You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII-CENTRAL VISAYAS
Schools Division of CarcarCity
GUADALUPE ELEMENTARY SCHOOL
Graje, Guadalupe, Carcar City
S.Y. 2023-2024
Table of Specification
THIRD PERIODICAL TEST – ESP 6
Third Quarter Cognitive Process Domain

TOTAL NO. OF ITEMS


MELC No. of Days Taught and Item Placement

Understanding
% of the Topic

Remembering
LAS Week No.

Learning

Evaluating
Analyzing
Code

Applying
Category

Creating
60% 30% 10%
Napahahalagahan ang
magaling at
matagumpay na mga
Pilipino sa
pamamagitan ng: 41,
A. pagmomodelo ng 42,43
EsP ,44,
kanilang
6PP
pagtatagumpay; 45,
P- 1,2,3, 6,7,8,
B. kuwento ng kanilang 10 20% 46, 20
1 IIIc 4,5 9,10
pagsasakripisyo at 47,
-d–
pagbibigay ng sarili 48,
35
para sa bayan; 49,
C. pagtulad sa mga 50
mabubuting katangian
na naging susi sa
pagtatagumpay ng mga
Pilipino

Nakagagamit nang may EsP 1,12,


pagpapahalaga at 6PP
13,
pananagutan sa P- 5 10% 5
2 kabuhayan at IIIe
14,
pinagkukunang-yaman –36 15

Nakapagpapakita ng
tapat na pagsunod sa EsP 16,
mga batas pambansa 6PP 17,
3 at pandaigdigan P- 5 10% 18, 5
tungkol sa IIIf 19,
pangangalaga sa –37 20
kapaligiran
Naipagmamalaki ang EsP 21,22
anumang natapos na 6PP
,23,
4 gawain na P- 5 10% 5
nakasusunod sa IIIg
24,
pamantayan at kalidad –38 25

Naipakikita ang
pagiging malikhain sa
paggawa ng anumang EsP
proyekto na 6PP 26,27
5 makatutulong at P- 5 10% ,28,2 5
magsisilbing IIIh 9,30
inspirasyon tungo sa –39
pagsulong at pag-unlad
ng bansa

Naisasakilos ang
pagtupad sa mga batas
pambansa at
pandaigdigan:
A. pagtupad sa mga
batas para sa
kaligtasan sa daan;
pangkalusugan; 31,
pangkapaligiran; pag- 32,33
EsP
abuso sa paggamit ng ,34,3
6PP
ipinagbabawal na
P- 5,36,
6 gamot; 10 20% 10
IIIh 37,
B. lumalahok sa mga
-i– 38,
kampanya at programa
40 39,
para sa pagpapatupad
ng batas tulad ng 40
pagbabawal sa
paninigarilyo, pananakit
sa hayop, at iba pa;
C. tumutulong sa
makakayanang paraan
ng pagpapanatili ng
kapayapaan

TOTAL 40 100% 5 10 20 15 0 0 50

Prepared by:

JOCEL B. MACOY
Teacher III Checked by:

JOCELYN L. OSMIL
School Principal
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII-CENTRAL VISAYAS
Schools Division of CarcarCity
GUADALUPE ELEMENTARY SCHOOL
Graje, Guadalupe, Carcar City
S.Y. 2023-2024

