You are on page 1of 36

KABANATA 1

ANG ESTRUKTURA NG WIKA: ISANG KOMPONENT NG SISTEMA NG WIKA


______________________________________________________________________
PANIMULA

Saang mang lugar na may mga tao, tiyak na may mga wikang gamit ang mga
taong ito. Makapangyarihan at pangunahing kodigo ng komunikasyon ang wika. Ito ang
magbibigkis sa mga tao upang magkaisa at mabuhay ng payapa.
Kamakailan lamang naging isyu at usapin ang Filipino sa kurikum dahilan sa
panukalang tatanggalin ito sa kolehiyo. Marami ang tumutol sa pagpahinto nito na
maisama sa kurikulum kaya’t napagpasyahan na lamang ang pagdedesisyon nasa mga
pamunuan na lamang ng mga kolehiyo. Malaki ang mawawala na karunungan sa ating
lahing Pilipino kung hahayaan natin na mabubura ang sariling wika sa kurikulum. Isaisip
natin na wika ang pinakaunang pangangailangan ng tao sa pagkikipagkomunikasyon.
Wika ang nagiging dahilan para matuklasan natin ang nakaraan, kabihasnan, kultura,
paniniwala at kung anong lipunan ang mayroon tayo sa ngayon at sa nakaraan. Wika
ang nagiging dahilan para sa ating magandang kinabukasan upang masulyapan ang
mga nagdaan at magamit natin bilang batayan para sa mas maganda at maayos na
pakikisalamuha sa lipunang ating ginagalawan.
Ayon kay Perla S. Carpio et. Al (2012), kung walang wika, walang mabubuong
lipunan. Kung walang lipunan, walang uusbong na kultura. Patunay lamang ito na ang
wika ang siyang buhay at hininga ng isang tao o bansa. Wika ang bubuo at
magbubuklod-buklod sa isang bansa. Ito ang magbibigay ng kulay sa dating buhay.
Wika ang ginagamit ng tao bilang instrumento sa kanyang pakikipag-ugnayan.
Binanggit ni Hoebel (1966) na ang isang lipunan o komunidad ay maaaring mabuhay
nang walang wika ngunit walang maunlad na kalinangan o kultura kung walang wika.
______________________________________________________________________
PANGKALAHATANG LAYUNIN
1. Matalakay ang estruktura ng wika pati na ang dagdag na kaalaman tungkol sa
mga ito.
2. Mapag-aralan ang iba’t ibang estruktura at komponent ng wika at kung paano ito
ituturo.
3. Matanto ang kaugnayan ng paguturo at pagkatuto ng wika, kultura ayon sa
kontekstong pangklasrum.

1
4. Masigasig ang pagpapahalaga wika sa pamamagitan ng mga gawaing
pampagtuturo.
5. Malinang ang mga kaalaman sa pagtuturo ng wika.

ARALIN 1: ANG WIKA AT ANG KOMUNIKASYON

Panimula
Sa bahaging ito ng aralin, bibigyang diin natin ang kahulugan ng wika sa malalim
na pagtingin. Batid kong alam na alam ninyo kung pag-uusapan ang wika. Iba’t ibang
pananaw mayroon ang wika at depende ito sa gumagamit ng wika.
Mas mainam siguro kung simulan natin ang pagmumuni, Bakit mahalaga sa isang
guro ng wika ang mga kaalaman sa estruktura ng wika? Balikan natin ang estruktura ng
wika: ang Ponolohiya, ang Morpolohiya, ang Sintaks, ang Semantika, at ang
Pragmatika.

Layunin
1. Naibibigay ang kahulugan ng wika pati na ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.
2. Naiuugnay ang iba’t ibang estruktura ng wika at mga terminong ito sa karanasan
ng mga Pilipinong mag-aaral.

Pagtalakay
Ang wika ay set ng mga simbolong arbitraryo. Ito ay nararanasan sa isang kultura o
komunidad ng pagsasalitang maaaring berbal o di berbal at kung saan may tao doon
nabubuo ang wika. Makapangyarihan at pangunahing kodigo sa komunikasyon ang
wika. Ito ay binubuo ng mga salita na nagsisilbing instrumento sa pagbabago ng
pananaw ng kapwa sa reyalidad lalo na kung maayos itong magagamit (Fortunato at
Valdez, 1995).

1.1. Ang Kalikasan ng Wika


Humigit-kumulang nahahati nang ganito ang oras na iginugol natin sa
pakikipagtalastasan gamit ang wika: 30% sa pakikinig, 25% sa pagsasalita, 25% sa
pagbasa, at 20% sa pagsulat.
Bilang isang mag-aaral ng wika, marapat lamang na may taglay kang sariling
pagpapakahulugan kung ano ang wika. Napakaraming kahulugan ang maikakapit sa
2
wika. Ang matutunghayan ninyo ang ilang kilalang tagapagtaguyod ng wika ang may
ganitong mga pahayag.
Ang wika ay masistemang pag-aayaw-ayaw ng lipon ng mga salita na ginagamit
sa paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin na tangi sa isang pangkat
ng tao sa isang pamayanan o bansa. Ang wikang tangi sa isang pamayanan ay may set
ng mga salitang ang pakahulugan ay nauuunawaan ng bawat isa. Gayundin, ang
wikang ito ay may sariling balarila at Sistema ng pag-uugnay ng mga salita at
nagagawang bigyan ng kahulugan ng mga taong kasapi sa pamayanan iyon.
Bilang isang mag-aaral ng wika, marapat lamang na may taglay kang sariling
pagpapakahulugan kung ano ang wika. Napakaraming kahulugan ang maikakapit sa
wika. Ilang kilalang tagapagtaguyod ng wika ang may ganitong mga payahag.
Ang wika ay may kaayusang Sistema ng mga tunog na gamit sa interpersonal na
komunikasyon at nakagagawa nang puspusang pagkakatatag ng mga bagay,
pangyayari, at mga proseso ng mga karanasan ng tao (Carroll, 1973:289).
Ang wika ay isang sistematikong paraan ng pakikipagkomunikasyon ng mga
ideya o damdamin sa pamamagitan ng paggamit ng kombensyunal na mga pananda,
tunog, kilos o galaw na mayroong talastasan na mga kahulugan(Webster New
International Dictionary,1961:1270).
Wika ang kasangkapan ng isang manunulat sa paglikha nh kanyang sining.
Karaniwang di totoong mahalaga kung ano ang wikang iyon. Ang higit na mahalaga’y
kung paano ginagamit ng maguni-guning manunulat ang wikang kasangkapan
(Pineda,2004:236).
Ayon kay Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog
na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang
sa kultura.
Ayon kay Hill, ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng
simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na
nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at pardon na lumilikha
at simetrikal na estruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang
arbitraryo at kontrolado ng lipunan.
Narito ang ilang puntos na dapat isaalang-alang kaugnay ng mga depinisyong
inilahad:
a. Ang wika ay gamit sa komunikasyon.
b. Ang wika ay talagang pantao, bagama’t maaaring hindi ito limitado sa mga tao
lamang.
3
c. Ang wika ay set ng mga simbolong arbitraryo.
d. Ang mga simbolong ito’y tunog sa pagsasalita ngunit maaari ring biswal.
e. Ang mga simbolo ay may taglay na kombensyunal na mga kahulugan na
kanyang pinatutungkulan.
f. Ang wika ay masistema.
g. Ang wika ay mararanasan sa isang kultura o komunidad ng pagsasalita.

1.2. ANG PINAGMULAN NG WIKA


Ayon sa iba’t ibang manunulat at teorista, ang mga Egyptian daw ang
pinakamatandang lahi kaya ang wikang Egyptian ang pinakamatandang wika sa
daigdig. Ang manlilikha ng panalita para sa kanila ay si Haring Thot.
Mula sa aklat nina fromkin, V, & R. Rodman (1983) ay sinasabing ang lahat ng
kultura ay may kanya-kanyang kuwento ng pinagmulan ng wika. Kung minsan, ang
mga kuwentong ito ay walang kabuluhan ngunit kinawiwilihan at pinaniniwalaan dahil
parang may katotohanan nga para sa kanila. Sa aklat naman ni Darsna Tyagi (2006),
sinasabing sa China, naniniwala sila na ang Son of Heaven na si Tien-Zu ang nagbigay
ng wika at kapangyarihan. Sa Japan naman, ang manlilikha nila ng wika ay si
Amaterasu. Ang ibang teorya ay nagsasabing ang wika ay kasama na ng pagsilang o
paglikha ng tao. Totoo man o hindi ang lahat ng ito, dahil wala pang wika, may iba’t
ibang paraan ng komunikasyon noong unang panahon. Ayon kay Hoebel (1996)
walang makapagsasabi kung saan o kung kalian o kung paano ba talaga nagsimula
ang wika. Maaaring ang mga tao noon ay nakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng
pag-iyak, pagkilos, paggalaw o pagkumpas ng kamay hangga’t ang mga senyas na ito
ay binigyan ng mga simbolo at kahulugan.
Sa katunayan, walang tao o aklat man ang nakapagpapatunayn na ang wika ay
nag-ugat o nanggaling sa isang tiyak na tao, bagay o pangyayari. Ang lahat ng tungkol
sa pinagmulan nito ay puro mga haka-haka o pansariling opinion lamang kaya
magpahanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang pagtatalo hinggil sa pinagmulan nito.

1.3. DEPINISYON O KAHULUGAN NG WIKA


Matutunghayan ang iba’t ibang kahulugan ng wika batay sa:
1. Austero et. Al (2009)- Naipapahayag sa wika ang mga kaugalian, isip at
damdamin ng bawat grupo ng mga tao at maging sa larangan ng kaisipan. Ang
wika pa rin ang impukan- kuhanan ng isang kultura, ito ang pahayag ni Zeus
Salazar.

4
2. Tumangan, Sr.et.al (1997)- Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na
panandang binibigkas nasa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa
at nagkakaugnay-ugnay ang isang pulutong ng mga tao.
3. Edward Sapir (1949)- Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.
4. Caroll (1954)- Ang wika ay isang Sistema ng mga sagisag na binubuo at
tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng
maraming dantaon at pagbabago sa bawat henerasyon, ngunit sa isang
panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi
na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi
ng pangkat o komunidad.
5. Todd (1987)- Ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa
komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na
tunog kundi ito ay sinusulat din. Ang tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at
sistematiko. Dahil ditto, walang dalawang wikang magkapareho bagaman ang
bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin. Sa pagpapakahulugan ni
Buensuceso- ang wika ay isang arbitraryong Sistema ng mga tunog o ponema
na ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan. Ayon naman kay Henry Gleason,
ang wika ay masistemang balangkas nang sinasalitang tunog, na pinili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa
isang kultura.

