laptop, mga larawan, index card
c. Sanggunian:
 Araling Panlipunan-Modyul para sa Mag-aaral, “Asya: Pagkakaisa sa
Gitna ng Pagkakaiba”, (2014) 226-234
 Mateo et.al., “Asya Pag-usbong ng Kabihasnan” ph.298
d. Pagpapahalagang Moral: “Pagbibigay importansya sa mga paraan at
pagpapakita ng pagiging nasyonalismo”

(Ikalawang Araw)
III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin

Bago tayo magsimula, inaanyayahan


kong tumayo ang lahat para sa isang
panalangin.

b. Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat!

Magandang Umaga rin po, ma’am!


Kamusta ang umaga ninyo, nakatulog
naman kayo ng maayos?
Opo, ma’am.
Mabuti kung gayon. Bago kayo
tuluyang umupo sa inyong
kinauupuan, bibigyan ko lamang kayo
ng sampung segundo upang pulutin
ang mga kalat na nasa sahig at paki-
hanay na rin ng maayos ang inyong
mga upuan.

Maaari na kayong maupo.

c. Pagtatala ng Lumiban
Tinatawagan ko ng pansin ang
sekretarya ng klase, maaari ko bang
malaman kung sino-sino ang lumiban
sa araw na ito?
Ma’am, wala pong lumiban sa klase. Narito
po ang lahat.

Nagagalak akong malaman na


walang lumiban sa ating klase
ngayong araw na ito. Nawa’y
magtuloy-tuloy ito.

d. Pagkuha ng Takdang-Aralin
Mayroon ba tayong takdang-aralin?
Kung mayroon, maaari lamang
pakilabas at pakipasa ang mga ito sa
inyong harapan at aking kokolektahin.
Maraming Salamat.

e. Balik-Aral
Bago natin simulan ang ating paksa
sa araw na ito, tayo ay magbabalik
tanaw muna pasumandali sa ating
napag-usapan noong ating huling
pagkikita.

Ako ay may hinandang mga


katanungan na inyong sasagutan.
Ako ay pipili ng mag-aaral na sasagot
sa pamamagitan ng index card.

Mga Katanungan: Mga Kasagutan:

1. Pagtutulungan ng mga
mamamayan upang makamit ang
iisang kultura, saloobin at hangarin
1. Pagkakaisa
2. Ang pagpapatiwakal ng mga
biyudang babae at pagsama sa libing
ng namatay na asawa
2. Suttee o Sati
3. Pagtatangi ng lahi, hindi pantay na
pagtingin ng mga mananakop sa mga
bansang nasakop.
3. Racism

f. Pagganyak

Bago tayo dumako sa ating bagong


paksa, mayroon akong inihandang
mga larawan at inyong huhulaan kung
ano ang sinisimbolo ng bawat larawan
at tatawagin natin itong “Da
Whooo??”
Paraan ng Paggawa:

1. Ang guro ay magpapakita ng


larawan naka-zoomed.
2. Ang mga mag-aaral ay susuriin ng
mabuti ang larawan at kanilang
huhulaan kung sino ang tinutukoy sa
larawan.
3. Gagawin lamang ito sa loob ng
tatlong (3) minuto.

Naintindihan ba ang paraan ng


paggawa?
Opo, ma’am!

Magaling! Tayo ay magsisimula na

Maaaari niyo bang sabihin kung sino


ang nasa larawan?

Andres Bonifacio po, ma’am.


Tama! Siya si Andres Bonifacio.

Sino naman ang nasa ikalawang


larawan?
Ferdinand Magellan po
At para sa panghuling larawan, sino
ang ipinapakita sa larawan?

Si Gregorio del Pilar po, ma’am.