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ESP VI


Pangalan: Petsa:
Guro: _ Pangkat:
I. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang mga tanong at bilugan ang
titik ng tamang sagot.
1. Sino ang matapang na bayani at doktor na handang mamatay para sa bayan?
A. Andres Bonifacio B. Jose Rizal C. Juan Luna D. Gregorio Del Pilar
2. Sino ang kauna-unahang taga-Timog Silangang Asya na tumanggap ng International Children Peace
Prize Award noong 2012?
A. Kesz Valdez B. Sarah Geronimo C. Andrea Brillantes D. Mitch Lastimoso
3. Sino ang nagkamit ng 8 Division World Champion sa larangan ng boksing?
A. Johnriel Casimero B. Manny Paquiao C. Nonito Donaire D. Onyok Velasquez
4. Sino ang kauna-unahang babaeng naging pangulo ng Pilipinas?
A. Gloria Macapagal Arroyo B. Corazon Aquino C. Imelda Marcos D. Melchora Aquino
5. Sino ang Pilipinong kinilala sa larangan ng billiards?
A. Warren Kiamco B. Efren Bata Reyes C. Mark Pingris D. Jimmy Alapag
6. Araw- araw ang pag-eensayo ni Hidilyn Diaz sa weight lifting upang makamit ang gintong medalya sa
Asian Games noong 2018.
A. Masipag B. Matulungin C. Matiyaga D. Masunurin
7. Mula sa kanyang kabataan, tumutulong na si Ronald Callao sa kanyang mga magulang sa pagnenegosyo.
Namulat siya sa pagnenegosyo sa karinderya ng kanyang ina. Naitatag niya ang negosyong Food cart na
Kanin Boy na ngayon ay may 25 sangay na.
A. Masipag B. Matulungin C. Matiyaga D. Masunurin
8. Maagang pumasok sa paaralang pampubliko si Librada. Nagpakita siya ng kasipagan sa pag-aaral.
Pinagsumikapan niyang pag-aralan ang matematika, heyograpiya, wikang Espanyol, maging ang wikang
Ingles. Noong 1889, ipinasa niya ang pagsusulit sa pagiging guro ng elementarya. Noong 1907, itinatag
nila ng kanyang kaibigan na sina Carmen De Luna at Fernando Salas ang Centro Escolar de Señoritas na
kilalang pioneer sa makabagong edukasyon para sa mga kababaihan. Kilala na ang paaralang ito ngayon
bilang Centro Esscolar University.
A. Magalang B. Matalino C. Responsible D. Mapagmahal
9. Patuloy ang pag-eensayo ni Manny Pacquiao sa pagboboksing kahit na siya ay isa nang senador. Maliban
sa paglilingkod sa bayan gusto niya ring magbigay ng karangalan sa ating bansa sa larangan ng boksing.
A. Makabayan B. Matapang C. Matulungin D. Masunurin
10. Mahirap ang buhay na kinalakihan ni Kesz kaya’t kahit bata pa ay namuhay na siya sa pamamagitan ng
pangangalakal ng basura.
A. Makabayan B. Magalang C. Masipag D. Mapagbigay
11. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang dapat nating tularan?
A. Si Harry na mabilis natapos ang kanyang proyekto dahil ginaya lamang niya ito sa internet.
B. Si Ana na nagpasa ng proyekto na pinuri ng kanyang guro dahil sa ganda nito subalit lingid sa
kaalaman ng marami ay binili lang niya ito.
C. Si Mario na nakakuha ng malaking marka sa kanyang proyekto dahiI maganda ito ngunit ito pala
ay gawa ng kanyang ina.
D. Si Jona na matagal natapos ang kanyang proyekto at pinuri siya ng kanyang guro dahil siya ang
gumawa nito at hindi siya nanggaya sa internet.
12. Sino ang nagpapakita ng isang de-kalidad na gawain na pwede nating ipagmalaki?
A. Mabilis na ipinasa ni Ariel ang proyekto subalit wala naman itong kalidad.
B. Ipinasa ni Roger ang kanyang proyekto sa guro kahit mayroon pang kulang.
C. Naubos ni Linda ang oras sa paggawa ng proyekto at ipinasang hindi maayos ito.
D. Sumunod si Ana sa pamantayan sa paggawa ng proyekto upang dekaIidad ang kanyang gawa.