Halos lahat ng kahulugan ay tugma sa isa’t isa, maaaring nababago sa pagkakabuo


subali’t iisa ang layunin ng mga pahayag na ito. Ang ipaalam o ipabatid ang kahulugan
at kahalagahan ng wika sa buhay ng tao. Wika rin ang sumasalamin kung anong uri ng
pamumuhay mayroon ang ninunong pinagmulan at nang dahil sa wika ay naitatala at
nailalarawan ng mga tao ang kanilang karanasan, kultura at sining, kaya masasabing
sangkap ng kultura at sining ang wika. Sa pamamagitan ng wika ay nagkakaroon ng
kakayahang makapagpahayag ang tao ng kanyang karanasan sa kanyang kapuwa.

1.4. Gamit ng Wika


Ang mga Pilipino ay sadyang masalita at mahilig makikipag-usap kanit kanino
maging sa mga dayuhan. Bagama’t ang bawat pamayanan o bansa ay may sariling
wika na tangi sa iba pang wika, ang mga wikang ito ay may magkakatulad na gamit at
layunin. Ang mga sumusunod ay mahahalagang gamit ng wika:
5
1. Ang wika ay ginagamit upang Mag-leybel, Magtakda at Maglimit
Likas sa atin na agad nilalagyan ng antas o leybel ang mga tao o bagay na
nakikita sa paligid. Ang pag-aantas ay maaaring panlahat gaya ng tao, hayop,
halaman para mapaghihiwalay ang iba’t ibang klase ng mga bagay. Sa pagbibigay
order sa isang organisasyon gaya ng kolehiyo o Pamantasan, may mga leybel tayo
gaya ng presidente, dekano/a, puno, propesor at iba pa. Malimit naging tiyak ang
mga leybel. Halimbawa, sa ating tahanan agad tayong binibigyan ng pangalan ng
ating mga magulang pagkapanganak sa atin (Mechor, Francisco, Crispina, Melagros
at iba pa). Bakit mahalaga ang mga leybel? Kung iisipin natin, ang mga leybel na ito
ay nagsisilbing batayan natin sa ating pakikitungo sa ibang tao (Fortunato at Valdez,
1995). Halimbawa, sa ating pamilya itinuturo ang mga leybel na tatay, nanay, kuya,
ate, tiyo, tiya at mga leybel na ito ang nagtatakda ng ating kilos at kung paano natin
pakikitunguhan ang mga taong iyon.

2. Ang wika ay nag-eebalweyt


Ang bawat salitang ating binibitiwan patungkol sa isang bagay ay kalimitang may
bahid ng nosyong positibo o negatibo batay sa salitang ating gagamitin
(Richards,1965). Ebalwatib ang wika kung ginagamit natin ito sap ag-aases opag-
uuri ng isang tao o bagay. Halimbawa, ebalwatibo ang leybel na ikakapit natin sa
mga tao dahil nagiging dahilan ang mga ito para maging positbo o negatibo ang
pakikitungo sa mga tao: pangit, maganda, pandak, matangkad, bobo, matalino,
maputi,maitim at iba pa. Kapag sinasabi nating “takaw-away” ang isang tao,
itinatakda kaagad natin ang hangganan ng mga maaaring ikikilos ng taong iyon. At
kung minsan, pati na ang taong ating kinakausap ay naniniwala rin sa leybel na
ating ikinakapit sa isang tao gayong hindi pa nila kakilala. Dahil may ebalwatibo na
komponent ang bawat salitang ating ginagamit sa pakikipagtalastasan, kailangan
natin ang maingat na pagpili ng mgabibitawang salita upang maiwasan ang
makasakit ng ibang damdamin. Ebalwatibo ang wika kung ginagamit ito sa pag-
aases o pag-uuri ng isang tao o bagay.

3. Ang wika ay ginagamit sa pagtalakay ng mga bagay na labas sa ating


kasalukuyang karanasan.
Tungkol sa ating paniniwala sa ating mga palagay o paniniwala tungkol sa isang
bagay o pangyayaring naganap na o maaaring mangyari dahil sa wika. Sa
6
pamamagitan ng wika, magagawa rin nating talakayin ang ating kalagayan sa
darating na panahon, mabalikan at masuri ang mga nakaraang usapang isa tayo sa
mga kalahok o di kaya’y mabatid ang mga pangyayari sa kasaysayan na
humuhubog sa ating daigdig. Nagagawa rin nating matuto sa naging karanasan ng
ibang tao dahil sa wika. Anupa’t lahat halos ng kaganapan sa ating buhay kahapon,
ngayon at bukas ay nagagawa nating maunawaan at mapahalagahan dahil sa
wikang ating ginagamit sa araw-araw.

4. Iba pang gamit ng wika


Ayon sa pananaw ng semantika, may tatlong gamit ang wika (1) Ang wika ay
nagbibigay ng impormasyon, (2) Ang wika ay nagse-set-up; at (3) Ang wika ay nag-
uutos (Hayakawa,1979). Sinasabing ang wika ay nagbibigay ng impormasyon kung
nadaragdagan ang ating dating kaalaman ng mga salitang ating ginagamit. Halimbawa:
Maraming tumulong sa nasalanta ng bagyo, Bumabaligtad ang dyip. At iba pa.
Ginagamit din ang wika para sa itakda ang saklaw ng mga kahulugan.
Halimbawa, ano ang bawndering sinasaklaw ng salitang lolo at lola para sa magulang?
‘LOLO, AMA/TATAY NG IYONG MGA MAGULANG”. “LOLA, INA/ NANAY NG IYONG
MGA MAGULANG.”
Isa pang gamit ng wika na pamilyar sa ating lahat ay nag-uutos ang wika. Halos
araw-araw ay bukambibig nating lahat ang ganitong gamit ng wika---Pakisunod
naman. Magbayad nang maaga. Magdala ka ng payong. Iwasan ang
droga.Uminom ka ng gamot. Sa ganitong gamit ng wika, malinaw na may inaasahang
sagot o ganting kilos ang pinaghatiran ng utos. Sa gamit na ito ng wika, mapapansin
natin na ang mas malakas o nakatataas ang madalas na mag-utos, at Malaki ang
posibilidad na susundin ang utos.

Gawain:
I. Pagmumunihan: Gawin ito sa hiwalay na sagutang papel.
Isaisip ang angkop na Teknik sa pagsulat na isang komposisyon na natutuhan mo na.
Inaasahang kong magagawa mo ito nang maayos.
1. Pagkatapos mong basahin at unawain ang iba’t ibang despinisyon o kahulugan
ng wika, sabihin kung alin ang natamin sa iyong isipan. Ano anong mga salita
ang karaniwan sa mga depinisyon? Ano ang ipinahihiwatig ng mga ito kaugnay
ng pagtuturo ng wika?
7
II. Kilalanin ang tinutukoy sa bawat bilang.
1. Si Haring Thot ang manlilikha ng panalita o wika para sa kanila.
2. Ayon sa teorista, sila raw ang pinakamatandang lahi.
3. Ang manlilikha ng wika nila sa lugar na ito ay si Amaterasu.
4. Siya ang nagsabing “Kung ano ang wika mo, iyon din ang iyong pagkatao.”
5. Kilala sa tawag na natibisko ang teoryang ito.
6. Sa China, naniniwala sila na siya ang Son of heaven na pinanggalingan ng wikanila.
7. Ayon sa kanya, kung walang nabuong wika, walang umusbong na kultura.
8. Isang Sistema ng simbolikong komunikasyon na gumagamit ng mga tunog at kilos.
9. Tunog mula sa ritwal ng mga sinaunang tao at daan upang magsalita ang tao.
10. Pinaniniwalaang ang wika ay galing sa instinktibong pagbulalas.

ARALIN 2: ANG ESTRUKTURA NG WIKA

Panimula
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang subsistem upang mapag-aralan nang lubos
ang mga natatanging komponent nito. Kasama dito ang ponolohiya, morpolohiya,
sintaks, semantik at pragmatik.
Sa pagkakataong ito, babaybay natin nang isa-isa ang mga estrukturang ito sa
malayang pagtanaw bilang mga guro na magtuturo ng Filipino sa elementarya.
Ang ponolohiya ay pag-aaral sa sistema ng palatunugan ng isang wika. Ang
morpolohiya ay kung paano binubuo ang mga salita. Sintaks ay pag-aaral sa estruktura
ng mga pangungusap. Semantika ay pag-aaral ng mga pagpapakahulugan ng isang
wika. Pragmatiks ay paggamit ng wika sa kontekstong sosyal.
Ang mga komponent na ito ang bumubuo ng hirarkiya sa pag-aaral ng wika mula
sa pinakamaliit na yunit ng mga tunog hanggang sa masalimuot na mga diskurso.
Gayunpaman, ayon sa mga simulain ng pagkatutong brain-based (Caine at Caine,
1991;Hart,1975), magagawang maiproseso nang sabayan ng ating isipan ang mga
kabuuan at mga partikular na bahagi ng wika. Nangangahulugan lamang ito na
natutuhan ang wika na walang sinusunod na hirarkiya o pagkakasunod-sunod.

Layunin
1. Naibibigay ang kahulugan ng wika pati na ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.
8
2. Naiuugnay ang iba’t ibang estruktura ng wika at mga terminong ito sa karanasan
ng mga Pilipinong mag-aaral.

Pagtalakay
Ang inyong matutunghayan sa iba ay ang iba’t ibang estruktura ng wikang
Filipino.

2.1. Ponolohiya: Mga Hulwarang Tunog ng Wika


Ang ponolohiya ng isang wika ang paraan kung paanong ang mga tunog ay
makabubuo ng mga hulwaran. Ang kaalaman sa ponolohiya ng isang nagsasalita o
nag-aaral ng wika ay makatutulong upang makabuo ng makabuluhang utterances ang
nagsasalita at matutukoy niya kung ano ang makabuluhan at di makabuluhang tunog sa
kanyang wika. Halimbawa, karaniwan sa mga salitang Filipino ang insiyal na tunog
ng /ƞ/ ngunit magiging mahirap itong bigkasin para sa mga nagsasalita ng Ingles dahil
alam nilang hindi ito hulwarang Ingles.