Mahusay! Maraming salamat sa
nakilahok sa ating aktibidad.
B. Paglinang na Gawain
a. Paglalahad
Batay sa ating ginawang gawain,
ano sa inyong palagay ang ating
tatalakayin sa araw na ito?
Ang mga taong namuno o naging pinuno sa
bansa o sa pangkat.
Tama! Ang tatalakayin natin sa
araw na ito ang mga taong
namuno sa bawat bansa na
nagbigay daan sa Nasyonalismo.
Ito lamang ay katuloy ng ating
paksang tinalakay noong
nakaraang araw.

b. Pagtatalakay
Sa pagkakataong ito, pag-aaralan
natin ang mga pangyayaring
nagbigay daan upang makamit
natin ang nasyonalismo sa Timog
at Kanlurang Asya.

Maaari ba ayong magbigay ng


mga paraan kung paano natin
makakamit ang pagkakaisa.
Kung tayo po ay susunod sa mga alituntunin
at makikipagtulungan sa kapwa natin.

Mahusay! Kahit sa mga mailiit na


bagay na ating gingawa ay maaari
nating makamit ang pagkakaisa.

Ngayon, ating susuriin at iisa-


isahin ang mga pinunong namuno
sa bawat bansa sa oamamagitan
ng pangkatang talakayan.

Kayo ay hahatiin ko kayo sa


dalawang pangkat upang ilahad
ninyo ang mga pinunong nagbigay
daan upang makamit ang
nasyonalismo sa Timog at
Kanlurang Asya.

Unang Pangkat- Timog Asya

Ikalawang Pangkat- Kanlurang


Asya
Unang Pangkat: Timog Asya

Mohandas Ghandhi
 (Mahatma “Dakilang Kaluluwa”) ay isang
hindu na nakapag-aral na nagpakilala ng
matahimik at mapayapang paraan o non-
violent means ng pakiipaglaban
 Namuno sa All Indian National Congress
upang matamo ng Kalayaan ng mga
Indian.

Ang 2 Paniniwala ni Mohandas Ghandi


 Ahimsa (lakas ng kaluluwa)
 Satyagraha (lakas ng katotohanan)

 Agosto 15, 1947- Naging malaya ang


Pakistan sa India at itinanghal si
Mohamed Ali Jinnah bilang kauna-
unahang gobernador heneral ng
Pakistan.

 Abril 13, 1919- Naganap ang Amitsar


Massacre na kung saan pinatay ang
mga nagpoprotesta sa lungsod ng
Amitsar at 379 na katao ang namatay
habang 1200 na katao naman ang
nasugatan.

All-India Muslim League


 Pinamunuan ni Mohamed Ali Jinnah na
ama ng Pakistan at Gobernador-Heneral
ng bansa matapos makamit ang
Kalayaan.
 Agosto 14, 1917-idiniklara ng Ingles ang
Pakistan bilang malayang bansa.
 Agosto 15, 1947 (12:00 am)-
deklarasyon ng kalayaan sa India.
 Jawaharlal Nehru- siya ang namumuno
noong nakamit ng bansang India ang
kanilang kalayaan.
 Enero 30, 1948-Si Northuram Godse
ang nakabaril kay Ghandi dahil sa
pagpayag ng paghati ng India.

Ikalawang Pangkat (Kanlurang Asya)


 Osman- ang namuno sa pangkat ng
Ottomoan.
 1759-Kuwait ang unang bansa na
nakalaya
 1770-nakalaya ang Lebanon

Mustafa Kemal Ataturk


 Kapitan ng Ottoman Army at nagsilbi sa
5th Army sa Damascus nabigyan ng
kalayaan ang Turkey.
 Tumawag sa halalang Pambansa (Grand
National Assembly) at naging
tagapasalita
 Battle of Tobruk-200 kataong Turks at
Arabong Miitary habang 2000 ang
sugatan, 200 ang nahuli at napatay.
 Unang nahalal na pinuno ng Bagong
Republika at tinawag na “Ataturk” ama
ng mga Turko.
 Treaty of Luasanne-isang kasunduan
sa pagpapalaya ng Turkey.

Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini


 Namuno sa pagkilos at pagbatikos sa
mga karahasang isinasagawa ng Shan
ng Iran sa mga mamamayan at
pagtangkilik sa mga dayuhan sa Iran.
 Hunyo 3, 1963- gumawa siya ng
makasaysayang talumpati noong laban
sa patuloy na pagkiling ng Shan sa mga
makadayuhang pakikialam at pagsuporta
nito sa Israel.
 1979-Napatalsik ang Shan at nabuwag
pamahalaan dahil sa Rebolusyong
Islamic
 Ika-20 siglo-muli siyang nakabalik sa
Iran at kilala sa pagiging malupit na lider.
 Salman Rushdie- ay isang manunulat
na Ingles at sinulat ang kanyang libro na
pinamagatang Satanic Verses na
napalabas sa “Fatwa sa Tehran”.

Ibn Saud
 Kabilang ang kanyang pamilya sa
kilusang Wahhabi ng Isalam (Ultra
Orthodox).
 Unang hari ng Saudi Arabia.
 1912-nasakop niya ang Najd at bumuo
ng pangkat ng mga bihasang sundalo.

Husayn Ibn Ali ng Hejaz


 Ang katunggali na kanyang pinaboran.
 1925-napabagsak at nakilala bilng hari
ng Hejaz at Nedj.
 1932-Natipon ang kabuuan ng tangway
ng Arabia, pinangalan nya itong Saudi
Arabia.
 1936 at 1939- pinahintulutan ang United
States na magkaroon ng oil concession
sa Saudi Arabia.
 1948-Nagkaroon ng digmaan ang arab at
Israel.
 Prince Saud-ang kanyang panganay na
humalili sa kanyang pwesto.
 Zionism (Pagpapauwi sa mga Jew sa
Palestine) matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
 Mayo 14, 1948-nagsimula ang tension
sa Palestine simula nang ideklara ang
Republika ng Israel.

c. Pagsasagawa
Upang mas lalo niyong
mapagyaman ang inyong
kaalaman tungkol kolonyalismo at
imperyalismo. Tayo ay
magkakaroon ng pangkatang
gawain. At ang gawaing ito ay
tatawagin nating “Thank you,
Next ”

Paraan ng Paggawa:
1. Ang klase ay nahati na sa tatlong (3)
pangkat.
2. Ang bawat pangkat ay kinakailangan
matapos ang Timeline tungkol sa
mga pangyayaring nagbigay daan sa
nasyonalismo sa Timog at Kanlurang
Asya.
(Magsasagawa ang mga mag-aaral ng
Graphic Organizer)
3. Ang bawat pangkat ay pipili ng
kanilang kinatawan upang ibahagi sa
klase ang kanilang kasagutan.
4. Gagawin lamang ito sa loob ng labing
limang (15) minuto, sampong (10)
minuto para sa pagtatala at limang (5)
minuto naman para sa presentasyon.

Bago kayo magsimula mga mag-


aaral, akin munang ipapaliwanag
kung paano gamitin history time. Ang
History Timeline ay isang uri ng
Graphic Organizer na kung saan ito
ay listahan ng mga detalye patungkol
sa mga mahahalagang oras o
pangyayari. Bigyan ko kayo ng
halimbawa.

At para sa batayan ng paggawa, ito


ang aking susundan sa pagbibigay ng
marka sa inyong pangkatang gawain.

Pamantayan sa Pagmamarka

Naiintindihan ba kung paano gawin ag


history timeline at ang pamantayan sa
pagmamarka?
Opo, ma’am!

Kung gayon, kunin niyo na ang mga


kagamitan rito at maaari na kayong
magsimula.
Ang inyong limang minuto ay
magsisimula na.

Tapos na ang inyong limang (5)


minuto, maaari na kayong bumalik sa
inyong upuan.

Tinatawagan ko ang unang pangkat


upang ipakita ang kanilang nagawang
history timeline.
(Ipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang
mga nagawa sa pamamagitan ng history
timeline)
Maraming Salamat unang pangkat.
Bigyan natin sila ng limang bagsak.