13. Ang mga sumusunod na katangian ay maaari mong taglayin at tularan para magtagumpay. Alin dito?
A. Mahilig mamasyal si Meme pagkatapos ng klase.
B. Umuwi kaagad si Nelson pagkatapos ng klase upang makatulong sa mga gawaing bahay.
C. Pagkatapos ng klase pumunta sa kompyuter shop si Edwin para maglaro at hindi nagpapaalam
sa kanyang magulang.
D. Palaging nagdadabog si Tes tuwing inuutusan siya ng kanyang mga magulang na bumili ng mga
pagkain sa paIengke.
14. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga matagumpay na PiIipino, maliban sa
isa. Alin dito? Nais tularan ni Perla ang kanyang magaling na guro.
A. Pinuri ni Allan ang kaklaseng nakakuha ng mataas na marka.
B. Pinagtawanan ni Alex ang kamag-aral na nagkamali sa pagkanta.
C. Hinangaan ni Robert ang kanyang kapatid dahil sa taglay na galing sa pagsayaw.
15. Sa mga bundok dapat tayong ________________.
A. magtanim ng mga puno C. manghuli ng mapanganib na hayop
B. magkaingin, magtagpas, at magsunog D. magtatag ng maliit na kompanya
16. Upang maiwasan ang red tide, dapat ________________.
A. linisin ang barko C. panatilihin ang kalinisan sa katubigan
B. linisin ang bawat isda bago iluto D. isulong ang pagtatayo ng mga beach resort
17. Upang maiwasan umamoy ang basura dapat ________________.
A. itapon ito malayo sa inyong bahay
B. isilid ito sa plastic at itapon sa kapitbahay
C. lagyan ito ng esprey bago itapon sa ilog
D. paghiwa-hiwalayin ang mga ito sa nabubulok at di nabubulok na lalagyan at nakatakip.
18. Mas mapaparami ang huling mga isda ng mga mangingisda kung ________________.
A. tumulong sa pangangalaga sa karagatan upang dumami ang mga isda
B. tulungan silang mangisda buong araw
C. sabihan sila kung paano mangisda gamit ang pinong lambat at dinamita
D. bigyan sila ng ibang trabaho
19. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nakasalalay lamang sa _______.
A. mayayaman total sila naman ang mapera at may maraming basura
B. mga nasa gobyerno kasi sila ang mas may pananagutan
C. mga Departamento ng pangangalaga sa kalikasan
D. lahat ng tao dahil tayo ang inaasahang mag-alaga sa ating kapaligiran.
20. Maraming kompanya ng construction ang kumukuha ng maraming bato at buhangin mula sa mga
bundok. Ang mga masasamang epekto nito ay __________.
A. pagguho ng lupa C. pagyaman ng bansa
B. pagbaha at lindol D. pagkatuyo ng mga bukal
21. Upang mas maraming mahuli at kitain ang mga mangingisda dapat nating pagsikapang mabuti
na __________.
A. bigyan sila ng ibang trabaho
B. tulungan silang mangisda buong araw
C. sabihan sila kung paano mangisda gamit ang dinamita
D. tumulong sa pangangalaga ng karagatan upang dumami ang mga isda
22. Iminungkahi ng nanay mo na bumili ng corals para sa inyong aquarium. Narinig niya na mayroong
tindahan sa palengke na nagbebenta ng corals sa mababang halaga. Ngunit nalaman mo sa klase na
hindi dapat kinukuha sa dagat ang corals dahil dito tumitira ang kawan ng mga isda. Dapat sabihin mo
sa nanay mo na _________.
A. siya nalang ang bumili
B. hindi dapat kunin sa dagat ang corals
C. binalaan ka ng iyong guro tungkol sa maling gamit ng corals
D. dapat siyang bumili ng marami upang ibenta sa iba sa mas mataas na halaga
23. Ang katagang “Bawal ang Pagtotroso” ay nangangahulugang ___________.
A. hindi pwedeng manggatong dito C. magtanim ng punongkahoy
B. i-preserba ang malaking kahoy D. magkaingin dito
24. Ano ang naidudulot ng maitim na usok sa ating kapaligiran?
A. Kaginhawaan B. Kalinisan C. Mikrobyo D. Polusyon