1. Mga Ponemang Segmental (Katinig at Patinig)


Ang mga ponema ay mga tunog na nakapaloob sa isang wika. Ito ay mga
makabuluhang yunit ng tunog na “nakapagpapabago ng kahulugan” kapag ang mga
tunog ay pinagsasama-sama upang makabuo ng mga salita. Ang Filipino ay binubuo ng
21 ponema. Limang (5) patinig /a, e, i, o, u / at labing-anim (16) na katinig /p, b, t, d, k,
g, m, n, ƞ, h, s, l, r,y, w/.
Pag-aralan ang pares ng mga salita na nagpapakita ng pagiging makahulugan
ng ilan sa 16 na ponemang katinig sa Filipino:
/p/ /pa.lah/ ‘shove’ /kupkop/ ‘cared for’
/b/ /ba.lah/ ‘bullet’ /kubkob/ ‘surrounded’
/t/ /patpat/ ‘stick’
/d/ /padpad/ ‘drift’
/k/ /kuloƞ/ ‘encircled’
/g/ /laket/ ‘locket’
/r/ /raket/ ‘racket’

2. Mga Ponemang Suprasegmental


Ang ponemang suprasegmental ay makabuluhang yunit ng tunog na karaniwang
hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, kinakatawan ito ng mga
9
notasyong ponetik upang matukoy ang paraan ng pagbigkas. Kasama sa supra
segmental ang diin, tono, intonasyon, punto at hinto.
A. Diin. Ginagamitan ng dalawang guhit na pahilis (//) at ditto ipinaloloob ang mga
notasyong ponemiko na kakatawan sa paraan ng pagbigkas ng isang salita. Ang
tuldok /./ ay ginagamit na pananda upang matukoy ang pantig ng salita na may
diin at nangangahulugan ng pagpapahaba ng naturang pantig na lagging may
kasamang patinig. Halimbawa:

/ba.soh/ ‘glass ‘ /pagpapaha.ba/ ‘lengthening’ /sim.boloh/


‘symbol’
Samantala, kumakatawan ang panandang /’/ sa mga ponemang patinig na may
impit at ang /h/ sa pagbigkas nang may bahagyang hangin na lumalabas sa
notasyong ponemik. Walang salitang nagsisimula o nagtatapos sa mga tunog
na /a,e,I,o,u/. Dahil dito, ganito ang magiging notasyon kung ang salita ay may
inisyal at pinal na tunog na patinig. Halimbawa:
/’abalah/ ‘busy’ ( may impit sa unahan at may bahagyang hangin sa
hulihan )
/’asiwah’/ ‘uneasy’ ( kapwa may impit sa inisyal at pinal na tunog )
Mahalaga ang diin sa wikang Filipino sapagkat sa pagbabago ng mga diin sa
isang salita, nagbabago rin ang kahulugan ng salita. Halimbawa:
/tu.boh/ ‘pipe’
/tu.bo’/ ‘spout’/
/maƞ.ga.ga.mot/ ‘doctor’
/maƞga.gamot/ ‘will treat’
/kaibi.gan/ ‘friend’
/ka.ibigan/ ‘lover’
/kasa.mah/ ‘companion’
/kasamah/ ‘tenant’

B. Tono, Intonasyon at Punto


Tumutukoy ang intonasyon sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita na
maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag. Pansinin sa sumusunod na
halimbawa kung saan inihuhudyat ang pagtaas at /o pagbaba ng tinig.
1. Pagsasalaysay/Paglalarawan
Dumating sila ka/ga/bi. Maling talaga si/ Wil/ma.
10
2. Masasagot ng OO o Hindi
Toto/o? Tayo i/yon, di/ba?
3. Pagpapahayag ng matinding damdamin
Na/ku, may na/ba/ril! /Hoy! Upo/ kayo!
4. Pagbati
Magandang u/ma/ga. Kamusta/ ka? Mabuti po naman.
5. Pagsagot sa tanong
Oo, kakain na a/ko. Hindi. Hindi na ako a/a/lis!
Hindi dapat ipagkamali ang intonasyon sa punto o tono ng pagsasalita. Ang
punto ay tumutukoy sa rehiyunal na tunog o accent. Kahit na sa rehiyong Tagalog, iba
ang punto ng mga taga-Laguna at mga taga-Cavite kahit na mga taga-Bulacan at mga
taga-Rizal ay iba rin ang kanilang punto sa pagsasalita. Karaniwan sa isang probinsya
na iisa ang wika, may iba’t ibang punto rin ang iba’t ibang bayang sakop nito.
Samantala, ang tono ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin.

C. Hinto
Ito ay nangangahulugan ng pagtigil sa pagsasalit na maaaring panandalian habang
sinasabi ang isang pangungusap,o pangmatagalan bilang hudyat ng pagtatapos ng
pangungusap. Sa pagsulat, inihuhudyat ng kuwit (,) ang panandaliang paghinto at ng
tuldok (.) ang katapusan ng pangungusap. Tulad ng diin, mahalaga ang paggamit ng
hinto sa tamang bahaging pangungusap dahil maaaring maiba ang kahulugan ng
pangungusap sa ibaba, gumamit ng isang pahilis na guhit (/) para sa isang saglit na
paghint at ng dalawang pahilis na guhit (//) para sa pagtatapos ng pahayag. Halimbawa:
Aki Mae Briones ang pangalan niya.//
(Si Aki Mae Briones ang tinutukoy sa pangungusap at binanggit ang buo niyang
pangalan.)
Miguel/ Jomar Empaynado ang pangalan niya.//
(Kinakausap si Miguel at ipinakikilala si Jomar Empaynado.)
Si Antonio/Miguel/ ang aking abogado.//
(Kausap si Miguel ng nagsasalita at binibigyang-diin sa kanya na si Antonio ang
abogado nito.)

2.2. Morpolohiya: Ang mga Salita ng Wika


Ang morpema ay pag-aaral ng mga makabuluhang yunit ng salita ng isang wika.
Ito ay ang pinakamaliit nay unit ng isang salita na may kahulugan. Halimbawa, ang
11
salitang mapera ay binubuo ng dalawang morpema: {ma-}+{pera} (panlaping ma na
may taglay na kahulugan “marami” na isinasaad ng salitang ugat) sa halimbawang
mapera, maaaring ang ibig sabihin nito ay maraming pera. Pansinin ang iba pang
halimbawa: matao, madamo, magalis, marumi, mabisyo at ina pa. At gaya ng alam
natin, ang salitang ugat na kahoy ay nagtataglay rin ng sariling kahulugan. Hindi na ito
mahati pa sa maliliit nay unit na may kahulugan.
Samantala, pansinin na ang salitang lalake, bagama’t binubuo ng tatlong pantig
na tulad ng maganda, ay binubuo lamang ng isang morpema. Hindi morpema ang
sumusunod na maaaring hanguin sa lalake: la, e, lala, lake, lak, ala, alak. Maaaring
may maibigay tayong kahulugan sa alak, ngunit gaya ng binanggit, malayo na ang
kahulugan ng mga ito sa lalake.

Mga Uri ng Morpema ayon sa Kahulugan


Mayroong dalawang pangkalahatang uri ng morpema ayon sa kahulugan, Una,
mga pormemang may kahulugang leksikal, at Ikalawa, mga morpemang may
kahulugang pangkayarian. Halimbawa sa pangungusap na: Naglaro ng basketball sa
plasa ang mga koponan.
Ang mga katagang ng, sa at ang mga ay walang tiyak na kahulugan sa kanyang
sarili di tulad ng mga salitang basketball, plasa, koponan. Ang mga katagang binanggit
ay makapagpapalinaw ng kahulugan ng buong pangungusap. Gayundin, iniuugnay ng
mga ito ang mga sangkap na dapat pag-ugnayin, o pagpapakilala kaya ng gamit sa
pangungusap ng isang salita. Ang ng ay nagpapakita ng kaugnayan ng naglaro, at
basketball. Ang sa ay nagpapakita ng kaugnayan ng basketball at plasa; ang, ang mga
ay nagpapakitang ang kasunod na pangalan ay nasa kaukulang palagyo. Kaya
masasabing ang bawat isa ay kailangan sa kayarian ng pangungusap. Hindi sinasabi
ng taal ng nagsasalita ng Filipino ang---* Naglaro basketball plasa koponan. (Ang may
asteriko sa unahan ng mga pahayag ay naghuhudyat na hindi ito tinatanggap sa wikang
pinag-uusapan.

2.3. Sintaksis: Ang mga Hulwarang Pangungusap ng Wika


Ang sintaksis ay tumutukoy sa estruktura ng mga pangungusap at ang mga
tuntuning nagsisilbing patnubay sa pagsasabi ng kawastuhan ng isang pangungusap.
Ang mga pangungusap ay binubuo ng mga morpema, ngunit ang pakahulugan sa
pangungusap ay higit pa sa kabuoan ng kahulugan ng mga morpema. Ang
pangungusap na “Pinakanta ng maestra ang klase,” ngunit magkaiba ito ng kahulugan;
12
at ang hanay ng mga morpemang **ang pinakanta titser klase ng” ay walang
linggwistikang kahulugan.
May mga tuntunin sa balarila na nagtatakda kung paano pagsasamahin ang mga
morpema at mga salita para makapagpahayag ng isang tiyak na pagpapakahulugan. Ito
ang tinatawag na mga tuntuning sintaksis ng wika.
Lahat ng taal na nagsasalita ng wika ay may kakayahang matukoy ang tama at
hindi tamang kombinasyon ng mga salita. Kahit na nga ang batang taal na nagsasalita
ng Tagalog ay alam na ang damit at bago ay makabuluhan, subalit agad niyang
masasabi na *ang ay bago damit” ay hindi. Ang sintaktikong kaalamang ito sa
katutubong wika ay hindi itinuturo sa paaralan ngunit magkakahugis sa isipan habang
natutuhang salitain o natatamo ng mga bata ang kanilang unang wika.

