You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BACOOR CITY
SAN NICOLAS ELEMENTARY SCHOOL
BRGY. SAN NICOLAS II, BACOOR CITY CAVITE

Abril 8, 2024 – Lunes

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagkakatao III


Ikaapat na Markahan

I. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag- unawa sa kahalagahan ng pananalig sa Diyos, paggalang sa sariling paniniwala at
paniniwala sa iba hinggil sa Diyos, pagkakaroon ng pag-asa at pagmamahal bilang isang nilikha
II. Pamantayan sa Pagganap:
1. Naisabubuhay ang paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos
2. Naipakikita ang pagmamahal sa Diyos at sa lahat ng Kanyang nilikha kaakibat ang pag-asa
III. Pamantayan sa Pagkatuto:
Pagpapakita ng Pananalig sa Diyos (EsP3PD-lVa-7)
Layunin:
Nakapagpapakita ng Pananalig sa Diyos
IV. Paksa Aralin
Pananalig sa Diyos
A. Sanggunian:
CG p. 72
B. Kagamitan:
larawan, power point presentation
C. Pagpapahalaga:
Pagmamahal sa Diyos
V. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagwawasto ng takdang-aralin.
2. Balik-aral
Ano-ano ang patunay na mayroong Diyos?
Bakit tayo kailangan manalig sa Diyos?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Narinig mo na ba ang kasabihang, “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”?
Ano kaya ang kahulugan nito?
2. Paglalahad
Ang ating aralin sa araw na ito ay tungkol sa Pananalig at pagmamahal sa Diyos. At ang
layunin ng ating leksyon ay a. nasusuri ang ugnayan sa Diyos; b.naipapaliwanag ang batayang
konsepto ng aralin; at c.nakakagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang sariling
pananampalataya at esperitwalidad.

3. Pagtatalakay
Mga bata mayroon ako ditong sitwasyon kung saan inyong suriin.
Si Hans ay isang pinuno ng isang samahan sa kanilang simbahan. Bilang isang pinuno ay
nagsagawa siya ng isang recollection o pagninilay para sa kaniyang mga kasama. Ito ay matagal

San Nicolas Elementary School


Address: Brgy. San Nicolas II, Bacoor City, Cavite
Telephone No. :(046) 417-4667
Email Address: 107889@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BACOOR CITY
SAN NICOLAS ELEMENTARY SCHOOL
BRGY. SAN NICOLAS II, BACOOR CITY CAVITE

na niyang pinaghahandaan at marami siyang tiniis na hirap ng kalooban mula sa kaniyang mga
kasama dahil maraming tumutol dito. Bago dumating ang araw ng recollection ay sinabi niya sa
kaniyang mga kasama na hindi maaaring hindi sila dumalo sa gawaing ito dahil hindi sila
maaaring magpanibago o magrenew sa kanilang tungkulin. Ito ay napagkasunduan ng lahat.
Kinagabihan bago idaos ang recollection ay naisugod ang kaniyang
nanay dahil sa kaniyang sakit. Walang ibang maaarig magbantay sa kanyang nanay maliban sa
kaniya dahil nag-iisa lang siyang anak at sila lamang dalawa sa loob ng bahay. Ngunit may
mahalaga siyang tungkulin na dapat gawin sa simbahan. Siya ang pinuno at nasa kaniya ang
malaking responsibilidad para sa gawaing iyon.

Kung ikaw si Hans, ano ang iyong gagawin?

4. Paglalapat
 Isulat sa loob ng bilog ang iyong pakahulugan sa salitang espiritwalidad.
 Matapos gawin ay ibahagi ang iyong sagot sa katabi.

Tanong: Batay sa mga naisulat ninyo, ginagawa ba niyo iyan? Sa anong pamamaraan
niyo naipapakita ang pagiging maka-Diyos?
5. Pagtataya
Isulat ang OO kung ang nakasaad ay iyong ginagwa at HINDI naman kung hindi mo
ito ginagawa.

_____ 1. Pagdarasal bago at pagkatapos kumain.


_____ 2. Pagdarasal bago matulog at pagkagising sa umaga.
_____ 3. Pagbabasa ng Bibliya sa pagaaral ng salita ng Diyos.
_____ 4. Pagtulong sa kapwa na nangangailangan.
_____ 5. Pananahimik o personal na nagninilay.

VI. Takdang Aralin


Pag-aralan pa ang aralin.

REFLECTION: MASTERY LEVEL:

San Nicolas Elementary School


Address: Brgy. San Nicolas II, Bacoor City, Cavite
Telephone No. :(046) 417-4667
Email Address: 107889@deped.gov.ph

You might also like