25. Ang pagtatapon ng basura kahit saan ay _____________.


A. nakapagpabango ng hangin C. masama sa kapaligiran
B. mainam sa katawan D. magiging fertilizer
26. Alin dito ang tamang pagtapon ng basura? Itapon ito sa _____________.
A. kahit saan B. basurahan C. gilid ng kalsada D.tapat ng kapitbahay
27. Mayroong proyekto ang inyong kapitan sa inyong barangay tungkol sa “Clean and Green” at gagawin
ito
sa araw na Sabado. Magtatanim at maglilinis sila ng buong barangay. Ano kaya ang pwede mong
maiambag?
A. Uutusan ang mga batang maliit na magwalis sa kalsada.
B. Hikayatin ang mga batang tulad ko na sasali.
C. Sasabihin sa mga bata na pabayaan sila.
D. Tutulong ng kaunti at aalis.
28. Ano ang mainam na paggamitan ng mga pira-pirasong tela na maaaring pagkakitaan?
A. pampunas ng alikabok C. pansala sa paggamit ng graba
B. paggawa ng damit D. pantakip sa mga muwebles
29. Anong etiko sa paggawa ang katangian na hindi manggagaya kahit sa iyong paligid ay usong uso ito?
Dapat maging __________.
A. iba ka B. una ka C. orihinal D. pinakamabuti ka
30. Alin ang nagpapatunay na “Kung may tiyaga, may nilaga.”?
A. Nagpabaya sa kanyang pag-aaral si Tally.
B. Palaging naglalaro ng online games si Maria.
C. Lakwatsero si Estoy kaya’t hindi nakatapos ng pag-aaral.
D. Nagsusumikap sa kanyang pag-aaral si Max kung kaya’t nakahanap siya ng disenteng trabaho.
31. Maraming kabataan ang nag-iistambay sa mga tindahan kung gabi at namamansin ng mga taong
dumaan. Ano ang masasabi mo rito?
A. Okey ang ganitong gawain kung naglilibang lamang sila
B. Hihimukin ko ang aking mga kaibigan na tularan ang ganitong gawain.
C. Hindi tama ang kanilang ginagawa at nararapat na bigyan sila ng nararapat na aksiyon.
D. Hikayatin sila na sumali sa mga programang pangkabuhayan na pinanguluhan ng barangay.
32. Paano ka makatutulong nang hindi para sa iyong sarili lamang?
A. Gawin ito ng mabilisan
B. Gumawa kahit hindi inuutusan
C. Mag-utos pa ng iba para may kasama sa paggawa
D. Hintayin ang kapangkat para mabuo ang proyekto
33. Nagpupulong ang mga mag-aaral ni Gng. Montes tungkol sa darating na Christmas Party ng kanilang
seksyon. Bilang pangulo ikaw ang nautusan na mamuno nito. Paano mo ito gagawin?
A. Pagsalitain sila sabay-sabay
B. Pakinggan lang ang mga kaibigan
C. Ikaw na lang ang magdesisyon para matapos agad
D. Kunin ang kanilang mga ideya at pagbutuhan sa klase
34. Ang paghahanap ng mga luma subalit magagandang kagamitan para sa anumang bagay na gagawin
ay pagpapamalas ng pagiging _____________.
A. malikhain B. masinop C. masipag D. matatag
35. Ito ay nangangahulugan ng kakayahang bumuo ng mga bagay na hindi pa naiisip ng iba o paunlarin
ang mga bagay na naimbento na.
A. pagkamakabago B. pagkamalikhain C. pagkamasinop D. pagka-orihinal
36. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng isang malikhaing tao?
A. Orihinal C. Paggaya sa isang sikat na proyekto
B. Mayaman sa ideya D. Madaling makibagay at iangkop ang sarili
37. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabuting naidudulot ng pagiging malikhain?
A. Nakapagpapadali ng gawain C. Nakakagawa ng panibagong imbensyon
B. Nagagamit ang trabaho ng iba D. Naiaangat ang kalagayang ekonomikal ng isang tao
38. Ang matapat at mabuting paggawa ay isang mabisang paraan upang makuha ang tiwala ng mga
kasamahan sa gawain.
A. katapatan sa paggawa C. positibong pananaw
B. pagiging mapamaraan D. tiwala ng kapuwa
39. May isang computer shop na hindi kalayuan sa inyong paaralan. Madalas itong puntahan ng mga mag-
aaral dahil mura ang halaga ng paglalaro. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi makialam
B. Ipagbigay-alam sa gurong tagapayo
C. Sabihin sa iyong mga kaibigan na iwasang pumunta roon
D. Sabihin sa iyong mga magulang upang maipabatid nila sa kinauukulan