2.4. Semantika: Ang mga Kahulugan ng Wika


Ang semantika ay ang pag-aaral ng mga kahulugan ng isang salita at ng
mahahalagang yunit ng salita gaya ng mga parirala at mga pangungusap. Ang mga
tagapagsalita ng isang wika ay may likas ng kaalaman sa salita at parirala ng kanilang
wika kaya naman nagagawa nilang bigyang kahulugan ang mga ito kung sakaling
gamitin nila sa pakikipagtalastasan. Kapag ang mga tagapagsalita ay gumagamit ng
wika upang makalikha ng pagpapakahulugan sa isang kaganapan na nangyayari sa
daigdig na kanilang ginagalawan, kailangan paglapatin nila ang kahulugan ng wika
gaya ng pagkaalam nila sa maraming pagkakataon na ito ay lumitaw. May mga salitang
nagtataglay ng mataas na degri ng katatagan at pagkakatulad ayon sa kung paano ito
ginagamit. Halimbawa: sampal, isang pandiwa, ay kailangang iugnay sa kamay dahil
mali kung sasabihing “ sinampa; niya ako ng kanyang paa”). May mga salita naming
maraming kahulugan, Malabo ang kahulugan o di kaya namay kontrobersyal ang
kahulugan, at mga salitang mayaman sa pahiwatig.
Ayon kay Maggay (2002), ang ating kultura ng komunikasyon ay umiinog sa
daigdig ng paghihiwatigan. Dagdag pa niya, ang pahiwatig ay isang katutubong
pamamaraan ng pagpapahayag na di tuwirang ipinapaabot ngunit nababatid at
nahihiwatigan sa pamamagitan ng matlas na pakiramdam at matunog na pagbabasa ng
mga himaton; o ng mga berbal at di berbal na palatandaang kaakibat nito. Isa itong
mensaheng mataas ang pagkaalangainin (ambiguity), ang di pagkatiyak na kahulugan.
Kadalasan namamalas ito sa mga okasyong ang ipinahahayag ay maselan, kahiya-
hiya, at tigib ng panganib na makasakit ng loob o di kaya’y makayurak ng dangal ng
tao.
13
Ilang kaugnay na salita ng pagpapahiwatig ang mga sumusunod:
1. Mga salitang nagsasaad ng sinadyang pahilis na pagpuntarya.
Halimbawang salita: Pahaging, Padaplis
2. Mga salitang ang pinag-uukulan ng mensahe ay hindi ang kaharap ma kausap
kundi ang H nakikinig.
Halimbawang salita: Parinig, Pasaring
3. Mga salitang humihikaya’t ng pansin sa pamamagitan ng pandama.
Halimbawa: Padamdam, Papansin
4. Mga salitang nagpapahayag na waring nasasaling o di kaya’y nagpapahiwatig ng
isang bagay na ayaw o kinayayamutan.
Halimbawa: Sagasaan, Paandaran

Ang pahiwatig ay maaaring:


1. Berbal- binibigkas gaya ng parinig o pasaring;
2. Di Berbal- ipinapahayag sa pamamagitan ng katahimikan o pagsasawalang-kibo;
3. Kombinasyon ng berbal at di berbal gaya ng paglalambing o kaya’y pagtatampo
o pagpapakita ng sama ng loob sa pamamagitan ng pag-irap, pagsimangot,
paglabi at iba pa.

2.5. Pragmatiks: Ang impluwensya ng Konteksto


Ang pag-aaral kung paanong naapektuhan ng konteksto ang interpretasyon ng
wikang ginagamit sa komunikasyon ay tinatawag na pragmatiks. Ang pragmatiks o
pragmatika ay tumutukoy sa mga kaalamang extralinguistic na dapat na taglayin ng
isang nagsasalita upang makapagtamo ng kahulugan mula sa isang sitwasyong
komunikatibo. Isang bahagi ng kaalaman ay sitwasyunal, na may kaugnayan sa mga
batayang hulwaran ng interaksyon ng mga tao. Isang kaugnay na bahagi ng kaalamang
ito ay ang pag-iiba-iba ng mga hulwaran ng interaksyon ayon sa kultura ng mga taong
gumagamit ng wika.

A. Ang mga Iskrip o Hulwaran


Ang bawat sitwasyon ng komunikasyon ay kalakip ng mga inaasahang
kaganapan sa pakikipagpalitang kuro at kasama nito ang isang iskrip upang mailapat
14
ang mga ito. Halimbawa, sa ilang piling restoran, tumitigil sandali ang mga kostumer sa
bungad ng restoran upang hintayin kung mayroong mag-eeskort sa upuan. Bago pa
man sila umupo ay may inaasahan na silang ganitong mga tanong: “Ilan po sila?” at
“smoking ba o non-smoking?” Sa pagpapatuloy ng iskrip, kung nakaupo na, inaasahan
nilang may weyter na lalapit, ibibigay ang menu, at itatanong kung ano ang gustong
inumin bago mag-order ng pagkain. Ang pagpapalitang usapan na ito ay may
sinusunod na mahuhulaang pagkakasunod-sunod at kailangan ang kaalamang
pragmatiko upang dumaloy ang diyalogo o usapan.
Ang mga fastfood restoran ay may katulad na iskrip subalit tiyak na iba ito sa
naunang binanggit. Nakatatawag ka na ba ng telepono na answering device ang
sumagot? Ano-ano ang mga istkrip o pagkakasunod-sunod ng diyalogo? Mailalahad mo
ba? Bilang isang Gawain ito.

B. Ang Kontekstong Kultural


Sa pagpapakilala ng mga Japanese ay lagi nang kasama ang inaasahang
pagyukod at mag-iiba-iba rin ang kilos na ito ayon sa istatus ng kausap. Ang gawi sa
pakikipag-usap sa pagpapakilala ay lagging kakambal ng mga kombensyong sosyal na
magkokontrol kung ano ang inaasahan ng bawat partisipante sa isang akto ng
komunikasyon. Ipinahihiwatig ng pramatika na nakalukob sa anumang wika ang
kontekstong kultural. Balik-tanawin natin ang pragmatiks na nagaganap sa isang
klasrum: bibigyan-pansin ng guro ang isag batang wari’y di alintana ang gawaing pag-
upuan nang ganito “Tapos ka na ba sa iyong ginagawa? Sa ibang kultura kung positibo
ang tugon ng bata, inaasahan ng bat ana makaririnig siya ng papuri sa guro; ngunit sa
mga klasrum sa Amerika, ang ganitong tanong ay maaaring maghudyat ng kailangan
ng mag-aaral na bigyang pokus ang kanyang ginagawa at huwag mag-aksaya ng oras.
Ang pragmatikong konteksto ng sitwasyong inilahad ay nagbabadya na dapat ipakita ng
bata ang pagpapahalagang kultural ng kasipagan at direksyong pansarili. Sa ganitong
kalagayan, maaaring ang anumang paghuhusga na igagawad ng guro hinggil sa
kakayahang akademiko ng mga mag-aaral ay dapat na nakabatay sa kanilang
kakayahang tumugon sa mga katangiang pragmatiks ng diskursong pangklasrum. Kung
magkakaganito, ang tuwirang pagbibigay atensyon sa ganitong mga katangian ay
maaaring maging susi sa pagtatagumpay ng mga mag-aaral sa klasrum (kapag sinabi
kong oras ng tanghali, kailangang iligpit na ang mga gamit at ihanda na ang baong
pananghalian). Isang paraan ito upang magkaroon ng kamalayam ang mga mag-aaral
sa pragmatikong katangian ng wika.
15
Gawain:
Gawin ito sa hiwalay na sagutang papel.
Gawain 1. Magbigay ng tiglimang (5) sariling halimbawa sa mga sumusunod:
1. Ponemang segmental
2. Ponemang suprasegmental
a. Diin
b. Tono
c. Intonasyon
d. Punto
e. Hinto
Gawain 2. Batay sa iyong ibinigay na mga halimbawa sa Gawain 1, iugnay mo ito sa
iyong pagtuturo ng Filipino sa elementarya/hayskul/kolehiyo man sa hinaharap.
Pangatwiranan ang iyong mga pagpapahayag.

ARALIN 3: TUNGKULIN O GAMPANIN NG WIKA

Panimula
Ang ponemik, morpemik, sintaktikk at semantik na komponent ng wika ay mga
bahagi ng estruktura ng isang wika, mga tuntungang bato ng karunungan ito.
Gayunpaman, ang estruktura ay bahagi lamang ng sistema ng wika. Ang isang sistema
ng pagpapakahulugan an nakabigkis sa estruktura. Sa pag-aaral ng wika, unang
nalalaman kung ano ang magiging silbi ng wika sa sarili, anong mga tungkulin ang
ginagampanan nito at pagkatapos at bubuoin ang kahulugan gamit ang mga salita at
mga pangungusap.

Layunin
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng gamit ng wika sa lipunan, pamilya at sa
sarili
2. Nakasusulat ng tig-isang true to life na halimbawa ang mga mag-aaral
3. Naiuugnay sa aktwal na kaganapan ang mga sitwasyon sa aralin
16
Pagtalakay
Naglahad si Halliday (1978) ng pitong (7) kategorya ng wika na mailalapat sa
mga diskursong pasalita o pasulat.

3.1. Tungkulin at Gampanin ng Wika


a. Wikang Instrumental- wikang ginagamit upang mabigyang tugon ang mga
pangangailangan.
Halimbawa: Gusto ko ng isang basong tubig. Sa halimbawang ito makikita ang
pangangailangan ng isang tao at ang nagging instrument upang mapunuan ang
naturang pangangailangan ay ang “isang basong tubig.”
b. Wikang Regulatori- wikang komokontrol o gumagabay sa kilos at usal ng iba.
Halimbawa: Ipasok mo na sa garahe ang kotse.
c. Wikang Interaksyonal- Wikang nakapagpapanatili at nakapagpapatatag ng
relasyong sosyal.
Halimbawa: Gusto mo bang sumabay sa aking pagpasok?
d. Wikang Personal- wikang ginagamit upang maipahayag ang sariling damdamin
o opinion.
Halimbawa: Mas gusto ko ang pulang kamiseta kaysa asul.
e. Wikang Pang-Imahinasyon- wikang ginagamit upang makapagpahayag ng
sariling imahinasyon sa malikhaing paraan.
Halimbawa: Ang trapiko ay isang simponiya.
f. Wikang Heyuristiko- wikang ginagamit upang maghanap ng mga impormasyon
o datos.
Halimbawa: Ano ba ang kinakain ng mga tarsier?
g. Wikang Impormatibo- wikang ginagamit upang makapaghatid ng impormasyon.
Halimbawa: Binubuo ng sampung katao ang aming mag-anak.