Susunod naman ang ikalawang


pangkat. (Ipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang
mga nagawa sa pamamagitan ng history
timeline)
Mahusay! Ikalawang pangkat. Bigyan
din natin sila ng limang bagsak.

At ang panghuli at hindi padadaig,


ang ikatlong pangkat.
(Ipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang
mga nagawa sa pamamagitan ng history
timeline)
Magaling! Ikatlong pangkat. Bigyan rin
natin sila ng limang bagsak.

Maraming salamat sa tatlong pangkat


at nagawa niyo ng maganda at
maayos ang inyong aktibidad.

C. Pangwakas na Gawain
a. Paglalahat
Base sa ating mga natalakay, sino
ang namumuno sa All Indian
National Congress?
Mohandas Ghandi o Mahatma Ghandi.

Mahusay! Si Mohandas Ghandi a


ang namuno sa All Indian National
Congress at nagpakilala sanon-
vioent means ng pakikipaglaban.

Sino ang ama ng Pakistan?


Mohamed Ali Jinnah.

Magaling! Si Mohamed Ali ang


ama na Pakistan at namuno sa
All-India Muslim League.

Ano ang layunin All- India National


Congress? Ang layunin ng All-India National Congress
ay magkaroon ng kalayaan ang bansang
India mula sa pananakop ng mga Ingles o
British.
Napakagaling! Maraming salamat
sa inyong partisipasyon, aking
mga mag-aaral.
b. Pagpapahalaga
Ngayon na natapos natin ang ating
paksa, nais kong marinig ang inyong
kabatiran tungkol sa ating paksa. Ang
tanong ay: Bilang kabataan at mag-
aaral, magbigay ka ng paraan kung
paano mo maipapakita ang
pagmamahal sa iyong bayan?”

Bilang mag-aaral, maipapakita rin natin ang


pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng
paggalang sa watawat at pag-awit ng Lupang
Salamat sa iyong pagsagot. Magbigay Hinirang sa tamang paraan.
naman kayo ng paraan bilang isang
kabataan.

Bilang kabataan ay masasabi ko pa rin na


may pagmamahal pa rin ako sa bayan dahil
sinusunod ko pa rin ang mga kultura na
nakagisnan ng aking mga magulang tulad ng
paggalang sa nakatatanda, pagmamano, at
paggamit ng po at opo.
Magaling! Ako ay natutuwa dahil kayo
ay aktibong nakikilahok sa ating
atibidad sa araw na ito.

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang T kung tama ang pahayag. Kung MALI guhitan ang maling salita at isulat
ang tamang sagot.
1. Si Prince Saud ang panganay na anak ni Ibn Saud at ang humalili sa kanyang posisyon.
2. Ang salitang “Mahatma” ay nangangahulugang “Dakilang Katotohanan”
3. Titanic Verses ang pamagat ng aklat na sinulat ni Salman Rushdie na isang manunulat
na Ingles.
4. Ang Zionism ay pagpapauwi sa mga jew sa palestine matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig noong 1945.
5. Si Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini ang naging kapitan ng Ottoman Army at
nagsilbi sa 5th Army sa Damascus.
Mga Kasagutan:
1. T
2. Katotohanan- Kaluluwa
3. Titanic- Satanic
4. T
5. Ayatollah Rouhollah Mousari- Mustafa Kema Ataturk
V. Takdang-Aralin
1. Data Retrieval Chart
Panuto: Lagyan ng tamang impormasyon ang bawat kolum sa Data Retrieval Chart. Gawin ito
sa sagutang papel

2. Poster ng isang Nasyonalista


Panuto: Dalhin ang mga sumusunod na kagamitan sa susunod na pagkikita:
1. 1/8 illustration board
2. Mga pang-guhit
3. Mga pangkulay
Pamantayan sa Paggawa ng Poster

Sanggunian: Araling Panlipunan-Modyul para sa Mag-aaral, “Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng


Pagkakaiba”, (2014) 226-234
Mateo et.al., “Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan” ph.298

You might also like