You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR

FILIPINO VI
I. Layunin :
Naipapamalas ang mapanuring pang-unawa sa tekstong
binasa

Nasasagot ang mga tanong sa nabasang teksto.

Natutukoy ang mga salitang magkaugnay.


II. Paksang Aralin :

- Pagsagot sa mga tanong mula sa nabasang kwento.


-Pagtukoy sa mga salitang magkaugnay.

Reading Intervention
/
Reading Enhancement

Kagamitan: larawan, sipi ng teksto,laptop,telebisyon


Sanggunian: https://bacoortayo.wordpress.com/2014/11/08/kaunting-
mga-impormasyon-tungkol-sa-kasaysayan-ng-bacoor/

III. Pamamaraan:
A. BAGO BUMASA
1. Panlinang na Gawain
Pagpapakita ng larawan(Ano ang nakasaad sa larawan?
Saan natin ito matatagpuan?

Bacoor Government Center, Bacoor Blvd., Brgy. Bayanan, City of Bacoor, Cavite
(046) 435-6100
bacoor.city@deped.gov.ph
depedbacoorcity.ph
2.Paghahawan ng balakid
Isaayos ang mga letra ng mga salitang kaugnay ng salitang
“bakod” at isulat sa loob ng mga bilog.

__

__ bakod __

__
BAUKNAR HAGNAR GET Y DERPA

3.Pagganyak na tanong:
Sa inyong palagay,bakit kaya Bacoor ang ipinangalan sa ating
lungsod?

B.HABANG BUMABASA
1. Babasahin ang teksto “Ang Lungsod ng Bacoor” ”

2.Pagbasa nang Malakas (Reading Aloud)


a.Babasahin ng guro ang teksto
b.Pagkatapos babasahin ng mga mag-aaral ang teksto nang
sabay-sabay (choral reading)
3. Pagsagot sa pagganyak na tanong

4. Mga tanong( asking questions)

Bacoor Government Center, Bacoor Blvd., Brgy. Bayanan, City of Bacoor, Cavite
(046) 435-6100
bacoor.city@deped.gov.ph
depedbacoorcity.ph
A.Pagsagot sa mga Tanong:
1.Gaano kalawak ang lungsod ng Bacoor?
2.Saan matatagpuan ang lungsod ng Bacoor?
3.Ilang barangay ang bumubuo dito?
4.Paghambingin ang “dating Bacoor” sa “bagong Bacoor”
5.Paano nagkaroon ng kontribusyon ang Bacoor sa kasaysayan?

B.Tukuyin at salungguhitan ang salitang kaugnay ng


italisadong salita sa bawat pangungusap.
Halimbawa: Magigiting silang bayani sapagkat sila ay matapang
na nakipaglaban.

1.Ang lungsod ng Bacoor ay isang maunlad na siyudad.

2.Ayon sa kwento ng mga matatanda ay may dumating na


hukbo;iyan ang istorya ng aking lolo.

3.Ang Bacoor ang naging sentro ng labanan sa tulay ng


Zapote.Isa itong mainit na tunggalian.
4.Pinangunahan ni General Edilberto Evangelista ang labanan.
Buong husay siyang namuno rito.
5.Binigkas ng Espayol ang salitang Bacoor.Sinambit niya ito sa
kanyang mga kasamahan.

Bacoor Government Center, Bacoor Blvd., Brgy. Bayanan, City of Bacoor, Cavite
(046) 435-6100
bacoor.city@deped.gov.ph
depedbacoorcity.ph
B.PAGKATAPOS BUMASA

Sagutin ang sumusunod na tanong at gumawa ng isang


journal tungkol dito.
( writing a journal)

1.Isulat ang iyong saloobin hinggil sa natutunan mo


mula sa tekstong binasa.

2.Ano ang nais mong gawin sa kaalamang nakuha sa


pagbasa ng teksto?

IV. Kolektahin ang mga output ng mga mag-aaral


para sa masubaybayan ang kanilang pag-unlad.

Inihanda ni: Binigyang puna ni:


Joel M. Cabigon Ma.Theresa T.Gervacio
Guro sa Filipino 6 Dalubhasang Guro I

Pinagtibay ni: Leonora M. Pantorgo Ph.D


Punongguro IV

SIPI NG TEKSTO:

Bacoor Government Center, Bacoor Blvd., Brgy. Bayanan, City of Bacoor, Cavite
(046) 435-6100
bacoor.city@deped.gov.ph
depedbacoorcity.ph
https://bacoortayo.wordpress.com/2014/11/08/kaunting-mga-impormasyon-
tungkol-sa-kasaysayan-ng-bacoor/

Ang Lungsod ng Bacoor ay isang “first class o di-primerang klase ng


lungsod sa lalawigan ng Cavite. Ito ay solong distritong pambatas ng Cavite na
may sukat na 52.4 km kwadrado na nasa timog silangang baybayin ng Look ng
Maynila na nasa hilagang kanluran ng lalawigan.
Ito ay binubuo ng 73 barangay Ayon sa tala ng Census noong taong
2010 ang bilang ng populasyon ng Bacoor ay 520, 216. Saan nga ba nagmula
ang pangalang Bacoor?
Ayon sa kuwento ng mga matatanda noong araw raw ay may dumating
dito na hukbo ng mga Kastila habang ang ilang mga naninirahan ay bumubuo o
nagtatayo ng bakod. Ang mga Espanyol ay nagtanong kung ano ang pangalan
ng kanilang bayan o lugar. Hindi ito maunawaan ng mga kalalakihang Pilipino
at inakala nila na ang itinatanong ng mga Espanyol ay kung ano ang ginagawa
nila kaya naman may sumagot sa kanilang, “bakod”.
Pagkatapos binigkas ito ng mga Espanyol na “Bacoor” at hindi nagtagal
ang bayang ito ay tinawag na Bacoor.Ang Bacoor ang naging sentro ng
Labanan sa Tulay ng Zapote noong 1899 laban sa mga hukbo ng Amerikano.
Pinangunahan Ni Gen Edilberto Evangelista ang labanang ito. Kasabay ng
pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 itinalaga ang
Bacoor bilang kabisera ng Rebolusyunaryong gobyerno sa pangunguna ni Gen.
Emilio Aguinaldo bago ito ilipat sa Malolos. Sa kabila nito ay nagpatuloy pa
rin ang pamahalaang rebolusyunaryo sa Bacoor at bumuo ng hukbo na
pinangalanang “Gargano.”Kaya naman isa rin ang Bacoor sa bayang
nakipaglaban para sa kalayaan. Sa kasalukuyan ang Lungsod ng Bacoor ay
mabilis ang pag-unlad kasabay ng Imus at Dasmarinas dahil na rin sa kanilang
lokasyon. Mula sa dating agrikultural , ang Bacoor ngayon ay kilala bilang
isang lugar pang-komersyo at isang pangunahing bayang pamahayan na
pinalawak ng Mega Manila.

Bacoor Government Center, Bacoor Blvd., Brgy. Bayanan, City of Bacoor, Cavite
(046) 435-6100
bacoor.city@deped.gov.ph
depedbacoorcity.ph
Bacoor Government Center, Bacoor Blvd., Brgy. Bayanan, City of Bacoor, Cavite
(046) 435-6100
bacoor.city@deped.gov.ph
depedbacoorcity.ph

You might also like