3.2. Ang Komunikasyong Di Berbal


Ito ay mga kilos ng katawan at kalidad ng tinig na kalukob ng mga mensaheng
berbal sa ating pakikipagtalastasan. Karaniwan itong ginagamit ng mga taong kabilang
sa isang kultura o komunidad ng wika at may kasunduang interpretasyon hinggil dito.
(Burgoon, 1994).
17
Ang mga di berbal na komunikasyon ay bahagi ng ating mga mensaheng berbal
kahit na ang mga ito ay isinasagawa nang wala sa loob o hindi kinukusa. Halimbawa
kapag sinabi ni Binz “Nakuha ko na” at pagbagsak na inilapag ang libro sa mesa,
mahihiwatigan na ang malakas na tinig ni Binz at ang pagbagsak ng libro, ay
pagbibigay-diin sa pakahulugang nais niyang ipahatid sa kausap.
Ang bawat kultura o komunidad ng wika ay may pinagkasunduang interpretasyon
o kahulugan sa anumang mensaheng di berbal. Kinikilala natin ang katotohanang
gumagamit ang mga tao sa iba’t ibang dako ng daigdig ng halos magkakatulad na mga
hudyat na di berbal, ngunit magkakaiba naming interpretasyon o pakahulugan ang
ikinakapit nila rito. Halimbawa, ang nguniti’y maaaring bunga ng isang magandang
karanasan, kasiyahan sa isang pagtatagpo, o di kaya’y isang panakip o pagtatago ng
pagkapahiya sa isang usapan.

Ilan sa mga komunikasyong di berbal ay nilalahad sa ibaba.


1). Mga kilos ng katawan- ito ay pinakapamilyar o kilala sa lahat ng di berbal na
komunikasyon. Ang mga paggalaw ng katawan katulad ng pagtingin, ekspresyon ng
mukha, kumpas ng kamay at tindig. Kinesiks ang tawag sa pag-aaral at
pagpapakahulugan ng galaw ng katawan.

A. Pagtingin
Ang pagtingin o pagtitig ay ang paraan kung paano natin pinagmamasdan ang ating
kausap. Mararaming tungkulin ang ginagampanan ng pagtingin sa ating
pakikipagkomunikasyon sa ating kapwa. Ang pagtingin ng diretso sa kausap ay
nangangahulugan ng ating interes o pagbibigay atensyon o pagpapahalaga sa ating
kausap. Maaari ring sa pamamagitan ng pagtingin ay masasalamin natin ang sensiridad
o kagandahang loob ng tao. Makikita rin sa paraan ng pagtingin o pagtitig ang iba’t
ibang uri ng emosyon gaya ng pagmamahal, pagkatakot o pagkagalit. Inilalarawan natin
ang mga taong nagmamahalan na malalagkit ang tingin; mayroong patraydor kung
tumingin, ayaw natin ang tinging nanunukat; mayroon din tayong tinatawag na ligaw
tingin; naghahangad na tingin; takaw-tingin at nakatutunaw na tingin.

Magagawa nating maimonitor ang bisa ng ating pakikipagtalastasan sa


pamamagitan ng pagpapahalaga sa galaw ng mata. Sa pamamagitan ng pagtingin,
malalaman mo kung nakikinig ang iyong kausap sa sinasabi mo o hindi. Kung
naniniwala ito sa iyong sinasabi o kung tumatalab sa damdamin ang iyong mga
18
pahayag. Ang dalas ng pagtitinginan ay nagkakaiba-iba ayon sa kung sino ang ating
kausap at ayon sa konteksto ng usapan. Bagama’t gawi na ng mga tao ang
pagtitinginan habang nag-uusap, lumalabas sa ilang pag-aaral na humigit-kumulang 40
bahagdan lamang ang itinatagal sa pagtingin ng nagsasalita, samantalang ang mga
tagapakinig ay 70 bahagdan (Knapp at Hall, 1992).
Mapapanatili natin ang higit na mabuting pagtingin kung-
 Ang paksang tinatalakay ay naaayon sa ating interes at kaalaman
 May malasakit o interes tayo sa reaksyon, puna, o mungkahi ng ibang tao
 Nasis nating maimpluwensyahan ang ibang tao

Iniwasan natin ang pagtingin kung----


 Wala tayong sapat na kaalaman sa paksang tinatalakay
 Hindi tayo interesado sa paksa o sa taong kausap
 Tayo ay nahihiya o di kaya’y may gusting itago

B. Ekspresyon ng Muka
Ang ating mukha ay nagtataglay ng tatlong set ng mga kalamnan (muscles) na
siyang nagkokontro sa mga kilos o galaw ng mga bahagi nito. Ang mga kalamnan
sa noo ang nagpapakilos sa ating mga mata, kilay, at ilong; ang mga kalamnan sa
mga pisngi at bibig, at sa baba. Nagagawang maihatid ng ekspresyon ng mukha ang
anim na batayang emosyon ng tao gaya ng kasiyahan, pagkakalungkot, pagkagulat,
pagkatakot, at pagkainis (Eksman at Friesen, 1975).

Ang kaluguran at kasiyahan ay maipakikita sa pamamagitan ng pagngiti. Ang


pagsimangot at pangungunot ng noo ay nagbabadya ng galit o lungkot. Ang
pagkindat ay galaw ng mukha na maaaring pakahulugan nang ganito: “Hello, kilala
kita at kilala mo ako; pero hindi tayo makapag-usap ngayon.” Huwag kang maniwala
sa sinasabi ko sa batang ito. Gusto ko lang na kumain siya ng gulay.” Ang pag-irap
ay isang galaw ng ulo na kasama ang pagtaas ng baba sabay baling ng mukha sa
kabilang direksyon. Ang kilos na ito kapag ginagawa ng isang babae na may
kasamang paglabi ay itinuturing na suplado o mahirap pakibagayan.

Ginagamit din natin minsan ang ating biig (pagnguso) sa komunikasyon. Tayo
lang yatang mga Pilipino ang kayang lamukusin ang ating mga labi para gamiting

19
panturo ng tao o direksyon. Bakit kaya mahilig tayong ngumuso? Marahil, sa ating
mga Pilipino, bastos ang manuro, at hindi magandang gamitin ang hintuturo bilang
panturo. Hindi ba’t malimit nating marinig kapag mainit na ang usapan ang ganito:
“Huwag mo nga akong duduro-duroin at malilintikan ka sa akin.” Sa ating kultura,
ang panduduro ay pang-iinsulto sa isang tao dahil maaaring ipahiwatig nito na kaya
siyang tapatan ng kalaban. Hindi rin maganda para sa mga Malaysian na sila ay
dinuduro maski pa sa loob ng klasrum. May paraan ang mga gurong Malay kung
nais nilang tawagin ang isang mag-aaral.

C. Galaw ng mga Braso at Kamay


Ang pagkaway ay pinakagamiting galaw ng kamay at braso. Ang kilos na ito’y
maaaring bunga ng ating pagnanais na maipaabot sa mga taong malayo sa atin ang
iba-ibang mensahe gaya ng: “Sige, paalam.” “Umalis ka na.” “Halika rito.” At marami
pang iba. Pinagagalaw natin ang ating mga kamay at braso maging ang ating mga daliri
kung may nais tayong ilarawan o bibigyang-diin. Kapag sinasabi ng tao na ganito:
“siguro mga ganito katas” o “mga ganito kahaba o kabilog”, natitiyak natin na may
kasama itong mga kilos o galaw ng kamay.

D. Tikas o Tindig
Ang pagkilos o pagtindig ay ang posisyon at paggalaw ng katawan. Maraming
pagpapakahulugan ang maibibigay natin kung babasahin ang iba-ibang posisyon o
kilos ng iba ibang bahagi ng katawan. Halimbawa: ang pagtayo ng patingkayad ay may
nangangahulugang may gusto kang abutin; ang biglang pagtalikod sa kausap ay
maaaring pakahulugan ng kawalang-galang; ang taong hukot at bagsak ang balikat ay
maaaring kinakabahan o natatakot. May mga lalaking nakatalikwas ang dibdib kapag
naglalakad at mayroon ding parang hari kung lumakad. Ano ang ipinapahiwatig ng
ganitong paraan ng paglalakad kaya? Ang mga sagot sa tanong tungkol sa kilos o
galaw na ito ay nakalahad na sa ating pinag-aaralan. Maaari ring may sarili din tayong
pagbibigay kahulugan tungkol dito.

2). Ang mga Kilos ng Katawan at Gamit Nito sa Komunikasyon


Sa bahaging ito ay makikita ang apat (4) na gamit ng katawan sa komunikasyon
1. Ang mga kilos ng katawan ay maaaring pamalit o kumakatawan sa mga salita o
parirala. Maaaari tayong makabuo ng isang talaan ng mga sagisag o di berbal na
mga simbolo na kumakatawan sa mga salita na karaniwang ginagamit sa
20
pakikipagtalastasan. Halimbawa, ang nakatikom na mga daliri at nakaturo sa
langit ang hinlalaki ay nangangahulugang “ayos ang lahat o okey,” kapag
ipinormang letrang V ang dalawang daliri ay nangangahulugan ito ng peace o
victory, ang pag-iling ng ulo ay “pag-ayaw o sagot na hindi”, ang pagtango ay
sagot na “oo”, ang pagkibit ng balikat ay maaaring pakahulugan ng “siguro,:
“Wala akong pakialam,” “Hindi ko alam.” Sa ilang pagkakataon ang konteksto ng
mga kilos ay itinuturing na anyo ng wika sa kanyang sarili gaya ng sign
language na ginagamit ng mga pipi at bingi.

2. Ang mga kilos ng katawan ay maaaring paglalarawan sa mga nais na


pakahulugan ng tagapagsalita.
 Upang bigyang-diin ang isang pahayag. Maaaring pasuntok na pukpukin ng
isang nagsasalita ang mesa habang sinasabi, “Huwag ninyo akong subukin.”
 Upang ipakita ang daloy o direksyon ng isang kaisipan. Maaaring pagalawin
ng isang guro ang kanyang kamay sa direksyong kaliwa-kanan kapag
sinasabi niyang “Ang pagbasa ay nagsisimula sa direksyong-pakanan.”
 Upang ihimaton ang isang lugar o posisyon. Maaaring sabihin at sabay turo
upang ilarawan ang isang bagay o pook. Maaaring gamitin ang mga kamay
habang sinasabi mong “Humigit-kumulang ganito katas ang mesang aking
ipinagagawa.”

3. Naipakikita ng mga kilos ng katawan ang mga ekspresyong berbal hinggil sa


mga damdamin. Halimbawa: Hindi mo maiwasang mapangiwi sa akin kung
natalisod ka sa isang malaking bato habang naglalakad.

4. Nagagaamit ang mga kilos ng katawan upang kontrolin ang daloy ng usapan.
Ginagamit natin ang pagbabago ng tingin, bahagyang galaw ng ulo, pagbabago
ng tindig, pagtaas ng kilay at pagtango upang ipahiwatig sa ating kausap kung
kailangang ipagpatuloy, Ulitin, linawin, tapusin ang kanyang sinasabi. Nagagawa
ng isang mahusay na tagapagsalita na maiangkop ang kanyang sinasabi at
paano niya ito sasabihin ayon sa mga kilos ng katawan ng ipinakikita ng kanyang
kausap.

