You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Region
Department of Education
Schools Division office I Pangasinan
BASISTA NATIONAL HIGH SCHOOL
Basista, Pangasinan

MALAMASUSING BANGHAY-
ARALIN SA ARALING
PANLIPUNAN 7
(Aralin 3: Mga Pamamaraang Ginamit sa Timog at Kanlurang
Asya sa Pagtatamo ng Kalayaan Mula sa Kolonyalismong
Kilusang Nasyonalista)

Ipinasa ni:
ANGELINE G. URSUA
(Gurong Nagsasanay)

Ipinasa kay:
MRS. JOANNA JOY A. MENDOZA
(Gurong Tagapagsanay)
I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
- Nakakikilala ng iba’t ibang mga nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya.
- Nailalarawan at napahahalagahan ang iba’t ibang lider nasyonalista at
pamamaraang ginamit sa pagtamo ng kalayaan, at;
- Nakapag-uugnay-ugnay ng mga lider nasyonalista at bansang kanilang
napalaya.

II. Paksang Aralin: Mga Pamamaraang Ginamit sa Timog at Kanlurang Asya sa


Pagtatamo ng Kalayaan Mula sa Kolonyalismong Kilusang Nasyonalista
Mga Kagamitan: printed pictures (puzzle), mapang tarpapel, laptop,
PowerPoint Presentation (PPT), at TV.
Sanggunian: Araling Asyano, Araling Panlipunan-Modyul para sa mga
Mag-aaral Unang Edisyon, 2014.
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga at pagmamahal sa bansa.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtukoy sa mga lumiban

B. Panlinang na Gawain
1. Pagbabalik-aral
- Ano ang natalakay natin tungkol sa Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog
at Kanlurang Asya?
- Ano ang dalawang anyo ng nasyonalismo?
- Ano ano at kailan lumaya ang ilang bansa?

2. Pagganyak
- Fix and Recognize Me! (Sa pamamagitan ng isang palaro, may sampung
boluntaryong mag aaral para bumuo ng 5 sets ng puzzles na kung saan ang
puzzle na ito ay binubuo ng iba’t ibang personalidad. Pagkatapos nila itong
buuin ay, tutukuyin nila kung sinong personalidad ang kanilang nabuo).
Mga katanungan:
- Sino sa tingin ninyo ang nasa nabuo ninyong puzzle?

3. Paglalahad
- Tatalakayin natin sa araw na ito ang patungkol sa Mga Pamamaraang
Ginamit sa Timog at Kanlurang Asya sa Pagtatamo ng Kalayaan Mula sa
Kolonyalismong Kilusang Nasyonalista.
4. Pagtatalakay
- Sino si Mohandas Karamchad Gandhi at anong pamamaraan ang ginamit
niya sa pagtamo ng kalayaan?
- Sino si Mohamed Ali Jinnah at anong pamamaraan ang ginamit niya sa
pagtamo ng kalayaan?
- Sino si Mustafa Kemal Ataturk at anong pamamaraan ang ginamit niya sa
pagtamo ng kalayaan?
- Sino si Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini at anong pamamaraan ang
ginamit niya sa pagtamo ng kalayaan?
- Sino si Ibn Saud at anong pamamaraan ang ginamit niya sa pagtamo ng
kalayaan?

5. Paglalahat
Map Sikat
Sa pamamagitan ng isang laro, muling kikilalanin ng mga mag-aaral ang mga
pinunong nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya. Itatapat ng mga mag-
aaral sa mapang tarpapel sa bansang pinagmulan ang mga larawan ng mga
lider nasyonalista.

IV. Pagtataya
- Panuto: Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang MALAYA kung ito ay
nagpapahayag ng tama o pawang katotohanan at DI-MALAYA naman kung
ito ay mali o walang katotohanan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Nasyonalismo ang tawag sa masidhing damdaming makabayan na


naipapakita sa pagmamahal sa sariling bayan.

2. Ang Aggressive Nationalism ay anyo ng nasyonalismo na nais ipaglaban


at palayain ang bansa sa mga mananakop

3. Si Ibn Saud ang kauna-unahang hari ng Saudi Arabia.

4. Si Gandhi ay nagmula sa bansang Jerusalem.

5. Si Mustafa Kemal Ataturk ang tinaguriang “Ama ngTurko”.

V. Takdang Aralin (10 puntos)


- Panuto: Sagutan sa isang sagutang papel ang katanungan.

- Anong gawain ng isang karaniwang mag-aaral na katulad mo ang maaaring


magpamalas ng pagmamahal sa bansa sa kasalukuyang panahon?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

You might also like