40. May nag-aalok sa iyo ng trabaho sa isang pabrika ng paputok na may suweldong mahigit pa sa baon
mo. Sinabi niyang maaari kang umalis ng bahay niyo at magkunwaring pumapasok sa paaralan at
tumuloy sa pabrika. Ano ang gagawin mo?
A. Magsabi ng “Hindi!” at iwasan ang tao
B. Sabihin agad sa iyong guro o mga magulang
C. Magpapasama ka sa iyong kaibigang pumunta sa pabrika
D. Sabihan ang iyong mga kamag-aral na nangangailangan ng pera na sabay kayong
pupunta sa pabrika
41. May isang di kilalang tao ang lumapit sa iyo. Isinasama ka niya sa isang lugar at sinabing
magkakaroon ka ng lahat ng mga laruan at tsokolate na nais mo. Pero hindi mo dapat sabihin kahit
kanino, lalo na sa iyong mga magulang at guro. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko sasabihin kahit kanino
B. Sumang-ayon at sumama sa tao
C. Humingi ng pera bago sumama sa tao
D. Ipaalam agad sa iyong guro o magulang
42. Sa paanong paraan mo maipakita ang pagtupad sa mga batas para sa kaligtasan sa kalsada?
A. Si Oscar ay tumatakbo habang tumatawid.
B. Si Roy sumasabay sa mga taong tumatawid.
C. Si Anghel gumagamit ng “Sky Walk” sa pagtawid sa kalsada.
D. Si Pedro nakikipagpatintero sa mga sasakyan habang tumatawid.
43. Produktibo ang isang tao kung marunong siyang mag-isip ng paraan kung papaano magiging
kapakipakinabang ang bawat makita sa kanyang kapaligiran. Alin sa mga sumusunod ang kanyang
katangiang tinataglay?
A. galante B. maaasahan C. mabait D. malikhain
44. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng gawaing makatutulong sa pag-unlad ng
bansa?
A. Si Onyok na nililinis ang harap ng bahay at sinusunog ang mga basura.
B. Si Awra na gumagamit ng net na may maliliit na butas sa panghuhuli ng isda.
C. Si Ryza na gumagamit ng chemical fertilizer sa mga pananim upang dumami ang kita.
D. Si Cardo na ginagamit ang mga patapong bagay tulad ng bote ng mineral water bilang
taniman ng halaman.
45. Si Angela ay dumalo sa kaarawan ng kanyang kaklase. Nakita niya na maraming balat ng Zest-O mula
sa idinaos na okasyon. Ano ang maaari niyang gawin sa balat ng Zest-O upang maging kapaki-
pakinabang ito?
A. Gagawin niyang bag. C. Itatapon niya sa basurahan.
B. Ibibigay niya sa basurero. D. Hahayaan niya lamang na nakakalat.
46. Si Nena ay nagbebenta ng isda. Sa pagbabalot, ginagamit niya ang plastik. Alin sa mga sumusunod ang
dapat sabihin sa kanya?
A. “Isusumbong kita kay kapitan, Nena.”
B. “Huwag kang gagamit ng plastik, Nena.”
C. “Wala kang pagmamahal sa kapaligiran, Nena.”
D. “Nena, mas mainam na hikayatin ang mga mamimili na magdala ng eco bag.”
47. Ang paglilikha ng panibagong kagamitan mula sa patapong bagay ay nagpapakita ng
pagiging _________.
A. maagap B. malikhain C. masipag D. masunurin
48. May isang computer shop na hindi kalayuan sa inyong paaralan. Madalas itong puntahan ng mga
mag-aaral dahil mura ang halaga ng paglalaro. Ano ang gagawin mo?
A. Ipagbigay-alam sa gurong tagapayo
B. Sabihin sa iyong mga kaibigan na iwasan pumunta roon
C. Sabihin sa iyong mga magulang upang maipabatid sa kinauukulan
D. Huwang makialam sa kanila
49. Inaasahan na ang mga mamamayan ay susunod sa batas upang magkaroon ng ________.
A. kaguluhan B. kalungkutan C. kaayusan D. kaibigan
50. Pinarurusahan ng batas ang mga sumusuway upang ito ay ________.
A. magdusa B. magtanda C. magkapera D. sumikat
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CARCAR CITY
P. Nellas St., Poblacion III, Carcar City, Cebu
GUADALUPE ELEMENTARY SCHOOL

Susi sa Pagwaswasto

I.

1. b
2. d
3. d
4. b
5. c
6. a
7. c III. A
8. d
9. a 21. Mali
10. d 22. Tama
23. Mali
II. 24. Tama
25. Tama
11. /
12. /
13. X B.
14. /
15. / 26. Mali
16. / 27. Tama
17. / 28. Tama
18. X 29. Tama
19. X 30. Tama
20. /
IV.

Nakadepende ang sagot ng mag-aaral

You might also like