3.3. Ang Paralanguage

21
Ito ay tumutukoy sa di berbal na tunog. Ito ay kadalasang ating naririnig at
nagsasaad kung paano sinasabi ang isang bagay. Ang paralanguage ay binubuo ng
pitch, bolyum, bilis at kalididad ng tinig kapag tayo ay nagsasalita. Magagawa ng isang
tapng mapunan, madagdagan o di kaya’y mapabulaanan o mapasinungalingan ang
pagpapakahulugang hatid ng mensahe kung kokontrolin niya ang apat na katangiang
ito ng tinig sa pagsasalita.

A. Pitch- ay ang pagtaas o pagbaba ng tono. Ang ganitong katangian ng tinig sa


pagsasalita ay karaniwang inaangkop kung sino ang ating kausap. Sa kulturang
Pilipino, batas nating sinusunod na kailangang mababa ang boses kapag
matanda ang kinakausap. Kung tataas man ang tono, maaaring mahiwatigan na
ang nagsasalita ay masaya kaysa nagagalit.
B. Bolyum- ay paglakas o paghina ng boses. May mga tao na likas na malakas ang
boses sa pagsasalita ngunit mayroon din naming malumanay kung nagsasalita.
Nagtataglay ka man ng malakas o mahinang boses, nagagawa ng taong
maiangkop ang bolyum ng kanyang boses ayon sa sitwasyon o tapik ng
talakayan. Lumalakas ang boses ng taong nasa panganib. Sa halos lahat ng
kultura, ang malakas na boses, mataas na tono, at mabilis na ritno ay
karaniwang nagbabadya ng panganib o paghingi ng saklolo. Kapag may
magnanakaw, kadalasan ay binubulalas natin at hindi natin ibinubulong ang
sumigaw ng: magnanakaw….magnanakaw….kundi MAGNANAKAW!
MAGNANAKAW! Sa mga klase sa paaralan, kung nais ng guro na makuha ang
atensyon ng isang maingay sa klase, magsasalita siya nang mahinang-mahina at
tiyak ang biglang pagtahimik ng lahat. Ganito rin ang maoobserbahan sa
umpukan ng mga taong masayang nagkukuwentuhan. Malakas ang kanilang
boses habang nagkukwento at halos naririnig ng bawat isa ang sinasabi sa
katabi. Ngunit kapag biglang humina ang boses at nagging pabulong ang
pagkukwento, asahan mo ang saglit na pagtahimik at ang lahat ay ipapako ang
tingin sa taong bumubulong- dahil sa paniniwala ng mga tao sa umpukang iyon
na mahalaga na ang impormasyon kapag ibinulong, kaya gusto itong marinig ng
lahat.
C. Bilis- ay ang tulin o dalas ng pagsasalita ng tao. Nagiging mabilis ang
pagsasalita ng isang tao kung sila ay masaya, natatakot, nininerbyos at
nagagalit. Ang taong nasosobrahan sa pag-inom ng alak ay nagiging madaldal
din. May pagkakataon din na malumanay kung magsalita ang ibang tao. Sa klase
22
halimbawa, kung gusto mong bigyang linaw ang isang pahayag o kaisipan,
ginagawa kong mahinay at banayad ang aking pagsasalita. Kung mayroong
mag-aaral na pasaway sa halip na sila’y taasan ko ng boses ginagawa ko ay
mahinay at mahinahon na pagsasalita.
D. Kalidad- ay klase ng boses sa pagsasalita. Ang bawat tao ay may sariling
taginting ng boses kapag nagsasalita; may matinis ang boses; may malagong na
boses; may paos na boses, may malamig na boses, may boses ipis, may boses
palaka, at may malamyos na boses.

3.4. Ang Paghaharap ng Sarili


Nagiging lubos ang pagkilala natin sa ibang tao sa pamamagitan ng kanyang
pananamit, pag-aayos sa sarili at kung paano niya pinahahalagahan ang oras o
panahon.

1. Pananamit at Pag-aayos ng Sarili


Mapapansin na ang ating pananamit at kung paano tayo nag-aayos ng sarili ay
may malaking epekto sa leybel na ikinakapit ng ibang tao sa atin- disente o hindi
disente. Ibig sabihin, mas madaling matukoy ang disente sa di disente ang isang
tao lalo na ang mga babae batay lamang sa suot na damit. Ganoon din sa
paggamit ng kolorete at make-up- mas disente sa tingin ng maraming tao ang
babaeng walang make make-up kaysa iyong may make-up. Kaya napapansin ko
minsan sa kampus ng unibersidad na may kakaibang pagtingin ang mga lalake
sa mga babaeng medyo iba sa karaniwan ang suot na damit. Kung gusto man
nilang magpakilala ay medyo magaspang ang kanilang dating. Ayaw man nating
tanggapin, parang nakatali sa pananamit ang pagiging kagalang-galang o
bastusin ng isang babae. May mga lalaki din kung minsan ang sumusuot ng
damit na masikip at halos mahuhulma na ang kanilang tinatago o kaya’y pilit na
ipinapakita ang kanilang abs para lang mapansin ng mga bakla o humosekswal
maging ng mga babae. Makikilala ang damit na signature kaysa hindi signature,
kaya tuloy marami ang nagnanais na makabili ng ganito ng sa ganoon
magkaroon sila ng high moral o mas mataas ang tingin sa kanila.

2. Katatagan
Ang katatagan ay tumutukoy sa ipinakikitang tiwala sa sarili ng isang tao sa lahat
ng pagkakataon. May mga pag-aaral na nagsasabi na 20% o bahagdan ng
23
popolasyon ang nagpapakita ng pagkabahala at pagkatakot kung may kaharap
na ibang tao o dayuhan, kung pagsasalitain sa harap ng maraming tao lalo na
kung pagsasalitain pa sa publiko (Richmond at McCroskey,1989). Ang
kahandaan sa paksa ay nakapagpapawala ng pagkatakot at nakapagbibigay sa
nagsasalita ng tiwala sa sarili. Kung alam ng nagsasalita ang kanyang sasabihin,
magiging panatag ang kanyang damdamin, makapagsasalita siya nang maayos
at makapag-iisip siyang mabuti. Nagbibigay rin ng tiwala sa sarili ng nagsasalita
ang pagharap nang maayos sa kausap. Ang kasanayan sa pagharap sa tao,
katulad ng kahandaan sa paksa, ay tumutulong sa nagsasalita na magkaroon ng
tiwala sa sarili. Kahit saan o sino ang kausap niya ay hindi siya kakikitaan ng
pangamba. Kailangan ang masigasig na pagsasanay upang magkaroon ng lakas
ng loob sa pagsasalita ang isang tao kahit kanino at kahit saan man.

3. Oras at Panahon
Naranasan ko na ring maghintay nang mahaba at matagal na oras sa pag-
aakalang darating pa ang aking kausap, subalit ni anino nito’y hindi ko nasilayan.
At nang magkita kami sa ibang araw parang walang nangyari. Maaaring sa iba’y
normal ang maghintay ng mahabang oras ngunit sa iba ‘y hindi. Malamang
sinasadya nilang dumating nang lagpas sa napagkasunduang oras dahil doon pa
lang talagang darating ang kanilang kausap, Filipino Time ang tawag dito ng
marami subalit ipagkikibit na lang natin ito ng balikat? Paano na kung
halimbawa’y may kakaibang oryentasyon sa oras at panahon ang ating
kakausapin o tatagpuin? Maaaring marami nga tayong oras na puwedeng
aksayahin, pero hindi maganda ang ganitong pag-uugali lalo na’t maraming
pinagkakaabalahan ang ating kakausapin o tatagpuin at walang sapat na oras o
panahon para sa paghihintay. Mas maganda kung tayo ay darating nang maaga
kaysa itinakdang oras. Katulad ng pagsisimba ng mga Katoliko kung saan
itinakda o naiskedyul ang oras ng misa, may mananampalataya man o wala
pagdating ng oras ay sinisimulan ng pari o obispo ang selebrasyon. Ganito sana
ang mangyayari sa mga akibidad na itinakda ng paaralan at unibersidad ng sa
ganoon ay magiging kasanayan ng lahat na kaparte sa naturang pangkat.

Tapos na ang ating pagtalakay sa bahaging ito, inaasahan ang iyong matatag at
masinsinang pagtalakay sa mga sumusunod na gawain:

24
Gawain:
Sagutin ito sa hiwalay na papel.
1. Bakit mahalaga ang wika sa iyo, sa iyong pamilya at sa lipunang iyong
kinabibilangan? Ipaliwanag sa pamamagitan ng tig-isang true to life na
halimbawa.
2. Manood ng isang palabasa sa aktwal o sa telebisyon. Tukuyin ang iba’t ibang
kilos ng katawan na ipinapakita ng mga ito. Pakahulugan ang mga kilos ayon sa
konteksto nito.
3. Mag-obserba ng isang pulutong ng mga tao sa loob ng simbahan. Itala ang iba’t
ibang kilos ng katawan na ipinapakita nito.

ARALIN 4: ANG BAHAGI NG PANANALITA

Panimula
Tatalakayin sa araling ito ang mga bahagi ng pananalita na karaniwang
ginagamit at pinag-aaralan sa wikang Filipino. Ang mga ito ay ang Pangngalan,
Panghalip, Pandiwa, Pang-uri, Pang-abay, Pangatnig, Pantukoy at ang Pangawing.

Layunin
1.Nakalilikha ng mga salita na batay sa mga istem na magiging bahagi ng sariling
bokabularyo
2. Nakabubuo ng mga pangungusap na base sa kakayahang linggwistika
3. Nagagamit ang mga natutuhan sa bahagi ng pananalita ng wikang Filipino sa
paraang pasulat man o pasalita

Pagtalakay
Nahahati sa dalawang uri ang bahagi ng pananalita sa makabagong pananaw sa
pag-aaral: ang pangnilalaman at ang pangkayarian. Ang salitang pangnilalaman:
Nominal (pangngalan at panghalip), Pandiwa, Panuring (pang-uri at pang-abay). Ang

25
salitang pangkayarian naman, Pang-ugnay (pangatnig, pang-ankop, pang-ukol), at mga
pananda (pantukoy at pangawing).

4.1. Pangngalan (Nawn)


Ito ay bahagi ng pananalita na panawag sa ngalan ng tao, bagay, pook at
pangyayari.
A. Kaurian ng Pangngalan
Maaaring pambalana o pantangi ang mga pangngalan. Pambalana ito kung ang
tinutukoy ay pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, pook, at pangyayari. Pantangi
naman kapag ang tinutukoy ay tiyak o tanging ngalan ng tao, bagay, pook, at
pangyayari at nagsisimula ito sa malaking letra.
Halimbawa:
Pambalana: unibersidad, lalawigan, textbook, estudyante, pantalon at iba pa.
Pantangi : Central Plaza, Tacurong City, Armando S. Dardo Jr. at iba pa.

