You are on page 1of 1

Browse  

YOU ARE READING

Noli Me Tangere
HISTORICAL FICTION

/Ang Buod ng Noli Me Tangere/ For school purposes only.


Originally written by our national hero Dr. Jose Rizal.
@credits to the source of this buod...

completed historicalfiction

Mga Tauhan
 38.1K  124  3

By ronwelicious

Mga Tauhan:

Ibarra
Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin o Crisostomo
o Ibarra, ay isang binatang nag-aral sa Europa;
nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang
matiyak ang magandang kinabukasan ng mga
kabataan ng San Diego.

Maria Clara
Si Maria Clara de los Santos y Alba o Maria Clara, ay
ang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng
San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si
Doña Pia Alba kay Padre Damaso.

Padre Damaso
Si Damaso Verdolagas o Padre Damaso, ay isang
kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya
matapos maglingkod ng matagal na panahon sa
San Diego; tunay na ama ni Maria Clara.

Kapitan Tiago
Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago, ay
isang mangangalakal na tiga-Binondo; ama-
amahan ni Maria Clara.

Elias
Si Elias ay isang bangkero at magsasakang
tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang
bayan at ang mga suliranin nito.

Si Sisa, Crispin, at Basilio


Si Narcisa o Sisa, ay isang masintahing ina na ang
tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang
pabaya at malupit.
Si Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni
Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog ng kampana
sa simbahan ng San Diego.

Pilosopo Tasio
Si Don Anastasio o Pilosopo Tasio, ay maalam na
matandang tagapayo ng marurunong na
mamamayan ng San Diego.

Donya Victorina
Si Donya Victorina de los Reyes de Espadanya o
Donya Victorina, ay isang babaing nagpapanggap
na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang
kolorete sa mukha at maling pangangastila.

Padre Salvi o Bernardo Salvi- kurang pumalit kay


Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi
kay Maria Clara.

Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa


kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na
Hari ng Italya ng San Diego habang ang kura ang
Papa ng Estado Pontipikal)

Donya Consolacion - napangasawa ng alperes;


dating labandera na may malaswang bibig at pag-
uugali.

Don Tiburcio de Espadanya - isang pilay at bungal


na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap
ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya
Victorina.

Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at


pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya
para mapangasawa ni Maria Clara.

Don Filipo - tinyente mayor na mahilig magbasa na


Latin

Señor Nol Juan - namahala ng mga gawain sa


pagpapatayo ng paaralan.

Lucas - kapatid ng taong madilaw na gumawa ng


kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay
Ibarra.

Tarsilo at Bruno - magkapatid na ang ama ay


napatay sa palo ng mga Kastila.

Tiya Isabel - hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa


pagpapalaki kay Maria Clara.

Donya Pia Alba - masimbahing ina ni Maria Clara


na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.

Inday, Sinang, Victoria, at Andeng - mga kaibigan


ni Maria Clara sa San Diego

Kapitan-Heneral - pinakamakapangyarihan sa
Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-
ekskomunyon si Ibarra.

Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo;


nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan
sa yaman kung kaya nataguriang erehe.

Don Saturnino - lolo ni Crisostomo; naging dahilan


ng kasawian ng nuno ni Elias.

Balat - nuno ni Elias na naging isang tulisan

Don Pedro Eibarramendia - ama ni Don Saturnino;


nuno ni Crisostomo

Mang Pablo - pinuno ng mga tulisan na ibig


tulungan ni Elias.

Kapitan Basilio - ilan sa mga kapitan ng bayan sa


San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin; ama
ni Sinang

Tinyente Guevarra - isang matapat na tinyente ng


mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng
tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.

Kapitana Maria - tanging babaing makabayan na


pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng
ama.

Padre Sibyla - paring Dominikano na lihim na


sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Albino - dating seminarista na nakasama sa piknik


sa lawa.

    

Continue Reading

You'll Also Like


ONCE UPON A TIME IN KOREA
By MyMischievous_M
Historical Fiction
 8.7K  587  34
What if a girl with an ordinary life,
suddenly travels to an unexpected
place and time? Hannah Kim is an
ordinary girl with a loving family living
in...
Noli Me Tangere
By RNWL
Historical Fiction
 114K  990  67
/Ang Buod ng Noli Me Tangere/ For
school purposes only. Originally written
by our national hero Dr. Jose Rizal.
@credits to the source of this buod...
I Love You since 1892 (Published by
ABS-CBN Books)
By Binibining Mia
Historical Fiction
 124M  2.6M  56
Si Carmelita Montecarlos ay ang
bunsong anak ng pinakamayamang
angkan sa San Alfonso. Habang si
Juanito Alfonso naman ay ang anak ng
pinakamaimpluwen...
M
By Maxine Lat
Historical Fiction
 6.2M  289K  17
#ProjectM II This work of fiction may
include potentially disturbing readings,
scenes and discussions around topics
such as self-harm, physical viole...

© 2024 Wattpad

Start Reading

Login with Browser

You might also like