B. Kailanan ng Pangngalan
Maaaring ito ay isahan, dalawahan, o maramihan. Matukoy ito sa pamamagitan ng
mga pananda, pang-uring panlalarawan at pamilang at pag-uulit ng unang pantig ng
istem.
Halimbawa:
Isahan: ang kapatid, ang rosas, si inay si president at iba pa.
Dalawahan: magkapatid, dalawang isda, dalawang nanay at iba pa.
Maramihan: magkakapatid, ang mga rosas, sina nanay at iba pa.

C. Kasarian ng Pangngalan
Ito ay maaaring panlalaki, pambabae, di-tiyak o pambalana at pambalaki o walang
kasarian (para lamang ito sa mga bagay na walang buhay.)
Halimbawa:
Panlalaki: kalakian, lolo, doktor, tatyaw, sastre at iba pa.
Pambabae: inahin, kabaihan, lola, doktora, modista at iba pa.
Pambalana: manok, kalabaw, nuno, manggagamot, mananahi at iba pa.
Pambalaki: kompyuter, lapis, papel, aklat, kotse at iba pa

4.2. Ang Panghalip (Pronawn)

26
Panghalili ito sa mga pangngalan. Maaari itong uriin sa: Panao o personal,
Pamatlig o demonstrative, Pananong o interrogative, Panaklaw o indefinit.

A. Panghalip Panao- mga panghalip ito na inihahalili sa ngalan ng tao o mga tao.
May tatlo itong panauhan: Unang panauhan ay tumutukoy sa taong nagsasalita
(ako, ko, kami, tayo, akin, kita, natin, naming, niya); Ikalawang panauhan ay
tumutukoy sa taong kausap (ikaw, ka, kayo, inyo, ninyo, mo, iyo); at Ikatlong
panauhan na tumutukoy sa taong pinag-uusapan ( siya, sila, niya, nila, kaniya,
kanila).
B. Pamatlig- panghalip ito na naghahayag ng layo o distansya ng mga tao o bagay
sa nagsasalita o kinakausap. (ito, nito, dito, ganito, iyon, niyan, ganiyan, niyon,
doon, ganoon, ire, ganire, nire, heto, hayan, hayon).
C. Pananong- mga panghalip na ginagamit sa pagtatanong, maaaring tungkol sa
tao, bagay, panahon, lunan o pangyayari (sino, kanino, ano, alin, magkano, ilan,
gaano, kalian, saan, bakit, paano)
D. Panaklaw- ito ay mga panghalip na sumasaklaw sa dami o bilang. Nahahati ito
sa dalawa: Walang lapi (iba, ilan, kapwa, isa, lahat, tanan, madla) at nilapian
(sinuman, kaninuman, anuman, alinman, gaanuman, paanuman, saanman,
kailanman).

4.3 Ang Pandiwa


Ito ay bahagi ng pananalita na nagbibigay-diwa sa isang lipon ng mga salita upang
mabuhay, kumilos, gumanap o papangyarihin ang anumang bagay. Ang batayang
anyo nito ay pinagsamang istem at panlaping makadiwa. Nababanghay ito batay sa
aspekto. Nagsasaad ng kilos na naganap na o hindi pa nasimulan o tapos na
gaganapin pa ang tinatawag na aspekto. Tatlo ang aspekto ng pandiwa: 1)
naganap, 2) nagaganap, 3) gaganapin. May tinatawag ding anyong newtral na
nasaanyong pawatas o pautos. Makikita sa sumusunod na halimbawa ang
pagbabagong anyo ng pandiwa ayon sa aspekto:
Halimbawa:
Neutral: umibig magbasa ayusin
Perfectiv: umibig magbasa inayos
Imperpektiv: umiibig magbabasa inaayos
Kontemplativ: iibig magbabasa aayusin

27
4.4 Ang Pang-uri
Ito ang mga salitang nagpapahayag ng katangian o mga salitang naglalararan. May
dalawang uri ito: Panlarawan at Pamilang at Pamilang.

Kaantasan ng Pang-uring Panlarawan


a. Lantay ang kaantasan ng pang-uri kapag nag-iisa lamang ang tinutukoy.
Halimbawa: Matalino at maganda si Regina
b. Pahambing ang kaantasan ng pang-uri kapag may pinagtutulad o pinag-
iiba. Dalawa ang uri nito: ang magkatulad at di magkatulad.

1.Magkatulad- ginagamitan ito ng mga panlaping sing, kasing, magsing, at magkasing.


Halimbawa: Magsingtaas ang magkakapatid na Roel at Roy.

2.Di Magkatulad- Nahahati sa palamang at pasahol ang antas nito. Palamang kapag
nakahihigit sa isa ang pinagtutulad at pasahol kapag kulang ang katangian ng isang
itinutulad.
Halimbawa:
Palamang: Higit ns malawak ang CLSU kaysa SLU.
Pasahol: Di gaanong maasim ang mangga tulad ng santol.

3.Padukdol- kapag walang tiyak na pinaghahambing, ipinapakilala ang pinakatampok


sa lahat o nangunguna sa lahat na katangian. Makilala ito sa pamamagitan ng mga
marker (di hamak na, lubha, totoo, sukdulan ng, hari ng, napaka, pinaka, saksakan ng)
Halimbawa: Totoong mapagbiro ang tadhana.

Pang-uring Pamilang
Ito ang pang-uring ginagamit sa pagsasabi ng dami o bilang. Ito ay maaaring:

1.Patakaran/Kardinal- likas at basal ang mga bilang na ito. Dito ibinatay ang iba pang
uri ng bilang.
Halimbawa: Wala o zero sandaan sangyuta

2.Panunuran/Ordinal- pantawag ito sa mga bilang na naghahayag ng pagkakasunod-


sunod, pagkakahanay, baitang o antas. Ginagamitan ito ng panlaping ika o pang na
ikinakabit sa patakaran.
28
Halimbawa: una/pang-una pangalawa/ikalawa

3.Pamahagi- ginagamit ito sa pagbabahagi o pagbubukod ng ilang hati sa isang


kabuuan at pamamahagi nang patas-patas o pag-aayaw-ayaw sa marami. Ginagamitan
ito ng ka, mang at tig.
Halimbawa: kalahati (1/2) tiglima

4.Palasak- ginagamit ito sa mga bilang na maramihan, minsanan o langkay-langkay.


Ang mga ito ay patakaran na hinuhulapian ng an, han. Nasa anyo rin ito ng pag-uulit na
ganap.
Halimbawa: dalawahan daan-daan

5.Patakda- ginagamit ito sa pagsasabi ng tiyak na bilang. Ang mga ito ay patakarang
hinuhulapian ng in/hin. Nasa anyo ito ng parsyal nap ag-uulit.
Halimbawa: isa dalawa lilibuhin

4.5 Ang Pang-abay


Ito ay bahagi ng pananalita na nagbibigay turing sa pandiwa, sa pang-uri o sa
kapwa pang-abay.
Halimbawa: Panuring ng Pandiwa
Ang buhay ay mahirap maunawaan.
Halimbawa: Panuring ng Pang-uri
Totoong maganda at mabait ang kanyang napangasawa.
Halimbawa: Panuring sa Kapwa Pang-abay
Talagang maraming kinanta ang dumating na panauhin.

4.6 Ang Pangatnig o konjanksyon


Isa itong pang-ugnay sa mga salita, parirala o sugnay. Maaaring ito ay panimbang o
pantulong. Panimbang kapag nag-uugnay ng magkatimbang na mga salita, parirala
o sugnay. Binubuo ito ng at, pati, ngunit, datapwat, subalit, o, ni, man, at maging.

Samantala, ang pantulong ay nag-uugnay ng isang sugnay na dumedepende sa


isang pangunahing sugnay. Binubuo ito ng kapag, kung, pag, samantala, habang,
sapagkat, samakatwid, upang, at nang.
Halimbawa: Pangatnig na Panimbang
29
Ang kaibigan ko pati ang kapatid niya.
Halimbawa: Pangatnig na Pantulong
Kapag wala nang nangungurakot, uunlad ang bansa.

4.7 Ang Pang-ukol o Preposisyon


Ang mga tinatawag na preposisyong ay mga kataga o salita lamang na nag-uugnay
sa pangngalan o panghalip sa ibang mga salita sa pangungusap. Mga kataga rin ito
na iniuugnay sa lugar, direksyon at kinauukulan. Kabilang sa mga halimbawa nito ay
ayon sa, alinsunod sa, tungkol sa, ukol sa, laban sa, para sa, hinggil sa, sa at ng.
Halimbawa:
Ang buhay ng mahirap ay madalas pag-ukulan ng pansin ng mga pintor.
Para sa marami ay naghihikahos na ang bansa.

4.8 Ang Pang-angkop o Linker


Dalawa ang anyo ng linker: na at ng. Ginagamit ang na kapag ang salitang iniuugnay
ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. Maaaring baligtarin ang salitabg pinag-uugnay
na hindi nagbabago ang kahulugan ngunit ang linker ay lagging nasa unang salita. May
ilang pagkakataong di maaaring pagbaligtarin. Halimbawa: anim nap iso hindi maaaring
pisong anim. Ang ng ay ginagamit kapag ang salitang inuugnay ay nagtatapos sa
patinig. Kapag ang salita nama’y nagtatapos sa n kinakaltas ang n at ginagamit ang ng.
Maaaring pag-ugnayin ang iba’t ibang salitang pangnilalaman.
Halimbawa:
Bahay na bato = batong bahay
Banig na plastik = plastik na banig

4.9 Ang Pantukoy/Marker/ Panandang Pansimuno


Ang mga pantukoy ay mga katagang ginagamit na pang-una sa tao, bagay, lunan o
pangyayari. Ang pantukoy ay nagbibigay-turing sa pangngalang tinutukoy at may
katangiang pagka-pang-uri. Ang si at ang maramihan nitong sina ay ginagamit na pang-
una sa mga ngalan ng tao. Ang ang at ang maramihan nitong ang mga at mga ay pang-
una sa mga pangngalang pambalana at sa mga pantanging hindi ngalan ng tao.

4.10 Ang Pangawing/Panandang Pampanaguri/Pampredikeyt

30
Ay ang panandang pampredikeyt. Matatagpuan lamang ito sa pangungusap kung hindi
karaniwan ang ayos nito. Sa Filipino, ang karaniwang ayos ng pangungusap ay
pinangungunahan ng pang-uri at sinusundan ng simuno.
Halimbawa:
Karaniwang ayos ng pangungusap = Panaguri + Simuno
Lalaki ang panganay nila.

Di- Karaniwang ayos ng pangungusap = Simuno + ay + Panaguri


Ang panganay nila ay lalaki.
Ang (ay) ay nagiging (‘y) kapag ang nauunang salitang ikakabit sa predikeyt ay
nagtatapos sa a,e,I,o,u, o w. Kapag nagtatapos naman sa n nawawala ang n at ‘y ang
inilalagay tulad ng:
Ang baya’y lugmok sa kahirapan.

Mga Gawain:
Gawin ito sa hiwalay na sagutang papel.

1. Magbigay ng tiglimang (5) halimbawa sa bawat uri ng pangngalan


A. Pambalana
B. Pantangi

2. Tukuyin ang mga pang-uring ginamit sa pangungusap kung ito ba ay


panlarawan o pamilang.
1. Dalawang malaking kambing ang nabili niya sa rantso.
2. Mas matalino so Roner kaysa sa kanyang kuya.
3. Nanguha sina Leo sa napakalawak nilang maisan ng sangyutang bunga ng mais.
4. Pinaka matangkad sa mga binatang naglalaro ng basketball ang anak ng
kapitbahay naming.
5. Hari ng tamad at batugan si Lito sa kanilang tahanan.

3. Punan ang patlang ng tamang pangatnig at preposisyon.


1. Maganda siya__ masungit siya kaya hindi siya nanalo sa timpalak kagandahan.
2. __Departamento ng Kalusugan wala ng COVID-19 sa Pilipinas.
3. Binaha ang Bagumbayan noong nakaraang linggo__bumaha rin sa Isulan.
4. Siya ay naparusahan__ sa itinadhana ng batas.
31
5. Si Nestor__si Marlon ang kalahok sa paligsahan.

4. Sumulat ng limang (5) pangungusap. Bilugan ang pang-angkop at


salungguhitan naman ang pantukoy.

BUOD NG KABANATA
Wika ang pinakaunang pangangailangan ng tao sa pagkikipagkomunikasyon.
Wika ang nagiging dahilan para matuklasan natin ang nakaraan, kabihasnan, kultura,
paniniwala at kung anong lipunan ang mayroon tayo sa ngayon at sa nakaraan. Wika
ang nagiging dahilan para sa ating magandang kinabukasan upang masulyapan ang
mga nagdaan at magamit natin bilang batayan para sa mas maganda at maayos na
pakikisalamuha sa lipunang ating ginagalawan.

Ayon kay Perla S. Carpio et. Al (2012), kung walang wika, walang mabubuong
lipunan. Kung walang lipunan, walang uusbong na kultura. Patunay lamang ito na
ang wika ang siyang buhay at hininga ng isang tao o bansa. Wika ang bubuo at
magbubuklod-buklod sa isang bansa. Ito ang magbibigay ng kulay sa dating buhay.

Ang wika, kultura, at lipunan ay magkakaugnay. Wika ang ginagamit ng tao


bilang instrumento sa kanyang pakikipag-ugnayan sa lipunan at kultura. Binanggit ni
Hoebel (1966) na ang isang lipunan o komunidad ay maaaring mabuhay nang walang
wika ngunit walang maunlad na kalinangan o kultura kung walang wika. Dito
umusbong ang pangangailangan niya para makikipag-usap, gamit ang wikang alam
niya. Bagaman tao ang may pangunahing pangangailangang makikipagtalastasan
subalit ginagawa rin ito ng ibang nilalang o mga hayop. Sinabi ni Eller (2009), ang
lahat ng nilalang maging ang mga halaman ay nakikipag-usap sa iba ibang paraan,
sa kahulugan ng pagpapadala at pagtanggap ng impormasyon.

Ano nga ba ang wika? Ano ang relasyon nito sa kultura at lipunan? Ang wika
ay isang Sistema ng simbolikong komunikasyon na gumagamit ng mga tunog at kilos
na pinagsama ayon sa mga panuntunan na nagbubunga ng mga kahulugang
napagkasunduan ng isang lipunan at nauunawaan ng lahat ng nakikibahagi sa wkang
32
iyon (Haviland et al,.2011 at Eller,2009).

Nakasalalay sa pasalitang wika ang mga tao upang makipagtalastasan sa


isa’t isa. Hindi maihihiwalay sap ag-unlad ng buhay ang kultura at lipunang
kinabibilangan ng tao. Higit pa, ang wika niya ay nakasalalay sa kultura at kanyang
lipunan. Ang wika ay kultura at ang kultura ay kumplekadong ideya na maaaring
nakapaloob sa kilos, galaw, at iba pang anyo. Ang dalawang mahahalagang salitang
ito ay nagging isang simbolo ng lipunan para makilala ang mga tao. Ang isang
kultura ay binubuo ng mga ideya at mga pananaw sa mundo na nagpapaalam at
nasasalamin sa pag-uugali ng mga tao. Ang masalimuot na ediya at mga paniniwala
ay nakapunla sa isang magkakaugnay na Sistema ng mga simbolo na nagsisilbing
komunikasyon sa pagitan ng mga miyembro ng isang lipunan.

Sa katunayan, maituturing na ang wika ay isang espesyal na Sistema ng


komunkasyong pasalita at pasulat Nailalahad ito sa paraang berbal at di berbal.
Simboliko itong natutuhan. Ito ay natutuhan sa isang lipunang kanyang kinabibilangan
at nababatay rin ang wikang ito sa kultura ng lipunang kinalakhan. Sa madaling pag-
unawa- Wika ang pangunahing nagpapahayag ng kultura. Ang kultura naman ay
repleksyon ng lipunang kinabibilangan ng bawat indibidwal. Kung ano ang wika at
kultura ng isang tao, bunga ito ng lipunang kanyang kinalakhan.

Wika ang isa sa mga dahilan kung bakit nakikilala ang kultura ng isang
indibidwal. Wika rin ang nagging tulay upang patuloy na buhay ang kultura ng isang
pangkat mula sa kauna-unahang panahon hanggang sa kauna-unahang panahon
hanggang sa kasalukuyan. Kapag ang sariling wika ay mamamatay, maglalaho rin
ang kulturang dala ng ginagamit na wika. Ito ay sa kadahilanang binubuo ang
Pilipinas ng multicultural na mga tao, higit na kailangang matutunan ng bawat is ana
ang daan tungo sa kapayapaan ay ang pagkilala at pag-unawa sa wika, kultura, at
lipunan na kinabibilangan ng isang pangkat. Sa pagtuturo ng Filipino sa ano mang
antas o leybel ng karunungan ay kailangan ang malawak na kaalaman sa wika.

EBALWASYON
Gawin ito sa hiwalay na sagutang papel
I. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
33
1.Pagkatapos mong basahin at unawain ang iba’t ibang kahulugan ng wika, sabihin
kung ilan ang natanim sa iyong isipan. Ano-anong mga salita ang karaniwang sa mga
kahulugan? Ano ang ipinahihiwatig nito kaugnay ng pagtuturo ng wika? (10 pts.)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang wika sa iyo, sa iyong pamilya, at sa lipunang iyong
kinaaaniban? Ipaliwanag sa pamamagitan ng tig-isang true to life na halimbawa.
Paghambingin ang iyong mga sagot. (10 pts.)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3.Paano mo maipaliliwanag ang mga di malay na kilos ng katawan ng mga tao na
kasangkot sa isang akto ng pakikipagtalastasan. Ano-ano ang ipinahihiwatig ng mga
kilos na ito kaugnay ng kanilang pag-iisip? Nang kanilang kahusayan sa wika?
Ipaliwanag. (10 pts.)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Sa isang nagsasanay sa pagkaguro, bakit mahalaga ang kaalaman sa mga berbal at
di berba; na komunikasyon? Maglahad ng sariling kaisipan at pangangatwiranan ang
sagot. (10 pts.)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. Isang puhunan ng guro sa kanyang pagtuturo ang pagkakaraoon ng kasanayan sa
mahusay na pagsasalita at pagkilatis sa mga kilos ng mga taong kaharap niya sa isang
akto ng pakikipagtalastasan. Sa iyong palagay, paano mo mapaghahandaan ang
ganitong puhunan sa pagtuturo? Ano-ano ang mga maaari mong gawin upang harapin
ang ganitong hamon? Pag-uusapan ito sa klase. (10 pts.)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

II. Malikhaing Gawain (50 pts.)

1. Kumuha ng isang larawan ng pulutong ng mga tao na maaaring manood ng


isang palabas. Tukuyin ang iba’t ibang kilos ng katawan na ipinapakita ng mga

34
tao sa larawan. Pakahulugan ang mga kilos ayon sa kontekstong ipinakikita sa
larawan.

2. Subukang pumasok sa isang klasrum ng elementarya at obserbahan ang isang


ipisodo ng talakayang pangklase. Itala ang ibat’ibang kilos ng katawan na
ipinakikita ng mga mag-aaral. Pakahulugan ang mga kilos. Ano-ano ang mga
maaaring ihudyat ng mga kilos ng katawan sa isang mabisang pagtuturong
pangklase? Pangatwiranan.

SANGGUNIAN
Abesamis, Norma R., et al. 2006. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Valenzuela
City: Mutya Publishing House, Inc.
Almario, Virgilio S. 1993. Filipino ng mga Pilipino. Manila: Anvil Publishing, Inc.
Amoncio, Ma. Perpetua E., et al. 2018. Diskurso sa Filipino. Malabon City: Mutya
Publishing House., Inc.
Austero, Cecilia S., et al. 2013.retorika at Masining na Pagpapahayag. Sta. Mesa,
Manila:
Rajah Publishing House.
Badayos, Paquito B. 2008. Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Filipino. .
Malabon
City: Mutya Publishing House., Inc.
Bernales, Rolando A., et al. 2019. Filipino Sa Iba’t Ibang Disiplina. Malabon City: Mutya
Publishing House., Inc.
Bernales, Rolando A., et al. 2007. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Valenzuela
City: Mutya Publishing House, Inc.
Bernales, Rolando A., et al. 2018. Retorika at Diskurso sa Wikang Filipino. Malabon
City:
Mutya Publishing House., Inc.
Buensuceso, Teresita S. 2006. Masaklaw na Filipino (Filipino 4 sa antas tersyarya).
Quezon City: Rex Book Store.

35
36

You might also like